سورة فصلت بالفلبينية

  1. استمع للسورة
  2. سور أخرى
  3. ترجمة السورة
القرآن الكريم | ترجمة معاني القرآن | اللغة الفلبينية | سورة فصلت | Fussilat - عدد آياتها 54 - رقم السورة في المصحف: 41 - معنى السورة بالإنجليزية: Expounded.

حم(1)

Ha, Mim (mga titik Ha, Ma)

تَنزِيلٌ مِّنَ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ(2)

Isang kapahayagan mula kay Allah, ang Pinakamapagpala, ang Pinakamaawain

كِتَابٌ فُصِّلَتْ آيَاتُهُ قُرْآنًا عَرَبِيًّا لِّقَوْمٍ يَعْلَمُونَ(3)

Isang Aklat, na ang mga talata ay ipinaliwanag nang puspusan. Isang Qur’an sa (wikang) Arabik para sa mga tao na may pang-unawa

بَشِيرًا وَنَذِيرًا فَأَعْرَضَ أَكْثَرُهُمْ فَهُمْ لَا يَسْمَعُونَ(4)

Na nagbibigay ng Magandang Balita (ng Paraiso sa mga nananalig sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) at Babala (ng kaparusahan sa Apoy ng Impiyerno sa mga hindi nananalig sa Kaisahan ni Allah); datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay lumalayo, kaya’t sila ay hindi nakakarinig

وَقَالُوا قُلُوبُنَا فِي أَكِنَّةٍ مِّمَّا تَدْعُونَا إِلَيْهِ وَفِي آذَانِنَا وَقْرٌ وَمِن بَيْنِنَا وَبَيْنِكَ حِجَابٌ فَاعْمَلْ إِنَّنَا عَامِلُونَ(5)

Sila ay nagsasabi: “Ang aming puso ay natatakpan hinggil sa mga bagay na kami ay iyong inaanyayahan, at sa aming mga tainga ay kabingihan, at sa pagitan mo at namin ay may isang lambong, kaya’t gawin mo (ang gusto mong gawin) para sa amin, gagawin namin (ang nais naming gawin)

قُلْ إِنَّمَا أَنَا بَشَرٌ مِّثْلُكُمْ يُوحَىٰ إِلَيَّ أَنَّمَا إِلَٰهُكُمْ إِلَٰهٌ وَاحِدٌ فَاسْتَقِيمُوا إِلَيْهِ وَاسْتَغْفِرُوهُ ۗ وَوَيْلٌ لِّلْمُشْرِكِينَ(6)

Ipagbadya (o Muhammad): “Ako ay isa lamang tao na katulad ninyo. Ito ay ipinahayag sa akin sa inspirasyon na ang inyong Ilah (diyos) ay Isang Ilah (diyos, si Allah), kaya’t tahakin ninyo ang Tuwid na Landas tungo sa Kanya (sa Tunay na Pananalig, sa Islam) at maging masunurin sa Kanya at humingi (kayo) ng Kanyang pagpapatawad.” At kasawian sa Al-Mushrikun (mga pagano, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, sila na nagtatambal sa pagsamba sa Kanya at nag- aakibat ng karibal sa Kanya)

الَّذِينَ لَا يُؤْتُونَ الزَّكَاةَ وَهُم بِالْآخِرَةِ هُمْ كَافِرُونَ(7)

Sila na hindi nagbabayad ng Zakah (pinadalisay na kayamanan na ukol sa katungkulang kawanggawa), at nagtatatwa sa Kabilang Buhay

إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ لَهُمْ أَجْرٌ غَيْرُ مَمْنُونٍ(8)

Katotohanan, sila na sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Kanyang Tagapagbalita) at gumagawa ng katuwiran ay mayroong gantimpala na hindi magmamaliw (sa Paraiso)

۞ قُلْ أَئِنَّكُمْ لَتَكْفُرُونَ بِالَّذِي خَلَقَ الْأَرْضَ فِي يَوْمَيْنِ وَتَجْعَلُونَ لَهُ أَندَادًا ۚ ذَٰلِكَ رَبُّ الْعَالَمِينَ(9)

Ipagbadya (o Muhammad): “Tunay bang hindi kayo sumasampalataya sa Kanya na lumikha ng kalupaan sa dalawang Araw? At kayo ay nagtindig ng mga katambal (sa pagsamba) sa Kanya? Siya ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang

وَجَعَلَ فِيهَا رَوَاسِيَ مِن فَوْقِهَا وَبَارَكَ فِيهَا وَقَدَّرَ فِيهَا أَقْوَاتَهَا فِي أَرْبَعَةِ أَيَّامٍ سَوَاءً لِّلسَّائِلِينَ(10)

