الْحَمْدُ لِلَّهِ الَّذِي أَنزَلَ عَلَىٰ عَبْدِهِ الْكِتَابَ وَلَمْ يَجْعَل لَّهُ عِوَجًا ۜ(1) Ang lahat ng pagpupuri at pasasalamat ay kay Allah lamang, na Siyang nagpapanaog ng Aklat (ang Qur’an) sa Kanyang alipin (Muhammad), at (Siya) ay hindi naglagay dito ng anumang kasahulan (o kamalian) |
قَيِّمًا لِّيُنذِرَ بَأْسًا شَدِيدًا مِّن لَّدُنْهُ وَيُبَشِّرَ الْمُؤْمِنِينَ الَّذِينَ يَعْمَلُونَ الصَّالِحَاتِ أَنَّ لَهُمْ أَجْرًا حَسَنًا(2) (Ginawa Niya ito na) Tuwid upang magbigay ng babala (sa mga hindi sumasampalataya) ng isang matinding kaparusahan mula sa Kanya, at upang magbigay ng Masayang Balita sa mga sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) na nagsisigawa ng kabutihan, na sa kanila ay may naghihintay na mainam na gantimpala (alalaong baga, ang Paraiso) |
مَّاكِثِينَ فِيهِ أَبَدًا(3) Magsisipanahan sila rito magpakailanman |
وَيُنذِرَ الَّذِينَ قَالُوا اتَّخَذَ اللَّهُ وَلَدًا(4) At upang bigyang babala (ang mga Hudyo, Kristiyano, at pagano) na nagsasabi: “Si Allah ay nagkaanak ng lalaki (o mga anak at mga supling).” |
مَّا لَهُم بِهِ مِنْ عِلْمٍ وَلَا لِآبَائِهِمْ ۚ كَبُرَتْ كَلِمَةً تَخْرُجُ مِنْ أَفْوَاهِهِمْ ۚ إِن يَقُولُونَ إِلَّا كَذِبًا(5) Sila ay walang kaalaman sa gayong bagay, gayundin ang kanilang mga ninuno. Makapangyarihan ang salita na nanggagaling sa kanilang bibig (alalaong baga, na Siya ay nagkaanak [o tumangkilik] ng mga anak na lalaki at babae). Sila ay wala nang ibang sinasabi maliban sa kasinungalingan |
فَلَعَلَّكَ بَاخِعٌ نَّفْسَكَ عَلَىٰ آثَارِهِمْ إِن لَّمْ يُؤْمِنُوا بِهَٰذَا الْحَدِيثِ أَسَفًا(6) Marahil, ikaw (o Muhammad), kung baga, wari bang nais mo na patayin ang iyong sarili dahilan sa dalamhati, sa ibabaw ng kanilang mga yapak (dahil sa kanilang pagtalikod sa iyo), sapagkat sila ay hindi naniniwala sa gayong pagpapahayag (ang Qur’an) |
إِنَّا جَعَلْنَا مَا عَلَى الْأَرْضِ زِينَةً لَّهَا لِنَبْلُوَهُمْ أَيُّهُمْ أَحْسَنُ عَمَلًا(7) Katotohanang Aming nilikha ang mga nasa kalupaan bilang isang palamuti rito, upang Aming masubukan sila (sangkatauhan) kung sino sa kanila ang pinakamainam sa pag-uugali at gawa (alalaong baga, sila na gumagawa ng mabubuti sa pinakamahusay na paraan, na nangangahulugan na ang paggawa rito ay tanging sa Kapakanan ni Allah ng ayon sa mga legal na paraan ng Propeta) |
وَإِنَّا لَجَاعِلُونَ مَا عَلَيْهَا صَعِيدًا جُرُزًا(8) At katotohanan, Aming magagawa na ang lahat ng naririto (sa kalupaan) ay maging hubad at tigang na lupa (na walang anumang halamanan o punongkahoy, atbp) |
أَمْ حَسِبْتَ أَنَّ أَصْحَابَ الْكَهْفِ وَالرَّقِيمِ كَانُوا مِنْ آيَاتِنَا عَجَبًا(9) Napag-aakala mo ba na ang mga tao ng Yungib at ang Nakalimbag (ang balita o mga pangalan ng mga tao ng Yungib) ay kamangha-mangha sa gitna ng Aming mga Tanda |
إِذْ أَوَى الْفِتْيَةُ إِلَى الْكَهْفِ فَقَالُوا رَبَّنَا آتِنَا مِن لَّدُنكَ رَحْمَةً وَهَيِّئْ لَنَا مِنْ أَمْرِنَا رَشَدًا(10) (At gunitain) nang ang mga kabataang lalaki ay tumalilis tungo sa kaligtasan (mula sa mga tao na hindi sumasampalataya) sa Yungib, at sila ay nagsabi: “Aming Panginoon! Kami ay pagkalooban Ninyo ng Habag mula sa Inyong Sarili, at pagaanin Ninyo ang aming buhay (kalagayan) sa tamang landas!” |
فَضَرَبْنَا عَلَىٰ آذَانِهِمْ فِي الْكَهْفِ سِنِينَ عَدَدًا(11) Kaya’t Aming tinakpan ang kanilang pandinig (na nagdulot sa kanila na makatulog ng lubhang mahimbing) sa loob ng Yungib sa maraming taon |
ثُمَّ بَعَثْنَاهُمْ لِنَعْلَمَ أَيُّ الْحِزْبَيْنِ أَحْصَىٰ لِمَا لَبِثُوا أَمَدًا(12) At (pagkaraan) ay Aming ibinangon sila (sa kanilang pagkakatulog) upang Aming masubukan kung sino sa dalawang pangkat ang pinakamagaling sa pagsusulit kung gaano kahabang panahon na sila ay namalagi (sa Yungib) |
نَّحْنُ نَقُصُّ عَلَيْكَ نَبَأَهُم بِالْحَقِّ ۚ إِنَّهُمْ فِتْيَةٌ آمَنُوا بِرَبِّهِمْ وَزِدْنَاهُمْ هُدًى(13) Aming ipinahayag sa iyo (o Muhammad) ang kanilang kasaysayan sa katotohanan. Katotohanang sila ay mga kabataang lalaki na sumampalataya sa kanilang Panginoon (Allah), at Aming dinagdagan ang kanilang patnubay |
وَرَبَطْنَا عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ إِذْ قَامُوا فَقَالُوا رَبُّنَا رَبُّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ لَن نَّدْعُوَ مِن دُونِهِ إِلَٰهًا ۖ لَّقَدْ قُلْنَا إِذًا شَطَطًا(14) At Aming ginawa ang kanilang puso na maging matatag at malakas (na may liwanag ng Pananalig kay Allah at Aming iginawad sa kanila ang pagkamatiisin upang kanilang mabata ang pagiging hiwalay nila sa kanilang mga kamag- anak at tirahan, atbp.), nang sila ay tumindig at nagsabi: “Ang aming Panginoon ay Siyang Panginoon ng kalangitan at kalupaan, kailanman ay hindi kami tatawag sa anumang diyos maliban lamang sa Kanya; at kung kami ay gumawa ng gayon (paninikluhod sa mga diyus-diyosan), katotohanang kami ay umusal ng isang mabigat na bagay sa kawalan ng pananalig |
هَٰؤُلَاءِ قَوْمُنَا اتَّخَذُوا مِن دُونِهِ آلِهَةً ۖ لَّوْلَا يَأْتُونَ عَلَيْهِم بِسُلْطَانٍ بَيِّنٍ ۖ فَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنِ افْتَرَىٰ عَلَى اللَّهِ كَذِبًا(15) Sila, na aming pamayanan, ay tumangkilik pa ng ibang diyos upang sambahin maliban pa sa Kanya (Allah). Bakit hindi sila magdala para sa kanila ng isang maliwanag na kapamahalaan? At sino pa kaya ang higit na gumagawa ng kamalian maliban sa kanya na gumagawa ng kasinungalingan laban kay Allah |
