📖 0/604 pahinang nabasa
📄 10
Al-Baqarah

Al-Baqarah

2:62
إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَٱلَّذِينَ هَادُواْ وَٱلنَّصَٰرَىٰ وَٱلصَّٰبِـِٔينَ مَنۡ ءَامَنَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ وَعَمِلَ صَٰلِحًا فَلَهُمۡ أَجۡرُهُمۡ عِندَ رَبِّهِمۡ وَلَا خَوۡفٌ عَلَيۡهِمۡ وَلَا هُمۡ يَحۡزَنُونَ ٦٢
Katotohanan! Ang mga sumasampalataya (sa Qur’an at ang mga sumusunod sa Kasulatan (sa Torah, [mga Batas]), ang mga Hudyo, ang mga Kristiyano at mga Sabiyano, at sinumang nananampalataya kay Allah at sa Huling Araw at nagsisigawa ng kabutihan ay tatanggap ng kanilang biyaya mula sa kanilang Panginoon at sa kanila ay walang pangangamba, gayundin naman, sila ay walang kalumbayan. (Ang talatang ito ay sinusugan ni Allah sa Surah)
2:63
وَإِذۡ أَخَذۡنَا مِيثَٰقَكُمۡ وَرَفَعۡنَا فَوۡقَكُمُ ٱلطُّورَ خُذُواْ مَآ ءَاتَيۡنَٰكُم بِقُوَّةٍ وَٱذۡكُرُواْ مَا فِيهِ لَعَلَّكُمۡ تَتَّقُونَ ٦٣
At alalahanin (o Angkan ng Israel), nang Aming kinuha ang inyong Kasunduan at Aming itinaas nang higit sa inyo ang Bundok (ng Sinai) na nagsasabi: “Manangan kayo nang matatag sa Aming ipinagkaloob sa inyo at inyong gunitain ang nakapaloob dito upang kayo ay maging Al-Muttaqun (mga matimtiman sa kabanalan, mabuti at matuwid na tao).”
2:64
ثُمَّ تَوَلَّيۡتُم مِّنۢ بَعۡدِ ذَٰلِكَۖ فَلَوۡلَا فَضۡلُ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ وَرَحۡمَتُهُۥ لَكُنتُم مِّنَ ٱلۡخَٰسِرِينَ ٦٤
Datapuwa’t kayo ay nagsitalikod dito. At kung hindi lamang sa Biyaya at Habag ni Allah sa inyo, katiyakang kayo ay nasa lipon ng mga talunan
2:65
وَلَقَدۡ عَلِمۡتُمُ ٱلَّذِينَ ٱعۡتَدَوۡاْ مِنكُمۡ فِي ٱلسَّبۡتِ فَقُلۡنَا لَهُمۡ كُونُواْ قِرَدَةً خَٰسِـِٔينَ ٦٥
At katotohanang batid ninyo kung sino sa inyong lipon ang sumuway sa (kautusan) ng (araw ng) Sabado. Aming (Allah) winika sa kanila: “Kayo ay maging unggoy, na kinasusuklaman at itinatakwil.”
2:66
فَجَعَلۡنَٰهَا نَكَٰلًا لِّمَا بَيۡنَ يَدَيۡهَا وَمَا خَلۡفَهَا وَمَوۡعِظَةً لِّلۡمُتَّقِينَ ٦٦
Kaya’t ginawa Namin ang kaparusahang ito bilang isang halimbawa sa kanilang panahon at sa susunod na sali’t saling lahi at isang aral sa mga may pangangamba kay Allah
2:67
وَإِذۡ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوۡمِهِۦٓ إِنَّ ٱللَّهَ يَأۡمُرُكُمۡ أَن تَذۡبَحُواْ بَقَرَةًۖ قَالُوٓاْ أَتَتَّخِذُنَا هُزُوًاۖ قَالَ أَعُوذُ بِٱللَّهِ أَنۡ أَكُونَ مِنَ ٱلۡجَٰهِلِينَ ٦٧
At alalahanin nang sabihin ni Moises sa kanyang pamayanan: “Katotohanang si Allah ay nag-uutos sa inyo na kayo ay magsakripisyo (mag-alay) ng isang baka.” Sila ay nagsabi: “Ginagawa mo ba kaming katatawanan?” Siya (Moises) aynagsabi:“IligtasnawaakoniAllahnamapabilang sa Al-Jahilun (mga tao na walang pag-iisip, mangmang at may kabaliwan)!”
2:68
قَالُواْ ٱدۡعُ لَنَا رَبَّكَ يُبَيِّن لَّنَا مَا هِيَۚ قَالَ إِنَّهُۥ يَقُولُ إِنَّهَا بَقَرَةٌ لَّا فَارِضٌ وَلَا بِكۡرٌ عَوَانُۢ بَيۡنَ ذَٰلِكَۖ فَٱفۡعَلُواْ مَا تُؤۡمَرُونَ ٦٨
Sila ay nagsabi: “Manikluhod ka sa iyong Panginoon patungkol sa amin na gawing maliwanag kung anong (baka) ito!” Siya (Moises) ay nagsabi; Kanyang (Allah) winika: “Katotohanan, ito ay hindi lubhang matanda o lubhang bata, ngunit ito ay katamtamang gulang lamang; kaya’t gawin ninyo ang sa inyo ay ipinag-utos.”
2:69
قَالُواْ ٱدۡعُ لَنَا رَبَّكَ يُبَيِّن لَّنَا مَا لَوۡنُهَاۚ قَالَ إِنَّهُۥ يَقُولُ إِنَّهَا بَقَرَةٌ صَفۡرَآءُ فَاقِعٌ لَّوۡنُهَا تَسُرُّ ٱلنَّٰظِرِينَ ٦٩
Sila ay nagsabi: “Tawagan mo ang iyong Panginoon patungkol sa amin na maging maliwanag kung ano ang kulay nito!” Siya (Moises) ay nagsabi: “Kanyang (Allah) winika na ito ay dilaw na baka, na marikit sa kanyang kulay at nakakaakit sa mga tumitingin.”
العربيةEnglishBahasa IndonesiaTürkçeРусскийفارسیFrançaisاردوবাংলাDeutschEspañol中文हिन्दीPortuguêsItalianoภาษาไทยPolskiNederlandsShqipKiswahiliO'zbekதமிழ்MelayuBosanskiSoomaaliAzərbaycanکوردی한국어日本語SvenskaDanskNorskپښتوമലയാളംසිංහලTamazightHausaአማርኛБългарскиТоҷикӣҚазақшаFilipinoسنڌيYorùbáFulfuldeТатарчаئۇيغۇرچەКыргызчаਪੰਜਾਬੀJawaతెలుగుမြန်မာગુજરાતીOromoमराठीTiếng ViệtMalagasyНохчийнWolofދިވެހިಕನ್ನಡУкраїнськаΕλληνικάქართულიខ្មែរدریQafar afMaranaoनेपाली
Banal na Quran
Wednesday, August 19, 2026
Don't forget us in your sincere prayers







