4 Talata · Meccan · Filipino
bismillah
ﭑﭒﭓﭔﭕ
112:1 Ipagbadya (o Muhammad): Siya si Allah, ang Tangi at Nag-iisa
ﭖﭗﭘ
112:2 Allah-us-Samad! Ang Walang Hanggan, ang Sakdal at Ganap (ang may Sariling Kasapatan, ang lahat ng mga nilalang ay umaasa sa Kanyang pagtataguyod, datapuwa’t Siya ay hindi kumakain o umiinom)
ﭙﭚﭛﭜﭝ
112:3 Hindi Siya nagkaanak at hindi rin Siya ipinanganak
ﭞﭟﭠﭡﭢﭣ
112:4 At walang anumang sa Kanya ay makakatulad

Banal na Quran


Tuesday, September 29, 2026

Don't forget us in your sincere prayers