سورة الحديد بالفلبينية

  1. استمع للسورة
  2. سور أخرى
  3. ترجمة السورة
القرآن الكريم | ترجمة معاني القرآن | اللغة الفلبينية | سورة الحديد | Hadid - عدد آياتها 29 - رقم السورة في المصحف: 57 - معنى السورة بالإنجليزية: The Iron.

سَبَّحَ لِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ(1)

Ang lahat ng anupamang nasa kalangitan at kalupaan ay nagpapahayag ng pagpupuri at kaluwalhatian kay Allah, sapagkat Siya ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Lubos na Maalam

لَهُ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ يُحْيِي وَيُمِيتُ ۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ(2)

Sa Kanya ang pag-aangkin ng kapamahalaan ng kalangitan at kalupaan. Siya ang naggagawad ng buhay at nagbibigay ng kamatayan, at Siya ang may kapangyarihan sa lahat ng bagay

هُوَ الْأَوَّلُ وَالْآخِرُ وَالظَّاهِرُ وَالْبَاطِنُ ۖ وَهُوَ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ(3)

Siya ang Una (walang anuman bago pa sa Kanya) at Huli (walang anuman matapos Siya), ang Kataas-taasan (walang anuman ang higit sa Kanya) at Pinakamalapit (walang anuman ang higit na malapit sa Kanya). At Siya ang may kaalaman sa lahat ng bagay

هُوَ الَّذِي خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ فِي سِتَّةِ أَيَّامٍ ثُمَّ اسْتَوَىٰ عَلَى الْعَرْشِ ۚ يَعْلَمُ مَا يَلِجُ فِي الْأَرْضِ وَمَا يَخْرُجُ مِنْهَا وَمَا يَنزِلُ مِنَ السَّمَاءِ وَمَا يَعْرُجُ فِيهَا ۖ وَهُوَ مَعَكُمْ أَيْنَ مَا كُنتُمْ ۚ وَاللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ(4)

Siya (Allah) ang lumikha ng kalangitan at kalupaan sa anim na araw, at nag-Istawa (itinatag o iniluklok) Niya ang Kanyang Sarili sa Luklukan (sa paraan na naaayon sa Kanyang Kamahalan). Talastas Niya kung ano ang pumapasok sa kalupaan at kung ano ang lumalabas dito, at batid Niya kung ano ang bumababa sa kalangitan at umaakyat doon. At Siya ay laging nasa inyo (sa pamamagitan ng Kanyang Karunungan) saan man kayo naroroon. At si Allah ang Lubos na Nakakamatyag ng lahat ninyong ginagawa

لَّهُ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ وَإِلَى اللَّهِ تُرْجَعُ الْأُمُورُ(5)

Sa Kanya ang kapamahalaan ng mga kalangitan at kalupaan; at ang lahat ng pangyayari ay bumabalik kay Allah (sa Pagpapasya)

يُولِجُ اللَّيْلَ فِي النَّهَارِ وَيُولِجُ النَّهَارَ فِي اللَّيْلِ ۚ وَهُوَ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ(6)

Pinagsanib Niya ang gabi sa araw (ang pag-igsi ng oras sa gabi ay idinagdag sa oras ng maghapon), at pinaglagom Niya ang araw sa gabi (ang pag-igsi ng oras ng maghapon ay idinagdag sa oras ng gabi); at Siya ay Tigib ng Karunungan sa lahat ng mga lihim (ng dibdib)

آمِنُوا بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ وَأَنفِقُوا مِمَّا جَعَلَكُم مُّسْتَخْلَفِينَ فِيهِ ۖ فَالَّذِينَ آمَنُوا مِنكُمْ وَأَنفَقُوا لَهُمْ أَجْرٌ كَبِيرٌ(7)

Manampalataya kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita (Muhammad), at gumugol sa pagkakawanggawa mula sa kayamanan na pamanang kaloob Niya sa inyo. At sa inyo na sumasampalataya at gumugugol (sa kawanggawa at Kapakanan ni Allah), sasakanila ang malaking gantimpala

