Surah Baqarah Aya 217 , Filipino translation of the meaning Ayah.
﴿يَسْأَلُونَكَ عَنِ الشَّهْرِ الْحَرَامِ قِتَالٍ فِيهِ ۖ قُلْ قِتَالٌ فِيهِ كَبِيرٌ ۖ وَصَدٌّ عَن سَبِيلِ اللَّهِ وَكُفْرٌ بِهِ وَالْمَسْجِدِ الْحَرَامِ وَإِخْرَاجُ أَهْلِهِ مِنْهُ أَكْبَرُ عِندَ اللَّهِ ۚ وَالْفِتْنَةُ أَكْبَرُ مِنَ الْقَتْلِ ۗ وَلَا يَزَالُونَ يُقَاتِلُونَكُمْ حَتَّىٰ يَرُدُّوكُمْ عَن دِينِكُمْ إِنِ اسْتَطَاعُوا ۚ وَمَن يَرْتَدِدْ مِنكُمْ عَن دِينِهِ فَيَمُتْ وَهُوَ كَافِرٌ فَأُولَٰئِكَ حَبِطَتْ أَعْمَالُهُمْ فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ ۖ وَأُولَٰئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ﴾
[ البقرة: 217]
Sila ay nagtatanong sa iyo tungkol sa pakikipaglaban sa mga banal na buwan (ang una, pampito, panlabing- isa at panlabingdalawang buwan ng Kalendaryong Islamiko). Ipagbadya: “Ang pakikipaglaban dito ay isang matinding pagsuway (at pagmamalabis), datapuwa’t ang higit na pagsuway sa Paningin ni Allah ay ang pagpigil sa sangkatauhan na sumunod sa Landas ni Allah, ang hindi manampalataya sa Kanya, at pumigil na makapasok sila sa Banal na Bahay Dalanginan (Masjid Al-Haram sa Makkah) at itaboy ang nagsisipanirahan dito, at ang Al-Fitnah (kawalan ng pananampalataya at pagsamba sa mga diyus- diyosan) ay higit na masama sa pagpatay. At sila ay hindi kailanman titigil sa pakikipaglaban sa inyo hanggang sa kayo ay kanilang mailugso (mailigaw) sa inyong relihiyon (Paniniwala sa Iisang Diyos at sa Islam) hangga’t kanilang magagawa. At sinuman sa inyo ang tumalikod sa kanyang Pananampalataya at mamatay na walang pananalig, kung gayon, ang kanyang mga gawa ay mawawala sa mundong ito at sa Kabilang Buhay, at sila ang magsisipanirahan sa Apoy. Sila ay mananahan dito magpakailanman
Surah Al-Baqarah in Filipinotraditional Filipino
Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa Buwang Pinakababanal: sa pakikipaglaban dito. Sabihin mo: "Ang isang pakikipaglaban dito ay isang malaking [kasalanan], ang isang pagsagabal sa landas ni Allāh, ang isang kawalang-pananampalataya sa Kanya, [ang isang paghadlang] sa pagpasok sa Masjid na Pinakababanal, at ang isang pagpapalayas sa mga naninirahan [malapit] dito ay higit na malaking [kasalanan] sa ganang kay Allāh. Ang panliligalig ay higit na malaking [kasalanan] kaysa sa pagpatay. Hindi sila titigil na kumakalaban sa inyo hanggang sa magpatalikod sila sa inyo palayo sa relihiyon ninyo kung makakakaya sila. Ang sinumang tumalikod kabilang sa inyo sa relihiyon niya at namatay habang siya ay isang tagatangging sumampalataya, ang mga iyon ay nawalang-kabuluhan ang mga gawa nila sa Mundo at Kabilang-buhay. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili
English - Sahih International
They ask you about the sacred month - about fighting therein. Say, "Fighting therein is great [sin], but averting [people] from the way of Allah and disbelief in Him and [preventing access to] al-Masjid al-Haram and the expulsion of its people therefrom are greater [evil] in the sight of Allah. And fitnah is greater than killing." And they will continue to fight you until they turn you back from your religion if they are able. And whoever of you reverts from his religion [to disbelief] and dies while he is a disbeliever - for those, their deeds have become worthless in this world and the Hereafter, and those are the companions of the Fire, they will abide therein eternally.
English | Türkçe | Indonesia |
Русский | Français | فارسی |
تفسير | Bengali | Urdu |
Ayats from Quran in Filipino
- At Siya ang nagtalaga na maging malaya ang dalawang dagat
- At kung Kami ay nagtalaga sa kanya ng isang anghel,
- Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon
- Datapuwa’t sila ay namangha nang dumatal sa kanilang lipon ang
- Kami (Allah) ang lumikha sa kanila at ginawa Naming matibay
- Atkahitsaanmangpookkayomagsimula(sapagdarasal), ilingon ninyo ang inyong mukha tungo sa direksyon ng
- Siya kaya na masunurin kay Allah, na nagpapatirapa sa kanyang
- Ipagbadya: “Na kay Allah ang lantay na Katibayan at pangangatwiran,
- Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon
- At katotohanan, ang isa sa mga sumunod sa kanya (Noe)
Quran surahs in Filipino :
Download surah Baqarah with the voice of the most famous Quran reciters :
surah Baqarah mp3 : choose the reciter to listen and download the chapter Baqarah Complete with high quality
Ahmed Al Ajmy
Bandar Balila
Khalid Al Jalil
Saad Al Ghamdi
Saud Al Shuraim
Abdul Basit
Abdul Rashid Sufi
Abdullah Basfar
Abdullah Al Juhani
Fares Abbad
Maher Al Muaiqly
Al Minshawi
Al Hosary
Mishari Al-afasi
Yasser Al Dosari
Please remember us in your sincere prayers