وَإِذِ اعْتَزَلْتُمُوهُمْ وَمَا يَعْبُدُونَ إِلَّا اللَّهَ فَأْوُوا إِلَى الْكَهْفِ يَنشُرْ لَكُمْ رَبُّكُم مِّن رَّحْمَتِهِ وَيُهَيِّئْ لَكُم مِّنْ أَمْرِكُم مِّرْفَقًا(16) (Ang mga kabataang lalaki ay nagsabi sa isa’t isa): “At kung kayo ay humiwalay sa kanila at sa kanilang sinasamba maliban pa kay Allah, kung gayon, kayo ay humanap ng kaligtasan sa Yungib, ang inyong Panginoon ay magbubukas ng daan para sa inyo mula sa Kanyang Habag at gagawin Niyang madali sa inyo ang inyong buhay (kalagayan, alalaong baga, Kanyang bibigyan kayo ng inyong ikabubuhay, tirahan, atbp.).” |
۞ وَتَرَى الشَّمْسَ إِذَا طَلَعَت تَّزَاوَرُ عَن كَهْفِهِمْ ذَاتَ الْيَمِينِ وَإِذَا غَرَبَت تَّقْرِضُهُمْ ذَاتَ الشِّمَالِ وَهُمْ فِي فَجْوَةٍ مِّنْهُ ۚ ذَٰلِكَ مِنْ آيَاتِ اللَّهِ ۗ مَن يَهْدِ اللَّهُ فَهُوَ الْمُهْتَدِ ۖ وَمَن يُضْلِلْ فَلَن تَجِدَ لَهُ وَلِيًّا مُّرْشِدًا(17) At maaaring napagmalas ninyo ang araw, kung ito ay sumikat, na bumababa sa gawing kanan mula sa kanilang Yungib, at kung ito ay lumubog, ay lumalayo ito sa kanila sa gawing kaliwa, habang sila ay nasa gitna ng Yungib. Ito ang (isa) sa Ayat (mga katibayan, kapahayagan, tanda, aral, atbp.) ni Allah. Sinumang patnubayan ni Allah, siya ay tumpak na napapatnubayan; datapuwa’t kung sinuman ang Kanyang iligaw, para sa kanya, kayo ay hindi makakatagpo ng wali (namamatnubay na kaibigan) upang gabayan siya (sa Tuwid na Landas) |
وَتَحْسَبُهُمْ أَيْقَاظًا وَهُمْ رُقُودٌ ۚ وَنُقَلِّبُهُمْ ذَاتَ الْيَمِينِ وَذَاتَ الشِّمَالِ ۖ وَكَلْبُهُم بَاسِطٌ ذِرَاعَيْهِ بِالْوَصِيدِ ۚ لَوِ اطَّلَعْتَ عَلَيْهِمْ لَوَلَّيْتَ مِنْهُمْ فِرَارًا وَلَمُلِئْتَ مِنْهُمْ رُعْبًا(18) At inyong mapag-aakala na sila ay gising, samantalang sila ay natutulog. At Aming ibinibiling sila sa kanilang kanang bahagi at sa kanilang kaliwang bahagi (ng katawan), at ang kanilang aso ay nag-uunat ng kanyang dalawang binti sa bukana (ng Yungib o sa lugar na malapit sa pasukan ng Yungib bilang isang tagapagbantay sa pasukan). At kung sila ay inyong pinagmasdan, katiyakang kayo ay tatalikod sa kanila na tumatalilis, at katiyakang kayo ay mapupuspos ng sindak sa kanila |
وَكَذَٰلِكَ بَعَثْنَاهُمْ لِيَتَسَاءَلُوا بَيْنَهُمْ ۚ قَالَ قَائِلٌ مِّنْهُمْ كَمْ لَبِثْتُمْ ۖ قَالُوا لَبِثْنَا يَوْمًا أَوْ بَعْضَ يَوْمٍ ۚ قَالُوا رَبُّكُمْ أَعْلَمُ بِمَا لَبِثْتُمْ فَابْعَثُوا أَحَدَكُم بِوَرِقِكُمْ هَٰذِهِ إِلَى الْمَدِينَةِ فَلْيَنظُرْ أَيُّهَا أَزْكَىٰ طَعَامًا فَلْيَأْتِكُم بِرِزْقٍ مِّنْهُ وَلْيَتَلَطَّفْ وَلَا يُشْعِرَنَّ بِكُمْ أَحَدًا(19) At gayundin, ay Aming ginising sila (sa kanilang mahaba at mahimbing na pagkakatulog) upang sila ay makapagtanong sa bawat isa. Ang isa sa tagapagsalita sa lipon nila ay nagsabi: “Gaano katagal na kayo ay namalagi (rito)?” Sila ay nagsabi: “(Marahil) kami ay namalagi lamang ng isang araw o bahagi ng isang araw.” Sila ay nagsabi: “Ang inyong Panginoon (lamang) ang ganap na nakakaalam kung gaano katagal kayo namalagi (rito). Kaya’t inyong papuntahin ang isa sa inyo na may dala nitong sensilyong pilak na galing sa inyo at hayaan ninyong hanapin niya kung ano ang mainam at pinahihintulutang pagkain, at siya ay magdala ng ilan sa mga ito sa inyo. At pagtagubilinan siya na maging maingat at huwag hayaan ang sinuman na makakilala sa inyo |
إِنَّهُمْ إِن يَظْهَرُوا عَلَيْكُمْ يَرْجُمُوكُمْ أَوْ يُعِيدُوكُمْ فِي مِلَّتِهِمْ وَلَن تُفْلِحُوا إِذًا أَبَدًا(20) Sapagkat kung kayo ay kanilang makikilala, ay kanilang babatuhin kayo (hanggang mamatay o kanilang aabusuhin o sasaktan kayo), o kayo ay ibabalik nilang muli sa kanilang (lihis) na pananalig, at sa gayong pangyayari, kayo ay hindi magtatagumpay.” |
وَكَذَٰلِكَ أَعْثَرْنَا عَلَيْهِمْ لِيَعْلَمُوا أَنَّ وَعْدَ اللَّهِ حَقٌّ وَأَنَّ السَّاعَةَ لَا رَيْبَ فِيهَا إِذْ يَتَنَازَعُونَ بَيْنَهُمْ أَمْرَهُمْ ۖ فَقَالُوا ابْنُوا عَلَيْهِم بُنْيَانًا ۖ رَّبُّهُمْ أَعْلَمُ بِهِمْ ۚ قَالَ الَّذِينَ غَلَبُوا عَلَىٰ أَمْرِهِمْ لَنَتَّخِذَنَّ عَلَيْهِم مَّسْجِدًا(21) At ginawa Namin na ang kanilang naging katayuan ay maalaman ng mga tao, upang kanilang mabatid na ang pangako ni Allah ay tunay at walang maging pag-aalinlangan sa oras (Araw ng Paghuhukom). (Gunitain) nang sila (na mga tao ng lungsod) ay magtalo-talo sa kanilang sarili tungkol sa kanilang naging kalagayan, sila ay nagsabi: “Magsipagtayo kayo ng gusali sa ibabaw nila, ang kanilang Panginoon ang higit na nakakaalam sa kanila,” at sila na nagwagi sa kanilang panukala ay nagsabi (mas higit marahil yaong mga hindi sumasampalataya): “Katotohanang kami ay magtatayo ng isang lugar ng pagsamba sa ibabaw nila.” |
سَيَقُولُونَ ثَلَاثَةٌ رَّابِعُهُمْ كَلْبُهُمْ وَيَقُولُونَ خَمْسَةٌ سَادِسُهُمْ كَلْبُهُمْ رَجْمًا بِالْغَيْبِ ۖ وَيَقُولُونَ سَبْعَةٌ وَثَامِنُهُمْ كَلْبُهُمْ ۚ قُل رَّبِّي أَعْلَمُ بِعِدَّتِهِم مَّا يَعْلَمُهُمْ إِلَّا قَلِيلٌ ۗ فَلَا تُمَارِ فِيهِمْ إِلَّا مِرَاءً ظَاهِرًا وَلَا تَسْتَفْتِ فِيهِم مِّنْهُمْ أَحَدًا(22) (Ang ilan) ay nagsasabi na sila ay tatlo, ang aso ay bilang pang-apat sa lipon nila; (ang iba) ay nagsasabi na sila ay lima, ang aso ay bilang pang-anim, na humuhula sa nalilingid; (ngunit ang mga iba) ay nagsasabi na sila ay pito, ang aso ay bilang pangwalo. Ipagbadya (o Muhammad): “Ang aking Panginoon ang ganap na nakakatalos ng kanilang bilang; walang nakakaalam sa kanila maliban sa ilan lamang.” Kaya’t huwag ninyong pagtalunan (ang kanilang bilang, atbp.), maliban (lamang) kung mayroong maliwanag na katibayan (na Aming ipinahayag sa iyo). At huwag kang sumangguni sa isa man sa kanila (mga tao ng Kasulatan, Hudyo at Kristiyano) ng tungkol sa naging buhay (naging kalagayan) ng mga tao ng Yungib |
وَلَا تَقُولَنَّ لِشَيْءٍ إِنِّي فَاعِلٌ ذَٰلِكَ غَدًا(23) At huwag kayong magsabi kailanman sa anumang (bagay), “Aking gagawin bukas ang ganito at gayong bagay.” |
