سورة الواقعة بالفلبينية

  1. استمع للسورة
  2. سور أخرى
  3. ترجمة السورة
القرآن الكريم | ترجمة معاني القرآن | اللغة الفلبينية | سورة الواقعة | Waqiah - عدد آياتها 96 - رقم السورة في المصحف: 56 - معنى السورة بالإنجليزية: The Inevitable, The Event.

إِذَا وَقَعَتِ الْوَاقِعَةُ(1)

Kung ang Pangyayari na hindi maiiwasan (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay) ay dumatal na

لَيْسَ لِوَقْعَتِهَا كَاذِبَةٌ(2)

Na walang (kaluluwa) ang makapagtatatwa tungkol sa pagdatal nito

خَافِضَةٌ رَّافِعَةٌ(3)

Na ito ay magpapababa (sa ilan) at magtataas naman (sa iba)

إِذَا رُجَّتِ الْأَرْضُ رَجًّا(4)

Kung ang kalupaan ay makalog sa kanyang kailaliman

وَبُسَّتِ الْجِبَالُ بَسًّا(5)

Kung ang kabundukan ay gumulong at madurog

فَكَانَتْ هَبَاءً مُّنبَثًّا(6)

At ito ay maging alabok na nagsisipangalat

وَكُنتُمْ أَزْوَاجًا ثَلَاثَةً(7)

At kayong (lahat) ay pagbubukod-bukurin sa tatlong uri (alalaong baga, sa tatlong pangkat)

فَأَصْحَابُ الْمَيْمَنَةِ مَا أَصْحَابُ الْمَيْمَنَةِ(8)

(Ang una), ay mga kasamahan ng Kanang Kamay (alalaong baga, sila na bibigyan ng kanilang Talaan sa kanilang kanang kamay), - Sino baga sila na nasa Kanang Kamay (bilang paggalang sa kanila sapagkat sila ay papasok sa Paraiso)

وَأَصْحَابُ الْمَشْأَمَةِ مَا أَصْحَابُ الْمَشْأَمَةِ(9)

(At ang sumunod ) ay mga Kasamahan ng Kaliwang Kamay (alalaong baga, sila na bibigyan ng kanilang Talaan sa kanilang kaliwang kamay), - Sino baga sila na nasa Kaliwang Kamay (bilang kahihiyan sa kanila sapagkat sila ay papasok sa Impiyerno)

وَالسَّابِقُونَ السَّابِقُونَ(10)

(At pangatlo) ang Pinakapangunahin (sa pagiging matimtiman sa Pananalig sa Islam at paniniwala sa Kaisahan ni Allah at gumagawa ng lahat ng mga pagsunod kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita), ay magiging tampok (sa Paraiso)

أُولَٰئِكَ الْمُقَرَّبُونَ(11)

Sila ang magiging pinakamalapit kay Allah

فِي جَنَّاتِ النَّعِيمِ(12)

Sa Halamanan ng Kaligayahan (Paraiso)

ثُلَّةٌ مِّنَ الْأَوَّلِينَ(13)

Ang karamihan ng mga tao (sa Pinakapangunahin) ay magmumula sa mga sinaunang henerasyon (na yumakap sa Islam)

وَقَلِيلٌ مِّنَ الْآخِرِينَ(14)

At ang iba pang karamihan (sa Pinakapangunahin), ay sila na galing sa mga huling panahon (ng henerasyon)

عَلَىٰ سُرُرٍ مَّوْضُونَةٍ(15)

(Sila ay malalagay) sa mga luklukan na nagagayakan ng ginto at mamahaling bato

مُّتَّكِئِينَ عَلَيْهَا مُتَقَابِلِينَ(16)

Na nakahilig dito at magkakaharap

يَطُوفُ عَلَيْهِمْ وِلْدَانٌ مُّخَلَّدُونَ(17)

Atsakanilaaynakapaligidang(mganagsisilbing) kabataan na nananatiling (sariwa) sa habang panahon

بِأَكْوَابٍ وَأَبَارِيقَ وَكَأْسٍ مِّن مَّعِينٍ(18)

Na may mga tangang kopita at (nangingislap) na bangang sisidlan at mga baso na puno ng dalisay na alak (mula sa batis)

لَّا يُصَدَّعُونَ عَنْهَا وَلَا يُنزِفُونَ(19)

(Na sa pag-inom nito), sila ay hindi makakaramdam ng pananakit ng ulo at gayundin ng pagkalasing

وَفَاكِهَةٍ مِّمَّا يَتَخَيَّرُونَ(20)

