Перевод суры Аль-Анкабут на Филиппинский язык

  1. Сура mp3
  2. Другие суры
  3. Филиппинский
Священный Коран | Перевод Корана | Язык Филиппинский | Сура Аль-Анкабут | العنكبوت - получите точный и надежный Филиппинский текст сейчас - Количество аятов: 69 - Номер суры в мушафе: 29 - Значение названия суры на русском языке: The Spider.

الم(1)

 Alif, Lam, Mim (mga titik A, La, Ma)

أَحَسِبَ النَّاسُ أَن يُتْرَكُوا أَن يَقُولُوا آمَنَّا وَهُمْ لَا يُفْتَنُونَ(2)

 Nag-aakala baga ang sangkatauhan na sila ay hahayaan lamang sapagkat sila ay nagsasabi: “Kami ay sumasampalataya”, at kami ay hindi susubukan

وَلَقَدْ فَتَنَّا الَّذِينَ مِن قَبْلِهِمْ ۖ فَلَيَعْلَمَنَّ اللَّهُ الَّذِينَ صَدَقُوا وَلَيَعْلَمَنَّ الْكَاذِبِينَ(3)

 Katotohanan, Aming sinubukan ang mga tao na nauna pa sa kanila, at katiyakang si Allah ang nakakabatid kung sino ang matapat at nagkukunwari

أَمْ حَسِبَ الَّذِينَ يَعْمَلُونَ السَّيِّئَاتِ أَن يَسْبِقُونَا ۚ سَاءَ مَا يَحْكُمُونَ(4)

 Sa mga nagsisigawa ng kabuktutan, kanila bang napag- aakala na kanilang mahihigitan Kami (sa kapangyarihan)? Kasamaan ang kanilang paghuhusga

مَن كَانَ يَرْجُو لِقَاءَ اللَّهِ فَإِنَّ أَجَلَ اللَّهِ لَآتٍ ۚ وَهُوَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ(5)

 Datapuwa’t sinuman ang umaasa sa pakikipagtipan kay Allah, kung gayon, ang Sandali (na itinakda) ni Allah ay walang pagsalang sasapit; at Siya ang Ganap na Nakakarinig, ang Lubos na Nakakaalam (ng lahat ng bagay)

وَمَن جَاهَدَ فَإِنَّمَا يُجَاهِدُ لِنَفْسِهِ ۚ إِنَّ اللَّهَ لَغَنِيٌّ عَنِ الْعَالَمِينَ(6)

 At kung sinuman ang magsikap (ng buong sikhay at tikas), ito ay ginawa niya para sa kanyang sarili (kaluluwa). Katotohanang si Allah ay Malaya sa lahat ng mga pangangailangan mula sa Kanyang mga nilalang

وَالَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ لَنُكَفِّرَنَّ عَنْهُمْ سَيِّئَاتِهِمْ وَلَنَجْزِيَنَّهُمْ أَحْسَنَ الَّذِي كَانُوا يَعْمَلُونَ(7)

 Sila na sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Tagapagbalita na si Muhammad, na hindi tumatalikod dito bagama’t sila ay nakakatanggap ng pinsala sa mga pagano at mapagsamba sa mga diyus-diyosan), at nagsisigawa ng kabutihan, katotohanang Aming papalisin ang kanilang mga maling gawa (na kanilang nagawa), at gagantimpalaan Namin sila ng ayon sa buti ng kanilang mga gawa

وَوَصَّيْنَا الْإِنسَانَ بِوَالِدَيْهِ حُسْنًا ۖ وَإِن جَاهَدَاكَ لِتُشْرِكَ بِي مَا لَيْسَ لَكَ بِهِ عِلْمٌ فَلَا تُطِعْهُمَا ۚ إِلَيَّ مَرْجِعُكُمْ فَأُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمْ تَعْمَلُونَ(8)

 At Aming ipinagtagubilin sa mga tao na maging mabuti at masunurin sa kanilang magulang, datapuwa’t kung (sinuman sa kanila) ang magsikhay (na pilitin) kayo na mag-akibat sa Akin sa pagsamba (bilang katambal), na rito ay wala kayong karunungan, kung gayon, sila ay huwag ninyong sundin. Kayong lahat ay magbabalik sa Akin, at ipagsasaysay Ko sa inyo (ang katotohanan) ng inyong ginawa

وَالَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ لَنُدْخِلَنَّهُمْ فِي الصَّالِحِينَ(9)

 At sa mga sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa mga iba pang pag-uutos ng pananalig), at nagsisigawa ng kabutihan, katiyakang sila ay Aming tatanggapin (na mapabilang) sa lipon ng mga matutuwid (alalaong baga, sa Paraiso)

وَمِنَ النَّاسِ مَن يَقُولُ آمَنَّا بِاللَّهِ فَإِذَا أُوذِيَ فِي اللَّهِ جَعَلَ فِتْنَةَ النَّاسِ كَعَذَابِ اللَّهِ وَلَئِن جَاءَ نَصْرٌ مِّن رَّبِّكَ لَيَقُولُنَّ إِنَّا كُنَّا مَعَكُمْ ۚ أَوَلَيْسَ اللَّهُ بِأَعْلَمَ بِمَا فِي صُدُورِ الْعَالَمِينَ(10)

 At mayroong mga tao sa karamihan nila ang nagsasabi: “Kami ay sumasampalataya kay Allah”; datapuwa’t kung sila ay makaranas na ng kahirapan (dahilan sa Kapakanan) ni Allah, ay itinuturing nila na ang pagsubok sa sangkatauhan ay parusa ni Allah! At kung ang tagumpay (tulong) ay dumatal (sa inyo) mula sa inyong Panginoon, katiyakang (angmgamapagkunwari) aynagsasabi:“Katotohanangkami ay lagi ninyong kakampi!” Hindi baga nababatid ni Allah nang lubos ang nasa puso ng kanyang mga nilalang

وَلَيَعْلَمَنَّ اللَّهُ الَّذِينَ آمَنُوا وَلَيَعْلَمَنَّ الْمُنَافِقِينَ(11)

