Surah Adh-Dhariyat with Filipino

  1. Surah mp3
  2. More
  3. Filipino
The Holy Quran | Quran translation | Language Filipino | Surah zariyat | الذاريات - Ayat Count 60 - The number of the surah in moshaf: 51 - The meaning of the surah in English: The Wind That Scatter.

وَالذَّارِيَاتِ ذَرْوًا(1)

 Sa pamamagitan (ng hangin) na nagkakalat ng alikabok

فَالْحَامِلَاتِ وِقْرًا(2)

 At sa (mga ulap) na nag-aangat (at nagdadala) ng mabigat na timbang ng tubig

فَالْجَارِيَاتِ يُسْرًا(3)

 At sa (mga barko) na umuusad ng madali at banayad

فَالْمُقَسِّمَاتِ أَمْرًا(4)

 At ang (mga anghel) na namamahagi (ng mga ikabubuhay, ulan at ibang mga biyaya) sa pag- uutos (ni Allah)

إِنَّمَا تُوعَدُونَ لَصَادِقٌ(5)

 Katotohanan, ang ipinangako sa inyo (alalaong baga, ang Muling Pagkabuhay at ang pagtanggap ng gantimpala o kaparusahan sa mabuti o masamang gawa) ay katiyakang tunay

وَإِنَّ الدِّينَ لَوَاقِعٌ(6)

 At walang pagsala, ang Kabayaran (kahatulan sa katarungan) ay katotohanang magaganap

وَالسَّمَاءِ ذَاتِ الْحُبُكِ(7)

 Sa pamamagitan ng alapaap (langit) na may maraming Landas

إِنَّكُمْ لَفِي قَوْلٍ مُّخْتَلِفٍ(8)

 Katotohanang kayo ay may magkakaibang pananaw (tungkol kay Muhammad at sa Qur’an)

يُؤْفَكُ عَنْهُ مَنْ أُفِكَ(9)

 Siya kaya na tumalikod dito (alalaong baga, kay Muhammad at sa Qur’an) ay siya kaya na natalikod (sa pamamagitan ng Pag-uutos at Takdang Kahihinatnan ni Allah)

قُتِلَ الْخَرَّاصُونَ(10)

 Sumpain ang mga mapaggawa ng kabulaanan

الَّذِينَ هُمْ فِي غَمْرَةٍ سَاهُونَ(11)

 Sila na nasa ilalim ng lambong ng kawalang pakikinig at pagsunod (na nagwawalang bahala sa kahalagahan ng Kabilang Buhay)

يَسْأَلُونَ أَيَّانَ يَوْمُ الدِّينِ(12)

 Sila ay nagtatanong; “Kailan nga ba ang Araw ng Kabayaran (Paghuhukom sa Katarungan)?”

يَوْمَ هُمْ عَلَى النَّارِ يُفْتَنُونَ(13)

 (Ito ang) Araw na sila ay isusugba (at susubukan ) sa Apoy

ذُوقُوا فِتْنَتَكُمْ هَٰذَا الَّذِي كُنتُم بِهِ تَسْتَعْجِلُونَ(14)

 “Lasapin ninyo ang inyong pagsubok (pagkasunog)! Ito ang inyong itinatanong na madaliin!”

إِنَّ الْمُتَّقِينَ فِي جَنَّاتٍ وَعُيُونٍ(15)

 Katotohanan, ang Muttaqun (mga matutuwid, matimtimang tao na umiiwas sa lahat ng mga ipinagbabawal at sumusunod sa lahat ng mga ipinag-uutos ni Allah), sila ay magigitna sa Halamanan at Batisan (sa Paraiso)

آخِذِينَ مَا آتَاهُمْ رَبُّهُمْ ۚ إِنَّهُمْ كَانُوا قَبْلَ ذَٰلِكَ مُحْسِنِينَ(16)

 Na nagtatamasa ng kasiyahan sa mga bagay na iginawad ng kanilang Panginoon. Katotohanang noong una pa rito, sila ay naging Muhsinun (mga mapaggawa ng mga kabutihan at katuwiran)

كَانُوا قَلِيلًا مِّنَ اللَّيْلِ مَا يَهْجَعُونَ(17)

 Sila ay nahirati nang matulog ng maigsi lamang sa oras nang gabi (na naninikluhod sa kanilang Panginoon [Allah] at nananalangin ng may pangangamba at pag-asa

