Surah Al-Fath with Filipino

  1. Surah mp3
  2. More
  3. Filipino
The Holy Quran | Quran translation | Language Filipino | Surah Al Fath | الفتح - Ayat Count 29 - The number of the surah in moshaf: 48 - The meaning of the surah in English: The Victory.

إِنَّا فَتَحْنَا لَكَ فَتْحًا مُّبِينًا(1)

 Katotohanang ikaw (O Muhammad) ay pinagkalooban Namin ng lantad na tagumpay

لِّيَغْفِرَ لَكَ اللَّهُ مَا تَقَدَّمَ مِن ذَنبِكَ وَمَا تَأَخَّرَ وَيُتِمَّ نِعْمَتَهُ عَلَيْكَ وَيَهْدِيَكَ صِرَاطًا مُّسْتَقِيمًا(2)

 Upang si Allah ay magpatawad sa iyong mga pagkakamali ng mga panahong nagdaan at (gayundin) sa panahong darating, at upang ganapin Niya ang Kanyang paglingap sa iyo at ikaw ay patnubayan Niya sa Matuwid na Landas

وَيَنصُرَكَ اللَّهُ نَصْرًا عَزِيزًا(3)

 At upang si Allah ay tumulong sa iyo ng isang lubusang pagtulong

هُوَ الَّذِي أَنزَلَ السَّكِينَةَ فِي قُلُوبِ الْمُؤْمِنِينَ لِيَزْدَادُوا إِيمَانًا مَّعَ إِيمَانِهِمْ ۗ وَلِلَّهِ جُنُودُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ وَكَانَ اللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمًا(4)

 Siya (Allah) ang naghahatid ngAs-Sakinah (katahimikan at kapanatagan) sa puso ng mga sumasampalataya, upang mapag-ibayo nila ang kanilang Pananalig, na katambal ng kanilang Pananalig sa ngayon. At si Allah ang nag-aangkin ng mga laksa-laksang bagay sa kalangitan at kalupaan, at si Allah ang may Ganap na Kaalaman, ang Puspos ng Karunungan

لِّيُدْخِلَ الْمُؤْمِنِينَ وَالْمُؤْمِنَاتِ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِن تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا وَيُكَفِّرَ عَنْهُمْ سَيِّئَاتِهِمْ ۚ وَكَانَ ذَٰلِكَ عِندَ اللَّهِ فَوْزًا عَظِيمًا(5)

 Upang Kanyang tanggapin ang mga sumasampalatayang lalaki at mga sumasampalatayang babae sa Halamanan na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (Paraiso), upang manahan dito sa kasiyahan magpakailanman, at (Kanyang) pawiin sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at ito sa paningin ni Allah ay isang sukdol na tagumpay

وَيُعَذِّبَ الْمُنَافِقِينَ وَالْمُنَافِقَاتِ وَالْمُشْرِكِينَ وَالْمُشْرِكَاتِ الظَّانِّينَ بِاللَّهِ ظَنَّ السَّوْءِ ۚ عَلَيْهِمْ دَائِرَةُ السَّوْءِ ۖ وَغَضِبَ اللَّهُ عَلَيْهِمْ وَلَعَنَهُمْ وَأَعَدَّ لَهُمْ جَهَنَّمَ ۖ وَسَاءَتْ مَصِيرًا(6)

 At upang Kanyang maparusahan ang Munafiqun (mga mapagpaimbabaw, mapagkunwari), mga lalaki at babae, at gayundin ang Mushrikun (mga mapagsamba sa maraming diyus-diyosan at nag-aakibat ng mga katambal sa pagsamba kay Allah), mga lalaki at babae, na nag-iisip ng masamang saloobin kay Allah, sa kanila ay may isang kaaba-abang kaparusahan. Ang Poot ni Allah ay nasa kanila at Kanyang isinumpa sila at (Kanyang) inihanda ang Impiyerno para sa kanila, at tunay namang pagkasama- sama ng gayong hantungan

