Surah Muhammad with Filipino

  1. Surah mp3
  2. More
  3. Filipino
The Holy Quran | Quran translation | Language Filipino | Surah Muhammad | محمد - Ayat Count 38 - The number of the surah in moshaf: 47 - The meaning of the surah in English: Muhammad.

الَّذِينَ كَفَرُوا وَصَدُّوا عَن سَبِيلِ اللَّهِ أَضَلَّ أَعْمَالَهُمْ(1)

 Sila na nagtatakwil (sa Kaisahan ni Allah at sa Mensahe ni Propeta Muhammad) at humahadlang sa mga tao tungo sa landas ni Allah, sa Islam), ang kanilang mga gawa ay hindi magwawagi kay Allah

وَالَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ وَآمَنُوا بِمَا نُزِّلَ عَلَىٰ مُحَمَّدٍ وَهُوَ الْحَقُّ مِن رَّبِّهِمْ ۙ كَفَّرَ عَنْهُمْ سَيِّئَاتِهِمْ وَأَصْلَحَ بَالَهُمْ(2)

 Datapuwa’t sila na mga sumasampalataya at nagsisigawa ng kabutihan at nananalig sa kapahayagan na ipinanaog kay Muhammad, - sapagkat ito ang katotohanan mula sa kanilang Panginoon, ay Kanyang papawiin sa kanila ang kanilang mga kasalanan at pagdurusa at pag-iibayuhin Niya ang kanilang kalagayan na maging mainam

ذَٰلِكَ بِأَنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا اتَّبَعُوا الْبَاطِلَ وَأَنَّ الَّذِينَ آمَنُوا اتَّبَعُوا الْحَقَّ مِن رَّبِّهِمْ ۚ كَذَٰلِكَ يَضْرِبُ اللَّهُ لِلنَّاسِ أَمْثَالَهُمْ(3)

 Sapagkat sila na nagtatakwil kay Allah ay sumusunod sa kabulaanan, ngunit sila na sumasampalataya ay sumusunod sa Katotohanan mula sa kanilang Panginoon. Sa ganitong pagtutulad ay ipinadarama ni Allah sa mga tao ang mga ito upang sa kanila ay maging aral

فَإِذَا لَقِيتُمُ الَّذِينَ كَفَرُوا فَضَرْبَ الرِّقَابِ حَتَّىٰ إِذَا أَثْخَنتُمُوهُمْ فَشُدُّوا الْوَثَاقَ فَإِمَّا مَنًّا بَعْدُ وَإِمَّا فِدَاءً حَتَّىٰ تَضَعَ الْحَرْبُ أَوْزَارَهَا ۚ ذَٰلِكَ وَلَوْ يَشَاءُ اللَّهُ لَانتَصَرَ مِنْهُمْ وَلَٰكِن لِّيَبْلُوَ بَعْضَكُم بِبَعْضٍ ۗ وَالَّذِينَ قُتِلُوا فِي سَبِيلِ اللَّهِ فَلَن يُضِلَّ أَعْمَالَهُمْ(4)

 Kaya’t kung inyong makaharap sa labanan (Jihad, maka- Diyos na pakikibaka tungo sa Kapakanan ni Allah) ang mga hindi sumasampalataya, hampasin ninyo ang kanilang leeg hanggang (sa kalaunan), kung ang karamihan sa kanila ay inyo nang napatay o nasugatan, inyo silang talian ng panggapos ng mahigpit (alalaong baga, sila ay gawin ninyong bihag). Sa gayon, makaraan nito, naririto na ang sandali ng pagpaparaya (palayain sila ng walang tubos), o ipatubos (ayon sa kapakinabangan ng Islam), hanggang ang hilahil ng digmaan ay humupa. Sa ganito, kayo ay pinag-utusan (ni Allah na ipagpatuloy ang pagsasagawa ng Jihad laban sa mga hindi sumasampalataya hanggang sa sila ay yumakap sa Islam [alalaong baga, ang mailigtas sila sa kaparusahan ng Apoy ng Impiyerno], o di kaya ay mapabilang sila sa ilalim ng inyong pangangalaga) , datapuwa’t kung ninais lamang ni Allah ay magagawa Niya na matalo sila (kahit na wala kayo), datapuwa’t ninais Niya na kayo ay lumaban upang Kanyang masubok kayo at ang iba pa. Datapuwa’t sila na nasawi dahil sa Landas ni Allah, ay hindi Niya hahayaan na ang kanilang mga gawa ay mawalang saysay

