سورة الطور بالفلبينية

  1. استمع للسورة
  2. سور أخرى
  3. ترجمة السورة
القرآن الكريم | ترجمة معاني القرآن | اللغة الفلبينية | سورة الطور | Tur - عدد آياتها 49 - رقم السورة في المصحف: 52 - معنى السورة بالإنجليزية: The Mount.

وَالطُّورِ(1)

Sa pamamagitan ng Bundok (ng kapahayagan)

وَكِتَابٍ مَّسْطُورٍ(2)

At sa pamamagitan ng isang Aklat na nakatitik

فِي رَقٍّ مَّنشُورٍ(3)

Sa kalatas (dahon) nanakalantad

وَالْبَيْتِ الْمَعْمُورِ(4)

Sapamamagitanng Bait-ul-Mamur (angTahanan saibabawngkalangitannalagingdinadalawng mga anghel)

وَالسَّقْفِ الْمَرْفُوعِ(5)

At sa pamamagitan ng Kulandong na itinayo ng mataas (alalaong baga ang langit)

وَالْبَحْرِ الْمَسْجُورِ(6)

At sa pamamagitan ng karagatan na umaapaw (o ito ay magiging apoy na sisindihan sa Araw ng Muling Pagkabuhay)

إِنَّ عَذَابَ رَبِّكَ لَوَاقِعٌ(7)

Katotohanan, ang kaparusahan ng inyong Panginoon ay walang pagsalang daratal

مَّا لَهُ مِن دَافِعٍ(8)

walang sinuman ang makakahadlang dito

يَوْمَ تَمُورُ السَّمَاءُ مَوْرًا(9)

Sa Araw na ang suson-susong kalangitan ay makakalog sa matinding pagkauga

وَتَسِيرُ الْجِبَالُ سَيْرًا(10)

At ang kabundukan ay matitinag sa isang (kagimbal-gimbal) na pagkilos

فَوَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِّلْمُكَذِّبِينَ(11)

Kaya’t kasawian sa Araw na yaon sa mga nagpapabulaan (sa katotohanan)

الَّذِينَ هُمْ فِي خَوْضٍ يَلْعَبُونَ(12)

Na naglalaro ng kasinungalingan (ganap na abala sa kawalan ng pananalig at paggawa ng kasamaan sa mundong ito na siyang mga pagsubok sa sangkatauhan at nagwawalang bahala sa walang hanggang kasasapitan [alalaong baga, kaparusahan sa Apoy ng Impiyerno)

يَوْمَ يُدَعُّونَ إِلَىٰ نَارِ جَهَنَّمَ دَعًّا(13)

Sa Araw na sila ay ihahagis sa kailaliman ng Apoy na hindi masasawata

هَٰذِهِ النَّارُ الَّتِي كُنتُم بِهَا تُكَذِّبُونَ(14)

(At sa kanila ay ipagbabadya): “ Ito ang Apoy na inyong itinatwa!”

أَفَسِحْرٌ هَٰذَا أَمْ أَنتُمْ لَا تُبْصِرُونَ(15)

“Ito baga ay isang salamangka, o kayo ay hindi nakakakita? “

اصْلَوْهَا فَاصْبِرُوا أَوْ لَا تَصْبِرُوا سَوَاءٌ عَلَيْكُمْ ۖ إِنَّمَا تُجْزَوْنَ مَا كُنتُمْ تَعْمَلُونَ(16)

“Inyong lasapin dito ang init, at kahit na kayo ay matiisin sa ganito o hindi matiisin sa ganito, itong lahat ay magkakatulad. Kayo ay tumanggap lamang ng kabayaran sa inyong mga gawa.”

إِنَّ الْمُتَّقِينَ فِي جَنَّاتٍ وَنَعِيمٍ(17)

Katotohanan, ang Muttaqun (mga matutuwid at matimtimang tao na lubhang nangangamba kay Allah at umiiwas sa lahat ng kasalanan, at lubhang nagmamahal kay Allah at nagsasagawa ng lahat ng kabutihan at gumaganap sa mga ipinag-uutos ni Allah), ay mapapasa-Halamanan (ng Paraiso) at Sukdol na Kaligayahan

فَاكِهِينَ بِمَا آتَاهُمْ رَبُّهُمْ وَوَقَاهُمْ رَبُّهُمْ عَذَابَ الْجَحِيمِ(18)

Na nagtatamasa ng kasiyahan na ipinagkaloob sa kanila ng kanilang Panginoon; at (sa katunayan) na ang kanilang Panginoon ang nagligtas sa kanila sa kaparusahan ng Naglalagablab na Apoy

كُلُوا وَاشْرَبُوا هَنِيئًا بِمَا كُنتُمْ تَعْمَلُونَ(19)

(At sa kanila ay ipagtuturing): “Kumain kayo at uminom ng may kasiyahan dahilan sa inyong mabubuting gawa.”