Inilagay Niya (sa kalupaan) ang mga bundok na nakatindig nang matatag sa ibabaw nito, at nagkaloob Siya ng mga biyaya sa kalupaan, at sinukat dito ang laang ikabubuhay (ng mga nananahan) sa apat na Araw (alalaong baga, ang apat na araw na ito ay magkakatulad sa haba ng panahon), para sa lahat ng nagtatanong (tungkol sa pagkalikha nito)

ثُمَّ اسْتَوَىٰ إِلَى السَّمَاءِ وَهِيَ دُخَانٌ فَقَالَ لَهَا وَلِلْأَرْضِ ائْتِيَا طَوْعًا أَوْ كَرْهًا قَالَتَا أَتَيْنَا طَائِعِينَ(11)

At Siya ay nag-Istawa (pumaibabaw) sa kalangitan (alapaap) [sa paraang naaangkop sa Kanyang Kamahalan] nangitoayisapangusok, at Siyaaynagwikarito at sa kalupaan: “Magsiparito kayo kapwa sa Akin maging sa nais ninyo o sa ayaw ninyo.” Sila ay nagsabi: “Kami ay pumaparito sa aming kagustuhan”

فَقَضَاهُنَّ سَبْعَ سَمَاوَاتٍ فِي يَوْمَيْنِ وَأَوْحَىٰ فِي كُلِّ سَمَاءٍ أَمْرَهَا ۚ وَزَيَّنَّا السَّمَاءَ الدُّنْيَا بِمَصَابِيحَ وَحِفْظًا ۚ ذَٰلِكَ تَقْدِيرُ الْعَزِيزِ الْعَلِيمِ(12)

At naganap Niyang malikha sila bilang pitong kalangitan (alapaap) sa dalawang Araw at itinakda Niya sa bawat kalangitan (alapaap)ang kanilang tungkulin at kautusan. At Aming pinalamutihan ang ibabang kalangitan (alapaap) ng mga ilaw (bituin) at (ginawaran) ito ng tagapagbantay (laban sa mga demonyo). Ito ang pag-uutos Niya, ang Pinakamakapangyarihan, ang Puspos ng Karunungan

فَإِنْ أَعْرَضُوا فَقُلْ أَنذَرْتُكُمْ صَاعِقَةً مِّثْلَ صَاعِقَةِ عَادٍ وَثَمُودَ(13)

Datapuwa’t kung sila ay magsitalikod, iyong ipagbadya (o Muhammad): “Aking binigyan kayo ng babala ng isang Sa’iqa (matinding pagkidlat) na katulad ng Sa’iqa (matinding pagkidlat, na nagwasak sa pamayanan) ni A’ad at Thamud.”

إِذْ جَاءَتْهُمُ الرُّسُلُ مِن بَيْنِ أَيْدِيهِمْ وَمِنْ خَلْفِهِمْ أَلَّا تَعْبُدُوا إِلَّا اللَّهَ ۖ قَالُوا لَوْ شَاءَ رَبُّنَا لَأَنزَلَ مَلَائِكَةً فَإِنَّا بِمَا أُرْسِلْتُم بِهِ كَافِرُونَ(14)

Pagmalasin! Ang mga Tagapagbalita ay dumatal sa kanila sa kanilang harapan at sa kanilang likuran (na nangangaral): “Huwag kayong sumamba sa iba maliban pa kay Allah.” Sila ay sumagot: “Kung ang aming Panginoon ay magnais, walang pagsala na Kanyang susuguin ang mga anghel. Katotohanang kami ay hindi sumasampalataya sa anumang pahayag na iyong dinala!”

فَأَمَّا عَادٌ فَاسْتَكْبَرُوا فِي الْأَرْضِ بِغَيْرِ الْحَقِّ وَقَالُوا مَنْ أَشَدُّ مِنَّا قُوَّةً ۖ أَوَلَمْ يَرَوْا أَنَّ اللَّهَ الَّذِي خَلَقَهُمْ هُوَ أَشَدُّ مِنْهُمْ قُوَّةً ۖ وَكَانُوا بِآيَاتِنَا يَجْحَدُونَ(15)

At si A’ad ay kumilos ng may kapalaluan sa kalupaan ng walang anumang karapatan, at nagsabi: “Sino ang higit na makapangyarihan sa amin sa tibay at lakas?” Ano? Hindi baga nila napagmamalas na si Allah na Siyang lumikha sa kanila ay higit na makapangyarihan sa kapamahalaan? Datapuwa’t sila ay nagpatuloy sa pagtatakwil sa Aming Ayat (mga tanda, kapahayagan, katibayan, aral, atbp)