وَبِالْأَسْحَارِ هُمْ يَسْتَغْفِرُونَ(18)

 At sa mga oras ng bukang liwayway, sila ay (natagpuan) na nagsisipanalangin ng kapatawaran (kay Allah)

وَفِي أَمْوَالِهِمْ حَقٌّ لِّلسَّائِلِ وَالْمَحْرُومِ(19)

 At sa kanilang kayamanan ay mayroon dapat na ibahagi sa mga pulubi at sa Mahrum (mga naghihikahos na hindi nanglilimos sa iba)

وَفِي الْأَرْضِ آيَاتٌ لِّلْمُوقِنِينَ(20)

 At sa Kalupaan ay naririto ang mga Tanda sa mga may Pananalig na may katiyakan

وَفِي أَنفُسِكُمْ ۚ أَفَلَا تُبْصِرُونَ(21)

 At gayundin sa inyong mga sarili. Hindi baga ninyo nakikita

وَفِي السَّمَاءِ رِزْقُكُمْ وَمَا تُوعَدُونَ(22)

 At sa kalangitan ay naroroon ang inyong biyaya, na sa inyo ay ipinangako

فَوَرَبِّ السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ إِنَّهُ لَحَقٌّ مِّثْلَ مَا أَنَّكُمْ تَنطِقُونَ(23)

 Kaya’t sa pamamagitan ng Panginoon ng kalangitan at kalupaan, ito ang tunay na Katotohanan (alalaong baga, ang ipinangako sa inyo), at gayundin ang katunayan na kayo ay makakapangusap sa isa’t isa ng may katalinuhan

هَلْ أَتَاكَ حَدِيثُ ضَيْفِ إِبْرَاهِيمَ الْمُكْرَمِينَ(24)

 Nakarating na ba sa iyo ang kasaysayan ng marangal na Panauhin ni Abraham (ang tatlong anghel; si Gabriel at dalawang iba pa)

إِذْ دَخَلُوا عَلَيْهِ فَقَالُوا سَلَامًا ۖ قَالَ سَلَامٌ قَوْمٌ مُّنكَرُونَ(25)

 Pagmasdan, nang sila (mga anghel ) ay magsitambad sa kanyang harapan at nagsabi: “Kapayapaan!” Siya (Abraham) ay pumakli: “Kapayapaan!, at nagsabi: “Kayo ay mga tao na hindi ko kakilala.”

فَرَاغَ إِلَىٰ أَهْلِهِ فَجَاءَ بِعِجْلٍ سَمِينٍ(26)

 At siya ay maligsing bumaling sa kanyang kasambahay, at siya ay naglabas ng isang litsong baka (ang karamihan ng ari-arian ni Abraham ay mga baka)

فَقَرَّبَهُ إِلَيْهِمْ قَالَ أَلَا تَأْكُلُونَ(27)

 At inilatag (inihain) niya ito sa kanilang harapan at nagsabi: “ Hindi ba kayo kakain? “

فَأَوْجَسَ مِنْهُمْ خِيفَةً ۖ قَالُوا لَا تَخَفْ ۖ وَبَشَّرُوهُ بِغُلَامٍ عَلِيمٍ(28)

 (At nang sila ay hindi kumain ), siya ay nakadama ng pagkatakot sa kanila. Sila ay nagbadya: “ Huwag kang matakot.”, (nang mapuna ng mga anghel ang pangamba sa mukha ni Abraham, sila ay nagpakilala na sila ay mga Tagapagbalita ni Allah), at sila ay nagbigay sa kanya ng masayang balita (nang pagdatal) ng isang anak na lalaki (Isaac) na may karunungan (tungkol kay Allah at sa Kanyang Kaisahan, sa Kanyang Relihiyon at Islam)

فَأَقْبَلَتِ امْرَأَتُهُ فِي صَرَّةٍ فَصَكَّتْ وَجْهَهَا وَقَالَتْ عَجُوزٌ عَقِيمٌ(29)

 Datapuwa’t ang kanyang asawa ay lumapit sa kanila na nag-iingay; na tumatampal sa kanyang mukha, at nagsabi: “(Ako) ay isang baog at matandang babae!” (alalaong baga, paano siya [Sarah] magkakaanak gayong siya ay humigit-kumulang na sa 99 taon

قَالُوا كَذَٰلِكِ قَالَ رَبُّكِ ۖ إِنَّهُ هُوَ الْحَكِيمُ الْعَلِيمُ(30)

 Sila (mga anghel) ay nagturing: “Kahit na, ang wika ng iyong Panginoon. Katotohanang Siya ay Tigib ng Karunungan, ang Puspos ng Kaalaman.”