مُتَّكِئِينَ عَلَىٰ سُرُرٍ مَّصْفُوفَةٍ ۖ وَزَوَّجْنَاهُم بِحُورٍ عِينٍ(20)

Sila ay magsisihilig (ng may kaginhawahan) sa mga diban na inayos sa maraming bilang; at Aming ikakasal sila sa mga Houris (magagandang dalaga), na nag-aangkin ng magaganda, mabibilog at maningning na mga mata

وَالَّذِينَ آمَنُوا وَاتَّبَعَتْهُمْ ذُرِّيَّتُهُم بِإِيمَانٍ أَلْحَقْنَا بِهِمْ ذُرِّيَّتَهُمْ وَمَا أَلَتْنَاهُم مِّنْ عَمَلِهِم مِّن شَيْءٍ ۚ كُلُّ امْرِئٍ بِمَا كَسَبَ رَهِينٌ(21)

At sila na sumasampalataya na ang kanilang anak (pamilya) ay sumunod sa kanilang Pananalig, sa kanila ay Aming ipipisan ang kanilang anak (pamilya), at hindi Namin ipagkakait sa kanila (ang bunga) ng kanilang mga gawa. Ang bawat tao (kaluluwa) ay sanla sa bagay na kanyang kinita

وَأَمْدَدْنَاهُم بِفَاكِهَةٍ وَلَحْمٍ مِّمَّا يَشْتَهُونَ(22)

At ipagkakaloob Namin sa kanila ang bungangkahoy at karne, sa anumang kanilang maibigan

يَتَنَازَعُونَ فِيهَا كَأْسًا لَّا لَغْوٌ فِيهَا وَلَا تَأْثِيمٌ(23)

dito sila ay magpapalitan sa bawat isa ng kopita (ng alak) na walang bahid ng kahangalan at malinis sa kasalanan (sapagkat pinahihintulutan na rito ang pag-inom [ng alak)

۞ وَيَطُوفُ عَلَيْهِمْ غِلْمَانٌ لَّهُمْ كَأَنَّهُمْ لُؤْلُؤٌ مَّكْنُونٌ(24)

At sa paligid nila ay nagsisilbi ang mga matimtimang lalaki (na may angking kabataan at kakisigan), na tila ba mga perlas na napapangalagaan

وَأَقْبَلَ بَعْضُهُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ يَتَسَاءَلُونَ(25)

At ang ilan sa kanila ay lalapit sa iba na nagtatanong

قَالُوا إِنَّا كُنَّا قَبْلُ فِي أَهْلِنَا مُشْفِقِينَ(26)

At nagsasabi: “Noong panahong yaon, kami ay nangangamba sa kapakanan ng aming mga kaanak at kaibigan (sa kaparusahan ni Allah)

فَمَنَّ اللَّهُ عَلَيْنَا وَوَقَانَا عَذَابَ السَّمُومِ(27)

Datapuwa’t si Allah ay naging mapagbigay sa atin, at Kanyang iniligtas tayo sa kaparusahan ng Naglalagablab na Apoy

إِنَّا كُنَّا مِن قَبْلُ نَدْعُوهُ ۖ إِنَّهُ هُوَ الْبَرُّ الرَّحِيمُ(28)

Katotohanang kami ay nagsisitawag (lamang) sa Kanya (at wala ng iba) noon pa mang una. Katotohanang Siya ang Al-Barr (ang Pinakamabanayad, ang Pinakamabait, ang Pinakamapitagan, ang Pinakamapagbigay), ang Pinakamaawain

فَذَكِّرْ فَمَا أَنتَ بِنِعْمَتِ رَبِّكَ بِكَاهِنٍ وَلَا مَجْنُونٍ(29)

Kaya’tpagtagubilinanatpangaralanmo(OMuhammad ang sangkatauhan tungkol sa Islam at Kaisahan ni Allah). Sa pamamagitan ng Biyaya ni Allah, ikaw ay hindi isang manghuhula, o isang inaalihan (ng demonyo)

أَمْ يَقُولُونَ شَاعِرٌ نَّتَرَبَّصُ بِهِ رَيْبَ الْمَنُونِ(30)

o sila baga ay nagsasabi : “(Si Muhammad) ay isang makata! Kami ay naghihintay para sa kaniya ng mga kapinsalaan (sa tangkay) ng panahon!”