إِلَّا أَن يَشَاءَ اللَّهُ ۚ وَاذْكُر رَّبَّكَ إِذَا نَسِيتَ وَقُلْ عَسَىٰ أَن يَهْدِيَنِ رَبِّي لِأَقْرَبَ مِنْ هَٰذَا رَشَدًا(24) Maliban (na sabihin), “Kung pahihintulutan ni Allah!” At alalahanin mo ang iyong Panginoon kung ikaw ay nakalimot at magsabi: “Maaaring ang aking Panginoon ay mamamatnubay sa akin ng higit na malapit sa katotohanan kaysa rito.” |
وَلَبِثُوا فِي كَهْفِهِمْ ثَلَاثَ مِائَةٍ سِنِينَ وَازْدَادُوا تِسْعًا(25) At sila ay namalagi sa kanilang Yungib ng tatlong daang taon (ayon sa solar na pagbilang), at magdagdag ng siyam (na taon, kung ang pagbilang ay ayon sa lunar na paraan) |
قُلِ اللَّهُ أَعْلَمُ بِمَا لَبِثُوا ۖ لَهُ غَيْبُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ أَبْصِرْ بِهِ وَأَسْمِعْ ۚ مَا لَهُم مِّن دُونِهِ مِن وَلِيٍّ وَلَا يُشْرِكُ فِي حُكْمِهِ أَحَدًا(26) Ipagbadya: “Si Allah ang higit na nakakaalam kung gaano sila katagal na namalagi. Siya ang nag-aangkin (ng karunungan) ng mga nalilingid sa kalangitan at kalupaan. Gaano Siya kaliwanag na nakakamalas at nakakarinig (ng lahat-lahat)! Sila ay walang Wali (Kawaksi, Tagapagpasya ng mga pangyayari, Tagapangalaga, atbp.) maliban sa Kanya, at hindi Niya ginawaran ang sinuman na makihati sa Kanyang Pagpapasya at Kanyang Pamamahala.” |
وَاتْلُ مَا أُوحِيَ إِلَيْكَ مِن كِتَابِ رَبِّكَ ۖ لَا مُبَدِّلَ لِكَلِمَاتِهِ وَلَن تَجِدَ مِن دُونِهِ مُلْتَحَدًا(27) At dalitin mo kung ano ang ipinahayag sa iyo (o Muhammad) sa Aklat (ang Qur’an) ng iyong Panginoon (alalaong baga, dalitin ito, unawain at sundin ang mga turo at tumugon sa pag-uutos nito at ipangaral sa mga tao). Walang sinuman ang makakapagpabago ng Kanyang mga Salita, at wala kayong matatagpuang kanlungan na iba pa sa Kanya |
وَاصْبِرْ نَفْسَكَ مَعَ الَّذِينَ يَدْعُونَ رَبَّهُم بِالْغَدَاةِ وَالْعَشِيِّ يُرِيدُونَ وَجْهَهُ ۖ وَلَا تَعْدُ عَيْنَاكَ عَنْهُمْ تُرِيدُ زِينَةَ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۖ وَلَا تُطِعْ مَنْ أَغْفَلْنَا قَلْبَهُ عَن ذِكْرِنَا وَاتَّبَعَ هَوَاهُ وَكَانَ أَمْرُهُ فُرُطًا(28) At panatilihin mo ang iyong sarili (o Muhammad) sa pagtitiyaga na kasama ng mga tumatawag sa kanilang Panginoon (alalaong baga, ang iyong mga kasamahan na nakakaala-ala sa kanilang Panginoon ng may pagluwalhati, pagpupuri sa pagdarasal, atbp. at iba pang matutuwid na gawa, atbp.) sa umaga at hapon, na naghahanap sa Kanyang Mukha, at huwag hayaan ang iyong mga mata ay makaligta sa kanila, na naghahanap ng pagsasaya at kislap ng buhay sa mundo; at huwag mong sundin siya, na ang puso ay Aming ginawa na huwag makinig sa Aming Pagpapaala-ala, siya na sumusunod sa kanyang mga pagnanasa at sila na ang mga gawa ay nawala |
وَقُلِ الْحَقُّ مِن رَّبِّكُمْ ۖ فَمَن شَاءَ فَلْيُؤْمِن وَمَن شَاءَ فَلْيَكْفُرْ ۚ إِنَّا أَعْتَدْنَا لِلظَّالِمِينَ نَارًا أَحَاطَ بِهِمْ سُرَادِقُهَا ۚ وَإِن يَسْتَغِيثُوا يُغَاثُوا بِمَاءٍ كَالْمُهْلِ يَشْوِي الْوُجُوهَ ۚ بِئْسَ الشَّرَابُ وَسَاءَتْ مُرْتَفَقًا(29) At ipagbadya: “Ang Katotohanan ay mula sa inyong Panginoon.” At kung sinuman ang magnais, hayaan siyang manampalataya, at kung sinuman ang magnais, hayaan siyang huwag manampalataya. Katotohanang Aming inihanda sa Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, pagano, buktot, tampalasan, atbp.), ang isang Apoy na ang mga dingding nito ay nakapalibot sa kanila (na mga walang pananalig sa Kaisahan ni Allah). At kung sila ay humingi ng tulong (ginhawa, tubig, atbp.), sila ay bibigyan ng tubig na tulad ng kumukulong langis, na babanli sa kanilang mukha. Kakila-kilabot ang inumin dito at isang masamang Murtafaqa (paninirahan o pahingahang lugar, atbp) |
إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ إِنَّا لَا نُضِيعُ أَجْرَ مَنْ أَحْسَنَ عَمَلًا(30) Katotohanan, sa mga sumasampalataya at gumagawa ng kabutihan, katiyakang hindi Namin hahayaan na mawala ang gantimpala ng sinumang gumagawa ng kanyang (matutuwid) na gawa sa pinakamahusay na paraan |
أُولَٰئِكَ لَهُمْ جَنَّاتُ عَدْنٍ تَجْرِي مِن تَحْتِهِمُ الْأَنْهَارُ يُحَلَّوْنَ فِيهَا مِنْ أَسَاوِرَ مِن ذَهَبٍ وَيَلْبَسُونَ ثِيَابًا خُضْرًا مِّن سُندُسٍ وَإِسْتَبْرَقٍ مُّتَّكِئِينَ فِيهَا عَلَى الْأَرَائِكِ ۚ نِعْمَ الثَّوَابُ وَحَسُنَتْ مُرْتَفَقًا(31) At sa kanila, sila ay magtatamo ng Walang Hanggang Halamanan (Paraiso); na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy, dito sila ay papalamutihan ng mga pulseras na ginto, at sila ay magsusuot ng luntiang damit na pino at makapal na sutla. Sila ay magsisihilig doon sa mga nakataas na luklukan. Gaano kainam ang gantimpala, at isang kalugod-lugod na Murtafaqa (paninirahan o pahingahang lugar, atbp) |
۞ وَاضْرِبْ لَهُم مَّثَلًا رَّجُلَيْنِ جَعَلْنَا لِأَحَدِهِمَا جَنَّتَيْنِ مِنْ أَعْنَابٍ وَحَفَفْنَاهُمَا بِنَخْلٍ وَجَعَلْنَا بَيْنَهُمَا زَرْعًا(32) At ihantad sa kanila ang halimbawa ng dalawang tao; sa isa sa kanila ay nagkaloob Kami ng dalawang halamanan ng ubas, at kapwa ito ay pinalibutan Namin ng mga punong palmera (datiles), at naglagay kami sa pagitan nito ng mga mabubungkal (o masasaka) na bukid |
كِلْتَا الْجَنَّتَيْنِ آتَتْ أُكُلَهَا وَلَمْ تَظْلِم مِّنْهُ شَيْئًا ۚ وَفَجَّرْنَا خِلَالَهُمَا نَهَرًا(33) Ang bawat isa sa dalawang halamanan ay nagbigay ng kanyang ani, at hindi kailanman, kahit na kaunti, ito ay nagmaliw, at hinayaan Namin ang isang ilog na dumaloy dito sa (kanilang) pagitan |
وَكَانَ لَهُ ثَمَرٌ فَقَالَ لِصَاحِبِهِ وَهُوَ يُحَاوِرُهُ أَنَا أَكْثَرُ مِنكَ مَالًا وَأَعَزُّ نَفَرًا(34) At siya ay mayroong ari-arian (o bungangkahoy), at kanyang sinabi sa kanyang kasama, sa kahabaan ng magkapanabay na pag-uusap: “Ako ay higit na marami sa iyo sa kayamanan at higit na malakas kung pag-uusapan ang mga tao.” |
