سورة الفجر بالفلبينية

  1. استمع للسورة
  2. سور أخرى
  3. ترجمة السورة
القرآن الكريم | ترجمة معاني القرآن | اللغة الفلبينية | سورة الفجر | Fajr - عدد آياتها 30 - رقم السورة في المصحف: 89 - معنى السورة بالإنجليزية: The Break of Day.

وَالْفَجْرِ(1)

Sa pamamagitan ng Bukang Liwayway

وَلَيَالٍ عَشْرٍ(2)

Sa pamamagitan ng sampung gabi (alalaong baga, ang unang sampung araw ng buwan ng Dhul-Hijja)

وَالشَّفْعِ وَالْوَتْرِ(3)

Sa pamamagitan (ng bilang) na pantay at gansal (sa lahat ng mga nilalang ni Allah)

وَاللَّيْلِ إِذَا يَسْرِ(4)

At sa pamamagitan ng gabi kung ito ay lumilipas

هَلْ فِي ذَٰلِكَ قَسَمٌ لِّذِي حِجْرٍ(5)

Katotohanang narito (sa mga sumpang pahayag) ang sapat na katibayan sa mga tao na may ganap na pang-unawa (at dahil dito, sila ay marapat na umiwas sa lahat ng mga kasalanan at kawalang pananalig, atbp)

أَلَمْ تَرَ كَيْفَ فَعَلَ رَبُّكَ بِعَادٍ(6)

Hindi mo ba namamalas ([o napagtatanto] O Muhammad) kung paano itinuring ng iyong Panginoon ang angkan ni A’ad

إِرَمَ ذَاتِ الْعِمَادِ(7)

Ng lunsod ng Imran, na may matataas na haligi

الَّتِي لَمْ يُخْلَقْ مِثْلُهَا فِي الْبِلَادِ(8)

Ang katulad nito ay hindi ginawa sa (lahat) ng lupain

وَثَمُودَ الَّذِينَ جَابُوا الصَّخْرَ بِالْوَادِ(9)

At sa angkan ni Thamud na bumabaak ng malalaking bato sa paanan ng bundok (upang gawing tirahan)

وَفِرْعَوْنَ ذِي الْأَوْتَادِ(10)

At kay Paraon na may mga talasok (na nagpapahirap sa mga tao sa pamamagitan ng pagtatali sa mga talasok)

الَّذِينَ طَغَوْا فِي الْبِلَادِ(11)

Na nagmalabis sa lahat ng hangganan ng kalupaan (sa pagsuway kay Allah)

فَأَكْثَرُوا فِيهَا الْفَسَادَ(12)

At nagsagawa rito ng napakaraming kabuktutan

فَصَبَّ عَلَيْهِمْ رَبُّكَ سَوْطَ عَذَابٍ(13)

Kaya’t ang iyong Panginoon ay naggawad sa kanila ng iba’t ibang uri ng kaparusahan

إِنَّ رَبَّكَ لَبِالْمِرْصَادِ(14)

Katotohanan, ang iyong Panginoon ay Laging Nagmamasid (sa kanila)

فَأَمَّا الْإِنسَانُ إِذَا مَا ابْتَلَاهُ رَبُّهُ فَأَكْرَمَهُ وَنَعَّمَهُ فَيَقُولُ رَبِّي أَكْرَمَنِ(15)

At ang tao, kung siya ay subukan ng (kanyang) Panginoon at gawaran ng biyaya at karangalan; kanyang sasalitain (ng may pagmamalaki): “Ang aking Panginoon ay nagparangal sa akin!”

وَأَمَّا إِذَا مَا ابْتَلَاهُ فَقَدَرَ عَلَيْهِ رِزْقَهُ فَيَقُولُ رَبِّي أَهَانَنِ(16)

Datapuwa’t ang tao, kung siya ay Kanyang subukan at higpitan ang pinagkukunan ng kanyang biyaya; kanyang sasalitain (sa kawalang pag-asa): “Ang aking Panginoon ay humamak (umaba) sa akin!”