 At katiyakang nababatid ni Allah ang mga sumasampalataya, at katotohanan, gayundin ang mga mapagkunwari (alalaong baga, si Allah ay susubok sa mga tao sa kabutihan at kahirapan upang Kanyang maihiwalay ang mabubuti sa mga buktot [bagama’t batid Niya ang lahat ng mga ito bago pa sila ay Kanyang subukan)

وَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا لِلَّذِينَ آمَنُوا اتَّبِعُوا سَبِيلَنَا وَلْنَحْمِلْ خَطَايَاكُمْ وَمَا هُم بِحَامِلِينَ مِنْ خَطَايَاهُم مِّن شَيْءٍ ۖ إِنَّهُمْ لَكَاذِبُونَ(12)

 At sila na hindi sumasampalataya ay nagsasabi sa mga sumasampalataya: “Sundin ninyo ang aming pamamaraan, at katiyakang aakuin namin (ang kahihinatnan) ng inyong mga pagkakamali.” Kailanman, kahit na katiting, ay hindi nila aakuin ang kanilang kamalian. Katotohanang sila ay mga sinungaling

وَلَيَحْمِلُنَّ أَثْقَالَهُمْ وَأَثْقَالًا مَّعَ أَثْقَالِهِمْ ۖ وَلَيُسْأَلُنَّ يَوْمَ الْقِيَامَةِ عَمَّا كَانُوا يَفْتَرُونَ(13)

 At katotohanang papasanin nila ang sarili nilang mga pabigat (mga kamalian), at (ang iba) pang mga pabigat na kasama ng kanila, at sa Araw ng Muling Pagkabuhay, katiyakang sila ay tatawagin upang magsulit sa kanilang kasinungalingan

وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوْمِهِ فَلَبِثَ فِيهِمْ أَلْفَ سَنَةٍ إِلَّا خَمْسِينَ عَامًا فَأَخَذَهُمُ الطُّوفَانُ وَهُمْ ظَالِمُونَ(14)

 Katotohanang Aming isinugo si Noe sa kanyang pamayanan, at siya ay nanatili sa kanila sa loob ng isang libong taon maliban sa limangpu (na nag-aanyaya sa kanila sa Islam at Kaisahan ni Allah, at iwaksi ang mga huwad na diyos at iba pang mga diyus-diyosan); datapuwa’t ang delubyo (baha) ay sumakmal sa kanila habang sila (ay lulong) sa kasalanan at kasamaan

فَأَنجَيْنَاهُ وَأَصْحَابَ السَّفِينَةِ وَجَعَلْنَاهَا آيَةً لِّلْعَالَمِينَ(15)

 Datapuwa’t Aming iniligtas siya, gayundin ang kanyang mga Kasama sa Arko, at ginawa Namin ito (ang Arko) bilang isang Ayah (tanda, aral, babala, atbp.) sa lahat ng mga nilalang

وَإِبْرَاهِيمَ إِذْ قَالَ لِقَوْمِهِ اعْبُدُوا اللَّهَ وَاتَّقُوهُ ۖ ذَٰلِكُمْ خَيْرٌ لَّكُمْ إِن كُنتُمْ تَعْلَمُونَ(16)

 At (alalahanin, nang Amin ding iniligtas) si Abraham; pagmasdan, nang kanyang ipagbadya sa kaniyang pamayanan: “Pagsilbihan (sambahin) ninyo (lamang) si Allah at Siya ay inyong pangambahan; ito ay higit na mainam sa inyo, kung kayo ay nakakaunawa

إِنَّمَا تَعْبُدُونَ مِن دُونِ اللَّهِ أَوْثَانًا وَتَخْلُقُونَ إِفْكًا ۚ إِنَّ الَّذِينَ تَعْبُدُونَ مِن دُونِ اللَّهِ لَا يَمْلِكُونَ لَكُمْ رِزْقًا فَابْتَغُوا عِندَ اللَّهِ الرِّزْقَ وَاعْبُدُوهُ وَاشْكُرُوا لَهُ ۖ إِلَيْهِ تُرْجَعُونَ(17)

 Sapagkat kayo ay sumasamba sa mga diyus-diyosan maliban pa kay Allah, at kayo ay nagsisigawa ng mga kasinungalingan. Katotohanan, ang mga bagay na sinasamba ninyo bukod pa kay Allah ay walang kapangyarihan upang bigyan kayo ng ikabubuhay, kaya’t magsihanap kayo ng ikabubuhay mula kay Allah (lamang), at Siya (lamang) ang paglingkuran ninyo at magkaroon kayo ng utang na loob ng pasasalamat sa Kanya. (Tanging) Sa Kanya, kayong lahat ay magbabalik

وَإِن تُكَذِّبُوا فَقَدْ كَذَّبَ أُمَمٌ مِّن قَبْلِكُمْ ۖ وَمَا عَلَى الرَّسُولِ إِلَّا الْبَلَاغُ الْمُبِينُ(18)

 At kung kayo ay magtakwil (sa kapahayagan), na ginawa rin ng mga henerasyon na una pa sa inyo (sa kanilang mga Tagapagbalita), ang tungkulin ng isang Tagapagbalita ay mangaral lamang (ng Mensahe) nang hayagan (at maliwanag).”