وَدَخَلَ جَنَّتَهُ وَهُوَ ظَالِمٌ لِّنَفْسِهِ قَالَ مَا أَظُنُّ أَن تَبِيدَ هَٰذِهِ أَبَدًا(35) At siya ay pumaroon sa kanyang halamanan habang nasa kalagayan (ng kapalaluan at kawalang pananalig), at walang katarungan sa kanyang sarili. Siya ay nagsabi: “Hindi ako nag-aakala na ito ay maglalaho sa akin |
وَمَا أَظُنُّ السَّاعَةَ قَائِمَةً وَلَئِن رُّدِدتُّ إِلَىٰ رَبِّي لَأَجِدَنَّ خَيْرًا مِّنْهَا مُنقَلَبًا(36) At hindi ko inaakala na ang oras (ng Paghuhukom) ay darating nga, at kung katotohanan na ako ay muling ibabalik sa aking Panginoon (sa Araw ng Muling Pagkabuhay), katiyakang ako ay makakatagpo ng higit na mainam pa rito kung ako ay magbalik sa Kanya.” |
قَالَ لَهُ صَاحِبُهُ وَهُوَ يُحَاوِرُهُ أَكَفَرْتَ بِالَّذِي خَلَقَكَ مِن تُرَابٍ ثُمَّ مِن نُّطْفَةٍ ثُمَّ سَوَّاكَ رَجُلًا(37) Ang kanyang kasama ay nagsabi sa kanya sa kalaunan ng kanilang pag-uusap: “Ikaw baga ay hindi nananalig sa Kanya, na Siyang lumikha sa iyo mula sa alabok (alalaong baga, ang iyong ama na si Adan), at mula sa Nutfah (magkahalong patak ng semilya ng lalaki at babae), at ikaw ay hinubog bilang isang tao |
لَّٰكِنَّا هُوَ اللَّهُ رَبِّي وَلَا أُشْرِكُ بِرَبِّي أَحَدًا(38) Datapuwa’t kung sa aking sarili, (ako ay nananampalataya) na Siya si Allah, ang aking Panginoon, at walang anupaman ang aking iniaakibat bilang katambal sa aking Panginoon.” |
وَلَوْلَا إِذْ دَخَلْتَ جَنَّتَكَ قُلْتَ مَا شَاءَ اللَّهُ لَا قُوَّةَ إِلَّا بِاللَّهِ ۚ إِن تَرَنِ أَنَا أَقَلَّ مِنكَ مَالًا وَوَلَدًا(39) Ito ay higit na mainam para sa iyo na sabihin, kung ikaw ay makapasok na sa iyong halamanan: “Kung ano ang ninais ni Allah (ito ay matutupad)! wala ng iba pang kapangyarihan maliban kay Allah. Kung ako ay iyong nakikita na gahol kaysa sa iyo sa kayamanan at mga anak |
فَعَسَىٰ رَبِّي أَن يُؤْتِيَنِ خَيْرًا مِّن جَنَّتِكَ وَيُرْسِلَ عَلَيْهَا حُسْبَانًا مِّنَ السَّمَاءِ فَتُصْبِحَ صَعِيدًا زَلَقًا(40) Maaaring ang aking Panginoon ay magbibigay sa akin ng bagay na higit na mainam sa iyong halamanan, at magpapadala rito ng Husbah (kaparusahan, kidlat, atbp.) mula sa alapaap, kung gayon, ito ay magiging madulas na kalupaan |
أَوْ يُصْبِحَ مَاؤُهَا غَوْرًا فَلَن تَسْتَطِيعَ لَهُ طَلَبًا(41) o ang tubig kaya (sa halamanan) ay manunuot sa kailaliman (ng lupa) upang hindi mo kailanman mapaghanap ito.” |
وَأُحِيطَ بِثَمَرِهِ فَأَصْبَحَ يُقَلِّبُ كَفَّيْهِ عَلَىٰ مَا أَنفَقَ فِيهَا وَهِيَ خَاوِيَةٌ عَلَىٰ عُرُوشِهَا وَيَقُولُ يَا لَيْتَنِي لَمْ أُشْرِكْ بِرَبِّي أَحَدًا(42) Kaya’t ang kanyang mga bungangkahoy ay napaligiran (ng pagkawasak). At siya ay nanatili sa pagpapalakpak ng kanyang mga kamay ng may kalungkutan dahilan sa kanyang mga ginugol dito, samantalang ang mga ito ay nawasak na lahat sa kanyang mga balag, at ang kanya lamang nasabi: “dapat sana ay hindi ako nag-akibat ng mga katambal sa aking Panginoon!” (Tafsir Ibn Kathir) |
وَلَمْ تَكُن لَّهُ فِئَةٌ يَنصُرُونَهُ مِن دُونِ اللَّهِ وَمَا كَانَ مُنتَصِرًا(43) At wala siyang pangkat ng mga tao na makakatulong sa kanya laban kay Allah, gayundin naman, ay hindi niya maipagtatanggol o maililigtas ang kanyang sarili |
هُنَالِكَ الْوَلَايَةُ لِلَّهِ الْحَقِّ ۚ هُوَ خَيْرٌ ثَوَابًا وَخَيْرٌ عُقْبًا(44) At doon, (sa Araw ng Muling Pagkabuhay), ang pangangalaga, kapangyarihan, kapamahalaan at kaharian ay tanging kay Allah (lamang), ang Tunay na diyos. Siya (Allah) ang Pinakamainam sa gantimpala at Pinakamainam na huling hantungan. (La ilaha ill Allah, wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag- ukulan ng pagsamba maliban kay Allah) |
وَاضْرِبْ لَهُم مَّثَلَ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا كَمَاءٍ أَنزَلْنَاهُ مِنَ السَّمَاءِ فَاخْتَلَطَ بِهِ نَبَاتُ الْأَرْضِ فَأَصْبَحَ هَشِيمًا تَذْرُوهُ الرِّيَاحُ ۗ وَكَانَ اللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ مُّقْتَدِرًا(45) At ihantad sa kanila ang halimbawa ng buhay sa mundong ito; ito ay katulad ng tubig (ulan) na Aming ipinanaog mula sa alapaap, at ang halamanan ng kalupaan ay sumanib sa kanya, at naging sariwa at luntian. Datapuwa’t (sa bandang huli), ito ay naging tuyo at nadurog sa mga piraso na ikinakalat ng hangin. At si Allah ay Makakagawa ng lahat ng bagay |
الْمَالُ وَالْبَنُونَ زِينَةُ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۖ وَالْبَاقِيَاتُ الصَّالِحَاتُ خَيْرٌ عِندَ رَبِّكَ ثَوَابًا وَخَيْرٌ أَمَلًا(46) Ang kayamanan at mga anak ay palamuti sa buhay sa mundong ito. Datapuwa’t ang mabuti at matuwid na mga gawa (ang limang takdang panalangin, mga gawa ng pagsunod kay Allah, mapitagang pag-uusap, pag-aala-ala kay Allah nang may pagluwalhati, papuri at pasasalamat, atbp.) na nagtatagal ay higit na mabuti sa Paningin ng iyong Panginoon kung sa gantimpala, at higit na mainam kung patungkol sa pag-asa |
وَيَوْمَ نُسَيِّرُ الْجِبَالَ وَتَرَى الْأَرْضَ بَارِزَةً وَحَشَرْنَاهُمْ فَلَمْ نُغَادِرْ مِنْهُمْ أَحَدًا(47) At (alalahanin) ang Araw na Aming papapangyarihin na ang kabundukan ay maguho (na tulad ng ulap ng alikabok), at inyong makikita ang kalupaan na tulad ng pinatag na lupa, at sila ay Aming titipunin ng sama-sama upang walang maiwan kahit na isa |
وَعُرِضُوا عَلَىٰ رَبِّكَ صَفًّا لَّقَدْ جِئْتُمُونَا كَمَا خَلَقْنَاكُمْ أَوَّلَ مَرَّةٍ ۚ بَلْ زَعَمْتُمْ أَلَّن نَّجْعَلَ لَكُم مَّوْعِدًا(48) At sila ay itatambad sa harapan ng iyong Panginoon sa mga hanay, (at si Allah ay magpapahayag): “Ngayon, katotohanang kayo ay dumatal sa Amin na katulad ng paglikha Namin sa inyo noong una. Hindi, datapuwa’t inyong inakala na Kami ay hindi nagtakda ng inyong pakikipagtipan (sa Amin).” |