۞ قَالَ فَمَا خَطْبُكُمْ أَيُّهَا الْمُرْسَلُونَ(31)

 (Si Abraham) ay nagsabi: “Kung gayon, o kayong mga Sugo, ano ang inyong layunin sa inyong pagparito

قَالُوا إِنَّا أُرْسِلْنَا إِلَىٰ قَوْمٍ مُّجْرِمِينَ(32)

 Sila ay nagturing: “Kami ay isinugo sa mga tao na Mujrimun (mga nakalubog sa kasalanan, buktot, tampalasan, walang pananalig kay Allah, kriminal, atbp)

لِنُرْسِلَ عَلَيْهِمْ حِجَارَةً مِّن طِينٍ(33)

 Upang ihatid sa kanila, (ang ulan) ng mga batong putik

مُّسَوَّمَةً عِندَ رَبِّكَ لِلْمُسْرِفِينَ(34)

 Na itinakda ng iyong Panginoon sa Musrifun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, nagmamalabis sa pagsuway sa lahat ng hangganan, makasalanan, atbp.).”

فَأَخْرَجْنَا مَن كَانَ فِيهَا مِنَ الْمُؤْمِنِينَ(35)

 Kaya’t Aming inilikas ang mga nananampalataya na naroroon

فَمَا وَجَدْنَا فِيهَا غَيْرَ بَيْتٍ مِّنَ الْمُسْلِمِينَ(36)

 Ngunit wala Kaming natagpuan doon na anumang sambahayang Muslim maliban sa isa (alalaong baga, si Lut at ang kanyang dalawang anak na babae)

وَتَرَكْنَا فِيهَا آيَةً لِّلَّذِينَ يَخَافُونَ الْعَذَابَ الْأَلِيمَ(37)

 At nag-iwan Kami roon ng isang Tanda (alalaong baga, ang pook ng Patay na Dagat [Dead Sea] na bantog sa Palestina), sa mga may pangangamba sa Kasakit-sakit na Kaparusahan

وَفِي مُوسَىٰ إِذْ أَرْسَلْنَاهُ إِلَىٰ فِرْعَوْنَ بِسُلْطَانٍ مُّبِينٍ(38)

 At kay Moises din (ay may isang Tanda). Pagmasdan, nang isinugo Namin siya kay Paraon na may lantad na kapamahalaan

فَتَوَلَّىٰ بِرُكْنِهِ وَقَالَ سَاحِرٌ أَوْ مَجْنُونٌ(39)

 Datapuwa’t (si Paraon) ay tumalikod (sa pananampalataya ng may karahasan) na kasama ang kanyang mga kabig, at nagsabi: “Isang manggagaway, isang inaalihan (ng demonyo)!”

فَأَخَذْنَاهُ وَجُنُودَهُ فَنَبَذْنَاهُمْ فِي الْيَمِّ وَهُوَ مُلِيمٌ(40)

 Kaya’t Aming sinukol siya at ang kanyang mga kabig, at sila ay inihagis Namin sa dagat, habang nasa kanya ang bunton ng paninisi

وَفِي عَادٍ إِذْ أَرْسَلْنَا عَلَيْهِمُ الرِّيحَ الْعَقِيمَ(41)

 At kay A’ad (ay mayroon ding isang Tanda): Pagmasdan, nang Aming ipinadala laban sa kanila ang mapaminsalang Hangin

مَا تَذَرُ مِن شَيْءٍ أَتَتْ عَلَيْهِ إِلَّا جَعَلَتْهُ كَالرَّمِيمِ(42)

 Ito (ang Hangin) ay hindi nag-iwan ng anuman sa landas na kanyang tinahak maliban sa pagkasira at pagkabulok

وَفِي ثَمُودَ إِذْ قِيلَ لَهُمْ تَمَتَّعُوا حَتَّىٰ حِينٍ(43)

 At kay Thamud (ay mayroon ding isang Tanda): Pagmasdan, sila ay pinagsabihan: “Pansamantala kayong magpakasaya sa inyong sarili!”

