Перевод суры Аль-Кияма на Филиппинский язык

  1. Сура mp3
  2. Другие суры
  3. Филиппинский
Священный Коран | Перевод Корана | Язык Филиппинский | Сура Аль-Кияма | القيامة - получите точный и надежный Филиппинский текст сейчас - Количество аятов: 40 - Номер суры в мушафе: 75 - Значение названия суры на русском языке: The Day of Resurrection.

لَا أُقْسِمُ بِيَوْمِ الْقِيَامَةِ(1)

 Ako ay sumasaksi sa pamamagitan ng Araw ng Muling Pagkabuhay

وَلَا أُقْسِمُ بِالنَّفْسِ اللَّوَّامَةِ(2)

 At Ako ay sumasaksi sa pamamagitan ng tao na nagsisi sa kanyang sarili (isang sumasampalataya)

أَيَحْسَبُ الْإِنسَانُ أَلَّن نَّجْمَعَ عِظَامَهُ(3)

 Napag-aakala ba ng tao (na walang pananampalataya) na hindi Namin muling maisasaayos ang kanyang mga buto

بَلَىٰ قَادِرِينَ عَلَىٰ أَن نُّسَوِّيَ بَنَانَهُ(4)

 Katotohanan! Muli Naming maibabalik nang ganap at maayos (ang kanyang mga buto) maging ang dulo ng kanyang daliri

بَلْ يُرِيدُ الْإِنسَانُ لِيَفْجُرَ أَمَامَهُ(5)

 Hindi! Ang tao ay nagtatatwa ng Muling Pagkabuhay at Pagsusulit. Kaya’t siya ay nagnanais na magpatuloy sa kanyang kasamaan

يَسْأَلُ أَيَّانَ يَوْمُ الْقِيَامَةِ(6)

 Siya ay nag-uusisa: “Kailan baga matutupad ang Araw ng Muling Pagkabuhay?”

فَإِذَا بَرِقَ الْبَصَرُ(7)

 At sa katagalan, kung ang paningin ay masilaw

وَخَسَفَ الْقَمَرُ(8)

 At ang buwan ay lagumin ng kadiliman

وَجُمِعَ الشَّمْسُ وَالْقَمَرُ(9)

 At ang araw at buwan ay pagsamahin (sa pamamagitan ng paglapit sa isa’t isa o ang matiklop at mawalan ng kanilang liwanag, atbp)

يَقُولُ الْإِنسَانُ يَوْمَئِذٍ أَيْنَ الْمَفَرُّ(10)

 Sa Araw na ito, ang tao ay magsasabi: “Saan ako tatalilis (na may kaligtasan)

كَلَّا لَا وَزَرَ(11)

 Hindi, sa anumang kaparaanan! Walang matatakbuhan (sa kaligtasan)

إِلَىٰ رَبِّكَ يَوْمَئِذٍ الْمُسْتَقَرُّ(12)

 Tanging sa harap ng inyong Panginoon lamang ang lugar ng kapahingahan sa Araw na ito

يُنَبَّأُ الْإِنسَانُ يَوْمَئِذٍ بِمَا قَدَّمَ وَأَخَّرَ(13)

 Sa Araw na ito, ang tao ay pagsasabihan ng lahat ng kanyang inilagay sa harapan (ang kanyang mabubuti at masasamang gawa), at lahat ng kanyang naiwan (na mabuti at masama)

بَلِ الْإِنسَانُ عَلَىٰ نَفْسِهِ بَصِيرَةٌ(14)

 Katotohanan! Ang tao ang saksi ( at katibayan) laban sa kanyang sarili (sapagkat ang mga bahagi ng kanyang katawan ang magsasalita hinggil sa kanyang mga ginawa)

وَلَوْ أَلْقَىٰ مَعَاذِيرَهُ(15)

 Kahima’t magsulit siya ng dahilan at umiwas (upang pagtakpan ang kanyang masasamang gawa)

لَا تُحَرِّكْ بِهِ لِسَانَكَ لِتَعْجَلَ بِهِ(16)

