الم(1) Alif, Lam, Mim (mga titik A, La, Ma) |
تِلْكَ آيَاتُ الْكِتَابِ الْحَكِيمِ(2) Ito ang mga Talata ng Aklat ng Karunungan (ang Qur’an) |
هُدًى وَرَحْمَةً لِّلْمُحْسِنِينَ(3) Isang Patnubay at Habag sa Muhsinun (mga gumagawa ng kabutihan at katuwiran) |
الَّذِينَ يُقِيمُونَ الصَّلَاةَ وَيُؤْتُونَ الزَّكَاةَ وَهُم بِالْآخِرَةِ هُمْ يُوقِنُونَ(4) Sila na nag-aalay ng palagiang pagdarasal nang mahinusay (Iqamat-us-Salah), at nagbibigay ng Zakah (katungkulang kawanggawa), at mayroong matibay na pananalig sa Kabilang Buhay |
أُولَٰئِكَ عَلَىٰ هُدًى مِّن رَّبِّهِمْ ۖ وَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُفْلِحُونَ(5) Sila ang nasa (tunay) na patnubay mula sa kanilang Panginoon; at sila ang magsisipagtagumpay |
وَمِنَ النَّاسِ مَن يَشْتَرِي لَهْوَ الْحَدِيثِ لِيُضِلَّ عَن سَبِيلِ اللَّهِ بِغَيْرِ عِلْمٍ وَيَتَّخِذَهَا هُزُوًا ۚ أُولَٰئِكَ لَهُمْ عَذَابٌ مُّهِينٌ(6) Datapuwa’t mayroon sa karamihan ng mga tao ang bumibili ng walang kabuluhang pag-uusap (alalaong baga, ang musika, pagkanta, atbp.) upang iligaw ang mga tao sa Landas ni Allah ng walang kaalaman, at nagtuturing dito (sa Landas ni Allah, sa mga Talata ng Qur’an) sa pamamaraan ng paghamak; para sa kanila ay mayroong nakahanda na kahiya-hiyang kaparusahan (sa Apoy ng Impiyerno) |
وَإِذَا تُتْلَىٰ عَلَيْهِ آيَاتُنَا وَلَّىٰ مُسْتَكْبِرًا كَأَن لَّمْ يَسْمَعْهَا كَأَنَّ فِي أُذُنَيْهِ وَقْرًا ۖ فَبَشِّرْهُ بِعَذَابٍ أَلِيمٍ(7) Kung ang Aming mga Talata (ang Qur’an) ay ipinaparinig sa isa sa kanila, siya ay tumatalikod ng may kapalaluan, na wari bang hindi niya narinig sila; na wari bang mayroong kabingihan sa dalawa niyang tainga. Kaya’t ipagbadya sa kanya ang isang kasakit-sakit na kaparusahan |
إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ لَهُمْ جَنَّاتُ النَّعِيمِ(8) At sa mga sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) at nagsisigawa ng kabutihan, sasakanila ang Halamanan ng Kaligayahan (Paraiso) |
خَالِدِينَ فِيهَا ۖ وَعْدَ اللَّهِ حَقًّا ۚ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ(9) Upang sila ay manahan dito. Ang pangako ni Allah ay tunay; at Siya ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Pinakamaalam |
خَلَقَ السَّمَاوَاتِ بِغَيْرِ عَمَدٍ تَرَوْنَهَا ۖ وَأَلْقَىٰ فِي الْأَرْضِ رَوَاسِيَ أَن تَمِيدَ بِكُمْ وَبَثَّ فِيهَا مِن كُلِّ دَابَّةٍ ۚ وَأَنزَلْنَا مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَأَنبَتْنَا فِيهَا مِن كُلِّ زَوْجٍ كَرِيمٍ(10) Nilikha Niya ang kalangitan (alapaap) ng walang mga haligi na inyong namamasdan; itinindig Niya sa kalupaan ang mga kabundukan na nakatanim nang matatag, (kung hindi) baka ito ay umuga sa inyo; at Kanyang ikinalat dito ang lahat ng uri ng hayop. At Kami ang nagpamalisbis ng tubig (ulan) mula sa alapaap at nagpatubo Kami sa kalupaan ng lahat ng uri (ng halaman) sa bawat pares |