أَوَلَمْ يَرَوْا كَيْفَ يُبْدِئُ اللَّهُ الْخَلْقَ ثُمَّ يُعِيدُهُ ۚ إِنَّ ذَٰلِكَ عَلَى اللَّهِ يَسِيرٌ(19)

 Hindi baga nila namamasdan kung paano pinasimulan ni Allah ang paglikha, at muling inuulit ito. Katotohanang ito ay magaan lamang kay Allah

قُلْ سِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَانظُرُوا كَيْفَ بَدَأَ الْخَلْقَ ۚ ثُمَّ اللَّهُ يُنشِئُ النَّشْأَةَ الْآخِرَةَ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ(20)

 Ipagbadya: “Magsipaglakbay kayo sa kalupaan at inyong malasin kung paano pinasimulan ni Allah ang paglikha, sa gayundin Niya itatanghal (muling ibabangon) ang paglikha sa Kabilang Buhay (alalaong baga, ang muling pagkabuhay pagkatapos ng kamatayan). Katotohanang si Allah ang may kapangyarihan sa lahat ng bagay”

يُعَذِّبُ مَن يَشَاءُ وَيَرْحَمُ مَن يَشَاءُ ۖ وَإِلَيْهِ تُقْلَبُونَ(21)

 Pinarurusahan Niya ang sinumang Kanyang maibigan at pinagkakalooban Niya ng habag ang sinumang Kanyang naisin, at sa Kanya, kayo ay muling magbabalik

وَمَا أَنتُم بِمُعْجِزِينَ فِي الْأَرْضِ وَلَا فِي السَّمَاءِ ۖ وَمَا لَكُم مِّن دُونِ اللَّهِ مِن وَلِيٍّ وَلَا نَصِيرٍ(22)

 Hindi kayo makakatalilis sa kalupaan o sa kalangitan (at hadlangan ang Kanyang balak), at maliban pa kay Allah, kayo ay walang wali (Tagapagtanggol o Tagakupkop) o anumang Kawaksi

وَالَّذِينَ كَفَرُوا بِآيَاتِ اللَّهِ وَلِقَائِهِ أُولَٰئِكَ يَئِسُوا مِن رَّحْمَتِي وَأُولَٰئِكَ لَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ(23)

 Sila na nagtatakwil sa Ayat (mga tanda, kapahayagan, katibayan, aral, atbp.) ni Allah at sa Pakikipagtipan sa Kanya (sa Kabilang Buhay), sila ang mawawalan ng pag-asa sa Aking Habag, at sila ang (magdaranas) ng pinakamalupit na Kaparusahan

فَمَا كَانَ جَوَابَ قَوْمِهِ إِلَّا أَن قَالُوا اقْتُلُوهُ أَوْ حَرِّقُوهُ فَأَنجَاهُ اللَّهُ مِنَ النَّارِ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِّقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ(24)

 Kaya’t walang naging kasagutan ang pamayanan (mga tao ni Abraham) maliban lamang sa: “Patayin siya o sunugin siya.” Datapuwa’t iniligtas siya ni Allah sa Apoy. Katotohanan, naririto ang mga Tanda para sa mga tao na may pananalig

وَقَالَ إِنَّمَا اتَّخَذْتُم مِّن دُونِ اللَّهِ أَوْثَانًا مَّوَدَّةَ بَيْنِكُمْ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۖ ثُمَّ يَوْمَ الْقِيَامَةِ يَكْفُرُ بَعْضُكُم بِبَعْضٍ وَيَلْعَنُ بَعْضُكُم بَعْضًا وَمَأْوَاكُمُ النَّارُ وَمَا لَكُم مِّن نَّاصِرِينَ(25)

 At (si Abraham) ay nagbadya: “At kayo, inyong tinangkilik (upang sambahin) ang mga diyus- diyosan at imahen sa halip na si Allah, dahilan sa inyong magkasalong pagmamahal at pagmamalasakit sa inyong sarili sa makamundong buhay na ito; datapuwa’t sa Araw ng Muling Pagkabuhay ay itatatwa ninyo ang bawat isa at susumpain ang bawat isa, at ang inyong magiging tahanan ay Apoy, at walang sinuman ang makakatulong sa inyo.”

۞ فَآمَنَ لَهُ لُوطٌ ۘ وَقَالَ إِنِّي مُهَاجِرٌ إِلَىٰ رَبِّي ۖ إِنَّهُ هُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ(26)

 Kaya’t si Lut ay nanalig sa kanya (sa mensahe ni Abraham, ang Islam at Kaisahan ni Allah). Siya (Abraham) ay nagsabi: “Iiwan ko ang aking tahanan dahil sa kapakanan ng aking Panginoon (Allah). Katotohanang Siya ay Lubos na Makapangyarihan, ang Ganap na Maalam.”

وَوَهَبْنَا لَهُ إِسْحَاقَ وَيَعْقُوبَ وَجَعَلْنَا فِي ذُرِّيَّتِهِ النُّبُوَّةَ وَالْكِتَابَ وَآتَيْنَاهُ أَجْرَهُ فِي الدُّنْيَا ۖ وَإِنَّهُ فِي الْآخِرَةِ لَمِنَ الصَّالِحِينَ(27)

 At iginawad Namin (kay Abraham) si Isaac at Hakob, at (Aming) itinakda sa kanyang mga lahi ang pagka-Propeta at Kapahayagan (alalaong baga, ang Torah [mga Batas] kay Moises, ang Ebanghelyo kay Hesus, ang Qur’an kay Muhammad, lahat sila ay mula sa angkan ni Abraham), at ipinagkaloob Namin sa kanya ang kanyang gantimpala sa buhay na ito, at katotohanang siya ay mapapabilang sa lipon ng mga matutuwid sa Kabilang Buhay

وَلُوطًا إِذْ قَالَ لِقَوْمِهِ إِنَّكُمْ لَتَأْتُونَ الْفَاحِشَةَ مَا سَبَقَكُم بِهَا مِنْ أَحَدٍ مِّنَ الْعَالَمِينَ(28)

 At (alalahanin) si Lut, at pagmalasin; nang kanyang sabihin sa kanyang mga tao: “Kayo ay nagsisigawa ng Al- Fahishah (kalaswaan, ang sodomya, na isang malaking kasalanan) na wala pang tao sa mga nilalang (sa mundong ito) ang nakagawa nito nang una pa sa inyo”

أَئِنَّكُمْ لَتَأْتُونَ الرِّجَالَ وَتَقْطَعُونَ السَّبِيلَ وَتَأْتُونَ فِي نَادِيكُمُ الْمُنكَرَ ۖ فَمَا كَانَ جَوَابَ قَوْمِهِ إِلَّا أَن قَالُوا ائْتِنَا بِعَذَابِ اللَّهِ إِن كُنتَ مِنَ الصَّادِقِينَ(29)

 Katotohanan, tunay ngang nilalapitan ninyo ang mga lalaki (sodomya), at inyong sinisira ang mga daan at ninanakawan (ang mga naglalakbay)! At inyong isinasagawa ang Al-Munkar (mga kabuktutan, kawalan ng pananalig at pagsamba sa mga diyus-diyosan) sa inyong pagtitipon? Datapuwa’t ang kanyang pamayanan ay hindi sumagot maliban lamang sa pagsasabi ng: “Ibagsak mo sa amin ang poot ni Allah kung ikaw ay nagsasabi ng katotohanan.”