فَعَتَوْا عَنْ أَمْرِ رَبِّهِمْ فَأَخَذَتْهُمُ الصَّاعِقَةُ وَهُمْ يَنظُرُونَ(44)

 Datapuwa’t sila ay tandisang tumutol sa pag-uutos ng kanilang Panginoon, kaya’t ang Sa’iqa (ang mapaminsalang hiyaw, kaparusahan, nag-aapoy na kidlat, atbp.) ay lumukob sa kanila habang sila ay nagmamasid

فَمَا اسْتَطَاعُوا مِن قِيَامٍ وَمَا كَانُوا مُنتَصِرِينَ(45)

 At hindi nila nakuhang makatindig sa kanilang sarili, gayundin ay hindi nila matulungan ang kanilang sarili

وَقَوْمَ نُوحٍ مِّن قَبْلُ ۖ إِنَّهُمْ كَانُوا قَوْمًا فَاسِقِينَ(46)

 (At gayundin naman) ang mga tao ni Noe na una pa sa kanila. Katotohanang sila ay mga tao na Fasiqun (mapaghimagsik, palasuway kay Allah, buktot, buhong)

وَالسَّمَاءَ بَنَيْنَاهَا بِأَيْدٍ وَإِنَّا لَمُوسِعُونَ(47)

 Aming itinayo ang Kalangitan (sa kaitaasan) ng may kapangyarihan. Katotohanang magagawa Namin na palawigin ang kalawakang yaon

وَالْأَرْضَ فَرَشْنَاهَا فَنِعْمَ الْمَاهِدُونَ(48)

 At Aming inilatag ang (maaliwalas) na kalupaan. Pagmasdan kung paano Namin inilatag ito ng may kagalingan

وَمِن كُلِّ شَيْءٍ خَلَقْنَا زَوْجَيْنِ لَعَلَّكُمْ تَذَكَّرُونَ(49)

 At sa bawat bagay ay lumikha Kami ng pares, upang inyong magunita (ang Biyaya ni Allah)

فَفِرُّوا إِلَى اللَّهِ ۖ إِنِّي لَكُم مِّنْهُ نَذِيرٌ مُّبِينٌ(50)

 Kaya’t pasaklolo kayo (sa Habag) ni Allah. Katotohanang ako (Muhammad) ay isang Tagapagbabala sa inyo mula sa Kanya

وَلَا تَجْعَلُوا مَعَ اللَّهِ إِلَٰهًا آخَرَ ۖ إِنِّي لَكُم مِّنْهُ نَذِيرٌ مُّبِينٌ(51)

 At huwag ninyong ituring ang iba pang bagay (sa inyong pagsamba) na katambal ni Allah (Siya lamang ang luwalhatiin, higit Siyang Mataas sa lahat nang iniaakibat sa Kanya). Katotohanang ako (Muhammad) ay isang Tagapagbabala sa inyo mula sa Kanya

كَذَٰلِكَ مَا أَتَى الَّذِينَ مِن قَبْلِهِم مِّن رَّسُولٍ إِلَّا قَالُوا سَاحِرٌ أَوْ مَجْنُونٌ(52)

 Gayundin naman, walang sinumang Tagapagbalita ang dumatal sa kanilang pamayanan na hindi nila pinagwikaan maliban sa magkakatulad na bintang: “Isang manggagaway o isang inaalihan (ng demonyo)!”

أَتَوَاصَوْا بِهِ ۚ بَلْ هُمْ قَوْمٌ طَاغُونَ(53)

 Sila baga (na mga tao ng panahong sinauna) ay nagpamana ng palipat-lipat na salita sa kanila (na mga paganong Quraish)? Tunay nga, sila ang mga tao na lumabag sa pagsuway sa lahat ng hangganan (ng kawalang pananalig)

فَتَوَلَّ عَنْهُمْ فَمَا أَنتَ بِمَلُومٍ(54)

 Kaya’t lumayo ka (O Muhammad) sa kanila (na paganong Quraish), ikaw ay hindi bibigyang sisi (sapagkat naipaabot mo ang Mensahe ni Allah)

وَذَكِّرْ فَإِنَّ الذِّكْرَىٰ تَنفَعُ الْمُؤْمِنِينَ(55)

