سُورَةٌ أَنزَلْنَاهَا وَفَرَضْنَاهَا وَأَنزَلْنَا فِيهَا آيَاتٍ بَيِّنَاتٍ لَّعَلَّكُمْ تَذَكَّرُونَ(1) (Ito) ang Surah (ng Qur’an) na Aming ipinanaog at Aming ipinagtagubilin (itinakda ang kanyang mga legal na Batas) at dito, Kami ay nagpahayag ng maliliwanag na Ayat (mga katibayan, tanda, aral, talata, atbp.), upang kayo ay makaala-ala |
الزَّانِيَةُ وَالزَّانِي فَاجْلِدُوا كُلَّ وَاحِدٍ مِّنْهُمَا مِائَةَ جَلْدَةٍ ۖ وَلَا تَأْخُذْكُم بِهِمَا رَأْفَةٌ فِي دِينِ اللَّهِ إِن كُنتُمْ تُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ ۖ وَلْيَشْهَدْ عَذَابَهُمَا طَائِفَةٌ مِّنَ الْمُؤْمِنِينَ(2) Ang babae at lalaki na nagkasala ng bawal na pakikipagtalik, hagupitin ang bawat isa sa kanila ng isang daang hampas. Huwag hayaang ang pagkaawa ang pumigil sa inyo sa ganitong kaso, sa kaparusahan na inihatol ni Allah, kung kayo ay sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw. At hayaang ang isang pangkat ng mga sumasampalataya ay makasaksi sa kanilang parusa. (Ang parusang ito ay para sa isang tao na walang asawa na nagkasala ng gayong krimen, datapuwa’t kung ang nagkasala ay mayroong asawa, ang kaparusahan ay batuhin sila hanggang sa mamatay, ayon sa Batas ni Allah) |
الزَّانِي لَا يَنكِحُ إِلَّا زَانِيَةً أَوْ مُشْرِكَةً وَالزَّانِيَةُ لَا يَنكِحُهَا إِلَّا زَانٍ أَوْ مُشْرِكٌ ۚ وَحُرِّمَ ذَٰلِكَ عَلَى الْمُؤْمِنِينَ(3) Ang mangangalunyang lalaki ay hindi nag-aasawa maliban sa isang mangangalunyang babae o Mushrikah at ang mangangalunyang babae ay hindi nag- aasawa ng iba maliban sa mangangalunyang lalaki o Mushrik (ito ay nangangahulugan na kung ang lalaki ay pumayag na mag-asawa o magkaroon ng relasyong seksuwal sa isang Mushrikah [babaeng pagano, mapagsamba sa maraming diyus-diyosan] o isang puta, kung gayon, katotohanang siya ay mangangalunyang lalaki o Mushrik [lalaking pagano, mapagsamba sa maraming diyus-diyosan]). At ang babae na pumayag na mag-asawa (o magkaroon ng relasyong seksuwal) sa isang Mushrik [pagano, mapagsamba sa maraming diyus-diyosan] o isang mangangalunya, kung gayon, siya ay maaaring isang puta o Mushrikah [babaeng pagano, mapagsamba sa maraming diyus-diyosan]. Ang gayong bagay ay ipinagbabawal sa mga sumasampalataya (sa Islam at sa Kaisahan ni Allah) |
وَالَّذِينَ يَرْمُونَ الْمُحْصَنَاتِ ثُمَّ لَمْ يَأْتُوا بِأَرْبَعَةِ شُهَدَاءَ فَاجْلِدُوهُمْ ثَمَانِينَ جَلْدَةً وَلَا تَقْبَلُوا لَهُمْ شَهَادَةً أَبَدًا ۚ وَأُولَٰئِكَ هُمُ الْفَاسِقُونَ(4) At sila na nagpaparatang sa mga malilinis (o birheng) babae, at hindi makapagtanghal ng apat na saksi, hagupitin sila ng walumpung hampas, at itakwil ang kanilang pagsaksi nang lubusan, katotohanang sila ay Fasiqun (mga sinungaling, palasuway, mapaghimagsik kay Allah) |
إِلَّا الَّذِينَ تَابُوا مِن بَعْدِ ذَٰلِكَ وَأَصْلَحُوا فَإِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَّحِيمٌ(5) Maliban sa mga nagsisisi pagkatapos nito at nagsisigawa ng kabutihan, (sa gayon), katotohanang si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, Ang Pinakamaawain |
وَالَّذِينَ يَرْمُونَ أَزْوَاجَهُمْ وَلَمْ يَكُن لَّهُمْ شُهَدَاءُ إِلَّا أَنفُسُهُمْ فَشَهَادَةُ أَحَدِهِمْ أَرْبَعُ شَهَادَاتٍ بِاللَّهِ ۙ إِنَّهُ لَمِنَ الصَّادِقِينَ(6) At sa mga nagpaparatang sa kanilang mga asawang (babae) datapuwa’t wala silang saksi maliban sa kanilang sarili, hayaang ang pagsaksi ng isa sa kanila ay gawing apat na pagsaksi (alalaong baga, sumaksi ng apat na beses) sa (Ngalan) ni Allah na siya ay isa sa mga nagsasabi ng katotohanan |
وَالْخَامِسَةُ أَنَّ لَعْنَتَ اللَّهِ عَلَيْهِ إِن كَانَ مِنَ الْكَاذِبِينَ(7) At ang ikalimang (pagsaksi) ay ang pagluhog sa Sumpa ni Allah sa kanya kung siya ay isa roon sa nagsasabi ng kasinungalingan (laban sa kanya, sa babae) |
وَيَدْرَأُ عَنْهَا الْعَذَابَ أَن تَشْهَدَ أَرْبَعَ شَهَادَاتٍ بِاللَّهِ ۙ إِنَّهُ لَمِنَ الْكَاذِبِينَ(8) Datapuwa’t mapipigilan ang kaparusahan sa kanya (sa babae na batuhin hanggang mamatay) kung siya ay magbibigay saksi ng apat na beses na ang kanyang (asawa) ay nagsasabi ng kasinungalingan |
وَالْخَامِسَةَ أَنَّ غَضَبَ اللَّهِ عَلَيْهَا إِن كَانَ مِنَ الصَّادِقِينَ(9) At ang ikalimang pagsaksi ay manaig sa kanya (babae), ang Poot ni Allah kung ang kanyang asawa (lalaki) ay nagsasabi (pala) ng katotohanan |
وَلَوْلَا فَضْلُ اللَّهِ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَتُهُ وَأَنَّ اللَّهَ تَوَّابٌ حَكِيمٌ(10) At kung hindi lamang sa Pagpapala ni Allah at Kanyang Habag sa inyo (minadali sana Niya ang kaparusahan sa inyo)! At si Allah ang Tanging Siya na tumatanggap ng pagsisisi, ang Pinakamaalam |
