حم(1) Ha, Mim (mga titik Ha, Ma) |
تَنزِيلُ الْكِتَابِ مِنَ اللَّهِ الْعَزِيزِ الْحَكِيمِ(2) Ang kapahayagan ng Aklat (ang Qur’an) ay mula kay Allah, ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Sukdol sa Karunungan |
مَا خَلَقْنَا السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ وَمَا بَيْنَهُمَا إِلَّا بِالْحَقِّ وَأَجَلٍ مُّسَمًّى ۚ وَالَّذِينَ كَفَرُوا عَمَّا أُنذِرُوا مُعْرِضُونَ(3) Hindi Namin nilikha ang kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito ng walang kadahilanan (maliban sa katotohanan), at sa isang natatakdaang panahon, datapuwa’t sila na nagtatakwil sa pananampalataya ay tumatalikod sa bagay na sila ay binabalaan |
قُلْ أَرَأَيْتُم مَّا تَدْعُونَ مِن دُونِ اللَّهِ أَرُونِي مَاذَا خَلَقُوا مِنَ الْأَرْضِ أَمْ لَهُمْ شِرْكٌ فِي السَّمَاوَاتِ ۖ ائْتُونِي بِكِتَابٍ مِّن قَبْلِ هَٰذَا أَوْ أَثَارَةٍ مِّنْ عِلْمٍ إِن كُنتُمْ صَادِقِينَ(4) Ipagbadya (o Muhammad sa mga paganong ito): “Magsipag-isip! Ang lahat ng inyong tinatawagan maliban pa kay Allah ay inyong ipamalas sa akin! Ano ang kanilang nilikha sa kalupaan? o sila ba ay may bahagi (sa paglikha) sa kalangitan? dalhin ninyo sa Akin ang isang Aklat (na ipinahayag) nang una pa rito, o ng anumang latak ng karunungan (na mayroon kayo), kung kayo ay nagpapahayag ng katotohanan!” |
وَمَنْ أَضَلُّ مِمَّن يَدْعُو مِن دُونِ اللَّهِ مَن لَّا يَسْتَجِيبُ لَهُ إِلَىٰ يَوْمِ الْقِيَامَةِ وَهُمْ عَن دُعَائِهِمْ غَافِلُونَ(5) At sino baga kaya ang higit na napapaligaw maliban sa kanya na nananawagan sa iba maliban pa kay Allah, (sa kanila) na hindi makakapagbigay sa kanya ng kasagutan hanggang sa Araw ng Paghuhukom, at hindi (man lamang) nakakaalam sa kanilang mga panawagan (sa kanila) |
وَإِذَا حُشِرَ النَّاسُ كَانُوا لَهُمْ أَعْدَاءً وَكَانُوا بِعِبَادَتِهِمْ كَافِرِينَ(6) At kung ang sangkatauhan ay tipunin nang sama-sama (sa Araw ng Muling Pagkabuhay), sila (na mga huwad na diyus-diyosan) ay magiging mabagsik sa kanila (bilang kaaway) at itatatwa nila ang pagsamba (ng mga tao) sa kanila |
وَإِذَا تُتْلَىٰ عَلَيْهِمْ آيَاتُنَا بَيِّنَاتٍ قَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا لِلْحَقِّ لَمَّا جَاءَهُمْ هَٰذَا سِحْرٌ مُّبِينٌ(7) At kung ang Aming Maliwanag na mga Talata ay dinadalit sa kanila, ang mga hindi sumasampalataya ay nagsasabi kung ang katotohanan (ang Qur’an) ay sumapit sa kanila: “Ito ay maliwanag na salamangka!” |