فَأَرْسَلْنَا عَلَيْهِمْ رِيحًا صَرْصَرًا فِي أَيَّامٍ نَّحِسَاتٍ لِّنُذِيقَهُمْ عَذَابَ الْخِزْيِ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۖ وَلَعَذَابُ الْآخِرَةِ أَخْزَىٰ ۖ وَهُمْ لَا يُنصَرُونَ(16)

Kaya’t Aming ipinadala laban sa kanila ang nagngangalit na hangin sa araw ng masamang pangitain (kapinsalaan), upang Aming maibigay sa kanila na kanilang malasap ang kaparusahan at pagkaaba sa makamundong buhay na ito; datapuwa’t ang Kaparusahan ng Kabilang Buhay ay higit na kaaba-aba; at sila ay hindi makakahanap ng kawaksi

وَأَمَّا ثَمُودُ فَهَدَيْنَاهُمْ فَاسْتَحَبُّوا الْعَمَىٰ عَلَى الْهُدَىٰ فَأَخَذَتْهُمْ صَاعِقَةُ الْعَذَابِ الْهُونِ بِمَا كَانُوا يَكْسِبُونَ(17)

At kay Thamud, sila ay Aming pinakitaan, at ginawang maliwanag sa kanila ang Landas ng Katotohanan (Kaisahan ni Allah at Islam) sa pamamagitan ng Aming Tagapagbalita (alalaong baga, ipinakita sa kanila ang landas ng tagumpay), datapuwa’t pinili nila ang pagiging bulag (ng kanilang puso) kaysa sa patnubay. Kaya’t ang Sa’iqa (kidlat ng kaparusahan, mapaminsalang sigaw, pinsala) ng pagkaaba ang sumakmal sa kanila dahilan sa kanilang kinita

وَنَجَّيْنَا الَّذِينَ آمَنُوا وَكَانُوا يَتَّقُونَ(18)

Datapuwa’t Aming iniligtas ang mga sumasampalataya at nangangamba kay Allah at nagsisigawa ng kabutihan

وَيَوْمَ يُحْشَرُ أَعْدَاءُ اللَّهِ إِلَى النَّارِ فَهُمْ يُوزَعُونَ(19)

At (alalahanin) ang Araw na ang mga kaaway ni Allah ay titipunin nang sama-sama sa Apoy; sila ay magsisilakad sa hanay

حَتَّىٰ إِذَا مَا جَاءُوهَا شَهِدَ عَلَيْهِمْ سَمْعُهُمْ وَأَبْصَارُهُمْ وَجُلُودُهُم بِمَا كَانُوا يَعْمَلُونَ(20)

At hanggang kanilang sapitin (ang Apoy), ang kanilang pandinig, ang kanilang paningin, at ang kanilang balat ay magbibigay patotoo laban sa kanila sa (lahat) nilang mga ginawa

وَقَالُوا لِجُلُودِهِمْ لِمَ شَهِدتُّمْ عَلَيْنَا ۖ قَالُوا أَنطَقَنَا اللَّهُ الَّذِي أَنطَقَ كُلَّ شَيْءٍ وَهُوَ خَلَقَكُمْ أَوَّلَ مَرَّةٍ وَإِلَيْهِ تُرْجَعُونَ(21)

Sila ay magsasabi sa kanilang balat: “Bakit kayo nagbibigay patotoo laban sa amin? Sila (ang kanilang balat) ay magsasabi: “Si Allah ay nagpapangyari sa amin na makapangusap, (Siya) na nagbigay sa lahat na makapangusap; at Siya ang lumikha sa inyo noong una at sa Kanya rin kayo magbabalik.”

وَمَا كُنتُمْ تَسْتَتِرُونَ أَن يَشْهَدَ عَلَيْكُمْ سَمْعُكُمْ وَلَا أَبْصَارُكُمْ وَلَا جُلُودُكُمْ وَلَٰكِن ظَنَنتُمْ أَنَّ اللَّهَ لَا يَعْلَمُ كَثِيرًا مِّمَّا تَعْمَلُونَ(22)

At hindi ninyo ninais na ikubli ang inyong sarili, baka ang inyong pandinig, ang inyong paningin, at ang inyong balat ay magbigay saksi laban sa inyo! Datapuwa’t inyong napag-akala na si Allah ay nakakabatid lamang ng ilan sa inyong mga ginagawa

وَذَٰلِكُمْ ظَنُّكُمُ الَّذِي ظَنَنتُم بِرَبِّكُمْ أَرْدَاكُمْ فَأَصْبَحْتُم مِّنَ الْخَاسِرِينَ(23)

Datapuwa’t ang pag-aakala ninyong ito na inyong iniisip tungkol sa inyong Panginoon ay naghantong sa inyo sa pagkawasak, at ngayon (sa Araw na ito), kayo ay napabilang sa mga tandisang talunan

