Surah Sad
88 Talata · Meccan · Filipino
bismillah
ﭑﭒﭓﭔﭕﭖ
Sad (titik Sa): Sa pamamagitan ng Qur’an na tigib ng pagpapaala-ala (na ito ang katotohanan)
ﭗﭘﭙﭚﭛﭜﭝ
Hindi, ang mga walang pananampalataya ay nasa huwad na kapalaluan at pagtutol
ﭞﭟﭠﭡﭢﭣﭤﭥﭦﭧﭨ
Ilan na bang mga sali’t saling lahi na una pa sa kanila ang Aming winasak? Sa katapusan, sila ay nanikluhod (ng habag), nang wala ng panahon na sila ay maliligtas
ﭩﭪﭫﭬﭭﭮﭯﭰﭱﭲﭳﭴ
Kaya’t sila (mga paganong Arabo) ay nagtataka na ang isang Tagapagbabala (Muhammad) ay isinugo sa kanila mula sa kanilang lipon! At ang mga hindi sumasampalataya ay nagsasabi: “Ang (Propetang ito, Muhammad) ay isang manggagaway na nagsasalaysay ng kasinungalingan!”
ﭵﭶﭷﭸﭹﭺﭻﭼﭽﭾ
“Ginawa ba niyang lahat ang mga diyos na maging Isang Diyos (Allah)? Katotohanang ito ay isang naiibang bagay!”
ﭿﮀﮁﮂﮃﮄﮅﮆﮇﮈﮉﮊﮋﮌ
At ang mga pinuno sa kanila ay lumalayo (ng walang pasensiya) at (nagsasabi): “Magsialis na kayo at maging matimtiman sa inyong mga diyos! Sapagkat katotohanang ito ay isang gawang bagay (na laban sa inyo)
ﮍﮎﮏﮐﮑﮒﮓﮔﮕﮖﮗ
Hindi namin kailanman narinig (ang katulad nito) sa lipon ng mga tao ng huling relihiyon, ito ay wala ng iba kundi isang hinabing kuwento!”
ﮘﮙﮚﮛﮜﮝﮞﮟﮠﮡﮢﮣﮤﮥﮦﮧﮨﮩ
Ano? Ang Paala-ala baga ay ipinadala lamang sa kanya (sa gitna ng mga tao) mula sa karamihan namin? Hindi! Datapuwa’t sila ay nag-aalinlangan hinggil sa Aking Paala-ala (Qur’an)! Hindi! Datapuwa’t hindi pa nila nalalasap (ang Aking) Kaparusahan
ﮪﮫﮬﮭﮮﮯﮰﮱ
O mayroon ba silang mga Kaban ng Habag ng inyong Panginoon, - ang Kataas-taasan sa Kapangyarihan, ang Tagapagkaloob ng mga Biyaya ng walang pasubali
ﯓﯔﯕﯖﯗﯘﯙﯚﯛﯜﯝﯞ
o kanila ba ang kapamahalaan at paghahari sa kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito? Kung tunay ngang gayon, hayaan silang pumanhik sa lahat ng paraang kanilang magagawa (sa kalangitan)
ﯟﯠﯡﯢﯣﯤﯥ
(At sapagkat itinakwil nila ang Mensahe ni Allah), sila ay magiging talunan na katulad ng magkakaanib (na pangkat o tao) nang unang panahon (na nagapi)
ﯦﯧﯨﯩﯪﯫﯬﯭﯮ
Bago pa sa kanila (ay marami na) ang nagpabulaan sa mga Tagapagbalita. Ang pamayanan ni Noe; at ni A’ad; at ni Paraon - ang panginoon ng pakikipagsapalaran (na sa gayong paraan ay kanyang pinarurusahan ang mga tao)
ﯯﯰﯱﯲﯳﯴﯵﯶﯷ
At ni Thamud, at pamayanan ni Lut, at ang mga nananahan sa kakahuyan; sila ang mga magkakaanib
ﯸﯹﯺﯻﯼﯽﯾﯿ
wala isa man (sa kanila) ang hindi nagtakwil sa mga Tagapagbalita, kaya’t ang Aking Kaparusahan ay sumapit na makatarungan sa kanila
ﰀﰁﰂﰃﰄﰅﰆﰇﰈﰉﰊ
At sila ay naghihintay lamang sa isang Matinding Sigaw (alalaong baga, ang pag-ihip sa Tambuli ni Anghel Israfil - Sarafil), at (sa sandaling ito ay sumapit), ito ay hindi magbabawa o maglulubay (hanggang ang lahat ay maglaho maliban kay Allah [ang tunay na diyos na Puspos ng Kamahalan, Kasaganaan at Karangalan)
ﰋﰌﰍﰎﰏﰐﰑﰒﰓ
Sila ay nagsasabi: “o Panginoon! Madaliin Ninyo sa amin ang Inyong Qittana (paghatol, alalaong baga, ang Talaan ng mabubuti at masasamang gawa upang ito ay aming mamalas), bago pa dumatal ang Araw ng Pagsusulit!”