وَوُضِعَ الْكِتَابُ فَتَرَى الْمُجْرِمِينَ مُشْفِقِينَ مِمَّا فِيهِ وَيَقُولُونَ يَا وَيْلَتَنَا مَالِ هَٰذَا الْكِتَابِ لَا يُغَادِرُ صَغِيرَةً وَلَا كَبِيرَةً إِلَّا أَحْصَاهَا ۚ وَوَجَدُوا مَا عَمِلُوا حَاضِرًا ۗ وَلَا يَظْلِمُ رَبُّكَ أَحَدًا(49) At ang Aklat (ang Talaan ng bawat isa) ay ilalagay (sa kanang kamay ng isang sumasampalataya sa Kaisahan ni Allah, at sa kaliwang kamay ng hindi nananampalataya sa Kaisahan ni Allah), at inyong mapagmamalas ang Mujrimun (mga kriminal, makasalanan, mapagsamba sa diyus-diyosan, atbp.) na natatakot sa anumang (nakasulat) dito. Sila ay magsasabi: “Kasawian sa amin! Anong uri ng Aklat ito na hindi nakaligta ng anuman maging ng maliit o malaking bagay, datapuwa’t nagtala ito sa maraming bilang!” At kanilang matatagpuan (dito) ang lahat ng kanilang ginawa na inihantad sa kanilang harapan, at ang inyong Panginoon ay hindi nakikitungo sa sinuman ng walang katarungan |
وَإِذْ قُلْنَا لِلْمَلَائِكَةِ اسْجُدُوا لِآدَمَ فَسَجَدُوا إِلَّا إِبْلِيسَ كَانَ مِنَ الْجِنِّ فَفَسَقَ عَنْ أَمْرِ رَبِّهِ ۗ أَفَتَتَّخِذُونَهُ وَذُرِّيَّتَهُ أَوْلِيَاءَ مِن دُونِي وَهُمْ لَكُمْ عَدُوٌّ ۚ بِئْسَ لِلظَّالِمِينَ بَدَلًا(50) At (gunitain) nang Aming wikain sa mga anghel; “Magpatirapa kayo kay Adan.” Kaya’t sila ay nagpatirapa maliban kay Iblis (isa sa mga Jinn na kasama ng mga anghel). Siya ay isa sa mga Jinn, siya ay sumuway sa Pag- uutos ng Kanyang Panginoon. Inyo bagang tatangkilikin siya (Iblis) at ang kanyang kampon (mga anak) bilang mga tagapagtanggol at kawaksi kaysa sa Akin, samantalang sila ay mga kaaway sa inyo. Anong kasamaan ang kapalit sa Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng kamalian, atbp) |
۞ مَّا أَشْهَدتُّهُمْ خَلْقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَلَا خَلْقَ أَنفُسِهِمْ وَمَا كُنتُ مُتَّخِذَ الْمُضِلِّينَ عَضُدًا(51) Ako (Allah) ang nagpapangyari sa kanila (si Iblis at ang kanyang mga supling) na huwag makasaksi (gayundin, ang hingin ang kanilang tulong) sa paglikha ng kalangitan at kalupaan (at maging) ang kanilang sariling pagkalikha, gayundin, Ako (Allah) ay hindi kukuha sa mga mapangligaw (sa katotohanan) bilang mga kawaksi |
وَيَوْمَ يَقُولُ نَادُوا شُرَكَائِيَ الَّذِينَ زَعَمْتُمْ فَدَعَوْهُمْ فَلَمْ يَسْتَجِيبُوا لَهُمْ وَجَعَلْنَا بَيْنَهُم مَّوْبِقًا(52) At (alalahanin) ang Araw na Siya ay magpapahayag: “Tawagin ninyo ang mga iniaakibat ninyong katambal sa Akin na inyong pinananaligan.” At sila ay magsisitaghoy sa kanila (mga diyus-diyosan), datapuwa’t sila ay hindi sasagot sa kanila, at Kami ay maglalagay ng Maubiqa (isang sagka, o pagkagalit, o pagkawasak, o isang Lambak ng Impiyerno) sa kanilang pagitan |
وَرَأَى الْمُجْرِمُونَ النَّارَ فَظَنُّوا أَنَّهُم مُّوَاقِعُوهَا وَلَمْ يَجِدُوا عَنْهَا مَصْرِفًا(53) At ang Mujrimun (mga kriminal, mapagsamba sa diyus-diyosan, makasalanan, atbp.) ay makakatunghay sa Apoy at kanilang mahihinuha na sila ay mahuhulog dito. At sila ay hindi makakatagpo ng paraan upang makatakas dito |
وَلَقَدْ صَرَّفْنَا فِي هَٰذَا الْقُرْآنِ لِلنَّاسِ مِن كُلِّ مَثَلٍ ۚ وَكَانَ الْإِنسَانُ أَكْثَرَ شَيْءٍ جَدَلًا(54) At katotohanang Kami ay nagtambad ng lahat ng uri ng halimbawa sa Qur’an para sa sangkatauhan. Datapuwa’t ang tao ay lagi, at higit na palaaway kaysa sa anumang (nilikha) |
وَمَا مَنَعَ النَّاسَ أَن يُؤْمِنُوا إِذْ جَاءَهُمُ الْهُدَىٰ وَيَسْتَغْفِرُوا رَبَّهُمْ إِلَّا أَن تَأْتِيَهُمْ سُنَّةُ الْأَوَّلِينَ أَوْ يَأْتِيَهُمُ الْعَذَابُ قُبُلًا(55) At walang anuman ang makakahadlang sa mga tao upang manampalataya, ngayong ang Patnubay (ang Qur’an) ay dumatal na sa kanila at sa paghingi ng Kapatawaran mula sa kanilang Panginoon, malibang ang mga paraan ng panahong sinauna ay muling mangyari sa kanila (alalaong baga, ang kapinsalaan at pagkawasak na itinakda ni Allah), o ang Kaparusahan ay itambad sa kanila nang harapan |
وَمَا نُرْسِلُ الْمُرْسَلِينَ إِلَّا مُبَشِّرِينَ وَمُنذِرِينَ ۚ وَيُجَادِلُ الَّذِينَ كَفَرُوا بِالْبَاطِلِ لِيُدْحِضُوا بِهِ الْحَقَّ ۖ وَاتَّخَذُوا آيَاتِي وَمَا أُنذِرُوا هُزُوًا(56) At hindi Kami nagsugo ng mga Tagapagbalita maliban na sila ay tagapagbigay ng Masayang Balita at tagapagbabala. Datapuwa’t sila na hindi sumasampalataya ay nakikipagtalo ng may kabulaanang pangangatwiran upang kanilang masalansang ang Katotohanan dito. At kanilang itinuturing ang Aking Ayat (mga katibayan, kapahayagan, tanda, aral, atbp.) at sa bagay na sila ay binibigyang babala (alalaong baga, ang Gantimpala o Kaparusahan sa Kabilang Buhay) bilang isang pagsasaya at panunuya (lamang) |
وَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّن ذُكِّرَ بِآيَاتِ رَبِّهِ فَأَعْرَضَ عَنْهَا وَنَسِيَ مَا قَدَّمَتْ يَدَاهُ ۚ إِنَّا جَعَلْنَا عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ أَكِنَّةً أَن يَفْقَهُوهُ وَفِي آذَانِهِمْ وَقْرًا ۖ وَإِن تَدْعُهُمْ إِلَى الْهُدَىٰ فَلَن يَهْتَدُوا إِذًا أَبَدًا(57) At sino pa kaya ang higit na nasa kamalian kaysa sa kanya na pinapaalalahanan ng Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.) ng kanyang Panginoon, datapuwa’t tumatalikod dito na nakakalimot kung anong (mga gawa) ang inihantong ng kanyang mga kamay. Katotohanang Kami ay naglapat ng lambong sa kanilang puso, kung hindi, sila ay makakaunawa rito (sa Qur’an), at sa kanilang tainga, ng pagkabingi. At kung ikaw (o Muhammad) ay manawagan sa kanila sa patnubay, magkagayunman, sila ay hindi mapapatnubayan |