At mga bungangkahoy, anuman ang kanilang piliin

وَلَحْمِ طَيْرٍ مِّمَّا يَشْتَهُونَ(21)

At anumang karne ng mga pabo (at kauri nito) na kanilang maibigan

وَحُورٌ عِينٌ(22)

At sila ay (magkakaroon) ng mga Houris (kasamahang babae na may magaganda, mapuputi at may maniningning na mga mata [bilang asawa ng mga matimtiman)

كَأَمْثَالِ اللُّؤْلُؤِ الْمَكْنُونِ(23)

Na tulad ng mga natatagong Perlas

جَزَاءً بِمَا كَانُوا يَعْمَلُونَ(24)

Bilang gantimpala sa kanilang ginawa ng nakalipas (na buhay)

لَا يَسْمَعُونَ فِيهَا لَغْوًا وَلَا تَأْثِيمًا(25)

At doon ay wala silang maririnig na malalaswang salita o anumang salita ng kapintasan o kasalanan (tulad ng paninirang puri, atbp)

إِلَّا قِيلًا سَلَامًا سَلَامًا(26)

Maliban lamang sa pagsasabi ng : Kapayapaan! (at muli ay) Kapayapaan

وَأَصْحَابُ الْيَمِينِ مَا أَصْحَابُ الْيَمِينِ(27)

At sila na kasamahan ng Kanang Kamay, - Sino baga sila na magiging kasamahan ng Kanang Kamay

فِي سِدْرٍ مَّخْضُودٍ(28)

(Sila) ay mananahan sa gitna ng mga punong lote na walang tinik

وَطَلْحٍ مَّنضُودٍ(29)

Sa gitna ng punong Talh (punong saging), na may mga bulaklak (at bunga) na kumpol-kumpol

وَظِلٍّ مَّمْدُودٍ(30)

Sa malabay (at nakaladlad) na lilim

وَمَاءٍ مَّسْكُوبٍ(31)

Sa tabi ng tubig na patuloy na dumadaloy

وَفَاكِهَةٍ كَثِيرَةٍ(32)

At mga bungangkahoy na sagana

لَّا مَقْطُوعَةٍ وَلَا مَمْنُوعَةٍ(33)

Na hindi nagmamaliw ang bunga (kahit wala sa panahon) at hindi nauubusan ng ani

وَفُرُشٍ مَّرْفُوعَةٍ(34)

At sa mga luklukan (ng karangalan) na nakataas

إِنَّا أَنشَأْنَاهُنَّ إِنشَاءً(35)

Pagmasdan! Katotohanang nilikha Namin ang kanilang Kasamahan (mga Dalaga), sa natatanging paglikha

فَجَعَلْنَاهُنَّ أَبْكَارًا(36)

At (Aming) ginawaran sila ng pagiging birhen

عُرُبًا أَتْرَابًا(37)

Na inaalagaan (ng kalikasan) ng pantay-pantay sa gulang

لِّأَصْحَابِ الْيَمِينِ(38)

Na nalalaan sa mga kasamahan ng Kanang Kamay

ثُلَّةٌ مِّنَ الْأَوَّلِينَ(39)

Ang karamihan sa mga tao (ng Kanang Kamay) ay magmumula sa sinaunang henerasyon (ng mga yumakap sa Islam)

وَثُلَّةٌ مِّنَ الْآخِرِينَ(40)

At ang iba pang karamihan ng mga tao (ng Kanang Kamay) ay sila na galing sa (henerasyon) ng huling panahon

وَأَصْحَابُ الشِّمَالِ مَا أَصْحَابُ الشِّمَالِ(41)

At sila na kasamahan ng Kaliwang Kamay, - Sino nga ba sila na magiging kasamahan ng Kaliwang Kamay

فِي سَمُومٍ وَحَمِيمٍ(42)

(Sila ay magigitna) sa nakakapasong Lagablab ng Apoy at kumukulong tubig

وَظِلٍّ مِّن يَحْمُومٍ(43)

At sa Anino (Lilim) ng Maitim na Usok

لَّا بَارِدٍ وَلَا كَرِيمٍ(44)

(Ang Lilim) na ito ay walang anumang lamig o kaginhawahan

إِنَّهُمْ كَانُوا قَبْلَ ذَٰلِكَ مُتْرَفِينَ(45)

Katotohanang bago pa ito (ang Kaparusahan), sila ay nalulong sa karangyaan (at luho sa kayamanan)

وَكَانُوا يُصِرُّونَ عَلَى الْحِنثِ الْعَظِيمِ(46)

At nagpatuloy sa pamimihasa sa kahiya- hiyang kabuktutan (tulad ng pagsasama ng katambal sa pagsamba kay Allah, pagpatay, paggawa ng mga krimen, atbp)

وَكَانُوا يَقُولُونَ أَئِذَا مِتْنَا وَكُنَّا تُرَابًا وَعِظَامًا أَإِنَّا لَمَبْعُوثُونَ(47)

At lagi nilang ipinagbabadya: “Ano? Kung kami ba ay mamatay at maging alabok at kalansay, kami ba ay tunay na ibabangong muli sa pagkabuhay?”