 Huwag mong pagalawin ang iyong dila (O Muhammad) tungkol sa Qur’an upang magmadali rito

إِنَّ عَلَيْنَا جَمْعَهُ وَقُرْآنَهُ(17)

 Kami (Allah) ang may kapamahalaan na magtipon at dumalit (ng Qur’an)

فَإِذَا قَرَأْنَاهُ فَاتَّبِعْ قُرْآنَهُ(18)

 At matapos na ito ay Aming dalitin sa iyo (o Muhammad, sa pamamagitan ni Gabriel), kung gayon, iyong sundin ang pagbigkas (ng Qur’an)

ثُمَّ إِنَّ عَلَيْنَا بَيَانَهُ(19)

 Katotohanan! Kami (Allah) ang may kapamahalaan na ito ay maging maliwanag sa inyo

كَلَّا بَلْ تُحِبُّونَ الْعَاجِلَةَ(20)

 Hindi (ng ayon sa inyong iniisip na kayo [sangkatauhan] ay hindi ibabangong muli at babayaran sa inyong mga gawa), datapuwa’t tunay nga na higit ninyong minahal ang panandaliang buhay na ito

وَتَذَرُونَ الْآخِرَةَ(21)

 At nagwawalang bahala kayo sa Kabilang Buhay

وُجُوهٌ يَوْمَئِذٍ نَّاضِرَةٌ(22)

 Sa Araw na ito, ang ibang mukha ay magniningning sa kislap at kagandahan

إِلَىٰ رَبِّهَا نَاظِرَةٌ(23)

 Na nagmamalas sa kanilang Panginoon (Allah)

وَوُجُوهٌ يَوْمَئِذٍ بَاسِرَةٌ(24)

 At sa Araw na ito, ang ibang mukha ay kakikitaan ng lumbay, hapis, pagkunot (ng noo), dilim at kalungkutan

تَظُنُّ أَن يُفْعَلَ بِهَا فَاقِرَةٌ(25)

 Na nag-aakala na ang ilang kapahamakan at kapinsalaan ay sasapit na sa kanila

كَلَّا إِذَا بَلَغَتِ التَّرَاقِيَ(26)

 Katotohanan! Kungang kaluluwa ay umabotna sa buto ng kuwelyo (alalaong baga, hanggang sa lalamunan sa kanyang paglabas sa sandali ng kamatayan)

وَقِيلَ مَنْ ۜ رَاقٍ(27)

 At may magsasabi: “Sino ang makakapagpagaling sa kanya at makakapagligtas sa kanya sa kamatayan

وَظَنَّ أَنَّهُ الْفِرَاقُ(28)

 At siya na rin (ang mamamatay na tao) ang makakatalos na ito na (ang sandali) ng paglisan (kamatayan)

وَالْتَفَّتِ السَّاقُ بِالسَّاقِ(29)

 At ang binti ay idurugtong sa ibang binti (alalaong baga, ang sakit at hirap ay idurugtong sa ibayong sakit at hirap)

إِلَىٰ رَبِّكَ يَوْمَئِذٍ الْمَسَاقُ(30)

 Sa Araw na ito, ang pagtataboy ay sa iyong Panginoon

فَلَا صَدَّقَ وَلَا صَلَّىٰ(31)

 Sapagkat siya (na hindi sumasampalataya) ay hindi sumampalataya (sa Qur’an at sa Mensahe ni Muhammad), o nagdasal kaya

وَلَٰكِن كَذَّبَ وَتَوَلَّىٰ(32)

 At sa kabalintunaan, siya ay nagpabulaan (sa Qur’an at sa Mensahe ni Muhammad), at tumalikod

ثُمَّ ذَهَبَ إِلَىٰ أَهْلِهِ يَتَمَطَّىٰ(33)

 At siya ay pumaroon sa kanyang pamilya na batbat ng kapalaluan na humahanga sa kanyang sarili

أَوْلَىٰ لَكَ فَأَوْلَىٰ(34)