هَٰذَا خَلْقُ اللَّهِ فَأَرُونِي مَاذَا خَلَقَ الَّذِينَ مِن دُونِهِ ۚ بَلِ الظَّالِمُونَ فِي ضَلَالٍ مُّبِينٍ(11) Ito ang Likha ni Allah. Ngayon, ipamalas ninyo sa Akin kung anong bagay ang nilikha nila (mga diyus-diyosan na inyong sinasamba) bukod pa ang sa Akin. Hindi, ang Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, mapaglabag sa mga utos, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah), ay nasa hayag na kamalian |
وَلَقَدْ آتَيْنَا لُقْمَانَ الْحِكْمَةَ أَنِ اشْكُرْ لِلَّهِ ۚ وَمَن يَشْكُرْ فَإِنَّمَا يَشْكُرُ لِنَفْسِهِ ۖ وَمَن كَفَرَ فَإِنَّ اللَّهَ غَنِيٌّ حَمِيدٌ(12) At katiyakang Kami ay nagkaloob noon ng Al-Hikmah (karunungan at pananampalatayang pang-unawa, atbp.) kay Luqman na nagsasabi: “Magbigay ka ng pasasalamat kay Allah.” Sinuman ang magbigay ng damdamin ng pasasalamat, siya ay nagbigay (ng kabutihan) at gumawa ng kapakinabangan sa kanyang kaluluwa, datapuwa’t kung sinuman ang walang utang na loob, katotohanang si Allah ay Sagana (hindi nangangailangan ng anuman) at karapat- dapat sa Kanya ang lahat ng pagpupuri |
وَإِذْ قَالَ لُقْمَانُ لِابْنِهِ وَهُوَ يَعِظُهُ يَا بُنَيَّ لَا تُشْرِكْ بِاللَّهِ ۖ إِنَّ الشِّرْكَ لَظُلْمٌ عَظِيمٌ(13) Pagmalasin! Nang si Luqman ay nagsabi sa kanyang anak (na lalaki) nang may pangangaral: “O aking anak! Huwag kang magtambal ng iba pa sa pagsamba kay Allah; katotohanan, ang pagtatambal sa pagsamba sa iba pa kay Allah ay katiyakang Zulm (pinakamatinding kamalian).” |
وَوَصَّيْنَا الْإِنسَانَ بِوَالِدَيْهِ حَمَلَتْهُ أُمُّهُ وَهْنًا عَلَىٰ وَهْنٍ وَفِصَالُهُ فِي عَامَيْنِ أَنِ اشْكُرْ لِي وَلِوَالِدَيْكَ إِلَيَّ الْمَصِيرُ(14) At ipinagtagubilin Namin sa tao (na maging mabuti at masunurin) sa kanilang magulang. Ang kanyang ina ay nagsilang sa kanya sa kahinaan at kahirapan at muli sa kahinaan at kahirapan, at inawat siya (sa pagpapasuso) pagkatapos ng dalawang taon. Magbigay kayo ng pasasalamat sa Akin at sa inyong magulang; - sa Akin ang inyong huling hantungan |
وَإِن جَاهَدَاكَ عَلَىٰ أَن تُشْرِكَ بِي مَا لَيْسَ لَكَ بِهِ عِلْمٌ فَلَا تُطِعْهُمَا ۖ وَصَاحِبْهُمَا فِي الدُّنْيَا مَعْرُوفًا ۖ وَاتَّبِعْ سَبِيلَ مَنْ أَنَابَ إِلَيَّ ۚ ثُمَّ إِلَيَّ مَرْجِعُكُمْ فَأُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمْ تَعْمَلُونَ(15) Datapuwa’t kung sila (magulang) ay magsikhay upang ikaw ay magtambal ng iba pa sa pagsamba sa Akin sa mga bagay na wala kayong kaalaman; sila ay huwag ninyong sundin, datapuwa’t maging mabuti kayo sa kanila sa mundong ito, at sundin ninyo ang landas ng sinumang nagbabalik loob sa Akin sa pagsisisi at pagsunod. Sa katapusan, ang hantungan ninyong lahat ay sa Akin, at sa inyo ay Aking ipagtuturing ang inyong ginawa |
