Surah Al-Hijr
PDF —
99 Talata Meccan PDF
Built right in your browser — download starts automatically

Surah Al-Hijr pdf — I-download (Filipino)

Surah Al-Hijr pdf Filipino — I-download Surah Al-Hijr Salin. Al-Hijr (Meccan) 99 Talata.

Related



Surah Al-Hijr
99 Talata · Meccan · Filipino
bismillah
ﭑﭒﭓﭔﭕﭖﭗﭘ
Alif, Lam, Ra (mga titik A, La, Ra). Ito ang mgaTalata ngAklat, at isang maliwanag na Qur’an
ﭙﭚﭛﭜﭝﭞﭟﭠ
Marahil (ay malimit) na ang mga hindi sumasampalataya ay nagnanais na sila sana ay naging mga Muslim (sila na nagsuko ng kanilang sarili sa Kalooban ni Allah, sa Kanyang Kaisahan at sa Islam), ito (ang kalagayan) sa Araw ng Muling Pagkabuhay kung kanilang mapagmamalas ang mga hindi sumasampalataya na patungo sa Impiyerno (at ang mga Muslim ay patungo sa Paraiso)
ﭡﭢﭣﭤﭥﭦﭧﭨﭩ
Hayaan sila na kumain at magpakasaya, at hayaan sila na maging abala (sa huwad) na pag-asa. (Ito ay) kanilang mapag-aalaman
ﭪﭫﭬﭭﭮﭯﭰﭱﭲ
At kailanman ay hindi Namin winasak ang isang bayan malibang may hayag (o nakatakdang) kautusan dito
ﭳﭴﭵﭶﭷﭸﭹﭺ
walang bansa (pamayanan) ang makakaasam (ng natataningang panahon) na ito ay mauna, o maantala kaya
ﭻﭼﭽﭾﭿﮀﮁﮂﮃ
At sila ay nagsasabi: “Ikaw (o Muhammad) na pinagpahayagan ng Dhikr (ang Qur’an)!, katotohanang ikaw ay isang taong baliw (o inaalihan ng masama)
ﮄﮅﮆﮇﮈﮉﮊﮋﮌ
Bakit hindi ka magpadala ng mga anghel sa amin kung ikaw ay isa sa mga nagsasabi ng katotohanan
ﮍﮎﮏﮐﮑﮒﮓﮔﮕﮖ
Hindi Namin isinusugo ang mga anghel maliban na sila ay may dalang katotohanan (alalaong baga, tungkol sa kaparusahan, atbp.), at sa gayong pangyayari (kalagayan), sila (ang mga hindi sumasampalataya), ay hindi bibigyan ng palugit
ﮗﮘﮙﮚﮛﮜﮝﮞ
Katotohanang Kami; (at) Kami, ang nagpapanaog ng Dhikr (alalaong baga, ang Qur’an) at buong katiyakan na ito ay Aming pangangalagaan laban sa kabulukan (at katiwalian)
ﮟﮠﮡﮢﮣﮤﮥﮦ
Katotohanang nagsugo Kami ng mga Tagapagbalita na una pa sa iyo (o Muhammad) sa lipon ng mga sekta (mga pamayanan) noong panahong sinauna
ﮧﮨﮩﮪﮫﮬﮭﮮﮯ
At walang isa mang Tagapagbalita na dumatal sa kanila ang hindi nila tinuya
ﮰﮱﯓﯔﯕﯖ
Kaya’t hinayaan Namin ito (ang pagsamba sa mga diyus- diyosan at kawalan ng pananalig) ay magsipasok sa puso ng Mujrimun (mga buhong, buktot, pagano, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, atbp., dahilan sa kanilang panunuya sa mga Tagapagbalita)
ﯗﯘﯙﯚﯛﯜﯝﯞ
Sila ay hindi sasampalataya rito (ang Qur’an), at nangyari, na ang halimbawa (ng kaparusahan ni Allah) sa mga unang tao (na hindi nanampalataya) ay sumapit (sa kanila)
ﯟﯠﯡﯢﯣﯤﯥﯦﯧﯨ
At kahit na buksan Namin ang Tarangkahan mula sa langit at doon sila ay magpatuloy na umakyat
ﯩﯪﯫﯬﯭﯮﯯﯰﯱ
Katiyakang sila ay magsasabi: “Ang aming mga mata ay nilasing. Hindi, kami ay mga tao na ginaway (ng mangkukulam).”