قَالَ رَبِّ انصُرْنِي عَلَى الْقَوْمِ الْمُفْسِدِينَ(30)

 Siya ay nanikluhod: “o aking Panginoon! Inyong tulungan ako at bigyan ng tagumpay laban sa mga tao na Mufsidun (ang mga gumagawa ng matinding kasamaan, kasalanan, krimen, mga mapang-api, buktot, tampalasan, atbp.)!”

وَلَمَّا جَاءَتْ رُسُلُنَا إِبْرَاهِيمَ بِالْبُشْرَىٰ قَالُوا إِنَّا مُهْلِكُو أَهْلِ هَٰذِهِ الْقَرْيَةِ ۖ إِنَّ أَهْلَهَا كَانُوا ظَالِمِينَ(31)

 At nang ang Aming mga Tagapagbalita (mga anghel) ay pumaroon kay Abraham na may magandang balita, sila (ang mga anghel) ay nagsabi: “Tunay ngang aming wawasakin ang pamayanan sa bayang ito (ni Lut, alalaong baga, ang bayan ng Sodom sa Palestina); sapagkat katotohanang ang kanyang mga tao ay naging Zalimun (mga tampalasan, mapaggawa ng kamalian, pagano, palasuway kay Allah, at nagpabulaan sa kanilang Tagapagbalita na si Lut).”

قَالَ إِنَّ فِيهَا لُوطًا ۚ قَالُوا نَحْنُ أَعْلَمُ بِمَن فِيهَا ۖ لَنُنَجِّيَنَّهُ وَأَهْلَهُ إِلَّا امْرَأَتَهُ كَانَتْ مِنَ الْغَابِرِينَ(32)

 At sinabi ni Abraham: “Subalit naroroon si Lut.” Sila (ang mga anghel) ay nagsabi: “Lubos naming batid kung sino ang naroroon, katotohanang aming ililigtas siya (Lut) at ang kanyang pamilya at tagasunod maliban sa kanyang asawa; siya ay kabilang sa mga nagpaiwan (alalaong baga, ang asawa ni Lut ay mawawasak na kasama ng mga wawasakin sa kanyang pamayanan)!”

وَلَمَّا أَن جَاءَتْ رُسُلُنَا لُوطًا سِيءَ بِهِمْ وَضَاقَ بِهِمْ ذَرْعًا وَقَالُوا لَا تَخَفْ وَلَا تَحْزَنْ ۖ إِنَّا مُنَجُّوكَ وَأَهْلَكَ إِلَّا امْرَأَتَكَ كَانَتْ مِنَ الْغَابِرِينَ(33)

 At nang ang Aming mga Tagapagbalita (mga anghel) ay dumatal kay Lut, siya ay lubos na nanimdim sa kanilang mga ginawa, at nakaramdam siya ng panggigipuspos (kawalan ng magagawa upang pangalagaan sila), datapuwa’t kanilang sinabi: “(Lut), huwag kang mangamba, gayundin, huwag kang mamighati! Katotohanang naririto kami upang iligtas ka at ang iyong pamilya at tagasunod, maliban sa iyong asawa, siya ay kabilang sa mga nagpaiwan (alalaong baga, ang asawa ni Lut ay mawawasak na kasama ng mga wawasakin sa kanyang pamayanan)

إِنَّا مُنزِلُونَ عَلَىٰ أَهْلِ هَٰذِهِ الْقَرْيَةِ رِجْزًا مِّنَ السَّمَاءِ بِمَا كَانُوا يَفْسُقُونَ(34)

 Katotohanan, aming ibabagsak sa mga tao at bayang ito ang matinding kaparusahan mula sa kalangitan, sapagkat sila ay naging buktot sa pagsalansang (sa mga Pag-uutos ni Allah).”

وَلَقَد تَّرَكْنَا مِنْهَا آيَةً بَيِّنَةً لِّقَوْمٍ يَعْقِلُونَ(35)

 At katiyakang iniwan Namin doon ang isang maliwanag na Ayah (isang aral at babala at tanda, ang lugar kung saan matatagpuan ang Patay na dagat sa Palestina) para sa sinumang tao na may pang-unawa

وَإِلَىٰ مَدْيَنَ أَخَاهُمْ شُعَيْبًا فَقَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ وَارْجُوا الْيَوْمَ الْآخِرَ وَلَا تَعْثَوْا فِي الْأَرْضِ مُفْسِدِينَ(36)

 At sa pamayanan (mga tao) ng Midian (Madyan) ay isinugo Naminangkanilangkapatidnasi Shu’aib, atkanyang sinabi: “o aking pamayanan! Paglingkuran ninyo si Allah at umasa (sa gantimpala ng mabubuting gawa sa pamamagitan ng pagsamba lamang sa Kanya), at pangambahan ang Huling Araw, at huwag kayong magsigawa ng katampalasan dito sa kalupaan bilang Mufsidun (mga nagnanais ng kabuktutan, kasamaan, kabuhungan, mga mapang-api, palasuway kay Allah, pagano, atbp.).”