أَوَآبَاؤُنَا الْأَوَّلُونَ(48)

(Kami) at ang aming mga ninuno (noong pang panahong sinauna)

قُلْ إِنَّ الْأَوَّلِينَ وَالْآخِرِينَ(49)

Ipagbadya (o Muhammad): “Tunay nga! Silang (mga tao) ng panahong sinauna at silang (mga tao) ng huling panahon.”

لَمَجْمُوعُونَ إِلَىٰ مِيقَاتِ يَوْمٍ مَّعْلُومٍ(50)

walang pagsala na titipunin ang lahat ng sama-sama sa natataningang pakikipagtipan sa Bantog na Araw

ثُمَّ إِنَّكُمْ أَيُّهَا الضَّالُّونَ الْمُكَذِّبُونَ(51)

Katotohanang kayo na mapaggawa ng kamalian, kayo na humahalakhak (sa katotohanan) at nagtatatwa (sa Muling Pagkabuhay)

لَآكِلُونَ مِن شَجَرٍ مِّن زَقُّومٍ(52)

Katotohanang inyong matitikman ang puno ng Zaqqum

فَمَالِئُونَ مِنْهَا الْبُطُونَ(53)

At inyong pupunuin ang inyong sikmura ng mga ito

فَشَارِبُونَ عَلَيْهِ مِنَ الْحَمِيمِ(54)

Tangi pa rito, kayo ay iinom ng kumukulong tubig

فَشَارِبُونَ شُرْبَ الْهِيمِ(55)

Katotohanang kayo ay magsisiinom (nito) na katulad ng kamelyong may sakit na sumisingasing sa pagkauhaw

هَٰذَا نُزُلُهُمْ يَوْمَ الدِّينِ(56)

Ito ang kanilang magiging pasalubong sa Araw ng Kabayaran

نَحْنُ خَلَقْنَاكُمْ فَلَوْلَا تُصَدِّقُونَ(57)

Kami (Allah) ang lumikha sa inyo; bakit hindi ninyo saksihan ang Katotohanan

أَفَرَأَيْتُم مَّا تُمْنُونَ(58)

Nakikita ba ninyo ang binhi ng tao (semilya) na inyong inilalabas

أَأَنتُمْ تَخْلُقُونَهُ أَمْ نَحْنُ الْخَالِقُونَ(59)

Kayo ba ang lumikha sa mga ito (semilya, na nagiging isang ganap na tao), o Kami ba ang Manlilikha

نَحْنُ قَدَّرْنَا بَيْنَكُمُ الْمَوْتَ وَمَا نَحْنُ بِمَسْبُوقِينَ(60)

Itinakda Namin ang kamatayan sa inyong lahat na inyong maranasan at Kami ay hindi manlulupaypay

عَلَىٰ أَن نُّبَدِّلَ أَمْثَالَكُمْ وَنُنشِئَكُمْ فِي مَا لَا تَعْلَمُونَ(61)

Na baguhin ang inyong anyo at muli kayong likhain sa (bagong) anyo na hindi ninyo nababatid

وَلَقَدْ عَلِمْتُمُ النَّشْأَةَ الْأُولَىٰ فَلَوْلَا تَذَكَّرُونَ(62)

At katotohanang batid ninyo ang unang anyo ng paglikha (alalaong baga, ang paglikha kay Adan). Bakit nga ba hindi ninyo ipinagbubunyi ang pagpupuri sa Kanya o (kayo ay) tumatalima

أَفَرَأَيْتُم مَّا تَحْرُثُونَ(63)

Sabihin ninyo sa Akin! Nakikita ba ninyo ang butong (binhi) na inyong itinatanim sa lupa

أَأَنتُمْ تَزْرَعُونَهُ أَمْ نَحْنُ الزَّارِعُونَ(64)

Kayo ba ang nagpatubo sa mga ito o Kami ba na Manlilikha ang nagpatubo

لَوْ نَشَاءُ لَجَعَلْنَاهُ حُطَامًا فَظَلْتُمْ تَفَكَّهُونَ(65)