وَمَا لَكُمْ لَا تُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ ۙ وَالرَّسُولُ يَدْعُوكُمْ لِتُؤْمِنُوا بِرَبِّكُمْ وَقَدْ أَخَذَ مِيثَاقَكُمْ إِن كُنتُم مُّؤْمِنِينَ(8)

Ano ba ang nangyayari sa inyo at kayo ay hindi sumasampalataya kay Allah? Samantalang ang Tagapagbalita (Muhammad) ay nag-aanyaya sa inyo na kayo ay sumampalataya sa inyong Panginoon (Allah) at katotohanang tinanggap Niya ang inyong kasunduan, kung kayoaymgataonamaytunaynapananalig

هُوَ الَّذِي يُنَزِّلُ عَلَىٰ عَبْدِهِ آيَاتٍ بَيِّنَاتٍ لِّيُخْرِجَكُم مِّنَ الظُّلُمَاتِ إِلَى النُّورِ ۚ وَإِنَّ اللَّهَ بِكُمْ لَرَءُوفٌ رَّحِيمٌ(9)

Siya(Allah) ang nagpaparating sa Kanyang Tagapaglingkod (Muhammad) ng lantad na Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.) upang Kanyang magabayan kayo mula sa kailaliman ng kadiliman tungo sa liwanag. At katotohanang si Allah sa inyo ay Puspos ng Kabutihan at Pinakamaawain

وَمَا لَكُمْ أَلَّا تُنفِقُوا فِي سَبِيلِ اللَّهِ وَلِلَّهِ مِيرَاثُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ لَا يَسْتَوِي مِنكُم مَّنْ أَنفَقَ مِن قَبْلِ الْفَتْحِ وَقَاتَلَ ۚ أُولَٰئِكَ أَعْظَمُ دَرَجَةً مِّنَ الَّذِينَ أَنفَقُوا مِن بَعْدُ وَقَاتَلُوا ۚ وَكُلًّا وَعَدَ اللَّهُ الْحُسْنَىٰ ۚ وَاللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌ(10)

At ano ang nangyayari sa inyo at kayo ay hindi gumugugol para sa Kapakanan ni Allah? At kay Allah lamang ang pagmamay- ari ng lahat ng mga kayamanan at pamana ng kalangitan at kalupaan. Hindi magkatulad sa inyo ang mga gumugol nang kusa at nakipaglaban noon sa pagsakop (sa Makkah), at sa kanila (na kasama mo na lumaban [hanggang] sa katapusan). Sila ay higit na mataas sa antas kaysa sa gumugol nang kusa at nakipaglaban sa bandang huli. Datapuwa’t sa lahat, si Allah ay nangako ng pinakamabuting gantimpala. At si Allah ang Ganap na Nakakabatid ng lahat ng inyong ginagawa

مَّن ذَا الَّذِي يُقْرِضُ اللَّهَ قَرْضًا حَسَنًا فَيُضَاعِفَهُ لَهُ وَلَهُ أَجْرٌ كَرِيمٌ(11)

Sino baga siya na magpapautang kay Allah ng isang magandang pautang? At si Allah ang magpaparami nito ng maraming beses sa kanyang kapakinabangan, gayundin naman ay tatanggap pa siya ng masaganang biyaya (alalaong baga, ang Paraiso)

يَوْمَ تَرَى الْمُؤْمِنِينَ وَالْمُؤْمِنَاتِ يَسْعَىٰ نُورُهُم بَيْنَ أَيْدِيهِمْ وَبِأَيْمَانِهِم بُشْرَاكُمُ الْيَوْمَ جَنَّاتٌ تَجْرِي مِن تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا ۚ ذَٰلِكَ هُوَ الْفَوْزُ الْعَظِيمُ(12)

Sa Araw na inyong mapagmamasdan ang mga nananampalatayang lalaki at mga nananampalatayang babae, kung paano ang kanilang Liwanag ay tumatakbo sa kanilang harapan at sa kanilang kanang kamay. (Ang kanilang pagbati ay ito): “ Magandang balita sa inyo sa araw na ito! Mga Halamanan na sa ibaba nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (Paraiso), upang manirahan dito magpakailanman! Katotohanang ito ang Pinakamataas na Tagumpay!”