ﭑﭒﭓﭔﭕﭖﭗﭘ
At katotohanang ibinitin Namin sa kalangitan ang malalaking bituin, at ginawa Namin ito na marikit sa mata ng mga nagmamasid
ﭙﭚﭛﭜﭝﭞ
At katotohanang binabantayan Namin ang mga yaon sa bawat isinumpang Satanas
ﭟﭠﭡﭢﭣﭤﭥﭦ
Maliban sa kanya (na masama o demonyo) na nakakarinig nang mainam sa pamamagitan ng pagnanakaw, siya ay tinutugis ng maliwanag na apoy na nagniningas
ﭧﭨﭩﭪﭫﭬﭭﭮﭯﭰﭱﭲ
At Aming inilatag ang kalupaan at Kami ay naglagay dito ng matatatag na kabundukan, at hinayaan Namin na magsitubo rito ang lahat ng uri ng mga bagay sa ganap na sukat
ﭳﭴﭵﭶﭷﭸﭹﭺﭻ
At naglagay Kami rito ng lahat ng panggagalingan ng ikabubuhay, - sa inyo at para sa lahat ng mga hindi ninyo tinatangkilik (mga ibang nilikha tulad ng mga hayop, insekto, atbp)
ﭼﭽﭾﭿﮀﮁﮂﮃﮄﮅﮆﮇ
At walang anumang bagay (sa santinakpan) ang hindi mula sa Amin ang kanilang ikinabubuhay. At hindi Namin ipinanaog ito maliban sa ganap na sukat
ﮈﮉﮊﮋﮌﮍﮎﮏﮐﮑﮒﮓﮔ
At ipinadala Namin ang hangin na nagtatanim (ng tubig sa mga ulap) upang ang ulan ay mamalisbis mula sa alapaap tungo sa kalupaan, at ibinigay Namin ito sa inyo bilang inumin, at hindi kayo ang nagmamay-ari ng kanilang pinagkukunan (alalaong baga, wala tayong karapatan na magbigay ng tubig sa sinumang ating naisin o ipagkait ito sa sinumang ating naisin)
ﮕﮖﮗﮘﮙﮚﮛ
At katotohanang Kami! Kami ang tagapagbigay ng buhay at nagkakaloob ng kamatayan, at Kami ang Tagapagmana (matapos ang lahat ay pumanaw)
ﮜﮝﮞﮟﮠﮡﮢﮣ
At katotohanang batid Namin ang inyong mga unang henerasyon na nagsipanaw, at walang pagsala na nababatid Namin ang inyong kasalukuyang henerasyon (ng sangkatauhan), gayundin ang darating na mga henerasyon
ﮤﮥﮦﮧﮨﮩﮪﮫﮬ
At katotohanang ang inyong Panginoon ang magtitipon sa inyo nang sama-sama. Katotohanang Siya ang Ganap na Maalam, ang Lubos na Nakakabatid ng lahat
ﮭﮮﮯﮰﮱﯓﯔﯕﯖ
At katotohanang nilikha Namin ang sangkatauhan mula sa putik (na lumilikha ng tunog kapag natuyo na), mula sa hinubog na maitim at madulas na lupa
ﯗﯘﯙﯚﯛﯜﯝﯞ
At ang Jinn, Na Aming nilikha noon pang una mula sa lagablab ng apoy na walang usok
ﯟﯠﯡﯢﯣﯤﯥﯦﯧﯨﯩﯪﯫ
At alalahanin nang ang iyong Panginoon ay nangusap sa mga anghel: “Ako ay lilikha ng isang tao (Adan) mula sa putik (na lumilikha ng tunog kapag natuyo na), mula sa hinubog na maitim at madulas na lupa
ﯬﯭﯮﯯﯰﯱﯲﯳﯴﯵ
Kaya’t nang siya ay Aking matapos nang ganap, at nang Aking maihinga sa kanya (Adan) ang kaluluwa na Aking nilikha para sa kanya, ngayon, kayo (mga anghel) ay lumuhod at magpatirapa sa kanya (bilang paggalang at hindi pagsamba).”