فَكَذَّبُوهُ فَأَخَذَتْهُمُ الرَّجْفَةُ فَأَصْبَحُوا فِي دَارِهِمْ جَاثِمِينَ(37)

 Datapuwa’t kanilang itinakwil siya (Shu’aib); kaya’t ang malakas na pagsabog (lindol) ay sumakmal sa kanila, at sila ay nakahandusay na wala ng buhay sa kanilang mga tahanan sa kinaumagahan

وَعَادًا وَثَمُودَ وَقَد تَّبَيَّنَ لَكُم مِّن مَّسَاكِنِهِمْ ۖ وَزَيَّنَ لَهُمُ الشَّيْطَانُ أَعْمَالَهُمْ فَصَدَّهُمْ عَنِ السَّبِيلِ وَكَانُوا مُسْتَبْصِرِينَ(38)

 (At alalahanin) din (ang pamayanan) ni A’ad at ni Thamud! Katotohanan, (ang kanilang pagkawasak) ay maliwanag na nahayag sa inyo mula (sa mga bakas) ng kanilang mga gusali (pagkaguho ang kanilang kinasapitan). Ginawa ni Satanas na ang kanilang mga gawa ay maging kalugod-lugod sa kanila, at kanyang hinadlangan sila sa tamang Landas, bagama’t sila ay may pangmasid at katalinuhan

وَقَارُونَ وَفِرْعَوْنَ وَهَامَانَ ۖ وَلَقَدْ جَاءَهُم مُّوسَىٰ بِالْبَيِّنَاتِ فَاسْتَكْبَرُوا فِي الْأَرْضِ وَمَا كَانُوا سَابِقِينَ(39)

 (At alalahanin, Aming winasak) din si Korah, Paraon at Haman. Katotohanang sa kanila ay isinugo si Moises na may Maliwanag na Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.), subalit sila ay kumikilos ng may kapusungan sa kalupaan, datapuwa’t hindi nila Kami maaabot (o matatakasan ang Aming kaparusahan)

فَكُلًّا أَخَذْنَا بِذَنبِهِ ۖ فَمِنْهُم مَّنْ أَرْسَلْنَا عَلَيْهِ حَاصِبًا وَمِنْهُم مَّنْ أَخَذَتْهُ الصَّيْحَةُ وَمِنْهُم مَّنْ خَسَفْنَا بِهِ الْأَرْضَ وَمِنْهُم مَّنْ أَغْرَقْنَا ۚ وَمَا كَانَ اللَّهُ لِيَظْلِمَهُمْ وَلَٰكِن كَانُوا أَنفُسَهُمْ يَظْلِمُونَ(40)

 At ang bawat isa sa kanila ay Aming sinakmal sa kanilang kabuktutan; at sa kanila, ang iba ay Aming hinataw ng nagngangalit na bagyo (na umuulan ng bato, katulad nang nangyari sa mga tao ni Lut); ang iba ay nakupot ng (matinding) Pagsabog (katulad nang nangyari sa mga tao ni Thamud at Shu’aib); at ang iba ay Aming hinayaan na lamunin ng lupa (katulad ni Korah); at ang iba ay Aming nilunod (katulad nang nangyari sa mga tao ni Noe, Paraon at kanyang mga kabig). Hindi si Allah ang nagpahamak sa kanila, datapuwa’t sila ang nagpahamak sa kanilang sarili

مَثَلُ الَّذِينَ اتَّخَذُوا مِن دُونِ اللَّهِ أَوْلِيَاءَ كَمَثَلِ الْعَنكَبُوتِ اتَّخَذَتْ بَيْتًا ۖ وَإِنَّ أَوْهَنَ الْبُيُوتِ لَبَيْتُ الْعَنكَبُوتِ ۖ لَوْ كَانُوا يَعْلَمُونَ(41)

 Ang nakakahalintulad ng mga tumatangkilik ng Auliya (mga tagapangalaga at kawaksi) bukod pa kay Allah ay tulad ng isang Gagamba, na nagtatayo (sa kanyang sarili) ng bahay; datapuwa’t katotohanan, ang pinakamarupok sa lahat ng mga bahay ay ang bahay ng gagamba, kung kanila lamang itong napag-uunawa

إِنَّ اللَّهَ يَعْلَمُ مَا يَدْعُونَ مِن دُونِهِ مِن شَيْءٍ ۚ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ(42)

 Katotohanang talastas ni Allah ang (lahat ng bagay) na kanilang tinatawagan bukod pa sa Kanya. At Siya ang Pinakamakapangyarihan, ang Pinakamaalam

وَتِلْكَ الْأَمْثَالُ نَضْرِبُهَا لِلنَّاسِ ۖ وَمَا يَعْقِلُهَا إِلَّا الْعَالِمُونَ(43)

 Ang mga ganitong paghahambing ay Aming inihahalimbawa sa sangkatauhan, datapuwa’t walang makakatukoy ng kanilang kahulugan maliban lamang sa nakakaunawa at may karunungan (kay Allah at sa Kanyang mga Tanda, atbp)

خَلَقَ اللَّهُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ بِالْحَقِّ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً لِّلْمُؤْمِنِينَ(44)

 (Si Allah ay nagwika sa Kanyang Propeta na si Muhammad): “Tanging si Allah lamang ang lumikha ng mga kalangitan at kalupaan ng may katotohanan (at walang sinuman ang kahati Niya sa Kanyang paglikha)”. Katotohanan! Tunay ngang naririto ang isang Tanda sa mga sumasampalataya

اتْلُ مَا أُوحِيَ إِلَيْكَ مِنَ الْكِتَابِ وَأَقِمِ الصَّلَاةَ ۖ إِنَّ الصَّلَاةَ تَنْهَىٰ عَنِ الْفَحْشَاءِ وَالْمُنكَرِ ۗ وَلَذِكْرُ اللَّهِ أَكْبَرُ ۗ وَاللَّهُ يَعْلَمُ مَا تَصْنَعُونَ(45)

 dalitin mo (o Muhammad) kung anuman ang ipinahayag sa iyo sa Aklat (ang Qur’an) ng inspirasyon, at magsagawa ka ng palagiang pagdarasal nang mahinusay (Iqamat-as-Salah). Katotohanan, ang pagdarasal ay nakapag-aadya at humahadlang sa Al-Fahsha (mga kahiya- hiya at masamang gawa, lahat ng uri ng kasalanan, bawal na seksuwal na pakikipagtalik, atbp.) at Al-Munkar (kawalan ng pananalig, pagsamba sa mga diyus-diyosan, lahat ng kabuktutan at kabuhungan, atbp.), at ang pag- aala-ala (at pagluwalhati) kay Allah ay walang alinlangan na pinakamainam (na bagay sa buhay sa mundong ito). At si Allah ang nakakaalam (sa mga pag-uugali) na inyong ginagawa