وَلِلَّهِ جُنُودُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ وَكَانَ اللَّهُ عَزِيزًا حَكِيمًا(7)

 Kay Allah ang pag-aangkin ng lahat ng laksa-laksang bagay sa kalangitan at kalupaan, at si Allah ang Lalagi nang Ganap na Maalam, ang Tigib ng Karunungan

إِنَّا أَرْسَلْنَاكَ شَاهِدًا وَمُبَشِّرًا وَنَذِيرًا(8)

 Katotohanang ikaw (O Muhammad) ay isinugo Namin bilang isang saksi, at tagapaghatid ng Magandang Balita, at isang Tagapagbabala

لِّتُؤْمِنُوا بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ وَتُعَزِّرُوهُ وَتُوَقِّرُوهُ وَتُسَبِّحُوهُ بُكْرَةً وَأَصِيلًا(9)

 Upang kayo (o sangkatauhan) ay manampalataya kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita, at kayo ay tumulong at magparangal sa kanya (Muhammad) at (upang inyong) ipagbunyi ang mga pagluwalhati sa Kanya (Allah) sa umaga at hapon

إِنَّ الَّذِينَ يُبَايِعُونَكَ إِنَّمَا يُبَايِعُونَ اللَّهَ يَدُ اللَّهِ فَوْقَ أَيْدِيهِمْ ۚ فَمَن نَّكَثَ فَإِنَّمَا يَنكُثُ عَلَىٰ نَفْسِهِ ۖ وَمَنْ أَوْفَىٰ بِمَا عَاهَدَ عَلَيْهُ اللَّهَ فَسَيُؤْتِيهِ أَجْرًا عَظِيمًا(10)

 Katotohanang sila na nagbibigay ng kanilang Bai’a (pagpanig, pagtangkilik at katapatan) sa iyo (o Muhammad), sila ay nagbibigay ng Bai’a (pagpanig, pagtangkilik at katapatan) sa katotohanan kay Allah. Ang Kamay ni Allah ay nasa ibabaw ng kanilang mga kamay, kaya’t kung sinuman ang lumabag sa kanyang katapatan (sa pagpanig at pagtangkilik) ay gumawa nito tungo sa kasahulan ng kanyang kaluluwa, at kung sinuman ang tumupad ng kanyang ipinangako (o kasunduan) kay Allah, si Allah ay dagling maggagawad sa kanya ng malaking Gantimpala

سَيَقُولُ لَكَ الْمُخَلَّفُونَ مِنَ الْأَعْرَابِ شَغَلَتْنَا أَمْوَالُنَا وَأَهْلُونَا فَاسْتَغْفِرْ لَنَا ۚ يَقُولُونَ بِأَلْسِنَتِهِم مَّا لَيْسَ فِي قُلُوبِهِمْ ۚ قُلْ فَمَن يَمْلِكُ لَكُم مِّنَ اللَّهِ شَيْئًا إِنْ أَرَادَ بِكُمْ ضَرًّا أَوْ أَرَادَ بِكُمْ نَفْعًا ۚ بَلْ كَانَ اللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرًا(11)

 Sila na mga Bedouin (Arabong nananahan sa disyerto) na nagpaiwan ay magsasabi sa iyo. “Kami ay naging abala sa pamamahala ng aming mga manukan at hayupan at sa aming pamilya, - maaari bang hingin mo ang kapatawaran tungo sa amin?” Sila ay nagsisipagbadya sa kanilang dila (ngunit) wala naman sa kanilang puso. Ipagsaysay: “Sino kaya baga ang may ganap na kapangyarihan, ang makakahadlang sa inyong kapakanan sa harap ni Allah, kung Kanyang naisin na bigyan kayo ng kasahulan o pagkalooban kayo ng kapakinabangan? Hindi, datapuwa’t si Allah ang Lalagi nang Lubos na Nakakaalam ng lahat ninyong ginagawa