سَيَهْدِيهِمْ وَيُصْلِحُ بَالَهُمْ(5)

 Hindi magluluwat ay Kanyang papatnubayan sila at pauunlarin ang kanilang kalagayan

وَيُدْخِلُهُمُ الْجَنَّةَ عَرَّفَهَا لَهُمْ(6)

 At Kanyang tatanggapin sila sa Halamanan (Paraiso) na Kanyang ipinaaalam sa kanila (alalaong baga, malalaman nila ang kanilang lugar sa Paraiso ng higit sa pagkaalam nila sa kanilang tahanan sa mundong ito)

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِن تَنصُرُوا اللَّهَ يَنصُرْكُمْ وَيُثَبِّتْ أَقْدَامَكُمْ(7)

 O kayong nagsisisampalataya! Kung kayo ay tutulong (sa kapakanan niAllah) ay Kanyang tutulungan kayo at ititindig Niya ang inyong mga paa nang matatag

وَالَّذِينَ كَفَرُوا فَتَعْسًا لَّهُمْ وَأَضَلَّ أَعْمَالَهُمْ(8)

 Datapuwa’t sila na nagtatakwil (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam), sasakanila ang kapinsalaan at si Allah ang magpapasiya na wala silang matamasa sa kanilang mga gawa

ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ كَرِهُوا مَا أَنزَلَ اللَّهُ فَأَحْبَطَ أَعْمَالَهُمْ(9)

 Sapagkat sila ay namumuhi sa kapahayagan na ipinanaog sa kanila ni Allah (ang Qur’an, mga batas Islamiko, atbp.), kaya’t ginawa Niya ang kanilang mga gawa na walang kapakinabangan

۞ أَفَلَمْ يَسِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَيَنظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الَّذِينَ مِن قَبْلِهِمْ ۚ دَمَّرَ اللَّهُ عَلَيْهِمْ ۖ وَلِلْكَافِرِينَ أَمْثَالُهَا(10)

 Hindibagasilanagsipaglakbaysakahabaanngmgalupain at namasdan kung ano ang kinahinatnan ng mga nauna sa kanila ( na nagsigawa ng kabuktutan)? SiAllah ang naggawad sa kanila ng tandisang kapinsalaan at gayundin naman ang kahihinatnan ng mga hindi sumasampalataya (kay Allah)

ذَٰلِكَ بِأَنَّ اللَّهَ مَوْلَى الَّذِينَ آمَنُوا وَأَنَّ الْكَافِرِينَ لَا مَوْلَىٰ لَهُمْ(11)

 Ito’y sa dahilang si Allah ang Maula (Panginoon, Kawaksi, Tagapangalaga, Tagapagtanggol, atbp.) ng mga sumasampalataya, datapuwa’t sila na nagtatakwil kay Allah ay walang Maula (Panginoon, Kawaksi, Tagapangalaga, Tagapagtanggol, atbp)

إِنَّ اللَّهَ يُدْخِلُ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِن تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ ۖ وَالَّذِينَ كَفَرُوا يَتَمَتَّعُونَ وَيَأْكُلُونَ كَمَا تَأْكُلُ الْأَنْعَامُ وَالنَّارُ مَثْوًى لَّهُمْ(12)

 Katotohanan! Si Allah ang tatanggap sa kanila na sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) at nagsisigawa ng kabutihan, sa Halamanan na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (Paraiso), datapuwa’t sila na nagtatakwil kay Allah ay nagpapakaligaya sa kanilang sarili (sa mundong ito) at kumakain na tulad ng mga baka, at ang Apoy ang kanilang magiging tahanan