فَإِن يَصْبِرُوا فَالنَّارُ مَثْوًى لَّهُمْ ۖ وَإِن يَسْتَعْتِبُوا فَمَا هُم مِّنَ الْمُعْتَبِينَ(24)

Ngayon, kung kayo ay mayroong katiyagaan, ang Apoy ang inyong magiging Tahanan! At kung sila ay magmakaawa sa kapatawaran, ang kanilang pakiusap ay hindi pagbibigyan

۞ وَقَيَّضْنَا لَهُمْ قُرَنَاءَ فَزَيَّنُوا لَهُم مَّا بَيْنَ أَيْدِيهِمْ وَمَا خَلْفَهُمْ وَحَقَّ عَلَيْهِمُ الْقَوْلُ فِي أُمَمٍ قَدْ خَلَتْ مِن قَبْلِهِم مِّنَ الْجِنِّ وَالْإِنسِ ۖ إِنَّهُمْ كَانُوا خَاسِرِينَ(25)

At Aming itinakda sa kanila na maging matalik nilang kasama (ang katulad nila) na gumawa na maging kaakit-akit sa kanila ang nasa harapan nila (kasamaan sa buhay na ito) at kung ano ang nasa likuran nila (pagtanggi sa katotohanan ng Kabilang Buhay). At ang Salita (kaparusahan) ay naging makatarungan laban sa kanila at ito ay makatarungan din sa naunang henerasyon ng mga Jinn at tao na pumanaw na noong una. Katotohanan, silang lahat ay talunan

وَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا لَا تَسْمَعُوا لِهَٰذَا الْقُرْآنِ وَالْغَوْا فِيهِ لَعَلَّكُمْ تَغْلِبُونَ(26)

Ang mga hindi sumasampalataya ay nagsasabi: “Huwag kayong makinig sa Qur’an, at kayo ay mangusap sa gitna nang (pagbasa) nito, upang kayo ay maging nakakaangat!”

فَلَنُذِيقَنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا عَذَابًا شَدِيدًا وَلَنَجْزِيَنَّهُمْ أَسْوَأَ الَّذِي كَانُوا يَعْمَلُونَ(27)

Datapuwa’t walang pagsala na Aming igagawad sa mga hindi sumasampalataya ang lasa ng matinding kaparusahan, at Aming susuklian sila sa pinakamasasama nilang gawa

ذَٰلِكَ جَزَاءُ أَعْدَاءِ اللَّهِ النَّارُ ۖ لَهُمْ فِيهَا دَارُ الْخُلْدِ ۖ جَزَاءً بِمَا كَانُوا بِآيَاتِنَا يَجْحَدُونَ(28)

Ito ang kabayaran sa mga kaaway ni Allah, ang Apoy; dito ay sasakanila ang walang hanggang tahanan; isang (angkop) na kabayaran sa ginawa nilang pagtatakwil sa Aming Ayat (mga tanda, kapahayagan, katibayan, aral, atbp)

وَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا رَبَّنَا أَرِنَا اللَّذَيْنِ أَضَلَّانَا مِنَ الْجِنِّ وَالْإِنسِ نَجْعَلْهُمَا تَحْتَ أَقْدَامِنَا لِيَكُونَا مِنَ الْأَسْفَلِينَ(29)

At ang mga hindi sumasampalataya ay magsasabi: “Aming Panginoon! Ipakita Ninyo sa Amin ang mga Jinn at tao na nagligaw sa amin; aming dudurugin sila sa ilalim ng kanilang mga paa, upang sila ay maging pinakamababa sa kaabahan.”

إِنَّ الَّذِينَ قَالُوا رَبُّنَا اللَّهُ ثُمَّ اسْتَقَامُوا تَتَنَزَّلُ عَلَيْهِمُ الْمَلَائِكَةُ أَلَّا تَخَافُوا وَلَا تَحْزَنُوا وَأَبْشِرُوا بِالْجَنَّةِ الَّتِي كُنتُمْ تُوعَدُونَ(30)

Katotohanan! Sila na nagsasabi: “Ang aming Panginoon ay si Allah (lamang),” at higit pa rito ay nag- Istaqamu (tumindig nang matuwid, alalaong baga, tunay na sumusunod sa Relihiyon ng Islam at naniniwala sa Kaisahan ni Allah at sumasamba lamang sa Kanya, at matimtiman sa kabutihan), ang mga anghel ay papanaog sa kanila (sa sandali nang kanilang kamatayan, na nagsasabi): “Huwag kayong mangamba, gayundin ang malumbay! Datapuwa’t inyong tanggapin ang magandang balita ng Halamanan (Paraiso) na sa inyo ay ipinangako!”

