Surah An-Najm with Filipino

  1. Surah mp3
  2. More
  3. Filipino
The Holy Quran | Quran translation | Language Filipino | Surah Najm | النجم - Ayat Count 62 - The number of the surah in moshaf: 53 - The meaning of the surah in English: The Star.

وَالنَّجْمِ إِذَا هَوَىٰ(1)

 Sa pamamagitan ng Bituin kung ito ay lumulubog (o naglalaho)

مَا ضَلَّ صَاحِبُكُمْ وَمَا غَوَىٰ(2)

 Ang inyong kasama (Muhammad) ay hindi naligaw ng landas, gayundin ay hindi nagkamali

وَمَا يَنطِقُ عَنِ الْهَوَىٰ(3)

 At hindi rin siya nagsasabi (ng anuman) ng ayon (sa kanyang) kagustuhan

إِنْ هُوَ إِلَّا وَحْيٌ يُوحَىٰ(4)

 Ito ay isa lamang Inspirasyon (Kapahayagan) na ipinahayag sa kanya

عَلَّمَهُ شَدِيدُ الْقُوَىٰ(5)

 Siya ay tinuruan (ng Qur’an) ni (Gabriel) na Mataas sa Kapangyarihan

ذُو مِرَّةٍ فَاسْتَوَىٰ(6)

 dhu Mirrah (ligtas sa lahat ng kapintasan sa katawan at isipan), Fastawa , na ginawaran ng karunungan, sapagkat siya (Gabriel) ay tumambad (na kapita-pitagan)

وَهُوَ بِالْأُفُقِ الْأَعْلَىٰ(7)

 Habang siya ay nasa pinakamataas na bahagi ng santinakpan (kawalang hanggan)

ثُمَّ دَنَا فَتَدَلَّىٰ(8)

 At siya (Gabriel) ay dumating at lumapit

فَكَانَ قَابَ قَوْسَيْنِ أَوْ أَدْنَىٰ(9)

 Na ang layo lamang ay (tulad) ng pagitan ng dalawang binit ng pana (o higit pang malapit)

فَأَوْحَىٰ إِلَىٰ عَبْدِهِ مَا أَوْحَىٰ(10)

 Kaya’t (si Allah) ay nagparating ng kapahayagan sa Kanyang Alipin (na si Muhammad sa pamamagitan ni Gabriel)

مَا كَذَبَ الْفُؤَادُ مَا رَأَىٰ(11)

 At ang puso (at isipan) ng (Propeta) ay hindi kailanman nagpasinungaling sa kanyang nakita

أَفَتُمَارُونَهُ عَلَىٰ مَا يَرَىٰ(12)

 Kayo baga ay makikipagtalo sa kanya (Muhammad) hinggilsakanyangnakita(sasandaling Mi’raj, ang pagpanhik ng Propeta sa ibabaw ng pitong kalangitan)

وَلَقَدْ رَآهُ نَزْلَةً أُخْرَىٰ(13)

 Sapagkat katotohanang kanyang (Muhammad) nakita siya (Gabriel) sa pangalawang antas ng pag-akyat (alalaong baga, sa ibang oras)

عِندَ سِدْرَةِ الْمُنتَهَىٰ(14)

 Sa tabi ng Sidrat-ul-Muntaha (ang punong Lote ng kawalang hanggan, na walang sinuman, pagkalagpas ng kawalang hanggan ang makakaraan)

عِندَهَا جَنَّةُ الْمَأْوَىٰ(15)

 Na sa tabi nito ay Tirahan ng Halamanan (Paraiso)

إِذْ يَغْشَى السِّدْرَةَ مَا يَغْشَىٰ(16)

 Pagmasdan, ang punong Lote ay nalalambungan ng ano (bagang) mga lambong

مَا زَاغَ الْبَصَرُ وَمَا طَغَىٰ(17)

 Ang paningin (ni Propeta Muhammad) ay hindi lumihis (sa kanan o sa kaliwa), at hindi rin lumagpas sa hangganan (na itinagubilin sa kanya)

لَقَدْ رَأَىٰ مِنْ آيَاتِ رَبِّهِ الْكُبْرَىٰ(18)

 Sapagkat katotohanan na kanyang (Muhammad) namasdan ang mga dakilang Tanda ng kanyang Panginoon (Allah)

أَفَرَأَيْتُمُ اللَّاتَ وَالْعُزَّىٰ(19)

 Nakita na ba ninyo si Lat at Uzza (dalawang diyus- diyosan ng mga paganong Arabo)

وَمَنَاةَ الثَّالِثَةَ الْأُخْرَىٰ(20)

 At si Manat (ang iba pang diyus-diyosan ng mga paganong Arabo), ang pangatlo

أَلَكُمُ الذَّكَرُ وَلَهُ الْأُنثَىٰ(21)