بَلْ ظَنَنتُمْ أَن لَّن يَنقَلِبَ الرَّسُولُ وَالْمُؤْمِنُونَ إِلَىٰ أَهْلِيهِمْ أَبَدًا وَزُيِّنَ ذَٰلِكَ فِي قُلُوبِكُمْ وَظَنَنتُمْ ظَنَّ السَّوْءِ وَكُنتُمْ قَوْمًا بُورًا(12)

 Hindi, napag-akala ninyo na angTagapagbalita at ang mga sumasampalataya ay hindi na kailanman makakabalik sa kanilang mga pamilya, at ito ay naghatid ng lugod sa inyong puso, at kayo ay nag-isip ng maraming isipin, sapagka’t kayo ay mga walang halagang tao na tutungo sa pagkawasak.”

وَمَن لَّمْ يُؤْمِن بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ فَإِنَّا أَعْتَدْنَا لِلْكَافِرِينَ سَعِيرًا(13)

 At kung sinuman ang hindi nananampalataya kay Allah at saKanyangTagapagbalita(Muhammad),inihandanaNamin sa mga nagtatakwil kay Allah ang Naglalagablab na Apoy

وَلِلَّهِ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ يَغْفِرُ لِمَن يَشَاءُ وَيُعَذِّبُ مَن يَشَاءُ ۚ وَكَانَ اللَّهُ غَفُورًا رَّحِيمًا(14)

 Kay Allah lamang ang paghahawak ng kapamahalaan ng kalangitan at kalupaan. Siya ay nagpapatawad sa sinumang Kanyang maibigan at nagpaparusa sa sinumang Kanyang maibigan. At si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain

سَيَقُولُ الْمُخَلَّفُونَ إِذَا انطَلَقْتُمْ إِلَىٰ مَغَانِمَ لِتَأْخُذُوهَا ذَرُونَا نَتَّبِعْكُمْ ۖ يُرِيدُونَ أَن يُبَدِّلُوا كَلَامَ اللَّهِ ۚ قُل لَّن تَتَّبِعُونَا كَذَٰلِكُمْ قَالَ اللَّهُ مِن قَبْلُ ۖ فَسَيَقُولُونَ بَلْ تَحْسُدُونَنَا ۚ بَلْ كَانُوا لَا يَفْقَهُونَ إِلَّا قَلِيلًا(15)

 Sila na nagpaiwan (ay magsasabi), kung kayo ay humayo na upang sinupin ang mga labi ng digmaan: “Kami ay payagan ninyo na sumunod sa inyo.” Nais nila na baguhin ang Salita ni Allah. Ipagbadya: “Kayo ay hindi susunod sa amin; ito ay winika na ni Allah noon pa man.” At sila ay magsasabi: “Hindi, kayo ay nangingimbulo sa amin.” Hindi, datapuwa’t kakarampot lamang ang kanilang nauunawaan (sa gayong bagay)

قُل لِّلْمُخَلَّفِينَ مِنَ الْأَعْرَابِ سَتُدْعَوْنَ إِلَىٰ قَوْمٍ أُولِي بَأْسٍ شَدِيدٍ تُقَاتِلُونَهُمْ أَوْ يُسْلِمُونَ ۖ فَإِن تُطِيعُوا يُؤْتِكُمُ اللَّهُ أَجْرًا حَسَنًا ۖ وَإِن تَتَوَلَّوْا كَمَا تَوَلَّيْتُم مِّن قَبْلُ يُعَذِّبْكُمْ عَذَابًا أَلِيمًا(16)