وَكَأَيِّن مِّن قَرْيَةٍ هِيَ أَشَدُّ قُوَّةً مِّن قَرْيَتِكَ الَّتِي أَخْرَجَتْكَ أَهْلَكْنَاهُمْ فَلَا نَاصِرَ لَهُمْ(13)

 At ilan baga ang mga bayan (pamayanan) na may higit na kapangyarihan sa iyong lungsod (Makkah, [O Muhammad]), na nagtaboy sa iyo, ang Aming winasak (dahil sa kanilang kasamaan)? At walang sinuman ang makakatulong sa kanila

أَفَمَن كَانَ عَلَىٰ بَيِّنَةٍ مِّن رَّبِّهِ كَمَن زُيِّنَ لَهُ سُوءُ عَمَلِهِ وَاتَّبَعُوا أَهْوَاءَهُم(14)

 Siya kaya na nasa maliwanag na katibayan (landas) mula sa kanyang Panginoon ay katulad nila na ang kanilang masasamang gawa na kanilang isinasakatuparan ay ginawang makapang-akit at maging maganda sa kanila, habang kanilang sinusunod ang kanilang sariling pagnanasa (masasamang hangarin)

مَّثَلُ الْجَنَّةِ الَّتِي وُعِدَ الْمُتَّقُونَ ۖ فِيهَا أَنْهَارٌ مِّن مَّاءٍ غَيْرِ آسِنٍ وَأَنْهَارٌ مِّن لَّبَنٍ لَّمْ يَتَغَيَّرْ طَعْمُهُ وَأَنْهَارٌ مِّنْ خَمْرٍ لَّذَّةٍ لِّلشَّارِبِينَ وَأَنْهَارٌ مِّنْ عَسَلٍ مُّصَفًّى ۖ وَلَهُمْ فِيهَا مِن كُلِّ الثَّمَرَاتِ وَمَغْفِرَةٌ مِّن رَّبِّهِمْ ۖ كَمَنْ هُوَ خَالِدٌ فِي النَّارِ وَسُقُوا مَاءً حَمِيمًا فَقَطَّعَ أَمْعَاءَهُمْ(15)

 Narito ang paglalarawan ng Halamanan (Paraiso) na sa Mutaqqun (mga matutuwid at matimtimang tao na labis na nagmamahal kay Allah at umiiwas sa lahat ng mga masasamang gawa na Kanyang ipinagbabawal at nagmamahal kay Allah ng higit at nagsasagawa ng mga mabubuting gawa na Kanyang ipinag- uutos) ay ipinangako: Naririto ang mga ilog na ang tubig nito sa lasa at samyo ay hindi nagmamaliw (sa kasariwaan); mga batis ng gatas na ang lasa ay hindi kailanman nagbabago; mga batis ng alak na ang linamnam ay isang kasiyahan sa mga umiinom, at mga batis ng pulot-pukyutan na puro at dalisay. Naririto ang lahat ng uri ng bungangkahoy; at Pagpapatawad mula sa kanilang Panginoon. (Sila kaya na maninirahan sa kaligayahan) ay maihahalintulad sa mga magsisipanahan sa Apoy, na bibigyan dito upang uminom ng kumukulong tubig na humihiwa (ng pira-piraso) sa laman ng kanilang mga bituka

وَمِنْهُم مَّن يَسْتَمِعُ إِلَيْكَ حَتَّىٰ إِذَا خَرَجُوا مِنْ عِندِكَ قَالُوا لِلَّذِينَ أُوتُوا الْعِلْمَ مَاذَا قَالَ آنِفًا ۚ أُولَٰئِكَ الَّذِينَ طَبَعَ اللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ وَاتَّبَعُوا أَهْوَاءَهُمْ(16)

