Перевод суры Ат-Тагабун на Филиппинский язык

  1. Сура mp3
  2. Другие суры
  3. Филиппинский
Священный Коран | Перевод Корана | Язык Филиппинский | Сура Ат-Тагабун | التغابن - получите точный и надежный Филиппинский текст сейчас - Количество аятов: 18 - Номер суры в мушафе: 64 - Значение названия суры на русском языке: The Cheating.

يُسَبِّحُ لِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۖ لَهُ الْمُلْكُ وَلَهُ الْحَمْدُ ۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ(1)

 Ang anupamang nasa kalangitan at kalupaan ay nagpapahayag ng mga pagpupuri at kaluwalhatian ni Allah. Sa Kanya ang Paghahari at Siya ang nag-aangkin ng lahat ng mga papuri at pasasalamat, at Siya ay may kapangyarihan sa lahat ng bagay

هُوَ الَّذِي خَلَقَكُمْ فَمِنكُمْ كَافِرٌ وَمِنكُم مُّؤْمِنٌ ۚ وَاللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ(2)

 Siya (Allah) ang lumikha sa inyo, at sa lipon ninyo ay may mga hindi sumasampalataya, at ang iba sa inyo ay nananampalataya. At si Allah ang Lubos na Nakakamasid ng lahat ninyong ginagawa

خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ بِالْحَقِّ وَصَوَّرَكُمْ فَأَحْسَنَ صُوَرَكُمْ ۖ وَإِلَيْهِ الْمَصِيرُ(3)

 Nilikha Niya ang kalangitan at kalupaan ng may katotohanan, at Kanyang binigyan kayo ng anyo at ginawa Niya na maganda ang inyong hubog, at sa Kanya ang huling pagbabalik

يَعْلَمُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَيَعْلَمُ مَا تُسِرُّونَ وَمَا تُعْلِنُونَ ۚ وَاللَّهُ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ(4)

 Talastas Niya kung ano ang nasa kalangitan at kalupaan, at batid Niya kung ano ang inyong inililihim at inilalantad. Katotohanang si Allah ang Lubos na Nakakaalam ng lahat ng mga (lihim) ng puso (ng mga tao)

أَلَمْ يَأْتِكُمْ نَبَأُ الَّذِينَ كَفَرُوا مِن قَبْلُ فَذَاقُوا وَبَالَ أَمْرِهِمْ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ(5)

 Hindi baga nakarating sa inyo ang balita ng mga tao ng nagdaang kahapon na nagtakwil sa pananampalataya? Kaya’t kanilang nalasap ang masamang bunga ng kanilang kawalan ng pananalig, at sasakanila ang kasakit-sakit na kaparusahan

ذَٰلِكَ بِأَنَّهُ كَانَت تَّأْتِيهِمْ رُسُلُهُم بِالْبَيِّنَاتِ فَقَالُوا أَبَشَرٌ يَهْدُونَنَا فَكَفَرُوا وَتَوَلَّوا ۚ وَّاسْتَغْنَى اللَّهُ ۚ وَاللَّهُ غَنِيٌّ حَمِيدٌ(6)

 Ito’y sa dahilang ipinadala sa kanila ang kanilang mga Tagapagbalita na may Maliliwanag na Katibayan (mga Tanda), datapuwa’t sila ay nagsabi: “Isang tao baga (lamang) ang mamamatnubay sa amin?” Kaya’t itinakwil nila ang pahayag at nagsitalikod (sa Katotohanan), at si Allah ay hindi nangangailangan (sa kanila). At si Allah ay Masagana (Walang Pangangailangan), ang Karapat- dapat sa lahat ng pagpupuri

زَعَمَ الَّذِينَ كَفَرُوا أَن لَّن يُبْعَثُوا ۚ قُلْ بَلَىٰ وَرَبِّي لَتُبْعَثُنَّ ثُمَّ لَتُنَبَّؤُنَّ بِمَا عَمِلْتُمْ ۚ وَذَٰلِكَ عَلَى اللَّهِ يَسِيرٌ(7)

 Ang mga hindi sumasampalataya ay nagkukunwari na sila ay hindi ibabangong muli (sa pagsusulit). Ipagbadya (o Muhammad): “Tunay nga, sa pamamagitan ng aking Panginoon, walang pagsala na kayo ay ibabangong muli, at sa inyo ay ipapahayag (ang katotohanan at kabayaran) ng lahat ninyong ginawa, at ito ay lubhang magaan kay Allah”

