Surah Al-Bayyinah
PDF —
Built right in your browser — download starts automatically
Surah Al-Bayyinah pdf — I-download (Filipino)
Surah Al-Bayyinah pdf Filipino — I-download Surah Al-Bayyinah Salin. Al-Bayyinah (Medinan) 8 Talata.
Related
- Al-Bayyinah SalinFilipino
- Al-Bayyinah mp3Pakinggan
- Quran Index Filipino114
More Surah PDF
Surah Al-Bayyinah

ﮗﮘﮙﮚﮛﮜﮝﮞﮟﮠﮡﮢﮣ
Yaong mga hindi sumasampalataya sa lipon ng Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) at sa pangkat ng mga Pagano (mapagsamba sa diyus-diyosan), at hindi nila iiwan (ang kanilang kawalan ng pananalig) hanggang sa dumatal sa kanila ang Malinaw na Katibayan
ﮤﮥﮦﮧﮨﮩﮪ
Isang Tagapagbalita (Muhammad) mula kay Allah, na dumadalit ng mga dalisay na pahina (ng Qur’an, dalisay sa Al-Batil [kabulaanan, kasinungalingan, atbp)
ﮫﮬﮭﮮ
Na nagtataglay ng tumpak at tuwid na mga batas mula kay Allah
ﮯﮰﮱﯓﯔﯕﯖﯗﯘﯙﯚﯛ
At ang Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) ay hindi gumagawa ng pagkakaiba noon (sa mga Batas, sa mga Propeta, atbp.) maliban na lamang nang dumatal sa kanila ang Malinaw na Katibayan (alalaong baga, si Propeta Muhammad at anumang ipinahayag sa kanya)
ﯜﯝﯞﯟﯠﯡﯢﯣﯤﯥﯦﯧﯨﯩﯪﯫﯬﯭ
At sila ay hindi pinag-utusan maliban lamang na kanilang sambahin si Allah, at huwag sumamba sa iba maliban pa sa Kanya (huwag mag-akibat ng mga katambal sa Kanya), at nag- aalay ng panalangin nang mahinusay (Iqamat-us-Salat), at nagkakaloob ng Zakat (katungkulang kawanggawa), at ito ang Tumpak na Pananampalataya
ﭑﭒﭓﭔﭕﭖﭗﭘﭙﭚﭛﭜﭝﭞﭟﭠﭡﭢ
Katotohanan, sila na hindi sumasampalataya (sa relihiyong Islam, sa Qur’an at kay Propeta Muhammad) sa lipon ng Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) at mga Pagano (mapagsamba sa mga diyus-diyosan), ay mananahan sa Apoy ng Impiyerno. Sila ang pinakamasama sa lahat ng mga nilalang
ﭣﭤﭥﭦﭧﭨﭩﭪﭫﭬ
Katotohanan, sila na sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Kanyang Tagapagbalitang si Muhammad, kasama na rito ang lahat ng mga katungkulang ipinag-uutos sa Islam) at nagsisigawa ng matutuwid at mabubuting gawa, sila ang pinakamainam sa lahat ng mga nilalang
ﭭﭮﭯﭰﭱﭲﭳﭴﭵﭶﭷﭸﭹﭺﭻﭼﭽﭾﭿﮀﮁﮂﮃﮄ
Ang kanilang gantimpala sa kanilang Panginoon ay Halamanan ng Kawalang Hanggan (Paraiso), na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy, mananahan sila rito magpakailanman, si Allah ay tunay na nalulugod sa Kanila, gayundin naman sila kay Allah. Ito ay para sa kanya na may pangangamba kay Allah
Banal na Quran
Tuesday, August 18, 2026
Don't forget us in your sincere prayers