يَوْمَ يَقُولُ الْمُنَافِقُونَ وَالْمُنَافِقَاتُ لِلَّذِينَ آمَنُوا انظُرُونَا نَقْتَبِسْ مِن نُّورِكُمْ قِيلَ ارْجِعُوا وَرَاءَكُمْ فَالْتَمِسُوا نُورًا فَضُرِبَ بَيْنَهُم بِسُورٍ لَّهُ بَابٌ بَاطِنُهُ فِيهِ الرَّحْمَةُ وَظَاهِرُهُ مِن قِبَلِهِ الْعَذَابُ(13)

Sa Araw na ang mga mapagkunwari, lalaki at babae, ay magsasabi sa mga nananampalataya: “Inyong hintayin kami! Kami ay hayaan ninyo na humiram (ng liwanag) mula sa inyong Liwanag!” At sa kanila ay ipagbabadya: “Magsitalikod kayo sa inyong harapan! At ngayon, kayo ay magsihanap ng liwanag (na hindi nila matatagpuan)! Kaya’t isang dingding ang ititindig sa pagitan nila na rito ay may tarangkahan. Sa loob nito ay naroroon ang walang maliw na Habag, at sa labas nito hanggang sa tagiliran, ay naroroon ang (pagkagalit) at Kaparusahan!”

يُنَادُونَهُمْ أَلَمْ نَكُن مَّعَكُمْ ۖ قَالُوا بَلَىٰ وَلَٰكِنَّكُمْ فَتَنتُمْ أَنفُسَكُمْ وَتَرَبَّصْتُمْ وَارْتَبْتُمْ وَغَرَّتْكُمُ الْأَمَانِيُّ حَتَّىٰ جَاءَ أَمْرُ اللَّهِ وَغَرَّكُم بِاللَّهِ الْغَرُورُ(14)

(Sila na mapagkunwari na nasa labas) ay magsisitawag (sa mga sumasampalataya): “Kami ba ay hindi ninyo kasama? Ang mga sumasampalataya ay sasagot: “Tunay nga! Subalit hinayaan ninyo ang inyong sarili na mabulid sa tukso; kayo ay naghintay sa aming kapahamakan; kayo ay nag-agam- agam (sa pangako ni Allah); at ang inyong (huwad) na pagnanasa ang luminlang sa inyo; hanggang ang Pag-uutos ni Allah ay ipatupad. At ang Punong Manlilinlang (Satanas) ang dumaya sa inyo tungkol kay Allah

فَالْيَوْمَ لَا يُؤْخَذُ مِنكُمْ فِدْيَةٌ وَلَا مِنَ الَّذِينَ كَفَرُوا ۚ مَأْوَاكُمُ النَّارُ ۖ هِيَ مَوْلَاكُمْ ۖ وَبِئْسَ الْمَصِيرُ(15)

Kaya’t sa Araw na ito, walang kabayaran ang tatanggapin sa inyo (na mga mapagkunwari), gayundin sa mga nagtakwil kay Allah (sa Kanyang Kaisahan at sa Islam). Ang inyong tahanan ay Apoy. Ito ang angkop na lugar na mag-aangkin sa inyo at tunay namang (ito) ay isang masamang tagapagtangkilik!”

