Surah Nisa Aya 92 , Filipino translation of the meaning Ayah.
﴿وَمَا كَانَ لِمُؤْمِنٍ أَن يَقْتُلَ مُؤْمِنًا إِلَّا خَطَأً ۚ وَمَن قَتَلَ مُؤْمِنًا خَطَأً فَتَحْرِيرُ رَقَبَةٍ مُّؤْمِنَةٍ وَدِيَةٌ مُّسَلَّمَةٌ إِلَىٰ أَهْلِهِ إِلَّا أَن يَصَّدَّقُوا ۚ فَإِن كَانَ مِن قَوْمٍ عَدُوٍّ لَّكُمْ وَهُوَ مُؤْمِنٌ فَتَحْرِيرُ رَقَبَةٍ مُّؤْمِنَةٍ ۖ وَإِن كَانَ مِن قَوْمٍ بَيْنَكُمْ وَبَيْنَهُم مِّيثَاقٌ فَدِيَةٌ مُّسَلَّمَةٌ إِلَىٰ أَهْلِهِ وَتَحْرِيرُ رَقَبَةٍ مُّؤْمِنَةٍ ۖ فَمَن لَّمْ يَجِدْ فَصِيَامُ شَهْرَيْنِ مُتَتَابِعَيْنِ تَوْبَةً مِّنَ اللَّهِ ۗ وَكَانَ اللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمًا﴾
[ النساء: 92]
Hindi isang katampatan para sa isang sumasampalataya na pumatay sa isang sumasampalataya maliban na lamang sa (o kung) pagkakamali (na hindi sinasadya), ang sinumang pumatay sa isang sumasampalataya nang hindi sinasadya, (rito ay ipinag-uutos) na siya ay marapat na magpalaya ng isang nananampalatayang alipin at isang diya (kabayaran o tubos sa dugo) na nararapat ibigay sa kamag-anakan ng namatay, maliban na lamang kung ito ay kanilang ipaubaya (ipatawad). Kung ang namatay ay kabilang sa mga tao na kumakalaban sa inyo at siya ay isang nananampalataya; ang pagpapalaya sa isang nananampalatayang alipin (ay itinatalaga, at hindi ang pagbabayad ng diya), at kung siya ay nabibilang sa mga tao na mayroon kayong kasunduan ng pagkakampihan at pagkamatapat (sa isa’t isa), ang diya (kabayaran o tubos sa dugo) ay marapat na ibayad sa kanyang kamag-anakan at ang isang nananampalatayang alipin ay marapat na palayain. At kung sinuman ang walang kakayahan (na matupad ang parusa sa pagpapalaya ng isang alipin), siya ay nararapat na mag-ayuno ng dalawang magkasunod na buwan upang kayo ay makahanap ng pagsisisi kay Allah. At si Allah ay Ganap na Nakakaalam, ang Lubos na Maalam
Surah An-Nisa in Filipinotraditional Filipino
Hindi nangyaring ukol sa isang mananampalataya na makapatay ng isang mananampalataya malibang dala ng isang pagkakamali. Ang sinumang nakapatay ng isang mananampalataya dala ng isang pagkakamali, [ang panakip-sala ay] pagpapalaya ng isang aliping mananampalataya at isang pagbabayad-pinsalang inaabot sa mag-anak nito, malibang magkawanggawa sila. Kaya kung [ang napatay na] ito ay kabilang sa mga taong kaaway para sa inyo at siya ay isang mananampalataya, [ang panakip-sala ay] pagpapalaya ng isang aliping mananampalataya. Kung [ang napatay na] ito ay kabilang sa mga taong sa pagitan ninyo at nila ay may isang kasunduan, [ang panakip-sala ay] pagbabayad-pinsalang inaabot sa mag-anak nito at pagpapalaya ng isang aliping mananampalataya; ngunit ang sinumang hindi makatagpo, [ang panakip-sala ay] pag-aayuno ng dalawang buwang magkakasunod bilang paghiling ng pagbabalik-loob mula kay Allāh. Laging si Allāh ay Maalam, Marunong
English - Sahih International
And never is it for a believer to kill a believer except by mistake. And whoever kills a believer by mistake - then the freeing of a believing slave and a compensation payment presented to the deceased's family [is required] unless they give [up their right as] charity. But if the deceased was from a people at war with you and he was a believer - then [only] the freeing of a believing slave; and if he was from a people with whom you have a treaty - then a compensation payment presented to his family and the freeing of a believing slave. And whoever does not find [one or cannot afford to buy one] - then [instead], a fast for two months consecutively, [seeking] acceptance of repentance from Allah. And Allah is ever Knowing and Wise.
English | Türkçe | Indonesia |
Русский | Français | فارسی |
تفسير | Bengali | Urdu |
Ayats from Quran in Filipino
- Siya ang nagkakaloob ng karunungan sa sinumang Kanyang maibigan; at
- Kay Allah lamang ang pag-aangkin ng Kapamahalaan (Kaharian) ng kalangitan
- Hindiba(gayonnga), nasabawatpanahonnagumawasila ng kasunduan, ang ilang pangkat sa kanila ay
- At pagkatapos ay ginawa Namin ang Nutfah na isang kimpal
- o ikaw na nababalutan ng kasuotan (alalaong baga, si Propeta
- Hindi pa ba isang tanda sa kanila na ang mga
- Isang Kapahayagan (ang Qur’an) mula sa Panginoon ng lahat ng
- (Ito ang) Aklat (ang Qur’an) na ipinanaog sa iyo (O
- At kailanman ay hindi Namin winasak ang anumang pamayanan, maliban
- At alalahanin nang Aming itinalaga kay Moises ang apatnapung gabi,
Quran surahs in Filipino :
Download surah Nisa with the voice of the most famous Quran reciters :
surah Nisa mp3 : choose the reciter to listen and download the chapter Nisa Complete with high quality
Ahmed Al Ajmy
Bandar Balila
Khalid Al Jalil
Saad Al Ghamdi
Saud Al Shuraim
Abdul Basit
Abdul Rashid Sufi
Abdullah Basfar
Abdullah Al Juhani
Fares Abbad
Maher Al Muaiqly
Al Minshawi
Al Hosary
Mishari Al-afasi
Yasser Al Dosari
Please remember us in your sincere prayers