أَمْ يَقُولُونَ افْتَرَاهُ ۖ قُلْ إِنِ افْتَرَيْتُهُ فَلَا تَمْلِكُونَ لِي مِنَ اللَّهِ شَيْئًا ۖ هُوَ أَعْلَمُ بِمَا تُفِيضُونَ فِيهِ ۖ كَفَىٰ بِهِ شَهِيدًا بَيْنِي وَبَيْنَكُمْ ۖ وَهُوَ الْغَفُورُ الرَّحِيمُ(8) At sila ba ay nagsasabi: “Hinuwad (kinopya) lamang niya (Muhammad) ito!” Ipagbadya: “Kung hinuwad ko lamang ito, magkagayunman, kayo ay walang kapangyarihan na patunayan ako laban kay Allah. Lubos Niyang batid kung ano ang inyong pinag-uusapan tungkol dito (Qur’an). Sapat na Siya bilang isang Saksi sa pagitan ko at ninyo! At Siya ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Tigib ng Habag.” |
قُلْ مَا كُنتُ بِدْعًا مِّنَ الرُّسُلِ وَمَا أَدْرِي مَا يُفْعَلُ بِي وَلَا بِكُمْ ۖ إِنْ أَتَّبِعُ إِلَّا مَا يُوحَىٰ إِلَيَّ وَمَا أَنَا إِلَّا نَذِيرٌ مُّبِينٌ(9) Ipagbadya (o Muhammad): “Ako ay hindi naiiba sa mga Tagapagbalita (ni Allah, at ako ay hindi unang Tagapagbalita), gayundin ay hindi ko nalalaman kung ano ang magaganap sa akin o sa inyo. Sinusunod ko lamang kung ano ang ipinahayag sa akin at ako ay isa lamang lantad na Tagapagbabala |
قُلْ أَرَأَيْتُمْ إِن كَانَ مِنْ عِندِ اللَّهِ وَكَفَرْتُم بِهِ وَشَهِدَ شَاهِدٌ مِّن بَنِي إِسْرَائِيلَ عَلَىٰ مِثْلِهِ فَآمَنَ وَاسْتَكْبَرْتُمْ ۖ إِنَّ اللَّهَ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الظَّالِمِينَ(10) Ipagbadya: “Nakikita ba ninyo (at inyong sabihin sa akin)! Kung ang aral na ito (ang Qur’an) ay mula kay Allah, at itinatakwil ninyo ito, at ang isang saksi mula sa Angkan ng Israel (Abdullah bin Salam) ay nagpapatunay na ang Qur’an (na ito) ay mula kay Allah (na nakakahawig ng Torah, ang naunang Kasulatan), at sumampalataya rito (yumakap sa Islam), habang kayo ay lubhang mapagpaimbabaw (upang manalig).” Katotohanang si Allah ay hindi namamatnubay sa mga tao na Zalimun (mapagsamba sa mga diyus-diyosan, walang pananalig, mapaggawa ng kamalian, hindi makatarungan, atbp) |
وَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا لِلَّذِينَ آمَنُوا لَوْ كَانَ خَيْرًا مَّا سَبَقُونَا إِلَيْهِ ۚ وَإِذْ لَمْ يَهْتَدُوا بِهِ فَسَيَقُولُونَ هَٰذَا إِفْكٌ قَدِيمٌ(11) Ang mga hindi sumasampalataya (malakas at mayaman) ay nagsasabi sa mga sumasampalataya (mahina at mahirap): “Kung ang kalatas (na ito, ang Islam na siyang ipinararating ni Propeta Muhammad) ay tunay na magandang bagay, (ang mga taong ito na mahina at mahirap) ay hindi dapat na nauna pa sa amin! At nang hindi nila hinayaan na ang kanilang sarili ay mapatnubayan (ng Qur’an), sila ay nagsasabi: “Ito ay isang sinaunang kasinungalingan!” |
