Ahzab suresi çevirisi Filipince

  1. Suresi mp3
  2. Başka bir sure
  3. Filipince
Kuranı Kerim türkçe meali | Kur'an çevirileri | Filipince dili | Ahzab Suresi | الأحزاب - Ayet sayısı 73 - Moshaf'taki surenin numarası: 33 - surenin ingilizce anlamı: Confederates - The Combined Forces.

يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ اتَّقِ اللَّهَ وَلَا تُطِعِ الْكَافِرِينَ وَالْمُنَافِقِينَ ۗ إِنَّ اللَّهَ كَانَ عَلِيمًا حَكِيمًا(1)

 o Propeta (Muhammad)! Pangambahan mo si Allah at huwag mong pakinggan ang mga hindi sumasampalataya at mga mapagbalatkayo (alalaong baga, huwag mong sundin ang kanilang mga payo). Katotohanang si Allah ay Puspos ng Karunungan, ang Tigib ng Kaalaman

وَاتَّبِعْ مَا يُوحَىٰ إِلَيْكَ مِن رَّبِّكَ ۚ إِنَّ اللَّهَ كَانَ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرًا(2)

 Datapuwa’t iyong sundin ang anumang ipinanaog sa iyo na inspirasyon mula sa iyong Panginoon. Katotohanang si Allah ang Ganap na Nakakaalam (ng lahat) mong ginagawa

وَتَوَكَّلْ عَلَى اللَّهِ ۚ وَكَفَىٰ بِاللَّهِ وَكِيلًا(3)

 At ibigay mo ang iyong pagtitiwala kay Allah, at Sapat na si Allah bilang wakil (Tagapamahala at Tagapagpatupad ng lahat ng mga pangyayari)

مَّا جَعَلَ اللَّهُ لِرَجُلٍ مِّن قَلْبَيْنِ فِي جَوْفِهِ ۚ وَمَا جَعَلَ أَزْوَاجَكُمُ اللَّائِي تُظَاهِرُونَ مِنْهُنَّ أُمَّهَاتِكُمْ ۚ وَمَا جَعَلَ أَدْعِيَاءَكُمْ أَبْنَاءَكُمْ ۚ ذَٰلِكُمْ قَوْلُكُم بِأَفْوَاهِكُمْ ۖ وَاللَّهُ يَقُولُ الْحَقَّ وَهُوَ يَهْدِي السَّبِيلَ(4)

 Si Allah ay hindi naglagay sa sinumang tao ng dalawang puso sa kanyang dibdib, gayundin naman ay hindi Niya ginawa ang inyong asawang (babae) na inyong dinidiborsyo sa pamamagitan ng Az-Zihar [Ang Az-Zihar ay nangangahulugan ng: “Ikaw ay katulad ng likod ng aking ina, samakatuwid, ikaw ay hindi marapat na aking sipingan.”] na(maging) inyongtunaynaina, athindirin Niya ginawa ang inyong mga ampong lalaki (na maging) inyong tunay na mga anak na lalaki. Ito ay isa lamang sinasambit ng inyong bibig. Datapuwa’t si Allah (sa inyo) ay nagsasabi ng Katotohanan, at Siya ang nagtuturo ng (tamang) Landas

ادْعُوهُمْ لِآبَائِهِمْ هُوَ أَقْسَطُ عِندَ اللَّهِ ۚ فَإِن لَّمْ تَعْلَمُوا آبَاءَهُمْ فَإِخْوَانُكُمْ فِي الدِّينِ وَمَوَالِيكُمْ ۚ وَلَيْسَ عَلَيْكُمْ جُنَاحٌ فِيمَا أَخْطَأْتُم بِهِ وَلَٰكِن مَّا تَعَمَّدَتْ قُلُوبُكُمْ ۚ وَكَانَ اللَّهُ غَفُورًا رَّحِيمًا(5)

 Inyong tawagin sila (mga ampong lalaki) sa pangalan ng kanilang (tunay) na ama, ito ay higit na makatarungan sa Paningin ni Allah. Datapuwa’t kung hindi ninyo alam ang pangalan ng kanilang ama, (kung gayon sila) ay inyong kapatid sa pananampalataya o inyong kaibigan, datapuwa’t hindi ninyo ito kasalanan kung kayo ay magkamali rito, (ang higit na mahalaga) ay ang saloobin ng inyong puso; at si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain

النَّبِيُّ أَوْلَىٰ بِالْمُؤْمِنِينَ مِنْ أَنفُسِهِمْ ۖ وَأَزْوَاجُهُ أُمَّهَاتُهُمْ ۗ وَأُولُو الْأَرْحَامِ بَعْضُهُمْ أَوْلَىٰ بِبَعْضٍ فِي كِتَابِ اللَّهِ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ وَالْمُهَاجِرِينَ إِلَّا أَن تَفْعَلُوا إِلَىٰ أَوْلِيَائِكُم مَّعْرُوفًا ۚ كَانَ ذَٰلِكَ فِي الْكِتَابِ مَسْطُورًا(6)

 Ang Propetaayhigitnamalapitsamgasumasampalataya kaysasakanilangsarili, atangkanyangmgaasawaaykanilang (mga sumasampalataya) mga ina (kung tungkol sa paggalang at pag-aasawa). Ang pagkakamag-anak sa dugo sa bawat isa sa kanila ay mayroong higit na malapit na personal na bigkis sa Kautusan ni Allah (hinggil sa mga pamana) kaysa (sa pagkakapatiran) ng mga sumasampalataya at Muhajirun (mga tao na nagsilikas sa Madinah mula sa Makkah), gayunpaman, gawin ninyo kung ano ang makatarungan sa inyong pinakamalapit na kaibigan (nang ang Propeta ay sumanib sa kanila sa bigkis ng pagkakapatiran). Ito ang nasusulat sa Al-Lauh Al-Mahfuz (ang Aklat ng Banal na Pag-uutos ni Allah)

وَإِذْ أَخَذْنَا مِنَ النَّبِيِّينَ مِيثَاقَهُمْ وَمِنكَ وَمِن نُّوحٍ وَإِبْرَاهِيمَ وَمُوسَىٰ وَعِيسَى ابْنِ مَرْيَمَ ۖ وَأَخَذْنَا مِنْهُم مِّيثَاقًا غَلِيظًا(7)

 (At alalahanin) nang Aming hingin sa mga Propeta ang kanilang Kasunduan, at mula sa iyo (O Muhammad), at mula kay Noe, Abraham, Moises at Hesus na anak ni Maria; hiningi Namin sa kanila ang isang sagradong Kasunduan

لِّيَسْأَلَ الصَّادِقِينَ عَن صِدْقِهِمْ ۚ وَأَعَدَّ لِلْكَافِرِينَ عَذَابًا أَلِيمًا(8)

 Upang (si Allah) ay makapagtanong sa mga Matatapat (mga Tagapagbalita at Propeta ni Allah), hinggil sa kanilang Katapatan (sa pagpapahayag ng Kanyang Mensahe na nakaatang sa kanila). At Kanyang inihanda sa mga hindi sumasampalataya ang isang kasakit-sakit na kaparusahan (sa Apoy ng Impiyerno)

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اذْكُرُوا نِعْمَةَ اللَّهِ عَلَيْكُمْ إِذْ جَاءَتْكُمْ جُنُودٌ فَأَرْسَلْنَا عَلَيْهِمْ رِيحًا وَجُنُودًا لَّمْ تَرَوْهَا ۚ وَكَانَ اللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرًا(9)

 o kayong nagsisisampalataya! Alalahanin ang Kagandahang Loob ni Allah (na ipinagkaloob) sa inyo, nang may dumatal sa inyo na maraming tao (upang makapanaig sa inyo), datapuwa’t ipinadala Namin laban sa kanila ang daluyong at lakas na hindi ninyo nakikita (mga pulutong ng anghel sa panahon ng digmaan ng Al-Ahzab [pederasyon]). At si Allah ang Ganap na Nakakamasid (nang maliwanag) sa lahat ninyong ginagawa

إِذْ جَاءُوكُم مِّن فَوْقِكُمْ وَمِنْ أَسْفَلَ مِنكُمْ وَإِذْ زَاغَتِ الْأَبْصَارُ وَبَلَغَتِ الْقُلُوبُ الْحَنَاجِرَ وَتَظُنُّونَ بِاللَّهِ الظُّنُونَا(10)

