الْحَمْدُ لِلَّهِ فَاطِرِ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ جَاعِلِ الْمَلَائِكَةِ رُسُلًا أُولِي أَجْنِحَةٍ مَّثْنَىٰ وَثُلَاثَ وَرُبَاعَ ۚ يَزِيدُ فِي الْخَلْقِ مَا يَشَاءُ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ(1) Ang lahat ng pagluwalhati at pasasalamat ay kay Allah, ang (tanging) Nagpasimula ng Paglikha (Tanging Manlilikha) sa kalangitan at kalupaan, na lumikha sa mga anghel na tagapagbalita ng may pakpak,- dalawa o tatlo o apat (na magkakatambal). Siya ang nagdaragdag sa paglikha sa anumang Kanyang maibigan. Katotohanang Siya ang may kapangyarihan sa lahat ng bagay |
مَّا يَفْتَحِ اللَّهُ لِلنَّاسِ مِن رَّحْمَةٍ فَلَا مُمْسِكَ لَهَا ۖ وَمَا يُمْسِكْ فَلَا مُرْسِلَ لَهُ مِن بَعْدِهِ ۚ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ(2) Anumang maibigan ni Allah mula sa Kanyang Habag (Kabutihan), na nais Niyang ipagkaloob sa sangkatauhan, walang sinuman ang makakahadlang; at anumang Kanyang hadlangan, walang sinuman ang makapagkakaloob (liban sa Kanya); at Siya ang Sukdol sa Kapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan |
يَا أَيُّهَا النَّاسُ اذْكُرُوا نِعْمَتَ اللَّهِ عَلَيْكُمْ ۚ هَلْ مِنْ خَالِقٍ غَيْرُ اللَّهِ يَرْزُقُكُم مِّنَ السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ ۚ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ۖ فَأَنَّىٰ تُؤْفَكُونَ(3) o sangkatauhan! Alalahanin ninyo ang mga biyaya ni Allah na ipinagkaloob sa inyo! Mayroon pa bang ibang Manlilikha maliban kay Allah ang makapagbibigay sa inyo mula sa alapaap ng panustos (na ulan) at sa kalupaan? La ilaha ill Allah (wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya). Bakit kayo lumalayo (sa Kanya) |
وَإِن يُكَذِّبُوكَ فَقَدْ كُذِّبَتْ رُسُلٌ مِّن قَبْلِكَ ۚ وَإِلَى اللَّهِ تُرْجَعُ الْأُمُورُ(4) At kung ikaw (o Muhammad) ay kanilang itakwil, na kagaya rin ng mga Tagapagbalita na nauna sa iyo; ang lahat ng mga pangyayari ay kay Allah magbabalik (upang pagpasyahan) |
يَا أَيُّهَا النَّاسُ إِنَّ وَعْدَ اللَّهِ حَقٌّ ۖ فَلَا تَغُرَّنَّكُمُ الْحَيَاةُ الدُّنْيَا ۖ وَلَا يَغُرَّنَّكُم بِاللَّهِ الْغَرُورُ(5) O sangkatauhan! Katotohanan, ang pangako ni Allah ay tunay, kaya’t huwag hayaan ang pangkasalukuyang buhay na ito ay makalinlang sa inyo, at huwag ding hayaan ang Pinunong Manlilinlang (Satanas) ay dumaya sa inyo tungkol kay Allah |
إِنَّ الشَّيْطَانَ لَكُمْ عَدُوٌّ فَاتَّخِذُوهُ عَدُوًّا ۚ إِنَّمَا يَدْعُو حِزْبَهُ لِيَكُونُوا مِنْ أَصْحَابِ السَّعِيرِ(6) Katotohanang si Satanas ay isa ninyong kaaway; kaya’t ituring siya na isang kaaway. Kanya lamang inaanyayahan ang kanyang Hizb (mga tagasunod) upang sila ay magsipanirahan sa Naglalagablab na Apoy |