وَمِن قَبْلِهِ كِتَابُ مُوسَىٰ إِمَامًا وَرَحْمَةً ۚ وَهَٰذَا كِتَابٌ مُّصَدِّقٌ لِّسَانًا عَرَبِيًّا لِّيُنذِرَ الَّذِينَ ظَلَمُوا وَبُشْرَىٰ لِلْمُحْسِنِينَ(12) At bago pa rito ay (mayroong) Aklat ni Moises bilang isang patnubay at habag, at ang Aklat na ito (ang Qur’an), sa dilang Arabik, ang nagpapatotoo (roon sa unang Aklat), upang mapaalalahanan ang mga hindi makatarungan, at bilang isang magandang balita sa Muhsinun (mga nagsisigawa ng kabutihan) |
إِنَّ الَّذِينَ قَالُوا رَبُّنَا اللَّهُ ثُمَّ اسْتَقَامُوا فَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ(13) Katotohanan, sila na nagsasabi: “Ang aming Panginoon ay (tanging) si Allah”, at sa ganito ay nag-Istaqamu (nananatiling matimtiman, at naninindigan nang matatag at matuwid sa tamang landas, sa Pananalig sa Islam at Kaisahan ni Allah, at nagsisigawa ng kabutihan at umiiwas sa lahat ng mga kasalanan), sa kanila ay walang pangangamba at walang pagdurusa |
أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ الْجَنَّةِ خَالِدِينَ فِيهَا جَزَاءً بِمَا كَانُوا يَعْمَلُونَ(14) Sila ang magsisipanahan sa Halamanan (Paraiso), at mananatili rito ng walang hanggan, bilang isang kabayaran sa kanilang mabubuting gawa |
وَوَصَّيْنَا الْإِنسَانَ بِوَالِدَيْهِ إِحْسَانًا ۖ حَمَلَتْهُ أُمُّهُ كُرْهًا وَوَضَعَتْهُ كُرْهًا ۖ وَحَمْلُهُ وَفِصَالُهُ ثَلَاثُونَ شَهْرًا ۚ حَتَّىٰ إِذَا بَلَغَ أَشُدَّهُ وَبَلَغَ أَرْبَعِينَ سَنَةً قَالَ رَبِّ أَوْزِعْنِي أَنْ أَشْكُرَ نِعْمَتَكَ الَّتِي أَنْعَمْتَ عَلَيَّ وَعَلَىٰ وَالِدَيَّ وَأَنْ أَعْمَلَ صَالِحًا تَرْضَاهُ وَأَصْلِحْ لِي فِي ذُرِّيَّتِي ۖ إِنِّي تُبْتُ إِلَيْكَ وَإِنِّي مِنَ الْمُسْلِمِينَ(15) At Aming itinagubilin sa tao ang magpakita ng kabutihan at pagkamasunurin sa kanyang mga magulang. Sa pagbabata ng sakit, ang kanyang ina ay nagdalang tao sa kanya, at sa hirap ay (kanyang) isinilang siya. Ang pagpapalaki (pagpapasuso) sa kanya (bata) sa loob ng tatlumpung buwan, at sa kalaunan, kung siya ay sumapit na sa gulang ng hustong lakas at dumating na sa apatnapung taon, siya ay nagsasabi: “o aking Panginoon! Ako ay gawaran Ninyo ng lakas at kakayahan upang ako ay magkaroon ng pasasalamat sa Inyong mga biyaya na Inyong iginawad sa akin at sa aking mga magulang, at upang ako ay makagawa ng kabutihan, na magiging kalugud-lugod sa Inyo, at gayundin naman, na ang aking anak ay maging mabuti. Katotohanang ako ay naninikluhod sa Inyo sa pagsisisi, at katotohanan na isa ako sa mga Muslim (na tumatalima sa Inyong kalooban).” |
