سورة عبس بالفلبينية

  1. استمع للسورة
  2. سور أخرى
  3. ترجمة السورة
القرآن الكريم | ترجمة معاني القرآن | اللغة الفلبينية | سورة عبس | Abasa - عدد آياتها 42 - رقم السورة في المصحف: 80 - معنى السورة بالإنجليزية: He Frowned.

عَبَسَ وَتَوَلَّىٰ(1)

(Ang Propeta) ay kumunot at lumayo

أَن جَاءَهُ الْأَعْمَىٰ(2)

Sapagkat may bulag na lalaki na lumapit sa kanya (at nang-aabala, alalaong baga, si Abdullah bin Umm-Maktum, na pumaroon sa Propeta habang siya ay nangangaral sa isa o ilang pinuno ng Quraish)

وَمَا يُدْرِيكَ لَعَلَّهُ يَزَّكَّىٰ(3)

Datapuwa’t ano ang makakapagsabi sa iyo na baka sakaling siya ay maging dalisay (sa mga kasalanan at umunladsaispiritwalnapang-unawa)

أَوْ يَذَّكَّرُ فَتَنفَعَهُ الذِّكْرَىٰ(4)

osiyaaytumanggap ng pangaral at ang tagubilin ay maging kapakinabangan sa kanya

أَمَّا مَنِ اسْتَغْنَىٰ(5)

At siya na nag-aakala sa kanyang sarili na siya 940 ay may sariling kasapatan (hindi nangangailangan ng anuman)

فَأَنتَ لَهُ تَصَدَّىٰ(6)

Sa kanya, ikaw (o Muhammad) ay nag-uukol ng iyong panahon

وَمَا عَلَيْكَ أَلَّا يَزَّكَّىٰ(7)

Ito ay hindi mo pananagutan kung siya ay hindi maging dalisay (sa pananalig at makinabang sa ispiritwal na biyaya; ikaw ay isa lamang Tagapagbalita at ang iyong tungkulin ay iparating ang Mensahe ni Allah)

وَأَمَّا مَن جَاءَكَ يَسْعَىٰ(8)

At sa kanya (Abdullah bin Umm-Maktum) na lumapit sa iyo na may pagsusumamo

وَهُوَ يَخْشَىٰ(9)

At may pangangamba (kay Allah sa kanyang puso)

فَأَنتَ عَنْهُ تَلَهَّىٰ(10)

Ikaw sa kanya ay hindi nagbibigay pahalaga (o nag-aasikaso)

كَلَّا إِنَّهَا تَذْكِرَةٌ(11)

Hindi, (huwag mong gawin ito o Muhammad), katotohanan, ito (ang mga talata ng Qur’an) ay mga pagpapaala-ala at tagubilin

فَمَن شَاءَ ذَكَرَهُ(12)

Kaya’t sinuman ang magnais, hayaan siyang mag-ukol ng panahon dito (sa pag-aala-ala)

فِي صُحُفٍ مُّكَرَّمَةٍ(13)

(Ito ay nasa) mga Talaan (na iniingatan sa karangalan, ang Al-Lauh Al-Mahfuz)

مَّرْفُوعَةٍ مُّطَهَّرَةٍ(14)

Na mataas (sa karangalan), na nananatiling dalisay at banal

بِأَيْدِي سَفَرَةٍ(15)

Sa kamay ng mga tagasulat (mga Anghel)

كِرَامٍ بَرَرَةٍ(16)

Na karangal-rangal at masunurin

قُتِلَ الْإِنسَانُ مَا أَكْفَرَهُ(17)

Kasumpa-sumpa ang tao! Ano ang nagtulak sa kanya upang itakwil si Allah

مِنْ أَيِّ شَيْءٍ خَلَقَهُ(18)

Sa ano bang bagay siya ay nilikha Namin

مِن نُّطْفَةٍ خَلَقَهُ فَقَدَّرَهُ(19)

Siya ay nilikha Namin mula sa Nutfah (mga patak ng semilya ng lalaki at babae), at Aming binigyan siya ng ganap na sukat

ثُمَّ السَّبِيلَ يَسَّرَهُ(20)

At Kanyang ginawa na maging magaan ang daan sa kanya

ثُمَّ أَمَاتَهُ فَأَقْبَرَهُ(21)

At Kanyang kinitlan siya ng buhay, at inilagay siya sa kanyang libingan

ثُمَّ إِذَا شَاءَ أَنشَرَهُ(22)

At kung ito ay Kanyang kalooban, siya ay Kanyang bubuhayin (sa Araw ng Muling Pagkabuhay)

كَلَّا لَمَّا يَقْضِ مَا أَمَرَهُ(23)

Hindi, datapuwa’t (ang tao) ay hindi tumupad sa ipinag-uutos Niya sa kanya

فَلْيَنظُرِ الْإِنسَانُ إِلَىٰ طَعَامِهِ(24)