 Ano! Sa inyo ba ang mga lalaki at sa Kanya ang mga babae

تِلْكَ إِذًا قِسْمَةٌ ضِيزَىٰ(22)

 Pagmasdan, katiyakang ito ay hindi makatarungan na pagbabaha-bahagi

إِنْ هِيَ إِلَّا أَسْمَاءٌ سَمَّيْتُمُوهَا أَنتُمْ وَآبَاؤُكُم مَّا أَنزَلَ اللَّهُ بِهَا مِن سُلْطَانٍ ۚ إِن يَتَّبِعُونَ إِلَّا الظَّنَّ وَمَا تَهْوَى الْأَنفُسُ ۖ وَلَقَدْ جَاءَهُم مِّن رَّبِّهِمُ الْهُدَىٰ(23)

 Ito ay wala ng iba kung hindi mga pangalan lamang na inyong ipinangalan, - kayo at ng inyong mga ninuno, - na rito ay hindi nagpapanaog si Allah ng anumang kapamahalaan. Sila ay walang sinusunod maliban lamang sa haka-haka at sa ninanais ng kanilang sarili (kaluluwa), kahit na katiyakang dumatal sa kanila ang Patnubay mula sa kanilang Panginoon

أَمْ لِلْإِنسَانِ مَا تَمَنَّىٰ(24)

 o ang tao kaya ay magtatamo kung ano ang kanyang ninanais

فَلِلَّهِ الْآخِرَةُ وَالْأُولَىٰ(25)

 Datapuwa’t si Allah ang nagmamay-ari ng huli (ang Kabilang Buhay) at una (Unang Buhay sa mundong ito)

۞ وَكَم مِّن مَّلَكٍ فِي السَّمَاوَاتِ لَا تُغْنِي شَفَاعَتُهُمْ شَيْئًا إِلَّا مِن بَعْدِ أَن يَأْذَنَ اللَّهُ لِمَن يَشَاءُ وَيَرْضَىٰ(26)

 At maraming anghel sa kalangitan na ang (kanilang) pamamagitan (kay Allah at sa mga tao) ay walang matatamo malibang pahintulutan ni Allah sa sinumang Kanyang maibigan at kinalulugdan

إِنَّ الَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِالْآخِرَةِ لَيُسَمُّونَ الْمَلَائِكَةَ تَسْمِيَةَ الْأُنثَىٰ(27)

 Katotohanang sila na hindi sumasampalataya sa Kabilang Buhay ay nagpapangalan sa 834 mga anghel ng mga pangalang babae

وَمَا لَهُم بِهِ مِنْ عِلْمٍ ۖ إِن يَتَّبِعُونَ إِلَّا الظَّنَّ ۖ وَإِنَّ الظَّنَّ لَا يُغْنِي مِنَ الْحَقِّ شَيْئًا(28)

 Samantalang sila ay walang kaalaman dito. Sila ay sumusunod lamang sa wala maliban sa haka-haka, at tunay ngang ang haka-haka ay hindi makakapanaig sa Katotohanan

فَأَعْرِضْ عَن مَّن تَوَلَّىٰ عَن ذِكْرِنَا وَلَمْ يُرِدْ إِلَّا الْحَيَاةَ الدُّنْيَا(29)

 Kaya’t iyong talikdan (o Muhammad) siya na tumatalikod sa Aming Paala-ala (ang Qur’an), at walang ibang hinahangad maliban sa buhay sa mundong ito

ذَٰلِكَ مَبْلَغُهُم مِّنَ الْعِلْمِ ۚ إِنَّ رَبَّكَ هُوَ أَعْلَمُ بِمَن ضَلَّ عَن سَبِيلِهِ وَهُوَ أَعْلَمُ بِمَنِ اهْتَدَىٰ(30)

 Ito lamang ang hangganan ng kanilang karunungan. Katotohanan, ang iyong Panginoon ang tunay na nakakaalam sa kanya na naliligaw sa Kanyang Landas, at ganap Niyang talastas siya na tumatanggap ng patnubay

وَلِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ لِيَجْزِيَ الَّذِينَ أَسَاءُوا بِمَا عَمِلُوا وَيَجْزِيَ الَّذِينَ أَحْسَنُوا بِالْحُسْنَى(31)

 Tunay ngang si Allah ang nag-aangkin ng lahat ng nasa kalangitan at nasa kalupaan, upang Kanyang mabayaran sila na gumagawa ng kasamaan ng ayon sa kanilang ginawa (alalaong baga, ang parusahan sila sa Impiyerno), at magantimpalaan Niya ang mga gumagawa ng kabutihan sa pinakamainam (alalaong baga, sa Paraiso)

