سورة الروم بالفلبينية

  1. استمع للسورة
  2. سور أخرى
  3. ترجمة السورة
القرآن الكريم | ترجمة معاني القرآن | اللغة الفلبينية | سورة الروم | Rum - عدد آياتها 60 - رقم السورة في المصحف: 30 - معنى السورة بالإنجليزية: Rome - Byzantium.

الم(1)

Alif, Lam, Mim (mga titik A, La, Ma)

غُلِبَتِ الرُّومُ(2)

Ang mga romano ay nalupig

فِي أَدْنَى الْأَرْضِ وَهُم مِّن بَعْدِ غَلَبِهِمْ سَيَغْلِبُونَ(3)

Sa malalapit na lupain (ng Syria, Iraq, Jordan at Palestina), at sila, matapos ang pagkatalo, ay magiging matagumpay

فِي بِضْعِ سِنِينَ ۗ لِلَّهِ الْأَمْرُ مِن قَبْلُ وَمِن بَعْدُ ۚ وَيَوْمَئِذٍ يَفْرَحُ الْمُؤْمِنُونَ(4)

Sa loob ng tatlo hanggang siyam na taon. Ang kapasiyahan ng gayong bagay, bago at matapos (ang gayong mga pangyayari) ay na kay Allah lamang, (bago ang pagkagapi ng mga romano sa kamay ng mga Persiano, at matapos, alalaong baga, ang pagkagapi ng mga Persiano sa kamay ng mga romano). At sa Araw na yaon, ang mga sumasampalataya (alalaong baga, ang mga Muslim) ay magagalak (sa tagumpay na iginawad ni Allah sa mga romano laban sa mga Persiano)

بِنَصْرِ اللَّهِ ۚ يَنصُرُ مَن يَشَاءُ ۖ وَهُوَ الْعَزِيزُ الرَّحِيمُ(5)

Sa pamamagitan ng tulong ni Allah, Siya ang nagkakaloob ng tagumpay sa sinumang Kanyang maibigan, at Siya ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Pinakamaawain

وَعْدَ اللَّهِ ۖ لَا يُخْلِفُ اللَّهُ وَعْدَهُ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَعْلَمُونَ(6)

(Ito ang ) pangako ni Allah (alalaong baga, si Allah ang magbibigay ng tagumpay sa mga romano laban sa mga Persiano). Si Allah ay hindi kailanman sumisira sa Kanyang Pangako, datapuwa’t ang karamihan sa mga tao ay hindi nakakaunawa

يَعْلَمُونَ ظَاهِرًا مِّنَ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا وَهُمْ عَنِ الْآخِرَةِ هُمْ غَافِلُونَ(7)

Batid lamang nila ang panglabas na anyo (mga bagay) sa buhay sa mundong ito (alalaong baga, katulad ng kanilang ikabubuhay, pagtatanim at pag-aani, atbp.), datapuwa’t kung tungkol sa Kabilang Buhay, sila ay nagpapabaya

أَوَلَمْ يَتَفَكَّرُوا فِي أَنفُسِهِم ۗ مَّا خَلَقَ اللَّهُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ وَمَا بَيْنَهُمَا إِلَّا بِالْحَقِّ وَأَجَلٍ مُّسَمًّى ۗ وَإِنَّ كَثِيرًا مِّنَ النَّاسِ بِلِقَاءِ رَبِّهِمْ لَكَافِرُونَ(8)

Hindi baga sila matiim na nagmumuni-muni (ng kanilang angking sarili) tungkol sa kanilang sarili (kung paano sila nilikha ni Allah mula sa wala, at gayundin na sila ay Kanyang ibabangong muli sa pagkabuhay)? Hindi nilikha ni Allah ang kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito, maliban lamang sa katotohanan at sa natatakdaang araw. At katotohanan, ang karamihan sa mga tao ay nagtatatwa sa pakikipagtipan nila sa kanilang Panginoon (sa Araw ng Muling Pagkabuhay)

أَوَلَمْ يَسِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَيَنظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الَّذِينَ مِن قَبْلِهِمْ ۚ كَانُوا أَشَدَّ مِنْهُمْ قُوَّةً وَأَثَارُوا الْأَرْضَ وَعَمَرُوهَا أَكْثَرَ مِمَّا عَمَرُوهَا وَجَاءَتْهُمْ رُسُلُهُم بِالْبَيِّنَاتِ ۖ فَمَا كَانَ اللَّهُ لِيَظْلِمَهُمْ وَلَٰكِن كَانُوا أَنفُسَهُمْ يَظْلِمُونَ(9)

Hindi baga sila naglalakbay sa kalupaan at napagmamalas ang kinasapitan ng mga nangauna sa kanila? Sila ay higit na mainam sa kanila sa lakas; sila ay nagbungkal sa lupa at pinamahayan nila ito sa maraming bilang kaysa sa nagawa (ng mga paganong) ito, at dumatal sa kanila ang kanilang mga Tagapagbalita na may maliliwanag na katibayan. Katotohanang sila ay hindi ipinahamak ni Allah, datapuwa’t sila ang nagpahamak sa kanilang mga sarili