Kaya’t hayaan ang tao ay magsaalang-alang ng kanyang pagkain (naAming ipinagkaloob)

أَنَّا صَبَبْنَا الْمَاءَ صَبًّا(25)

At kung paano Namin ibinuhos ang saganang tubig

ثُمَّ شَقَقْنَا الْأَرْضَ شَقًّا(26)

At hinati Namin ang kalupaan (at pinatag)

فَأَنبَتْنَا فِيهَا حَبًّا(27)

At pinapangyari Namin na ang butil ay tumubo rito

وَعِنَبًا وَقَضْبًا(28)

Ang ubas, at pagkaing halaman (sa mga bakahan)

وَزَيْتُونًا وَنَخْلًا(29)

Ang oliba at punong palmera (datiles)

وَحَدَائِقَ غُلْبًا(30)

At halamanan na makapal (at malago) sa maraming puno

وَفَاكِهَةً وَأَبًّا(31)

At mga bungangkahoy at Abba (herba, luntiang damo, atbp)

مَّتَاعًا لَّكُمْ وَلِأَنْعَامِكُمْ(32)

(Bilang) ikabubuhay at pagkain sa inyo at sa inyong bakahan

فَإِذَا جَاءَتِ الصَّاخَّةُ(33)

Hindi maglalaon, at kung sumapit na ang As-Sakhkhah (ang pangalawang pag-ihip ng Tambuli sa Araw ng Muling Pagkabuhay)

يَوْمَ يَفِرُّ الْمَرْءُ مِنْ أَخِيهِ(34)

Sa Araw na ang tao ay tatakas sa kanyang sariling kapatid

وَأُمِّهِ وَأَبِيهِ(35)

At sa kanyang ina at sa kanyang ama

وَصَاحِبَتِهِ وَبَنِيهِ(36)

At sa kanyang asawa at sa kanyang mga anak

لِكُلِّ امْرِئٍ مِّنْهُمْ يَوْمَئِذٍ شَأْنٌ يُغْنِيهِ(37)

Sa Araw na ito, ang bawat tao ay mababahala lamang sa kanyang sarili at hindi makakapagbigay ng pansin sa iba

وُجُوهٌ يَوْمَئِذٍ مُّسْفِرَةٌ(38)

Sa Araw na ito, ang ibang mga mukha ay magniningning na tulad ng bukang liwayway (bilang isang tunay na sumasampalataya sa Kaisahan ni Allah at sa Islam)

ضَاحِكَةٌ مُّسْتَبْشِرَةٌ(39)

Na humahalakhak at nagsasaya sa magandang balita (ng Paraiso)

وَوُجُوهٌ يَوْمَئِذٍ عَلَيْهَا غَبَرَةٌ(40)

Sa Araw na ito, ang ibang mga mukha ay may bahid ng dumi

تَرْهَقُهَا قَتَرَةٌ(41)

Ang kadiliman ang lalambong sa kanila

أُولَٰئِكَ هُمُ الْكَفَرَةُ الْفَجَرَةُ(42)

Sila nga ang Kafarah (mga nagtatakwil kay Allah at sa Kanyang Kaisahan at sa Kanyang Tagapagbalita na si Muhammad, atbp.), ang Fajarah (mga mapaggawa ng katampalasanan, buktot, buhong, atbp)


المزيد من السور باللغة الفلبينية:

سورة البقرة آل عمران سورة النساء
سورة المائدة سورة يوسف سورة ابراهيم
سورة الحجر سورة الكهف سورة مريم
سورة السجدة سورة يس سورة الدخان
سورة النجم سورة الرحمن سورة الواقعة
سورة الحشر سورة الملك سورة الحاقة

تحميل سورة عبس بصوت أشهر القراء :

قم باختيار القارئ للاستماع و تحميل سورة عبس كاملة بجودة عالية
سورة عبس أحمد العجمي
أحمد العجمي
سورة عبس خالد الجليل
خالد الجليل
سورة عبس سعد الغامدي
سعد الغامدي
سورة عبس سعود الشريم
سعود الشريم
سورة عبس عبد الباسط عبد الصمد
عبد الباسط
سورة عبس عبد الله عواد الجهني
عبد الله الجهني
سورة عبس علي الحذيفي
علي الحذيفي
سورة عبس فارس عباد
فارس عباد
سورة عبس ماهر المعيقلي
ماهر المعيقلي
سورة عبس محمد جبريل
محمد جبريل
سورة عبس محمد صديق المنشاوي
المنشاوي
سورة عبس الحصري
الحصري
سورة عبس العفاسي
مشاري العفاسي
سورة عبس ناصر القطامي
ناصر القطامي
سورة عبس ياسر الدوسري
ياسر الدوسري



Tuesday, November 5, 2024

لا تنسنا من دعوة صالحة بظهر الغيب