 At sa karamihan nila ay mayroon mga tao na nakikinig sa iyo (o Muhammad), hanggang sa sila ay magpaalam na sa iyo, at sila ay nagsasabi sa mga tao na tumanggap ng Karunungan: “Ano baga yaong sinabi niya ngayon (lamang)? Sila ang mga tao na ang puso ay sinarhan ni Allah, at sila ay sumusunod lamang sa kanilang mga pita (masasamang pagnanasa)

وَالَّذِينَ اهْتَدَوْا زَادَهُمْ هُدًى وَآتَاهُمْ تَقْوَاهُمْ(17)

 Datapuwa’t sila na tumatanggap ng Patnubay, ay pinag-iibayo Niya ang kanilang Patnubay, at iginawad Niya sa kanila ang pagiging matimtiman at mapagtimpi (sa paggawa ng kasamaan)

فَهَلْ يَنظُرُونَ إِلَّا السَّاعَةَ أَن تَأْتِيَهُم بَغْتَةً ۖ فَقَدْ جَاءَ أَشْرَاطُهَا ۚ فَأَنَّىٰ لَهُمْ إِذَا جَاءَتْهُمْ ذِكْرَاهُمْ(18)

 Sila baga ay naghihintay lamang (ng kahit na ano) ng iba pa sa Takdang oras, - na ito ay sumapit sa kanila nang bigla at hindi inaasahan? Datapuwa’t ang ilan sa kanyang mga tanda (mga pahiwatig at palatandaan) ay dumatal na sa kanila, at kung ito ay igawad na sa kanila, ano ang magiging kapakinabangan kung gayon ng, kanilang Tagapagpaala- ala

فَاعْلَمْ أَنَّهُ لَا إِلَٰهَ إِلَّا اللَّهُ وَاسْتَغْفِرْ لِذَنبِكَ وَلِلْمُؤْمِنِينَ وَالْمُؤْمِنَاتِ ۗ وَاللَّهُ يَعْلَمُ مُتَقَلَّبَكُمْ وَمَثْوَاكُمْ(19)

 Kaya’t iyong maalaman (O Muhammad) na ang La ilaha ill Allah (wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah), at ikaw ay humingi ng kapatawaran sa iyong pagkakamali; at gayundin (sa mga pagkakasala) ng mga sumasampalatayang lalaki at mga sumasampalatayang babae. At ganap na nababatid ni Allah ang inyong pagkilos at kung paano kayo nananahan sa inyong mga tahanan

وَيَقُولُ الَّذِينَ آمَنُوا لَوْلَا نُزِّلَتْ سُورَةٌ ۖ فَإِذَا أُنزِلَتْ سُورَةٌ مُّحْكَمَةٌ وَذُكِرَ فِيهَا الْقِتَالُ ۙ رَأَيْتَ الَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٌ يَنظُرُونَ إِلَيْكَ نَظَرَ الْمَغْشِيِّ عَلَيْهِ مِنَ الْمَوْتِ ۖ فَأَوْلَىٰ لَهُمْ(20)

 Sila na sumasampalataya ay nagsasabi: “Bakit kaya hindi ipinanaog (sa amin) ang isang Surah (Kabanata ng Qur’an)? Datapuwa’t kung ang isang Surah na may tampok na kahulugan (na nagpapaliwanag at nag-uutos ng mga bagay-bagay) ay ipinanaog, at ang pakikipaglaban (Jihad, ang maka-Diyos na pakikidigma) ay nababanggit dito (alalaong baga, ipinag-uutos), iyong mapagmamalas ang mga tao na sa kanilang puso ay may karamdaman (ng pagkukunwari) na tumitingin sa iyo na (katulad ng) isang sulyap ng isang nangangapos ang hininga dahilan sa napipintong kamatayan. Ngunit higit na mainam sa kanila (na mapagkunwari, ang makinig kay Allah at tumalima sa Kanya)

طَاعَةٌ وَقَوْلٌ مَّعْرُوفٌ ۚ فَإِذَا عَزَمَ الْأَمْرُ فَلَوْ صَدَقُوا اللَّهَ لَكَانَ خَيْرًا لَّهُمْ(21)