الَّذِينَ كَفَرُوا لَهُمْ عَذَابٌ شَدِيدٌ ۖ وَالَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ لَهُم مَّغْفِرَةٌ وَأَجْرٌ كَبِيرٌ(7) Sa mga nagtatakwil kay Allah, sila ay may kabayaran ng kasakit- sakit na kaparusahan, datapuwa’t sila na sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) at nagsisigawa ng kabutihan ay (may kapalit) na kapatawaran at kamangha- manghang gantimpala (alalaong baga, ang Paraiso) |
أَفَمَن زُيِّنَ لَهُ سُوءُ عَمَلِهِ فَرَآهُ حَسَنًا ۖ فَإِنَّ اللَّهَ يُضِلُّ مَن يَشَاءُ وَيَهْدِي مَن يَشَاءُ ۖ فَلَا تَذْهَبْ نَفْسُكَ عَلَيْهِمْ حَسَرَاتٍ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلِيمٌ بِمَا يَصْنَعُونَ(8) Siya kaya na ang kasamaan ng kanyang mga gawa ay ginawang kabigha-bighani sa kanya (ay katulad ng isang matuwid na napapatnubayan)? Katotohanang si Allah ang nagliligaw sa sinumang Kanyang maibigan at namamatnubay sa sinumang Kanyang naisin. Kaya’t huwag mong pahirapan ang iyong sarili (kaluluwa) sa pamimighati sa kanila, katiyakang si Allah ang Ganap na Nakakaalam ng lahat nilang ginagawa |
وَاللَّهُ الَّذِي أَرْسَلَ الرِّيَاحَ فَتُثِيرُ سَحَابًا فَسُقْنَاهُ إِلَىٰ بَلَدٍ مَّيِّتٍ فَأَحْيَيْنَا بِهِ الْأَرْضَ بَعْدَ مَوْتِهَا ۚ كَذَٰلِكَ النُّشُورُ(9) Si Allah ang nagpapadala ng hanging habagat upang maitaas nito ang mga ulap, at itinaboy Namin ang mga ito (mga ulap) sa patay (tigang) na lupa, at (Aming) binuhay ang kalupaan pagkaraang mamatay (maging tigang). Ganito (ang mangyayari) sa Pagkabuhay (na mag-uli) |
مَن كَانَ يُرِيدُ الْعِزَّةَ فَلِلَّهِ الْعِزَّةُ جَمِيعًا ۚ إِلَيْهِ يَصْعَدُ الْكَلِمُ الطَّيِّبُ وَالْعَمَلُ الصَّالِحُ يَرْفَعُهُ ۚ وَالَّذِينَ يَمْكُرُونَ السَّيِّئَاتِ لَهُمْ عَذَابٌ شَدِيدٌ ۖ وَمَكْرُ أُولَٰئِكَ هُوَ يَبُورُ(10) Sinuman ang maghanap ng karangalan at kapangyarihan, kung gayon, si Allah ang nag-aangkin ng lahat ng karangalan at kapangyarihan(atsiyaaymagkakamitlamangngkarangalan sa pamamagitan nang pagtalima at pagsamba kay Allah). Sa Kanya ay pumapanhik (ang lahat) ng mga dalisay na salita, at Siya ang nagpapadakila sa mga mabubuting gawa (alalaong baga, ang mga dalisay na salita ay hindi tinatanggap ni Allah maliban na ito ay nalalakipan ng mabuting gawa). At sila na nagpapakana ng kasamaan, sasakanila ang kahindik- hindik na kaparusahan; at ang pagpapakana nila ay walang patutunguhan |
وَاللَّهُ خَلَقَكُم مِّن تُرَابٍ ثُمَّ مِن نُّطْفَةٍ ثُمَّ جَعَلَكُمْ أَزْوَاجًا ۚ وَمَا تَحْمِلُ مِنْ أُنثَىٰ وَلَا تَضَعُ إِلَّا بِعِلْمِهِ ۚ وَمَا يُعَمَّرُ مِن مُّعَمَّرٍ وَلَا يُنقَصُ مِنْ عُمُرِهِ إِلَّا فِي كِتَابٍ ۚ إِنَّ ذَٰلِكَ عَلَى اللَّهِ يَسِيرٌ(11) At si Allah ang lumikha sa iyo (Adan) mula sa alabok; at sumunod ay mula sa Nutfa (magkahalong semilya ng lalaki at babae, sa kanyang mga supling), at Kanyang ginawa kayo na magkapares (lalaki at babae). At walang babae ang magbubuntis o manganganak nang hindi Niya batid. At walang sinumang may gulang na tao na biniyayaan ng mahabang buhay, o binawasan ng bahagi ng kanyang buhay (o ng buhay ng iba pang tao) ang hindi nasa isang takdang Talaan (Al-Lauh-Al-Mahfuz). Katotohanang ito ay magaan lamang kay Allah |
