La sourate Al-Mulk en Filipino

  1. mp3 sourate
  2. Plus
  3. Filipino
Le Saint Coran | Traduction du Coran | Langue Filipino | Sourate Al-Mulk | - Nombre de versets 30 - Le numéro de la sourate dans le mushaf: 67 - La signification de la sourate en English: The Dominion.

تَبَارَكَ الَّذِي بِيَدِهِ الْمُلْكُ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ(1)

 Luwalhatiin Siya na nag-aangkin ng Paghahari sa kapamahalaan sa Kanyang mga Kamay at Siya ay may kapangyarihan sa lahat ng bagay

الَّذِي خَلَقَ الْمَوْتَ وَالْحَيَاةَ لِيَبْلُوَكُمْ أَيُّكُمْ أَحْسَنُ عَمَلًا ۚ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْغَفُورُ(2)

 Siya na lumikha ng kamatayan at buhay upang masubukan Niya kung sino sa inyo ang pinakamabuti sa asal (at pag-uugali), at Siya ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Lubos na Mapagpatawad

الَّذِي خَلَقَ سَبْعَ سَمَاوَاتٍ طِبَاقًا ۖ مَّا تَرَىٰ فِي خَلْقِ الرَّحْمَٰنِ مِن تَفَاوُتٍ ۖ فَارْجِعِ الْبَصَرَ هَلْ تَرَىٰ مِن فُطُورٍ(3)

 Siya na lumikha ng pitong kalangitan sa magkakasunod na antas. Ikaw ay walang mapagmamalas na kamalian (o pangangailangan ) sa mga Likha ng Diyos na Pinakamapagbigay. Kaya’t muli mong ibaling ang iyong paningin: “Ikaw ba ay nakakamalas ng punit o siwang (kaguluhan)?”

ثُمَّ ارْجِعِ الْبَصَرَ كَرَّتَيْنِ يَنقَلِبْ إِلَيْكَ الْبَصَرُ خَاسِئًا وَهُوَ حَسِيرٌ(4)

 Kaya’t muli mong malasin at muli sa ibang araw, ang iyong paningin ay magbabalik sa iyo na mapanglaw at nanghihina at naririmlan

وَلَقَدْ زَيَّنَّا السَّمَاءَ الدُّنْيَا بِمَصَابِيحَ وَجَعَلْنَاهَا رُجُومًا لِّلشَّيَاطِينِ ۖ وَأَعْتَدْنَا لَهُمْ عَذَابَ السَّعِيرِ(5)

 At katotohanangginayakan Naminangpinakamababang kalangitan ng mga pananglaw at ginawa Namin ang gayong mga ilaw (bilang) mga pamuksang sandata upang itaboy ang masasama (mga diyablo), Aming inihanda sa kanila ang Kaparusahan ng Naglalagablab na Apoy

وَلِلَّذِينَ كَفَرُوا بِرَبِّهِمْ عَذَابُ جَهَنَّمَ ۖ وَبِئْسَ الْمَصِيرُ(6)

 At sa mga nagtatakwil sa kanilang Panginoon at Tagapagtaguyod (Allah), sasakanila ang Kaparusahan ng Impiyerno at tunay na pagkasama-sama ng gayong patutunguhan

إِذَا أُلْقُوا فِيهَا سَمِعُوا لَهَا شَهِيقًا وَهِيَ تَفُورُ(7)

 At kung sila ay ihulog na rito, ay mapapakinggan nila ang (kalagim- lagim) na pagngangalit nito habang ito ay kumukulo at naglalagablab

تَكَادُ تَمَيَّزُ مِنَ الْغَيْظِ ۖ كُلَّمَا أُلْقِيَ فِيهَا فَوْجٌ سَأَلَهُمْ خَزَنَتُهَا أَلَمْ يَأْتِكُمْ نَذِيرٌ(8)

 Na halos sumabog na sa pagkagalit. Sa tuwing may pangkat ng mga tao na inihahagis dito, ang kanyang Tagapagbantay ay nagtatanong: “Hindi baga dumatal sa inyo ang isang Tagapagbabala (at Tagapagpaala-ala)

قَالُوا بَلَىٰ قَدْ جَاءَنَا نَذِيرٌ فَكَذَّبْنَا وَقُلْنَا مَا نَزَّلَ اللَّهُ مِن شَيْءٍ إِنْ أَنتُمْ إِلَّا فِي ضَلَالٍ كَبِيرٍ(9)

 At sila ay magsasabi: “Katotohanan, ang Tagapagbabala ay dumatal sa amin datapuwa’t aming itinakwil siya at nagsabi: Si Allah ay hindi kailanman nagpahayag ng anuman sa amin at ikaw ay walang halaga at nahihibang (sa kamalian).”