 Ang pagsunod (kay Allah) at mabubuting gawa (ay higit na mainam sa kanila). At kung ang mga bagay-bagay (ang paghahanda sa Jihad, ang maka-Diyos na pakikidigma) ay napagpasiyahan na, kung gayon, ito ay higit na makakabuti sa kanila kung sila ay tapat kay Allah

فَهَلْ عَسَيْتُمْ إِن تَوَلَّيْتُمْ أَن تُفْسِدُوا فِي الْأَرْضِ وَتُقَطِّعُوا أَرْحَامَكُمْ(22)

 At kayo ba, kung kayo ay bigyan ng kapamahalaan, ay magsisigawa ng kabuktutan sa kalupaan, at inyong puputulin ang gapos ng pagkakaibigan at pagkakamag- anak

أُولَٰئِكَ الَّذِينَ لَعَنَهُمُ اللَّهُ فَأَصَمَّهُمْ وَأَعْمَىٰ أَبْصَارَهُمْ(23)

 Sila nga ang mga tao na isinumpa ni Allah, kaya’t Kanyang ginawa silang bingi at nadirimlan ang paningin

أَفَلَا يَتَدَبَّرُونَ الْقُرْآنَ أَمْ عَلَىٰ قُلُوبٍ أَقْفَالُهَا(24)

 Hindi baga sila nagnanais na mainam na maunawaan ang Qur’an, o may sagka ba ang kanilang mga puso (upang makaunawa)

إِنَّ الَّذِينَ ارْتَدُّوا عَلَىٰ أَدْبَارِهِم مِّن بَعْدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُمُ الْهُدَى ۙ الشَّيْطَانُ سَوَّلَ لَهُمْ وَأَمْلَىٰ لَهُمْ(25)

 Katotohanang sila na nagsitalikod (sa pananampalataya) bilang mga hindi sumasampalataya, kahima’t ang Patnubay ay maliwanag na ipinamalas sa kanila, si Satanas ang nag-udyok sa kanila at nagbuyo sa maling pag-asam, at (si Allah) ang nagpalawig ng kanilang taning (gulang)

ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ قَالُوا لِلَّذِينَ كَرِهُوا مَا نَزَّلَ اللَّهُ سَنُطِيعُكُمْ فِي بَعْضِ الْأَمْرِ ۖ وَاللَّهُ يَعْلَمُ إِسْرَارَهُمْ(26)

 Ito’y sa dahilang sila ay nagsasabi sa mga namumuhi sa mga ipinahayag ni Allah: “Kami ay susunod sa inyo sa bahagi ng (ganitong) bagay-bagay,” datapuwa’t talastas ni Allah (ang pinakatago) sa kanilang lihim

فَكَيْفَ إِذَا تَوَفَّتْهُمُ الْمَلَائِكَةُ يَضْرِبُونَ وُجُوهَهُمْ وَأَدْبَارَهُمْ(27)

 Datapuwa’t paano (ang pangyayari) kung ang mga anghel aykukuhanangkanilangkaluluwasa(sandalinang) kanilang kamatayan na humahampas sa kanilang mukha at kanilang likuran

ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمُ اتَّبَعُوا مَا أَسْخَطَ اللَّهَ وَكَرِهُوا رِضْوَانَهُ فَأَحْبَطَ أَعْمَالَهُمْ(28)

 Sapagka’t sila ay sumunod sa mga bagay na nagbibigay poot kay Allah at (kanilang) kinasuklamam ang nagbibigay lugod at kasiyahan kay Allah, kaya’t Kanyang ginawa na ang kanilang mga gawa ay walang saysay

أَمْ حَسِبَ الَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٌ أَن لَّن يُخْرِجَ اللَّهُ أَضْغَانَهُمْ(29)

 o sila kayang mga tao na sa kanilang puso ay may sakit (ng pagkukunwari) ay nag-aakala na si Allah ay hindi maglalantad ng lahat ng natatago nilang masamang damdamin at pagnanasa

