📖 0/604 pahinang nabasa
📄 77
An-Nisa

An-Nisa

4:1
يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ ٱتَّقُواْ رَبَّكُمُ ٱلَّذِي خَلَقَكُم مِّن نَّفۡسٍ وَٰحِدَةٍ وَخَلَقَ مِنۡهَا زَوۡجَهَا وَبَثَّ مِنۡهُمَا رِجَالًا كَثِيرًا وَنِسَآءًۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ ٱلَّذِي تَسَآءَلُونَ بِهِۦ وَٱلۡأَرۡحَامَۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلَيۡكُمۡ رَقِيبًا ١
o sangkatauhan! Pangambahan ang inyong Panginoon na lumikha sa inyo mula sa isang tao (Adan), at mula sa kanya ay nilikha Niya ang kanyang asawa (Eba), at mula sa kanilang dalawa ay nilikha Niya ang maraming lalaki at babae; pangambahan ninyo si Allah, mula sa Kanya ay nanggaling ang inyong magkasanib (na mga karapatan), at (huwag ninyong putulin ang kaugnayan) ng mga sinapupunan (na nagluwal sa inyo, alalaong baga, ang pagkakamag-anak); sapagkat katiyakang si Allah ay Lalagi nang Ganap na Nagmamasid sa inyo
4:2
وَءَاتُواْ ٱلۡيَتَٰمَىٰٓ أَمۡوَٰلَهُمۡۖ وَلَا تَتَبَدَّلُواْ ٱلۡخَبِيثَ بِٱلطَّيِّبِۖ وَلَا تَأۡكُلُوٓاْ أَمۡوَٰلَهُمۡ إِلَىٰٓ أَمۡوَٰلِكُمۡۚ إِنَّهُۥ كَانَ حُوبًا كَبِيرًا ٢
At sa mga ulila, inyong ibalik ang kanilang mga ari-arian (kung sila ay sumapit na sa hustong gulang), gayundin naman ay huwag ninyong ihalili (ipalit) ang (inyong) walang halagang bagay sa (kanilang) mahalagang bagay, at huwag ninyong kamkamin ang kanilang kabuhayan (sa pagdaragdag nito) sa inyong kabuhayan. Katiyakang ito ay isang malaking kasalanan
4:3
وَإِنۡ خِفۡتُمۡ أَلَّا تُقۡسِطُواْ فِي ٱلۡيَتَٰمَىٰ فَٱنكِحُواْ مَا طَابَ لَكُم مِّنَ ٱلنِّسَآءِ مَثۡنَىٰ وَثُلَٰثَ وَرُبَٰعَۖ فَإِنۡ خِفۡتُمۡ أَلَّا تَعۡدِلُواْ فَوَٰحِدَةً أَوۡ مَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُكُمۡۚ ذَٰلِكَ أَدۡنَىٰٓ أَلَّا تَعُولُواْ ٣
At kung kayo ay nangangamba na kayo ay hindi makakaganap na maging makatarungan sa mga (babaeng) ulila, kayo ay magsipag-asawa ng (ibang) kababaihan na inyong mapusuan, dalawa, o tatlo, o apat; datapuwa’t kung kayo ay nangangamba na kayo ay hindi makakaganap na makitungo (sa kanila) ng may pantay na katarungan, kung gayon ay (mag-asawa) lamang ng isa, o kung ano ang angkin ng inyong kanang kamay. Ito ay higit na mainam upang mapigilan kayo na makagawa ng kawalang katarungan
4:4
وَءَاتُواْ ٱلنِّسَآءَ صَدُقَٰتِهِنَّ نِحۡلَةًۚ فَإِن طِبۡنَ لَكُمۡ عَن شَيۡءٍ مِّنۡهُ نَفۡسًا فَكُلُوهُ هَنِيٓـًٔا مَّرِيٓـًٔا ٤