 Ipagbadya (o Muhammad) sa mga Bedouin (mga Arabong nananahan sa disyerto na nagpaiwan): “Kayo ay ipatatawag upang makipaglaban sa mga tao na ibinigay sa makabuluhang labanan, kaya’t kayo ay makikipaglaban sa kanila, o sila ay susuko. Ngayon, kung kayo ay magpapakita ng pagtalima, si Allah ay magkakaloob sa inyo ng makatarungang gantimpala, datapuwa’t kung kayo ay magsisitalikod na kagaya nang ginawa ninyong pagtalikod noong una, ay Kanyang parurusahan kayo ng kasakit- sakit na Kaparusahan”

لَّيْسَ عَلَى الْأَعْمَىٰ حَرَجٌ وَلَا عَلَى الْأَعْرَجِ حَرَجٌ وَلَا عَلَى الْمَرِيضِ حَرَجٌ ۗ وَمَن يُطِعِ اللَّهَ وَرَسُولَهُ يُدْخِلْهُ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِن تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ ۖ وَمَن يَتَوَلَّ يُعَذِّبْهُ عَذَابًا أَلِيمًا(17)

 dito ay hindi susumbatan (o walang kasalanan) ang bulag, gayundin naman ang lumpo, o kaya ang maysakit (kung sila ay hindi nakasama sa labanan), at sinuman ang sumunod kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita (Muhammad), si Allah ay tatanggap sa kanya sa Halamanan na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (Paraiso), at kung sinuman ang tumatalikod, si Allah ay magpaparusa sa kanya ng kasakit-sakit na Kaparusahan

۞ لَّقَدْ رَضِيَ اللَّهُ عَنِ الْمُؤْمِنِينَ إِذْ يُبَايِعُونَكَ تَحْتَ الشَّجَرَةِ فَعَلِمَ مَا فِي قُلُوبِهِمْ فَأَنزَلَ السَّكِينَةَ عَلَيْهِمْ وَأَثَابَهُمْ فَتْحًا قَرِيبًا(18)

 Katotohanang si Allah ay nalulugod sa mga sumasampalataya nang sila ay nagbigay ng Ba’ia (panunumpa ng katapatan) sa iyo (o Muhammad) sa ilalim ng punongkahoy. Batid Niya ang nasa kanilang puso at Siya ang nagpapanaog ng As-Sakinah (katahimikan at kapanatagan) sa kanila at Kanyang ginantimpalaan sila ng abot-kamay na Tagumpay

وَمَغَانِمَ كَثِيرَةً يَأْخُذُونَهَا ۗ وَكَانَ اللَّهُ عَزِيزًا حَكِيمًا(19)

 (Bukod pa rito), maraming kapakinabangan mula sa mga labi ng digmaan ang kanilang matatamasa, at si Allah ay Lalagi nang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan

وَعَدَكُمُ اللَّهُ مَغَانِمَ كَثِيرَةً تَأْخُذُونَهَا فَعَجَّلَ لَكُمْ هَٰذِهِ وَكَفَّ أَيْدِيَ النَّاسِ عَنكُمْ وَلِتَكُونَ آيَةً لِّلْمُؤْمِنِينَ وَيَهْدِيَكُمْ صِرَاطًا مُّسْتَقِيمًا(20)

 Si Allah ay nangako sa inyo ng maraming kapakinabangan mula sa mga labi ng digmaan na inyong matatamasa, at ang mga ito ay daglian Niyang ibinigay sa inyo, at pinigilan Niya ang kamay ng mga tao na malapit sa inyo, upang ito ay maging isang Tanda sa mga Sumasampalataya at upang kayo ay Kanyang magabayan sa isang Matuwid na Landas

وَأُخْرَىٰ لَمْ تَقْدِرُوا عَلَيْهَا قَدْ أَحَاطَ اللَّهُ بِهَا ۚ وَكَانَ اللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرًا(21)

 At ang iba pang kapakinabangan (mga tagumpay at mga labi ng digmaan na Kanyang ipinangangako sa inyo) na hindi abot ng inyong lakas at kapangyarihan, katotohanang ito ay iginawad sa inyo ni Allah, at si Allah ang may kapangyarihan sa lahat ng bagay