 Datapuwa’t paalalahanan mo sila (o Muhammad) sa pamamagitan ng pangangaral (ng Qur’an), sapagkat katotohanan, ang pagpapaala-ala ay kapakinabangan sa mga sumasampalataya

وَمَا خَلَقْتُ الْجِنَّ وَالْإِنسَ إِلَّا لِيَعْبُدُونِ(56)

 At hindi Ko nilikha ang mga Jinn at mga Tao maliban na tanging sambahin lamang Ako

مَا أُرِيدُ مِنْهُم مِّن رِّزْقٍ وَمَا أُرِيدُ أَن يُطْعِمُونِ(57)

 HindiAkonaghahangadngpagtataguyodmulasakanila (alalaong baga, ng ikabubuhay sa kanilang sarili o sa Aking mga nilalang), gayundin naman Ako ay hindi naghihingi sa kanila na Ako ay kanilang pakainin (alalaong baga, ang pakainin ang kanilang sarili o ang Aking mga nilalang)

إِنَّ اللَّهَ هُوَ الرَّزَّاقُ ذُو الْقُوَّةِ الْمَتِينُ(58)

 Sapagkat katotohanang si Allah ang Tagapanustos ng Lahat, (Siya ang nagbibigay ng lahat ng ikinabubuhay), ang Panginoonng Kapamahalaan, ang Pinakamakapangyarihan

فَإِنَّ لِلَّذِينَ ظَلَمُوا ذَنُوبًا مِّثْلَ ذَنُوبِ أَصْحَابِهِمْ فَلَا يَسْتَعْجِلُونِ(59)

 At katotohanang sa mga mapaggawa ng kamalian, ay mayroong isang bahagi ng kaparusahan na katulad ng masamang bahagi ng kaparusahan (na dumatal) sa kanilang mga kasamahan (ng sinaunang lahi), kaya’t huwag nilang hilingin sa Akin na madaliin Ko ( ang gayong bahagi)

فَوَيْلٌ لِّلَّذِينَ كَفَرُوا مِن يَوْمِهِمُ الَّذِي يُوعَدُونَ(60)

 Kung gayon, kasawian sa mga hindi sumasampalataya (kay Allah at sa Kanyang Kaisahan; sa Islam) sa takdang Araw na laan para sa kanila, na sa kanila ay ipinangako


More surahs in Filipino:


Al-Baqarah Al-'Imran An-Nisa'
Al-Ma'idah Yusuf Ibrahim
Al-Hijr Al-Kahf Maryam
Al-Hajj Al-Qasas Al-'Ankabut
As-Sajdah Ya Sin Ad-Dukhan
Al-Fath Al-Hujurat Qaf
An-Najm Ar-Rahman Al-Waqi'ah
Al-Hashr Al-Mulk Al-Haqqah
Al-Inshiqaq Al-A'la Al-Ghashiyah

Download surah Adh-Dhariyat with the voice of the most famous Quran reciters :

surah Adh-Dhariyat mp3 : choose the reciter to listen and download the chapter Adh-Dhariyat Complete with high quality
surah Adh-Dhariyat Ahmed El Agamy
Ahmed Al Ajmy
surah Adh-Dhariyat Bandar Balila
Bandar Balila
surah Adh-Dhariyat Khalid Al Jalil
Khalid Al Jalil
surah Adh-Dhariyat Saad Al Ghamdi
Saad Al Ghamdi
surah Adh-Dhariyat Saud Al Shuraim
Saud Al Shuraim
surah Adh-Dhariyat Abdul Basit Abdul Samad
Abdul Basit
surah Adh-Dhariyat Abdul Rashid Sufi
Abdul Rashid Sufi
surah Adh-Dhariyat Abdullah Basfar
Abdullah Basfar
surah Adh-Dhariyat Abdullah Awwad Al Juhani
Abdullah Al Juhani
surah Adh-Dhariyat Fares Abbad
Fares Abbad
surah Adh-Dhariyat Maher Al Muaiqly
Maher Al Muaiqly
surah Adh-Dhariyat Muhammad Siddiq Al Minshawi
Al Minshawi
surah Adh-Dhariyat Al Hosary
Al Hosary
surah Adh-Dhariyat Al-afasi
Mishari Al-afasi
surah Adh-Dhariyat Yasser Al Dosari
Yasser Al Dosari


Saturday, January 18, 2025

لا تنسنا من دعوة صالحة بظهر الغيب