وَرَبُّكَ الْغَفُورُ ذُو الرَّحْمَةِ ۖ لَوْ يُؤَاخِذُهُم بِمَا كَسَبُوا لَعَجَّلَ لَهُمُ الْعَذَابَ ۚ بَل لَّهُم مَّوْعِدٌ لَّن يَجِدُوا مِن دُونِهِ مَوْئِلًا(58) At ang iyong Panginoon ang Pinakamapagpatawad, ang Nag-aangkin ng Habag. Kung Siya ay tatawag sa kanila upang ipagsulit ang kanilang kinita, kung gayon, katotohanang Kanyang mamadaliin ang kanilang kaparusahan. Datapuwa’t mayroon silang natataningang panahon, na pagsapit nito, sila ay hindi makakatagpo (ng landas) upang makatakas |
وَتِلْكَ الْقُرَىٰ أَهْلَكْنَاهُمْ لَمَّا ظَلَمُوا وَجَعَلْنَا لِمَهْلِكِهِم مَّوْعِدًا(59) At ang mga bayang ito (ang pamayanan ni A’ad, Thamud, atbp.), sila ay Aming winasak nang sila ay gumawa ng kamalian. At Kami ay nagtakda ng taning na panahon tungo sa kanilang pagkawasak |
وَإِذْ قَالَ مُوسَىٰ لِفَتَاهُ لَا أَبْرَحُ حَتَّىٰ أَبْلُغَ مَجْمَعَ الْبَحْرَيْنِ أَوْ أَمْضِيَ حُقُبًا(60) At (gunitain) nang sabihin ni Moises sa kanyang katulong na lalaki: “Ako ay hindi susuko (sa paglalakbay) hanggang aking marating ang salikop ng dalawang dagat o (hanggang) gugulin ko ang maraming taon ng paglalakbay.” |
فَلَمَّا بَلَغَا مَجْمَعَ بَيْنِهِمَا نَسِيَا حُوتَهُمَا فَاتَّخَذَ سَبِيلَهُ فِي الْبَحْرِ سَرَبًا(61) Datapuwa’t nang kanilang marating ang salikop ng dalawang dagat, nalimutan nila ang kanilang isda, at ito ay nanalunton (ng kanyang daan) sa dagat na tila isang guwang (lagusan sa ilalim ng lupa) |
فَلَمَّا جَاوَزَا قَالَ لِفَتَاهُ آتِنَا غَدَاءَنَا لَقَدْ لَقِينَا مِن سَفَرِنَا هَٰذَا نَصَبًا(62) Kaya’t nang sila ay makaraan, na lampas (sa gayong takdang lugar), si Moises ay nagsabi sa kanyang katulong na lalaki: “dalhin mo sa amin ang aming almusal; katotohanang tayo ay nagtamo ng malaking pagod dito sa ating paglalakbay.” |
قَالَ أَرَأَيْتَ إِذْ أَوَيْنَا إِلَى الصَّخْرَةِ فَإِنِّي نَسِيتُ الْحُوتَ وَمَا أَنسَانِيهُ إِلَّا الشَّيْطَانُ أَنْ أَذْكُرَهُ ۚ وَاتَّخَذَ سَبِيلَهُ فِي الْبَحْرِ عَجَبًا(63) Siya (ang katulong na lalaki) ay nagsabi: “Hindi mo ba naala-ala nang tayo ay tumahan at magpahinga sa batuhan? Katotohanang aking nakalimutan ang isda, wala ng iba maliban kay Satanas ang nagpapangyari upang malimutan ko ito. Ito ay tumahak sa dagat sa kamangha-manghang (paraan)!” |
قَالَ ذَٰلِكَ مَا كُنَّا نَبْغِ ۚ فَارْتَدَّا عَلَىٰ آثَارِهِمَا قَصَصًا(64) Si Moises ay nagsabi: “Iyan ang ating hinahanap.” Kaya’t sila ay nagbalik at tinalunton nila ang bakas ng kanilang yapak |
فَوَجَدَا عَبْدًا مِّنْ عِبَادِنَا آتَيْنَاهُ رَحْمَةً مِّنْ عِندِنَا وَعَلَّمْنَاهُ مِن لَّدُنَّا عِلْمًا(65) At kanilang natagpuan ang isa sa Aming mga alipin, na sa kanya ay ipinagkaloob Namin ang Habag mula sa Amin, at siya ang Aming tinuruan ng karunungan mula sa Amin |
قَالَ لَهُ مُوسَىٰ هَلْ أَتَّبِعُكَ عَلَىٰ أَن تُعَلِّمَنِ مِمَّا عُلِّمْتَ رُشْدًا(66) Si Moises ay nangusap sa kanya (Khidr), “Maaari ba akong sumunod sa iyo upang ako ay maturuan mo sa gayong bagay ng Karunungan (Patnubay at Tamang Landas), na itinuro sa iyo (ni Allah)?” |
قَالَ إِنَّكَ لَن تَسْتَطِيعَ مَعِيَ صَبْرًا(67) Siya (Khidr) ay nagsabi: “Katotohanang ikaw ay hindi makakapagpasensiya sa akin |
وَكَيْفَ تَصْبِرُ عَلَىٰ مَا لَمْ تُحِطْ بِهِ خُبْرًا(68) At paano ka (Moises) magkakaroon ng pagtitiyaga tungkol sa bagay na hindi mo nalalaman?” |
قَالَ سَتَجِدُنِي إِن شَاءَ اللَّهُ صَابِرًا وَلَا أَعْصِي لَكَ أَمْرًا(69) Si Moises ay nagsabi: “Kung pahihintulutan ni Allah, iyong makikita ako na matiyaga at sa anumang bagay ay hindi kita susuwayin.” |
قَالَ فَإِنِ اتَّبَعْتَنِي فَلَا تَسْأَلْنِي عَن شَيْءٍ حَتَّىٰ أُحْدِثَ لَكَ مِنْهُ ذِكْرًا(70) Siya (Khidr) ay nagsabi: “Kung gayon, kung ikaw ay susunod sa akin, huwag kang magtanong sa akin ng anuman hangga’t hindi ako ang magsasabi sa iyo.” |
فَانطَلَقَا حَتَّىٰ إِذَا رَكِبَا فِي السَّفِينَةِ خَرَقَهَا ۖ قَالَ أَخَرَقْتَهَا لِتُغْرِقَ أَهْلَهَا لَقَدْ جِئْتَ شَيْئًا إِمْرًا(71) Kaya’t sila ay kapwa nagpatuloy hanggang nang sila ay nasa loob na ng barko, kanyang (Khidr) binutasan ang barko. Si Moises ay nagsabi: “Binutasan mo ba ito upang malunod ang kanyang mga sakay?” Katotohanang ikaw ay gumawa ng Imra, isang Munkar (masama, buktot, kalagim-lagim, buhong) na bagay.” |
قَالَ أَلَمْ أَقُلْ إِنَّكَ لَن تَسْتَطِيعَ مَعِيَ صَبْرًا(72) Siya (Khidr) ay nagsabi: “Hindi baga sinabi ko na sa iyo na ikaw ay hindi makakapagpasensiya sa akin?” |
قَالَ لَا تُؤَاخِذْنِي بِمَا نَسِيتُ وَلَا تُرْهِقْنِي مِنْ أَمْرِي عُسْرًا(73) (Si Moises) ay nagsabi: “Huwag mo akong papanagutin sa bagay na aking nakalimutan at huwag kang maging mahigpit sa akin dahil sa aking ikinikilos (sa iyo).” |
فَانطَلَقَا حَتَّىٰ إِذَا لَقِيَا غُلَامًا فَقَتَلَهُ قَالَ أَقَتَلْتَ نَفْسًا زَكِيَّةً بِغَيْرِ نَفْسٍ لَّقَدْ جِئْتَ شَيْئًا نُّكْرًا(74) At sila ay kapwa nagpatuloy hanggang sa kanilang makatagpo ang isang batang lalaki, kanyang (Khidr) pinatay siya. Si Moises ay nangusap: “Iyong pinatay ang isang walang kasalanang tao, (hindi ba’t ) wala naman siyang pinatay? Katotohanang ikaw ay gumawa ng isang Nukra, isang Munkar (ipinagbabawal, masama, kakila-kilabot na bagay, kabuktutan)!” |
۞ قَالَ أَلَمْ أَقُل لَّكَ إِنَّكَ لَن تَسْتَطِيعَ مَعِيَ صَبْرًا(75) (Si Khidr) ay nagsabi: “Hindi baga sinabi ko na sa iyo na ikaw ay hindi makakapagpasensiya sa akin?” |
قَالَ إِن سَأَلْتُكَ عَن شَيْءٍ بَعْدَهَا فَلَا تُصَاحِبْنِي ۖ قَدْ بَلَغْتَ مِن لَّدُنِّي عُذْرًا(76) (Si Moises) ay nagsabi: “Kung ako ay magtanong pa sa iyo ng anuman pagkatapos nito, huwag mo na akong isama sa iyong pangkat, ikaw ay nakatanggap ng isang dahilan mula sa akin.” |