ثُمَّ كَانَ عَاقِبَةَ الَّذِينَ أَسَاءُوا السُّوأَىٰ أَن كَذَّبُوا بِآيَاتِ اللَّهِ وَكَانُوا بِهَا يَسْتَهْزِئُونَ(10)

At sa kalaunan, ang kasamaan ang magiging wakas ng mga gumagawa ng kasamaan, sapagkat itinakwil nila ang Ayat (mga tanda, kapahayagan, aral, katibayan, mga Tagapagbalita, atbp.) ni Allah at kinutya ang mga ito

اللَّهُ يَبْدَأُ الْخَلْقَ ثُمَّ يُعِيدُهُ ثُمَّ إِلَيْهِ تُرْجَعُونَ(11)

Si Allah (lamang ang Tangi) na nagpasimula ng paglikha; at Kanyang uulitin ito; at kayo sa Kanya ay muling magbabalik

وَيَوْمَ تَقُومُ السَّاعَةُ يُبْلِسُ الْمُجْرِمُونَ(12)

At sa Araw na ang Takdang Oras ay ititindig, ang Mujrimun (mga tampalasan, walang pananampalataya, mapagsamba sa mga diyus- diyosan, buktot, buhong, kriminal, atbp.) ay ihuhulog sa pagkawasak na may matinding pagsisisi, kapighatian at kawalan ng pag-asa

وَلَمْ يَكُن لَّهُم مِّن شُرَكَائِهِمْ شُفَعَاءُ وَكَانُوا بِشُرَكَائِهِمْ كَافِرِينَ(13)

walang sinumang tagapamagitan ang sasakanila mula sa mga katambal na iniakibat nila kay Allah (alalaong baga, mga diyus-diyosan na ginawa nilang kahati sa pagsamba kay Allah), at sila (rin) sa kanilang (sarili) ay magtatakwil sa kanilang mga katambal

وَيَوْمَ تَقُومُ السَّاعَةُ يَوْمَئِذٍ يَتَفَرَّقُونَ(14)

Sa Araw na ang Takdang oras ay ititindig, - sa Araw na yaon (ang lahat ng mga tao) ay pagbubukud-bukurin (alalaong baga, ang mga sumasampalataya ay ihihiwalay sa mga hindi sumasampalataya)

فَأَمَّا الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ فَهُمْ فِي رَوْضَةٍ يُحْبَرُونَ(15)

Atsilananagsisampalataya(saKaisahan ni Allah at sa Islam) at nagsigawa ng mga kabutihan, sila ang pararangalan at bibigyang kaligayahan sa mariwasang buhay (magpakailanman) sa Halamanan ng Kaligayahan (Paraiso)

وَأَمَّا الَّذِينَ كَفَرُوا وَكَذَّبُوا بِآيَاتِنَا وَلِقَاءِ الْآخِرَةِ فَأُولَٰئِكَ فِي الْعَذَابِ مُحْضَرُونَ(16)

At sa mga nagtakwil sa pananampalataya at nagpasinungaling sa Aming Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, mga Tagapagbalita, Muling Pagkabuhay, atbp.), at ang Pakikipagtipan sa Kabilang Buhay; sila ang dadalhin sa kaparusahan (ng Apoy ng Impiyerno)

فَسُبْحَانَ اللَّهِ حِينَ تُمْسُونَ وَحِينَ تُصْبِحُونَ(17)

Kaya’t luwalhatiin si Allah (ng higit sa lahat ng mga kasamaang itinatambal nila sa Kanya, [O mga sumasampalataya]), kung kayo ay sumapit na sa takipsilim (alalaong baga, ang mag-alay ng Pangtakipsilim na panalangin at matapos ito ay ang susunod na Panggabing panalangin), at kung kayo ay sumapit na sa pagbubukang liwayway (alalaong baga, ang mag-alay ng Pang-umagang panalangin)

وَلَهُ الْحَمْدُ فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَعَشِيًّا وَحِينَ تُظْهِرُونَ(18)

Tunay nga, sa Kanya ang lahat ng mga pagpupuri at pasasalamat sa kalangitan at kalupaan; at (inyong luwalhatiin Siya) sa dapit-hapon (alalaong baga, ang mag-alay ng Panghapong panalangin), at kung kayo ay sumapit na sa sandaling ang araw ay lagpas na ng katanghalian (alalaong baga, ang mag-alay ng Pangtanghaling panalangin). [Si Ibn Abbas ay nagsabi na ito ang limang takdang sama-samang panalangin na binanggit sa Qur’an]

يُخْرِجُ الْحَيَّ مِنَ الْمَيِّتِ وَيُخْرِجُ الْمَيِّتَ مِنَ الْحَيِّ وَيُحْيِي الْأَرْضَ بَعْدَ مَوْتِهَا ۚ وَكَذَٰلِكَ تُخْرَجُونَ(19)

Siya (si Allah), ang nagbibigay ng buhay mula sa mga patay at nagbibigay sa mga patay sa pagkabuhay at Siya ang nagpapanumbalik (sa pagkabuhay) sa kalupaan mula sa kamatayan (pagkatigang). At samakatuwid, sa gayon din kayo ay muling ibabangon (mula sa mga patay)