ﯶﯷﯸﯹﯺ
Kaya’t ang mga anghel ay nagpatirapa (nagbigay galang) sa kanya, silang lahat nang sama-sama
ﯻﯼﯽﯾﯿﰀﰁﰂ
Maliban kay Iblis (isa sa lipon ng mga Jinn), - siya ay tumanggi na magpatirapa
ﭑﭒﭓﭔﭕﭖﭗﭘﭙ
Si Allah ay nagwika: “o Iblis! Ano ang iyong dahilan upang ikaw ay hindi sumama sa mga nagpatirapa?”
ﭚﭛﭜﭝﭞﭟﭠﭡﭢﭣﭤﭥ
Si Iblis ay nagsabi: “Hindi ako ang isa na magpapatirapa sa harapan ng isang tao, na Inyong nilikha mula sa putik (na lumilikha ng tunog kapag natuyo na), mula sa hinubog na maitim at madulas na lupa.”
ﭦﭧﭨﭩﭪﭫ
Si (Allah) ay nagsabi: “Kung gayon, ikaw ay lumayas dito, sapagkat katotohanang ikaw ay Rajim (isang isinumpa o itinaboy).”
ﭬﭭﭮﭯﭰﭱﭲ
At katotohanang ang sumpa ay sasaiyo hanggang sa Araw ng Pagbabayad (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay).”
ﭳﭴﭵﭶﭷﭸﭹ
Si (Iblis) ay nagsabi: “o aking Panginoon! Ako ay bigyan Ninyo, kung gayon, ng palugit hanggang sa Araw na sila (ang mga patay) ay ibabangon.”
ﭺﭻﭼﭽﭾ
Si Allah ay nagwika: “Kung gayon, katotohanang ikaw ay isa sa mga pinalugitan
ﭿﮀﮁﮂﮃ
Hanggang sa Araw ng natatakdaang panahon.”
ﮄﮅﮆﮇﮈﮉﮊﮋﮌﮍﮎ
Si (Iblis) ay nagsabi: “o aking Panginoon, dahilan sa ako ay Inyong iniligaw, katotohanang aking gagawing marikit ang landas ng kamalian para (sa sangkatauhan) sa kalupaan, at sila ay aking ililigaw na lahat
ﮏﮐﮑﮒﮓ
Maliban sa Inyong pinili (pinatnubayang) mga alipin sa kanilang lipon.”
ﮔﮕﮖﮗﮘﮙ
Si (Allah) ay nagwika: “Ito ang Landas na patungo ng tuwid sa Akin.”
ﮚﮛﮜﮝﮞﮟﮠﮡﮢﮣﮤﮥ
Katotohanan, ikaw ay walang kapamahalaan sa Aking mga alipin, maliban sa mga sumusunod sa iyo (Iblis) na mula sa Ghawin (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, buhong, buktot, kriminal, mapaggawa ng kamalian, atbp)
ﮦﮧﮨﮩﮪ
At katotohanang Impiyerno ang nakalaang lugar para sa kanilang lahat
ﮫﮬﮭﮮﮯﮰﮱﯓﯔ
Ito (ang Impiyerno) ay may pitong tarangkahan, at sa bawa’t isa sa mga tarangkahang ito ay may (natatanging) uri ng masasama na nakatalaga
ﯕﯖﯗﯘﯙﯚ
Katotohanan, ang Muttaqun (mga matutuwid at mabubuting tao) ay mapapagitna sa mga Halamanan at mga bukal ng tubig (Paraiso)
ﯛﯜﯝﯞ
(At sa kanila ay ipagbabadya): “Magsipasok kayo sa loob (ng Paraiso), sa kapayapaan at katiwasayan.”