وَمَا يَسْتَوِي الْبَحْرَانِ هَٰذَا عَذْبٌ فُرَاتٌ سَائِغٌ شَرَابُهُ وَهَٰذَا مِلْحٌ أُجَاجٌ ۖ وَمِن كُلٍّ تَأْكُلُونَ لَحْمًا طَرِيًّا وَتَسْتَخْرِجُونَ حِلْيَةً تَلْبَسُونَهَا ۖ وَتَرَى الْفُلْكَ فِيهِ مَوَاخِرَ لِتَبْتَغُوا مِن فَضْلِهِ وَلَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ(12) At ang dalawang dagat (uri ng tubig) ay hindi magkatulad. Ang isa ay maiinom at manamis-namis sa panlasa, ang isa ay maalat at mapait (sa panlasa). Datapuwa’t sa magkaibang uri ng tubig, kayo ay kumakain ng sariwa at malambot na laman (isda); at kayo ay nakakakuha ng mga palamuti na naisusuot; at napagmamasdan ninyo ang mga barko na (humihiwa sa tubig) habang naglalayag dito; upang kayo ay makasumpong ng Kasaganaan ni Allah at kayo ay magkaroon ng damdamin ng pasasalamat |
يُولِجُ اللَّيْلَ فِي النَّهَارِ وَيُولِجُ النَّهَارَ فِي اللَّيْلِ وَسَخَّرَ الشَّمْسَ وَالْقَمَرَ كُلٌّ يَجْرِي لِأَجَلٍ مُّسَمًّى ۚ ذَٰلِكُمُ اللَّهُ رَبُّكُمْ لَهُ الْمُلْكُ ۚ وَالَّذِينَ تَدْعُونَ مِن دُونِهِ مَا يَمْلِكُونَ مِن قِطْمِيرٍ(13) Pinaglalagom Niya ang gabi sa araw (alalaong baga, ang pag-igsi ng mga oras sa gabi ay idinadagdag sa mga oras ng maghapon) at pinaglalagom Niya ang araw sa gabi (alalaong baga, ang pag- igsi ng mga oras sa maghapon ay idinadagdag sa mga oras ng gabi); at ipinailalim Niya (sa Kanyang kapangyarihan at batas) ang araw at buwan, ang bawat isa (sa kanila) ay umiikot (tumatakbo) sa takdang daan sa natataningang panahon. Siya si Allah, ang inyong Panginoon, Siya ang nag-aangkin ng lahat ng Kaharian at Kapamahalaan. Ang inyong sinasamba maliban pa sa Kanya ay hindi man lamang nag-aangkin kahit na isang Qitmir (isang manipis na hibla ng buto ng palmera [datiles) |
إِن تَدْعُوهُمْ لَا يَسْمَعُوا دُعَاءَكُمْ وَلَوْ سَمِعُوا مَا اسْتَجَابُوا لَكُمْ ۖ وَيَوْمَ الْقِيَامَةِ يَكْفُرُونَ بِشِرْكِكُمْ ۚ وَلَا يُنَبِّئُكَ مِثْلُ خَبِيرٍ(14) At kung sila ay inyong pinamimintuhunan, sila ay hindi nakakarinig sa inyong panawagan, at kung sila (man) ay makakarinig, sila ay hindi makakasagot o makapagbibigay sa inyong (paninikluhod). At sa Araw ng Muling Pagkabuhay ay kanilang itatatwa ang inyong pagtatambal (sa kanila sa pagsamba kay Allah) at paninikluhod. At walang sinuman (o Muhammad) ang katulad Niya na makakapagbigay alam sa iyo sapagkat Siya ang Ganap na Nakakaalam (ng bawat isa at lahat ng bagay) |