الَّذِينَ يَجْتَنِبُونَ كَبَائِرَ الْإِثْمِ وَالْفَوَاحِشَ إِلَّا اللَّمَمَ ۚ إِنَّ رَبَّكَ وَاسِعُ الْمَغْفِرَةِ ۚ هُوَ أَعْلَمُ بِكُمْ إِذْ أَنشَأَكُم مِّنَ الْأَرْضِ وَإِذْ أَنتُمْ أَجِنَّةٌ فِي بُطُونِ أُمَّهَاتِكُمْ ۖ فَلَا تُزَكُّوا أَنفُسَكُمْ ۖ هُوَ أَعْلَمُ بِمَنِ اتَّقَىٰ(32)

 Sila na umiiwas sa mabibigat na kasalanan at Al-Fawahish (bawal na pakikipagtalik, gawaing malalaswa, atbp.), maliban sa maliliit na pagkakamali, katotohanang ang inyong Panginoon ay Tigib ng Pagpapatawad. Kayo ay ganap Niyang talastas nang kayo ay Kanyang nilikha sa kalupaan, at nang kayo ay nakatago pa sa sinapupunan ng inyong ina. Kaya’t huwag ninyong pananganan ang inyong sarili na dalisay. Ganap Niyang batid siya na may pangangamba kay Allah at nagpapanatili ng kanyang tungkulin sa Kanya

أَفَرَأَيْتَ الَّذِي تَوَلَّىٰ(33)

 Napagmamasdan mo ba (o Muhammad) siya na tumatalikod (sa Islam)

وَأَعْطَىٰ قَلِيلًا وَأَكْدَىٰ(34)

 Na nagbibigay ng karampot at nagmamatigas (sa kanyang puso)

أَعِندَهُ عِلْمُ الْغَيْبِ فَهُوَ يَرَىٰ(35)

 Ano! Mayroon ba siyang kaalaman ng mga nalilingid upang kanyang mamalas

أَمْ لَمْ يُنَبَّأْ بِمَا فِي صُحُفِ مُوسَىٰ(36)

 Hindi ba niya batid kung ano ang nasa dahon (ng Kasulatan) ni Moises

وَإِبْرَاهِيمَ الَّذِي وَفَّىٰ(37)

 At ni Abraham na tumupad (at nagparating) ng lahat (ng mga ipinag-utos ni Allah sa kanya)

أَلَّا تَزِرُ وَازِرَةٌ وِزْرَ أُخْرَىٰ(38)

 Na nagtatagubilin na walang sinuman na nagdadala ng pasanin (ng kanyang kasalanan) ang maaaring magdala ng pasanin ng iba (kasalanan ng iba)

وَأَن لَّيْسَ لِلْإِنسَانِ إِلَّا مَا سَعَىٰ(39)

 Na ang tao ay walang mapapakinabang maliban lamang sa kanyang pinagsusumikapan (na mabuti o masama)

وَأَنَّ سَعْيَهُ سَوْفَ يُرَىٰ(40)

 At ang (bunga) ng kanyang pagsisikap (mga gawa) ay malalantad

ثُمَّ يُجْزَاهُ الْجَزَاءَ الْأَوْفَىٰ(41)

 Kaya’t siya ay gagantihan ng ganap sa pinakamainam na kabayaran

وَأَنَّ إِلَىٰ رَبِّكَ الْمُنتَهَىٰ(42)

 Atsaiyong Panginoon(Allah) ang Huling Hantungan(ang pagbabalik ng lahat)

وَأَنَّهُ هُوَ أَضْحَكَ وَأَبْكَىٰ(43)

 At Siya (Allah) ang nagkakaloob (sa sinumang Kanyang maibigan) ng halakhak at nagkakaloob (sa sinumang Kanyang maibigan) ng luha

وَأَنَّهُ هُوَ أَمَاتَ وَأَحْيَا(44)

 At Siya (Allah) ang nagpapapangyari (naggagawad) ng kamatayan at buhay

وَأَنَّهُ خَلَقَ الزَّوْجَيْنِ الذَّكَرَ وَالْأُنثَىٰ(45)

 At Siya (Allah) ang lumilikha ng pares, - lalaki at babae

مِن نُّطْفَةٍ إِذَا تُمْنَىٰ(46)

 Mula sa Nutfah (mga patak ng semilya ng lalaki at babae) na inilagay (sa sinapupunan)

وَأَنَّ عَلَيْهِ النَّشْأَةَ الْأُخْرَىٰ(47)

 At ipinangako Niya (Allah) ang muling paglikha (ang pagkabuhay ng patay sa Araw ng Pagbangon)

وَأَنَّهُ هُوَ أَغْنَىٰ وَأَقْنَىٰ(48)

 At Siya (Allah) ang nagbibigay ng sagana o karampot (o nagbibigay ng kayamanan at kasiyahan)

وَأَنَّهُ هُوَ رَبُّ الشِّعْرَىٰ(49)