فَآمِنُوا بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ وَالنُّورِ الَّذِي أَنزَلْنَا ۚ وَاللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌ(8)

 Samakatuwid, magsisampalataya kayo kay Allah at sa kanyang Tagapagbalita (Muhammad), at sa Liwanag (ang Qur’an) na Aming ipinanaog. At si Allah ang Lubos na Nakakaalam ng lahat ninyong ginagawa

يَوْمَ يَجْمَعُكُمْ لِيَوْمِ الْجَمْعِ ۖ ذَٰلِكَ يَوْمُ التَّغَابُنِ ۗ وَمَن يُؤْمِن بِاللَّهِ وَيَعْمَلْ صَالِحًا يُكَفِّرْ عَنْهُ سَيِّئَاتِهِ وَيُدْخِلْهُ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِن تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا أَبَدًا ۚ ذَٰلِكَ الْفَوْزُ الْعَظِيمُ(9)

 (At alalahanin) ang Araw na Kanyang ihahanay kayong (lahat) sa Araw ng Pagtitipon, - ito ang Araw ng Pagkalugi at Pakinabang sa isa’t isa (alalaong baga, ito ay pagkalugi sa mga hindi sumasampalataya sapagkat sila ay papasok sa Apoy ng Impiyerno,atpakinabangsamgasumasampalatayasapagkat sila ay papasok sa Paraiso). At sinuman ang sumampalataya kay Allah at nagsisigawa ng katuwiran at kabutihan ay ipapatawad Niya sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at Kanyang tatanggapin sila sa Halamanan na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (Paraiso), upang manahan dito magpakailanman, ito ang Tugatog ng Tagumpay

وَالَّذِينَ كَفَرُوا وَكَذَّبُوا بِآيَاتِنَا أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ خَالِدِينَ فِيهَا ۖ وَبِئْسَ الْمَصِيرُ(10)

 Datapuwa’t sila na nagtatakwil ng pananampalataya (alalaong baga, sa Kaisahan ni Allah) at nagtuturing sa Aming Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, talata, atbp.) na walang katotohanan, sila ang magsisipanirahan sa 886 Apoy, upang manahan dito magpakailanman. At tunay na napakasama ang gayong hantungan

مَا أَصَابَ مِن مُّصِيبَةٍ إِلَّا بِإِذْنِ اللَّهِ ۗ وَمَن يُؤْمِن بِاللَّهِ يَهْدِ قَلْبَهُ ۚ وَاللَّهُ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ(11)

 walang anumang uri ng kapinsalaan ang may pangyayari malibang pahintulutan ni Allah (alalaong baga, ang pagpapasya at maka-diyos na pag-uutos), at kung sinuman ang sumasampalataya kay Allah, Siya ang mamamatnubay sa kanilang puso (sa tunay na Pananampalataya ng may katiyakan, alalaong baga, ang anumang sumapit sa kanya ay naisulat na ni Allah para sa kanya), at si Allah ang nakakabatid ng lahat ng bagay

وَأَطِيعُوا اللَّهَ وَأَطِيعُوا الرَّسُولَ ۚ فَإِن تَوَلَّيْتُمْ فَإِنَّمَا عَلَىٰ رَسُولِنَا الْبَلَاغُ الْمُبِينُ(12)

 Kaya’t sundin ninyo si Allah at sundin ang Kanyang Tagapagbalita (Muhammad), datapuwa’t kung kayo ay magsitalikod, ang tungkulin lamang ng Aming Tagapagbalita ay upang ihatid lamang sa inyo (ang Mensahe) na lantad at maliwanag

اللَّهُ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ۚ وَعَلَى اللَّهِ فَلْيَتَوَكَّلِ الْمُؤْمِنُونَ(13)

 Si Allah! La ilaha ill Allah (Wala ng iba pang Diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah), at kay Allah (lamang), kaya’t hayaan ang mga sumasampalataya ay magtiwala sa Kanya

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِنَّ مِنْ أَزْوَاجِكُمْ وَأَوْلَادِكُمْ عَدُوًّا لَّكُمْ فَاحْذَرُوهُمْ ۚ وَإِن تَعْفُوا وَتَصْفَحُوا وَتَغْفِرُوا فَإِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَّحِيمٌ(14)

