سورة الأعلى بالفلبينية

  1. استمع للسورة
  2. سور أخرى
  3. ترجمة السورة
القرآن الكريم | ترجمة معاني القرآن | اللغة الفلبينية | سورة الأعلى | Al Ala - عدد آياتها 19 - رقم السورة في المصحف: 87 - معنى السورة بالإنجليزية: The Most High.

سَبِّحِ اسْمَ رَبِّكَ الْأَعْلَى(1)

Luwalhatiin ang Pangalan ng iyong Tagapagtangkilik na Panginoon, ang Kataas-taasan

الَّذِي خَلَقَ فَسَوَّىٰ(2)

Na Siyang lumikha (ng lahat ng bagay) at nagbigay ng anyo at kaayusan

وَالَّذِي قَدَّرَ فَهَدَىٰ(3)

Na nagtakda ng Ganap na Sukat (kahihinatnan ng lahat at bawat isa maging sa kabutihan o kasamaan) at nagbigay ng Patnubay (nagturo sa sangkatauhan ng Tumpak at Maling Landas)

وَالَّذِي أَخْرَجَ الْمَرْعَىٰ(4)

At nagpatubo ng mga luntiang halamanan at pastulan

فَجَعَلَهُ غُثَاءً أَحْوَىٰ(5)

At muli ay ginawa, (at Kanyang) ginawa ito na dayami (at bagaso)

سَنُقْرِئُكَ فَلَا تَنسَىٰ(6)

Sa sunod-sunod na antas ay ipahahayag Namin sa iyo (o Muhammad) ang Mensahe (ang Qur’an) upang hindi mo malimutan

إِلَّا مَا شَاءَ اللَّهُ ۚ إِنَّهُ يَعْلَمُ الْجَهْرَ وَمَا يَخْفَىٰ(7)

Maliban sa anumang pahintulutan ni Allah. Talastas Niya ang nakalantad at nalilihim

وَنُيَسِّرُكَ لِلْيُسْرَىٰ(8)

At gagawin Naming magaan ito sa iyo (O Muhammad) upang masunod mo ang Landas (sa paggawa ng mga kabutihan)

فَذَكِّرْ إِن نَّفَعَتِ الذِّكْرَىٰ(9)

Kaya’t paalalahanan mo (ang mga tao) kung ang pagpapaala-ala ay magbibigay kapakinabangan (sa mga makikinig)

سَيَذَّكَّرُ مَن يَخْشَىٰ(10)

Ang panawagan at paala-ala ay diringgin niya na may pangangamba (kay Allah)

وَيَتَجَنَّبُهَا الْأَشْقَى(11)

Datapuwa’t ito ay itatakwil ng mga masasawing palad (sa kaparusahan)

الَّذِي يَصْلَى النَّارَ الْكُبْرَىٰ(12)

Na mahuhulog sa Nag-aalimpuyong Apoy at lalasap ng kanyang paglalagablab

ثُمَّ لَا يَمُوتُ فِيهَا وَلَا يَحْيَىٰ(13)

dito, siya ay hindi mamamatay (upang maginhawahan), o mabubuhay (sa mabuting kalagayan)

قَدْ أَفْلَحَ مَن تَزَكَّىٰ(14)

Katiyakan, ang magtatamo 954 ng tagumpay ay siya na nagpapadalisay ng kanyang sarili (sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagsamba sa mga diyus- diyosan at pagtanggap sa Kaisahan ni Allah at sa Islam)

وَذَكَرَ اسْمَ رَبِّهِ فَصَلَّىٰ(15)

At lumuluwalhati sa Pangalan ng kanyang Tagapagtangkilik na Panginoon (sumasamba lamang kay Allah at wala ng iba), at bukas ang puso sa pananalangin (alalaong baga, ang limang takdang panalangin sa maghapon bukod pa ang mga dasal na ipinagtatagubilin)

بَلْ تُؤْثِرُونَ الْحَيَاةَ الدُّنْيَا(16)

Datapuwa’t minahalaga ninyo ang buhay sa mundong ito na hindi magtatagal

وَالْآخِرَةُ خَيْرٌ وَأَبْقَىٰ(17)

Bagama’t ang Kabilang Buhay ay higit na mainam at mananatili

إِنَّ هَٰذَا لَفِي الصُّحُفِ الْأُولَىٰ(18)

Katotohanang ito ay nasa mga Aklat ng unang kasulatan

صُحُفِ إِبْرَاهِيمَ وَمُوسَىٰ(19)

Sa mga Kasulatan ni Abraham at Moises


المزيد من السور باللغة الفلبينية:

سورة البقرة آل عمران سورة النساء
سورة المائدة سورة يوسف سورة ابراهيم
سورة الحجر سورة الكهف سورة مريم
سورة السجدة سورة يس سورة الدخان
سورة النجم سورة الرحمن سورة الواقعة
سورة الحشر سورة الملك سورة الحاقة

تحميل سورة الأعلى بصوت أشهر القراء :

قم باختيار القارئ للاستماع و تحميل سورة الأعلى كاملة بجودة عالية
سورة الأعلى أحمد العجمي
أحمد العجمي
سورة الأعلى خالد الجليل
خالد الجليل
سورة الأعلى سعد الغامدي
سعد الغامدي
سورة الأعلى سعود الشريم
سعود الشريم
سورة الأعلى عبد الباسط عبد الصمد
عبد الباسط
سورة الأعلى عبد الله عواد الجهني
عبد الله الجهني
سورة الأعلى علي الحذيفي
علي الحذيفي
سورة الأعلى فارس عباد
فارس عباد
سورة الأعلى ماهر المعيقلي
ماهر المعيقلي
سورة الأعلى محمد جبريل
محمد جبريل
سورة الأعلى محمد صديق المنشاوي
المنشاوي
سورة الأعلى الحصري
الحصري
سورة الأعلى العفاسي
مشاري العفاسي
سورة الأعلى ناصر القطامي
ناصر القطامي
سورة الأعلى ياسر الدوسري
ياسر الدوسري



Saturday, January 18, 2025

لا تنسنا من دعوة صالحة بظهر الغيب