إِنَّ الَّذِينَ جَاءُوا بِالْإِفْكِ عُصْبَةٌ مِّنكُمْ ۚ لَا تَحْسَبُوهُ شَرًّا لَّكُم ۖ بَلْ هُوَ خَيْرٌ لَّكُمْ ۚ لِكُلِّ امْرِئٍ مِّنْهُم مَّا اكْتَسَبَ مِنَ الْإِثْمِ ۚ وَالَّذِي تَوَلَّىٰ كِبْرَهُ مِنْهُمْ لَهُ عَذَابٌ عَظِيمٌ(11) Katotohanan! Sila na nagkakalat ng paninirang puri (laban kay Aisha, ang asawa ni Propeta Muhammad) ay isang pangkat sa lipon ninyo. Huwag ninyong isaalang-alang na ito ay masamang bagay sa inyo. Hindi, ito ay mabuti sa inyo. (Alalaong baga, marapat na ang kasinungalingan ay mapatunayan kaysa ang malagay sa eskandalo at kahihiyan). Ang bawat tao sa lipon nila ay babayaran sa anumang kanyang ginawang kasalanan, at sa kanya sa lipon nila na may malaking bahagi (sa kasalanang ito), sasakanya ang higit na malaking parusa |
لَّوْلَا إِذْ سَمِعْتُمُوهُ ظَنَّ الْمُؤْمِنُونَ وَالْمُؤْمِنَاتُ بِأَنفُسِهِمْ خَيْرًا وَقَالُوا هَٰذَا إِفْكٌ مُّبِينٌ(12) Bakit kaya ang mga sumasampalataya, lalaki at babae, kung iyong marinig ito (ang paninirang puri) ay hindi nag- iisip ng mabuti sa kanilang sariling pamayanan at magsabi: “Ang (paratang na ito) ay lantarang kasinungalingan?” |
لَّوْلَا جَاءُوا عَلَيْهِ بِأَرْبَعَةِ شُهَدَاءَ ۚ فَإِذْ لَمْ يَأْتُوا بِالشُّهَدَاءِ فَأُولَٰئِكَ عِندَ اللَّهِ هُمُ الْكَاذِبُونَ(13) Bakit sila hindi nagtanghal ng apat na saksi? dahilan sa sila (ang mga mapanirang puri) ay hindi nakapagpakita ng mga saksi, sila sa katotohanan ay mga sinungaling sa Paningin ni Allah |
وَلَوْلَا فَضْلُ اللَّهِ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَتُهُ فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ لَمَسَّكُمْ فِي مَا أَفَضْتُمْ فِيهِ عَذَابٌ عَظِيمٌ(14) Kung hindi lamang sa Pagpapala ni Allah at Kanyang Habag sa inyo sa mundong ito at sa Kabilang Buhay, isang malaking kaparusahan ang daranasin ninyo dahilan sa inyong mga sinabi |
إِذْ تَلَقَّوْنَهُ بِأَلْسِنَتِكُمْ وَتَقُولُونَ بِأَفْوَاهِكُم مَّا لَيْسَ لَكُم بِهِ عِلْمٌ وَتَحْسَبُونَهُ هَيِّنًا وَهُوَ عِندَ اللَّهِ عَظِيمٌ(15) Nang inyong ipinamamalita ito ng inyong dila, at sinasambit ng inyong bibig na wala naman kayong kaalaman, itinuturing ninyo ito na isang maliit na bagay, datapuwa’t ito ay lubhang malaki sa Paningin ni Allah |
وَلَوْلَا إِذْ سَمِعْتُمُوهُ قُلْتُم مَّا يَكُونُ لَنَا أَن نَّتَكَلَّمَ بِهَٰذَا سُبْحَانَكَ هَٰذَا بُهْتَانٌ عَظِيمٌ(16) At bakit nang inyong marinig ito ay hindi kayo nagsabi ng: “Hindi isang katampatan na kami ay mangusap ng ganito. Luwalhatiin Kayo (OAllah), ito ay isang malaking kasinungalingan.” |
يَعِظُكُمُ اللَّهُ أَن تَعُودُوا لِمِثْلِهِ أَبَدًا إِن كُنتُم مُّؤْمِنِينَ(17) Si Allah ay nagbabawal sa inyo nito, at nagbababala sa inyo na huwag nang ulitin ito o ang katulad nito kahit na kailanman, kung kayo ay sumasampalataya |
وَيُبَيِّنُ اللَّهُ لَكُمُ الْآيَاتِ ۚ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ(18) At si Allah ay gumagawa ng Ayat (mga katibayan, talata, tanda, aral, atbp.) na maging maliwanag sa inyo, at si Allah ang Ganap na Nakakaalam, ang Lubos na Maalam |
إِنَّ الَّذِينَ يُحِبُّونَ أَن تَشِيعَ الْفَاحِشَةُ فِي الَّذِينَ آمَنُوا لَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ ۚ وَاللَّهُ يَعْلَمُ وَأَنتُمْ لَا تَعْلَمُونَ(19) Katotohanan, ang nagnanais na (ang krimen) ng ipinagbabawal na seksuwal na pakikipagtalik ay marapat na ipamahagi (ipamalita o ipagkalat) sa mga sumasampalataya, sila ay tatanggap ng kasakit-sakit na kaparusahan sa mundong ito at sa Kabilang Buhay. At si Allah ang nakakaalam at kayo ay hindi |
وَلَوْلَا فَضْلُ اللَّهِ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَتُهُ وَأَنَّ اللَّهَ رَءُوفٌ رَّحِيمٌ(20) At kung hindi lamang sa Pagpapala ni Allah at Kanyang Habag sa inyo (minadali sana ni Allah ang kaparusahan sa inyo). At si Allah ay Tigib ng Kabaitan, ang Pinakamaawain |
۞ يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَتَّبِعُوا خُطُوَاتِ الشَّيْطَانِ ۚ وَمَن يَتَّبِعْ خُطُوَاتِ الشَّيْطَانِ فَإِنَّهُ يَأْمُرُ بِالْفَحْشَاءِ وَالْمُنكَرِ ۚ وَلَوْلَا فَضْلُ اللَّهِ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَتُهُ مَا زَكَىٰ مِنكُم مِّنْ أَحَدٍ أَبَدًا وَلَٰكِنَّ اللَّهَ يُزَكِّي مَن يَشَاءُ ۗ وَاللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ(21) O kayong sumasampalataya! Huwag ninyong sundan ang mga yapak ni Satanas. At sinumang sumunod sa mga yapak ni Satanas, kung gayon, katotohanang siya ay nag- uulot ng Al Fasha (alalaong baga, ang magkasala ng bawal na relasyong seksuwal, kawalang dangal, kalaswaan), at Al Munkar (kawalan ng paniniwala, pagsamba sa mga diyus-diyosan). At kung hindi lamang sa Pagpapala ni Allah at sa Kanyang Habag sa inyo, walang sinuman sa inyo ang magiging malinis sa mga kasalanan. Datapuwa’t pinadadalisay (ginagabayan sa Islam) ni Allah ang sinumang Kanyang maibigan, at si Allah ang Ganap na Nakakarinig, ang Lubos na Nakakaalam |