أُولَٰئِكَ الَّذِينَ نَتَقَبَّلُ عَنْهُمْ أَحْسَنَ مَا عَمِلُوا وَنَتَجَاوَزُ عَن سَيِّئَاتِهِمْ فِي أَصْحَابِ الْجَنَّةِ ۖ وَعْدَ الصِّدْقِ الَّذِي كَانُوا يُوعَدُونَ(16) Sila (ang mga tao) na Aming tatanggapin ang kanilang mabubuting gawa at kaliligtaan Namin ang kanilang masasamang gawa. Sila ang mananahan sa Paraiso, isang pangako ng katotohanan, na sa kanila ay (Aming) ipinangako |
وَالَّذِي قَالَ لِوَالِدَيْهِ أُفٍّ لَّكُمَا أَتَعِدَانِنِي أَنْ أُخْرَجَ وَقَدْ خَلَتِ الْقُرُونُ مِن قَبْلِي وَهُمَا يَسْتَغِيثَانِ اللَّهَ وَيْلَكَ آمِنْ إِنَّ وَعْدَ اللَّهِ حَقٌّ فَيَقُولُ مَا هَٰذَا إِلَّا أَسَاطِيرُ الْأَوَّلِينَ(17) Datapuwa’t siya na nagsasabi sa kanyang magulang: “Kapwa kayo sumpain! Kayo baga ay nananangan sa pangako sa akin na ako ay muling ibabangon (mula sa kamatayan), kahima’t ang maraming sali’t saling lahi ay namatay na noon pang una (na hindi naman nagbangon sa muling pagkabuhay)?” At sila ay nanalangin ng tulong ni Allah (at sumalansang sa kanilang anak): “Kasawian sa iyo! Magkaroon ka ng pananalig! Katiyakan, ang pangako ni Allah ay katotohanan.” Subalit siya ay nagsabi: “Ito ay wala ng iba maliban sa mga kuwento ng panahong sinauna!” |
أُولَٰئِكَ الَّذِينَ حَقَّ عَلَيْهِمُ الْقَوْلُ فِي أُمَمٍ قَدْ خَلَتْ مِن قَبْلِهِم مِّنَ الْجِنِّ وَالْإِنسِ ۖ إِنَّهُمْ كَانُوا خَاسِرِينَ(18) Sila yaong ang Salita (ng Kaparusahan) laban sa kanila ay makatwiran sa lipon ng mga nakaraang henerasyon ng mga Jinn at tao na nangamatay na. Katotohanang sila ang mga talunan |
وَلِكُلٍّ دَرَجَاتٌ مِّمَّا عَمِلُوا ۖ وَلِيُوَفِّيَهُمْ أَعْمَالَهُمْ وَهُمْ لَا يُظْلَمُونَ(19) At sa lahat ay mayroon mga antas ayon sa kanilang mga ginawa, upang Kanyang (Allah) magantimpalaan sila nang ganap sa kanilang mga gawa, at walang anumang di katarungan ang igagawad sa kanila |
وَيَوْمَ يُعْرَضُ الَّذِينَ كَفَرُوا عَلَى النَّارِ أَذْهَبْتُمْ طَيِّبَاتِكُمْ فِي حَيَاتِكُمُ الدُّنْيَا وَاسْتَمْتَعْتُم بِهَا فَالْيَوْمَ تُجْزَوْنَ عَذَابَ الْهُونِ بِمَا كُنتُمْ تَسْتَكْبِرُونَ فِي الْأَرْضِ بِغَيْرِ الْحَقِّ وَبِمَا كُنتُمْ تَفْسُقُونَ(20) At sa Araw na ang mga hindi sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) ay ihahagis sa Apoy, (sa kanila ay ipahahayag): “Inaksaya ninyo ang inyong mabubuting bagay sa buhay sa mundong ito at nagdanas kayo ng kasiyahan dito. Ngayon, sa Araw na ito, kayo ay susuklian ng kabayaran ng may parusa ng kaabahan sapagkat kayo ay naging mayabang ng walang karapatan sa kalupaan at sapagkat kayo ay tandisang sumuway at naghimagsik (kay Allah).” |