ﯟﯠﯡﯢﯣﯤﯥﯦﯧﯨﯩ
At papalisin Namin sa kanilang puso ang anumang bahid ng kapinsalaan (na mayroon sila). Sila ay mahahalintulad sa mga magkakapatid (na buong lugod) na nagtitinginan sa isa’t isa sa matataas na diban
ﯪﯫﯬﯭﯮﯯﯰﯱﯲ
walang bahid ng pagkapagal ang sasapit sa kanila, at gayundin naman, kailanman, sila ay hindi pagsasabihan na lumisan doon.”
ﯳﯴﯵﯶﯷﯸﯹﯺ
Ipagbadya mo (o Muhammad) sa Aking mga alipin, katotohanang Ako ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
ﯻﯼﯽﯾﯿﰀ
At ang Aking pagpaparusa ay katotohanang pinakamatinding parusa
ﰁﰂﰃﰄﰅ
At isalaysay mo sa kanila ang tungkol sa mga panauhin (mga anghel) ni Abraham
ﭑﭒﭓﭔﭕﭖﭗﭘﭙﭚ
Nang sila ay magsituloy sa kanya, at nagsabi: “Salaman” (Sumainyo ang kapayapaan)! Si (Abraham) ay nagsabi: “Tunay na kami ay natatakot sa inyo!”
ﭛﭜﭝﭞﭟﭠﭡﭢ
Ang (mga anghel) ay nagsabi: “Huwag kang matakot! Kami ay nagbibigay sa iyo ng magandang balita ng isang batang lalaki (anak) na nagtataglay ng maraming kaalaman at karunungan.”
ﭣﭤﭥﭦﭧﭨﭩﭪﭫ
Si (Abraham) ay nagsabi: “Ako ba ay binibigyan ninyo ng magandang balita ng isang anak na lalaki kung ang katandaan ay sumapit na sa akin? Sa anong dahilan kung gayon ang inyong balita?”
ﭬﭭﭮﭯﭰﭱﭲﭳ
Ang (mga anghel) ay nangusap: “Kami ay nagbibigay sa iyo ng magandang balita ng may katotohanan. Kaya’t huwag (kang) maging isa sa mga nawawalan ng pag-asa.”
ﭴﭵﭶﭷﭸﭹﭺﭻﭼ
Si (Abraham) ay nagsabi: “At sino ang nawawalan ng pag-asa sa Habag ng kanyang Panginoon maliban lamang sa mga napapaligaw (sa tuwid na landas)?”
ﭽﭾﭿﮀﮁﮂ
Muli si (Abraham) ay nangusap: “Ano baga kung gayon ang inyong sadya kung bakit kayo ay naparito, o mga Tagapagbalita?”
ﮃﮄﮅﮆﮇﮈﮉ
Ang (mga anghel) ay nagsabi: “Kami ay ipinadala sa isang pamayanan (mga tao) na Mujrimun (mga buhong, buktot, walang pananalig, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, makasalanan, atbp)
ﮊﮋﮌﮍﮎﮏﮐ
(Silang lahat) maliban sa pamilya ni Lut. Kaya’t sila (ang lahat ng pamilya ni Lut), ay tiyak Naming ililigtas (sa pagkawasak)
ﮑﮒﮓﮔﮕﮖﮗ
Maliban sa kanyang asawa, na Aming ipinag-utos (itinakda) na mapabilang doon sa mga mananatili sa likuran (alalaong baga, siya ay wawasakin).”
ﮘﮙﮚﮛﮜﮝ
Kaya’t nang ang mga Tagapagbalita (mga anghel) ay dumatal sa pamilya ni Lut
ﮞﮟﮠﮡﮢ
Siya ay nagsabi: “Katotohanan! Kayo ay mga tao na hindi ko kilala.”