۞ وَلَا تُجَادِلُوا أَهْلَ الْكِتَابِ إِلَّا بِالَّتِي هِيَ أَحْسَنُ إِلَّا الَّذِينَ ظَلَمُوا مِنْهُمْ ۖ وَقُولُوا آمَنَّا بِالَّذِي أُنزِلَ إِلَيْنَا وَأُنزِلَ إِلَيْكُمْ وَإِلَٰهُنَا وَإِلَٰهُكُمْ وَاحِدٌ وَنَحْنُ لَهُ مُسْلِمُونَ(46)

 At huwag kayong makipagtalo sa Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano), maliban lamang sa mabuting paraan (may magandang pananalita at mabuting asal na nag-aanyaya sa kanila sa Islam, sa Kanyang Kaisahan, at sa Kanyang mga Talata), tangi na lamang sa kanila na mga tao na gumagawa ng kamalian, inyong sabihin sa kanila: “Kami ay sumasampalataya sa Kapahayagan na ipinarating sa amin at sa kapahayagan na ipinadala sa inyo; ang aming Ilah (diyos) at inyong Ilah (diyos) ay Iisa (alalaong baga, si Allah); at kami ay sa Kanya lamang tumatalima (bilang mga Muslim).”

وَكَذَٰلِكَ أَنزَلْنَا إِلَيْكَ الْكِتَابَ ۚ فَالَّذِينَ آتَيْنَاهُمُ الْكِتَابَ يُؤْمِنُونَ بِهِ ۖ وَمِنْ هَٰؤُلَاءِ مَن يُؤْمِنُ بِهِ ۚ وَمَا يَجْحَدُ بِآيَاتِنَا إِلَّا الْكَافِرُونَ(47)

 Kaya’t Aming ipinanaog ang Aklat (ang Qur’an) sa iyo (o Muhammad), at sila na pinagpahayagan Namin ng Kasulatan (ang Torah [mga Batas] at Ebanghelyo noong panahong nauna) ay nananalig dito (sa Qur’an), gayundin ang iba sa kanila (na paganong Arabo), datapuwa’t ang mga walang pananalig lamang ang nagtatakwil sa Aming Ayat (mga tanda, aral, kapahayagan, katibayan, atbp. at nagtatatwa sa Kaisahan ni Allah sa Kanyang Pamamanginoon, sa Tanging Pagsamba lamang sa Kanya at sa Kanyang Tanging Pangalan at Katangian)

وَمَا كُنتَ تَتْلُو مِن قَبْلِهِ مِن كِتَابٍ وَلَا تَخُطُّهُ بِيَمِينِكَ ۖ إِذًا لَّارْتَابَ الْمُبْطِلُونَ(48)

 At ikaw (o Muhammad) ay hindi pa nakabasa ng Aklat na una pa rito (sa Qur’an), gayundin naman, ikaw ay hindi rin sumulat ng anumang aklat sa iyong kanang kamay. Sa gayong pangyayari, katotohanan, ang mga tagasunod ng kasinungalingan ay nag-aalinlangan (sa Qur’an)

بَلْ هُوَ آيَاتٌ بَيِّنَاتٌ فِي صُدُورِ الَّذِينَ أُوتُوا الْعِلْمَ ۚ وَمَا يَجْحَدُ بِآيَاتِنَا إِلَّا الظَّالِمُونَ(49)

 Hindi, datapuwa’t ang mga ito, ang maliwanag na Ayat (alalaong baga, ang paglalarawan at mga katangian ng Propetang si Muhammad na nasusulat sa mga talata ng Torah at ng Ebanghelyo), ay nakatimo sa dibdib (puso) ng mga nabigyan ng Karunungan (mula sa Angkan ng Kasulatan, alalaong baga, mga Hudyo at Kristiyano). At wala ng iba pa maliban sa Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, pagano, mapaggawa ng kamalian, atbp.) ang nagtatakwil sa Aming Ayat (mga tanda, katibayan, aral, kapahayagan, atbp)

وَقَالُوا لَوْلَا أُنزِلَ عَلَيْهِ آيَاتٌ مِّن رَّبِّهِ ۖ قُلْ إِنَّمَا الْآيَاتُ عِندَ اللَّهِ وَإِنَّمَا أَنَا نَذِيرٌ مُّبِينٌ(50)

 Gayunpaman, sila ay nagsasabi: “Bakit kaya ang mga Tanda ay hindi ipinanaog sa kanya mula sa kanyang Panginoon?” Ipagbadya: “Ang mga Tanda ay katotohanang na kay Allah lamang, at ako ay isa lamang hayag na tagapagbabala.”

أَوَلَمْ يَكْفِهِمْ أَنَّا أَنزَلْنَا عَلَيْكَ الْكِتَابَ يُتْلَىٰ عَلَيْهِمْ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَرَحْمَةً وَذِكْرَىٰ لِقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ(51)

 Hindi baga sapat para sa kanila na Aming ipinanaog sa iyo ang Aklat (ang Qur’an) na dinadalit sa harapan nila? Katotohanang (sa Aklat na ito) ay naroroon ang Habag at Paala-ala (mga tagubilin) sa mga tao na sumasampalataya

قُلْ كَفَىٰ بِاللَّهِ بَيْنِي وَبَيْنَكُمْ شَهِيدًا ۖ يَعْلَمُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۗ وَالَّذِينَ آمَنُوا بِالْبَاطِلِ وَكَفَرُوا بِاللَّهِ أُولَٰئِكَ هُمُ الْخَاسِرُونَ(52)

 Ipagbadya (sa kanila, o Muhammad): “Sapat na si Allah bilang isang Saksi sa pagitan natin. Talastas Niya kung ano ang nasa kalangitan at kalupaan.” At sila na sumasampalataya sa Batil (mga huwad na diyos bukod pa kay Allah, kabulaanan, atbp.), at hindi nananalig kay Allah (at sa Kanyang Kaisahan), sila ang mga talunan