۞ يَا أَيُّهَا النَّاسُ أَنتُمُ الْفُقَرَاءُ إِلَى اللَّهِ ۖ وَاللَّهُ هُوَ الْغَنِيُّ الْحَمِيدُ(15) O sangkatauhan! Kayo ang nangangailangan (ng tulong) ni Allah; datapuwa’t si Allah ay hindi nangangailangan (ng tulong) ninuman, ang karapat-dapat sa lahat ng mga papuri |
إِن يَشَأْ يُذْهِبْكُمْ وَيَأْتِ بِخَلْقٍ جَدِيدٍ(16) Kung Kanyang naisin, kayo ay mawawasak Niya at makakagawa Siya ng ibang nilikha |
وَمَا ذَٰلِكَ عَلَى اللَّهِ بِعَزِيزٍ(17) At ito ay hindi mahirap kay Allah |
وَلَا تَزِرُ وَازِرَةٌ وِزْرَ أُخْرَىٰ ۚ وَإِن تَدْعُ مُثْقَلَةٌ إِلَىٰ حِمْلِهَا لَا يُحْمَلْ مِنْهُ شَيْءٌ وَلَوْ كَانَ ذَا قُرْبَىٰ ۗ إِنَّمَا تُنذِرُ الَّذِينَ يَخْشَوْنَ رَبَّهُم بِالْغَيْبِ وَأَقَامُوا الصَّلَاةَ ۚ وَمَن تَزَكَّىٰ فَإِنَّمَا يَتَزَكَّىٰ لِنَفْسِهِ ۚ وَإِلَى اللَّهِ الْمَصِيرُ(18) At walang sinumang may sala ang maaaring magdala ng sala ng iba. At kung sinuman ang nabibigatan at tumawag siya ng iba (upang dalhin) ang kanyang pasan, kahit na ang isang maliit na bahagi nito ay hindi maaaring dalhin (ng iba), maging ito man ay malapit sa kanya (kamag- anak). Ikaw (o Muhammad) ay makakapagbigay babala lamang sa mga may pangangamba kay Allah na hindi nakikita, at nagsasagawa ng palagiang pagdarasal (Iqamat- us-Salah). At sinuman ang nagpapadalisay sa kanyang sarili (sa lahat ng mga kasalanan) ay gumagawa nito sa kapakanan ng kanyang kaluluwa; at ang Huling Hantungan ng lahat ay kay Allah |
وَمَا يَسْتَوِي الْأَعْمَىٰ وَالْبَصِيرُ(19) Ang bulag (walang pananalig sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) atnakakakita(nananampalatayakayAllahatsa Islam) ay hindi magkatulad |
وَلَا الظُّلُمَاتُ وَلَا النُّورُ(20) Gayundin (hindi magkatulad) ang kailaliman ng kadiliman (kawalang pananalig) at liwanag (pananampalataya) |
وَلَا الظِّلُّ وَلَا الْحَرُورُ(21) Gayundin (hindi magkatulad) ang lilim at sikat ng araw |
وَمَا يَسْتَوِي الْأَحْيَاءُ وَلَا الْأَمْوَاتُ ۚ إِنَّ اللَّهَ يُسْمِعُ مَن يَشَاءُ ۖ وَمَا أَنتَ بِمُسْمِعٍ مَّن فِي الْقُبُورِ(22) Gayundin (hindi magkatulad) ang mga buhay (mga sumasampalataya) at mga patay (walang pananampalataya). Katotohanang magagawa ni Allah na makarinig ang sinuman na Kanyang maibigan; datapuwa’t hindi ninyo magagawa na makarinig ang (mga nakalibing) sa kanilang puntod |
إِنْ أَنتَ إِلَّا نَذِيرٌ(23) Ikaw (o Muhammad) ay wala ng iba maliban sa isang tagapagbabala (alalaong baga, ang iyong tungkulin ay maiparating ang Mensahe ni Allah sa sangkatauhan, datapuwa’t ang Patnubay ay nasa Kamay ni Allah) |
إِنَّا أَرْسَلْنَاكَ بِالْحَقِّ بَشِيرًا وَنَذِيرًا ۚ وَإِن مِّنْ أُمَّةٍ إِلَّا خَلَا فِيهَا نَذِيرٌ(24) Tunay ngang ikaw (o Muhammad) ay isinugo Namin ng may Katotohanan, bilang isang tagapagdala ng magandang balita, at bilang isang tagapagbabala; at walang sinumang pamayanan ang nabuhay dito noon pa mang una ang hindi nagkaroon ng tagapagbabala sa kanilang lipon |