يَا بُنَيَّ إِنَّهَا إِن تَكُ مِثْقَالَ حَبَّةٍ مِّنْ خَرْدَلٍ فَتَكُن فِي صَخْرَةٍ أَوْ فِي السَّمَاوَاتِ أَوْ فِي الْأَرْضِ يَأْتِ بِهَا اللَّهُ ۚ إِنَّ اللَّهَ لَطِيفٌ خَبِيرٌ(16) (Sinabi ni Luqman): “O aking anak! Kung mayroong (bigat) na katumbas ang isang butil ng buto ng mustasa at ito (ay nakatago) sa batuhan, o (saan man) sa kalangitan at kalupaan; si Allah ang magbubunyag (magpapatubo) nito. Katotohanang si Allah ay Bihasa (sa pagpapatubo ng gayong butil) at Ganap na Nakakaalam ng kanyang kinalalagyan.” |
يَا بُنَيَّ أَقِمِ الصَّلَاةَ وَأْمُرْ بِالْمَعْرُوفِ وَانْهَ عَنِ الْمُنكَرِ وَاصْبِرْ عَلَىٰ مَا أَصَابَكَ ۖ إِنَّ ذَٰلِكَ مِنْ عَزْمِ الْأُمُورِ(17) “o aking anak! Magsagawa ka ng palagiang pagdarasal (nang mahinusay), ipagtagubilin mo ang Al-Ma’ruf (pananalig sa Kaisahan ni Allah at Islam, sa lahat ng mabuti at makatarungan), at iyong ipagbawal ang Al-Munkar (alalaong baga, ang kawalan ng pananalig sa Kaisahan ni Allah, pagsamba sa mga diyus-diyosan, lahat ng uri ng kasamaan, kasalanan at kamalian); at ikaw ay maging matimtiman sa pagtitiyaga sa anupamang dumatal sa iyo.” Katotohanang ito ang ilan sa mahahalagang pag- uutos ni Allah na walang pasubali |
وَلَا تُصَعِّرْ خَدَّكَ لِلنَّاسِ وَلَا تَمْشِ فِي الْأَرْضِ مَرَحًا ۖ إِنَّ اللَّهَ لَا يُحِبُّ كُلَّ مُخْتَالٍ فَخُورٍ(18) At huwag mong patambukin ang iyong pisngi sa harap ng mga tao (ng may kapalaluan), at huwag kang maglakad sa kalupaan ng may kabastusan, katotohanang si Allah ay hindi nagmamahal sa mga mayayabang at mapagpaimbabaw |
وَاقْصِدْ فِي مَشْيِكَ وَاغْضُضْ مِن صَوْتِكَ ۚ إِنَّ أَنكَرَ الْأَصْوَاتِ لَصَوْتُ الْحَمِيرِ(19) At maging banayad sa iyong paglakad (at huwag magpamalas ng pagmamalaki) at ibaba mo ang iyong tinig. Katotohanan, ang pinakamagaspang (magaralgal) sa lahat ng tinig ay ang pag-iingay ng mga asno |
أَلَمْ تَرَوْا أَنَّ اللَّهَ سَخَّرَ لَكُم مَّا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ وَأَسْبَغَ عَلَيْكُمْ نِعَمَهُ ظَاهِرَةً وَبَاطِنَةً ۗ وَمِنَ النَّاسِ مَن يُجَادِلُ فِي اللَّهِ بِغَيْرِ عِلْمٍ وَلَا هُدًى وَلَا كِتَابٍ مُّنِيرٍ(20) Hindi baga ninyo napagmamasdan (O sangkatauhan) na ipinailalim ni Allah ang lahat ng bagay para sa inyong (gamit) dito sa kalangitan at kalupaan, at iginawad Niya at ginanap ang Kanyang mga biyaya na tigib na dumadaloy sa inyo sa angkop na sukat, (na kapwa) lantad (alalaong baga, ang paniniwala sa Kaisahan ni Allah at sa Islam, at ang mga pinahihintulutang ligaya sa mundong ito, kasama na rito ang kalusugan, kayamanan, kagandahan, atbp.) at nalilingid (ang pananampalataya ng sinuman kay Allah [at sa Islam], kaalaman, karunungan, patnubay, paggawa ng kabutihan, at gayundin ang kasiyahan sa Kabilang Buhay sa Paraiso, atbp.)