 O kayong nagsisisampalataya! Katotohanang sa lipon ng inyong mga asawa at inyong mga anak ay mayroong mga kaaway sa inyo (alalaong baga, maaari na may pumigil sa inyo sa pagsunod kay Allah), kaya’t inyong pag-ingatan sila! Subalit kung sila ay inyong patawarin at hayaan, at pagtakpan ang kanilang (mga kamalian), kung gayon, katotohanang si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain

إِنَّمَا أَمْوَالُكُمْ وَأَوْلَادُكُمْ فِتْنَةٌ ۚ وَاللَّهُ عِندَهُ أَجْرٌ عَظِيمٌ(15)

 Ang inyong kayamanan at inyong mga anak ay isa lamang pagsubok, subalit kay Allah, nasa Kanya ang Pinakadakilang gantimpala (Paraiso)

فَاتَّقُوا اللَّهَ مَا اسْتَطَعْتُمْ وَاسْمَعُوا وَأَطِيعُوا وَأَنفِقُوا خَيْرًا لِّأَنفُسِكُمْ ۗ وَمَن يُوقَ شُحَّ نَفْسِهِ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُفْلِحُونَ(16)

 Kaya’t panatilihin ninyo ang inyong tungkulin kay Allah (at pangambahan Siya) sa pinakamabuti na inyong magagawa; makinig at sumunod; at gumugol sa kawanggawa tungo sa kapakanan ng inyong sariling kaluluwa. At sinuman ang iligtas ng kanyang sariling kaluluwa sa pagkagahaman, kung gayon, sila ang magkakamit ng kasaganaan

إِن تُقْرِضُوا اللَّهَ قَرْضًا حَسَنًا يُضَاعِفْهُ لَكُمْ وَيَغْفِرْ لَكُمْ ۚ وَاللَّهُ شَكُورٌ حَلِيمٌ(17)

 Kung kayo ay magpapautang kay Allah ng isang magandang pautang (alalaong baga, ang gumugol sa Kapakanan ni Allah), ay tutumbasan Niya ito ng dalawang ulit (sa inyong kapakinabangan), at Kanyang pagkakalooban kayo ng kapatawaran. At si Allah ay Tigib ng Pagpapasalamat, ang Mapagparaya

عَالِمُ الْغَيْبِ وَالشَّهَادَةِ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ(18)

 Ang Lubos na Nakakabatid ng lahat ng mga nakalingid at nakalantad, ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Puspos ng Karunungan


Больше сур в Филиппинский:


Аль-Бакара Аль-'Имран Ан-Ниса'
Аль-Маида Юсуф Ибрахим
Аль-Хиджр Аль-Кахф Марьям
Аль-Хадж Аль-Касас Аль-'Анкабут
Ас-Саджда Я-Син Ад-Духан
Аль-Фатх Аль-Худжурат Каф
Ан-Наджм Ар-Рахман Аль-Ваки'а
Аль-Хашр Аль-Мульк Аль-Хакка
Аль-Иншикак Аль-А'ла Аль-Гашия

Скачать суру At-Taghabun с голосом самых известных рекитаторов Корана:

Сура At-Taghabun mp3: выберите рекитатора, чтобы прослушать и скачать главу At-Taghabun полностью в высоком качестве
surah At-Taghabun Ahmed El Agamy
Ahmed Al Ajmy
surah At-Taghabun Bandar Balila
Bandar Balila
surah At-Taghabun Khalid Al Jalil
Khalid Al Jalil
surah At-Taghabun Saad Al Ghamdi
Saad Al Ghamdi
surah At-Taghabun Saud Al Shuraim
Saud Al Shuraim
surah At-Taghabun Abdul Basit Abdul Samad
Abdul Basit
surah At-Taghabun Abdul Rashid Sufi
Abdul Rashid Sufi
surah At-Taghabun Abdullah Basfar
Abdullah Basfar
surah At-Taghabun Abdullah Awwad Al Juhani
Abdullah Al Juhani
surah At-Taghabun Fares Abbad
Fares Abbad
surah At-Taghabun Maher Al Muaiqly
Maher Al Muaiqly
surah At-Taghabun Muhammad Siddiq Al Minshawi
Al Minshawi
surah At-Taghabun Al Hosary
Al Hosary
surah At-Taghabun Al-afasi
Mishari Al-afasi
surah At-Taghabun Yasser Al Dosari
Yasser Al Dosari


Tuesday, November 5, 2024

Помолитесь за нас хорошей молитвой