وَإِن يُكَذِّبُوكَ فَقَدْ كَذَّبَ الَّذِينَ مِن قَبْلِهِمْ جَاءَتْهُمْ رُسُلُهُم بِالْبَيِّنَاتِ وَبِالزُّبُرِ وَبِالْكِتَابِ الْمُنِيرِ(25) At kung ikaw man ay itinakwil nila, gayundin ang kanilang mga ninuno noong una na nagpabulaan sa dumatal na mga Tagapagbalita sa kanila na may maliwanag na mga Tanda, mga Kasulatan, at Aklat na nagbibigay ng kaliwanagan |
ثُمَّ أَخَذْتُ الَّذِينَ كَفَرُوا ۖ فَكَيْفَ كَانَ نَكِيرِ(26) Sa huli ay Aking pinarusahan ang mga nagtakwil ng pananampalataya; at (pagmasdan) kung gaano katindi ang Aking pagtatakwil (pagpaparusa) |
أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ أَنزَلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَأَخْرَجْنَا بِهِ ثَمَرَاتٍ مُّخْتَلِفًا أَلْوَانُهَا ۚ وَمِنَ الْجِبَالِ جُدَدٌ بِيضٌ وَحُمْرٌ مُّخْتَلِفٌ أَلْوَانُهَا وَغَرَابِيبُ سُودٌ(27) Hindi baga ninyo namamasdan na si Allah ang nagpapamalisbis ng tubig (ulan) mula sa alapaap? Sa pamamagitan nito ay inilabas Namin ang iba’t ibang ani (bunga ng halaman) na sari-sari ang kulay. At sa gitna ng kabundukan ay may mga landas na puti at pula, at iba’t ibang kulay, at (ang iba) ay lubhang maitim |
وَمِنَ النَّاسِ وَالدَّوَابِّ وَالْأَنْعَامِ مُخْتَلِفٌ أَلْوَانُهُ كَذَٰلِكَ ۗ إِنَّمَا يَخْشَى اللَّهَ مِنْ عِبَادِهِ الْعُلَمَاءُ ۗ إِنَّ اللَّهَ عَزِيزٌ غَفُورٌ(28) At sa mga tao at Ad- dawab (mga nilikhang bagay na may buhay at gumagalaw, mga hayop, atbp.) at mga bakahan, sa magkatulad na paraan ay iba’t iba ang kulay. Ang tunay na nangangamba kay Allah sa gitna ng Kanyang mga alipin ay yaong may karunungan; katotohanang si Allah ay Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Malimit na Nagpapatawad |
إِنَّ الَّذِينَ يَتْلُونَ كِتَابَ اللَّهِ وَأَقَامُوا الصَّلَاةَ وَأَنفَقُوا مِمَّا رَزَقْنَاهُمْ سِرًّا وَعَلَانِيَةً يَرْجُونَ تِجَارَةً لَّن تَبُورَ(29) Katotohanang sila na dumadalit ng Aklat ni Allah (ang Qur’an), at nag-aalay ng palagiang pagdarasal (Iqamat-as- Salah), at gumugugol sa kawanggawa mula sa mga biyaya na Aming ipinagkaloob sa kanila, nang hayagan at lingid, ay makakaasa sa (tiyak) na tubo (kapakinabangan) na hindi kailanman maglalaho |
لِيُوَفِّيَهُمْ أُجُورَهُمْ وَيَزِيدَهُم مِّن فَضْلِهِ ۚ إِنَّهُ غَفُورٌ شَكُورٌ(30) Upang mabayaran Niya nang ganap ang kanilang kinita, at magbigay sa kanila (ng higit pa) mula sa Kanyang Habag; katotohanang Siya ay Malimit na Nagpapatawad at Higit na Nagbibigay Pahalaga (sa mga mabubuting gawa at sa Kabayaran) |