وَلَوْ نَشَاءُ لَأَرَيْنَاكَهُمْ فَلَعَرَفْتَهُم بِسِيمَاهُمْ ۚ وَلَتَعْرِفَنَّهُمْ فِي لَحْنِ الْقَوْلِ ۚ وَاللَّهُ يَعْلَمُ أَعْمَالَكُمْ(30)

 Kung Aming ninais lamang, ay magagawa Naming maipakita sila sa inyo, sa gayon, sila ay inyong mapag-aalaman sa pamamagitan ng kanilang mga tanda (marka), datapuwa’t katotohanang sila ay makikilala ninyo sa taginting ng kanilang pananalita! At si Allah ang nakakaalam ng lahat ninyong ginagawa

وَلَنَبْلُوَنَّكُمْ حَتَّىٰ نَعْلَمَ الْمُجَاهِدِينَ مِنكُمْ وَالصَّابِرِينَ وَنَبْلُوَ أَخْبَارَكُمْ(31)

 At katiyakang kayo ay susubukan Namin hanggang sa Aming masubok kung sino sa inyo ang nagsisikap nang lubusan (tungo sa Kapakanan ni Allah) at may pagtitiyaga at pagtitiis, at Aming susubukan ang inyong ipinahahayag (alalaong baga, kung sino ang sinungaling at sino ang nagsasabi ng katotohanan)

إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا وَصَدُّوا عَن سَبِيلِ اللَّهِ وَشَاقُّوا الرَّسُولَ مِن بَعْدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُمُ الْهُدَىٰ لَن يَضُرُّوا اللَّهَ شَيْئًا وَسَيُحْبِطُ أَعْمَالَهُمْ(32)

 Katotohanang sila na hindi sumasampalataya, na humahadlang sa mga tao tungo sa Landas ni Allah (Islam) at tumututol sa Tagapagbalita (kay Muhammad, sa pamamagitan ng paninindigan laban sa kanya at pananakit sa kanya), kahima’t ang Patnubay ay malinaw na ipinamalas sa kanila, sila ay hindi makakapagbigay ng kahit na anumang maliit na kasahulan o pasakit kay Allah, bagkus ay Kanyang gagawin ang kanilang mga gawa na walang kabuluhan

۞ يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا أَطِيعُوا اللَّهَ وَأَطِيعُوا الرَّسُولَ وَلَا تُبْطِلُوا أَعْمَالَكُمْ(33)

 o kayong nagsisisampalataya! Sundin ninyo si Allah at sundin ang Tagapagbalita (Muhammad) at huwag ninyong ituring na walang saysay ang inyong mga gawa

إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا وَصَدُّوا عَن سَبِيلِ اللَّهِ ثُمَّ مَاتُوا وَهُمْ كُفَّارٌ فَلَن يَغْفِرَ اللَّهُ لَهُمْ(34)

 Katotohanang sila na hindi sumasampalataya at humahadlang sa mga tao tungo sa Landas ni Allah (Islam), at namatay sa kalagayan nang kawalang pananalig, - si Allah ay hindi magpapatawad sa kanila

فَلَا تَهِنُوا وَتَدْعُوا إِلَى السَّلْمِ وَأَنتُمُ الْأَعْلَوْنَ وَاللَّهُ مَعَكُمْ وَلَن يَتِرَكُمْ أَعْمَالَكُمْ(35)

 Kaya’t huwag kayong mapagal at manglumo sa inyong puso at humibik ng kapayapaan (sa mga kaaway ng Islam), habang kayo ang nakakahigit (sa kapakinabangan). Si Allah ay nasa sa inyo at hindi kailanman Niya hahayaan na mawalang katuturan ang inyong mabubuting gawa

إِنَّمَا الْحَيَاةُ الدُّنْيَا لَعِبٌ وَلَهْوٌ ۚ وَإِن تُؤْمِنُوا وَتَتَّقُوا يُؤْتِكُمْ أُجُورَكُمْ وَلَا يَسْأَلْكُمْ أَمْوَالَكُمْ(36)