نَحْنُ أَوْلِيَاؤُكُمْ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا وَفِي الْآخِرَةِ ۖ وَلَكُمْ فِيهَا مَا تَشْتَهِي أَنفُسُكُمْ وَلَكُمْ فِيهَا مَا تَدَّعُونَ(31)

Kami ang inyong naging tagapangalaga sa buhay sa mundong ito at (gayundin) sa Kabilang Buhay; dito ay sasainyo ang lahat ninyong naisin; dito ay sasainyo ang lahat ninyong hihilingin

نُزُلًا مِّنْ غَفُورٍ رَّحِيمٍ(32)

“Isang mabiyayang gantimpala mula sa Nag-iisang (si Allah), ang Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain!”

وَمَنْ أَحْسَنُ قَوْلًا مِّمَّن دَعَا إِلَى اللَّهِ وَعَمِلَ صَالِحًا وَقَالَ إِنَّنِي مِنَ الْمُسْلِمِينَ(33)

Sino baga kaya ang higit na mabuti sa pagsasalita maliban sa kanya na nananawagan (sa mga tao) tungkol kay Allah, at gumagawa ng kabutihan at nagsasabi: “Ako ay isa sa mga Muslim (sumusuko sa Islam).”

وَلَا تَسْتَوِي الْحَسَنَةُ وَلَا السَّيِّئَةُ ۚ ادْفَعْ بِالَّتِي هِيَ أَحْسَنُ فَإِذَا الَّذِي بَيْنَكَ وَبَيْنَهُ عَدَاوَةٌ كَأَنَّهُ وَلِيٌّ حَمِيمٌ(34)

Ang mabuting gawa at masamang gawa ay hindi magkatulad. Talikdan (ang masama) sa isang bagay na mabuti (alalaong baga, si Allah ay nag-utos sa mga matimtiman na sumasampalataya na maging matiisin sa panahon ng pagkagalit at pagpaumanhinan sila na nakikitungo sa kanila ng hindi mabuti), at katotohanan na siya, sa pagitan ng sinuman at kayo na mayroong pagkagalit noon, (ay mangyayari) na tila ba siya ay dati nang malapit na kaibigan

وَمَا يُلَقَّاهَا إِلَّا الَّذِينَ صَبَرُوا وَمَا يُلَقَّاهَا إِلَّا ذُو حَظٍّ عَظِيمٍ(35)

Datapuwa’t walang bibigyan nito (ng katangiang nabanggit sa itaas) maliban sa mga matitiyaga, at walang sinuman ang bibigyan nito maliban sa nagmamay-ari ng malaking bahagi (ng kaligayahan sa Kabilang Buhay, alalaong baga, sa Paraiso at sa buhay na ito ng isang mataas na pag-uugali)

وَإِمَّا يَنزَغَنَّكَ مِنَ الشَّيْطَانِ نَزْغٌ فَاسْتَعِذْ بِاللَّهِ ۖ إِنَّهُ هُوَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ(36)

At kung ang masamang bulong sa iyo ni Satanas ay magtangka na ikaw ay tumalikod (o Muhammad, [sa paggawa ng kabutihan]), kung gayon, ikaw ay humanap ng pagkalinga kay Allah. Katotohanang Siya ang Ganap na Nakakarinig, ang Ganap na Nakakamasid

وَمِنْ آيَاتِهِ اللَّيْلُ وَالنَّهَارُ وَالشَّمْسُ وَالْقَمَرُ ۚ لَا تَسْجُدُوا لِلشَّمْسِ وَلَا لِلْقَمَرِ وَاسْجُدُوا لِلَّهِ الَّذِي خَلَقَهُنَّ إِن كُنتُمْ إِيَّاهُ تَعْبُدُونَ(37)

At ang ilan sa Kanyang mga Tanda ay ang gabi at liwanag, ang araw at buwan. Huwag kang magpatirapa sa araw gayundin sa buwan, datapuwa’t magpatirapa ka lamang kay Allah na Siyang lumikha sa kanila, kung ikaw (ay tunay) na sumasamba sa Kanya

فَإِنِ اسْتَكْبَرُوا فَالَّذِينَ عِندَ رَبِّكَ يُسَبِّحُونَ لَهُ بِاللَّيْلِ وَالنَّهَارِ وَهُمْ لَا يَسْأَمُونَ ۩(38)

Datapuwa’t kung sila ay lubhang palalo (na isagawa ito), kung gayon, ay mayroong (mga anghel) na nasa (paligid) ng iyong Panginoon na lumuluwalhati sa Kanya sa gabi at araw, at sila kailanman ay hindi nangapapagal