وَلَوْ قَاتَلَكُمُ الَّذِينَ كَفَرُوا لَوَلَّوُا الْأَدْبَارَ ثُمَّ لَا يَجِدُونَ وَلِيًّا وَلَا نَصِيرًا(22)

 At kung ang mga hindi sumasampalataya ay makipaglaban sa inyo, katotohanang sila ay magsisitalikod, sa gayon sila ay hindi makakatagpo ng anumang wali (tagapangalaga, tagapagtanggol) gayundin ng kawaksi o tulong

سُنَّةَ اللَّهِ الَّتِي قَدْ خَلَتْ مِن قَبْلُ ۖ وَلَن تَجِدَ لِسُنَّةِ اللَّهِ تَبْدِيلًا(23)

 Gayon ang naging Landas (mga palakad at pagtuturing) ni Allah sa kanila na pumanaw na noon pang una, at walang pagbabago kayong makikita sa naging Landas (mga palakad at pagtuturing) ni Allah

وَهُوَ الَّذِي كَفَّ أَيْدِيَهُمْ عَنكُمْ وَأَيْدِيَكُمْ عَنْهُم بِبَطْنِ مَكَّةَ مِن بَعْدِ أَنْ أَظْفَرَكُمْ عَلَيْهِمْ ۚ وَكَانَ اللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرًا(24)

 At Siya ang pumigil ng kanilang kamay sa inyo (upang kayo ay hindi masaktan), gayundin naman ng inyong kamay sa kanila (upang kayo ay hindi makasakit) doon sa libis ng Makkah, pagkaraang igawad Niya sa inyo ang Tagumpay laban sa kanila. At si Allah ang Lagi nang Lubos na Nakakamasid ng lahat ng inyong ginagawa

هُمُ الَّذِينَ كَفَرُوا وَصَدُّوكُمْ عَنِ الْمَسْجِدِ الْحَرَامِ وَالْهَدْيَ مَعْكُوفًا أَن يَبْلُغَ مَحِلَّهُ ۚ وَلَوْلَا رِجَالٌ مُّؤْمِنُونَ وَنِسَاءٌ مُّؤْمِنَاتٌ لَّمْ تَعْلَمُوهُمْ أَن تَطَئُوهُمْ فَتُصِيبَكُم مِّنْهُم مَّعَرَّةٌ بِغَيْرِ عِلْمٍ ۖ لِّيُدْخِلَ اللَّهُ فِي رَحْمَتِهِ مَن يَشَاءُ ۚ لَوْ تَزَيَّلُوا لَعَذَّبْنَا الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْهُمْ عَذَابًا أَلِيمًا(25)

 Sila yaong hindi sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam), at humahadlang sa inyo sa Masjid- ul-Haram (ang Banal na Bahay Dalanginan sa Makkah), at gayundin naman sa inyong pangsakripisyong alay na hayop na kanilang ikinulong upang ito ay hindi makaabot sa pook na pag-aalayan ng inyong sakripisyo. Kung hindi lamang sana sa mga nananampalatayang lalaki at mga nananampalatayang babae na hindi ninyo nakikilala na maaari ninyong mapatay, at dahil dito, ito ay magiging sanhi upang kayo ay makagawa ng pagkakasala (na hindi ninyo nababatid, [si Allah sana ay magpapahintulot sa inyo na sila ay inyong lusubin, datapuwa’t pinigilan Niya ang inyong mga kamay]), upang Kanyang tanggapin sa Kanyang Habag ang sinumang Kanyang maibigan. Kung sila lamang ay magkalayo (hindi magkalapit ang mga sumasampalataya at mga hindi sumasampalataya), katotohanan, ang mga hindi sumasampalataya sa kanilang lipon ay Aming pinarusahan ng kasakit-sakit na kaparusahan