Kung Aming nanaisin ay magagawa Namin na maging tulyapis ito at kayo ay magsisisi (o maiiwan sa pagkamangha)

إِنَّا لَمُغْرَمُونَ(66)

Na magsasabi: “Katotohanang kami ay Maghramun (mga nabibigatan sa pagkakautang o nalugi at naparusahan sa kawalan ng pakinabang)

بَلْ نَحْنُ مَحْرُومُونَ(67)

Katotohanang kami ay hindi nakinabang (sa bunga ng aming paghihirap)

أَفَرَأَيْتُمُ الْمَاءَ الَّذِي تَشْرَبُونَ(68)

Sabihin ninyo sa Akin! Nakikita ba ninyo ang tubig na inyong iniinom

أَأَنتُمْ أَنزَلْتُمُوهُ مِنَ الْمُزْنِ أَمْ نَحْنُ الْمُنزِلُونَ(69)

Kayo ba ang nagpamalisbis nito mula sa mga ulap o Kami ba na Nagpapahintulot ang nagpamalisbis nito

لَوْ نَشَاءُ جَعَلْنَاهُ أُجَاجًا فَلَوْلَا تَشْكُرُونَ(70)

Kung Aming ninais ay magagawa Namin ito na maging mapait (at maalat na hindi maiinom). Bakit nga ba kayo ay hindi nagbibigay pasalamat (kay Allah)

أَفَرَأَيْتُمُ النَّارَ الَّتِي تُورُونَ(71)

Sabihin ninyo sa Akin! Nakikita ba ninyo ang apoy na inyong pinagdiringas

أَأَنتُمْ أَنشَأْتُمْ شَجَرَتَهَا أَمْ نَحْنُ الْمُنشِئُونَ(72)

Kayo ba ang nagpatubo sa mga punongkahoy na pinagkukunan ng apoy (at panggatong) o Kami ang nagpatubo nito

نَحْنُ جَعَلْنَاهَا تَذْكِرَةً وَمَتَاعًا لِّلْمُقْوِينَ(73)

Ginawa Namin ito bilang Paala-ala (saApoy ng Impiyerno sa Kabilang Buhay); at isang bagay ng kaginhawahan sa mga naninirahan sa ilang (at sa lahat ng iba pa rito sa mundo)

فَسَبِّحْ بِاسْمِ رَبِّكَ الْعَظِيمِ(74)

Kaya’t ipagdiwang ng may pagpupuri ang Pangalan ng iyong Panginoon, ang Kataas-taasan

۞ فَلَا أُقْسِمُ بِمَوَاقِعِ النُّجُومِ(75)

Tunay nga! Aming tinawag upang magpatotoo ang Mawaqi (ang paglubog o malalaking palasyo ng mga bituin)

وَإِنَّهُ لَقَسَمٌ لَّوْ تَعْلَمُونَ عَظِيمٌ(76)

At katotohanang ito ay dakilang pagsumpa, kung inyo lamang nalalaman

إِنَّهُ لَقُرْآنٌ كَرِيمٌ(77)

At katotohanang (ito) ang pinakamarangal (at banal) na pagdalit (ang Qur’an)

فِي كِتَابٍ مَّكْنُونٍ(78)

Sa isang Aklat na ganap na napapangalagaan (na kay Allah sa Kalangitan, alalaong baga ang Al Lauh Al Mahfuz)

لَّا يَمَسُّهُ إِلَّا الْمُطَهَّرُونَ(79)

Na walang sinuman ang makakahipo niyaon (Aklat ni Allah) maliban sa (kanila) na dalisay at malilinis sa kasalanan (alalaong baga, ang mga anghel)

تَنزِيلٌ مِّن رَّبِّ الْعَالَمِينَ(80)

Isang Kapahayagan (ang Qur’an) mula sa Panginoon ng lahat ng mga nilalang

أَفَبِهَٰذَا الْحَدِيثِ أَنتُم مُّدْهِنُونَ(81)

Ang Pahayag bang ito (ang Qur’an) ay hindi ninyo (mga hindi sumasampalataya) gaanong pinapahalagahan

وَتَجْعَلُونَ رِزْقَكُمْ أَنَّكُمْ تُكَذِّبُونَ(82)

At sa halip (na inyong pasalamatan si Allah) sa mga biyaya na inyong ikinabubuhay mula sa Kanya, sa kabalintunaan ay inyong itinatwa Siya (sa kawalan ng pananalig)

فَلَوْلَا إِذَا بَلَغَتِ الْحُلْقُومَ(83)