وَمِنْ آيَاتِهِ أَنْ خَلَقَكُم مِّن تُرَابٍ ثُمَّ إِذَا أَنتُم بَشَرٌ تَنتَشِرُونَ(20)

Ang ilan sa Kanyang mga Tanda ay ito; na kayo ay nilikha Niya mula sa alabok; at pagmasdan, kayo ay naging mga tao na nagsisipangalat

وَمِنْ آيَاتِهِ أَنْ خَلَقَ لَكُم مِّنْ أَنفُسِكُمْ أَزْوَاجًا لِّتَسْكُنُوا إِلَيْهَا وَجَعَلَ بَيْنَكُم مَّوَدَّةً وَرَحْمَةً ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِّقَوْمٍ يَتَفَكَّرُونَ(21)

Ang ilan sa Kanyang mga Tanda ay ito; na nilikha Niya para sa inyo ang inyong mga kasama (kabiyak, katambal, kapareha) mula sa lipon ninyo, upang kayo ay magsama sa katahimikan, at inilagay Niya sa inyong mga puso ang pag-ibig at awa. Katotohanang naririto ang mga Tanda sa mga tao na may matiim na pagmumuni-muni

وَمِنْ آيَاتِهِ خَلْقُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَاخْتِلَافُ أَلْسِنَتِكُمْ وَأَلْوَانِكُمْ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِّلْعَالِمِينَ(22)

Ang ilan sa Kanyang mga Tanda ay ang pagkalikha ng kalangitan at kalupaan, at ang pagkakaiba-iba ng inyong mga wika at kulay. Katotohanang nasa sa mga ito ang mga tiyak na Tanda sa mga may tunay na karunungan

وَمِنْ آيَاتِهِ مَنَامُكُم بِاللَّيْلِ وَالنَّهَارِ وَابْتِغَاؤُكُم مِّن فَضْلِهِ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِّقَوْمٍ يَسْمَعُونَ(23)

Ang ilan sa Kanyang mga Tanda ay ang pagtulog na iyong ginagawa sa gabi at araw, at ang paghahanap ninyo ng Kanyang mga Biyaya. Katotohanang nasa sa mga ito ang mga Tanda sa mga tao na may pandinig

وَمِنْ آيَاتِهِ يُرِيكُمُ الْبَرْقَ خَوْفًا وَطَمَعًا وَيُنَزِّلُ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَيُحْيِي بِهِ الْأَرْضَ بَعْدَ مَوْتِهَا ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِّقَوْمٍ يَعْقِلُونَ(24)

Ang ilan sa Kanyang mga Tanda ay ang pagpapamalas Niya sa inyo ng kidlat, sa pamamagitan ng pagkatakot at pag-asa, at pinamamalisbis Niya ang tubig (ulan) mula sa alapaap at sa pamamagitan nito, ito ay nagbibigay ng buhay sa kalupaan pagkatapos ng kamatayan (matapos na maging tigang). Katotohanang nasa sa mga ito ang tiyak na mga Tanda sa mga may katalinuhan

وَمِنْ آيَاتِهِ أَن تَقُومَ السَّمَاءُ وَالْأَرْضُ بِأَمْرِهِ ۚ ثُمَّ إِذَا دَعَاكُمْ دَعْوَةً مِّنَ الْأَرْضِ إِذَا أَنتُمْ تَخْرُجُونَ(25)

Ang ilan sa Kanyang mga Tanda ay ito; ang kalangitan at kalupaan ay nananatiling nakatindig sa Kanyang Pag- uutos ; at sa kalaunan, kung kayo ay Kanyang tawagin sa isang pagtawag, pagmalasin, kayo ay magsisilabas sa kalupaan (mula sa inyong libingan tungo sa pagsusulit at kabayaran)

وَلَهُ مَن فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ كُلٌّ لَّهُ قَانِتُونَ(26)

Sa Kanya ang lahat ng pag-aangkin sa lahat ng anupamang bagay na nasa kalangitan at kalupaan; at ang lahat ay tumatalima sa Kanya

وَهُوَ الَّذِي يَبْدَأُ الْخَلْقَ ثُمَّ يُعِيدُهُ وَهُوَ أَهْوَنُ عَلَيْهِ ۚ وَلَهُ الْمَثَلُ الْأَعْلَىٰ فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ(27)

Siya ang Tangi na nagpasimula sa paglikha, at magpapanumbalik nito (muling paglikha matapos na ito ay maglaho); at ito ay lubhang magaan sa Kanya. Sa Kanya ang lahat ng pag-aangkin ng lahat ng pinakasukdol na paglalarawan (alalaong baga, wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya, at walang sinuman ang sa Kanya ay maitutulad) sa kalangitan at kalupaan. At Siya ang Sukdol sa Kapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan

ضَرَبَ لَكُم مَّثَلًا مِّنْ أَنفُسِكُمْ ۖ هَل لَّكُم مِّن مَّا مَلَكَتْ أَيْمَانُكُم مِّن شُرَكَاءَ فِي مَا رَزَقْنَاكُمْ فَأَنتُمْ فِيهِ سَوَاءٌ تَخَافُونَهُمْ كَخِيفَتِكُمْ أَنفُسَكُمْ ۚ كَذَٰلِكَ نُفَصِّلُ الْآيَاتِ لِقَوْمٍ يَعْقِلُونَ(28)

Inilantad Niya ang isang talinghaga (paghahambing) mula sa inyong sarili. Mayroon ba kayong mga katambal mula sa mga nakamtan ng inyong kanang kamay (alalaong baga, ang inyong mga alipin), upang maging kahati bilang kapantay sa kayamanan na ipinagkaloob Namin sa inyo? Nangangamba ba kayo sa kanila ng katulad ng pangangamba ninyo sa isa’t isa? Samakatuwid, sa gayon Namin ipinapaliwanag ang mga Tanda sa mga tao na may pang-unawa. [Alalaong baga, paano kayo nag-akibat sa Amin ng mga katambal na Aming nilikha, gayong kayo sa inyong sarili ay hindi tatanggap ng mga katambal ninyo mula sa inyong mga alipin]

بَلِ اتَّبَعَ الَّذِينَ ظَلَمُوا أَهْوَاءَهُم بِغَيْرِ عِلْمٍ ۖ فَمَن يَهْدِي مَنْ أَضَلَّ اللَّهُ ۖ وَمَا لَهُم مِّن نَّاصِرِينَ(29)

Hindi, ang mga mapaggawa ng kasamaan (ay tangi) lamang na sumusunod sa kanilang sariling pagnanasa, na salat sa karunungan. Kung gayon, sino ang mamamatnubay sa mga tao na hinayaan ni Allah na mapaligaw? Sa kanila, walang sinuman ang makakatulong

فَأَقِمْ وَجْهَكَ لِلدِّينِ حَنِيفًا ۚ فِطْرَتَ اللَّهِ الَّتِي فَطَرَ النَّاسَ عَلَيْهَا ۚ لَا تَبْدِيلَ لِخَلْقِ اللَّهِ ۚ ذَٰلِكَ الدِّينُ الْقَيِّمُ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَعْلَمُونَ(30)

Kaya’t iharap mo (O Muhammad) nang tunay ang iyong mukha sa Pananampalatayang dalisay ng Islam at Hanifan (alalaong baga, ang tanging sumamba lamang kay Allah, at sa Fitrah (ang likas na damdamin ng paniniwala sa pagiging tanging Isa ni Allah), na sa pamamagitan nito (Fitrah) ay Kanyang nilikha ang sangkatauhan. Huwag hayaan na magkaroon ng pagbabago sa Khalq-illah (alalaong baga, ang pananampalataya ni Allah, sa Islam at sa Kanyang Kaisahan); ito ang Tuwid na Pananampalataya, datapuwa’t ang karamihan sa mga tao ay walang kaalaman

۞ مُنِيبِينَ إِلَيْهِ وَاتَّقُوهُ وَأَقِيمُوا الصَّلَاةَ وَلَا تَكُونُوا مِنَ الْمُشْرِكِينَ(31)

(Mamalagi) kayong lumilingon sa Kanya (lamang) sa pagsisisi at inyong pangambahan Siya at maging masunurin. Magsipagtakda kayo ng palagiang pagdarasal (Iqamat- us-Salah) at huwag kayong mapabilang sa Al-Mushrikun (mga tao na nag-aakibat sa pagsamba sa iba pang diyus- diyosan bukod pa kay Allah, walang pananalig, buhong, tampalasan, walang paniniwala sa Kaisahan ni Allah, atbp)

مِنَ الَّذِينَ فَرَّقُوا دِينَهُمْ وَكَانُوا شِيَعًا ۖ كُلُّ حِزْبٍ بِمَا لَدَيْهِمْ فَرِحُونَ(32)

At sa mga naghahati-hati sa kanilang Pananampalataya (sa pagkakaroon ng mga iba’t ibang sekta at paglisan sa Kaisahan ni Allah, ang pagdaragdag ng mga bagong bagay [Bid’a] at pagsunod sa kanilang maimbot na hangarin), ang bawat isang sekta ay nangagagalak sa anupamang nasa sa loob (na pinanghahawakan ng kanilang sekta). [Isinalaysay ni Abu Huraira na ang Propeta ay nagsabi: Ang mga Hudyo at Kristiyano ay naghiwa-hiwalay sa pitumpu’t isa o pitumpu’t dalawang pangrelihiyong sekta, at ang pamayanang ito ay mahahati sa pitumpu’t tatlong pangrelihiyong sekta, ang lahat ay nasa Impiyerno, maliban sa isa, at ang isang ito ay ako at ang aking mga kapanalig ay naroroon ngayon, alalaong baga, ang sumusunod sa Qur’an at sa Sunna ng Propeta (mga legal na paraan, kautusan, mga gawa ng pagsamba, pahayag, atbp]