وَمِنْ آيَاتِهِ أَنَّكَ تَرَى الْأَرْضَ خَاشِعَةً فَإِذَا أَنزَلْنَا عَلَيْهَا الْمَاءَ اهْتَزَّتْ وَرَبَتْ ۚ إِنَّ الَّذِي أَحْيَاهَا لَمُحْيِي الْمَوْتَىٰ ۚ إِنَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ(39)

At ang ilan sa Kanyang mga Tanda (ay ito), na inyong napagmamasdan ang kalupaan na tuyot, datapuwa’t nang magpamalisbis Kami ng tubig (ulan) sa mga ito, ito ay sumigla sa pagkabuhay at nagpatubo (sa mga halaman). Katotohanang Siya na nagbigay ng buhay, walang pagsala, (Siya) ay makakapagbigay ng buhay sa patay (sa Araw ng Pagbangon). Katotohanan! Siya ay makakagawa ng lahat ng bagay

إِنَّ الَّذِينَ يُلْحِدُونَ فِي آيَاتِنَا لَا يَخْفَوْنَ عَلَيْنَا ۗ أَفَمَن يُلْقَىٰ فِي النَّارِ خَيْرٌ أَم مَّن يَأْتِي آمِنًا يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۚ اعْمَلُوا مَا شِئْتُمْ ۖ إِنَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ(40)

Katotohanan, sila na tumatalikod sa Aming Ayat (mga tanda, kapahayagan, katibayan, aral, atbp.) ay hindi nalilingid sa Amin. Siya kaya na ihahagis sa Apoy ay higit na mainam, o siya kaya na darating na napapangalagaan sa Araw ng Pagkabuhay? Gawin ninyo ang inyong nais. Katotohanan! Siya ang Ganap na Nakakamasid ng inyong ginagawa (ito ay isang matinding babala sa mga hindi sumasampalataya)

إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا بِالذِّكْرِ لَمَّا جَاءَهُمْ ۖ وَإِنَّهُ لَكِتَابٌ عَزِيزٌ(41)

Katotohanan! Sila na hindi nananalig sa Paala-ala (Qur’an) nang ito ay dumatal sa kanila (ay tatanggap ng kaparusahan). At katiyakan na ito ay isang Kapuri-puri at Kagalang-galang na Aklat (sapagkat ito ay Pahayag ni Allah at Kanyang pinangalagaan ito sa anumang pagbabago at kamalian)

لَّا يَأْتِيهِ الْبَاطِلُ مِن بَيْنِ يَدَيْهِ وَلَا مِنْ خَلْفِهِ ۖ تَنزِيلٌ مِّنْ حَكِيمٍ حَمِيدٍ(42)

Ang kasinungalingan ay hindi sasanib dito (Qur’an), maging sa harapan o likuran nito. Ito ay ipinadala ng Isang Tigib ng Karunungan, ng Isang Karapat-dapat sa lahat ng Pagpupuri

مَّا يُقَالُ لَكَ إِلَّا مَا قَدْ قِيلَ لِلرُّسُلِ مِن قَبْلِكَ ۚ إِنَّ رَبَّكَ لَذُو مَغْفِرَةٍ وَذُو عِقَابٍ أَلِيمٍ(43)

wala nang nabanggit sa iyo (o Muhammad), maliban sa nabanggit sa mga Tagapagbalita na nauna sa iyo. Katotohanan, ang iyong Panginoon ang Nagtataglay ng lahat ng pagpapatawad, gayundin ng Paghahawak ng kasakit-sakit na kaparusahan

وَلَوْ جَعَلْنَاهُ قُرْآنًا أَعْجَمِيًّا لَّقَالُوا لَوْلَا فُصِّلَتْ آيَاتُهُ ۖ أَأَعْجَمِيٌّ وَعَرَبِيٌّ ۗ قُلْ هُوَ لِلَّذِينَ آمَنُوا هُدًى وَشِفَاءٌ ۖ وَالَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ فِي آذَانِهِمْ وَقْرٌ وَهُوَ عَلَيْهِمْ عَمًى ۚ أُولَٰئِكَ يُنَادَوْنَ مِن مَّكَانٍ بَعِيدٍ(44)

At kung Aming ipinadala ang Qur’an na ito sa ibang wika na iba sa Arabik, ay kanilang sasabihin: “Bakit ang kanyang mga talata ay hindi ipinaliwanag nang puspos (sa aming wika)? Ano! (Isang aklat) na hindi sa (wikang) Arabik at (ang Tagapagbalita) ay isang Arabo?” Ipagbadya: “Ito ay para sa mga sumasampalataya, isang patnubay at lunas. At sa mga hindi sumasampalataya, ay mayroong kabigatan (pagkabingi) sa kanilang mga tainga, at ito (Qur’an) ay isang pagkabulag sa kanilang (mga mata). Sila (ay wari bang) tinawag sa isang malayong lugar (kaya’t sila ay hindi nakikinig o nakakaunawa)!”