ﮣﮤﮥﮦﮧﮨﮩﮪ
Sila ay nagsabi: “Hindi, kami ay naparito sa iyo na may dalang (kaparusahan) na kanilang pinag-aalinlanganan
ﮫﮬﮭﮮﮯ
At dinala namin sa iyo ang katotohanan (ang balita nang pagkawasak ng iyong pamayanan), at katiyakan, na kami ay nagsasaysay ng katotohanan
ﮰﮱﯓﯔﯕﯖﯗﯘﯙﯚﯛﯜﯝﯞﯟ
Kaya’t maglakbay ka na kasama ang iyong pamilya sa ilang bahagi ng gabi, at ikaw ay lumagay sa kanilang likuran, at huwag hayaan ang sinuman sa inyo ay tuminging pabalik (sa likuran), subalit tumungo kayo kung saan kayo ay pinag-utusan.”
ﯠﯡﯢﯣﯤﯥﯦﯧﯨﯩ
At ginawa Namin na kanyang (Lut) maalaman ang pag-uutos na ito, na ang ugat ng mga (makasalanan) ay puputulin sa madaling araw
ﯪﯫﯬﯭﯮ
At ang mga naninirahan sa lungsod ay nagsilabas na nangagagalak (sa balita ng pagdating ng mga binata)
ﯯﯰﯱﯲﯳﯴﯵ
Siya (Lut) ay nagsabi: “Katotohanang sila ay aking mga panauhin, kaya’t ako ay huwag ninyong bigyan ng kahihiyan
ﯶﯷﯸﯹﯺ
At pangambahan ninyo si Allah, at ako ay huwag ninyong alisan ng karangalan (kapurihan).”
ﯻﯼﯽﯾﯿﰀ
Sila (ang mga tao ng lungsod) ay nagsabi: “Hindi baga pinagbawalan ka na namin (na ikaw ay mag-asikaso o mangalaga) sa alin man sa A’alamin (mga tao, mga banyaga, mga naiiba, atbp., mula sa amin)?”
ﭑﭒﭓﭔﭕﭖﭗ
Siya (Lut) ay nagsabi: “Sila (ang kababaihan ng pamayanan) ay aking mga anak na babae (na maaari ninyong pakasalan), kung inyong nais.”
ﭘﭙﭚﭛﭜﭝ
Katotohanan, sa pamamagitan ng iyong buhay (O Muhamamd), sila ay nasa malalang pagkalasing, sila ay mga bulag na nagsisipangalat
ﭞﭟﭠﭡ
Kaya’t ang (nakatakdang) Sigaw ay dumaklot sa kanila sa oras na sumisikat na ang araw
ﭢﭣﭤﭥﭦﭧﭨﭩﭪ
At Aming itinaob (ang mga bayan ng Sodom sa Palestina) na pabaligtad at pinaulan Namin sa kanila ang mga bato na yari sa hinurnong putik
ﭫﭬﭭﭮﭯﭰ
Katotohanan! Naririto ang mga Tanda sa mga tao na nagmamasid (o nakakaunawa o nakakakuha ng aral sa mga Tanda ni Allah)
ﭱﭲﭳﭴ
At katotohanan! (Ang mga lungsod na ito) ay nasa tabi lamang ng pangunahing daan (mula sa Makkah hanggang Syria, alalaong baga, ang lugar kung saan naroroon ang Patay na Dagat [Dead Sea)
ﭵﭶﭷﭸﭹﭺ
Katotohanan! Tunay na naririto ang isang Tanda sa mga sumasampalataya
ﭻﭼﭽﭾﭿﮀ
At ang mga naninirahan sa Kakahuyan (alalaong baga, ang pamayanan ng Midian kung saan si Propeta Shuaib ay isinugo ni Allah), ay isa ring Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, buktot, tampalasan, mapaggawa ng kamalian, atbp)
ﮁﮂﮃﮄﮅﮆ
Kaya’t Kami ay naghiganti sa kanila. Sila ay kapwa nasa maluwag at pangunahing daan na madaling makita
ﮇﮈﮉﮊﮋﮌ
At katotohanan, ang mga naninirahan sa Al-Hijr (ang mabatong landas) ay nagtakwil sa mga Tagapagbalita
ﮍﮎﮏﮐﮑﮒ
At ibinigay Namin sa kanila ang Aming mga Tanda, datapuwa’t sila ay tutol (salungat) dito