? Datapuwa’t mayroong mga tao sa kanilang karamihan ang nakikipagtalo tungkol kay Allah ng walang kaalaman o patnubay, o ng isang Aklat na magbibigay ng kaliwanagan |
وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ اتَّبِعُوا مَا أَنزَلَ اللَّهُ قَالُوا بَلْ نَتَّبِعُ مَا وَجَدْنَا عَلَيْهِ آبَاءَنَا ۚ أَوَلَوْ كَانَ الشَّيْطَانُ يَدْعُوهُمْ إِلَىٰ عَذَابِ السَّعِيرِ(21) At kung ito ay ipinagbabadya sa kanila: “Sundin ninyo ang pahayag na ipinanaog ni Allah”, sila ay nagsasabi: “Hindi, aming susundin ang mga paraan na ginagawa ng aming mga ninuno.” Ano! Ito ba ay kanilang gagawin kahit na si Satanas ay nag-aanyaya sa kanila sa kaparusahan ng Apoy |
۞ وَمَن يُسْلِمْ وَجْهَهُ إِلَى اللَّهِ وَهُوَ مُحْسِنٌ فَقَدِ اسْتَمْسَكَ بِالْعُرْوَةِ الْوُثْقَىٰ ۗ وَإِلَى اللَّهِ عَاقِبَةُ الْأُمُورِ(22) At sinuman ang magsuko ng kanyang ganap na sarili kay Allah (alalaong baga, ang sumunod sa Islam at tamang pananampalataya, ang sumamba lamang kay Allah nang may mataos na Pananalig sa Kanyang 1] Kaisahan at Pamamanginoon, 2] Tanging sa Kanya lamang ang Pagsamba, 3] Kaisahan ng Kanyang mga Pangalan at Katangian), samantalang siya ay Muhsin (gumagawa ng kabutihan, at nagsasagawa nito tungo sa Kapakanan ni Allah ng walang pagpaparangalan at gumagawa nito ayon sa Sunna [pamamaraan] ng Tagapagbalita ni Allah na si Muhammad), katotohanang siya ay nakasakmal ng pinakamatatag at mapagkakatiwalaang dakot (ang La ilaha ill Allah, Wala ng iba pang diyos na karapat- dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah). At kay Allah ang lahat ng bagay ay magbabalik tungo sa pagpapasya |
وَمَن كَفَرَ فَلَا يَحْزُنكَ كُفْرُهُ ۚ إِلَيْنَا مَرْجِعُهُمْ فَنُنَبِّئُهُم بِمَا عَمِلُوا ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ(23) Datapuwa’t kung sinuman ang magtakwil sa Pananampalataya, huwag hayaan ang kanilang pagtatakwil ay magbigay hapis sa iyo (o Muhammad); sa Amin ang kanilang pagbabalik, at ipapahayag Namin sa kanila ang katotohanan ng kanilang mga ginawa. Katotohanang si Allah ang Lubos na Nakakabatid kung ano ang lahat ng nasa puso (ng mga tao) |
نُمَتِّعُهُمْ قَلِيلًا ثُمَّ نَضْطَرُّهُمْ إِلَىٰ عَذَابٍ غَلِيظٍ(24) Ipinagkaloob Namin sa kanila ang kasiyahan sa maigsing sandali; at sa katapusan, sila ay Aming itataboy sa kaparusahan na walang pagmamaliw |