ﭑﭒﭓﭔﭕﭖﭗﭘﭙﭚﭛﭜﭝ
Maging matiyaga (o Muhammad) sa anumang sinasabi nila, at iyong alalahanin ang Aming tagapaglingkod na si david, isang tao na ginawaran ng katatagan at kapangyarihan. Katotohanang siya ay lagi nang lumilingon sa lahat ng bagay at sa pagsisisi (kay Allah)
ﭞﭟﭠﭡﭢﭣﭤﭥ
Katotohanang Aming ginawa ang kabundukan na magsisambit ng mga pagpupuri sa Amin na kasama siya (david), sa sandali ng dapithapon at bukang liwayway
ﭦﭧﭨﭩﭪﭫﭬ
At gayundin, ang mga ibon ay nagtitipon na kasama niya (david) at lumilingon kay Allah (sa pagluwalhati sa Kanyang Kapurihan)
ﭭﭮﭯﭰﭱﭲﭳ
Aming pinatatag ang kanyang kaharian at siya ay ginawaran Namin ng karunungan at makatarungang paghatol sa pagsasalita at pagpapasya
ﭴﭵﭶﭷﭸﭹﭺﭻﭼ
Nakarating na ba sa inyo ang kasaysayan ng mga May Usapin (Nagtatalo-talo)? Pagmasdan, nang sila ay umakyat sa bakod tungo sa (kanyang) Mihrab (isang lugar na pinagdarasalan o isang pribadong silid)
ﭽﭾﭿﮀﮁﮂﮃﮄﮅﮆﮇﮈﮉﮊﮋﮌﮍﮎﮏﮐﮑﮒﮓﮔﮕﮖ
Nang sila ay tumungo kay david, siya ay nagulumihanan sa kanila, ngunit sila ay nagsabi: “Huwag kang matakot! Kami ay dalawang (tao) na may usapin (pagtatalo), ang isa ay nakagawa ng kamalian sa isa, kaya’t kami ay iyong hatulan ng may katotohanan, at kami ay huwag mong turingan ng di-katarungan, datapuwa’t kami ay iyong gabayan sa Tuwid na Landas
ﮗﮘﮙﮚﮛﮜﮝﮞﮟﮠﮡﮢﮣﮤﮥﮦ
“Katotohanan, ang taong ito ay aking kapatid (sa pananampalataya), siya ay mayroong siyamnapu at siyam na tupang babae, samantalang ako ay mayroon (lamang) isang tupang babae, at siya ay nagsabi: “Ibigay mo yaon sa akin, at ako ay natalo niya sa pagsasalita (pangangatwiran).”