وَإِذَا مَسَّ النَّاسَ ضُرٌّ دَعَوْا رَبَّهُم مُّنِيبِينَ إِلَيْهِ ثُمَّ إِذَا أَذَاقَهُم مِّنْهُ رَحْمَةً إِذَا فَرِيقٌ مِّنْهُم بِرَبِّهِمْ يُشْرِكُونَ(33)

At kung ang kahirapan ay sumapit sa mga tao, sila ay matapat na naninikluhod sa kanilang Panginoon (Allah) at nagbabalik-loob sa Kanya sa pagsisisi; datapuwa’t kung maipalasap na Niya sa kanila ang Kanyang Habag; pagmasdan, ang ilang pangkat sa kanila ay nagtatambal sa pagsamba sa ibang pang diyus-diyosan bukod pa sa kanilang Panginoon

لِيَكْفُرُوا بِمَا آتَيْنَاهُمْ ۚ فَتَمَتَّعُوا فَسَوْفَ تَعْلَمُونَ(34)

(Na wari bang) ipinapakita nila ang kawalan nila ng pasasalamat sa mga (biyayang) Aming ipinagkaloob sa kanila! Kaya’t magpakaligaya kayo (sa maigsing sandali ng inyong buhay), hindi magtatagal ay inyong mapag-aalaman ( ang inyong kahangalan)

أَمْ أَنزَلْنَا عَلَيْهِمْ سُلْطَانًا فَهُوَ يَتَكَلَّمُ بِمَا كَانُوا بِهِ يُشْرِكُونَ(35)

O nagbigay ba Kami sa kanila ng isang Kasulatan na may kapamahalaan na nagsasabi sa mga bagay na kanilang itinatambal sa Kanya (sa pagsamba)

وَإِذَا أَذَقْنَا النَّاسَ رَحْمَةً فَرِحُوا بِهَا ۖ وَإِن تُصِبْهُمْ سَيِّئَةٌ بِمَا قَدَّمَتْ أَيْدِيهِمْ إِذَا هُمْ يَقْنَطُونَ(36)

Kung Aming ipalasap sa mga tao ang Aming Habag, sila ay nagagalak, at kung ang kasamaan ay makasakit sa kanila dahilan na rin (sa kagagawan ng kanilang masasamang gawa at kasalanan) na inihantong ng kanilang (sariling) mga kamay, pagmasdan, sila ay nawawalan ng pag-asa

أَوَلَمْ يَرَوْا أَنَّ اللَّهَ يَبْسُطُ الرِّزْقَ لِمَن يَشَاءُ وَيَقْدِرُ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِّقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ(37)

Hindi baga nila napagmamasdan na si Allah ang nagpaparami ng kanilang ikabubuhay sa sinumang Kanyang maibigan at naghihigpit nito sa sinumang Kanyang maibigan? Katotohanang naririto ang mga tiyak na Tanda sa mga sumasampalataya

فَآتِ ذَا الْقُرْبَىٰ حَقَّهُ وَالْمِسْكِينَ وَابْنَ السَّبِيلِ ۚ ذَٰلِكَ خَيْرٌ لِّلَّذِينَ يُرِيدُونَ وَجْهَ اللَّهِ ۖ وَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُفْلِحُونَ(38)

Kaya’t ipagkaloob kung ano ang nararapat sa mga kamag-anak, at sa nangangailangan, at sa naglalakbay; ito ay higit na mabuti sa mga humahanap sa Pagsang-ayon ni Allah, at sila ang magsisipagtagumpay

وَمَا آتَيْتُم مِّن رِّبًا لِّيَرْبُوَ فِي أَمْوَالِ النَّاسِ فَلَا يَرْبُو عِندَ اللَّهِ ۖ وَمَا آتَيْتُم مِّن زَكَاةٍ تُرِيدُونَ وَجْهَ اللَّهِ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُضْعِفُونَ(39)

At sa ibinigay ninyong pabuya (interes) sa (ibang tao), upang inyong mapalago (ang inyong kayamanan mula sa ibang tao sa paghahangad nang higit na malaking ganti mula sa kanilang ari-arian), ito ay walang karagdagan (grasya) mula kay Allah; datapuwa’t ang anumang ibigay ninyo sa kawanggawa (Zakah) na naghahangad ng Pagsang- ayon ni Allah (ay madaragdagan); sila yaong ang kabayaran ay pararamihin

اللَّهُ الَّذِي خَلَقَكُمْ ثُمَّ رَزَقَكُمْ ثُمَّ يُمِيتُكُمْ ثُمَّ يُحْيِيكُمْ ۖ هَلْ مِن شُرَكَائِكُم مَّن يَفْعَلُ مِن ذَٰلِكُم مِّن شَيْءٍ ۚ سُبْحَانَهُ وَتَعَالَىٰ عَمَّا يُشْرِكُونَ(40)

Si Allah ang lumikha sa inyo, at nagkaloob sa inyo ng ikabubuhay, at maggagawad sa inyo ng kamatayan, at (muli) ay magpapanumbalik ng inyong buhay (sa Araw ng Muling Pagkabuhay). Mayroon kaya sa sinumang inyong (sinasabing) katambal (ni Allah) ang makakagawa ng isa man sa mga bagay na ito? Luwalhatiin Siya! Higit Siyang Mataas sa anupamang (masamang) bagay na kanilang iniaakibat (sa Kanya)