قُلْ تَرَبَّصُوا فَإِنِّي مَعَكُم مِّنَ الْمُتَرَبِّصِينَ(31)

Ipagbadya mo (o Muhammad) sa kanila: “Magsipaghintay kayo! Ako rin ay naghihintay na kasabay ninyo!”

أَمْ تَأْمُرُهُمْ أَحْلَامُهُم بِهَٰذَا ۚ أَمْ هُمْ قَوْمٌ طَاغُونَ(32)

Ang kanila bagang isipan ay nag-uutos ng ganito (alalaong baga, na sila ay magsabi ng kasinungalingan laban sa iyo [O Muhammad]), o sila baga ay mga tao na lumagpas sa lahat ng hangganan (alalaong baga, mula sa pananalig kay Allah tungo sa kawalan ng pananalig)

أَمْ يَقُولُونَ تَقَوَّلَهُ ۚ بَل لَّا يُؤْمِنُونَ(33)

o sila baga ay nagsasabi: “Siya (Muhammad) ay nanghuwad nito (ang Qur’an).” Hindi! Sila ay hindi nananalig

فَلْيَأْتُوا بِحَدِيثٍ مِّثْلِهِ إِن كَانُوا صَادِقِينَ(34)

Hayaan sila na gumawa ng pagdalit (pagbigkas) na katulad nito (Al Qur’an), kung sila ay nagsasabi ng katotohanan

أَمْ خُلِقُوا مِنْ غَيْرِ شَيْءٍ أَمْ هُمُ الْخَالِقُونَ(35)

Sila baga’y nilikha mula sa wala? O sila baga sa kanilang sarili ang manlilikha

أَمْ خَلَقُوا السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ ۚ بَل لَّا يُوقِنُونَ(36)

o sila baga ang lumikha ng kalangitan at kalupaan? Hindi, sila ay walang matatag na pananalig

أَمْ عِندَهُمْ خَزَائِنُ رَبِّكَ أَمْ هُمُ الْمُصَيْطِرُونَ(37)

O nasa kanila ba ang mga Kayamanan ng iyong Panginoon? o sila ba ang mga pinunong mapaniil na may kapamahalaan na gawin ang kanilang naisin

أَمْ لَهُمْ سُلَّمٌ يَسْتَمِعُونَ فِيهِ ۖ فَلْيَأْتِ مُسْتَمِعُهُم بِسُلْطَانٍ مُّبِينٍ(38)

o mayroon ba silang hagdanan na sa pamamagitan nito (ay makakapanhik sila sa kalangitan) upang mapakinggan (ang pag-uusap ng mga anghel)? Kung gayon, hayaaan ang kanilang tagapakinig ay magpakita ng lantad na katibayan

أَمْ لَهُ الْبَنَاتُ وَلَكُمُ الْبَنُونَ(39)

o Siya (Allah) ba ay mayroon lamang mga anak (na babae), at kayo ay mayroon mga anak (na lalaki)

أَمْ تَسْأَلُهُمْ أَجْرًا فَهُم مِّن مَّغْرَمٍ مُّثْقَلُونَ(40)

o ikaw ba (o Muhammad) ay nanghihingi ng gantimpala mula sa kanila (sa pangangaral ng Kaisahan ni Allah at Islam), upang sila ay mabigatan sa pasanin ng pagkakautang

أَمْ عِندَهُمُ الْغَيْبُ فَهُمْ يَكْتُبُونَ(41)

o ang kapamahalaan ba ng Al Ghaib (mga nalilingid) ay nasa kanilang kamay at isinusulat nila ito

أَمْ يُرِيدُونَ كَيْدًا ۖ فَالَّذِينَ كَفَرُوا هُمُ الْمَكِيدُونَ(42)

o sila ba ay nagbabalak ng pakana (laban sa iyo, o Muhammad)? Subalit sila na hindi sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam), sila sa kanilang sarili ang makukupot sa ganitong pakana

