Surah Baqarah Aya 196 , Filipino translation of the meaning Ayah.
﴿وَأَتِمُّوا الْحَجَّ وَالْعُمْرَةَ لِلَّهِ ۚ فَإِنْ أُحْصِرْتُمْ فَمَا اسْتَيْسَرَ مِنَ الْهَدْيِ ۖ وَلَا تَحْلِقُوا رُءُوسَكُمْ حَتَّىٰ يَبْلُغَ الْهَدْيُ مَحِلَّهُ ۚ فَمَن كَانَ مِنكُم مَّرِيضًا أَوْ بِهِ أَذًى مِّن رَّأْسِهِ فَفِدْيَةٌ مِّن صِيَامٍ أَوْ صَدَقَةٍ أَوْ نُسُكٍ ۚ فَإِذَا أَمِنتُمْ فَمَن تَمَتَّعَ بِالْعُمْرَةِ إِلَى الْحَجِّ فَمَا اسْتَيْسَرَ مِنَ الْهَدْيِ ۚ فَمَن لَّمْ يَجِدْ فَصِيَامُ ثَلَاثَةِ أَيَّامٍ فِي الْحَجِّ وَسَبْعَةٍ إِذَا رَجَعْتُمْ ۗ تِلْكَ عَشَرَةٌ كَامِلَةٌ ۗ ذَٰلِكَ لِمَن لَّمْ يَكُنْ أَهْلُهُ حَاضِرِي الْمَسْجِدِ الْحَرَامِ ۚ وَاتَّقُوا اللَّهَ وَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ شَدِيدُ الْعِقَابِ﴾
[ البقرة: 196]
At inyong isagawa nang maayos ang Hajj (Pilgrimahe) at Umrah (Maigsing Pilgrimahe) sa paglilingkod kay Allah. Datapuwa’t kung kayo ay nagkaroon ng sagabal (upang magampanan ang lahat ng ito), kayo ay mag-alay ng Hady (ang hayop, tulad ng tupa, baka, atbp.) ayon sa inyong kakayahan at huwag ninyong ahitin ang inyong ulo hanggang ang inyong Hady ay hindi pa nakakarating sa pook ng pag-aalay. At kung sinuman sa inyo ang may sakit, o may karamdaman sa kanyang anit (na kailangang ahitin), siya ay nararapat na magbayad ng Fidya (pantubos o panghalili); maaaring siya ay mag-ayuno (ng tatlong araw), o magpakain ng mahirap (anim na katao) o mag-alay (ng isang tupa). At kung ikaw ay nasa (katayuang muli) ng kaligtasan, sinuman ang magsagawa (o magpatuloy) ng Umrah hanggang Hajj sa buwan ng Hajj, siya ay nararapat na maghandog ng alay ayon sa kanyang kakayahan, datapuwa’t kung wala siyang kakayahan ay nararapat na siya ay mag- ayuno ng tatlong araw sa panahon ng Hajj at pitong araw pagkauwi niya, ganap na sampung araw sa lahat-lahat. Ito ay para (sa kanila) na ang mga pamilya ay (hindi nakatira sa loob ng hangganan) ng Banal na Bahay dalanginan. At inyong pangambahan si Allah at inyong maalaman na si Allah ay mahigpit sa kaparusahan
Surah Al-Baqarah in Filipinotraditional Filipino
Lubusin ninyo ang ḥajj at ang `umrah para kay Allāh ngunit kung nahadlangan kayo ay [mag-alay ng] anumang madaling nakamit na handog. Huwag kayong mag-ahit ng mga ulo ninyo hanggang sa umabot ang handog sa pinag-aalayan dito. Ang sinumang kabilang sa inyo ay maysakit o sa kanya ay may isang pinsala sa ulo niya ay [magbibigay ng] isang pantubos na pag-ayuno o isang kawanggawa o isang alay. Kung natiwasay kayo, ang sinumang nagsagawa ng `umrah na pinasusundan ng ḥajj ay [mag-aalay ng] anumang madaling nakamit na handog. Ngunit ang sinumang hindi nakatagpo ay [magsasagawa ng] pag-aayuno ng tatlong araw sa ḥajj at pitong [araw] kapag bumalik kayo; iyon ay ganap na sampu. Iyon ay ukol sa sinumang ang mag-anak niya ay hindi mga nakadalo sa [paligid ng] Masjid na Pinakababanal. Mangilag kayong magkasala kay Allāh at alamin ninyo na si Allāh ay matindi ang parusa
English - Sahih International
And complete the Hajj and 'umrah for Allah. But if you are prevented, then [offer] what can be obtained with ease of sacrificial animals. And do not shave your heads until the sacrificial animal has reached its place of slaughter. And whoever among you is ill or has an ailment of the head [making shaving necessary must offer] a ransom of fasting [three days] or charity or sacrifice. And when you are secure, then whoever performs 'umrah [during the Hajj months] followed by Hajj [offers] what can be obtained with ease of sacrificial animals. And whoever cannot find [or afford such an animal] - then a fast of three days during Hajj and of seven when you have returned [home]. Those are ten complete [days]. This is for those whose family is not in the area of al-Masjid al-Haram. And fear Allah and know that Allah is severe in penalty.
English | Türkçe | Indonesia |
Русский | Français | فارسی |
تفسير | Bengali | Urdu |
Ayats from Quran in Filipino
- Ipagbadya (o Muhammad sa sangkatauhan): “Ang bawat isa ay gumagawa
- (Na nagsasabi): “Pumaroon ka kay Paraon. Katotohanang siya ay nagmalabis
- O kayong nagsisisampalataya! Huwag kayong tumulad sa mga nananakit (ng
- At gayundin ang mga demonyo sa lipon ng mga Jinn
- Hanggang sa sumapit ang Araw na itatambad (sa harap ng
- At kung ang Halamanan (ng Paraiso) ay itambad ng malapit
- Siya (Aaron) ay nagsabi: “O anak (na lalaki) ng aking
- At ito (ang Qur’an) ay isang maluwalhating Aklat na Aming
- Datapuwa’t kung siya ay hindi ninyo dadalhin sa akin, wala
- Sasakanila ang lahat ng (uri ng) bungangkahoy, at lahat ng
Quran surahs in Filipino :
Download surah Baqarah with the voice of the most famous Quran reciters :
surah Baqarah mp3 : choose the reciter to listen and download the chapter Baqarah Complete with high quality
Ahmed Al Ajmy
Bandar Balila
Khalid Al Jalil
Saad Al Ghamdi
Saud Al Shuraim
Abdul Basit
Abdul Rashid Sufi
Abdullah Basfar
Abdullah Al Juhani
Fares Abbad
Maher Al Muaiqly
Al Minshawi
Al Hosary
Mishari Al-afasi
Yasser Al Dosari
Please remember us in your sincere prayers