اللَّهُ وَلِيُّ الَّذِينَ آمَنُوا يُخْرِجُهُم مِّنَ الظُّلُمَاتِ إِلَى النُّورِ ۖ وَالَّذِينَ كَفَرُوا أَوْلِيَاؤُهُمُ الطَّاغُوتُ يُخْرِجُونَهُم مِّنَ النُّورِ إِلَى الظُّلُمَاتِ ۗ أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ ٢٥٧
🔤 Transliteration
Allaahu waliyyul lazeena aamanoo yukhrijuhum minaz zulumaati ilan noori wallazeena kafarooo awliyaaa`uhumut Taaghootu yukhrijoonahum minan noori ilaz zulumaat; ulaaa`ika Ashaabun Naari hum feehaa khaalidoon
📖 Salin (Sa Filipino)
📖 Sa Filipino
Si Allah ang wali (Tagapangalaga o Tagapagbantay) ng mga mayroong pananalig; mula sa kailaliman ng kadiliman ay Kanyang ginabayan sila sa liwanag. At sa mga nagtatakwil sa pananampalataya, ang kanilang kapanalig ay Taghut (mga diyus-diyosan, mga likhang bagay na sinasamba, atbp.), sila ay kanilang kinuha mula sa liwanag tungo sa kadiliman. Sila ang mananahan sa Apoy, at sila ay mananatili rito magpakailanman
🌐 Additional reference in Melayu
Mga Kahulugan ng mga Salita:
- وليّ: Tagapangalaga, tagapagtanggol, at kaibigan na tumutulong at gumagabay.
- الظلمات: Mga kadiliman — tumutukoy sa kawalan ng pananampalataya (kufr), kamangmangan, at pagkaligaw.
- النور: Liwanag — tumutukoy sa pananampalataya (iman), kaalaman, at patnubay.
- الطاغوت: Ang mga huwad na diyos, mga diyus-diyosan, at lahat ng nilalang na iniaalay ang pagsamba o sinusunod laban sa kautusan ng Allah.
Interpretasyon ng Talata:
Si Allah ang Tagapangalaga at Tagapagtanggol ng mga sumampalataya. Sa Kanyang awa at kapangyarihan, inilalabas Niya sila mula sa mga kadiliman ng kawalan ng pananampalataya, kamangmangan, at pagsamba sa mga diyus-diyosan, tungo sa liwanag ng tunay na pananampalataya, kaalaman, at matuwid na pamumuhay. Ang mga ito ay Kanyang ginagabayan sa tuwid na landas at Kanyang tinutulungan laban sa mga kaaway.
Samantala, ang mga tumangging manampalataya ay may mga tagapangalaga na mga huwad na diyos at mga diyus-diyosan na kanilang sinasamba bukod pa sa Allah. Ang mga ito ay nag-aanyaya sa kanila palayo sa liwanag ng pananampalataya na dala ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) tungo sa mga kadiliman ng kawalan ng pananampalataya at pagtanggi sa katotohanan. Sila ay nagpapaganda sa kanilang mga maling gawain at humahadlang sa kanila sa pagtanggap ng patnubay.
Ang mga taong ito na nanatili sa kawalan ng pananampalataya hanggang sa kamatayan ay mga kasamahan ng Apoy (Impiyerno). Sila ay mananatili roon magpakailanman, walang katapusan ang kanilang pagdurusa.
Mga Aral na Mapupulot:
- Ang tunay na tagumpay ng isang tao ay nakasalalay sa kanyang ugnayan sa Allah — kung siya ay nasa ilalim ng pangangalaga ng Allah, siya ay patungo sa liwanag at kaligtasan.
- Ang pananampalataya ay isang malaking biyaya na nag-aangat sa tao mula sa kadiliman ng kamangmangan at pagkaligaw tungo sa liwanag ng kaalaman at katuwiran.
- Ang mga huwad na diyos at anumang nilalang na iniaalay ang pagsamba o bulag na sinusunod laban sa kautusan ng Allah ay magdadala lamang sa tao sa kapahamakan at walang hanggang pagdurusa.
- Ang pagpili ng tao sa kanyang susundan — ang patnubay ng Allah o ang mga huwad na tagapanguna — ay siyang magtatakda ng kanyang magiging wakas sa kabilang buhay.
- Ang babalang ito ay isang paanyaya sa bawat tao na magnilay at pumili ng landas ng liwanag, upang makamit ang kaligtasan at maligtas sa walang hanggang kaparusahan.