ﮧﮨﮩﮪﮫﮬﮭﮮﮯﮰﮱﯓﯔﯕﯖﯗﯘﯙﯚﯛﯜﯝﯞﯟﯠﯡﯢﯣﯤﯥﯦﯧﯨﯩﯪﯫ
(Si david ay nangusap na hindi muna nakinig sa inihihinaing): “Siya ay walang alinlangan na nakagawa sa iyo ng kamalian nang kanyang hingin ang nag-iisa mong babaeng tupa upang idagdag sa kanyang (kawan) ng babaeng tupa. At katotohanang marami sa mga magkakasama ang nang-aapi ng iba, maliban sa mga sumasampalataya at nagsisigawa ng kabutihan, at sila ay iilan lamang. At si david ay nakaramdam na siya ay Aming sinubukan at humingi siya ng kapatawaran sa kanyang Panginoon, nanikluhod, at yumuko (sa pagpapatirapa), at bumaling (kay Allah) sa pagsisisi
ﯬﯭﯮﯯﯰﯱﯲﯳﯴﯵﯶ
Kaya’t siya ay pinatawad Namin, at katotohanang sasakanya ang pagiging malapit niya sa Amin, at ng isang mainam na lugar (ng huling) Pagbabalik (Paraiso)
ﯷﯸﯹﯺﯻﯼﯽﯾﯿﰀﰁﰂﰃﰄﰅﰆﰇﰈﰉﰊﰋﰌﰍﰎﰏﰐﰑﰒﰓﰔﰕﰖ
O David! Katotohanang ikaw ay ginawa Namin na maging tagapagmana sa kalupaan, kaya’t ikaw ay humatol sa pagitan ng mga tao sa katotohanan (at katarungan), at huwag mong sundin ang iyong pagnanasa, sapagkat ito ang magliligaw sa iyo sa Landas ni Allah. Katotohanang sila na naglilibot nang ligaw sa landas ni Allah ay makakasumpong ng matinding kaparusahan sapagkat kinalimutan nila ang Araw ng Pagsusulit
ﭑﭒﭓﭔﭕﭖﭗﭘﭙﭚﭛﭜﭝﭞﭟﭠﭡﭢﭣ
At hindi Namin nilikha ang kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito ng walang kadahilanan! Ito ang napag-aakala ng mga hindi sumasampalataya! Datapuwa’t kasawian sa mga walang pananampalataya (sa Islam at KaisahanniAllah) mulasaApoy(ng Impiyerno)
ﭤﭥﭦﭧﭨﭩﭪﭫﭬﭭﭮﭯﭰﭱ
Ituturing ba Namin na magkatulad ang mga sumasampalataya (sa Islam at Kaisahan ni Allah) at nagsisigawa ng kabutihan sa Mufsidun (mga mapagsamba sa mga diyus-diyosan at mapaggawa ng kabuktutan) sa kalupaan? Ituturing ba Namin ang Muttaqun (mga matutuwid at mabubuting tao na labis na nangangamba kay Allah at nagsisikap na malayo sa kasamaan at umiiwas sa Kanyang ipinagbabawal) bilang mga Fujjar (tampalasan, kriminal, walang pananalig, buktot, buhong, atbp)
ﭲﭳﭴﭵﭶﭷﭸﭹﭺﭻ
Naririto ang isang Aklat (Qur’an) na Aming ipinanaog sa iyo na puspos ng biyaya, upang sila ay makapagmuni-muni sa mga Talata (Tanda) nito, at upang ang mga tao na may pang-unawa ay makatanggap ng paala- ala
ﭼﭽﭾﭿﮀﮁﮂﮃﮄ
At kay david ay Aming ibinigay si Solomon (bilang anak). Gaano kainam siyang tagapaglingkod! Katotohanang siyaaylagingbumabalingsaAminsapagsisisi
ﮅﮆﮇﮈﮉﮊﮋ
Pagmasdan, itinambad sa kanyang harapan nang kinahapunan ang mga kabayo na lubos na sinanay at may mataas na lahi (na magagamit sa Jihad tungo sa Kapakanan ni Allah)
ﮌﮍﮎﮏﮐﮑﮒﮓﮔﮕﮖﮗ
At siya ay nagsabi: “Tunay ngang higit kong pinahahalagahan ang kayamanan (mga kabayo) kaysa sa pag-aala-ala sa aking Panginoon (sa panghapong [Asr] pagdarasal)”, hanggang ang oras ay lumipas at ang (araw) ay natakpan na ng lambong (ng gabi)
ﮘﮙﮚﮛﮜﮝﮞﮟ
At kanyang sinabi: “dalhin silang (mga kabayo) muli sa akin”. At sinimulan niyang paraanin ang kanyang kamay sa ibabaw ng kanilang mga binti at kanilang leeg (hanggang sa huling kabayo)
ﮠﮡﮢﮣﮤﮥﮦﮧﮨﮩ
At katotohanang Aming sinubukan si Solomon at Aming inilagay sa kanyang luklukan ang Jasadan (isang demonyo, upang pansamantalang mawala ang kanyang pinamamahalaang kaharian) datapuwa’t nakabalik siya (sa kanyang luklukan at kaharian sa pamamagitan ng Kanyang Habag) kay Allah ng may pagsunod at sa pagsisisi
ﮪﮫﮬﮭﮮﮯﮰﮱﯓﯔﯕﯖﯗﯘﯙﯚﯛ
Siya ay nagsabi: “o aking Panginoon! Ako ay patawarin Ninyo at Inyong pagkalooban ako ng isang kaharian na hindi mapapasakamay ng iba pagkatapos ko. Katotohanang Kayo ang Tagapagbigay ng mga Biyaya nang walang pasubali
ﯜﯝﯞﯟﯠﯡﯢﯣﯤ
At ipinailalim Namin ang Hangin sa kanyang kapangyarihan na umihip nang mabanayad sa kanyang pag- uutos anuman ang kanyang naisin
ﯥﯦﯧﯨﯩ
At gayundin ang mga demonyo sa lipon ng mga Jinn (na kasama) ang lahat ng uri ng mga manggagawa at manlalangoy
ﯪﯫﯬﯭﯮ
At gayundin ang iba pa na natatalian ng mga kadena
ﯯﯰﯱﯲﯳﯴﯵﯶ
(winika ni Allah kay Solomon): “Ito ang Aming mga biyaya, kung ito man ay iyong ibigay (sa iba) o angkinin ito, walang pagsusulit ang itatanong (sa iyo).”