ظَهَرَ الْفَسَادُ فِي الْبَرِّ وَالْبَحْرِ بِمَا كَسَبَتْ أَيْدِي النَّاسِ لِيُذِيقَهُم بَعْضَ الَّذِي عَمِلُوا لَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ(41)

Ang mga kasamaan (kasalanan at pagsuway kay Allah, atbp.) ay lumitaw sa kalupaan at karagatan dahilan sa kagagawan ng mga kamay ng mga tao (sa pamamagitan ng pang-aapi at kabuktutan), upang si Allah ay magpalasap sa ilang bahagi ng kanilang ginawa; nang sa gayon, sila ay magsitalikod (sa kasamaan, sa pamamagitan ng pagsisisi kay Allah at paninikluhod sa Kanyang Kapatawaran)

قُلْ سِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَانظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الَّذِينَ مِن قَبْلُ ۚ كَانَ أَكْثَرُهُم مُّشْرِكِينَ(42)

Ipagbadya (o Muhammad): “Magsipaglakbay kayo sa kalupaan at inyong tunghayan kung ano ang kinasapitan (ng mga tao) na nauna pa sa inyo! Ang karamihan sa kanila ay Mushrikun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, pagano, walang pananampalataya, buktot, atbp)

فَأَقِمْ وَجْهَكَ لِلدِّينِ الْقَيِّمِ مِن قَبْلِ أَن يَأْتِيَ يَوْمٌ لَّا مَرَدَّ لَهُ مِنَ اللَّهِ ۖ يَوْمَئِذٍ يَصَّدَّعُونَ(43)

Kaya’t ilingon mo (O Muhammad) ang iyong mukha (sa pagsunod kay Allah, ang iyong Panginoon), - sa Tuwid at Tunay na pananampalataya (sa Islam at sa Kaisahan ni Allah), bago dumating sa inyo mula kay Allah ang Araw na walang sinuman ang makakapigil; sa Araw na yaon ang mga tao ay mahahati (sa dalawang pangkat, ang isang pangkat ay sa Paraiso at ang isang pangkat ay sa Impiyerno)

مَن كَفَرَ فَعَلَيْهِ كُفْرُهُ ۖ وَمَنْ عَمِلَ صَالِحًا فَلِأَنفُسِهِمْ يَمْهَدُونَ(44)

Sinuman ang nagtatakwil sa Pananampalataya ay magdurusa sa kanyang pagtatakwil (sa Impiyerno); at sinuman ang nagsisigawa ng kabutihan ay magkakaroon sa kanyang sarili ng isang baon (sa kalangitan sa Paraiso)

لِيَجْزِيَ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ مِن فَضْلِهِ ۚ إِنَّهُ لَا يُحِبُّ الْكَافِرِينَ(45)

Upang Kanyang magantimpalaan ang mga sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) at nagsisigawa ng kabutihan mula sa Kanyang Kasaganaan, sapagkat katotohanang Siya ay hindi nagmamahal sa mga nagtatakwil ng Pananampalataya

وَمِنْ آيَاتِهِ أَن يُرْسِلَ الرِّيَاحَ مُبَشِّرَاتٍ وَلِيُذِيقَكُم مِّن رَّحْمَتِهِ وَلِتَجْرِيَ الْفُلْكُ بِأَمْرِهِ وَلِتَبْتَغُوا مِن فَضْلِهِ وَلَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ(46)

Ang ilan sa Kanyang mga Tanda ay ito; na Siya ang nagpapadala sa Hangin bilang tagapagbalita ng magandang balita, at nagpapalasap sa inyo ng Kanyang Habag (alalaong baga, ng ulan); upang ang mga barko ay magsipaglayag sa Kanyang pag-uutos at upang kayo ay makasumpong ng Kanyang Kagandahang Loob (Biyaya), upang kayo ay magkaroon ng damdamin ng pasasalamat

وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا مِن قَبْلِكَ رُسُلًا إِلَىٰ قَوْمِهِمْ فَجَاءُوهُم بِالْبَيِّنَاتِ فَانتَقَمْنَا مِنَ الَّذِينَ أَجْرَمُوا ۖ وَكَانَ حَقًّا عَلَيْنَا نَصْرُ الْمُؤْمِنِينَ(47)

At katotohanang Kami ay nagparating bago pa sa iyo (o Muhammad) ng mga Tagapagbalita sa kanilang mga pamayanan. Sila ay dumatal sa kanila na may maliliwanag na Tanda at katibayan; at sa mga lumabag sa (paggawa) ng kasalanan (kawalan ng pananalig at pagsamba sa iba maliban pa kay Allah, atbp.), sila ay ginawaran Namin ng kaparusahan; at isang katungkulan sa Amin na Aming tulungan ang mga sumasampalataya