وَلَقَدْ آتَيْنَا مُوسَى الْكِتَابَ فَاخْتُلِفَ فِيهِ ۗ وَلَوْلَا كَلِمَةٌ سَبَقَتْ مِن رَّبِّكَ لَقُضِيَ بَيْنَهُمْ ۚ وَإِنَّهُمْ لَفِي شَكٍّ مِّنْهُ مُرِيبٍ(45)

At katiyakang ibinigay Namin kay Moises ang kasulatan noong pang una; datapuwa’t ang pagtatalo ay sumibol dito. At kung hindi lamang sa Salita na ipinangusap noong una mula sa iyong Panginoon, (ang kanilang pagkakahidwa) ay malaon nang nalutas sa pagitan nila. Datapuwa’t katotohanang sila ay nasa malaking alinlangan dito

مَّنْ عَمِلَ صَالِحًا فَلِنَفْسِهِ ۖ وَمَنْ أَسَاءَ فَعَلَيْهَا ۗ وَمَا رَبُّكَ بِظَلَّامٍ لِّلْعَبِيدِ(46)

Sinuman ang gumawa ng kabutihan, ito ay para sa kapakinabangan ng kanyang sariling kaluluwa; sinumang gumawa ng kabuktutan, ito ay laban sa kanyang sariling kaluluwa. Ang inyong Panginoon ay hindi kailanman naging di-makatarungan (kahit na katiting) sa Kanyang mga lingkod

۞ إِلَيْهِ يُرَدُّ عِلْمُ السَّاعَةِ ۚ وَمَا تَخْرُجُ مِن ثَمَرَاتٍ مِّنْ أَكْمَامِهَا وَمَا تَحْمِلُ مِنْ أُنثَىٰ وَلَا تَضَعُ إِلَّا بِعِلْمِهِ ۚ وَيَوْمَ يُنَادِيهِمْ أَيْنَ شُرَكَائِي قَالُوا آذَنَّاكَ مَا مِنَّا مِن شَهِيدٍ(47)

Ipinagkakatiwala (lamang) sa Kanya (ng mga marurunongnatao) angkaalamansaoras(ng Paghuhukom). walang anumang bunga ng kahoy ang lumabas sa kanyang hibla (balot), gayundin ay walang babae ang nabuntis (sa kanyang sinapupunan), gayundin ay walang nagsilang (ng bata) o nagsibol (ng mura, buko o bubot), na hindi batid ng Kanyang karunungan. At sa Araw na Siya ay tatawag sa kanila(namgapaganoatmapagsambasamgadiyus-diyosan) na (nagsasabi): “Nasaan (ang sinasabi) ninyo na Aking mga katambal?” Sila ay magsasabi: “Ipinaaalam namin sa Inyo na walang sinuman sa amin ang makakapagbigay saksi (na sila ay Inyong mga katambal)!”

وَضَلَّ عَنْهُم مَّا كَانُوا يَدْعُونَ مِن قَبْلُ ۖ وَظَنُّوا مَا لَهُم مِّن مَّحِيصٍ(48)

At ang (mga diyus-diyosan) na nakahiratihan nilang pinananalanginan noon ay bibigo sa kanila, at kanilang mapag-aakala na sila ay walang lugar ng kaligtasan (sa kaparusahan ni Allah)

لَّا يَسْأَمُ الْإِنسَانُ مِن دُعَاءِ الْخَيْرِ وَإِن مَّسَّهُ الشَّرُّ فَيَئُوسٌ قَنُوطٌ(49)

Ang tao (na walang pananalig) ay hindi nahahapo sa paghingi ng mabuting bagay (mula kay Allah), datapuwa’t kung ang kasawian ay dumatal sa kanya, ganap siyang nawawalan ng pag-asa at nagiging talunan sa kawalan ng pag-asa

وَلَئِنْ أَذَقْنَاهُ رَحْمَةً مِّنَّا مِن بَعْدِ ضَرَّاءَ مَسَّتْهُ لَيَقُولَنَّ هَٰذَا لِي وَمَا أَظُنُّ السَّاعَةَ قَائِمَةً وَلَئِن رُّجِعْتُ إِلَىٰ رَبِّي إِنَّ لِي عِندَهُ لَلْحُسْنَىٰ ۚ فَلَنُنَبِّئَنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا بِمَا عَمِلُوا وَلَنُذِيقَنَّهُم مِّنْ عَذَابٍ غَلِيظٍ(50)