إِذْ جَعَلَ الَّذِينَ كَفَرُوا فِي قُلُوبِهِمُ الْحَمِيَّةَ حَمِيَّةَ الْجَاهِلِيَّةِ فَأَنزَلَ اللَّهُ سَكِينَتَهُ عَلَىٰ رَسُولِهِ وَعَلَى الْمُؤْمِنِينَ وَأَلْزَمَهُمْ كَلِمَةَ التَّقْوَىٰ وَكَانُوا أَحَقَّ بِهَا وَأَهْلَهَا ۚ وَكَانَ اللَّهُ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمًا(26)

 Nang ang mga hindi sumasampalataya ay naglagay sa kanilang puso ng kapalaluan at kayabangan, - ang kapalaluan at kayabangan nang panahon ng kawalang muwang, - si Allah ay nagpapanaog ng Kanyang Sakinah (katahimikan at kapanatagan) sa Kanyang Tagapagbalita at gayundin sa mga Sumasampalataya at hinayaan Niya na manangan sila sa salita ng kabanalan (alalaong baga, wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah), at ito ay ganap na marapat sa kanila at (sila) ay karapat-dapat dito. At si Allah ang Ganap na Nakakabatid ng lahat ng bagay

لَّقَدْ صَدَقَ اللَّهُ رَسُولَهُ الرُّؤْيَا بِالْحَقِّ ۖ لَتَدْخُلُنَّ الْمَسْجِدَ الْحَرَامَ إِن شَاءَ اللَّهُ آمِنِينَ مُحَلِّقِينَ رُءُوسَكُمْ وَمُقَصِّرِينَ لَا تَخَافُونَ ۖ فَعَلِمَ مَا لَمْ تَعْلَمُوا فَجَعَلَ مِن دُونِ ذَٰلِكَ فَتْحًا قَرِيبًا(27)

 Katotohanang tutuparin ni Allah ang tunay na pangitain na Kanyang ipinamalas sa Kanyang Tagapagbalita (alalaong baga, si Propeta Muhammad ay nakakita sa panaginip na siya ay pumasok sa Makkah na kasama ang kanyang mga kapanalig, na ang kanilang buhok [sa ulo] ay ahit at nagugupitan ng maikli), sa tampok na katotohanan. Katiyakang kayo ay magsisipasok sa Masjid-ul-Haram (Banal na Bahay dalanginan), kung pahihintulutan ni Allah, na may panatag na kaisipan, na ahit ang kanilang buhok sa ulo, at ang ibang buhok ay pinutulan ng maikli, at walang pangangamba, sapagka’t nababatid Niya ang hindi ninyo nalalaman at nagkakaloob Siya maliban pa rito ng abot-kamay na Tagumpay

هُوَ الَّذِي أَرْسَلَ رَسُولَهُ بِالْهُدَىٰ وَدِينِ الْحَقِّ لِيُظْهِرَهُ عَلَى الدِّينِ كُلِّهِ ۚ وَكَفَىٰ بِاللَّهِ شَهِيدًا(28)

 Siya (Allah) ang nagpadala ng Kanyang Tagapagbalita (Muhammad) ng may Patnubay at ng Pananampalataya ng Katotohanan (Islam), upang Kanyang magawa ito (Islam) na mangibabaw sa lahat ng mga pananampalataya, at Ganap na Sapat si Allah bilang isang Saksi

مُّحَمَّدٌ رَّسُولُ اللَّهِ ۚ وَالَّذِينَ مَعَهُ أَشِدَّاءُ عَلَى الْكُفَّارِ رُحَمَاءُ بَيْنَهُمْ ۖ تَرَاهُمْ رُكَّعًا سُجَّدًا يَبْتَغُونَ فَضْلًا مِّنَ اللَّهِ وَرِضْوَانًا ۖ سِيمَاهُمْ فِي وُجُوهِهِم مِّنْ أَثَرِ السُّجُودِ ۚ ذَٰلِكَ مَثَلُهُمْ فِي التَّوْرَاةِ ۚ وَمَثَلُهُمْ فِي الْإِنجِيلِ كَزَرْعٍ أَخْرَجَ شَطْأَهُ فَآزَرَهُ فَاسْتَغْلَظَ فَاسْتَوَىٰ عَلَىٰ سُوقِهِ يُعْجِبُ الزُّرَّاعَ لِيَغِيظَ بِهِمُ الْكُفَّارَ ۗ وَعَدَ اللَّهُ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ مِنْهُم مَّغْفِرَةً وَأَجْرًا عَظِيمًا(29)