فَانطَلَقَا حَتَّىٰ إِذَا أَتَيَا أَهْلَ قَرْيَةٍ اسْتَطْعَمَا أَهْلَهَا فَأَبَوْا أَن يُضَيِّفُوهُمَا فَوَجَدَا فِيهَا جِدَارًا يُرِيدُ أَن يَنقَضَّ فَأَقَامَهُ ۖ قَالَ لَوْ شِئْتَ لَتَّخَذْتَ عَلَيْهِ أَجْرًا(77) At sila ay kapwa nagpatuloy hanggang nang sila ay dumating sa pamayanan ng isang bayan, sila ay nanghingi sa kanila ng pagkain, datapuwa’t sila ay tumanggi na asikasuhin sila. At kanilang natagpuan dito ang isang dingding (o bakod) na halos guguho na at kanyang (Khidr) itinindig ito nang maayos at tuwid. (Si Moises) ay nangusap: “Kung iyong ninais, katiyakang maaari kang humingi ng kabayaran para rito!” |
قَالَ هَٰذَا فِرَاقُ بَيْنِي وَبَيْنِكَ ۚ سَأُنَبِّئُكَ بِتَأْوِيلِ مَا لَمْ تَسْتَطِع عَّلَيْهِ صَبْرًا(78) (Si Khidr) ay nagsabi: “Ito na (ang sandali) ng ating paghihiwalay, aking sasabihin sa iyo ang kahulugan ng mga (gayong) bagay na hindi ka makatiis na huwag mag-usisa |
أَمَّا السَّفِينَةُ فَكَانَتْ لِمَسَاكِينَ يَعْمَلُونَ فِي الْبَحْرِ فَأَرَدتُّ أَنْ أَعِيبَهَا وَكَانَ وَرَاءَهُم مَّلِكٌ يَأْخُذُ كُلَّ سَفِينَةٍ غَصْبًا(79) Tungkol sa barko, ito ay pag-aari ng mga mahihirap na tao na nagtatrabaho sa dagat, kaya’t aking ninais na magkaroon ng kasiraan dito (barko), sapagkat may isang hari na nagtatangka sa kanila na kunin ang lahat ng barko nang puwersahan (sapilitan) |
وَأَمَّا الْغُلَامُ فَكَانَ أَبَوَاهُ مُؤْمِنَيْنِ فَخَشِينَا أَن يُرْهِقَهُمَا طُغْيَانًا وَكُفْرًا(80) At tungkol sa batang lalaki, ang kanyang mga magulang ay nananampalataya, at kami ay nangangamba na kanyang apihin sila sa pamamagitan ng kanyang kalapastanganan at kawalan ng pananalig |
فَأَرَدْنَا أَن يُبْدِلَهُمَا رَبُّهُمَا خَيْرًا مِّنْهُ زَكَاةً وَأَقْرَبَ رُحْمًا(81) Kaya’t aming ninais na ang kanilang Panginoon ay palitan siya (batang lalaki) para sa kanila ng isang higit na mainam (na anak) sa kabutihan at katuwiran at malapit sa Habag |
وَأَمَّا الْجِدَارُ فَكَانَ لِغُلَامَيْنِ يَتِيمَيْنِ فِي الْمَدِينَةِ وَكَانَ تَحْتَهُ كَنزٌ لَّهُمَا وَكَانَ أَبُوهُمَا صَالِحًا فَأَرَادَ رَبُّكَ أَن يَبْلُغَا أَشُدَّهُمَا وَيَسْتَخْرِجَا كَنزَهُمَا رَحْمَةً مِّن رَّبِّكَ ۚ وَمَا فَعَلْتُهُ عَنْ أَمْرِي ۚ ذَٰلِكَ تَأْوِيلُ مَا لَمْ تَسْطِع عَّلَيْهِ صَبْرًا(82) At tungkol sa dingding (o bakod), ito ay pag-aari ng dalawang batang lalaki na naulila sa kanilang bayan; at mayroon sa ilalim nito na isang kayamanan na nararapat sa kanila; at ang kanilang ama ay isang matuwid na tao, at ang iyong Panginoon ay nagnais na kanilang sapitin ang wastong gulang at lakas upang kanilang makuha ang kayamanan bilang isang biyaya mula sa iyong Panginoon. At ito ay hindi ko ginawa sa aking sariling kagustuhan. Ito ang kahulugan ng gayong (mga bagay) na hindi ka makatiis na hindi mag-usisa.” |
وَيَسْأَلُونَكَ عَن ذِي الْقَرْنَيْنِ ۖ قُلْ سَأَتْلُو عَلَيْكُم مِّنْهُ ذِكْرًا(83) At sila ay nagtatanong sa iyo tungkol kay dhul-Qarnain. Ipagbadya: “Aking isasalaysay sa inyo ang ilang bahagi ng kanyang kasaysayan.” |
إِنَّا مَكَّنَّا لَهُ فِي الْأَرْضِ وَآتَيْنَاهُ مِن كُلِّ شَيْءٍ سَبَبًا(84) Katotohanang Aming itinindig siya sa kalupaan at siya ay Aming binigyan ng ikadadali ng lahat ng bagay (maging maginhawa) |
فَأَتْبَعَ سَبَبًا(85) At siya ay sumunod sa isang daan |
حَتَّىٰ إِذَا بَلَغَ مَغْرِبَ الشَّمْسِ وَجَدَهَا تَغْرُبُ فِي عَيْنٍ حَمِئَةٍ وَوَجَدَ عِندَهَا قَوْمًا ۗ قُلْنَا يَا ذَا الْقَرْنَيْنِ إِمَّا أَن تُعَذِّبَ وَإِمَّا أَن تَتَّخِذَ فِيهِمْ حُسْنًا(86) Hanggang nang kanyang sapitin ang lugar ng paglubog ng araw ay kanyang natagpuanitonanakalubogsadalisdisngmaitimatmaburak (o mainit) na tubig. At siya ay nakatagpo sa malapit dito ng isang pamayanan. Kami (Allah) ay nagsabi (sa kanya) sa pamamagitan ng inspirasyon: “o dhul-Qarnain! Sila ay maaari mong parusahan, o pakitunguhan sila ng kabaitan.” |
قَالَ أَمَّا مَن ظَلَمَ فَسَوْفَ نُعَذِّبُهُ ثُمَّ يُرَدُّ إِلَىٰ رَبِّهِ فَيُعَذِّبُهُ عَذَابًا نُّكْرًا(87) Siya (dhul-Qarnain) ay nagsabi: “At sa kanya (isang hindi nananalig sa Kaisahan ni Allah) na gumagawa ng kamalian, siya ay Aming parurusahan; at pagkaraan, siya ay ibabalik sa kanyang Panginoon na Siyang magpaparusa sa kanya ng isang kakila-kilabot na kaparusahan (Impiyerno) |
وَأَمَّا مَنْ آمَنَ وَعَمِلَ صَالِحًا فَلَهُ جَزَاءً الْحُسْنَىٰ ۖ وَسَنَقُولُ لَهُ مِنْ أَمْرِنَا يُسْرًا(88) Datapuwa’t siya na sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah) at gumagawa ng katuwiran, sasakanya ang pinakamainam na gantimpala (Paraiso), at kami (dhul- Qarnain) ay mangungusap sa kanya nang mabanayad na mga salita (bilang mga pag-uutos).” |
ثُمَّ أَتْبَعَ سَبَبًا(89) At siya ay sumunod sa ibang landas |
حَتَّىٰ إِذَا بَلَغَ مَطْلِعَ الشَّمْسِ وَجَدَهَا تَطْلُعُ عَلَىٰ قَوْمٍ لَّمْ نَجْعَل لَّهُم مِّن دُونِهَا سِتْرًا(90) Hanggang nang siya ay sumapit sa sinisikatan ng araw ay kanyang natagpuan ito na sumisikat sa mga tao na hindi Namin (Allah) pinagkalooban ng masisilungan laban sa (sikat) ng araw |
كَذَٰلِكَ وَقَدْ أَحَطْنَا بِمَا لَدَيْهِ خُبْرًا(91) Kaya’t (gayon nga)! At batid Namin ang lahat-lahat sa kanya (dhul-Qarnain) |
ثُمَّ أَتْبَعَ سَبَبًا(92) At siya ay sumunod (sa ibang) landas |
حَتَّىٰ إِذَا بَلَغَ بَيْنَ السَّدَّيْنِ وَجَدَ مِن دُونِهِمَا قَوْمًا لَّا يَكَادُونَ يَفْقَهُونَ قَوْلًا(93) Hanggang nang kanyang marating ang pagitan ng dalawang bundok, kanyang natagpuan na malapit sa mga ito (dalawang bundok) ang mga tao na halos ay walang nauunawaang salita |
قَالُوا يَا ذَا الْقَرْنَيْنِ إِنَّ يَأْجُوجَ وَمَأْجُوجَ مُفْسِدُونَ فِي الْأَرْضِ فَهَلْ نَجْعَلُ لَكَ خَرْجًا عَلَىٰ أَن تَجْعَلَ بَيْنَنَا وَبَيْنَهُمْ سَدًّا(94) Sila ay nagsabi: “O Dhul-Qarnain! Katotohanang si Gog at Magog ay gumagawa ng malaking kabuktutan sa kalupaan. Kami baga ay magbabayad sa iyo ng buwis (o pagkilala) upang ikaw ay magtayo ng isang sagka sa pagitan namin at nila?” |
