Surah Al-Ghasyiyah sa Arabe at Filipino
Basahin ang Surah Al-Ghasyiyah na may kumpletong salin sa Filipino at audio na babasahin. Salin bawat talata. (26 Talata — مكية). Al-Ghasyiyah Pakinggan, Al-Ghasyiyah Salin, Al-Ghasyiyah mp3, Al-Ghasyiyah pdf.Basahin at Pakinggan ang Surah Al-Ghasyiyah
🎧 Talata
M
Mishary Rashid Alafasy
✓
Mishary Rashid Alafasy
✓
M
Mahmoud Khalil Al-Husary
✓
Mahmoud Khalil Al-Husary
✓
A
Abdurrahman As-Sudais
✓
Abdurrahman As-Sudais
✓
M
Mohamed Siddiq Al-Minshawi
✓
Mohamed Siddiq Al-Minshawi
✓
A
Abdul Basit Abdul Samad
✓
Abdul Basit Abdul Samad
✓
A
Ali Al-Hudhaify
✓
Ali Al-Hudhaify
✓
A
Ahmed ibn Ali al-Ajamy
✓
Ahmed ibn Ali al-Ajamy
✓
A
Abu Bakr Ash-Shaatree
✓
Abu Bakr Ash-Shaatree
✓
M
Muhammad Ayyoub
✓
Muhammad Ayyoub
✓
A
Abdullah Basfar
✓
Abdullah Basfar
✓
A
Abdullah Al-Juhani
✓
Abdullah Al-Juhani
✓
M
Maher Al Muaiqly
✓
Maher Al Muaiqly
✓
—
x1
هَلْ أَتَاكَ حَدِيثُ الْغَاشِيَةِ ١
📖 Salin
Talata 1
Nakarating na ba sa iyo ang balita ng kasindak- sindak na sandali (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay)
وُجُوهٌ يَوْمَئِذٍ خَاشِعَةٌ ٢
📖 Salin
Talata 2
Sa Araw na yaon, ang maraming mukha ay magiging aba (alalaong baga, ang mukha ng mga Hudyo at Kristiyano, atbp)
عَامِلَةٌ نَّاصِبَةٌ ٣
📖 Salin
Talata 3
Na gumagawa (ng buong pagsisikap sa makamundong buhay sa pagsamba sa mga iba tangi pa kay Allah), na tigib ng sakit at napapagal (sa Kabilang Buhay dahilan sa pagkadusta at kahihiyan)
تُسْقَىٰ مِنْ عَيْنٍ آنِيَةٍ ٥
📖 Salin
Talata 5
Sila ay dudulutan ng inumin mula sa kumukulong batis
لَّيْسَ لَهُمْ طَعَامٌ إِلَّا مِن ضَرِيعٍ ٦
📖 Salin
Talata 6
At walang anumang pagkain dito para sa kanila maliban sa mapait at matinik na bungangkahoy at halaman
لَّا يُسْمِنُ وَلَا يُغْنِي مِن جُوعٍ ٧
📖 Salin
Talata 7
Na hindi makakapagbigay lakas o kabusugan sa kanila at makakapawi ng gutom
لِّسَعْيِهَا رَاضِيَةٌ ٩
📖 Salin
Talata 9
Na nasisiyahan sa kanilang pinagsikapan (sa mabubuting gawa na kanilang ginawa sa mundong ito, kasama na ang Tunay na Pananalig sa Kaisahan ni Allah at sa Islam)
لَّا تَسْمَعُ فِيهَا لَاغِيَةً ١١
📖 Salin
Talata 11
Na rito ay hindi nila mapapakinggan ang masamang usapan at kabulaanan
أَفَلَا يَنظُرُونَ إِلَى الْإِبِلِ كَيْفَ خُلِقَتْ ١٧
📖 Salin
Talata 17
Hindi baga nila isinasaalang-alang ang kamelyo kung paano sila nilikha
وَإِلَى الْجِبَالِ كَيْفَ نُصِبَتْ ١٩
📖 Salin
Talata 19
At ang kabundukan kung paano ito nilagyan ng ugat at itinayo nang matatag
وَإِلَى الْأَرْضِ كَيْفَ سُطِحَتْ ٢٠
📖 Salin
Talata 20
At ang kalupaan kung paano ito inilatag nang malawak
فَذَكِّرْ إِنَّمَا أَنتَ مُذَكِّرٌ ٢١
📖 Salin
Talata 21
Kaya’t paalalahanan mo sila (o Muhammad), ikaw ay isa lamang tagapagpaala-ala
لَّسْتَ عَلَيْهِم بِمُصَيْطِرٍ ٢٢
📖 Salin
Talata 22
Ikaw ay walang pananagutan na pamahalaan ang kanilang pamumuhay
إِلَّا مَن تَوَلَّىٰ وَكَفَرَ ٢٣
📖 Salin
Talata 23
Datapuwa’t kung sinuman ang tumalikod at hindi sumampalataya (kay Allah) at walang pananalig
فَيُعَذِّبُهُ اللَّهُ الْعَذَابَ الْأَكْبَرَ ٢٤
📖 Salin
Talata 24
Kung gayon, si Allah ang magpaparusa sa kanya ng kasakit-sakit na Kaparusahan
ثُمَّ إِنَّ عَلَيْنَا حِسَابَهُم ٢٦
📖 Salin
Talata 26
At katotohanang Kami ang nakakapangyari upang tawagin sila sa Pagsusulit
Basahin Surah Al-Ghasyiyah sa Filipino – Salin at Audio
Banal na Quran
Tuesday, August 18, 2026
Don't forget us in your sincere prayers