وَلَئِن سَأَلْتَهُم مَّنْ خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ لَيَقُولُنَّ اللَّهُ ۚ قُلِ الْحَمْدُ لِلَّهِ ۚ بَلْ أَكْثَرُهُمْ لَا يَعْلَمُونَ(25) At kung sila ay iyong tatanungin (o Muhammad): “Sino ang lumikha ng kalangitan at kalupaan?”, sila ay katiyakang magsasabi: “Si Allah”. Ipagbadya: “Ang lahat ng pagpupuri at pasasalamat ay kay Allah!” Datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay walang kaalaman |
لِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ إِنَّ اللَّهَ هُوَ الْغَنِيُّ الْحَمِيدُ(26) Si Allah ang nag-aangkin ng lahat ng mga nasa kalangitan at kalupaan; katotohanang si Allah ay Al-Ghani (Masagana at hindi nangangailangan ng anuman), ang Karapat-dapat sa lahat ng pagpupuri |
وَلَوْ أَنَّمَا فِي الْأَرْضِ مِن شَجَرَةٍ أَقْلَامٌ وَالْبَحْرُ يَمُدُّهُ مِن بَعْدِهِ سَبْعَةُ أَبْحُرٍ مَّا نَفِدَتْ كَلِمَاتُ اللَّهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٌ(27) At kung ang lahat ng mga punongkahoy sa kalupaan ay mga panulat at ang karagatan (ay tinta na rito ay ipangsusulat), at may pitong karagatan sa likuran nito upang idagdag (sa tinta bilang panulat), magkagayunman, ang mga Salita ni Allah ay hindi magwawakas (o masasaid sa pamamagitan ng pagsulat). Katotohanang si Allah ay Tigib ng Kapangyarihan, ang Puspos ng Karunungan |
مَّا خَلْقُكُمْ وَلَا بَعْثُكُمْ إِلَّا كَنَفْسٍ وَاحِدَةٍ ۗ إِنَّ اللَّهَ سَمِيعٌ بَصِيرٌ(28) Ang pagkakalikha ninyong lahat at ang muling pagkabuhay ninyong lahat ay katulad lamang (ng paglikha at muling pagbuhay) ng isang tao. Katotohanang si Allah ang Ganap na Nakakarinig, ang Lubos na Nakakamasid |
أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ يُولِجُ اللَّيْلَ فِي النَّهَارِ وَيُولِجُ النَّهَارَ فِي اللَّيْلِ وَسَخَّرَ الشَّمْسَ وَالْقَمَرَ كُلٌّ يَجْرِي إِلَىٰ أَجَلٍ مُّسَمًّى وَأَنَّ اللَّهَ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌ(29) Hindi mo ba napagmamalas (O Muhammad) na pinaglagom ni Allah ang gabi sa maghapon (alalaong baga, ang pag-igsi ng mga oras sa gabi ay idinagdag sa mga oras ng maghapon) at pinaglagom din Niya ang maghapon sa gabi (alalaong baga, ang pag-igsi ng mga oras sa maghapon ay idinagdag sa mga oras ng gabi), at ipinailalim Niya ang araw at buwan (sa Kanyang mga Batas), na ang bawat isa ay tumatahak sa kanyang landas sa natatakdaang panahon; at si Allah ang Lubos na Nakakaalam ng lahat ninyong ginagawa |
ذَٰلِكَ بِأَنَّ اللَّهَ هُوَ الْحَقُّ وَأَنَّ مَا يَدْعُونَ مِن دُونِهِ الْبَاطِلُ وَأَنَّ اللَّهَ هُوَ الْعَلِيُّ الْكَبِيرُ(30) Sapagkat si Allah, Siya ang Katotohanan, at lahat ng anumang kanilang tinatawagan maliban pa kay Allah ay Al-Batil (kasinungalingan, kabulaanan, Satanas, lahat ng huwad na mga diyos); at si Allah,- Siya ang Kataas- taasan, ang Pinakadakila |