۞ وَاذْكُرْ أَخَا عَادٍ إِذْ أَنذَرَ قَوْمَهُ بِالْأَحْقَافِ وَقَدْ خَلَتِ النُّذُرُ مِن بَيْنِ يَدَيْهِ وَمِنْ خَلْفِهِ أَلَّا تَعْبُدُوا إِلَّا اللَّهَ إِنِّي أَخَافُ عَلَيْكُمْ عَذَابَ يَوْمٍ عَظِيمٍ(21) At gunitain si Hud, ang isang kapatid na lalaki ni A’ad. Pagmasdan! Pinagsabihan niya ang kanyang mga tao sa tabi ng landas ng Al-Ahqaf (ang liku-liko at mabuhanging burol sa timog na bahagi ng Arabeng kalupaan). At katiyakang mayroon din silang mga Tagapagpaala-ala na pumanaw na bago pa sa kanya (na nagsasabi): “Sambahin ninyo si Allah at wala ng iba, katotohanang pinangangambahan ko sa inyo ang kaparusahan ng dakilang Araw.” |
قَالُوا أَجِئْتَنَا لِتَأْفِكَنَا عَنْ آلِهَتِنَا فَأْتِنَا بِمَا تَعِدُنَا إِن كُنتَ مِنَ الصَّادِقِينَ(22) Sila ay nagsasabi: “Ikaw ba ay naparito upang aming talikdan ang aming mga diyos? Kung gayon, ganapin mo sa amin (ang kapinsalaan o kalamidad) na iyong ipinananakot sa amin kung ikaw ay nagsasabi ng katotohanan!” |
قَالَ إِنَّمَا الْعِلْمُ عِندَ اللَّهِ وَأُبَلِّغُكُم مَّا أُرْسِلْتُ بِهِ وَلَٰكِنِّي أَرَاكُمْ قَوْمًا تَجْهَلُونَ(23) Ipinagbadya niya (Muhammad): “Ang Karunungan (kung kailan ang Araw na ito ay darating) ay na kay Allah lamang. Ipinahahayag ko sa inyo ang dahilan ng pagsusugo sa akin, datapuwa’t nakikita ko na kayo ay mga tao na walang kaalaman!” |
فَلَمَّا رَأَوْهُ عَارِضًا مُّسْتَقْبِلَ أَوْدِيَتِهِمْ قَالُوا هَٰذَا عَارِضٌ مُّمْطِرُنَا ۚ بَلْ هُوَ مَا اسْتَعْجَلْتُم بِهِ ۖ رِيحٌ فِيهَا عَذَابٌ أَلِيمٌ(24) At nang kanilang mamasdan ang makapal na ulap na pasadsad sa kanilang kapatagan, sila ay nagsabi: “Ang ulap na ito ay magbibigay sa atin ng ulan!” Hindi, ngunit ito (ay ang kalamidad o kaparusahan) na inyong hinahangad na madaliin! Isang hangin na may kasakit- sakit na Kaparusahan |
تُدَمِّرُ كُلَّ شَيْءٍ بِأَمْرِ رَبِّهَا فَأَصْبَحُوا لَا يُرَىٰ إِلَّا مَسَاكِنُهُمْ ۚ كَذَٰلِكَ نَجْزِي الْقَوْمَ الْمُجْرِمِينَ(25) Ang lahat ay mawawasak nito sa pag-uutos ng inyong Panginoon! At sa kinaumagahan, walang mapagmamalas sa kanila maliban sa kanilang wasak na tirahan! Sa ganito Namin sinusuklian ang mga tao na Mujrimun (makasalanan, mapagsamba sa diyus-diyosan, walang pananalig, tampalasan, atbp) |
وَلَقَدْ مَكَّنَّاهُمْ فِيمَا إِن مَّكَّنَّاكُمْ فِيهِ وَجَعَلْنَا لَهُمْ سَمْعًا وَأَبْصَارًا وَأَفْئِدَةً فَمَا أَغْنَىٰ عَنْهُمْ سَمْعُهُمْ وَلَا أَبْصَارُهُمْ وَلَا أَفْئِدَتُهُم مِّن شَيْءٍ إِذْ كَانُوا يَجْحَدُونَ بِآيَاتِ اللَّهِ وَحَاقَ بِهِم مَّا كَانُوا بِهِ يَسْتَهْزِئُونَ(26) At katiyakan, Aming ginawaran sila ng kasaganaan at kapangyarihan na hindi Namin naigawad sa inyo (o Quraish!). At ipinagkaloob Namin sa kanila ang kanilang pandinig (mga tainga), pangmasid (mga mata), puso at katalinuhan, datapuwa’t walang naging kapakinabangan sa kanila ang kanilang pandinig, pangmasid, puso at katalinuhan nang sila ay magpatuloy sa hindi pagtanggap sa Ayat ni Allah (mga Propeta ni Allah, katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.), at sila ay ganap na napalibutan ng mga bagay na kanilang dating nililibak |
