Surah Maidah Aya 3 , Filipino translation of the meaning Ayah.
﴿حُرِّمَتْ عَلَيْكُمُ الْمَيْتَةُ وَالدَّمُ وَلَحْمُ الْخِنزِيرِ وَمَا أُهِلَّ لِغَيْرِ اللَّهِ بِهِ وَالْمُنْخَنِقَةُ وَالْمَوْقُوذَةُ وَالْمُتَرَدِّيَةُ وَالنَّطِيحَةُ وَمَا أَكَلَ السَّبُعُ إِلَّا مَا ذَكَّيْتُمْ وَمَا ذُبِحَ عَلَى النُّصُبِ وَأَن تَسْتَقْسِمُوا بِالْأَزْلَامِ ۚ ذَٰلِكُمْ فِسْقٌ ۗ الْيَوْمَ يَئِسَ الَّذِينَ كَفَرُوا مِن دِينِكُمْ فَلَا تَخْشَوْهُمْ وَاخْشَوْنِ ۚ الْيَوْمَ أَكْمَلْتُ لَكُمْ دِينَكُمْ وَأَتْمَمْتُ عَلَيْكُمْ نِعْمَتِي وَرَضِيتُ لَكُمُ الْإِسْلَامَ دِينًا ۚ فَمَنِ اضْطُرَّ فِي مَخْمَصَةٍ غَيْرَ مُتَجَانِفٍ لِّإِثْمٍ ۙ فَإِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَّحِيمٌ﴾
[ المائدة: 3]
Ang ipinagbabawal sa inyo (bilang pagkain) ay ang mga Al-Maytata (ang patay na hayop – mga hayop na hindi kinatay), ang dugo, ang laman ng baboy, at ang karne (ng mga hayop) na kinatay bilang alay (sakripisyo) sa iba maliban pa kay Allah, o ang mga kinatay (na hayop) patungkol sa diyus-diyosan, atbp., o sa mga hayop na hindi binanggit ang Ngalan ni Allah habang kinakatay, at ang mga pinatay sa pagkabigti (o pagkasakal), o sa pamamagitan ng matinding hampas, o sa pagkahulog sa bangin (o mataas na lugar), o sa pagkasila sa pamamagitan ng sungay, – at ang mga nakain na (ang bahagi) ng mga mababagsik (maiilap) na hayop, maliban na lamang kung nakuha pa ninyo na katayin ito (bago mamatay), – at ang mga inialay (kinatay) sa An-Nusub (mga altar na bato). (Ipinagbabawal) rin ang paggamit ng busog (o palaso) upang humanap ng suwerte o kapasiyahan, ang (lahat) ng ito ay Fisqun (pagsuway kay Allah at [isang] kasalanan). Sa araw na ito, ang lahat ng mga hindi sumampalataya ay nawalan na ng lahat ng pag-asa sa inyong pananampalataya, kaya’t sila ay huwag ninyong pangambahan, datapuwa’t Ako ay inyong pangambahan. Sa araw na ito ay pinaging ganap Ko ang inyong pananampalataya para sa inyo, at nilubos Ko ang Aking paglingap sa inyo, at Aking itinakda sa inyo ang Islam bilang inyong pananampalataya. Datapuwa’t siya na napilitan dahil sa matinding pagkagutom, na walang pagnanais na magkasala (sila ay maaaring kumain ng gayong mga laman o karne), at katotohanang si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
Surah Al-Maidah in Filipinotraditional Filipino
Ipinagbawal sa inyo ang namatay [bago nakatay], ang dugo, ang laman ng baboy, ang anumang inihandog sa iba pa kay Allāh, ang nasakal, ang hinambalos, ang nalaglag, ang nasuwag, ang anumang kinainan ng mabangis na hayop maliban sa nakatay ninyo [bago namatay], ang inialay sa mga dambana, at na magsapalaran kayo sa pamamagitan ng mga tagdan. Iyon ay kasuwailan. Sa araw na ito ay nawalan ang mga tumangging sumampalataya ng pag-asa [na tatalikod kayo] sa Relihiyon ninyo, kaya huwag kayong matakot sa kanila at matakot kayo sa Akin. Sa araw na ito bumuo Ako para sa inyo ng Relihiyon ninyo, lumubos Ako sa inyo ng biyaya Ko at nalugod Ako para sa inyo sa Islām bilang relihiyon. Ngunit ang sinumang napilitan dahil sa kagutuman, nang hindi nagkakahilig sa pagkakasala, tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain
English - Sahih International
Prohibited to you are dead animals, blood, the flesh of swine, and that which has been dedicated to other than Allah, and [those animals] killed by strangling or by a violent blow or by a head-long fall or by the goring of horns, and those from which a wild animal has eaten, except what you [are able to] slaughter [before its death], and those which are sacrificed on stone altars, and [prohibited is] that you seek decision through divining arrows. That is grave disobedience. This day those who disbelieve have despaired of [defeating] your religion; so fear them not, but fear Me. This day I have perfected for you your religion and completed My favor upon you and have approved for you Islam as religion. But whoever is forced by severe hunger with no inclination to sin - then indeed, Allah is Forgiving and Merciful.
English | Türkçe | Indonesia |
Русский | Français | فارسی |
تفسير | Bengali | Urdu |
Ayats from Quran in Filipino
- At inyong napagmamalas, sila na sa kanilang puso ay may
- Ang paningin (ni Propeta Muhammad) ay hindi lumihis (sa kanan
- Ipagbadya (O Muhammad sa sangkatauhan): “Kung ang karagatan ay mga
- (Kumuha kayo) ng walo (sa apat na pares) ng tupa,
- Bakit kaya walang dumaratal na tulong para sa kanila mula
- Ito ang Patnubay ni Allah, Kanyang ginagabayan ang sinumang Kanyang
- At katotohanang sa mga mapaggawa ng kamalian, ay mayroong isang
- Datapuwa’t sinumang maghanap ng higit pa rito, sila ang mga
- Sa kanila ay igagawad ang bahagi ng kanilang pinagsumikapan; at
- Ang una sa kanila ay magsasabi sa huli sa kanila:
Quran surahs in Filipino :
Download surah Maidah with the voice of the most famous Quran reciters :
surah Maidah mp3 : choose the reciter to listen and download the chapter Maidah Complete with high quality
Ahmed Al Ajmy
Bandar Balila
Khalid Al Jalil
Saad Al Ghamdi
Saud Al Shuraim
Abdul Basit
Abdul Rashid Sufi
Abdullah Basfar
Abdullah Al Juhani
Fares Abbad
Maher Al Muaiqly
Al Minshawi
Al Hosary
Mishari Al-afasi
Yasser Al Dosari
Please remember us in your sincere prayers