وَقَالُوا لَوْ كُنَّا نَسْمَعُ أَوْ نَعْقِلُ مَا كُنَّا فِي أَصْحَابِ السَّعِيرِ(10)

 At sila ay muling magsasabi: “Kung nakinig lamang kami at gumamit ng aming pag-iisip, hindi sana kami magsisitahan sa Naglalagablab na Apoy!”

فَاعْتَرَفُوا بِذَنبِهِمْ فَسُحْقًا لِّأَصْحَابِ السَّعِيرِ(11)

 Kaya’t aaminin nila ang kanilang mga kasalanan, datapuwa’t malayo sa kapatawaran (at habag) ang mga nagsisitahan sa Naglalagablab na Apoy

إِنَّ الَّذِينَ يَخْشَوْنَ رَبَّهُم بِالْغَيْبِ لَهُم مَّغْفِرَةٌ وَأَجْرٌ كَبِيرٌ(12)

 Katotohanang sila na may pagkatakot sa kanilang Panginoon (sa kanilang puso, alalaong baga, hindi man nila nakikita Siya at ang Kanyang kaparusahan sa Kabilang Buhay, atbp.), sasakanila ang kapatawaran at malaking gantimpala (Paraiso)

وَأَسِرُّوا قَوْلَكُمْ أَوِ اجْهَرُوا بِهِ ۖ إِنَّهُ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ(13)

 At kahit na ilihim mo pa ang iyong salita o ihayag man ito, katotohanang Siya ang may ganap na kaalaman sa nilalaman ng dibdib (ng mga tao)

أَلَا يَعْلَمُ مَنْ خَلَقَ وَهُوَ اللَّطِيفُ الْخَبِيرُ(14)

 Hindi baga Niya talastas kung ano ang Kanyang nilikha? Siya ang nakakaalam ng anumang hibla ng kahiwagaan at may ganap na pang-unawa (sa lahat ng bagay)

هُوَ الَّذِي جَعَلَ لَكُمُ الْأَرْضَ ذَلُولًا فَامْشُوا فِي مَنَاكِبِهَا وَكُلُوا مِن رِّزْقِهِ ۖ وَإِلَيْهِ النُّشُورُ(15)

 Siya (Allah) ang gumawa na ang kalupaan ay inyong maayos (alalaong baga, na maging madali sa inyo ang lumakad, makapamuhay, makapagtanim, atbp.), kaya’t inyong tahakin ang mga landas nito at inyong tamasahin ang mga biyaya na Kanyang ipinagkaloob, at sa Kanya ang Muling Pagkabuhay

أَأَمِنتُم مَّن فِي السَّمَاءِ أَن يَخْسِفَ بِكُمُ الْأَرْضَ فَإِذَا هِيَ تَمُورُ(16)

 Hindi ka ba nakadarama ng kapanatagan na Siya na nasa Sangkalangitan ay hindi magpapahintulot na ikaw ay lagumin ng lupa kung ito ay mayanig sa paglindol

أَمْ أَمِنتُم مَّن فِي السَّمَاءِ أَن يُرْسِلَ عَلَيْكُمْ حَاصِبًا ۖ فَسَتَعْلَمُونَ كَيْفَ نَذِيرِ(17)

 o hindi ka ba nakadarama ng kapanatagan na Siya na nasa Sangkalangitan ay hindi magpaparating laban sa iyo ng nag-aalimpuyong bagyo? At inyong mapag-alaman kung gaano kasindak-sindak ang Aking babala

وَلَقَدْ كَذَّبَ الَّذِينَ مِن قَبْلِهِمْ فَكَيْفَ كَانَ نَكِيرِ(18)