 Nang sila ay dumating sa inyo mula sa itaas ninyo at mula sa ibaba ninyo, at nang ang mga mata ay lumaki sa panlilisik at ang mga puso ay naghikab sa lalamunan, at kayo ay nag-iisip ng may pag-aalinlangan kay Allah

هُنَالِكَ ابْتُلِيَ الْمُؤْمِنُونَ وَزُلْزِلُوا زِلْزَالًا شَدِيدًا(11)

 Sa gayong kalagayan, ang mga sumasampalataya ay sinubukan at nauga ng matinding pagkalog

وَإِذْ يَقُولُ الْمُنَافِقُونَ وَالَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٌ مَّا وَعَدَنَا اللَّهُ وَرَسُولُهُ إِلَّا غُرُورًا(12)

 At pagmasdan! Nang ang mga mapagkunwari at mayroong salot ang mga puso (sa pag-aalinlangan) ay nagsabi: “Si Allah at ang Kanyang Tagapagbalita ay walang ipinangako sa atin maliban sa kahibangan!”

وَإِذْ قَالَت طَّائِفَةٌ مِّنْهُمْ يَا أَهْلَ يَثْرِبَ لَا مُقَامَ لَكُمْ فَارْجِعُوا ۚ وَيَسْتَأْذِنُ فَرِيقٌ مِّنْهُمُ النَّبِيَّ يَقُولُونَ إِنَّ بُيُوتَنَا عَوْرَةٌ وَمَا هِيَ بِعَوْرَةٍ ۖ إِن يُرِيدُونَ إِلَّا فِرَارًا(13)

 Pagmasdan! Mayisangpangkatsakaramihannilaangnagsabi:“okayong mga tao ng Yathrib (Madinah)! Hindi ninyo matatagalan (ang paglusob ng inyong kaaway), kaya’t magsiurong kayo!” At ang iba sa karamihan nila ay nagpaalam sa Propeta na nagsasabi: “Katotohanan, ang aming mga tahanan ay nakalantad (sa mga kaaway)”, bagama’t ito ay hindi nakabuyangyang; wala silang hinahangad na iba maliban na (sila) ay makatalilis

وَلَوْ دُخِلَتْ عَلَيْهِم مِّنْ أَقْطَارِهَا ثُمَّ سُئِلُوا الْفِتْنَةَ لَآتَوْهَا وَمَا تَلَبَّثُوا بِهَا إِلَّا يَسِيرًا(14)

 At kung ang kaaway ay nakapasok na sa lahat ng sulok (ng lungsod), at sila ay hinihikayat sa Al-Fitnah (alalaong baga, ang magbalik sa kawalan ng pananampalataya at sumamba sa mga diyus-diyosan), sila ay magsasagawa nito na may kakarampot lamang na pag-aatubili

وَلَقَدْ كَانُوا عَاهَدُوا اللَّهَ مِن قَبْلُ لَا يُوَلُّونَ الْأَدْبَارَ ۚ وَكَانَ عَهْدُ اللَّهِ مَسْئُولًا(15)

 At katotohanang sila ay nagsigawa na ng Kasunduan kay Allah na hindi sila tatalikod, at ang Kasunduan kay Allah ay dapat na panagutan

قُل لَّن يَنفَعَكُمُ الْفِرَارُ إِن فَرَرْتُم مِّنَ الْمَوْتِ أَوِ الْقَتْلِ وَإِذًا لَّا تُمَتَّعُونَ إِلَّا قَلِيلًا(16)

 Ipagbadya (o Muhammad, sa mga mapagkunwari na humihingi ng iyong pahintulot na makaalis sa iyo): “Ang pagtalilis ay walang kapakinabangan sa inyo kung kayo ay tumatalilis sa kamatayan o sa pagpatay, kayo ay magtatamasa lamang ng kaligayahan sa maigsing sandali!”