📜 Talata 255-259 — Surah Al-Baqarah
255اللَّهُ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ الْحَيُّ الْقَيُّومُ ۚ لَا تَأْخُذُهُ سِنَةٌ وَلَا نَوْمٌ ۚ لَّهُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۗ مَن ذَا الَّذِي يَشْفَعُ عِندَهُ إِلَّا بِإِذْنِهِ ۚ يَعْلَمُ مَا بَيْنَ أَيْدِيهِمْ وَمَا خَلْفَهُمْ ۖ وَلَا يُحِيطُونَ بِشَيْءٍ مِّنْ عِلْمِهِ إِلَّا بِمَا شَاءَ ۚ وَسِعَ كُرْسِيُّهُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ ۖ وَلَا يَئُودُهُ حِفْظُهُمَا ۚ وَهُوَ الْعَلِيُّ الْعَظِيمُ
Allah! La ilaha illa Huwa (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya), ang Lalaging Buhay, ang may Sariling Kasapatan, ang Tagapanustos at Nangangalaga ng lahat (ng mga nilalang). Ang antok ay hindi makakapanaig sa Kanya gayundin ang pagkaidlip. Siya ang nag-aangkin ng lahat ng bagay sa mga kalangitan at kalupaan. Sino kaya baga ang makakapamagitan sa Kanya malibang Kanyang pahintulutan? Talastas Niya kung ano ang nangyayari (sa Kanyang mga nilikha) sa mundong ito (noon, pagkaraan, ngayon, bukas, sa kanilang harapan at sa kanilang likuran), at ang kanilang kasasapitan sa Kabilang Buhay. At sila ay hindi makakapagtamo ng anumang karunungan maliban na Kanyang naisin. Ang Kanyang Kursi (Luklukan) ay humahangga sa mga kalangitan at kalupaan at Siya ay hindi napapagal sa pagbabantay at pagpapanatili sa kanila sapagkat Siya ang Kataas-taasan, ang Sukdol sa Kaluwalhatian. (Ayat-ul-Kursi)
256لَا إِكْرَاهَ فِي الدِّينِ ۖ قَد تَّبَيَّنَ الرُّشْدُ مِنَ الْغَيِّ ۚ فَمَن يَكْفُرْ بِالطَّاغُوتِ وَيُؤْمِن بِاللَّهِ فَقَدِ اسْتَمْسَكَ بِالْعُرْوَةِ الْوُثْقَىٰ لَا انفِصَامَ لَهَا ۗ وَاللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ
walang pamimilit sa pananampalataya. Ang katotohanan ay bukod sa kamalian. Sinuman ang hindi manampalataya sa Taghut (mga diyus- diyosan, idolo, imahen, anupamang sinasamba maliban pa kay Allah tulad ng anghel, banal na tao, propeta, satanas, bato, libingan, Hesus na anak ni Maria, krus, atbp.) at manalig kay Allah ay nakasakmal ng tunay na mapagkakatiwalaang tangan na hindi masisira. At si Allah ang Nakakarinig at Nakakabatid ng lahat ng bagay
257اللَّهُ وَلِيُّ الَّذِينَ آمَنُوا يُخْرِجُهُم مِّنَ الظُّلُمَاتِ إِلَى النُّورِ ۖ وَالَّذِينَ كَفَرُوا أَوْلِيَاؤُهُمُ الطَّاغُوتُ يُخْرِجُونَهُم مِّنَ النُّورِ إِلَى الظُّلُمَاتِ ۗ أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ
Si Allah ang wali (Tagapangalaga o Tagapagbantay) ng mga mayroong pananalig; mula sa kailaliman ng kadiliman ay Kanyang ginabayan sila sa liwanag. At sa mga nagtatakwil sa pananampalataya, ang kanilang kapanalig ay Taghut (mga diyus-diyosan, mga likhang bagay na sinasamba, atbp.), sila ay kanilang kinuha mula sa liwanag tungo sa kadiliman. Sila ang mananahan sa Apoy, at sila ay mananatili rito magpakailanman