أَلَمْ تَرَ أَنَّ الْفُلْكَ تَجْرِي فِي الْبَحْرِ بِنِعْمَتِ اللَّهِ لِيُرِيَكُم مِّنْ آيَاتِهِ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِّكُلِّ صَبَّارٍ شَكُورٍ(31) Hindi baga ninyo napagmamasdan na ang mga barko ay nagsisilayag sa kapahintulutan ni Allah, upang maipamalas Niya sa inyo ang Kanyang mga Tanda? Katotohanang naririto ang mga Tanda sa lahat ng mga tao na matiyaga at nagbibigay ng pasasalamat |
وَإِذَا غَشِيَهُم مَّوْجٌ كَالظُّلَلِ دَعَوُا اللَّهَ مُخْلِصِينَ لَهُ الدِّينَ فَلَمَّا نَجَّاهُمْ إِلَى الْبَرِّ فَمِنْهُم مُّقْتَصِدٌ ۚ وَمَا يَجْحَدُ بِآيَاتِنَا إِلَّا كُلُّ خَتَّارٍ كَفُورٍ(32) At kung ang isang alon ay lumukob sa kanila na tulad ng isang bubong (ng mga ulap o bundok ng tubig-dagat), sila ay tumatawag kay Allah, na nag-aalay lamang sa Kanya ng matapat na debosyon, datapuwa’t kung sila ay mailunsad na Niya nang ligtas sa kalupaan, mayroon sa kanilang karamihan ang nag-aalinlangan sa pagitan (ng katuwiran at kamalian, paniniwala at kawalan ng pananalig). Datapuwa’t walang sinuman ang nagtatakwil ng Aming mga Tanda maliban sa isang taksil at walang pasasalamat |
يَا أَيُّهَا النَّاسُ اتَّقُوا رَبَّكُمْ وَاخْشَوْا يَوْمًا لَّا يَجْزِي وَالِدٌ عَن وَلَدِهِ وَلَا مَوْلُودٌ هُوَ جَازٍ عَن وَالِدِهِ شَيْئًا ۚ إِنَّ وَعْدَ اللَّهِ حَقٌّ ۖ فَلَا تَغُرَّنَّكُمُ الْحَيَاةُ الدُّنْيَا وَلَا يَغُرَّنَّكُم بِاللَّهِ الْغَرُورُ(33) o sangkatauhan! Tuparin ninyo ang inyong tungkulin sa inyong Panginoon (sa pamamagitan ng paniniwala sa Kanya, paggawa ng kabutihan at pag-iwas sa lahat ng masasama) at pangambahan ninyo (ang pagdatal) ng Araw na ang ama ay hindi makikinabang sa sinuman sa kanyang anak, gayundin ang anak ay hindi makikinabang sa kanyang ama. Katotohanan, ang pangako ni Allah ay tunay, at huwag hayaan ang makamundong buhay na ito ay dumaya sa inyo at huwag din hayaan ang Punong Manlilinlang (Satanas) ay dumaya sa inyo tungkol kay Allah |
إِنَّ اللَّهَ عِندَهُ عِلْمُ السَّاعَةِ وَيُنَزِّلُ الْغَيْثَ وَيَعْلَمُ مَا فِي الْأَرْحَامِ ۖ وَمَا تَدْرِي نَفْسٌ مَّاذَا تَكْسِبُ غَدًا ۖ وَمَا تَدْرِي نَفْسٌ بِأَيِّ أَرْضٍ تَمُوتُ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلِيمٌ خَبِيرٌ(34) Katotohanan! Ang kaalaman sa oras (ng Paghuhukom) ay kay Allah (lamang). Siya ang nagpapamalisbis ng ulan at Siya ang nakakaalam (sa laman) ng mga sinapupunan. At walang sinuman ang nakakaalam kung ano ang kanyang kikitain sa kinabukasan; at wala ring sinuman ang nakakaalam kung saang lupain siya mamatay. Katotohanang na kay Allah ang ganap na kaalaman at Siya ang nakakabatid (ng lahat ng bagay) |