At ibigay sa kababaihan (na inyong mapapangasawa) ang kanilang Mahr (ang katungkulang dote o handog na ibinibigay ng lalaki sa kanyang magiging asawa sa sandali ng kasal) ng may mabuting puso; datapuwa’t kung sila (mga babae), sa kanilang sariling kasiyahan ay muling ibalik ang bahagi nito sa inyo, ito ay inyong kunin at masiyahan ng walang pangangamba sa anumang kasahulan (sapagkat ginawa itong legal ni Allah)
4:5
وَلَا تُؤۡتُواْ ٱلسُّفَهَآءَ أَمۡوَٰلَكُمُ ٱلَّتِي جَعَلَ ٱللَّهُ لَكُمۡ قِيَٰمًا وَٱرۡزُقُوهُمۡ فِيهَا وَٱكۡسُوهُمۡ وَقُولُواْ لَهُمۡ قَوۡلًا مَّعۡرُوفًا ٥
At sa may mahihinang pag-iisip, huwag ninyong ibigay sa kanila ang inyong ari-arian na ipinagkatiwala ni Allah upang inyong pamahalaan, datapuwa’t damitan ninyo at pakainin sila, at kayo ay mangusap sa kanila ng may kabutihan at katarungan
4:6
وَٱبۡتَلُواْ ٱلۡيَتَٰمَىٰ حَتَّىٰٓ إِذَا بَلَغُواْ ٱلنِّكَاحَ فَإِنۡ ءَانَسۡتُم مِّنۡهُمۡ رُشۡدًا فَٱدۡفَعُوٓاْ إِلَيۡهِمۡ أَمۡوَٰلَهُمۡۖ وَلَا تَأۡكُلُوهَآ إِسۡرَافًا وَبِدَارًا أَن يَكۡبَرُواْۚ وَمَن كَانَ غَنِيًّا فَلۡيَسۡتَعۡفِفۡۖ وَمَن كَانَ فَقِيرًا فَلۡيَأۡكُلۡ بِٱلۡمَعۡرُوفِۚ فَإِذَا دَفَعۡتُمۡ إِلَيۡهِمۡ أَمۡوَٰلَهُمۡ فَأَشۡهِدُواْ عَلَيۡهِمۡۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ حَسِيبًا ٦
Subukan ninyo (ang katalinuhan) ng mga ulila hanggang sa sila ay sumapit na sa hustong gulang ng pag-aasawa; at kung kayo ay makakita sa kanila ng sapat na kakayahan, ibigay ninyo sa kanila ang kanilang ari- arian, datapuwa’t huwag ninyong gamitin ito ng walang kapararakan at huwag ding madaliin (ang pagbibigay) kung itoayhindiumaayon(sagulang) ngkanilangpaglaki.Atkung ang tagapangalaga ay may maalwang buhay, hayaan siya na huwag tumanggap ng kabayaran, datapuwa’t kung siya ay mahirap, hayaan siya na magkaroon sa kanyang sarili kung ano ang makatarungan at katamtaman. At kung inyo nang igawad sa kanila ang kanilang ari-arian, kayo ay kumuha ng mga saksi sa kanilang harapan; datapuwa’t si Allah ay Ganap na Saksi sa pagsusulit
العربيةEnglishBahasa IndonesiaTürkçeРусскийفارسیFrançaisاردوবাংলাDeutschEspañol中文हिन्दीPortuguêsItalianoภาษาไทยPolskiNederlandsShqipKiswahiliO'zbekதமிழ்MelayuBosanskiSoomaaliAzərbaycanکوردی한국어日本語SvenskaDanskNorskپښتوമലയാളംසිංහලTamazightHausaአማርኛБългарскиТоҷикӣҚазақшаFilipinoسنڌيYorùbáFulfuldeТатарчаئۇيغۇرچەКыргызчаਪੰਜਾਬੀJawaతెలుగుမြန်မာગુજરાતીOromoमराठीTiếng ViệtMalagasyНохчийнWolofދިވެހިಕನ್ನಡУкраїнськаΕλληνικάქართულიខ្មែរدریQafar afMaranaoनेपाली
Banal na Quran
Friday, August 21, 2026
Don't forget us in your sincere prayers