۞ أَلَمْ يَأْنِ لِلَّذِينَ آمَنُوا أَن تَخْشَعَ قُلُوبُهُمْ لِذِكْرِ اللَّهِ وَمَا نَزَلَ مِنَ الْحَقِّ وَلَا يَكُونُوا كَالَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ مِن قَبْلُ فَطَالَ عَلَيْهِمُ الْأَمَدُ فَقَسَتْ قُلُوبُهُمْ ۖ وَكَثِيرٌ مِّنْهُمْ فَاسِقُونَ(16)

Hindi pa ba dumatal ang panahon sa puso ng mga sumasampalataya (na may kapakumbabaan at gumugugol sa pag-aala-ala kay Allah, sa Kanyang Kaisahan at sa Islam) na matablan ng katotohanan na ipinahayag (ang Qur’an) sa kanila; (baka mangyari) na sila ay matulad sa mga tao na pinagpahayagan ng Kasulatan noon pang una (ang Torah [mga Batas] at Ebanghelyo, alalaong baga ang mga Hudyo at Kristiyano), gayunman, marami ng panahon ang nalagas at ang kanilang puso ay lumaki at tumigas? At marami sa kanila ang Fasiqun (mga mapaghimagsik at palasuway kay Allah)

اعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ يُحْيِي الْأَرْضَ بَعْدَ مَوْتِهَا ۚ قَدْ بَيَّنَّا لَكُمُ الْآيَاتِ لَعَلَّكُمْ تَعْقِلُونَ(17)

dapat ninyong maalaman na si Allah ang nagbibigay ng buhay sa patay na lupa (kalupaan na naging tigang)! Naririto, katotohanang Aming ipinamamalas ang Ayat (mga tanda, katibayan, aral, kapahayagan, atbp.) ng magaan sa inyo upang kayo ay makaunawa

إِنَّ الْمُصَّدِّقِينَ وَالْمُصَّدِّقَاتِ وَأَقْرَضُوا اللَّهَ قَرْضًا حَسَنًا يُضَاعَفُ لَهُمْ وَلَهُمْ أَجْرٌ كَرِيمٌ(18)

Katotohanang sa mga nagkakaloob ng kawanggawa, lalakimanobabae, atnagpapautangkayAllahngmagandang pautang, ito ay (Kanyang) pag-iibayuhin ng marami (sa kanilang kapakinabangan), at gayundin, sila ay tatanggap ng saganang biyaya (alalaong baga, ang Paraiso)

وَالَّذِينَ آمَنُوا بِاللَّهِ وَرُسُلِهِ أُولَٰئِكَ هُمُ الصِّدِّيقُونَ ۖ وَالشُّهَدَاءُ عِندَ رَبِّهِمْ لَهُمْ أَجْرُهُمْ وَنُورُهُمْ ۖ وَالَّذِينَ كَفَرُوا وَكَذَّبُوا بِآيَاتِنَا أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ الْجَحِيمِ(19)

At sa mga nananampalataya kay Allah (sa Kanyang Kaisahan) at sa Kanyang mga Tagapagbalita, sila ang Siddiqun (alalaong baga, mga matatapat na tagasunod ng mga Propeta na pangunahin at pinakatampok sa pananalig sa kanila), at mga Martir sa Paningin ng kanilang Panginoon, sasakanila ang kanilang Gantimpala at kanilang Liwanag. Datapuwa’t sila na nagtatakwil kay Allah (sa Kanyang Kaisahan at sa Islam) at nagtatatwa ng Aming Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.), sila ang mga kasamahan ng Apoy ng Impiyerno

اعْلَمُوا أَنَّمَا الْحَيَاةُ الدُّنْيَا لَعِبٌ وَلَهْوٌ وَزِينَةٌ وَتَفَاخُرٌ بَيْنَكُمْ وَتَكَاثُرٌ فِي الْأَمْوَالِ وَالْأَوْلَادِ ۖ كَمَثَلِ غَيْثٍ أَعْجَبَ الْكُفَّارَ نَبَاتُهُ ثُمَّ يَهِيجُ فَتَرَاهُ مُصْفَرًّا ثُمَّ يَكُونُ حُطَامًا ۖ وَفِي الْآخِرَةِ عَذَابٌ شَدِيدٌ وَمَغْفِرَةٌ مِّنَ اللَّهِ وَرِضْوَانٌ ۚ وَمَا الْحَيَاةُ الدُّنْيَا إِلَّا مَتَاعُ الْغُرُورِ(20)