 Si Muhammad ang Tagapagbalita ni Allah, at ang mga tao na sumama sa kanya ay matatag laban sa mga hindi sumasampalataya, at sila ay mapagmahal sa isa’t isa. Iyong mapagmamalas sila na yumuyukod at nagpapatirapa sa kanilang pagdalangin na naninilukhod ng Kasaganaan mula kay Allah at ng (Kanyang) Mabuting Pagkalugod. Sa kanilang mukha ay may mga marka (alalaong baga, ng kanilang pananampalataya) mula sa mga bakas ng kanilang pangangayupapa (sa pagdalangin). Ito ang nakakahalintulad nila sa Torah (mga Batas), at ang nakakahalintulad nila sa Ebanghelyo ay ito: Katulad nila ay buto (na itinanim) at bumukadkad sa pagtubo, at naging matatag, at sa kalaunan ay lumago at tumindig nang matuwid sa kanilang katawan, na nagbibigay sa mga nagtanim ng pagkamangha at kasiyahan. dahilan dito, ang mga hindi sumasampalataya ay napuspos ng pagkagalit sa kanila. Si Allah ay nangako sa kanila na mga sumasampalataya (alalaong baga, sila na mga sumusunod sa Islam at nanalig sa Kaisahan ni Allah, ang Pananampalataya ni Propeta Muhammad hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay), at nagsisigawa ng kabutihan, ng pagpapatawad at ng isang malaking gantimpala


More surahs in Filipino:


Al-Baqarah Al-'Imran An-Nisa'
Al-Ma'idah Yusuf Ibrahim
Al-Hijr Al-Kahf Maryam
Al-Hajj Al-Qasas Al-'Ankabut
As-Sajdah Ya Sin Ad-Dukhan
Al-Fath Al-Hujurat Qaf
An-Najm Ar-Rahman Al-Waqi'ah
Al-Hashr Al-Mulk Al-Haqqah
Al-Inshiqaq Al-A'la Al-Ghashiyah

Download surah Al-Fath with the voice of the most famous Quran reciters :

surah Al-Fath mp3 : choose the reciter to listen and download the chapter Al-Fath Complete with high quality
surah Al-Fath Ahmed El Agamy
Ahmed Al Ajmy
surah Al-Fath Bandar Balila
Bandar Balila
surah Al-Fath Khalid Al Jalil
Khalid Al Jalil
surah Al-Fath Saad Al Ghamdi
Saad Al Ghamdi
surah Al-Fath Saud Al Shuraim
Saud Al Shuraim
surah Al-Fath Abdul Basit Abdul Samad
Abdul Basit
surah Al-Fath Abdul Rashid Sufi
Abdul Rashid Sufi
surah Al-Fath Abdullah Basfar
Abdullah Basfar
surah Al-Fath Abdullah Awwad Al Juhani
Abdullah Al Juhani
surah Al-Fath Fares Abbad
Fares Abbad
surah Al-Fath Maher Al Muaiqly
Maher Al Muaiqly
surah Al-Fath Muhammad Siddiq Al Minshawi
Al Minshawi
surah Al-Fath Al Hosary
Al Hosary
surah Al-Fath Al-afasi
Mishari Al-afasi
surah Al-Fath Yasser Al Dosari
Yasser Al Dosari


Wednesday, December 18, 2024

لا تنسنا من دعوة صالحة بظهر الغيب