وَالَّذِي أَوْحَيْنَا إِلَيْكَ مِنَ الْكِتَابِ هُوَ الْحَقُّ مُصَدِّقًا لِّمَا بَيْنَ يَدَيْهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ بِعِبَادِهِ لَخَبِيرٌ بَصِيرٌ(31) At kung ano ang Aming binigyang inspirasyon sa iyo (o Muhammad) sa Aklat (ang Qur’an) ay yaong (sukdol) na Katotohanan (na ikaw, o Muhammad at ang iyong mga tagasunod ay marapat na magsagawa ayon sa mga tagubilin); na nagpapatotoo sa ipinahayag noon pang una. Katotohanang si Allah ang Ganap na Nakakaalam at Ganap na Nakakamasid sa lahat ng Kanyang mga alipin |
ثُمَّ أَوْرَثْنَا الْكِتَابَ الَّذِينَ اصْطَفَيْنَا مِنْ عِبَادِنَا ۖ فَمِنْهُمْ ظَالِمٌ لِّنَفْسِهِ وَمِنْهُم مُّقْتَصِدٌ وَمِنْهُمْ سَابِقٌ بِالْخَيْرَاتِ بِإِذْنِ اللَّهِ ۚ ذَٰلِكَ هُوَ الْفَضْلُ الْكَبِيرُ(32) At Aming iginawad ang Aklat (Qur’an) bilang pamana sa Aming mga alipin na Aming pinili (ang mga tagasunod ni Muhammad), datapuwa’t mayroong ilan sa karamihan nila ang nagpahamak sa kanilang sarili (kaluluwa); ang iba sa kanila ay sumusunod sa gitnang daan (naniniwala sa ilan at nagtatakwil sa iba); at ang iba pa, sa kapahintulutan ni Allah ay namumukod tangi sa kanilang magandang pag- uugali. At ang (pagmamana ng Qur’an), katiyakang ito ay isang dakilang Biyaya |
جَنَّاتُ عَدْنٍ يَدْخُلُونَهَا يُحَلَّوْنَ فِيهَا مِنْ أَسَاوِرَ مِن ذَهَبٍ وَلُؤْلُؤًا ۖ وَلِبَاسُهُمْ فِيهَا حَرِيرٌ(33) Sa Halamanan ng Walang Hanggan (Paraiso), rito sila ay magsisipasok; at sila ay papalamutihan ng mga pulseras na ginto at perlas; at dito ang kanilang kasuutan ay sutla |
وَقَالُوا الْحَمْدُ لِلَّهِ الَّذِي أَذْهَبَ عَنَّا الْحَزَنَ ۖ إِنَّ رَبَّنَا لَغَفُورٌ شَكُورٌ(34) At sila ay magsasabi: “Luwalhatiin at pasalamatan si Allah na Siyang nag-alis sa amin sa (lahat) ng kapighatian, katotohanan, ang aming Panginoon ay katiyakang Malimit na Nagpapatawad at Laging Handang Magpahalaga (sa mga mabubuting gawa at sa Kabayaran) |
الَّذِي أَحَلَّنَا دَارَ الْمُقَامَةِ مِن فَضْلِهِ لَا يَمَسُّنَا فِيهَا نَصَبٌ وَلَا يَمَسُّنَا فِيهَا لُغُوبٌ(35) Na Siya, mula sa Kanyang habag, ay naglunsad sa amin sa Tahanan na hindi magmamaliw; dito ay walang paghihirap, ang anumang bahid ng pagkapagal ay hindi makakadantay sa amin.” |
وَالَّذِينَ كَفَرُوا لَهُمْ نَارُ جَهَنَّمَ لَا يُقْضَىٰ عَلَيْهِمْ فَيَمُوتُوا وَلَا يُخَفَّفُ عَنْهُم مِّنْ عَذَابِهَا ۚ كَذَٰلِكَ نَجْزِي كُلَّ كَفُورٍ(36) Datapuwa’t sila na nagtatakwil (kay Allah, sa Kanyang Kaisahan at sa Islam), sasakanila ang Apoy ng Impiyerno; hindi ganap na kamatayan ang kanilang mararamdaman upang sila ay mamatay, gayundin ang kaparusahan sa kanila ay hindi magbabawa. Sa gayon Namin ginagantimpalaan ang bawat isa na walang damdamin ng pasasalamat |
