📖 0/604 pahinang nabasa
📄 602
Surah Quraisy
bismillah
لِإِيلَٰفِ قُرَيۡشٍ  ۝١ إِۦلَٰفِهِمۡ رِحۡلَةَ ٱلشِّتَآءِ وَٱلصَّيۡفِ  ۝٢ فَلۡيَعۡبُدُواْ رَبَّ هَٰذَا ٱلۡبَيۡتِ  ۝٣ ٱلَّذِيٓ أَطۡعَمَهُم مِّن جُوعٍ وَءَامَنَهُم مِّنۡ خَوۡفِۭ  ۝٤
Surah Al-Ma'un
bismillah
أَرَءَيۡتَ ٱلَّذِي يُكَذِّبُ بِٱلدِّينِ  ۝١ فَذَٰلِكَ ٱلَّذِي يَدُعُّ ٱلۡيَتِيمَ  ۝٢ وَلَا يَحُضُّ عَلَىٰ طَعَامِ ٱلۡمِسۡكِينِ  ۝٣ فَوَيۡلٌ لِّلۡمُصَلِّينَ  ۝٤ ٱلَّذِينَ هُمۡ عَن صَلَاتِهِمۡ سَاهُونَ  ۝٥ ٱلَّذِينَ هُمۡ يُرَآءُونَ  ۝٦ وَيَمۡنَعُونَ ٱلۡمَاعُونَ  ۝٧
Surah Al-Kautsar
bismillah
إِنَّآ أَعۡطَيۡنَٰكَ ٱلۡكَوۡثَرَ  ۝١ فَصَلِّ لِرَبِّكَ وَٱنۡحَرۡ  ۝٢ إِنَّ شَانِئَكَ هُوَ ٱلۡأَبۡتَرُ  ۝٣
Surah Quraisy
bismillah
106:1
لِإِيلَٰفِ قُرَيۡشٍ  ۝١
Sa pagiging bihasa ng mga (Angkan) ni Quraish
106:2
إِۦلَٰفِهِمۡ رِحۡلَةَ ٱلشِّتَآءِ وَٱلصَّيۡفِ  ۝٢
(Ay Aming hinayaan) ang mga sasakyan (ng mga Quraish) na bumiyahe ng ligtas sa Taglamig (patungong Timog), at sa Tag-init (patungong Hilaga, ng walang anumang pangangamba)
106:3
فَلۡيَعۡبُدُواْ رَبَّ هَٰذَا ٱلۡبَيۡتِ  ۝٣
Kaya’t hayaan sila na sumamba (kayAllah), ang Panginoon ng Tahanang ito (ang Ka’ba sa Makkah)
106:4
ٱلَّذِيٓ أَطۡعَمَهُم مِّن جُوعٍ وَءَامَنَهُم مِّنۡ خَوۡفِۭ  ۝٤
(Siya, si Allah) ang nagkaloob sa kanila ng pagkain laban sa pagkagutom at laban sa anumang pangamba (at panganib)
Surah Al-Ma'un
bismillah
107:1
أَرَءَيۡتَ ٱلَّذِي يُكَذِّبُ بِٱلدِّينِ  ۝١
Napagmamasdan mo ba siya na nagtatatwa sa Paghuhukom (na daratal)
107:2
فَذَٰلِكَ ٱلَّذِي يَدُعُّ ٱلۡيَتِيمَ  ۝٢
Kung gayon, siya nga ang (may kagaspangan sa pag-uugali) na tumatangging magbigay ng tulong sa ulila
107:3
وَلَا يَحُضُّ عَلَىٰ طَعَامِ ٱلۡمِسۡكِينِ  ۝٣
At hindi natitigatig na magbigay ng biyaya upang pakainin ang naghihikahos
107:4
فَوَيۡلٌ لِّلۡمُصَلِّينَ  ۝٤
Kaya’t kasawian (sa mga mapagkunwari) na nagsasagawa ng pagdalangin
107:5
ٱلَّذِينَ هُمۡ عَن صَلَاتِهِمۡ سَاهُونَ  ۝٥
Na nagpapabaya ng kanilang pagdalangin sa takdang oras
107:6
ٱلَّذِينَ هُمۡ يُرَآءُونَ  ۝٦
Na nagsasagawa lamang ng kabutihan upang mamalas (ng mga tao)
107:7
وَيَمۡنَعُونَ ٱلۡمَاعُونَ  ۝٧
Datapuwa’t tumatangging magbigay ng kahit na katiting na tulong (alalaong baga, kahit na isang dakot na asin, asukal, isang baso ng tubig, atbp)
Surah Al-Kautsar
bismillah
108:1
إِنَّآ أَعۡطَيۡنَٰكَ ٱلۡكَوۡثَرَ  ۝١
Katotohanang sa iyo (O Muhammad) ay ipinagkaloob Namin ang Al-Kawthar (isang Bukal sa Paraiso)
108:2
فَصَلِّ لِرَبِّكَ وَٱنۡحَرۡ  ۝٢
Kaya’t sa iyong Panginoon mo lamang ikaw ay mag-ukol ng dalangin at Pag-aalay
108:3
إِنَّ شَانِئَكَ هُوَ ٱلۡأَبۡتَرُ  ۝٣
At sa mga namumuhi sa iyo (o Muhammad), siya ay pagkakaitan (ng bawat mabuting bagay sa mundong ito at pag-asang maaasam sa Kabilang Buhay)


📚Juz 30 📄602 / 604



Mishary Rashid Alafasy
Mahmoud Khalil Al-Husary
Abdurrahman As-Sudais
Mohamed Siddiq Al-Minshawi
Abdul Basit Abdul Samad
Ali Al-Hudhaify
Ahmed ibn Ali al-Ajamy
Abu Bakr Ash-Shaatree
Muhammad Ayyoub
Abdullah Basfar
Abdullah Al-Juhani
Maher Al Muaiqly
0:00
0:00
-

Banal na Quran


Wednesday, September 2, 2026

Don't forget us in your sincere prayers