وَيَسْتَعْجِلُونَكَ بِالْعَذَابِ ۚ وَلَوْلَا أَجَلٌ مُّسَمًّى لَّجَاءَهُمُ الْعَذَابُ وَلَيَأْتِيَنَّهُم بَغْتَةً وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ(53)

 At kanilang itinatanong sa iyo na madaliin ang kaparusahan (sa kanila), at kung hindi lamang sa natatakdaang panahon (na may palugit), ang kaparusahan ay walang pagsala na dumatal na sa kanila. At katotohanang ito ay daratal sa kanila nang walang kaabug-abog, sa panahong hindi nila napag-aakala

يَسْتَعْجِلُونَكَ بِالْعَذَابِ وَإِنَّ جَهَنَّمَ لَمُحِيطَةٌ بِالْكَافِرِينَ(54)

 At kanilang itinatanong sa iyo na madaliin ang kaparusahan; datapuwa’t walang pagsala, ang Impiyerno ay lulukob sa mga nagtatakwil ng pananampalataya

يَوْمَ يَغْشَاهُمُ الْعَذَابُ مِن فَوْقِهِمْ وَمِن تَحْتِ أَرْجُلِهِمْ وَيَقُولُ ذُوقُوا مَا كُنتُمْ تَعْمَلُونَ(55)

 Sa Araw na ang kaparusahan (ng Apoy ng Impiyerno) ay lulukob sa ibabaw nila at sa ilalim ng kanilang mga paa, at isang (Tinig) ang magsasabi: “Lasapin ninyo (ang bunga) ng inyong mga gawa!”

يَا عِبَادِيَ الَّذِينَ آمَنُوا إِنَّ أَرْضِي وَاسِعَةٌ فَإِيَّايَ فَاعْبُدُونِ(56)

 o Aking mga tagapaglingkod na nananampalataya! Katotohanang malawak ang Aking Kalupaan, kaya’t Ako (at Ako lamang) ang inyong paglingkuran

كُلُّ نَفْسٍ ذَائِقَةُ الْمَوْتِ ۖ ثُمَّ إِلَيْنَا تُرْجَعُونَ(57)

 Ang bawat tao ay makakalasap ng kamatayan, at sa katapusan, kayong lahat ay muling ibabalik sa Akin

وَالَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ لَنُبَوِّئَنَّهُم مِّنَ الْجَنَّةِ غُرَفًا تَجْرِي مِن تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا ۚ نِعْمَ أَجْرُ الْعَامِلِينَ(58)

 Datapuwa’t sa mga sumasampalataya (sa Islam at sa Kaisahan ni Allah) at gumagawa ng kabutihan, katiyakang sa kanila ay igagawad Namin ang isang Tahanan sa Kalangitan, mga matatayog na mansiyon (sa Paraiso) na sa ibaba nito ay may mga ilog na nagsisidaloy, upang manirahan dito magpakailanman; isang karapat-dapat na gantimpala sa mga nagsigawa (ng kabutihan)

الَّذِينَ صَبَرُوا وَعَلَىٰ رَبِّهِمْ يَتَوَكَّلُونَ(59)

 At sa kanila na naging matimtiman sa pagtitiyaga, at nagbigay ng kanilang pagtitiwala (lamang) sa kanilang Panginoon at Tagapagkupkop

وَكَأَيِّن مِّن دَابَّةٍ لَّا تَحْمِلُ رِزْقَهَا اللَّهُ يَرْزُقُهَا وَإِيَّاكُمْ ۚ وَهُوَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ(60)

 At gaano karami ang mga nilikha na hindi nagdadala sa kanilang sarili ng ikabubuhay? Si Allah ang nagpapakain sa kanila at sa inyo, sapagkat Siya ang Lubos na Nakakarinig at Ganap na Nakakabatid (ng lahat ng bagay)

وَلَئِن سَأَلْتَهُم مَّنْ خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ وَسَخَّرَ الشَّمْسَ وَالْقَمَرَ لَيَقُولُنَّ اللَّهُ ۖ فَأَنَّىٰ يُؤْفَكُونَ(61)

 At kung sila ay iyong tatanungin kung sino ang lumikha ng mga kalangitan at kalupaan at nagpapainog ng araw at buwan (ayon sa Kanyang batas), katiyakang sila ay magtuturing: “Si Allah!” Kung gayon, paano sila naligaw (sa katotohanan)

اللَّهُ يَبْسُطُ الرِّزْقَ لِمَن يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ وَيَقْدِرُ لَهُ ۚ إِنَّ اللَّهَ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ(62)

 Si Allah ang nagpaparami sa mga panustos (na kabuhayan) na (Kanyang iginagawad) sa sinumang tagapaglingkod na Kanyang maibigan; sa gayundin naman, ay Kanyang ipinagkakaloob (ang natatakdaang) sukat (sa sinumang Kanyang maibigan), sapagkat katotohanang si Allah ang may Ganap na Karunungan sa lahat ng bagay

وَلَئِن سَأَلْتَهُم مَّن نَّزَّلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَأَحْيَا بِهِ الْأَرْضَ مِن بَعْدِ مَوْتِهَا لَيَقُولُنَّ اللَّهُ ۚ قُلِ الْحَمْدُ لِلَّهِ ۚ بَلْ أَكْثَرُهُمْ لَا يَعْقِلُونَ(63)

 At katotohanang kung sila ay iyong tatanungin kung sino ang nagpapamalisbis ng tubig (ulan) mula sa alapaap, at nagbibigay ng buhay sa kalupaan pagkatapos ng kamatayan (pagiging tuyo at tigang); katiyakang sila ay magtuturing: “Si Allah!” Ipagbadya: “Luwalhatiin at Papurihan si Allah!” Datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay hindi nakakaunawa