dapat ninyong maalamang lahat na ang buhay sa mundong ito ay isa lamang laro at pampalipas oras, isang pagpaparangalan sa gayak at tampok na pangangalandakan sa lipon ninyo at pagpaparami (sa pagpapaligsahan) ng inyong mga sarili sa mga kayamanan at mga anak. Narito ang isang paghahalintulad: Kung paano ang ulan at pagtubo (ng halaman) ay nagbibigay sigla sa (puso) ng mga magsasaka; hindi magtatagal ito ay malalanta at mapagmamasdan mo na ito ay naninilaw, at magiging tuyo at malalansag. Datapuwa’t sa Kabilang Buhay ay mayroong (kapwa) isang Malupit na Kaparusahan (sa mga walang pananalig kay Allah at tagasunod ng kamalian) at Kapatawaran mula kay Allah at (Kanyang) pagkalugod (sa mga nananalig kay Allah at tagasunod sa kabutihan). At ano ba ang buhay sa mundong ito, maliban lamang sa mga paninda at mga bagay ng pandaraya

سَابِقُوا إِلَىٰ مَغْفِرَةٍ مِّن رَّبِّكُمْ وَجَنَّةٍ عَرْضُهَا كَعَرْضِ السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ أُعِدَّتْ لِلَّذِينَ آمَنُوا بِاللَّهِ وَرُسُلِهِ ۚ ذَٰلِكَ فَضْلُ اللَّهِ يُؤْتِيهِ مَن يَشَاءُ ۚ وَاللَّهُ ذُو الْفَضْلِ الْعَظِيمِ(21)

Bigyang pansin ninyo (ang paghahanap) ng Kapatawaran mula sa inyong Panginoon (Allah) at tungo sa Halamanan ng Kaligayahan (Paraiso) na ang lapad nito ay kasinglawak ng kalangitan at kalupaan na inihanda sa mga sumasampalataya kay Allah at sa Kanyang mga Tagapagbalita. Ito ang Biyaya ni Allah na ipinagkaloob Niya sa sinumang Kanyang maibigan, at si Allah ang Panginoon ng mga Biyayang walang Pagmamaliw

مَا أَصَابَ مِن مُّصِيبَةٍ فِي الْأَرْضِ وَلَا فِي أَنفُسِكُمْ إِلَّا فِي كِتَابٍ مِّن قَبْلِ أَن نَّبْرَأَهَا ۚ إِنَّ ذَٰلِكَ عَلَى اللَّهِ يَسِيرٌ(22)

walang masamang pangyayari ang magaganap dito sa kalupaan at sa inyong sarili (kaluluwa), maliban na ito ay naitala sa Aklat ng Kautusan (Al Lauh Al Mahfuz), bago pa Namin pinapangyari ang lahat sa paglikha. Katotohanang ito ay lubhang magaan kay Allah (alalaong baga, ang manalig sa maka-diyos na pagtatakda, ang Qadar)

لِّكَيْلَا تَأْسَوْا عَلَىٰ مَا فَاتَكُمْ وَلَا تَفْرَحُوا بِمَا آتَاكُمْ ۗ وَاللَّهُ لَا يُحِبُّ كُلَّ مُخْتَالٍ فَخُورٍ(23)

Upang kayo ay hindi mahapis sa mga bagay na nabigo ninyong kamtin, gayundin naman, ay huwag maging mapagmataas sa mga biyayang ipinagkaloob sa inyo. At si Allah ay hindi nagmamahal sa mga nagmamagaling sa pagyayabang