وَهُمْ يَصْطَرِخُونَ فِيهَا رَبَّنَا أَخْرِجْنَا نَعْمَلْ صَالِحًا غَيْرَ الَّذِي كُنَّا نَعْمَلُ ۚ أَوَلَمْ نُعَمِّرْكُم مَّا يَتَذَكَّرُ فِيهِ مَن تَذَكَّرَ وَجَاءَكُمُ النَّذِيرُ ۖ فَذُوقُوا فَمَا لِلظَّالِمِينَ مِن نَّصِيرٍ(37) dito sila ay magsisitaghoy nang malakas (sa paghingi ng tulong): “O aming Panginoon! Kami ay ibalik Ninyong muli (sa buhay sa mundo); kami ay magsisigawa ng kabutihan at hindi ng mga gawaing nakahinatnan namin noon!” (Si Allah ay magwiwika): “Hindi baga kayo ay binigyan Namin ng mahabang buhay, upang kung sinuman ang nais makatanggap ng paala-ala, ay makakatanggap nito? At ang tagapagbabala ay dumatal sa inyo. Kaya’t lasapin ninyo (ang kasamaan ng inyong mga gawa). At sa Zalimun (mga tampalasan, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, mapaggawa ng kamalian, atbp.), sila ay walang magiging kawaksi.” |
إِنَّ اللَّهَ عَالِمُ غَيْبِ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ إِنَّهُ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ(38) Katotohanang si Allah ang Lubos na Nakakaalam (ng lahat) ng mga bagay na nalilingid sa kalangitan at kalupaan; katotohanang Siya ang may Ganap na Kaalaman kung ano ang nasa puso (ng mga tao) |
هُوَ الَّذِي جَعَلَكُمْ خَلَائِفَ فِي الْأَرْضِ ۚ فَمَن كَفَرَ فَعَلَيْهِ كُفْرُهُ ۖ وَلَا يَزِيدُ الْكَافِرِينَ كُفْرُهُمْ عِندَ رَبِّهِمْ إِلَّا مَقْتًا ۖ وَلَا يَزِيدُ الْكَافِرِينَ كُفْرُهُمْ إِلَّا خَسَارًا(39) Siya ang naggawad sa inyo upang maging tagapagmana (sa maraming sali’t saling lahi) sa kalupaan; kaya’t sinuman ang hindi manampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam), ang kanyang hindi pananalig ay sasakanya. At ang kawalang pananalig ng mga hindi sumasampalataya ay nakakadagdag lamang sa kanilang pagkalugi |
قُلْ أَرَأَيْتُمْ شُرَكَاءَكُمُ الَّذِينَ تَدْعُونَ مِن دُونِ اللَّهِ أَرُونِي مَاذَا خَلَقُوا مِنَ الْأَرْضِ أَمْ لَهُمْ شِرْكٌ فِي السَّمَاوَاتِ أَمْ آتَيْنَاهُمْ كِتَابًا فَهُمْ عَلَىٰ بَيِّنَتٍ مِّنْهُ ۚ بَلْ إِن يَعِدُ الظَّالِمُونَ بَعْضُهُم بَعْضًا إِلَّا غُرُورًا(40) Ipagbadya (o Muhammad): “Sabihin ninyo, o ipaalam sa akin kung ano ang inyong pag-aakala (sa tinatagurian) ninyo na mga katambal (sa pagsamba) bukod pa kay Allah? Ipakita ninyo sa akin kung ano ang kanilang nilikha sa (malawak) na mundo? o mayroon ba silang bahagi (parte) sa mga kalangitan? o pinagkalooban ba Namin sila ng Aklat, na rito ay makakapagtamo sila ng maliwanag (na katibayan)? Hindi, ang Zalimun (mga tampalasan, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, mapaggawa ng kamalian, atbp.) ay nagpapangakuan sa bawat isa ng wala ng iba maliban sa mga kahibangan |