وَلَا يَأْتَلِ أُولُو الْفَضْلِ مِنكُمْ وَالسَّعَةِ أَن يُؤْتُوا أُولِي الْقُرْبَىٰ وَالْمَسَاكِينَ وَالْمُهَاجِرِينَ فِي سَبِيلِ اللَّهِ ۖ وَلْيَعْفُوا وَلْيَصْفَحُوا ۗ أَلَا تُحِبُّونَ أَن يَغْفِرَ اللَّهُ لَكُمْ ۗ وَاللَّهُ غَفُورٌ رَّحِيمٌ(22) At huwag hayaan ang mga tao sa lipon ninyo na biniyayaan ng pagpapala at kayamanan ay manumpa na sila ay hindi magbibigay (ng anumang tulong) sa kanilang mga kamag-anak, sa mga mahihirap na namamalimos, at sa mga lumisan sa kanilang mga tahanan dahilan sa Kapakanan ni Allah. Hayaan silang magpatawad at magparaya. Hindi baga ninyo naiibigan na si Allah ay magpatawad sa inyo? At si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain |
إِنَّ الَّذِينَ يَرْمُونَ الْمُحْصَنَاتِ الْغَافِلَاتِ الْمُؤْمِنَاتِ لُعِنُوا فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ وَلَهُمْ عَذَابٌ عَظِيمٌ(23) Katotohanan, ang mga nagpaparatang sa mga malilinis na babae, na hindi man lamang nag-iisip ng anumang bagay na sisira sa kanilang kalinisan, at matuwid na sumasampalataya, sila (na nagpaparatang) ay isinumpa sa buhay na ito at sa Kabilang Buhay, at sa kanila ay nakalaan ang matinding Kaparusahan |
يَوْمَ تَشْهَدُ عَلَيْهِمْ أَلْسِنَتُهُمْ وَأَيْدِيهِمْ وَأَرْجُلُهُم بِمَا كَانُوا يَعْمَلُونَ(24) Sa Araw na ang kanilang dila, ang kanilang kamay, ang kanilang binti at paa ay magbibigay saksi laban sa kanila sa anumang kanilang ginawa |
يَوْمَئِذٍ يُوَفِّيهِمُ اللَّهُ دِينَهُمُ الْحَقَّ وَيَعْلَمُونَ أَنَّ اللَّهَ هُوَ الْحَقُّ الْمُبِينُ(25) Sa Araw na yaon ay babayaran ni Allah nang ganap sa kanila ang ganti ng kanilang mga gawa, at mapag-aalaman nila na si Allah, - Siya ang Maliwanag na Katotohanan |
الْخَبِيثَاتُ لِلْخَبِيثِينَ وَالْخَبِيثُونَ لِلْخَبِيثَاتِ ۖ وَالطَّيِّبَاتُ لِلطَّيِّبِينَ وَالطَّيِّبُونَ لِلطَّيِّبَاتِ ۚ أُولَٰئِكَ مُبَرَّءُونَ مِمَّا يَقُولُونَ ۖ لَهُم مَّغْفِرَةٌ وَرِزْقٌ كَرِيمٌ(26) Ang masasamang pangungusap ay para sa masasamang tao (o ang masasamang babae ay para sa masasamang lalaki) at ang masasamang tao ay para sa masasamang pangungusap (o ang masasamang lalaki ay para sa masasamang babae). Ang mabubuting pangungusap ay para sa mabubuting tao (o ang mabubuting babae ay para sa mabubuting lalaki), at ang mabubuting tao ay para sa mabubuting pangungusap (o ang mabubuting lalaki ay para sa mabubuting babae)!, ang gayong (mabubuting tao) ay walang malay sa (bawat isa at lahat) ng masasamang pangungusap na kanilang inuusal, sasakanila ang Pagpapatawad at Rizqun Karim (mayamang biyaya, alalaong baga, ang Paraiso) |
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَدْخُلُوا بُيُوتًا غَيْرَ بُيُوتِكُمْ حَتَّىٰ تَسْتَأْنِسُوا وَتُسَلِّمُوا عَلَىٰ أَهْلِهَا ۚ ذَٰلِكُمْ خَيْرٌ لَّكُمْ لَعَلَّكُمْ تَذَكَّرُونَ(27) O kayong sumasampalataya! Huwag kayong magsipasok sa mga bahay na hindi sa inyo, hanggang kayo ay hindi nabibigyan ng pahintulot at inyong mabati sila na nandoroon, ito ay higit na mainam sa inyo, upang kayo ay makaala-ala |
فَإِن لَّمْ تَجِدُوا فِيهَا أَحَدًا فَلَا تَدْخُلُوهَا حَتَّىٰ يُؤْذَنَ لَكُمْ ۖ وَإِن قِيلَ لَكُمُ ارْجِعُوا فَارْجِعُوا ۖ هُوَ أَزْكَىٰ لَكُمْ ۚ وَاللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ عَلِيمٌ(28) At kung wala kayong matagpuan doon, gayunpaman, huwag kayong magsipasok hanggang walang naibibigay na pahintulot. At kung kayo ay pagsabihan na magsibalik, kayo ay magsibalik, sapagkat ito ay higit na dalisay sa inyo, at si Allah ang Ganap na Nakakaalam ng inyong ginagawa |
لَّيْسَ عَلَيْكُمْ جُنَاحٌ أَن تَدْخُلُوا بُيُوتًا غَيْرَ مَسْكُونَةٍ فِيهَا مَتَاعٌ لَّكُمْ ۚ وَاللَّهُ يَعْلَمُ مَا تُبْدُونَ وَمَا تَكْتُمُونَ(29) Hindi isang kasalanan sa inyo kung kayo ay magsipasok (ng walang pahintulot) sa mga bahay na hindi na tinitirhan (alalaong baga, walang nagmamay- ari), (kung) kayo ay magnais sa mga ito. At si Allah ang may kaalaman sa inyong inilalantad at inyong inililingid |
قُل لِّلْمُؤْمِنِينَ يَغُضُّوا مِنْ أَبْصَارِهِمْ وَيَحْفَظُوا فُرُوجَهُمْ ۚ ذَٰلِكَ أَزْكَىٰ لَهُمْ ۗ إِنَّ اللَّهَ خَبِيرٌ بِمَا يَصْنَعُونَ(30) Ipahayagsamgasumasampalatayanglalakinaibabanila ang kanilang paningin (sa pagtingin sa mga ipinagbabawal na bagay), at pangalagaan ang kanilang pribadong bahagi (ng katawan, sa mga ipinagbabawal na relasyong seksuwal, atbp.). Ito ay higit na dalisay para sa kanila. Katotohanang si Allah ang Ganap na Nakakatalos ng kanilang ginagawa |