ﯷﯸﯹﯺﯻﯼﯽ
At katotohanang siya ay nasiyahan sa pagiging malapit sa Amin, at ng isang mainam na huling Pagbabalik (Paraiso)
ﯾﯿﰀﰁﰂﰃﰄﰅﰆﰇﰈﰉ
At alalahanin ang Aming tagapaglingkod na si Job, nang siya ay manawagan sa Amin (na nagsasabi): “Katotohanan, ang demonyo ay naggawad sa akin ng siphayo (sa pagkakaroon ng sakit) at ng pagdurusa (sa pagkawala ng aking kayamanan)
ﰊﰋﰌﰍﰎﰏﰐﰑ
(At winika ni Allah sa kanya): “Ipadyak mo ang iyong paa sa lupa; naririto ang sibol ng tubig upang ikaw ay makapaghugas, malamig, at nakakapagpaginhawang inumin.”
ﭑﭒﭓﭔﭕﭖﭗﭘﭙﭚﭛ
At ibinalik Naming muli sa kanya ang kanyang angkan at pinarami ito sa gayon ding bilang, bilang isang Habag mula sa Amin at isang Paala-ala sa mga may pang-unawa
ﭜﭝﭞﭟﭠﭡﭢﭣﭤﭥﭦﭧﭨﭩﭪﭫﭬ
“At hawakan mo ang isang bungkos ng manipis na damo at iyong hampasin (ang iyong asawa) at huwag mong sirain ang iyong sumpa (pangako).” Katotohanang siya ay natagpuan Namin na lubos na matiyaga at matimtiman. Gaano kainam siyang tagapaglingkod! Katotohanang siya ay laging bumabaling sa Amin sa pagsisisi
ﭭﭮﭯﭰﭱﭲﭳﭴﭵ
At alalahanin ang Aming mga tagapaglingkod na si Abraham, Isaac at Hakob, na nagtataglay ng katatagan (sa pagsamba sa Amin), gayundin ng pang-unawa sa pananampalataya
ﭶﭷﭸﭹﭺﭻ
Katotohanang sila ay hinirang Namin sa pamamagitan nang pagkakaloob sa kanila ng mabuting bagay (ang pag-aala-ala sa tahanan sa Kabilang Buhay at ang kanilang pagpapaala-ala at pag-aanyaya sa mga tao na sundin si Allah at gumawa ng mabuting bagay tungo sa Kabilang Buhay)
ﭼﭽﭾﭿﮀﮁ
At sila sa Aming Paningin ay katotohanang nasa lipon ng mga Hinirang at Pinakamainam
ﮂﮃﮄﮅﮆﮇﮈﮉﮊﮋ
At alalahanin si Ismail, Elisha at Dhul-Kifl; ang bawat isa sa kanila ay nasa lipon ng mga Pinakamainam
ﮌﮍﮎﮏﮐﮑﮒﮓ
Ito ay isang Paala-ala at katotohanang sa Muttaqun (mga matutuwid at matimtimang tao na labis na nangangamba kay Allah at umiiwas sa lahat ng uri ng kasalanan at masasamang gawa at nagmamahal kay Allah ng higit at gumagawa ng mabubuting bagay ayon sa Kanyang pag-uutos), ay mayroong isang magandang lugar ng huling Pagbabalik (Paraiso)
ﮔﮕﮖﮗﮘﮙ
Isang Halamanan ng Walang Hanggan (Paraiso), na ang pintuan ay ibubukas sa kanila
ﮚﮛﮜﮝﮞﮟﮠﮡ
rito sila ay magpapahingalay; dito sila ay magsisitawag sa mga bungangkahoy na masagana, at sa malinamnam na inumin
ﮢﮣﮤﮥﮦﮧ
At sa piling nila ay mga busilak na babae na tumitingin lamang sa kanilang asawa na katulad nila ang gulang
ﮨﮩﮪﮫﮬﮭ
Ito ang pangako sa inyo (na Muttaqun, mga matutuwid at matimtimang tao) sa Araw ng Pagsusulit
ﮮﮯﮰﮱﯓﯔﯕﯖ
(Sa kanila ay ipagbabadya): “Katotohanang ito ang Kasaganaan mula sa Amin na hindi magmamaliw.”
