Surah Al-Insan
PDF —
Built right in your browser — download starts automatically
Surah Al-Insan pdf — I-download (Filipino)
Surah Al-Insan pdf Filipino — I-download Surah Al-Insan Salin. Al-Insan (Medinan) 31 Talata.
Related
- Al-Insan SalinFilipino
- Al-Insan mp3Pakinggan
- Quran Index Filipino114
More Surah PDF
Surah Al-Insan

ﯜﯝﯞﯟﯠﯡﯢﯣﯤﯥﯦﯧ
Hindi baga ang tao ay wala sa loob ng mahabang panahon at hindi man lamang nababanggit
ﯨﯩﯪﯫﯬﯭﯮﯯﯰﯱﯲ
Katotohanang Aming nilikha ang tao mula sa Nutfah (magkahalong katas ng semilya ng lalaki at babae), upang siya ay Aming masubukan, kaya’t Aming ginawaran siya ng biyaya ng pandinig at pangmasid
ﯳﯴﯵﯶﯷﯸﯹﯺ
Katotohanang Aming itinuro sa kanya ang landas (na may kalayaan) na maging mabuti sa pasasalamat o kawalan ng pasasalamat
ﯻﯼﯽﯾﯿﰀﰁ
At sa mga nagtatakwil sa pananampalataya ay Aming inihanda ang mga bakal na kadena, ang mga gapos (sa leeg) at Naglalagablab na Apoy
ﰂﰃﰄﰅﰆﰇﰈﰉﰊ
Katotohanang sa mga Abrar (matutuwid na tao na nangangamba kay Allah at umiiwas sa kasalanan), ay magsisiinom sa kopita na ang laman nito (ay alak) na hinaluan ng tubig mula sa batis ng Paraiso na tinatawag na Kafur
ﭑﭒﭓﭔﭕﭖﭗﭘ
Sa isang bukal na kung saan ang mga tagapaglingkod ni Allah ay magsisiinom, na dumadaloy nang masagana at hindi magmamaliw
ﭙﭚﭛﭜﭝﭞﭟﭠ
(Sapagkat) sila nga ang nagsiganap ng kanilang tungkulin at nangamba sa Araw na ang kasamaan ay magsisipangalat nang malayo at malawak
ﭡﭢﭣﭤﭥﭦﭧﭨ
At sila ay nagkaloob ng pagkain dahilan sa pagmamahal kay Allah, sa nagdarahop, sa ulila at napipiit
ﭩﭪﭫﭬﭭﭮﭯﭰﭱﭲﭳ
(Na nagsasabi): “Kami ay nagpakain sa inyo dahilan sa pagmamahal namin kay Allah. Kami ay hindi naghahangad 928 ng pabuya, gayundin ng pasasalamat mula sa inyo
ﭴﭵﭶﭷﭸﭹﭺﭻ
Katotohanang kami ay nangangamba sa aming Panginoon sa Araw ng kahirapan at kaguluhan na magdudulot sa mga mukha ng kalagim-lagim na anyo (dahilan sa matinding pag-ayaw dito).”
ﭼﭽﭾﭿﮀﮁﮂﮃﮄ
Datapuwa’t sila ay iniligtas ni Allah sa kasamaan ng Araw na yaon at sila ay biniyayaan Niya ng Nadratan (isang Liwanag ng Kagandahan) at kaligayahan
ﮅﮆﮇﮈﮉﮊ
At sapagkat sila ay naging matiyaga at matatag (sa pananalig), si Allah ay magkakaloob sa kanila ng Halamanan (Paraiso) at mga kasuutang yari sa sutla
ﮋﮌﮍﮎﮏﮐﮑﮒﮓﮔﮕﮖ
Sila ay nakahimlay nang pahilig sa Halamanan sa mga nakataas na luklukan, at sila ay hindi makakamalas dito ng mahapding init ng araw o ng napakalamig na sinag ng buwan
ﮗﮘﮙﮚﮛﮜﮝ
At ang lilim ng Halamanan ay bababa upang limliman sila at ang mga kumpol ng hitik na bunga ay nakabitin nang mababa na abot-kamay nila
ﮞﮟﮠﮡﮢﮣﮤﮥﮦ
At sa kanila ay palibot na idudulot ang mabibilog na banga na yari sa pilak at mga kopitang kristal
ﮧﮨﮩﮪﮫﮬ
Kristal na kumikislap na gawa sa pilak. Tatamasahin nila ang anumang dami (sa sisidlan) sa anumang kanilang maibigan