وَلَقَدْ أَهْلَكْنَا مَا حَوْلَكُم مِّنَ الْقُرَىٰ وَصَرَّفْنَا الْآيَاتِ لَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ(27) At katotohanang winasak Namin noon pa mang una ang mga bayan (pamayanan) sa paligid ninyo, at (paulit- ulit) na ipinamalas Namin ang Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.) sa (kanila) sa iba’t ibang paraan upang sila ay magbalik loob sa Amin (sa Katotohanan at sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) |
فَلَوْلَا نَصَرَهُمُ الَّذِينَ اتَّخَذُوا مِن دُونِ اللَّهِ قُرْبَانًا آلِهَةً ۖ بَلْ ضَلُّوا عَنْهُمْ ۚ وَذَٰلِكَ إِفْكُهُمْ وَمَا كَانُوا يَفْتَرُونَ(28) Bakit kaya walang dumaratal na tulong para sa kanila mula sa mga sinasamba nilang diyos maliban pa kay Allah, bilang isang paraan ng paglapit (kay Allah)? Hindi, ganap silang naglaho sa kanila (nang dumating ang kaparusahan). At ito ang kanilang kasinungalingan at mga gawang kabulaanan na pinagtagni- tagni lamang (mula sa wala, bago dumating ang kanilang pagkawasak) |
وَإِذْ صَرَفْنَا إِلَيْكَ نَفَرًا مِّنَ الْجِنِّ يَسْتَمِعُونَ الْقُرْآنَ فَلَمَّا حَضَرُوهُ قَالُوا أَنصِتُوا ۖ فَلَمَّا قُضِيَ وَلَّوْا إِلَىٰ قَوْمِهِم مُّنذِرِينَ(29) (At alalahanin) nang isinugo Namin sa iyo (o Muhammad) ang Nafran (tatlo hanggang sampu) na lipon ng Jinn (na tahimik) na nakikinig sa Qur’an, at kung sila ay nakatindig (habang ito ay binabasa), sila ay nagsasabi: “Makinig nang tahimik!” At kung ang paglalahad ay natapos na, sila ay nagsisibalik sa kanilang pamayanan upang sila ay bigyan ng babala |
قَالُوا يَا قَوْمَنَا إِنَّا سَمِعْنَا كِتَابًا أُنزِلَ مِن بَعْدِ مُوسَىٰ مُصَدِّقًا لِّمَا بَيْنَ يَدَيْهِ يَهْدِي إِلَى الْحَقِّ وَإِلَىٰ طَرِيقٍ مُّسْتَقِيمٍ(30) Sila ay nagsasabi: “o aming pamayanan! Katotohanang aming napakinggan ang Aklat (Qur’an) na ipinanaog pagkatapos ni Moises, na nagpapatotoo sa mga ipinahayag bago pa rito. Ito ay namamatnubay sa Katotohanan at sa Matuwid na Landas (Islam) |