اللَّهُ الَّذِي يُرْسِلُ الرِّيَاحَ فَتُثِيرُ سَحَابًا فَيَبْسُطُهُ فِي السَّمَاءِ كَيْفَ يَشَاءُ وَيَجْعَلُهُ كِسَفًا فَتَرَى الْوَدْقَ يَخْرُجُ مِنْ خِلَالِهِ ۖ فَإِذَا أَصَابَ بِهِ مَن يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ إِذَا هُمْ يَسْتَبْشِرُونَ(48)

Si Allah ang nagsusugo ng Hangin, na nagtataas sa mga ulap, at pinangangalat Niya ito sa kalangitan ayon sa Kanyang kagustuhan, at binibiyak Niya ito ng pira-piraso hanggang sa inyong mamasdan ang mga patak ng ulan mula sabuntonnito!Atkung Kanyanghayaannaitoaymamalisbis sa Kanyang mga tagapaglingkod na Kanyang maibigan, tunay nga, sila ay nangagagalak

وَإِن كَانُوا مِن قَبْلِ أَن يُنَزَّلَ عَلَيْهِم مِّن قَبْلِهِ لَمُبْلِسِينَ(49)

At katotohanang bago (pa dumating ang ulan), hindi pa nagtatagal nang tanggapin nila ito; sila ay hibang pa sa kawalan ng pag-asa

فَانظُرْ إِلَىٰ آثَارِ رَحْمَتِ اللَّهِ كَيْفَ يُحْيِي الْأَرْضَ بَعْدَ مَوْتِهَا ۚ إِنَّ ذَٰلِكَ لَمُحْيِي الْمَوْتَىٰ ۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ(50)

At inyong pagmasdan (o sangkatauhan!) kung ano ang kinalabasan ng Habag ni Allah, kung paano Niya binuhay ang kalupaan pagkatapos na ito ay mamatay (maging tigang). Katotohanang sa gayon din, (si Allah) na nagpasigla sa tigang na kalupaan ay magbibigay buhay sa mga tao na patay (sa Araw ng Muling Pagkabuhay), sapagkat Siya ang may Kapangyarihan sa lahat ng bagay

وَلَئِنْ أَرْسَلْنَا رِيحًا فَرَأَوْهُ مُصْفَرًّا لَّظَلُّوا مِن بَعْدِهِ يَكْفُرُونَ(51)

At kung Kami ay magparating ng hangin (na nananalanta) at kanilang mapagmamasdan (na ang kanilang luntiang halamanan) ay nanilaw (nalanta); inyong tunghayan, pagkatapos na sila ay magalak, sila ay nawawalan ng pasasalamat (sa kanilang Panginoon, bilang mga hindi sumasampalataya)

فَإِنَّكَ لَا تُسْمِعُ الْمَوْتَىٰ وَلَا تُسْمِعُ الصُّمَّ الدُّعَاءَ إِذَا وَلَّوْا مُدْبِرِينَ(52)

Katotohanang ikaw (O Muhammad) ay hindi makakagawa na ang patay ay makarinig (alalaong baga, ang mga hindi sumasampalataya), gayundin na ang bingi ay makinig sa panawagan, kung sila ay tumatalikod at tumatalilis

وَمَا أَنتَ بِهَادِ الْعُمْيِ عَن ضَلَالَتِهِمْ ۖ إِن تُسْمِعُ إِلَّا مَن يُؤْمِنُ بِآيَاتِنَا فَهُم مُّسْلِمُونَ(53)

At ikaw rin (o Muhammad) ay hindi makakapamatnubay sa bulag sa pagkaligaw; magagawa mo lamang na makarinig sila na mga sumasampalataya sa Aming Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.) at tumatalima kay Allah sa Islam (bilang mga Muslim)

۞ اللَّهُ الَّذِي خَلَقَكُم مِّن ضَعْفٍ ثُمَّ جَعَلَ مِن بَعْدِ ضَعْفٍ قُوَّةً ثُمَّ جَعَلَ مِن بَعْدِ قُوَّةٍ ضَعْفًا وَشَيْبَةً ۚ يَخْلُقُ مَا يَشَاءُ ۖ وَهُوَ الْعَلِيمُ الْقَدِيرُ(54)

Si Allah ang lumikha sa inyo sa katayuan ng pagiging mahina (murang gulang pa); at nagbigay sa inyo ng lakas (paglaki at ganap na gulang) mula sa pagiging mahina; at pagkaraan ng lakas, (muli) ay ang pagiging mahina at (pagkakaroon) ng maputing buhok. Siya ang lumilikha ng anumang Kanyang naisin, at Siya ang may Ganap na Karunungan at Tigib ng Kapangyarihan (sa lahat ng bagay)

وَيَوْمَ تَقُومُ السَّاعَةُ يُقْسِمُ الْمُجْرِمُونَ مَا لَبِثُوا غَيْرَ سَاعَةٍ ۚ كَذَٰلِكَ كَانُوا يُؤْفَكُونَ(55)

At sa Araw na ang oras (ng Pagsusulit) ay ititindig, ang Mujrimun (mga nagsilabag sa utos, kriminal, buktot, tampalasan, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, makasalanan, atbp.) ay manunumpa na sila ay nanatili lamang ng isang oras, kaya’t sa ganito sila ay nalinlang sa katotohanan (alalaong baga, sila ay nahirati na sa pagsasabi ng kasinungalingan at bulaang pagsaksi at tumatalikod sa katotohanan sa buhay sa mundong ito)

