Surah Muzammil Aya 20 , Filipino translation of the meaning Ayah.
﴿۞ إِنَّ رَبَّكَ يَعْلَمُ أَنَّكَ تَقُومُ أَدْنَىٰ مِن ثُلُثَيِ اللَّيْلِ وَنِصْفَهُ وَثُلُثَهُ وَطَائِفَةٌ مِّنَ الَّذِينَ مَعَكَ ۚ وَاللَّهُ يُقَدِّرُ اللَّيْلَ وَالنَّهَارَ ۚ عَلِمَ أَن لَّن تُحْصُوهُ فَتَابَ عَلَيْكُمْ ۖ فَاقْرَءُوا مَا تَيَسَّرَ مِنَ الْقُرْآنِ ۚ عَلِمَ أَن سَيَكُونُ مِنكُم مَّرْضَىٰ ۙ وَآخَرُونَ يَضْرِبُونَ فِي الْأَرْضِ يَبْتَغُونَ مِن فَضْلِ اللَّهِ ۙ وَآخَرُونَ يُقَاتِلُونَ فِي سَبِيلِ اللَّهِ ۖ فَاقْرَءُوا مَا تَيَسَّرَ مِنْهُ ۚ وَأَقِيمُوا الصَّلَاةَ وَآتُوا الزَّكَاةَ وَأَقْرِضُوا اللَّهَ قَرْضًا حَسَنًا ۚ وَمَا تُقَدِّمُوا لِأَنفُسِكُم مِّنْ خَيْرٍ تَجِدُوهُ عِندَ اللَّهِ هُوَ خَيْرًا وَأَعْظَمَ أَجْرًا ۚ وَاسْتَغْفِرُوا اللَّهَ ۖ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَّحِيمٌ﴾
[ المزمل: 20]
Katotohanan! Ang iyong Panginoon ay nakakabatid na ikaw ay nagpupuyat sa pananalangin (sa kahabaan ng gabi), ng maigsi sa dalawang katlo (2/3) ng gabi, o kalahati (1/2) ng gabi, o isang katlo (1/3) ng gabi, gayundin naman ang isang pangkat na iyong kasama-sama. At si Allah ang nagtalaga (sa inyo) ng Gabi at Araw sa ganap na sukat. Talastas Niya na ikaw ay hindi makakapanalangin sa buong magdamag, kaya’t Siya ay naggawad sa iyo ng Kanyang Habag. Kaya’t iyong ipagsaysay ang Qur’an sa iyong makakaya, sa paraan na magaan sa iyo. Talastas Niya na mayroong ilan sa inyo ang may sakit, at ang iba naman ay naglalakbay sa kalupaan sa paghahanap ng (saganang) Biyaya ni Allah, at ang iba ay nakikipaglaban tungo sa Kapakanan ni Allah. Kaya’t iyong ipagsaysay ang Qur’an sa iyong makakaya, sa paraang magaan sa iyo, at ikaw ay mag-alay ng pang-araw-araw na panalangin (Iqamat-as-Salah) nang mahinusay, at magbigay ng Zakah (katungkulang kawanggawa), at magpautang kay Allah ng isang Magandang Pautang (alalaong baga, gumugol sa Kapakanan ni Allah). At anumang mabuting bagay ang inyong ipinadala patungkol sa inyong kaluluwa (mga gawa ng pagsamba tulad ng pagdarasal, kawanggawa, pag-aayuno, Hajj, Umra, atbp.) ay katiyakang matatagpuan ninyo ito sa harapan ni Allah. Katotohanan! Ito ay mainam at sagana sa kabayaran ng gantimpala. At inyong paghanapin ang Biyaya (at Pagpapatawad) ni Allah. Katotohanang si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Lubos na Mahabagin. 920 siyA nA nABABAlutAn
Surah Al-Muzzammil in Filipinotraditional Filipino
Tunay na ang Panginoon mo ay nakaaalam na ikaw ay tumatayo [sa pagdarasal] sa pinakamalapit sa dalawang-katlo ng magdamag o kalahati nito o isang katlo nito, at [gayon din] ang isang pangkat kabilang sa mga kasama sa iyo. Si Allāh ay nagtatakda sa [sukat ng] magdamag at maghapon. Nakaalam Siya na hindi kayo makakakaya niyon, at tumanggap Siya sa inyo ng pagbabalik-loob kaya bumigkas kayo ng anumang naging madali mula sa Qur’ān. Nakaalam Siya na kabilang sa inyo ay magiging mga may-sakit, may mga iba na maglalakbay sa lupain habang naghahanap ng kabutihang-loob ni Allāh, at may mga iba pa na makikipaglaban sa landas ni Allāh. Kaya bumigkas kayo ng anumang naging madali mula rito. Magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo ng zakāh, at magpautang kayo kay Allāh ng isang pautang na maganda. Ang anumang ipinauuna ninyo para sa mga sarili ninyo na kabutihan ay makatatagpo kayo rito, sa ganang kay Allāh, ng isang higit na mabuti at isang higit na mabigat sa pabuya. Humingi kayo ng tawad kay Allāh; tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain
English - Sahih International
Indeed, your Lord knows, [O Muhammad], that you stand [in prayer] almost two thirds of the night or half of it or a third of it, and [so do] a group of those with you. And Allah determines [the extent of] the night and the day. He has known that you [Muslims] will not be able to do it and has turned to you in forgiveness, so recite what is easy [for you] of the Qur'an. He has known that there will be among you those who are ill and others traveling throughout the land seeking [something] of the bounty of Allah and others fighting for the cause of Allah. So recite what is easy from it and establish prayer and give zakah and loan Allah a goodly loan. And whatever good you put forward for yourselves - you will find it with Allah. It is better and greater in reward. And seek forgiveness of Allah. Indeed, Allah is Forgiving and Merciful.
English | Türkçe | Indonesia |
Русский | Français | فارسی |
تفسير | Bengali | Urdu |
Ayats from Quran in Filipino
- o magagawa Niyang wasakin sila (sa pagkalunod) dahilan sa (kasamaan)
- Katotohanang gagawin Naming magaan sa kanya ang Landas patungo sa
- Katotohanang ito ang iyong pinag-aalinlanganan noon!”
- Na dahil dito, sila ay hindi nagkakasundo
- Kung Aming nanaisin ay magagawa Namin na maging tulyapis ito
- At katiyakang Aming isasalaysay sa kanila (ang kanilang buong kasaysayan)
- Siya ay nagsabi: “Aking Panginoon! Paano ako magkakaroon ng isang
- At kung ang Talaan ng mga gawa (mabuti man at
- Pinaglalagom Niya ang gabi sa araw (alalaong baga, ang pag-igsi
- o Propeta! Sabihin mo sa (iyong) mga bihag na sila
Quran surahs in Filipino :
Download surah Muzammil with the voice of the most famous Quran reciters :
surah Muzammil mp3 : choose the reciter to listen and download the chapter Muzammil Complete with high quality
Ahmed Al Ajmy
Bandar Balila
Khalid Al Jalil
Saad Al Ghamdi
Saud Al Shuraim
Abdul Basit
Abdul Rashid Sufi
Abdullah Basfar
Abdullah Al Juhani
Fares Abbad
Maher Al Muaiqly
Al Minshawi
Al Hosary
Mishari Al-afasi
Yasser Al Dosari
Please remember us in your sincere prayers