 Ang buhay sa mundong ito ay isa lamang paglalaro at pagsasaya, datapuwa’t kung kayo ay mananampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam), at may pangangamba at lumalayo sa kasamaan, ay ipagkakaloob Niya sa inyo ang inyong kabayaran, at hindi Niya hihilingin na isuko ninyo ang inyong kayamanan

إِن يَسْأَلْكُمُوهَا فَيُحْفِكُمْ تَبْخَلُوا وَيُخْرِجْ أَضْغَانَكُمْ(37)

 Kung Siya ay humiling sa inyo ng mga ito, at pilitin kayo, kayo ay magtatangka na itago at bimbinin ito, at ilalantad Niyang lahat ang inyong (lihim) na masasamang saloobin at nasa

هَا أَنتُمْ هَٰؤُلَاءِ تُدْعَوْنَ لِتُنفِقُوا فِي سَبِيلِ اللَّهِ فَمِنكُم مَّن يَبْخَلُ ۖ وَمَن يَبْخَلْ فَإِنَّمَا يَبْخَلُ عَن نَّفْسِهِ ۚ وَاللَّهُ الْغَنِيُّ وَأَنتُمُ الْفُقَرَاءُ ۚ وَإِن تَتَوَلَّوْا يَسْتَبْدِلْ قَوْمًا غَيْرَكُمْ ثُمَّ لَا يَكُونُوا أَمْثَالَكُم(38)

 Pagmasdan! Kayo ang mga inaanyayahan na gumugol (ng inyong yaman) tungo sa Landas ni Allah, datapuwa’t sa lipon ninyo ay may mga sakim, at kung sinuman ang maging sakim, siya ay gumawa ng kapahamakan ng kanyang kaluluwa. Datapuwa’t si Allah ay Masagana (na hindi nangangailangan ng anuman) at kayong sangkatauhan ay mahirap (at nangangailangan ng lahat). At kung kayo ay tumalikod (sa Islam at sa pagtalima sa Landas ni Allah), ay Kanyang ipagpapalit kayo sa ibang mga tao, at sila ay hindi ninyo magiging katulad


More surahs in Filipino:


Al-Baqarah Al-'Imran An-Nisa'
Al-Ma'idah Yusuf Ibrahim
Al-Hijr Al-Kahf Maryam
Al-Hajj Al-Qasas Al-'Ankabut
As-Sajdah Ya Sin Ad-Dukhan
Al-Fath Al-Hujurat Qaf
An-Najm Ar-Rahman Al-Waqi'ah
Al-Hashr Al-Mulk Al-Haqqah
Al-Inshiqaq Al-A'la Al-Ghashiyah

Download surah Muhammad with the voice of the most famous Quran reciters :

surah Muhammad mp3 : choose the reciter to listen and download the chapter Muhammad Complete with high quality
surah Muhammad Ahmed El Agamy
Ahmed Al Ajmy
surah Muhammad Bandar Balila
Bandar Balila
surah Muhammad Khalid Al Jalil
Khalid Al Jalil
surah Muhammad Saad Al Ghamdi
Saad Al Ghamdi
surah Muhammad Saud Al Shuraim
Saud Al Shuraim
surah Muhammad Abdul Basit Abdul Samad
Abdul Basit
surah Muhammad Abdul Rashid Sufi
Abdul Rashid Sufi
surah Muhammad Abdullah Basfar
Abdullah Basfar
surah Muhammad Abdullah Awwad Al Juhani
Abdullah Al Juhani
surah Muhammad Fares Abbad
Fares Abbad
surah Muhammad Maher Al Muaiqly
Maher Al Muaiqly
surah Muhammad Muhammad Siddiq Al Minshawi
Al Minshawi
surah Muhammad Al Hosary
Al Hosary
surah Muhammad Al-afasi
Mishari Al-afasi
surah Muhammad Yasser Al Dosari
Yasser Al Dosari


Saturday, January 18, 2025

لا تنسنا من دعوة صالحة بظهر الغيب