 Katotohanan, ang mga tao na nangauna sa kanila ay nagsipagtakwil (sa Aking babala, alalaong baga, sa mga Tagapagbalita ni Allah). Pagmasdan kung gaano kasakit-sakit ang Aking pagkapoot sa kanila

أَوَلَمْ يَرَوْا إِلَى الطَّيْرِ فَوْقَهُمْ صَافَّاتٍ وَيَقْبِضْنَ ۚ مَا يُمْسِكُهُنَّ إِلَّا الرَّحْمَٰنُ ۚ إِنَّهُ بِكُلِّ شَيْءٍ بَصِيرٌ(19)

 Hindi baga nila napagmamasdan ang mga ibon sa kaitaasan na ibinubuka at itinitiklop ang kanilang pakpak? wala ng iba pang makakapagpanatili nito maliban kay Allah na Pinakamapagbigay. Katotohanang Siya ang Nakakamasid sa lahat ng bagay

أَمَّنْ هَٰذَا الَّذِي هُوَ جُندٌ لَّكُمْ يَنصُرُكُم مِّن دُونِ الرَّحْمَٰنِ ۚ إِنِ الْكَافِرُونَ إِلَّا فِي غُرُورٍ(20)

 At sino baga kaya ang makakatulong sa inyo kahit na nga yaon ay isang sandatahang pangkat, maliban kay Allah na Mapagkaloob? Ang mga hindi sumasampalataya ay walang pinanghahawakan maliban sa pag-aakala na walang saysay

أَمَّنْ هَٰذَا الَّذِي يَرْزُقُكُمْ إِنْ أَمْسَكَ رِزْقَهُ ۚ بَل لَّجُّوا فِي عُتُوٍّ وَنُفُورٍ(21)

 At sino baga kaya ang makakapagbigay sa inyo ng inyong pangangailangan kung ninais Niya na ipagkait sa inyo ang Kanyang biyaya? Tunay ngang namihasa sila sa kawalan ng kabanalan at sila ay tumatalilis (sa Katotohanan)

أَفَمَن يَمْشِي مُكِبًّا عَلَىٰ وَجْهِهِ أَهْدَىٰ أَمَّن يَمْشِي سَوِيًّا عَلَىٰ صِرَاطٍ مُّسْتَقِيمٍ(22)

 Siya baga na lumalakad sa kahabaan (ng landas) na ang kaniyang mukha (paningin) ay nangangapa ay mainam na napapatnubayan? o siya kaya na (nakakakita) at lumalakad nang panatag sa Tuwid na Landas (alalaong baga sa paniniwala sa Kaisahan ni Allah)

قُلْ هُوَ الَّذِي أَنشَأَكُمْ وَجَعَلَ لَكُمُ السَّمْعَ وَالْأَبْصَارَ وَالْأَفْئِدَةَ ۖ قَلِيلًا مَّا تَشْكُرُونَ(23)

 Ipagbadya: “Siya ang lumikha sa inyo (at sumubaybay sa inyong paglaki) at naggawadsainyonginyongpandinigatpaninginatpandama at pang-unawa. Kakarampot lamang ang pasasalamat na inyong isinusukli!”

قُلْ هُوَ الَّذِي ذَرَأَكُمْ فِي الْأَرْضِ وَإِلَيْهِ تُحْشَرُونَ(24)

 Ipagbadya : “Siya ang nagparami sa inyong bilang (at angkan) dito sa sangkalupaan at sa Kanya ay titipunin kayo ng sama-sama (sa Kabilang Buhay)

وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا الْوَعْدُ إِن كُنتُمْ صَادِقِينَ(25)

 Sila ay nagsisipag-usisa: “Kailan baga kaya magaganap ang pangakong yaon (alalaong baga, ang Araw ng Pagkabuhay)?, kung ikaw ay nagsasaysay ng katotohanan.”

قُلْ إِنَّمَا الْعِلْمُ عِندَ اللَّهِ وَإِنَّمَا أَنَا نَذِيرٌ مُّبِينٌ(26)

 Ipagbadya (o Muhammad): “Ang kapamahalaan (ng takdang oras nito) ay tanging na kay Allah lamang. Ako ay isinugo lamang bilang isang Tagapagpaala-ala sa inyo.”