الَّذِينَ يَبْخَلُونَ وَيَأْمُرُونَ النَّاسَ بِالْبُخْلِ ۗ وَمَن يَتَوَلَّ فَإِنَّ اللَّهَ هُوَ الْغَنِيُّ الْحَمِيدُ(24)

(At sila) na mga tao na mapagnasa (at gahaman) at nagtutulak ng pagnanasa (at pagkagahaman) sa mga tao (si Allah ay hindi nangangailangan ng kanilang tulong). At sinuman ang tumalikod (sa Pananalig at Landas ni Allah), katotohanang si Allah ay Tigib ng Kasaganaan (walang pangangailangan), at Karapat-dapat sa Lahat ng Pagpupuri

لَقَدْ أَرْسَلْنَا رُسُلَنَا بِالْبَيِّنَاتِ وَأَنزَلْنَا مَعَهُمُ الْكِتَابَ وَالْمِيزَانَ لِيَقُومَ النَّاسُ بِالْقِسْطِ ۖ وَأَنزَلْنَا الْحَدِيدَ فِيهِ بَأْسٌ شَدِيدٌ وَمَنَافِعُ لِلنَّاسِ وَلِيَعْلَمَ اللَّهُ مَن يَنصُرُهُ وَرُسُلَهُ بِالْغَيْبِ ۚ إِنَّ اللَّهَ قَوِيٌّ عَزِيزٌ(25)

Katotohanang isinugo Namin (noon pa) ang Aming mga Tagapagbalita na may Maliwanag na mga Katibayan, at ipinadala Namin sa kanila ang Kasulatan at Timbangan (ng Matuwid at Mali), upang ang mga tao ay magsitindig sa katarungan. At inilabas namin ang Bakal, na naririto ang malaking lakas (sa mga bagay ng pakikipaglaban), gayundin naman ng maraming kapakinabangan sa sangkatauhan, upang masubukan ni Allah kung sino ang tutulong ng lingid sa Kanya (sa Kanyang Relihiyon), at sa Kanyang mga Tagapagbalita. Katotohanang si Allah ay Ganap na Makapangyarihan, ang Mataas sa Kapamahalaan

وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا نُوحًا وَإِبْرَاهِيمَ وَجَعَلْنَا فِي ذُرِّيَّتِهِمَا النُّبُوَّةَ وَالْكِتَابَ ۖ فَمِنْهُم مُّهْتَدٍ ۖ وَكَثِيرٌ مِّنْهُمْ فَاسِقُونَ(26)

At tunay na isinugo Namin si Noe at Abraham, at itinatag Namin sa kanilang lahi ang pagka-Propeta at Kapahayagan, ang ilan sa kanila ay nasa tamang patnubay, datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay Fasiqun (mga mapaghimagsik at palasuway kay Allah)

ثُمَّ قَفَّيْنَا عَلَىٰ آثَارِهِم بِرُسُلِنَا وَقَفَّيْنَا بِعِيسَى ابْنِ مَرْيَمَ وَآتَيْنَاهُ الْإِنجِيلَ وَجَعَلْنَا فِي قُلُوبِ الَّذِينَ اتَّبَعُوهُ رَأْفَةً وَرَحْمَةً وَرَهْبَانِيَّةً ابْتَدَعُوهَا مَا كَتَبْنَاهَا عَلَيْهِمْ إِلَّا ابْتِغَاءَ رِضْوَانِ اللَّهِ فَمَا رَعَوْهَا حَقَّ رِعَايَتِهَا ۖ فَآتَيْنَا الَّذِينَ آمَنُوا مِنْهُمْ أَجْرَهُمْ ۖ وَكَثِيرٌ مِّنْهُمْ فَاسِقُونَ(27)