أَمْ لَهُمْ إِلَٰهٌ غَيْرُ اللَّهِ ۚ سُبْحَانَ اللَّهِ عَمَّا يُشْرِكُونَ(43)

o sila ba ay may iba pang diyos bukod pa kay Allah? Higit na Maluwalhati si Allah sa lahat ng mga bagay na iniaakibat nila bilang katambal (sa Kanya)

وَإِن يَرَوْا كِسْفًا مِّنَ السَّمَاءِ سَاقِطًا يَقُولُوا سَحَابٌ مَّرْكُومٌ(44)

At kung sila ay makakita ng piraso ng kalangitan na nahuhulog, sila ay magsasabi: “Mga bunton lamang ng ulap na natipon!”

فَذَرْهُمْ حَتَّىٰ يُلَاقُوا يَوْمَهُمُ الَّذِي فِيهِ يُصْعَقُونَ(45)

Kaya’t hayaan silang mag-isa hanggang sa kanilang makaharap ang Araw na sila ay manggigipuspos (na may pagkalagim)

يَوْمَ لَا يُغْنِي عَنْهُمْ كَيْدُهُمْ شَيْئًا وَلَا هُمْ يُنصَرُونَ(46)

Sa Araw na ang kanilang pakana ay walang buti na maidudulot sa kanila kahit na anuman, gayundinsilaayhindimatutulungan(alalaongbaga, kanilang tatanggapin ang kanilang kaparusahan sa Impiyerno)

وَإِنَّ لِلَّذِينَ ظَلَمُوا عَذَابًا دُونَ ذَٰلِكَ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ(47)

At katotohanang sa mga gumagawa ng kamalian ay mayroon pang ibang kaparusahan (alalaong baga, ang kaparusahan sa mundong ito at sa kanilang libingan), bago pa rito, datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay walang kaalaman

وَاصْبِرْ لِحُكْمِ رَبِّكَ فَإِنَّكَ بِأَعْيُنِنَا ۖ وَسَبِّحْ بِحَمْدِ رَبِّكَ حِينَ تَقُومُ(48)

Kaya’t ikaw (O Muhammad) ay maghintay ng may pagtitiyaga sa Pasya ng iyong Panginoon sapagkat katotohanang ikaw ay nasa pangangalaga ng Aming mga Mata, at ipagbunyi mo ang mga papuri ng iyong Panginoon kung ikaw ay magbangon mula sa pagkakatulog

وَمِنَ اللَّيْلِ فَسَبِّحْهُ وَإِدْبَارَ النُّجُومِ(49)

At sa bahagi ng gabi ay ipagbunyi mo ang mga papuri sa Kanya at sa (oras) nang paglubog ng mga bituin


المزيد من السور باللغة الفلبينية:

سورة البقرة آل عمران سورة النساء
سورة المائدة سورة يوسف سورة ابراهيم
سورة الحجر سورة الكهف سورة مريم
سورة السجدة سورة يس سورة الدخان
سورة النجم سورة الرحمن سورة الواقعة
سورة الحشر سورة الملك سورة الحاقة

تحميل سورة الطور بصوت أشهر القراء :

قم باختيار القارئ للاستماع و تحميل سورة الطور كاملة بجودة عالية
سورة الطور أحمد العجمي
أحمد العجمي
سورة الطور خالد الجليل
خالد الجليل
سورة الطور سعد الغامدي
سعد الغامدي
سورة الطور سعود الشريم
سعود الشريم
سورة الطور عبد الباسط عبد الصمد
عبد الباسط
سورة الطور عبد الله عواد الجهني
عبد الله الجهني
سورة الطور علي الحذيفي
علي الحذيفي
سورة الطور فارس عباد
فارس عباد
سورة الطور ماهر المعيقلي
ماهر المعيقلي
سورة الطور محمد جبريل
محمد جبريل
سورة الطور محمد صديق المنشاوي
المنشاوي
سورة الطور الحصري
الحصري
سورة الطور العفاسي
مشاري العفاسي
سورة الطور ناصر القطامي
ناصر القطامي
سورة الطور ياسر الدوسري
ياسر الدوسري



Tuesday, November 5, 2024

لا تنسنا من دعوة صالحة بظهر الغيب