ﯗﯘﯙﯚﯛﯜﯝ
Oo, ito nga! Datapuwa’t sa Taghun (mga mapaggawa ng kamalian, palasuway kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, kriminal, buhong, atbp.) sasakanila ang lugar ng kasamaan (Apoy ng Impiyerno) sa huling Pagbabalik
ﯞﯟﯠﯡﯢ
Sa Impiyerno! dito sila ay masusunog, at tunay ngang kasamaan ang lugar na ito para mamahinga
ﯣﯤﯥﯦﯧ
Oo, ito nga! Kaya’t hayaang ito ay lasapin nila. Isang kumukulong likido; at likido na maitim, madumi (mula sa nana ng sugat) at lubhang malamig
ﯨﯩﯪﯫﯬ
At iba pang kaparusahan na katulad nito, lahat, nang sama-sama
ﯭﯮﯯﯰﯱﯲﯳﯴﯵﯶﯷﯸ
Ito ay isang pangkat na papasok na kasama ninyo (sa Apoy ng Impiyerno). walang pagsalubong sa kanila! Katotohanang sila ay masusunog sa Apoy
ﯹﯺﯻﯼﯽﯾﯿﰀﰁﰂﰃﰄﰅﰆ
(Ang mga ligaw na tagasunod ay magsasabi sa nagligaw na mga pinuno): “Hindi, kayo rin! Wala ring pagsalubong sa inyo! Kayo (na mga manlilinlang) ang naging dahilan ng aming pagkapasok dito (sapagkat kami ay iniligaw ninyo sa buhay sa kalupaan), kaya’t pagkasama-sama ng lugar na ito para himpilan!”
ﰇﰈﰉﰊﰋﰌﰍﰎﰏﰐﰑﰒ
Sila ay magsasabi: “O Panginoon! Kung sinuman ang nagdala sa amin sa katatayuang ito, idagdag Ninyo sa kanila ang dalawang beses na kaparusahan sa Apoy!”
ﭑﭒﭓﭔﭕﭖﭗﭘﭙﭚﭛ
At sila ay magsasabi: “Ano ang nangyari sa amin, na hindi namin nakita ang mga tao na noon ay lagi naming ibinibilang sa lipon ng masasama?”
ﭜﭝﭞﭟﭠﭡﭢ
Sila ba ay itinuring namin bilang isang bagay ng panunuya, o ang aming mga mata kaya ay nabigo na mahiwatigan sila?”
ﭣﭤﭥﭦﭧﭨﭩ
Katiyakang ito ang tunay na katotohanan, ang magkapanabay na pagtatalo ng mga tao ng Apoy
ﭪﭫﭬﭭﭮﭯﭰﭱﭲﭳﭴﭵﭶ
Ipagbadya mo (o Muhammad): “Ako ay isa lamang tagapagbabala at wala ng ibang Ilah (diyos) maliban kay Allah (na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba), ang Nag-iisa, ang Kataas-taasan, ang Hindi Mapapasubalian
ﭷﭸﭹﭺﭻﭼﭽﭾ
Ang Panginoon ng kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito, ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Lagi nang Nagpapatawad.”
ﭿﮀﮁﮂﮃ
Ipagbadya: “ Ito (ang Qur’an) ay isang dakilang balita
ﮄﮅﮆﮇ
Na inyong nilalayuan
ﮈﮉﮊﮋﮌﮍﮎﮏﮐﮑ
wala akong kaalaman sa mga pinuno (ng anghel) sa kaitaasan nang sila ay nagsisipagtalo at nagsasang-usapan sa kani-kanilang sarili (tungkol sa paglikha kay Adan)
ﮒﮓﮔﮕﮖﮗﮘﮙﮚ
Ito lamang ang ipinahayag sa akin; ako ay marapat na magbigay ng babala sa lahat nang maliwanag.”