وَقَالَ الَّذِينَ أُوتُوا الْعِلْمَ وَالْإِيمَانَ لَقَدْ لَبِثْتُمْ فِي كِتَابِ اللَّهِ إِلَىٰ يَوْمِ الْبَعْثِ ۖ فَهَٰذَا يَوْمُ الْبَعْثِ وَلَٰكِنَّكُمْ كُنتُمْ لَا تَعْلَمُونَ(56)

Datapuwa’t yaong nagawaran ng karunungan at pananalig ay magsasabi: “Katotohanang kayo ay nanatili ayon sa Pagtatakda ni Allah hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay, at ito ang Araw ng Muling Pagkabuhay, datapuwa’t ito ay hindi ninyo nalalaman!”

فَيَوْمَئِذٍ لَّا يَنفَعُ الَّذِينَ ظَلَمُوا مَعْذِرَتُهُمْ وَلَا هُمْ يُسْتَعْتَبُونَ(57)

Kaya’t sa Araw na yaon, walang anumang dahilan (katwiran) ang makakatulong sa mga nagsilabag (sa pamamagitan nang pagtatambal sa pagsamba kay Allah at pagtatatwa sa Araw ng Muling Pagkabuhay), gayundin, sila ay hindi na papayagan na makapagbago (o makabalik sa lupa) upang hanapin ang kaluguran ni Allah (sa pamamagitan ng pagtanggap sa Islam at paggawa ng kabutihan at pagtatakwil sa pagsamba sa mga diyus- diyosan, at sa mga kasalanan ng may pagtitika)

وَلَقَدْ ضَرَبْنَا لِلنَّاسِ فِي هَٰذَا الْقُرْآنِ مِن كُلِّ مَثَلٍ ۚ وَلَئِن جِئْتَهُم بِآيَةٍ لَّيَقُولَنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا إِنْ أَنتُمْ إِلَّا مُبْطِلُونَ(58)

At katotohanang Aming ipinaunawa nang matiim sa mga tao, sa Qur’an na ito, ang lahat ng uri ng talinghaga; datapuwa’t kung ikaw (O Muhammad) ay magdala sa kanila ng anumang Tanda (bilang isang katibayan ng katotohanan at pagka-propeta), ang mga hindi sumasampalataya ay katiyakang magsasabi (sa mga sumasampalataya): “Ikaw ay walang sinusunod kundi kabulaanan at salamangka.”

كَذَٰلِكَ يَطْبَعُ اللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِ الَّذِينَ لَا يَعْلَمُونَ(59)

Kaya’t sa ganito tinakpan ni Allah ang puso ng mga hindi nakakaunawa (sa mga katibayan ng pagiging Tanging Isa ni Allah at sa hindi sumubok na umunawa sa tunay na layon nang pagkasugo ni Muhammad sa kanila)

فَاصْبِرْ إِنَّ وَعْدَ اللَّهِ حَقٌّ ۖ وَلَا يَسْتَخِفَّنَّكَ الَّذِينَ لَا يُوقِنُونَ(60)

Kaya’t ikaw (O Muhammad) ay maging matimtiman sa pagtitigaya; sapagkat katotohanang ang pangako ni Allah ay katuparan, at huwag hayaan ang mga tao na walang katiyakan ang pananampalataya ay makapanghina sa iyo sa pagpapalaganap ng Mensahe ni Allah (na iyong marapat na maiparating). luqmAn


المزيد من السور باللغة الفلبينية:

سورة البقرة آل عمران سورة النساء
سورة المائدة سورة يوسف سورة ابراهيم
سورة الحجر سورة الكهف سورة مريم
سورة السجدة سورة يس سورة الدخان
سورة النجم سورة الرحمن سورة الواقعة
سورة الحشر سورة الملك سورة الحاقة

تحميل سورة الروم بصوت أشهر القراء :

قم باختيار القارئ للاستماع و تحميل سورة الروم كاملة بجودة عالية
سورة الروم أحمد العجمي
أحمد العجمي
سورة الروم خالد الجليل
خالد الجليل
سورة الروم سعد الغامدي
سعد الغامدي
سورة الروم سعود الشريم
سعود الشريم
سورة الروم عبد الباسط عبد الصمد
عبد الباسط
سورة الروم عبد الله عواد الجهني
عبد الله الجهني
سورة الروم علي الحذيفي
علي الحذيفي
سورة الروم فارس عباد
فارس عباد
سورة الروم ماهر المعيقلي
ماهر المعيقلي
سورة الروم محمد جبريل
محمد جبريل
سورة الروم محمد صديق المنشاوي
المنشاوي
سورة الروم الحصري
الحصري
سورة الروم العفاسي
مشاري العفاسي
سورة الروم ناصر القطامي
ناصر القطامي
سورة الروم ياسر الدوسري
ياسر الدوسري



Sunday, December 22, 2024

لا تنسنا من دعوة صالحة بظهر الغيب