258أَلَمْ تَرَ إِلَى الَّذِي حَاجَّ إِبْرَاهِيمَ فِي رَبِّهِ أَنْ آتَاهُ اللَّهُ الْمُلْكَ إِذْ قَالَ إِبْرَاهِيمُ رَبِّيَ الَّذِي يُحْيِي وَيُمِيتُ قَالَ أَنَا أُحْيِي وَأُمِيتُ ۖ قَالَ إِبْرَاهِيمُ فَإِنَّ اللَّهَ يَأْتِي بِالشَّمْسِ مِنَ الْمَشْرِقِ فَأْتِ بِهَا مِنَ الْمَغْرِبِ فَبُهِتَ الَّذِي كَفَرَ ۗ وَاللَّهُ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الظَّالِمِينَ
Hindi baga ninyo napag-iisipan siya na nakikipagtalo kay Abraham tungkol sa kanyang Panginoon (Allah), sapagkat si Allah ay nagkaloob sa kanya ng kaharian? Nang si Abraham ay magsabi (sa kanya na nakikipagtalo): “Ang aking Panginoon (Allah) ay Siyang nagbibigay ng buhay at naggagawad ng kamatayan.” Siya (na nakikipagtalo) ay nagsabi: “Ako ay nagbibigay ng buhay at naggagawad ng kamatayan.” Si Abraham ay nagsabi: “Katotohanan! Si Allah ang nagpapasikat ng araw mula sa silangan; ikaw baga ang nakakapangyari na mapasikat ito mula sa kanluran.” Kaya’t siya na walang pananalig ay tunay na talunan. At si Allah ay hindi namamatnubay sa mga tao na Zalimun (mga tampalasan, mapaggawa ng kamalian, buktot, atbp)
259أَوْ كَالَّذِي مَرَّ عَلَىٰ قَرْيَةٍ وَهِيَ خَاوِيَةٌ عَلَىٰ عُرُوشِهَا قَالَ أَنَّىٰ يُحْيِي هَٰذِهِ اللَّهُ بَعْدَ مَوْتِهَا ۖ فَأَمَاتَهُ اللَّهُ مِائَةَ عَامٍ ثُمَّ بَعَثَهُ ۖ قَالَ كَمْ لَبِثْتَ ۖ قَالَ لَبِثْتُ يَوْمًا أَوْ بَعْضَ يَوْمٍ ۖ قَالَ بَل لَّبِثْتَ مِائَةَ عَامٍ فَانظُرْ إِلَىٰ طَعَامِكَ وَشَرَابِكَ لَمْ يَتَسَنَّهْ ۖ وَانظُرْ إِلَىٰ حِمَارِكَ وَلِنَجْعَلَكَ آيَةً لِّلنَّاسِ ۖ وَانظُرْ إِلَى الْعِظَامِ كَيْفَ نُنشِزُهَا ثُمَّ نَكْسُوهَا لَحْمًا ۚ فَلَمَّا تَبَيَّنَ لَهُ قَالَ أَعْلَمُ أَنَّ اللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ
o inyo bang itinuring (o naisip bilang paghahambing) siya, na napadako sa isang bayan na lubhang nasalanta. Siya ay nagsabi: “oh! Papaano kayang maibabalik ito ni Allah sa pagkabuhay matapos na ito ay mamatay?” Kaya’t pinapangyari ni Allah na mamatay siya ng isang daang taon, at siya ay (muling) ibinangon. Siya (Allah) ay nagwika: “Gaano katagal na nanatili ka (na walang buhay)?” Siya (ang tao) ay nagsabi: “(Marahil) ako ay nanatiling (walang buhay) ng isang araw o bahagi ng isang araw.” Siya (Allah) ay nagwika: “Hindi, ikaw ay nanatili (na walang buhay) sa loob ng isang daang taon, (datapuwa’t) tingnan mo ang iyong pagkain at inumin, ito ay hindi kakikitaan ng pagbabago; at tingnan mo ang iyong asno (patay na kalansay na lamang)! At sa ganitong (paraan), ikaw ay ginawa Namin na isang Tanda sa mga tao. Pagmasdan mo ang mga buto (ng asno), kung paano Namin binuo ito at binalutan ng laman.” At nang ito ay maliwanag na nalantad sa kanya, siya ay nagsabi: “Batid ko na (ngayon) na si Allah ay makakagawa ng lahat ng bagay.”
Salin — Al-Baqarah 257
Surah Al-Baqarah Talata 257 - Basahin, Pakinggan, Salin, Filipino : Si Allah ang wali (Tagapangalaga o Tagapagbantay) ng mga mayroong…
Surah Talata 257/286 — Surah Al-Baqarah البقرة (Medinan). Basahin Pakinggan Salin (Filipino). Pakinggan: Surah Al-Baqarah Pakinggan, Surah Al-Baqarah Salin, Surah Al-Baqarah mp3, Surah Al-Baqarah pdf. Talata 255–259. Sa Filipino: Melayu.