ﮓﮔﮕﮖﮗﮘﮙ
At sila, noon pa man, ay tumatabtab (sumisibak, o umuukit) ng (kanilang) tahanan sa gilid ng kabundukan (at nag-aakala sa kanilang sarili) na sila ay ligtas
ﮚﮛﮜﮝ
Datapuwa’t (ang nakatakdang ) Sigaw ay sumakmal sa kanila sa madaling araw (sa ika-apat na araw ng kanilang nakatakdang kaparusahan)
ﮞﮟﮠﮡﮢﮣﮤ
At ang lahat ng kanilang kinita ay hindi nakatulong sa kanila
ﮥﮦﮧﮨﮩﮪﮫﮬﮭﮮﮯﮰﮱﯓﯔﯕﯖ
At hindi Namin nilikha ang mga kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito maliban sa katotohanan, at ang Oras ay walang pagsalang daratal, kaya’t suklian mo (o Muhammad) ang kanilang kamalian ng maraming pagpapatawad. [Ito ay bago pa ipag-utos ang Jihad (Banal na Digmaan]
ﯗﯘﯙﯚﯛﯜ
Katotohanan, ang iyong Panginoon ay Siyang Manlilikha, na Lubos na Nakakaalam
ﯝﯞﯟﯠﯡﯢﯣﯤ
At tunay nga, na Aming ipinagkaloob sa iyo ang pitong Al-Mathani (ang pitong talata na laging inuulit [dinadalit], alalaong baga, ang Surat Al-Fatiha [Pambungad na Kabanata] ng Dakilang Qur’an
ﯥﯦﯧﯨﯩﯪﯫﯬﯭﯮﯯﯰﯱﯲﯳﯴ
Huwag mong pagmasdan ng may paghahangad ang mga bagay na Aming ipinagkaloob sa ilang piling tao sa kanila (ang mga hindi sumasampalataya), gayundin ay huwag kang manimdin sa kanila. At ibaba ang iyong pakpak sa mga sumasampalataya (maging magalang at mapagbigay sa iyong kapwa mananampalataya)
ﯵﯶﯷﯸﯹﯺ
At ipagbadya: “Ako ay tunay na isang lantad na tagapagbabala.”
ﯻﯼﯽﯾﯿ
Sapagkat Aming ipinanaog sa mga magkakabukod (mga paganong Quraish, o mga Hudyo at mga Kristiyano)
ﭑﭒﭓﭔﭕ
Na gumawa sa Qur’an sa maraming bahagi (alalaong baga, naniniwala sa ilang bahagi nito at hindi naniniwala sa iba)
ﭖﭗﭘﭙ
Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Panginoon (o Muhammad), katiyakang silang lahat ay Aming tatawagin upang magsulit
ﭚﭛﭜﭝ
Sa lahat nilang ginagawa
ﭞﭟﭠﭡﭢﭣﭤ
Kaya’t(iyong) ipagbadyananghayagan(ang Mensaheni Allah, ang Islam), na sa iyo ay ipinag-utos at tumalikod ka sa Al-Mushrikun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, pagano, naniniwala sa mga imahen, walang pananampalataya sa Kaisahan ni Allah, makasalanan, atbp)
ﭥﭦﭧﭨ
Katotohanan! Kami ay gagabay sa iyo laban sa mga mapangutya
ﭩﭪﭫﭬﭭﭮﭯﭰﭱﭲ
Na nagtuturing ng ibang diyos maliban pa kay Allah, (tunay nga) na mapag-aalaman nila
ﭳﭴﭵﭶﭷﭸﭹﭺ
Katotohanang batid Namin na naninikip ang iyong dibdib dahilan sa kanilang sinasabi
ﭻﭼﭽﭾﭿﮀﮁ
Kaya’t iyong ipagbunyi ang mga papuri ng iyong Panginoon at maging isa sa mga nagpapatirapa ng kanilang sarili (sa Kanya)
ﮂﮃﮄﮅﮆﮇ
At sambahin mo ang iyong Panginoon hanggang sa sumapit sa iyo ang natatakdaang oras (alalaong baga, ang kamatayan)

Banal na Quran


Tuesday, August 18, 2026

Don't forget us in your sincere prayers