 Kasawian sa iyo (o tao na walang pananampalataya)! Tunay nga (o tao na walang pananampalataya), kasawian sa iyo

ثُمَّ أَوْلَىٰ لَكَ فَأَوْلَىٰ(35)

 Minsan pa, kasawian sa iyo (o tao na walang pananampalataya) at muli, kasawian sa iyo (o tao na walang pananampalataya)

أَيَحْسَبُ الْإِنسَانُ أَن يُتْرَكَ سُدًى(36)

 Inaakala ba ng tao na siya ay hahayaan (at kakalimutan na hindi napaparusahan o nagagantimpalaan sa kanyang mga takdang katungkulan na itinagubilin sa kanya ng kanyang Panginoon [Allah)

أَلَمْ يَكُ نُطْفَةً مِّن مَّنِيٍّ يُمْنَىٰ(37)

 Hindi baga siya ay isa lamang Nutfah (magkahalong katas ng semilya ng lalaki at babae) na ibinuhos (sa mababang anyo)

ثُمَّ كَانَ عَلَقَةً فَخَلَقَ فَسَوَّىٰ(38)

 At siya ay naging Alaqa (namuo sa paglaki); at binigyan siya ni Allah ng hugis at anyo sa ganap na sukat

فَجَعَلَ مِنْهُ الزَّوْجَيْنِ الذَّكَرَ وَالْأُنثَىٰ(39)

 At mula sa kanya ay lumikha Siya ng dalawang kasarian, lalaki at babae

أَلَيْسَ ذَٰلِكَ بِقَادِرٍ عَلَىٰ أَن يُحْيِيَ الْمَوْتَىٰ(40)

 Hindi baga Siya na lumalang (sa kanya) ay makakapagpanumbalik ng buhay ng patay? (Katotohanang Siya ay makakagawa ng lahat ng bagay)


Больше сур в Филиппинский:


Аль-Бакара Аль-'Имран Ан-Ниса'
Аль-Маида Юсуф Ибрахим
Аль-Хиджр Аль-Кахф Марьям
Аль-Хадж Аль-Касас Аль-'Анкабут
Ас-Саджда Я-Син Ад-Духан
Аль-Фатх Аль-Худжурат Каф
Ан-Наджм Ар-Рахман Аль-Ваки'а
Аль-Хашр Аль-Мульк Аль-Хакка
Аль-Иншикак Аль-А'ла Аль-Гашия

Скачать суру Al-Qiyamah с голосом самых известных рекитаторов Корана:

Сура Al-Qiyamah mp3: выберите рекитатора, чтобы прослушать и скачать главу Al-Qiyamah полностью в высоком качестве
surah Al-Qiyamah Ahmed El Agamy
Ahmed Al Ajmy
surah Al-Qiyamah Bandar Balila
Bandar Balila
surah Al-Qiyamah Khalid Al Jalil
Khalid Al Jalil
surah Al-Qiyamah Saad Al Ghamdi
Saad Al Ghamdi
surah Al-Qiyamah Saud Al Shuraim
Saud Al Shuraim
surah Al-Qiyamah Abdul Basit Abdul Samad
Abdul Basit
surah Al-Qiyamah Abdul Rashid Sufi
Abdul Rashid Sufi
surah Al-Qiyamah Abdullah Basfar
Abdullah Basfar
surah Al-Qiyamah Abdullah Awwad Al Juhani
Abdullah Al Juhani
surah Al-Qiyamah Fares Abbad
Fares Abbad
surah Al-Qiyamah Maher Al Muaiqly
Maher Al Muaiqly
surah Al-Qiyamah Muhammad Siddiq Al Minshawi
Al Minshawi
surah Al-Qiyamah Al Hosary
Al Hosary
surah Al-Qiyamah Al-afasi
Mishari Al-afasi
surah Al-Qiyamah Yasser Al Dosari
Yasser Al Dosari


Sunday, December 22, 2024

Помолитесь за нас хорошей молитвой