(At sa kanilang pagsasayang ng oras) ay isinugo Namin sa kanila ang iba pang mga Tagapagbalita. Aming isinugo sa kanila si Hesus, ang anak ni Maria, at ibinigay Namin sa kanya ang Ebanghelyo, at itinalaga Namin sa puso ng mga sumusunod sa kanya ang Aming Pagkalinga at Habag. Datapuwa’t ang hindi pag-aasawa na itinalaga nila sa kanilang sarili; ito ay hindi Namin iginawad sa kanila, subalit (ito ay kanilang pinaghanap) upang mabigyang kasiyahan si Allah; ngunit sila ay hindi nagpatupad nito sa nararapat na pagtupad. Kaya’t ipinagkaloob Namin sa lipon nila na sumasampalataya ang kanilang (laang) gantimpala, subalit ang karamihan sa kanila ay Fasiqun (mga mapaghimagsik at palasuway kay Allah)

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اتَّقُوا اللَّهَ وَآمِنُوا بِرَسُولِهِ يُؤْتِكُمْ كِفْلَيْنِ مِن رَّحْمَتِهِ وَيَجْعَل لَّكُمْ نُورًا تَمْشُونَ بِهِ وَيَغْفِرْ لَكُمْ ۚ وَاللَّهُ غَفُورٌ رَّحِيمٌ(28)

O kayong nananalig (kay Moises [mga Hudyo] at kay Hesus [mga Kristiyano])! Pangambahan ninyo si Allah at sumampalataya rin kayo sa Kanyang Tagapagbalita (Muhammad). Ipagkakaloob Niya sa inyo ang dalawang bahagi ng Kanyang Habag at ipagkakaloob Niya sa inyo ang isang Tanglaw na inyong malalakaran (sa matuwid na landas), atpatatawarin Niyaang(inyongnakaraan), sapagkat si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, Ang Pinakamaawain

لِّئَلَّا يَعْلَمَ أَهْلُ الْكِتَابِ أَلَّا يَقْدِرُونَ عَلَىٰ شَيْءٍ مِّن فَضْلِ اللَّهِ ۙ وَأَنَّ الْفَضْلَ بِيَدِ اللَّهِ يُؤْتِيهِ مَن يَشَاءُ ۚ وَاللَّهُ ذُو الْفَضْلِ الْعَظِيمِ(29)

Upang mapag-alaman ng Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano), na wala silang anupamang kapangyarihan na higit sa mga Biyaya ni Allah, at ang (Kanyang) biyaya ay (tandisang) nasa sa Kanyang Kamay lamang, na Kanyang igagawad sa sinumang Kanyang maibigan sapagkat si Allah ang Panginoon ng Nag- uumapaw na Biyaya


المزيد من السور باللغة الفلبينية:

سورة البقرة آل عمران سورة النساء
سورة المائدة سورة يوسف سورة ابراهيم
سورة الحجر سورة الكهف سورة مريم
سورة السجدة سورة يس سورة الدخان
سورة النجم سورة الرحمن سورة الواقعة
سورة الحشر سورة الملك سورة الحاقة

تحميل سورة الحديد بصوت أشهر القراء :

قم باختيار القارئ للاستماع و تحميل سورة الحديد كاملة بجودة عالية
سورة الحديد أحمد العجمي
أحمد العجمي
سورة الحديد خالد الجليل
خالد الجليل
سورة الحديد سعد الغامدي
سعد الغامدي
سورة الحديد سعود الشريم
سعود الشريم
سورة الحديد عبد الباسط عبد الصمد
عبد الباسط
سورة الحديد عبد الله عواد الجهني
عبد الله الجهني
سورة الحديد علي الحذيفي
علي الحذيفي
سورة الحديد فارس عباد
فارس عباد
سورة الحديد ماهر المعيقلي
ماهر المعيقلي
سورة الحديد محمد جبريل
محمد جبريل
سورة الحديد محمد صديق المنشاوي
المنشاوي
سورة الحديد الحصري
الحصري
سورة الحديد العفاسي
مشاري العفاسي
سورة الحديد ناصر القطامي
ناصر القطامي
سورة الحديد ياسر الدوسري
ياسر الدوسري



Sunday, December 22, 2024

لا تنسنا من دعوة صالحة بظهر الغيب