وَقُل لِّلْمُؤْمِنَاتِ يَغْضُضْنَ مِنْ أَبْصَارِهِنَّ وَيَحْفَظْنَ فُرُوجَهُنَّ وَلَا يُبْدِينَ زِينَتَهُنَّ إِلَّا مَا ظَهَرَ مِنْهَا ۖ وَلْيَضْرِبْنَ بِخُمُرِهِنَّ عَلَىٰ جُيُوبِهِنَّ ۖ وَلَا يُبْدِينَ زِينَتَهُنَّ إِلَّا لِبُعُولَتِهِنَّ أَوْ آبَائِهِنَّ أَوْ آبَاءِ بُعُولَتِهِنَّ أَوْ أَبْنَائِهِنَّ أَوْ أَبْنَاءِ بُعُولَتِهِنَّ أَوْ إِخْوَانِهِنَّ أَوْ بَنِي إِخْوَانِهِنَّ أَوْ بَنِي أَخَوَاتِهِنَّ أَوْ نِسَائِهِنَّ أَوْ مَا مَلَكَتْ أَيْمَانُهُنَّ أَوِ التَّابِعِينَ غَيْرِ أُولِي الْإِرْبَةِ مِنَ الرِّجَالِ أَوِ الطِّفْلِ الَّذِينَ لَمْ يَظْهَرُوا عَلَىٰ عَوْرَاتِ النِّسَاءِ ۖ وَلَا يَضْرِبْنَ بِأَرْجُلِهِنَّ لِيُعْلَمَ مَا يُخْفِينَ مِن زِينَتِهِنَّ ۚ وَتُوبُوا إِلَى اللَّهِ جَمِيعًا أَيُّهَ الْمُؤْمِنُونَ لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ(31) At ipahayag sa mga sumasampalatayang babae na ibaba nila ang kanilang paningin (sa pagtingin sa mga ipinagbabawal na bagay) at pangalagaan ang kanilang pribadong bahagi (ng katawan, sa mga ipinagbabawal na relasyong seksuwal, atbp.) at huwag ilantad ang kanilang mga palamuti maliban (lamang) kung ano ang sadyang nakalitaw (katulad ng palad, o mata o dalawang mata upang makita ang daan, o ang panglabas na kasuutan katulad ng belo o takip ng ulo, guwantes, atbp.) at iladlad ang kanilang belo sa buong Juyubihinna (alalaong baga, sa kanilang katawan, mukha, leeg, dibdib, atbp.) at huwag ilantad ang kanilang palamuti maliban lamang sa kanilang asawa, sa kanilang ama, sa ama ng kanilang asawa, sa kanilang anak na lalaki, sa anak na lalaki ng kanilang asawa, sa kanilang kapatid na lalaki at sa mga anak na lalaki ng kanilang kapatid, o sa mga anak na lalaki ng kanilang kapatid na babae, o sa mga kababaihang [Muslim], (alalaong baga, sa kanilang mga kapatid na babae sa Islam), o sa mga (babaeng) alipin na angkin ng kanilang kanang kamay, o mga katulong na matatandang lalaki na hindi na mapusok, o maliliit na batang (lalaki) na wala pang muwang sa kahihiyan sa bagay na seksuwal. At huwag hayaan na ipadyak nila ang kanilang paa upang malantad ang anumang natatago nilang palamuti. At manikluhod kay Allah na kayo ay patawarin (Niyang) lahat, o mga sumasampalataya!, upang kayo ay magsipagtagumpay |
وَأَنكِحُوا الْأَيَامَىٰ مِنكُمْ وَالصَّالِحِينَ مِنْ عِبَادِكُمْ وَإِمَائِكُمْ ۚ إِن يَكُونُوا فُقَرَاءَ يُغْنِهِمُ اللَّهُ مِن فَضْلِهِ ۗ وَاللَّهُ وَاسِعٌ عَلِيمٌ(32) At inyong pangasawahin sa lipon ninyo ang mga wala pang pananagutan (isang lalaki na wala pang asawa at isang babae na wala pang asawa), gayundin ay inyong pangasawahin ang Salihun (matapat, matimtiman at may kakayahan) sa inyong mga aliping (lalaki) at mga katulong (na aliping babae). Kung sila ay maralita, si Allah ang magkakaloob sa kanila ng yaman mula sa Kanyang Kasaganaan. At si Allah ay Sapat nang Tagapanustos sa lahat ng pangangailangan ng Kanyang mga nilikha, ang Lubos na Maalam (hinggil sa katatayuan ng mga tao) |
وَلْيَسْتَعْفِفِ الَّذِينَ لَا يَجِدُونَ نِكَاحًا حَتَّىٰ يُغْنِيَهُمُ اللَّهُ مِن فَضْلِهِ ۗ وَالَّذِينَ يَبْتَغُونَ الْكِتَابَ مِمَّا مَلَكَتْ أَيْمَانُكُمْ فَكَاتِبُوهُمْ إِنْ عَلِمْتُمْ فِيهِمْ خَيْرًا ۖ وَآتُوهُم مِّن مَّالِ اللَّهِ الَّذِي آتَاكُمْ ۚ وَلَا تُكْرِهُوا فَتَيَاتِكُمْ عَلَى الْبِغَاءِ إِنْ أَرَدْنَ تَحَصُّنًا لِّتَبْتَغُوا عَرَضَ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۚ وَمَن يُكْرِههُّنَّ فَإِنَّ اللَّهَ مِن بَعْدِ إِكْرَاهِهِنَّ غَفُورٌ رَّحِيمٌ(33) At hayaan sila, na wala pa sa kalagayan ng pangkabuhayang kakayahan upang mag-asawa, na panatilihin ang kanilang sarili na maging malinis, hanggang si Allah ay magkaloob sa kanila ng yaman mula sa Kanyang Kasaganaan. At sa inyong mga alipin na naghahanap ng kasulatan (ng pagpapalaya), ipagkaloob ninyo sa kanila ang gayong kasulatan, kung inyong batid na sila ay mabuti at mapapagkatiwalaan. At inyong pagkalooban sila ng bahagi ng inyong sariling (yaman) mula sa kayamanan na ipinagkaloob (ni Allah) sa inyo. At huwag ninyong ibulid ang inyong mga katulong na babaesaprostitusyon(pagbibilingpanandaliangaliw), kung sila ay naghahangad ng kalinisan, upang kayo ay magkamit (lamang) ng kapakinabangan (sa naglalahong) paninda ng makamundong buhay na ito. Datapuwa’t kung sinuman ang nag-udyok sa kanila (sa prostitusyon o pagbibili ng panandaliang aliw), at matapos ang gayong pamimilit, si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamahabagin (sa gayong mga babae, alalaong baga, Siya ay magpapatawad sa kanila sapagkat sila ay sapilitang pinagawa ng ganitong kasamaan nang laban sa kanilang kagustuhan) |
وَلَقَدْ أَنزَلْنَا إِلَيْكُمْ آيَاتٍ مُّبَيِّنَاتٍ وَمَثَلًا مِّنَ الَّذِينَ خَلَوْا مِن قَبْلِكُمْ وَمَوْعِظَةً لِّلْمُتَّقِينَ(34) At katotohanang ipinanaog Namin sa inyo ang Ayat (mga katibayan, tanda, aral, talata, atbp.) na nagsasaad upang maging malinaw ang lahat, at ang halimbawa ng (mga tao) na pumanaw nang una pa sa inyo, at bilang isang paala-ala sa Muttaqun (mga matatapat at matimtimang tao na lubos na nangangamba kay Allah, na umiiwas sa lahat ng uri ng kasalanan at kasamaan na Kanyang ipinagbawal at labis na nagmamahal kay Allah, at nagsasagawa ng lahat ng uri ng mabubuting gawa na Kanyang ipinag-utos) |