يَا قَوْمَنَا أَجِيبُوا دَاعِيَ اللَّهِ وَآمِنُوا بِهِ يَغْفِرْ لَكُم مِّن ذُنُوبِكُمْ وَيُجِرْكُم مِّنْ عَذَابٍ أَلِيمٍ(31) o aming pamayanan! Magsitugon kayo (ng may pagsunod) sa kanya (Muhammad) na nag-aanyaya sa inyo tungo kay Allah, at manalig kayo sa kanya (paniwalaan ang mga ipinadala sa kanya mula kay Allah at sundin siya). Siya (Allah) ay magpapatawad sa inyong mga kamalian at Kanyang iaadya kayo sa kasakit-sakit na kaparusahan (Impiyerno).” |
وَمَن لَّا يُجِبْ دَاعِيَ اللَّهِ فَلَيْسَ بِمُعْجِزٍ فِي الْأَرْضِ وَلَيْسَ لَهُ مِن دُونِهِ أَوْلِيَاءُ ۚ أُولَٰئِكَ فِي ضَلَالٍ مُّبِينٍ(32) At sinuman ang hindi tumugon sa Tagapagpaala-ala ni Allah, siya ay hindi makakatakas sa kalupaan at walang sinumang Auliya (tagapagtanggol, tagapangalaga, atbp.) ang makakapagligtas sa kanya (sa kaparusahan) maliban kay Allah. Sila ang nasa maliwanag na kamalian |
أَوَلَمْ يَرَوْا أَنَّ اللَّهَ الَّذِي خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ وَلَمْ يَعْيَ بِخَلْقِهِنَّ بِقَادِرٍ عَلَىٰ أَن يُحْيِيَ الْمَوْتَىٰ ۚ بَلَىٰ إِنَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ(33) Hindi baga nila napagtatanto na si Allah, na Siyang lumikha ng kalangitan at kalupaan, at hindi kailanman napapagal sa Kanyang mga likha ay makapangyayaring magbigay buhay sa patay? Tunay nga, Siya ay may kapangyarihan sa lahat ng bagay |
وَيَوْمَ يُعْرَضُ الَّذِينَ كَفَرُوا عَلَى النَّارِ أَلَيْسَ هَٰذَا بِالْحَقِّ ۖ قَالُوا بَلَىٰ وَرَبِّنَا ۚ قَالَ فَذُوقُوا الْعَذَابَ بِمَا كُنتُمْ تَكْفُرُونَ(34) At sa Araw na ang mga hindi sumasampalataya ay itatambad sa harap ng Apoy, (sila ay tatanungin): “Hindi baga ito ang katotohanan?”. Sila ay magsisipakli: “Tunay nga, sa pamamagitan ng aming Panginoon!” (Si Allah ay magwiwika): “Kung gayon, inyong tamasahin ang kaparusahan sapagkat kayo ay hindi nagsisampalataya!” |
فَاصْبِرْ كَمَا صَبَرَ أُولُو الْعَزْمِ مِنَ الرُّسُلِ وَلَا تَسْتَعْجِل لَّهُمْ ۚ كَأَنَّهُمْ يَوْمَ يَرَوْنَ مَا يُوعَدُونَ لَمْ يَلْبَثُوا إِلَّا سَاعَةً مِّن نَّهَارٍ ۚ بَلَاغٌ ۚ فَهَلْ يُهْلَكُ إِلَّا الْقَوْمُ الْفَاسِقُونَ(35) Kaya’t ikaw ay maging matimtiman (O Muhammad) na kagaya rin ng mga ginawa (noon) ng mga Tagapagbalita na may matatag na hangarin at huwag mong madaliin ang mga hindi sumasampalataya. Sa Araw na kanilang mamamasdan (ang kaparusahan) na ipinangako sa kanila, (rito ay wari bang) sila ay hindi man lamang nagtagal ng isang oras sa buong maghapon. (Ang iyong tungkulin) ay upang ihatid lamang ang Paala-ala. (O sangkatauhan, ang Qur’an na ito ay isang maliwanag na Tagubilin o Pahayag upang iligtas ninyo ang inyong sarili sa pagkawasak). Datapuwa’t walang mawawasak maliban sa mga tao na Al-Fasiqun (mga lumalabag sa pagmamalabis at mapaghimagsik kay Allah). ProPetA muhAmmAD |