ﮛﮜﮝﮞﮟﮠﮡﮢﮣﮤ
Pagmasdan! Nang ang iyong Panginoon ay nagwika sa mga anghel: “Katotohanang Ako ay lilikha ng tao mula sa malagkit na putik.”
ﮥﮦﮧﮨﮩﮪﮫﮬﮭﮮ
Nang Aking mahubog siya at mahingahan siya ng Aking espiritu (kanyang kaluluwa), kayo ay magsiluhod at magpatirapa sa kanya (bilang paggalang at hindi pagsamba)
ﮯﮰﮱﯓﯔ
Kaya’t ang mga anghel ay nagpatira sa kanilang sarili, lahat sila nang sama-sama
ﯕﯖﯗﯘﯙﯚﯛ
Maliban kay Iblis (isang Jinn na kasama ng mga anghel); siya ay mapagpalalo at naging isa sa mga palasuway sa pananampalataya (walang pananalig sa Karunungan ni Allah)
ﯜﯝﯞﯟﯠﯡﯢﯣﯤﯥﯦﯧﯨﯩﯪﯫ
(Si Allah) ay nagwika: “o Iblis! Ano ang pumipigil sa iyong sarili na magpatirapa sa kanya na Aking nilikha ng Aking mga Kamay? Ikaw ba ay lubhang mapagmataas (upang magpatirapa kay Adan)? o ikaw ba ay isa sa mga mataas (sa kapangyarihan)?”
ﯬﯭﯮﯯﯰﯱﯲﯳﯴﯵﯶ
(Si Iblis) ay nagsabi: “Ako ay higit na mainam sa kanya. Ako ay nilikha Ninyo mula sa apoy, at siya ay Inyong nilikha mula sa malagkit na putik.”
ﯷﯸﯹﯺﯻﯼ
(Si Allah) ay nagwika: “Kung gayon, ikaw ay lumayas dito, sapagkat ikaw ay katotohanang itinakwil at isinumpa
ﯽﯾﯿﰀﰁﰂﰃ
At katotohanan, ang Aking sumpa ay mananatili sa iyo hanggang sa Araw ng Paghuhukom.”
ﰄﰅﰆﰇﰈﰉﰊ
(Si Iblis) ay nagsabi: “o aking Panginoon! Ako ay bigyan Ninyo ng palugit hanggang sa araw na (ang mga patay) ay ibabangon!”
ﰋﰌﰍﰎﰏ
(Si Allah) ay nagwika: “Katotohanan, ang palugit ay ipinagkaloob sa iyo
ﰐﰑﰒﰓﰔ
Hanggang sa araw ng takdang panahon.”
ﰕﰖﰗﰘﰙ
(Si Iblis) ay nagsabi: “Kung gayon, sa pamamagitan ng Inyong Kapangyarihan, aking hahatakin silanglahatsapagkaligaw(saTuwid na Landas)
ﰚﰛﰜﰝﰞ
Malibansa Inyong mga lingkod sa lipon nila (na matatapat, masunurin, tunay na may pananalig at pinadalisay [ng Inyong biyaya)
ﭑﭒﭓﭔﭕ
(Si Allah) ay nagwika: “Ito ang Katotohanan, at ang Katotohanan ay aking sinasabi
ﭖﭗﭘﭙﭚﭛﭜﭝ
walang pagsala na Aking pupunuin ang Impiyerno na kasama ka (Iblis) at sila na susunod sa iyo (sangkatauhan), lahat (kayo) nang sama- sama.”
ﭞﭟﭠﭡﭢﭣﭤﭥﭦﭧﭨ
Ipagbadya (o Muhammad): “wala akong hinihintay na kabayaran sa inyo rito (sa Qur’an), gayundin, ako ay hindi isa sa Mutakallifun (sila na nagkukunwari at gumagawa ng mga kabulaanan)
ﭩﭪﭫﭬﭭﭮ
Ito (ang Qur’an) ay isa lamang Paala-ala sa lahat ng mga nilalang
ﭯﭰﭱﭲﭳ
At katiyakang inyong mapag-aalaman ang katotohanan nito, makaraan lamang ang sandaling (paghihintay).”

Banal na Quran


Tuesday, August 18, 2026

Don't forget us in your sincere prayers