At kung ipalasap Namin sa kanya ang ilang habag mula sa Amin, pagkaraan na ang ilang kahirapan (paghihikahos o karamdaman, atbp.) ay dumatal sa kanya, katiyakan na kanyang sasabihin: “Ito ay dahilan sa aking (kagalingan); hindi ko iniisip na ang oras (Araw ng Paghuhukom) ay mangyayari, datapuwa’t kung ako man ay ibabalik sa aking Panginoon, katotohanang sasaakin ang pinakamainam (kayamanan, atbp.) sa Kanyang paningin!” Datapuwa’t Aming ipamamalas sa mga hindi sumasampalataya ang katotohanan ng lahat nilang ginawa, at Aming igagawad sa kanila ang lasa ng matinding kaparusahan

وَإِذَا أَنْعَمْنَا عَلَى الْإِنسَانِ أَعْرَضَ وَنَأَىٰ بِجَانِبِهِ وَإِذَا مَسَّهُ الشَّرُّ فَذُو دُعَاءٍ عَرِيضٍ(51)

At kung Aming igawad ang mga pabuya sa tao, siya ay tumatalikod at lumalayo; datapuwa’t kung ang kasamaan ay sumapit sa kanya, (siya ay lumalapit) sa mahabang pagdarasal

قُلْ أَرَأَيْتُمْ إِن كَانَ مِنْ عِندِ اللَّهِ ثُمَّ كَفَرْتُم بِهِ مَنْ أَضَلُّ مِمَّنْ هُوَ فِي شِقَاقٍ بَعِيدٍ(52)

Ipagbadya: “Nakikita mo ba kung ito (ang Qur’an) ay (katiyakang) mula kay Allah, magkagayunman ay iyong itinatakwil ito? Sino pa kaya ang higit na naliligaw maliban sa kanya na nasa malayong pagtutol (sa Tuwid na Landas at pagsunod kay Allah)

سَنُرِيهِمْ آيَاتِنَا فِي الْآفَاقِ وَفِي أَنفُسِهِمْ حَتَّىٰ يَتَبَيَّنَ لَهُمْ أَنَّهُ الْحَقُّ ۗ أَوَلَمْ يَكْفِ بِرَبِّكَ أَنَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ شَهِيدٌ(53)

Hindi magtatagal ay ipakikita Namin sa kanila ang Aming mga Tanda sa buong santinakpan at sa kanilang sariling kaluluwa hanggang sa ito ay maging maliwanag sa kanila na ito (Qur’an) ang katotohanan. Hindi pa ba sapat na ang inyong Panginoon ang saksi sa lahat ng bagay

أَلَا إِنَّهُمْ فِي مِرْيَةٍ مِّن لِّقَاءِ رَبِّهِمْ ۗ أَلَا إِنَّهُ بِكُلِّ شَيْءٍ مُّحِيطٌ(54)

Katotohanan! Sila ay nag-aalinlangan tungkol sa Pakikipagtipan sa kanilang Panginoon? (alalaong baga, ang Muling Pagkabuhay pagkatapos ng kamatayan at ang kanilang pagbabalik sa kanilang Panginoon). Katotohanang Siya ang nakakasakop sa lahat ng bagay


المزيد من السور باللغة الفلبينية:

سورة البقرة آل عمران سورة النساء
سورة المائدة سورة يوسف سورة ابراهيم
سورة الحجر سورة الكهف سورة مريم
سورة السجدة سورة يس سورة الدخان
سورة النجم سورة الرحمن سورة الواقعة
سورة الحشر سورة الملك سورة الحاقة

تحميل سورة فصلت بصوت أشهر القراء :

قم باختيار القارئ للاستماع و تحميل سورة فصلت كاملة بجودة عالية
سورة فصلت أحمد العجمي
أحمد العجمي
سورة فصلت خالد الجليل
خالد الجليل
سورة فصلت سعد الغامدي
سعد الغامدي
سورة فصلت سعود الشريم
سعود الشريم
سورة فصلت عبد الباسط عبد الصمد
عبد الباسط
سورة فصلت عبد الله عواد الجهني
عبد الله الجهني
سورة فصلت علي الحذيفي
علي الحذيفي
سورة فصلت فارس عباد
فارس عباد
سورة فصلت ماهر المعيقلي
ماهر المعيقلي
سورة فصلت محمد جبريل
محمد جبريل
سورة فصلت محمد صديق المنشاوي
المنشاوي
سورة فصلت الحصري
الحصري
سورة فصلت العفاسي
مشاري العفاسي
سورة فصلت ناصر القطامي
ناصر القطامي
سورة فصلت ياسر الدوسري
ياسر الدوسري



Wednesday, December 18, 2024

لا تنسنا من دعوة صالحة بظهر الغيب