Nguni’t bakit hindi ninyo (pinangahasan) nang ang ( kaluluwa ng isang mamamatay na tao) ay umabot na sa kanyang lalamunan

وَأَنتُمْ حِينَئِذٍ تَنظُرُونَ(84)

At kayo ay pansamantalang (nakaupo) at nakatingin lamang

وَنَحْنُ أَقْرَبُ إِلَيْهِ مِنكُمْ وَلَٰكِن لَّا تُبْصِرُونَ(85)

Datapuwa’t Kami (alalaong baga, ang Aming mga anghel na kumukuha ng kaluluwa) ay higit na malapit sa kanya kaysa sa inyo, subalit (sila) ay hindi ninyo nakikita

فَلَوْلَا إِن كُنتُمْ غَيْرَ مَدِينِينَ(86)

Kaya’t bakit hindi ninyo ginawa, - kung kayo nga ay hindi sakop ng (darating) na pagsusulit at kabayaran (kaparusahan, atbp)

تَرْجِعُونَهَا إِن كُنتُمْ صَادِقِينَ(87)

Inyong ibalik (muli ang kanyang) kaluluwa sa kanyang katawan, kung kayo ay nagsasabi ng katotohanan

فَأَمَّا إِن كَانَ مِنَ الْمُقَرَّبِينَ(88)

At kung siya (na mamamatay na) ay isa sa Muqaribun (siya na ang magiging kasama ay mga malalapit kay Allah)

فَرَوْحٌ وَرَيْحَانٌ وَجَنَّتُ نَعِيمٍ(89)

(Sasakanya) ang kapahingahan at kasiyahan sa Hardin ng Kaligayahan (Paraiso)

وَأَمَّا إِن كَانَ مِنْ أَصْحَابِ الْيَمِينِ(90)

At kung siya (na mamatay na) ay kasamahan ng Kanang Kamay

فَسَلَامٌ لَّكَ مِنْ أَصْحَابِ الْيَمِينِ(91)

(Ay sasakanya ang pagbati): Sumainyo ang kapayapaan at kapanatagan mula sa mga kasamahan ng Kanang Kamay

وَأَمَّا إِن كَانَ مِنَ الْمُكَذِّبِينَ الضَّالِّينَ(92)

Datapuwa’t kung siya (na mamamatay) ay kasama roon sa mga nagtuturing na huwad (sa katotohanan ang Muling Pagkabuhay), at tumahak sa kamalian

فَنُزُلٌ مِّنْ حَمِيمٍ(93)

Sa kanya ay isasalubong ang kumukulong tubig

وَتَصْلِيَةُ جَحِيمٍ(94)

At pagkasunog sa Apoy ng Impiyerno

إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ حَقُّ الْيَقِينِ(95)

Tunay ngang ito ang Lubos na Katotohanan, ang Katiyakan

فَسَبِّحْ بِاسْمِ رَبِّكَ الْعَظِيمِ(96)

Kaya’t ipagbunyi nang may pagpupuri ang Pangalan ng iyong Panginoon, ang Kataas-taasan


المزيد من السور باللغة الفلبينية:

سورة البقرة آل عمران سورة النساء
سورة المائدة سورة يوسف سورة ابراهيم
سورة الحجر سورة الكهف سورة مريم
سورة السجدة سورة يس سورة الدخان
سورة النجم سورة الرحمن سورة الواقعة
سورة الحشر سورة الملك سورة الحاقة

تحميل سورة الواقعة بصوت أشهر القراء :

قم باختيار القارئ للاستماع و تحميل سورة الواقعة كاملة بجودة عالية
سورة الواقعة أحمد العجمي
أحمد العجمي
سورة الواقعة خالد الجليل
خالد الجليل
سورة الواقعة سعد الغامدي
سعد الغامدي
سورة الواقعة سعود الشريم
سعود الشريم
سورة الواقعة عبد الباسط عبد الصمد
عبد الباسط
سورة الواقعة عبد الله عواد الجهني
عبد الله الجهني
سورة الواقعة علي الحذيفي
علي الحذيفي
سورة الواقعة فارس عباد
فارس عباد
سورة الواقعة ماهر المعيقلي
ماهر المعيقلي
سورة الواقعة محمد جبريل
محمد جبريل
سورة الواقعة محمد صديق المنشاوي
المنشاوي
سورة الواقعة الحصري
الحصري
سورة الواقعة العفاسي
مشاري العفاسي
سورة الواقعة ناصر القطامي
ناصر القطامي
سورة الواقعة ياسر الدوسري
ياسر الدوسري



Sunday, January 5, 2025

لا تنسنا من دعوة صالحة بظهر الغيب