ﮭﮮﮯﮰﮱﯓﯔ
At sila ay dudulutan upang uminom sa kopita na ang laman (ay alak) na nahahaluan ng Zanjabil
ﯕﯖﯗﯘﯙ
Mula sa isang bukal ng tubig doon na tinatawag na Salsabil
ﯚﯛﯜﯝﯞﯟﯠﯡﯢﯣﯤ
At sa kanila ay magsisilbi ang mga kabataan na may hindi nagmamaliw na kasariwaan (kabataan), na kung inyong mapagmamalas, sila ay wari bang nagkalat na perlas (sa kariktan)
ﯥﯦﯧﯨﯩﯪﯫﯬ
At kung tutunghay kayo rito (Paraiso), kayo ay makakamalas ng Sukdol na Kaligayahan (na hindi mapapangarap at mauunawaan), at isang dakilang Paghahari
ﯭﯮﯯﯰﯱﯲﯳﯴﯵﯶﯷﯸﯹﯺﯻ
Ang kanilang mga kasuutan ay kulay luntiang sutla na napapalamutihan ng ginto. Sila ay gagayakan ng mga pulseras na pilak at ang kanilang Panginoon ay magkakaloob sa kanila ng dalisay na inumin
ﯼﯽﯾﯿﰀﰁﰂﰃﰄ
(At sa kanila ay ipagbabadya): “Katotohanang ito ang ganti sa inyo at ang inyong pinagsumikapan ay tinanggap na mainam (sa karangalan)”
ﰅﰆﰇﰈﰉﰊﰋ
Katotohanang Kami ang nagpahayag ng Qur’an sa iyo (o Muhammad) sa sunod-sunod na antas (ng pagpapahayag)
ﰌﰍﰎﰏﰐﰑﰒﰓﰔﰕ
Kaya’t maging matiyaga at matimtiman ka (o Muhammad) at tumalima sa pag-uutos ng iyong Panginoon (si Allah, sa pamamagitan ng pagganap ng iyong tungkulin sa Kanya at sa pagpapalaganap ng Kanyang Mensahe sa sangkatauhan), at huwag kang makinig sa makasalanan, gayundin sa mga hindi sumasampalataya sa kanilang lipon
ﰖﰗﰘﰙﰚﰛ
At alalahanin ang Pangalan ng iyong Panginoon sa bawat umaga at hapon (alalaong baga, ang mag-alay ng panalangin sa umaga, tanghali at hapon)
ﭑﭒﭓﭔﭕﭖﭗﭘ
At sambahin Siya (sa pagpapatirapa) sa ilang bahagi ng gabi at papurihan Siya sa buong magdamag (alalaong baga, ang mag-alay ng panalangin sa takipsilim, gabi at sa gitna ng gabi)
ﭙﭚﭛﭜﭝﭞﭟﭠﭡ
Katotohanan, ang mga hindi sumasampalataya ay nagmamahal (sa panandaliang) buhay sa mundong ito, at inilayo nila sa kanila (ang pag-aala-ala) sa Kasakit-sakit na Araw
ﭢﭣﭤﭥﭦﭧﭨﭩﭪﭫﭬ
Kami (Allah) ang lumikha sa kanila at ginawa Naming matibay ang kanilang balangkas (ng buto). At kung Aming naisin, magagawa Naming palitan sila ng iba na katulad din nila, ng buong-buo
ﭭﭮﭯﭰﭱﭲﭳﭴﭵﭶﭷ
Katotohanan! Ang (mga Talata ng Qur’an) ay isang Pagpapaala-ala (tagubilin), kaya’t sinuman ang magnais, hayaan siya na tahakin ang Landas tungo sa kanyang Panginoon (Allah)
ﭸﭹﭺﭻﭼﭽﭾﭿﮀﮁﮂﮃﮄ
Ngunit malibang pahintulutan ni Allah, ito ay hindi ninyo magaganap. Katotohanang si Allah ay Lalagi nang Pinakamaalam, ang Tigib ng Karunungan
ﮅﮆﮇﮈﮉﮊﮋﮌﮍﮎﮏﮐ
Tatanggapin Niya ng Kanyang Habag ang sinumang Kanyang maibigan, datapuwa’t sa Zalimun (mga tampalasan, mapagsamba sa diyus-diyosan, pagano, makasalanan, walang pananalig, atbp.), sa kanila ay inihanda Niya ang Kasakit-sakit na Kaparusahan
Banal na Quran
Tuesday, August 18, 2026
Don't forget us in your sincere prayers