۞ إِنَّ اللَّهَ يُمْسِكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ أَن تَزُولَا ۚ وَلَئِن زَالَتَا إِنْ أَمْسَكَهُمَا مِنْ أَحَدٍ مِّن بَعْدِهِ ۚ إِنَّهُ كَانَ حَلِيمًا غَفُورًا(41) Si Allah ang nagtatangan sa kalangitan at kalupaan, kung hindi, ito ay titigil (sa kanilang takdang gawain); at kung sila ay magalaw sa kanilang kinalalagyan, wala ng iba pa, ang maaaring magtaguyod sa kanilang muli. Katotohanang Siya ang Pinakamapagparaya, ang Lagi nang Nagpapatawad |
وَأَقْسَمُوا بِاللَّهِ جَهْدَ أَيْمَانِهِمْ لَئِن جَاءَهُمْ نَذِيرٌ لَّيَكُونُنَّ أَهْدَىٰ مِنْ إِحْدَى الْأُمَمِ ۖ فَلَمَّا جَاءَهُمْ نَذِيرٌ مَّا زَادَهُمْ إِلَّا نُفُورًا(42) At sila ay nanunumpa kay Allah sa kanilang pinakamabuklodnasumpa, nakungangisangtagapagbabala ay dumatal sa kanila, sila ay higit na mapapatnubayan kaysa sa anumang bansa (pamayanan na una sa kanila), datapuwa’t nang ang isang tagapagbabala (Muhammad) ay suguin sa kanila, ito ay walang naidagdag sa kanila, maliban sa kanilang pag-ayaw (sa katotohanan) |
اسْتِكْبَارًا فِي الْأَرْضِ وَمَكْرَ السَّيِّئِ ۚ وَلَا يَحِيقُ الْمَكْرُ السَّيِّئُ إِلَّا بِأَهْلِهِ ۚ فَهَلْ يَنظُرُونَ إِلَّا سُنَّتَ الْأَوَّلِينَ ۚ فَلَن تَجِدَ لِسُنَّتِ اللَّهِ تَبْدِيلًا ۖ وَلَن تَجِدَ لِسُنَّتِ اللَّهِ تَحْوِيلًا(43) (Sila ay tumalilis dahilan sa kanilang) kapalaluan sa kalupaan at sa kanilang pagpapakana ng kasamaan. Datapuwa’t ang masamang pakana ay sumasakop lamang sa kanya na gumagawa nito. Ngayon, sila ba ay makakaasa ng anumang pakikitungo, maliban kung paano pinakitunguhan ang mga tao noong una? Datapuwa’t kayo ay hindi makakatagpo ng pagbabago sa Sunna (paraan ng pakikitungo) ni Allah. walang mababago sa paraan ng pakikitungo ni Allah |
أَوَلَمْ يَسِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَيَنظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الَّذِينَ مِن قَبْلِهِمْ وَكَانُوا أَشَدَّ مِنْهُمْ قُوَّةً ۚ وَمَا كَانَ اللَّهُ لِيُعْجِزَهُ مِن شَيْءٍ فِي السَّمَاوَاتِ وَلَا فِي الْأَرْضِ ۚ إِنَّهُ كَانَ عَلِيمًا قَدِيرًا(44) Hindi baga sila nagsipaglakbay sa kalupaan at kanilang namalas kung ano ang kinasapitan nila na mga nauna sa kanila, bagama’t sila ay higit na malakas sa kanila? At kay Allah, walang anupamang nasa kalangitan at kalupaan ang makakaalpas sa Kanya; katotohanang Siya ang Ganap na Maalam, ang Pinakamakapangyarihan |
وَلَوْ يُؤَاخِذُ اللَّهُ النَّاسَ بِمَا كَسَبُوا مَا تَرَكَ عَلَىٰ ظَهْرِهَا مِن دَابَّةٍ وَلَٰكِن يُؤَخِّرُهُمْ إِلَىٰ أَجَلٍ مُّسَمًّى ۖ فَإِذَا جَاءَ أَجَلُهُمْ فَإِنَّ اللَّهَ كَانَ بِعِبَادِهِ بَصِيرًا(45) At kung parurusahan ni Allah ang sangkatauhan ng ayon sa kanilang dapat makamtan, hindi Siya mag-iiwan sa (ibabaw) ng kalupaan ng kahit na isang nabubuhay (gumagalaw) na nilikha; datapuwa’t Kanyang binigyan sila ng palugit sa natataningang panahon; at kung ang kanilang takdang taning ay magwakas na, katotohanang si Allah ang Ganap na Nagmamasid sa lahat Niyang mga alipin. mgA titik yA At sA |