۞ اللَّهُ نُورُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ مَثَلُ نُورِهِ كَمِشْكَاةٍ فِيهَا مِصْبَاحٌ ۖ الْمِصْبَاحُ فِي زُجَاجَةٍ ۖ الزُّجَاجَةُ كَأَنَّهَا كَوْكَبٌ دُرِّيٌّ يُوقَدُ مِن شَجَرَةٍ مُّبَارَكَةٍ زَيْتُونَةٍ لَّا شَرْقِيَّةٍ وَلَا غَرْبِيَّةٍ يَكَادُ زَيْتُهَا يُضِيءُ وَلَوْ لَمْ تَمْسَسْهُ نَارٌ ۚ نُّورٌ عَلَىٰ نُورٍ ۗ يَهْدِي اللَّهُ لِنُورِهِ مَن يَشَاءُ ۚ وَيَضْرِبُ اللَّهُ الْأَمْثَالَ لِلنَّاسِ ۗ وَاللَّهُ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ(35) Si Allah ang Liwanag ng kalangitan at kalupaan. Ang kahambing ng Kanyang Liwanag ay katulad (ng wari ba ay) mayroong isang lumbo at sa loob nito ay mayroong ilawan, ang ilawan ay nasa loob ng isang salamin, ang salamin ay tila ba isang maningning na bituin, na sinindihan mula sa pinagpalang puno, isang oliba, hindi mula sa silangan (alalaong baga, hindi ito kumukuha ng liwanag ng araw lamang sa umaga), gayundin, hindi mula sa kanluran (alalaong baga, hindi ito kumukuha ng liwanag ng araw lamang sa hapon, bagkus ito ay nakalantad sa araw sa buong maghapon), na ang (kanyang) langis ay mangyayaring magpatuloy na mag-apoy (magningning) [mula sa kanyang sarili], bagama’t walang apoy ang nagsisindi rito. Liwanag mula sa Liwanag! Si Allah ang namamatnubay sa Kanyang Liwanag sa sinumang Kanyang maibigan. At si Allah ay nagpapamalas ng mga paghahambing sa sangkatauhan, at si Allah ang Lubos na Nakakaalam ng lahat ng bagay |
فِي بُيُوتٍ أَذِنَ اللَّهُ أَن تُرْفَعَ وَيُذْكَرَ فِيهَا اسْمُهُ يُسَبِّحُ لَهُ فِيهَا بِالْغُدُوِّ وَالْآصَالِ(36) Sa mga tahanan (moske) na ipinag-utos ni Allah na itindig, na linisin at parangalan, sa mga ito, ang Kanyang Pangalan ay niluluwalhati sa maraming umaga, sa maraming hapon, at sa maraming gabi |
رِجَالٌ لَّا تُلْهِيهِمْ تِجَارَةٌ وَلَا بَيْعٌ عَن ذِكْرِ اللَّهِ وَإِقَامِ الصَّلَاةِ وَإِيتَاءِ الزَّكَاةِ ۙ يَخَافُونَ يَوْمًا تَتَقَلَّبُ فِيهِ الْقُلُوبُ وَالْأَبْصَارُ(37) Ng mga tao, na ang kalakal at pagtitinda ay hindi nakakapagpalimot sa kanila sa Pag- aala-ala kay Allah (sa kanilang dila at puso), gayundin sa pag-aalay ng takdang panalangin (Salah) nang mahinusay, at sa pagbibigay ng Zakah (katungkulang kawanggawa). Sila ay nangangamba sa Araw na ang mga puso at mga mata ay mababaligtad (sa sindak ng Kaparusahan sa Araw ng Muling Pagkabuhay) |
لِيَجْزِيَهُمُ اللَّهُ أَحْسَنَ مَا عَمِلُوا وَيَزِيدَهُم مِّن فَضْلِهِ ۗ وَاللَّهُ يَرْزُقُ مَن يَشَاءُ بِغَيْرِ حِسَابٍ(38) Upang sila ay magantimpalaan ni Allah ayon sa kagalingan ng kanilang mga gawa, at higit pa (Niyang) dagdagan (ang mga ito sa kanila) mula sa Kanyang Biyaya. At si Allah ay nagkakaloob ng walang sukat sa sinumang Kanyang naisin |
وَالَّذِينَ كَفَرُوا أَعْمَالُهُمْ كَسَرَابٍ بِقِيعَةٍ يَحْسَبُهُ الظَّمْآنُ مَاءً حَتَّىٰ إِذَا جَاءَهُ لَمْ يَجِدْهُ شَيْئًا وَوَجَدَ اللَّهَ عِندَهُ فَوَفَّاهُ حِسَابَهُ ۗ وَاللَّهُ سَرِيعُ الْحِسَابِ(39) At sa mga hindi sumasampalataya, ang kanilang mga gawa ay katulad ng mirahe (huwad na tubigan) sa disyerto. Ang (isang) nauuhaw ay nag-aakala na ito ay tubig, hanggang ito ay kanyang sapitin, at wala siyang natagpuan doon, datapuwa’t nasumpungan niya si Allah, na Siyang magbabayad ng sa kanya ay nakalaan (Impiyerno). At si Allah ay Maagap sa Pagsusulit |
أَوْ كَظُلُمَاتٍ فِي بَحْرٍ لُّجِّيٍّ يَغْشَاهُ مَوْجٌ مِّن فَوْقِهِ مَوْجٌ مِّن فَوْقِهِ سَحَابٌ ۚ ظُلُمَاتٌ بَعْضُهَا فَوْقَ بَعْضٍ إِذَا أَخْرَجَ يَدَهُ لَمْ يَكَدْ يَرَاهَا ۗ وَمَن لَّمْ يَجْعَلِ اللَّهُ لَهُ نُورًا فَمَا لَهُ مِن نُّورٍ(40) o (ang katatayuan ng isang hindi sumasampalataya) ay nakakatulad ng kadiliman sa malawak at malalim na karagatan, na nagulantang sa malaking alon na pinaibabawan pa ng higit na malaking alon, na pinaiibabawan ng maiitim na ulap, kadiliman na patong-patong, kung ang isang tao ay mag-uunat ng kanyang kamay, hindi niya ito mababanaagan! At siya na hindi ginawaran ni Allah ng liwanag, sa kanya ay walang magiging liwanag |
أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ يُسَبِّحُ لَهُ مَن فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَالطَّيْرُ صَافَّاتٍ ۖ كُلٌّ قَدْ عَلِمَ صَلَاتَهُ وَتَسْبِيحَهُ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ بِمَا يَفْعَلُونَ(41) Hindi mo ba namamasdan (O Muhammad) na si Allah, Siya ang Tanging niluluwalhati ng anupamang nasa kalangitan at kalupaan, at ng mga ibon na nakabukas ang kanilang mga pakpak (sa kanilang paglipad). Sa bawat isa sa kanila, talastas ni Allah ang kanilang bawat dasal at pagpupuri, at si Allah ang Nakakabatid ng lahat nilang ginagawa |
وَلِلَّهِ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ وَإِلَى اللَّهِ الْمَصِيرُ(42) At si Allah ang nag-aangkin ng kapamahalaan ng kalangitan at kalupaan, at kay Allah ang pagbabalik (ng lahat) |
أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ يُزْجِي سَحَابًا ثُمَّ يُؤَلِّفُ بَيْنَهُ ثُمَّ يَجْعَلُهُ رُكَامًا فَتَرَى الْوَدْقَ يَخْرُجُ مِنْ خِلَالِهِ وَيُنَزِّلُ مِنَ السَّمَاءِ مِن جِبَالٍ فِيهَا مِن بَرَدٍ فَيُصِيبُ بِهِ مَن يَشَاءُ وَيَصْرِفُهُ عَن مَّن يَشَاءُ ۖ يَكَادُ سَنَا بَرْقِهِ يَذْهَبُ بِالْأَبْصَارِ(43) Hindi baga ninyo namamasdan na si Allah ang nagpapausad sa mga ulap ng malumanay, at pinagsasama ang mga ito, at ginagawa ito na patong-patong, at inyong namamasdan ang ulan ay namamalisbis sa pagitan nito. At Kanyang ipinapanaog mula sa alapaap ang mga ulan (ng namumuong tubig) na (tulad) ng mga kabundukan, at ibinubuhos Niya ito sa sinumang Kanyang maibigan, at nagpapahupa nito sa sinumang Kanyang naisin. Ang maliwanag na salipadpad ng kanyang (mga ulap), ang kidlat ay halos makabulag ng paningin |
يُقَلِّبُ اللَّهُ اللَّيْلَ وَالنَّهَارَ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَعِبْرَةً لِّأُولِي الْأَبْصَارِ(44) Si Allah ang nakakapangyari sa gabi at araw upang magsunuran (magsalitan, alalaong baga, darating ang gabi pagkatapos ng umaga, at darating ang umaga pagkatapos ng gabi). Katotohanan, sa mga bagay na ito ay may isang aral sa mga may pangmasid |
وَاللَّهُ خَلَقَ كُلَّ دَابَّةٍ مِّن مَّاءٍ ۖ فَمِنْهُم مَّن يَمْشِي عَلَىٰ بَطْنِهِ وَمِنْهُم مَّن يَمْشِي عَلَىٰ رِجْلَيْنِ وَمِنْهُم مَّن يَمْشِي عَلَىٰ أَرْبَعٍ ۚ يَخْلُقُ اللَّهُ مَا يَشَاءُ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ(45) Si Allah ang lumikha nang lahat ng gumagalaw (buhay) na bagay mula sa tubig. Sa karamihan nila, may mga iba na gumagapang sa kanilang tiyan, ang iba ay lumalakad sa dalawang paa, at ang iba ay lumalakad sa apat. Si Allah ay lumilikha ng Kanyang naisin. Katotohanan! Si Allah ay makakagawa ng lahat ng bagay |
لَّقَدْ أَنزَلْنَا آيَاتٍ مُّبَيِّنَاتٍ ۚ وَاللَّهُ يَهْدِي مَن يَشَاءُ إِلَىٰ صِرَاطٍ مُّسْتَقِيمٍ(46) Katotohanang ipinanaog Namin (sa Qur’an) ang nagliliwanag naAyat (mga katibayan, tanda, aral, talata, atbp.). At si Allah ang namamatnubay sa Matuwid na Landas sa sinumang Kanyang maibigan (alalaong baga, sa pananampalataya ni Allah, sa Kanyang Kaisahan at sa Islam) |
وَيَقُولُونَ آمَنَّا بِاللَّهِ وَبِالرَّسُولِ وَأَطَعْنَا ثُمَّ يَتَوَلَّىٰ فَرِيقٌ مِّنْهُم مِّن بَعْدِ ذَٰلِكَ ۚ وَمَا أُولَٰئِكَ بِالْمُؤْمِنِينَ(47) (Ang mga mapagpaimbabaw) ay nagsasabi: “Kami ay sumampalataya kay Allah at sa Tagapagbalita (Muhammad), at kami ay tumatalima”, ngunit ang isang pangkat sa lipon nila ay tumatalikod, sila ang mga hindi sumasampalataya |
وَإِذَا دُعُوا إِلَى اللَّهِ وَرَسُولِهِ لِيَحْكُمَ بَيْنَهُمْ إِذَا فَرِيقٌ مِّنْهُم مُّعْرِضُونَ(48) At kung sila ay inaanyayahan kay Allah (alalaong baga, sa Kanyang mga Salita, sa Qur’an) at sa Kanyang Tagapagbalita, upang humatol sa pagitan nila, pagmasdan!, ang isang pangkat sa lipon nila ay tumatanggi (na lumapit) at lumalayo |
وَإِن يَكُن لَّهُمُ الْحَقُّ يَأْتُوا إِلَيْهِ مُذْعِنِينَ(49) Datapuwa’t kung ang katuwiran ay nasa kanila, sila ay lumalapit sa kanya nang kusang loob at may pagtanggap |
أَفِي قُلُوبِهِم مَّرَضٌ أَمِ ارْتَابُوا أَمْ يَخَافُونَ أَن يَحِيفَ اللَّهُ عَلَيْهِمْ وَرَسُولُهُ ۚ بَلْ أُولَٰئِكَ هُمُ الظَّالِمُونَ(50) Mayroon bagang karamdaman ang kanilang puso? o sila ba ay nagsasalita ng pag-aalinlangan o nangangamba na marahil, si Allah at ang Kanyang Tagapagbalita ay magbibigay kamalian sa kanila sa paghatol. Hindi, sila ang Zalimun (mga buktot, buhong, pagano, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, atbp) |
إِنَّمَا كَانَ قَوْلَ الْمُؤْمِنِينَ إِذَا دُعُوا إِلَى اللَّهِ وَرَسُولِهِ لِيَحْكُمَ بَيْنَهُمْ أَن يَقُولُوا سَمِعْنَا وَأَطَعْنَا ۚ وَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُفْلِحُونَ(51) Ang tangi lamang sinasambit ng mga matatapat na nananampalataya, kung sila ay tawagin kay Allah (sa Kanyang mga Salita, sa Qur’an) at sa Kanyang Tagapagbalita, upang humatol sa pagitan nila, sila ay nagsasabi: “Kami ay dumirinig at kami ay tumatalima.” At sila ang mga matatagumpay (na mananahan magpakailanman sa Paraiso) |
وَمَن يُطِعِ اللَّهَ وَرَسُولَهُ وَيَخْشَ اللَّهَ وَيَتَّقْهِ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْفَائِزُونَ(52) At sinuman ang sumunod kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita, at may pagkatakot kay Allah at nagpapanatili ng kanyang tungkulin (sa Kanya), sila yaong mga matatagumpay |
۞ وَأَقْسَمُوا بِاللَّهِ جَهْدَ أَيْمَانِهِمْ لَئِنْ أَمَرْتَهُمْ لَيَخْرُجُنَّ ۖ قُل لَّا تُقْسِمُوا ۖ طَاعَةٌ مَّعْرُوفَةٌ ۚ إِنَّ اللَّهَ خَبِيرٌ بِمَا تَعْمَلُونَ(53) Sila ay nanunumpa (sa Ngalan) ni Allah ng kanilang pinakamatibay na panunumpa, na kung inyo lamang silang pag-aatasan, ay iiwan nila ang (kanilang mga tahanan tungo sa pakikipaglaban sa Kapakanan ni Allah). Ipahayag: “Huwag kayong manumpa; ang pagsunod (ninyong ito) ay batid na (isang kabulaanan). Katotohanang si Allah ang Ganap na Nakakaalam ng lahat ninyong ginagawa.” |