فَلَمَّا رَأَوْهُ زُلْفَةً سِيئَتْ وُجُوهُ الَّذِينَ كَفَرُوا وَقِيلَ هَٰذَا الَّذِي كُنتُم بِهِ تَدَّعُونَ(27)

 (At sa kalaunan), kung kanilang mahinuha na sasapit na (ang kaparusahan ng Araw ng Muling Pagkabuhay), ang mukha ng mga hindi sumasampalataya ay mangapupuspos ng lumbay (kalungkutan at pighati), at sa kanila ay ipagtuturing : “Ito ang pangako na inyong hinihiling noon!”

قُلْ أَرَأَيْتُمْ إِنْ أَهْلَكَنِيَ اللَّهُ وَمَن مَّعِيَ أَوْ رَحِمَنَا فَمَن يُجِيرُ الْكَافِرِينَ مِنْ عَذَابٍ أَلِيمٍ(28)

 Ipagbadya (o Muhammad): “Napag-aakala ba ninyo na kung si Allah ay pupuksa sa akin at sa aking mga kasama, o kung Siya ay maggawad ng Kanyang Habag sa atin, sino baga kaya ang makakapagligtas sa mga hindi sumasampalataya sa kasakit-sakit na Kaparusahan?”

قُلْ هُوَ الرَّحْمَٰنُ آمَنَّا بِهِ وَعَلَيْهِ تَوَكَّلْنَا ۖ فَسَتَعْلَمُونَ مَنْ هُوَ فِي ضَلَالٍ مُّبِينٍ(29)

 Ipagbadya: “Siya ang diyos na Pinakamahabagin. Sa Kanya kami ay sumasampalataya at sa Kanya ay aming ipinapaubaya ang aming pagtitiwala. At hindi maglalaon ay inyong mapag-aalaman kung sino sa atin ang nasa lantad na kamalian.”

قُلْ أَرَأَيْتُمْ إِنْ أَصْبَحَ مَاؤُكُمْ غَوْرًا فَمَن يَأْتِيكُم بِمَاءٍ مَّعِينٍ(30)

 Ipagbadya (o Muhammad): “Napag-aakala ba ninyo na kung ang lahat ng tubig ay masaid sa kalupaan, sino baga kaya ang makakapagbigay sa inyo ng tubig na malinaw na umaagos?”


Plus de sourates en Filipino :


Al-Baqarah Al-'Imran An-Nisa'
Al-Ma'idah Yusuf Ibrahim
Al-Hijr Al-Kahf Maryam
Al-Hajj Al-Qasas Al-'Ankabut
As-Sajdah Ya Sin Ad-Dukhan
Al-Fath Al-Hujurat Qaf
An-Najm Ar-Rahman Al-Waqi'ah
Al-Hashr Al-Mulk Al-Haqqah
Al-Inshiqaq Al-A'la Al-Ghashiyah

Téléchargez la sourate avec la voix des récitants du Coran les plus célèbres :

Téléchargez le fichier mp3 de la sourate Al-Mulk : choisissez le récitateur pour écouter et télécharger la sourate Al-Mulk complète en haute qualité.


surah Al-Mulk Ahmed El Agamy
Ahmed Al Ajmy
surah Al-Mulk Bandar Balila
Bandar Balila
surah Al-Mulk Khalid Al Jalil
Khalid Al Jalil
surah Al-Mulk Saad Al Ghamdi
Saad Al Ghamdi
surah Al-Mulk Saud Al Shuraim
Saud Al Shuraim
surah Al-Mulk Abdul Basit Abdul Samad
Abdul Basit
surah Al-Mulk Abdul Rashid Sufi
Abdul Rashid Sufi
surah Al-Mulk Abdullah Basfar
Abdullah Basfar
surah Al-Mulk Abdullah Awwad Al Juhani
Abdullah Al Juhani
surah Al-Mulk Fares Abbad
Fares Abbad
surah Al-Mulk Maher Al Muaiqly
Maher Al Muaiqly
surah Al-Mulk Muhammad Siddiq Al Minshawi
Al Minshawi
surah Al-Mulk Al Hosary
Al Hosary
surah Al-Mulk Al-afasi
Mishari Al-afasi
surah Al-Mulk Yasser Al Dosari
Yasser Al Dosari


Wednesday, January 22, 2025

Donnez-nous une invitation valide