وَمَا هَٰذِهِ الْحَيَاةُ الدُّنْيَا إِلَّا لَهْوٌ وَلَعِبٌ ۚ وَإِنَّ الدَّارَ الْآخِرَةَ لَهِيَ الْحَيَوَانُ ۚ لَوْ كَانُوا يَعْلَمُونَ(64)

 Ano ba ang buhay sa mundong ito, maliban sa paglilibang at paglalaro? Datapuwa’t katotohanan, ang Tahanan ng Kabilang Buhay; ito ang tunay na buhay (alalaong baga, ang walang hanggang buhay na hindi magmamaliw), kung kanila lamang nalalaman

فَإِذَا رَكِبُوا فِي الْفُلْكِ دَعَوُا اللَّهَ مُخْلِصِينَ لَهُ الدِّينَ فَلَمَّا نَجَّاهُمْ إِلَى الْبَرِّ إِذَا هُمْ يُشْرِكُونَ(65)

 At kung sila ay sumasakay sa barko, sila ay nananalangin kay Allah, na ginagawa nila ang kanilang debosyon (Pananampalataya), na matapat (at natatangi) lamang sa Kanya; datapuwa’t kung Kanyang maisadsad na sila nang ligtas (sa tuyong) lupa, pagmasdan, sila ay nagbibigay ng karibal (sa Kanya, sa kanilang pagsamba sa iba)

لِيَكْفُرُوا بِمَا آتَيْنَاهُمْ وَلِيَتَمَتَّعُوا ۖ فَسَوْفَ يَعْلَمُونَ(66)

 Na hindi nagbibigay pahalaga at pasasalamat sa mga biyaya na Aming ipinagkaloob sa kanila, at pinababayaan nila ang kanilang sarili na hatakin (ng makamundong) paglilibang! Datapuwa’t hindi magtatagal, ito ay kanilang mapag-aalaman

أَوَلَمْ يَرَوْا أَنَّا جَعَلْنَا حَرَمًا آمِنًا وَيُتَخَطَّفُ النَّاسُ مِنْ حَوْلِهِمْ ۚ أَفَبِالْبَاطِلِ يُؤْمِنُونَ وَبِنِعْمَةِ اللَّهِ يَكْفُرُونَ(67)

 Hindi baga nila namamalas na ginawa Namin (ang Makkah) na isang ligtas na Santuwaryo, at ang mga tao ay inaagaw nang palayo mula sa lahat ng palibot nila? Kung gayon, sila ba ay naniniwala sa Batil (mga diyus-diyosan, imahen, pagsamba sa mga huwad na diyos bukod pa kay Allah) at nagtatakwil (walang damdamin ng pasasalamat) sa mga Biyaya ni Allah

وَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنِ افْتَرَىٰ عَلَى اللَّهِ كَذِبًا أَوْ كَذَّبَ بِالْحَقِّ لَمَّا جَاءَهُ ۚ أَلَيْسَ فِي جَهَنَّمَ مَثْوًى لِّلْكَافِرِينَ(68)

 At sino pa kaya ang higit na gumagawa ng kamalian, maliban sa kanya na kumakatha ng mga kasinungalingan laban kay Allah o nagtatakwil sa Katotohanan (sa pagka-Propeta ni Muhammad at sa doktrina ng Islam, Kaisahan ni Allah at sa Qur’an) kung ito ay sumapit sa kanya? wala bagang tahanan sa Impiyerno para sa mga nagtatakwil ng pananampalataya

وَالَّذِينَ جَاهَدُوا فِينَا لَنَهْدِيَنَّهُمْ سُبُلَنَا ۚ وَإِنَّ اللَّهَ لَمَعَ الْمُحْسِنِينَ(69)

 At sa mga nagsisikap nang mataman para sa Amin (sa Aming Layunin at sa Aming Kapakanan), katotohanang sila ay gagabayan Namin tungo sa Aming Landas (alalaong baga, sa Islam, ang Relihiyon ni Allah, at sa Kanyang Kaisahan); sapagkat katotohanang si Allah ay namamalagi sa Muhsinun (mga gumagawa ng katuwiran at kabutihan)


Больше сур в Филиппинский:


Аль-Бакара Аль-'Имран Ан-Ниса'
Аль-Маида Юсуф Ибрахим
Аль-Хиджр Аль-Кахф Марьям
Аль-Хадж Аль-Касас Аль-'Анкабут
Ас-Саджда Я-Син Ад-Духан
Аль-Фатх Аль-Худжурат Каф
Ан-Наджм Ар-Рахман Аль-Ваки'а
Аль-Хашр Аль-Мульк Аль-Хакка
Аль-Иншикак Аль-А'ла Аль-Гашия

Скачать суру Al-Ankabut с голосом самых известных рекитаторов Корана:

Сура Al-Ankabut mp3: выберите рекитатора, чтобы прослушать и скачать главу Al-Ankabut полностью в высоком качестве
surah Al-Ankabut Ahmed El Agamy
Ahmed Al Ajmy
surah Al-Ankabut Bandar Balila
Bandar Balila
surah Al-Ankabut Khalid Al Jalil
Khalid Al Jalil
surah Al-Ankabut Saad Al Ghamdi
Saad Al Ghamdi
surah Al-Ankabut Saud Al Shuraim
Saud Al Shuraim
surah Al-Ankabut Abdul Basit Abdul Samad
Abdul Basit
surah Al-Ankabut Abdul Rashid Sufi
Abdul Rashid Sufi
surah Al-Ankabut Abdullah Basfar
Abdullah Basfar
surah Al-Ankabut Abdullah Awwad Al Juhani
Abdullah Al Juhani
surah Al-Ankabut Fares Abbad
Fares Abbad
surah Al-Ankabut Maher Al Muaiqly
Maher Al Muaiqly
surah Al-Ankabut Muhammad Siddiq Al Minshawi
Al Minshawi
surah Al-Ankabut Al Hosary
Al Hosary
surah Al-Ankabut Al-afasi
Mishari Al-afasi
surah Al-Ankabut Yasser Al Dosari
Yasser Al Dosari


Friday, November 22, 2024

Помолитесь за нас хорошей молитвой