قُلْ أَطِيعُوا اللَّهَ وَأَطِيعُوا الرَّسُولَ ۖ فَإِن تَوَلَّوْا فَإِنَّمَا عَلَيْهِ مَا حُمِّلَ وَعَلَيْكُم مَّا حُمِّلْتُمْ ۖ وَإِن تُطِيعُوهُ تَهْتَدُوا ۚ وَمَا عَلَى الرَّسُولِ إِلَّا الْبَلَاغُ الْمُبِينُ(54) Ipagbadya: “Sundin ninyo si Allah at sundin ang Tagapagbalita, datapuwa’t kung kayo ay magsitalikod, siya (ang Tagapagbalita, si Muhammad) ay may pananagutan lamang sa tungkuling iniatang sa kanya (alalaong baga, upang iparating lamang ang Mensahe ni Allah), at ang sa inyo, ay kung ano ang iniatang sa inyo. Kung kayo ay susunod sa kanya, kayo ay malalagay sa tamang patnubay. Ang tanging tungkulin ng Tagapagbalita ay upang ipaabot sa inyo (ang mensahe) sa maliwanag na paraan (alalaong baga, ang mangaral nang maliwanag at mahusay).” |
وَعَدَ اللَّهُ الَّذِينَ آمَنُوا مِنكُمْ وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ لَيَسْتَخْلِفَنَّهُمْ فِي الْأَرْضِ كَمَا اسْتَخْلَفَ الَّذِينَ مِن قَبْلِهِمْ وَلَيُمَكِّنَنَّ لَهُمْ دِينَهُمُ الَّذِي ارْتَضَىٰ لَهُمْ وَلَيُبَدِّلَنَّهُم مِّن بَعْدِ خَوْفِهِمْ أَمْنًا ۚ يَعْبُدُونَنِي لَا يُشْرِكُونَ بِي شَيْئًا ۚ وَمَن كَفَرَ بَعْدَ ذَٰلِكَ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْفَاسِقُونَ(55) Si Allah ay nangako sa inyo na mga sumasampalataya, at nagsisigawa ng kabutihan, na katiyakang sila ay pagkakalooban Niya ng papalit (sa pangkasalukuyang namumuno) sa kalupaan, kung paano rin namang ipinagkaloob Niya ito sa mga nangauna sa kanila, at ipagkakaloob Niya sa kanila ang kapamahalaan upang isagawa ang kanilang relihiyon, na Kanyang hinirang para sa kanila (alalaong baga, ang Islam). At katiyakang ipagkakaloob Niya sa kanila bilang kapalit ang ligtas na pangangalaga sa kanilang pangangamba, (kung) sila (na mga sumasampalataya) ay sasamba sa Akin at hindi magtatambal ng anupaman (sa pagsamba) sa Akin. Datapuwa’t kung sinuman ang mawalan ng pananampalataya pagkaraan nito, sila ang Fasiqun (mapagpalalo, mapaghimagsik at suwail kay Allah) |
وَأَقِيمُوا الصَّلَاةَ وَآتُوا الزَّكَاةَ وَأَطِيعُوا الرَّسُولَ لَعَلَّكُمْ تُرْحَمُونَ(56) At mag-alay kayo ng dasal nang mahinusay (Salah), at magkaloob ng Zakah (katungkulang kawanggawa) at sundin ninyo ang Tagapagbalita (Muhammad), upang kayo ay magsitanggap ng habag (mula kay Allah) |
لَا تَحْسَبَنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا مُعْجِزِينَ فِي الْأَرْضِ ۚ وَمَأْوَاهُمُ النَّارُ ۖ وَلَبِئْسَ الْمَصِيرُ(57) Huwag ninyong akalain na ang mga hindi sumasampalataya ay makakatalilis sa kalupaan. Ang kanilang pananahanan ay Apoy, - at tunay na pagkasama-sama ng gayong hantungan |
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لِيَسْتَأْذِنكُمُ الَّذِينَ مَلَكَتْ أَيْمَانُكُمْ وَالَّذِينَ لَمْ يَبْلُغُوا الْحُلُمَ مِنكُمْ ثَلَاثَ مَرَّاتٍ ۚ مِّن قَبْلِ صَلَاةِ الْفَجْرِ وَحِينَ تَضَعُونَ ثِيَابَكُم مِّنَ الظَّهِيرَةِ وَمِن بَعْدِ صَلَاةِ الْعِشَاءِ ۚ ثَلَاثُ عَوْرَاتٍ لَّكُمْ ۚ لَيْسَ عَلَيْكُمْ وَلَا عَلَيْهِمْ جُنَاحٌ بَعْدَهُنَّ ۚ طَوَّافُونَ عَلَيْكُم بَعْضُكُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ ۚ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ اللَّهُ لَكُمُ الْآيَاتِ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ(58) O kayong mga sumasampalataya! Hayaan ang inyong legal na mga alipin at mga babaeng alipin, at sila sa lipon ninyo na hindi pa sumasapit sa gulang ng pagdadalaga, ay humingi sa inyo ng pahintulot (bago sila lumapit sa inyo) sa tatlong pangyayari; bago ang pang-umagang pagdarasal, at habang kayo ay nagpapalit ng inyong kasuotan (nagbihis ng iba) sa panghapong pamamahinga, at matapos ang pagdarasal ng Isha (panggabing panalangin). Ang tatlong kalagayan (oras) na ito ay pribado para sa inyo (oras ng pampribadong damit), maliban sa tatlong panahong ito, hindi isang kasalanan sa inyo o sa kanila na lumibot at gumalaw, na tumutugon (at tumutulong) sa (pangangailangan) ng bawat isa. Kaya’t ginawa ni Allah na malinaw sa inyo ang Ayat (ang mga Talata ng Qur’an, na nagpapakita ng mga katibayan tungkol sa legal na pananaw sa pahintulot ng mga pagdalaw, atbp.). At si Allah ay Ganap na Maalam, ang Puspos ng Karunungan |
وَإِذَا بَلَغَ الْأَطْفَالُ مِنكُمُ الْحُلُمَ فَلْيَسْتَأْذِنُوا كَمَا اسْتَأْذَنَ الَّذِينَ مِن قَبْلِهِمْ ۚ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ اللَّهُ لَكُمْ آيَاتِهِ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ(59) At kung ang mga bata sa lipon ninyo ay sumapit na sa gulang ng pagdadalaga (o pagbibinata), kung gayon, hayaan ding sila ay humingi ng pahintulot sa mga nakakatanda sa kanila (sa gulang). Kaya’t sa ganito ay ginawang malinaw sa inyo ni Allah ang Kanyang Ayat (mga Pag-uutos at legal na tungkulin). At si Allah ay Ganap na Maalam, ang Puspos ng Karunungan |