 At Siya (Allah) ang Panginoon ni Sirius (ang malaking bituin na sinasamba ng mga paganong Arabo)

وَأَنَّهُ أَهْلَكَ عَادًا الْأُولَىٰ(50)

 At Siya (Allah) ang nagwasak (sa makapangyarihang) pamayanan ni A’ad ng panahong sinauna

وَثَمُودَ فَمَا أَبْقَىٰ(51)

 At ni Thamud, at nilipol Niya ang kanilang lahi

وَقَوْمَ نُوحٍ مِّن قَبْلُ ۖ إِنَّهُمْ كَانُوا هُمْ أَظْلَمَ وَأَطْغَىٰ(52)

 At ang lahi ni Noe noong panahong sinauna, sapagkat katotohanang sila ay hindi makatarungan at mapaghimagsik at ang karamihan sa kanila ay lantarang sumusuway (kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalitang si Noe)

وَالْمُؤْتَفِكَةَ أَهْوَىٰ(53)

 At Kanyang winasak ang isinumpang lungsod (ng Sodom at Gomorrah na pinagsuguan kay Lut)

فَغَشَّاهَا مَا غَشَّىٰ(54)

 At (Kanyang) tinabunan ito ng panabon (alalaong baga, ng kaparusahan ng pinaulan na bato)

فَبِأَيِّ آلَاءِ رَبِّكَ تَتَمَارَىٰ(55)

 Kaya’t alin sa mga biyaya ng iyong Panginoon (o Tao!) ang iyong pag- aalinlanganan

هَٰذَا نَذِيرٌ مِّنَ النُّذُرِ الْأُولَىٰ(56)

 Siya (Muhammad) ay isang tagapagbabala (Tagapagbalita), sa mga kawing ng mga tagapagbabala (mga Tagapagbalita) noon pang panahong lumipas

أَزِفَتِ الْآزِفَةُ(57)

 Ang (sandali) ng Araw ng Muling Pagkabuhay ay papalapit na

لَيْسَ لَهَا مِن دُونِ اللَّهِ كَاشِفَةٌ(58)

 wala ng iba pa maliban kay Allah ang makakahadlang dito (o makakapagpauna rito o makakaantala rito)

أَفَمِنْ هَٰذَا الْحَدِيثِ تَعْجَبُونَ(59)

 Kayo baga ay nagsisipamangha sa ganitong Pagdalit (ng Qur’an)

وَتَضْحَكُونَ وَلَا تَبْكُونَ(60)

 At kayo ay tumatawa rito at hindi nananangis

وَأَنتُمْ سَامِدُونَ(61)

 Na nag-aaksaya ng inyong (mahalagang) panahon sa mga makalupang pampalipas oras at pagsasaya (pagkanta, pagsayaw, atbp)

فَاسْجُدُوا لِلَّهِ وَاعْبُدُوا ۩(62)

 At manikluhod kayo na nagpapatirapa kay Allah at sambahin lamang Siya (at papurihan)


More surahs in Filipino:


Al-Baqarah Al-'Imran An-Nisa'
Al-Ma'idah Yusuf Ibrahim
Al-Hijr Al-Kahf Maryam
Al-Hajj Al-Qasas Al-'Ankabut
As-Sajdah Ya Sin Ad-Dukhan
Al-Fath Al-Hujurat Qaf
An-Najm Ar-Rahman Al-Waqi'ah
Al-Hashr Al-Mulk Al-Haqqah
Al-Inshiqaq Al-A'la Al-Ghashiyah

Download surah An-Najm with the voice of the most famous Quran reciters :

surah An-Najm mp3 : choose the reciter to listen and download the chapter An-Najm Complete with high quality
surah An-Najm Ahmed El Agamy
Ahmed Al Ajmy
surah An-Najm Bandar Balila
Bandar Balila
surah An-Najm Khalid Al Jalil
Khalid Al Jalil
surah An-Najm Saad Al Ghamdi
Saad Al Ghamdi
surah An-Najm Saud Al Shuraim
Saud Al Shuraim
surah An-Najm Abdul Basit Abdul Samad
Abdul Basit
surah An-Najm Abdul Rashid Sufi
Abdul Rashid Sufi
surah An-Najm Abdullah Basfar
Abdullah Basfar
surah An-Najm Abdullah Awwad Al Juhani
Abdullah Al Juhani
surah An-Najm Fares Abbad
Fares Abbad
surah An-Najm Maher Al Muaiqly
Maher Al Muaiqly
surah An-Najm Muhammad Siddiq Al Minshawi
Al Minshawi
surah An-Najm Al Hosary
Al Hosary
surah An-Najm Al-afasi
Mishari Al-afasi
surah An-Najm Yasser Al Dosari
Yasser Al Dosari


Wednesday, December 18, 2024

لا تنسنا من دعوة صالحة بظهر الغيب