كَلَّا ۖ بَل لَّا تُكْرِمُونَ الْيَتِيمَ(17)

Hindi! Katotohanang ikaw ay hindi lumilingap sa mga ulila (maging ang pakitunguhan sila ng mabuti, o ipagkaloob sa kanila ang nararapat nilang mana)

وَلَا تَحَاضُّونَ عَلَىٰ طَعَامِ الْمِسْكِينِ(18)

At walang malasakit na pakainin ang naghihikahos

وَتَأْكُلُونَ التُّرَاثَ أَكْلًا لَّمًّا(19)

At kinamkammoang(kanilang) pamana, anglahat- sapagiging gahaman

وَتُحِبُّونَ الْمَالَ حُبًّا جَمًّا(20)

At nagmamahal ka sa iyong kayamanan ng labis-labis na pagmamahal

كَلَّا إِذَا دُكَّتِ الْأَرْضُ دَكًّا دَكًّا(21)

Hindi! Kung ang kalupaan ay durugin ng pinung-pino

وَجَاءَ رَبُّكَ وَالْمَلَكُ صَفًّا صَفًّا(22)

At ang iyong Panginoon ay pumarito na kasama ng pangkat-pangkat na anghel

وَجِيءَ يَوْمَئِذٍ بِجَهَنَّمَ ۚ يَوْمَئِذٍ يَتَذَكَّرُ الْإِنسَانُ وَأَنَّىٰ لَهُ الذِّكْرَىٰ(23)

At ang Impiyerno, sa Araw na ito ay matatambad ng malapit. Sa Araw na ito, ang tao ay makakaala-ala, datapuwa’t paano kaya na ang gayong pag-aala-ala ay makakatulong sa kanya

يَقُولُ يَا لَيْتَنِي قَدَّمْتُ لِحَيَاتِي(24)

Siya ay magsasabi: “Ah! Sana ay pinaghandaan ko ito (ng mabubuting gawa) tungo sa aking darating na (ibang) buhay!”

فَيَوْمَئِذٍ لَّا يُعَذِّبُ عَذَابَهُ أَحَدٌ(25)

Sa Araw na ito, ang Kanyang kaparusahan (ng sakit at lumbay) ay hindi maipadadama ng sinuman (maliban sa Kanya)

وَلَا يُوثِقُ وَثَاقَهُ أَحَدٌ(26)

At ang Kanyang paggapos (sa piitan) ay hindi maipadadama ng sinuman (maliban sa Kanya)

يَا أَيَّتُهَا النَّفْسُ الْمُطْمَئِنَّةُ(27)

(At sa mabubuting kaluluwa ay ipagbabadya): “o (ikaw na) kaluluwa, sa (ganap) na kapahingahan at kasiyahan

ارْجِعِي إِلَىٰ رَبِّكِ رَاضِيَةً مَّرْضِيَّةً(28)

Magbalik ka sa iyong Panginoon, na nalulugod (sa iyong sarili) at iyong tamasahin ang Kanyang lugod

فَادْخُلِي فِي عِبَادِي(29)

Halika, pumasok ka sa lipon ng Aking mararangal na alipin

وَادْخُلِي جَنَّتِي(30)

Katotohanan, pumasok ka sa Aking Langit (Paraiso)!”


المزيد من السور باللغة الفلبينية:

سورة البقرة آل عمران سورة النساء
سورة المائدة سورة يوسف سورة ابراهيم
سورة الحجر سورة الكهف سورة مريم
سورة السجدة سورة يس سورة الدخان
سورة النجم سورة الرحمن سورة الواقعة
سورة الحشر سورة الملك سورة الحاقة

تحميل سورة الفجر بصوت أشهر القراء :

قم باختيار القارئ للاستماع و تحميل سورة الفجر كاملة بجودة عالية
سورة الفجر أحمد العجمي
أحمد العجمي
سورة الفجر خالد الجليل
خالد الجليل
سورة الفجر سعد الغامدي
سعد الغامدي
سورة الفجر سعود الشريم
سعود الشريم
سورة الفجر عبد الباسط عبد الصمد
عبد الباسط
سورة الفجر عبد الله عواد الجهني
عبد الله الجهني
سورة الفجر علي الحذيفي
علي الحذيفي
سورة الفجر فارس عباد
فارس عباد
سورة الفجر ماهر المعيقلي
ماهر المعيقلي
سورة الفجر محمد جبريل
محمد جبريل
سورة الفجر محمد صديق المنشاوي
المنشاوي
سورة الفجر الحصري
الحصري
سورة الفجر العفاسي
مشاري العفاسي
سورة الفجر ناصر القطامي
ناصر القطامي
سورة الفجر ياسر الدوسري
ياسر الدوسري



Sunday, December 22, 2024

لا تنسنا من دعوة صالحة بظهر الغيب