وَالْقَوَاعِدُ مِنَ النِّسَاءِ اللَّاتِي لَا يَرْجُونَ نِكَاحًا فَلَيْسَ عَلَيْهِنَّ جُنَاحٌ أَن يَضَعْنَ ثِيَابَهُنَّ غَيْرَ مُتَبَرِّجَاتٍ بِزِينَةٍ ۖ وَأَن يَسْتَعْفِفْنَ خَيْرٌ لَّهُنَّ ۗ وَاللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ(60) At sa mga kababaihan na lagpas na sa panahon ng pagbubuntis, na hindi na umaasa na makapag- aasawa, hindi kasalanan sa kanila, kung sila ay mag-alis ng kanilang (panglabas) na kasuotan sa paraan na ito ay hindi nagpapakita ng palamuti. Datapuwa’t ang umiwas dito (sa pag-aalis ng kanilang panglabas na kasuotan) ay higit na mainam sa kanila. At si Allah ang Lubos na Nakakarinig, ang Ganap na Maalam |
لَّيْسَ عَلَى الْأَعْمَىٰ حَرَجٌ وَلَا عَلَى الْأَعْرَجِ حَرَجٌ وَلَا عَلَى الْمَرِيضِ حَرَجٌ وَلَا عَلَىٰ أَنفُسِكُمْ أَن تَأْكُلُوا مِن بُيُوتِكُمْ أَوْ بُيُوتِ آبَائِكُمْ أَوْ بُيُوتِ أُمَّهَاتِكُمْ أَوْ بُيُوتِ إِخْوَانِكُمْ أَوْ بُيُوتِ أَخَوَاتِكُمْ أَوْ بُيُوتِ أَعْمَامِكُمْ أَوْ بُيُوتِ عَمَّاتِكُمْ أَوْ بُيُوتِ أَخْوَالِكُمْ أَوْ بُيُوتِ خَالَاتِكُمْ أَوْ مَا مَلَكْتُم مَّفَاتِحَهُ أَوْ صَدِيقِكُمْ ۚ لَيْسَ عَلَيْكُمْ جُنَاحٌ أَن تَأْكُلُوا جَمِيعًا أَوْ أَشْتَاتًا ۚ فَإِذَا دَخَلْتُم بُيُوتًا فَسَلِّمُوا عَلَىٰ أَنفُسِكُمْ تَحِيَّةً مِّنْ عِندِ اللَّهِ مُبَارَكَةً طَيِّبَةً ۚ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ اللَّهُ لَكُمُ الْآيَاتِ لَعَلَّكُمْ تَعْقِلُونَ(61) walang ibinabawal sa bulag, at wala ring ibinabawal sa pilay, at wala ring ibinabawal sa may karamdaman, gayundin sa inyong sarili, kung kayo ay kumakain sa inyong tahanan, o sa tahanan ng inyong ama, o sa tahanan ng inyong ina, o sa tahanan ng inyong kapatid na lalaki, o sa tahanan ng inyong kapatid na babae, o sa tahanan ng kapatid na lalaki ng inyong ama, o sa tahanan ng kapatid na babae ng inyong ama, o sa tahanan ng kapatid na lalaki ng inyong ina, o sa tahanan ng kapatid na babae ng inyong ina, o kung saan (mang bahay) na kayo ay nagtatangan ng susi, o sa tahanan ng isang kaibigan. Hindi isang kasalanan sa inyo kung kayo ay kumain nang salu-salo o magkabukod. Datapuwa’t kung kayo ay magsipasok sa mga tahanan, magbatian kayo sa isa’t isa ng isang pagbati na mula kay Allah (alalaong baga, magsabi ng Assalamu Alaikum [Sumaiyo ang kapayapaan]) na pinagpala at mabuti. Kaya’t sa ganito ginawa ni Allah na maging malinaw ang Ayat (mga Talata ng Qur’an o mga tanda na pangrelihiyon, atbp.) upang kayo ay makaunawa |
إِنَّمَا الْمُؤْمِنُونَ الَّذِينَ آمَنُوا بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ وَإِذَا كَانُوا مَعَهُ عَلَىٰ أَمْرٍ جَامِعٍ لَّمْ يَذْهَبُوا حَتَّىٰ يَسْتَأْذِنُوهُ ۚ إِنَّ الَّذِينَ يَسْتَأْذِنُونَكَ أُولَٰئِكَ الَّذِينَ يُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ ۚ فَإِذَا اسْتَأْذَنُوكَ لِبَعْضِ شَأْنِهِمْ فَأْذَن لِّمَن شِئْتَ مِنْهُمْ وَاسْتَغْفِرْ لَهُمُ اللَّهَ ۚ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَّحِيمٌ(62) Ang tunay na sumasampalataya ay sila lamang na nananalig (sa Kaisahan) ni Allah at sa Kanyang Tagapagbalita (Muhammad), at kung sila ay nasa piling niya sa mga pangkaraniwang gawain, sila ay hindi lumilisan hanggang hindi sila humihingi ng pahintulot. Katotohanan! Sila na humihingi ng iyong pahintulot, sila ang tunay na sumasampalataya kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita. Kaya’t kung sila ay humingi ng iyong pahintulot dahilan sa kanilang pangsariling pamumuhay, iyong gawaran sila ng pahintulot sa sinumang iyong maibigan sa kanila, at humingi ka kay Allah tungo sa kanilang kapatawaran. Katotohanang si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain |
لَّا تَجْعَلُوا دُعَاءَ الرَّسُولِ بَيْنَكُمْ كَدُعَاءِ بَعْضِكُم بَعْضًا ۚ قَدْ يَعْلَمُ اللَّهُ الَّذِينَ يَتَسَلَّلُونَ مِنكُمْ لِوَاذًا ۚ فَلْيَحْذَرِ الَّذِينَ يُخَالِفُونَ عَنْ أَمْرِهِ أَن تُصِيبَهُمْ فِتْنَةٌ أَوْ يُصِيبَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ(63) HuwagninyonggawinnaangpagtawagsaTagapagbalita (Muhammad) ay maging katulad din ng inyong tawagan sa isa’t isa. Nababatid ni Allah sa lipon ninyo kung sino sa inyo ang tumatalilis nang patago (sa pamamagitan ng pagdadahilan, na hindi humihingi ng pahintulot mula sa Tagapagbalita). At hayaan ang sumasalungat sa pag-uutos ng Tagapagbalita (alalaong baga, kay Muhammad, sa kanyang Sunna, sa mga legal na pamamaraan, mga gawa ng pagsamba, mga pahayag, atbp.), ay magsipag-ingat, marahil, ang ilang Fitnah (kawalan ng pananalig, pagsubok, kasakitan, lindol, pagpatay, atbp.) ay mangyari sa kanila, o ang isang kasakit-sakit na kaparusahan ay ipadama sa kanila |
أَلَا إِنَّ لِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ قَدْ يَعْلَمُ مَا أَنتُمْ عَلَيْهِ وَيَوْمَ يُرْجَعُونَ إِلَيْهِ فَيُنَبِّئُهُم بِمَا عَمِلُوا ۗ وَاللَّهُ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ(64) Katotohanan, kay Allah ang pag-aangkin ng lahat ng mga nasa kalangitan at kalupaan. Katiyakang batid Niya ang inyong kalalagayan at (talastas Niya) ang Araw na sila ay muling ibabalik sa Kanya, at matapos ito, ay Kanyang ipapaalam sa kanila kung ano ang kanilang ginawa. At si Allah ang Lubos na Nakakaalam ng lahat ng bagay |