قَالَ مَا مَكَّنِّي فِيهِ رَبِّي خَيْرٌ فَأَعِينُونِي بِقُوَّةٍ أَجْعَلْ بَيْنَكُمْ وَبَيْنَهُمْ رَدْمًا(95) Siya ay nagsabi: “Yaong (kayamanan, kapamahalaan at kapangyarihan) na itinatag sa akin ng aking Panginoon ay higit na mainam (sa inyong buwis o pagkilala). Kaya’t inyong tulungan ako ng lakas (ng mga tao), ako ay magtatayo ng sagka sa pagitan ninyo at nila |
آتُونِي زُبَرَ الْحَدِيدِ ۖ حَتَّىٰ إِذَا سَاوَىٰ بَيْنَ الصَّدَفَيْنِ قَالَ انفُخُوا ۖ حَتَّىٰ إِذَا جَعَلَهُ نَارًا قَالَ آتُونِي أُفْرِغْ عَلَيْهِ قِطْرًا(96) Ako’y bigyan ninyo ng mga piraso ng bakal; at nang mapuno na niya ang puwang sa pagitan ng dalawang bangin ng bundok, siya ay nagsabi: “(Inyong) hipan”. Hanggang nang magawa niya ito (na kasimpula ng) apoy, siya ay nagsabi: “Inyong bigyan ako ng lusaw na tanso upang ibuhos sa ibabaw nito.” |
فَمَا اسْطَاعُوا أَن يَظْهَرُوهُ وَمَا اسْتَطَاعُوا لَهُ نَقْبًا(97) Kaya’t sila (Gog at Magog) ay nawalan ng lakas na akyatin ito o humukay sa kapal nito |
قَالَ هَٰذَا رَحْمَةٌ مِّن رَّبِّي ۖ فَإِذَا جَاءَ وَعْدُ رَبِّي جَعَلَهُ دَكَّاءَ ۖ وَكَانَ وَعْدُ رَبِّي حَقًّا(98) (Si dhul-Qarnain) ay nagsabi: “Ito ay isang habag mula sa aking Panginoon, datapuwa’t kung ang pangako ng aking Panginoon ay dumatal, ito ay Kanyang papatagin na kapantay ng lupa. At ang pangako ng aking Panginoon ay nananatiling tunay.” |
۞ وَتَرَكْنَا بَعْضَهُمْ يَوْمَئِذٍ يَمُوجُ فِي بَعْضٍ ۖ وَنُفِخَ فِي الصُّورِ فَجَمَعْنَاهُمْ جَمْعًا(99) At sa Araw na yaon (alalaong baga, ang Araw na si Gog at Magog ay hahantad), sila ay Aming hahayaan na rumagasa sa isa’t isa na tulad ng mga alon, at ang Tambuli ay hihipan, at sila ay Aming titipunin nang sama-sama |
وَعَرَضْنَا جَهَنَّمَ يَوْمَئِذٍ لِّلْكَافِرِينَ عَرْضًا(100) At sa Araw na yaon ay Aming itatambad ng lantad ang Impiyerno sa mga hindi sumasampalataya |
الَّذِينَ كَانَتْ أَعْيُنُهُمْ فِي غِطَاءٍ عَن ذِكْرِي وَكَانُوا لَا يَسْتَطِيعُونَ سَمْعًا(101) At sila, na ang mga mata ay nasa ilalim ng lambong ng Aking Tagubilin (ang Qur’an) at hindi makatagal na mapakinggan (ito) |
أَفَحَسِبَ الَّذِينَ كَفَرُوا أَن يَتَّخِذُوا عِبَادِي مِن دُونِي أَوْلِيَاءَ ۚ إِنَّا أَعْتَدْنَا جَهَنَّمَ لِلْكَافِرِينَ نُزُلًا(102) Sila ba na hindi sumasampalataya ay nag-aakala na kanilang makukuha ang Aking mga alipin (alalaong baga, ang mga anghel, ang mga Tagapagbalita ni Allah, si Hesus na anak ni Maria, atbp.) bilang Auliya (mga panginoon, diyos, tagapagtanggol, atbp.) maliban sa Akin? Katotohanang Kami ay naghanda ng Impiyerno bilang isang pang-aliw sa mga hindi sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) |
قُلْ هَلْ نُنَبِّئُكُم بِالْأَخْسَرِينَ أَعْمَالًا(103) Ipagbadya (o Muhammad): “Amin (Allah) bagang babanggitin sa iyo kung sino ang pinakatalunan kung ito ay tungkol sa (kanilang) mga gawa?” |
الَّذِينَ ضَلَّ سَعْيُهُمْ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا وَهُمْ يَحْسَبُونَ أَنَّهُمْ يُحْسِنُونَ صُنْعًا(104) Sila nga, na ang kanilang pagsisikhay ay nasayang lamang sa buhay sa mundong ito habang sila ay nag-aakala na sila ay magkakamit ng kabutihan sa pamamagitan ng kanilang mga gawa |
أُولَٰئِكَ الَّذِينَ كَفَرُوا بِآيَاتِ رَبِّهِمْ وَلِقَائِهِ فَحَبِطَتْ أَعْمَالُهُمْ فَلَا نُقِيمُ لَهُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ وَزْنًا(105) Sila nga ang nagtatatwa sa Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.) ng kanilang Panginoon at ng pakikipagtipan sa Kanya (sa Kabilang Buhay). Kaya’t ang kanilang mga gawa ay walang katuturan at sa Araw ng Muling Pagkabuhay, Kami ay hindi magbibigay sa kanila ng anumang pagpapahalaga |
ذَٰلِكَ جَزَاؤُهُمْ جَهَنَّمُ بِمَا كَفَرُوا وَاتَّخَذُوا آيَاتِي وَرُسُلِي هُزُوًا(106) Ito ang kanilang magiging kabayaran, ang Impiyerno; sapagkat sila ay hindi nagsisampalataya at nagturing sa Aking Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.) at sa Aking mga Tagapagbalita bilang isa lamang paraan ng pagsasaya at panunuya |
إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ كَانَتْ لَهُمْ جَنَّاتُ الْفِرْدَوْسِ نُزُلًا(107) Katotohanan, sila na sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) at nagsisigawa ng kabutihan ay magkakaroon ng Halamanan ng Al-Firdaus (Paraiso) tungo sa kanilang kaaliwan |
خَالِدِينَ فِيهَا لَا يَبْغُونَ عَنْهَا حِوَلًا(108) Na rito, sila ay magsisipanahan (magpakailanman). walang anumang pagnanais ang hindi nila makakamtan dito |
قُل لَّوْ كَانَ الْبَحْرُ مِدَادًا لِّكَلِمَاتِ رَبِّي لَنَفِدَ الْبَحْرُ قَبْلَ أَن تَنفَدَ كَلِمَاتُ رَبِّي وَلَوْ جِئْنَا بِمِثْلِهِ مَدَدًا(109) Ipagbadya (O Muhammad sa sangkatauhan): “Kung ang karagatan ay mga tinta (na ipangsusulat) sa mga Salita ng aking Panginoon, katotohanan, ang karagatan ay masasaid bago ang mga Salita ng aking Panginoon ay masaid, kahit na nga Kami ay muli pang gumawa (ng isa pang dagat) na katulad nito bilang pandagdag.” |
قُلْ إِنَّمَا أَنَا بَشَرٌ مِّثْلُكُمْ يُوحَىٰ إِلَيَّ أَنَّمَا إِلَٰهُكُمْ إِلَٰهٌ وَاحِدٌ ۖ فَمَن كَانَ يَرْجُو لِقَاءَ رَبِّهِ فَلْيَعْمَلْ عَمَلًا صَالِحًا وَلَا يُشْرِكْ بِعِبَادَةِ رَبِّهِ أَحَدًا(110) Ipagbadya (o Muhammad): “Ako ay isa lamang tao na katulad ninyo. Ito ay ipinahayag sa akin, na ang inyong Ilah (diyos) ay isang Ilah (diyos, alalaong baga, si Allah). Kaya’t kung sinuman ang umaasam sa pakikipagtipan sa kanyang Panginoon, hayaan siyang gumawa ng katuwiran at kabutihan at huwag siyang mag-akibat ng anumang katambal sa pagsamba sa kanyang Panginoon.” mAriA |