قُلْ مَن ذَا الَّذِي يَعْصِمُكُم مِّنَ اللَّهِ إِنْ أَرَادَ بِكُمْ سُوءًا أَوْ أَرَادَ بِكُمْ رَحْمَةً ۚ وَلَا يَجِدُونَ لَهُم مِّن دُونِ اللَّهِ وَلِيًّا وَلَا نَصِيرًا(17)

 Ipagbadya: “Sino kaya baga ang makakapangalaga sa inyo laban kay Allah kung Kanyang naisin na gawaran kayo ng kapinsalaan o bigyan kayo ng (Kanyang) habag? At sila ay hindi makakatagpo ng anumang wali (kawaksi, tagapangalaga, tagapagtanggol, atbp.) sa kanilang sarili maliban kay Allah

۞ قَدْ يَعْلَمُ اللَّهُ الْمُعَوِّقِينَ مِنكُمْ وَالْقَائِلِينَ لِإِخْوَانِهِمْ هَلُمَّ إِلَيْنَا ۖ وَلَا يَأْتُونَ الْبَأْسَ إِلَّا قَلِيلًا(18)

 Katotohanang nababatid ni Allah kung sino sa karamihan ninyo ang pumipigil sa mga tao na makipaglaban sa Kapakanan ni Allah, at sila na nagsasabi sa kanyang mga kapatid ng: “Halina kayong sumama sa amin”, samantalang (sila sa kanilang sarili) ay hindi sumasama sa labanan maliban lamang sa kakaunting panahon

أَشِحَّةً عَلَيْكُمْ ۖ فَإِذَا جَاءَ الْخَوْفُ رَأَيْتَهُمْ يَنظُرُونَ إِلَيْكَ تَدُورُ أَعْيُنُهُمْ كَالَّذِي يُغْشَىٰ عَلَيْهِ مِنَ الْمَوْتِ ۖ فَإِذَا ذَهَبَ الْخَوْفُ سَلَقُوكُم بِأَلْسِنَةٍ حِدَادٍ أَشِحَّةً عَلَى الْخَيْرِ ۚ أُولَٰئِكَ لَمْ يُؤْمِنُوا فَأَحْبَطَ اللَّهُ أَعْمَالَهُمْ ۚ وَكَانَ ذَٰلِكَ عَلَى اللَّهِ يَسِيرًا(19)

 Na maramot sa pakikitungo sa inyo (kung pag-uusapan ang tulong sa kapakanan ni Allah). At kung sumapit na ang pangamba, ay iyong makikita sila na nakatitig sa iyo na ang kanilang mata ay namimilog na katulad ng isang nag-aagaw buhay. Datapuwa’t kung ang pangamba ay nakalipas na, kayo ay hinahampas nila ng kanilang matatalim na dila, na maramot (sa paggugol) sa anumang mabuti (at matakaw lamang sa anumang labi ng digmaan at kayamanan). Ang ganitong mga tao ay walang pananalig kaya’t ginawa ni Allah ang kanilang mga gawa na walang katuturan; at ito ay magaan kay Allah

يَحْسَبُونَ الْأَحْزَابَ لَمْ يَذْهَبُوا ۖ وَإِن يَأْتِ الْأَحْزَابُ يَوَدُّوا لَوْ أَنَّهُم بَادُونَ فِي الْأَعْرَابِ يَسْأَلُونَ عَنْ أَنبَائِكُمْ ۖ وَلَوْ كَانُوا فِيكُم مَّا قَاتَلُوا إِلَّا قَلِيلًا(20)

 Inaakala nila na ang Al-Ahzab (mga magkakaanib, pederasyon) ay hindi pa nagsiurong; at kung ang Al-Ahzab (mga magkakaanib, pederasyon) ay muling dumating, ay nanaisin nila na sila ay nasa disyerto (na namamayagpag) sa gitna ng mga Bedouin (mga Arabong nananahan sa disyerto), at naghahanap ng balita tungkol sa inyo (mula sa malayong lugar), at kung (mangyari) na sila ay nasa lipon ninyo, sila ay hindi lalaban maliban sa kakarampot lamang

لَّقَدْ كَانَ لَكُمْ فِي رَسُولِ اللَّهِ أُسْوَةٌ حَسَنَةٌ لِّمَن كَانَ يَرْجُو اللَّهَ وَالْيَوْمَ الْآخِرَ وَذَكَرَ اللَّهَ كَثِيرًا(21)

 Katotohanang nasa Tagapagbalita ni Allah (Muhammad) ang isang mahusay na halimbawa upang sundin ng sinuman na umaasa (sa Pakikipagtipan) kay Allah at sa Huling Araw, at nag-aala-ala kay Allah nang labis

وَلَمَّا رَأَى الْمُؤْمِنُونَ الْأَحْزَابَ قَالُوا هَٰذَا مَا وَعَدَنَا اللَّهُ وَرَسُولُهُ وَصَدَقَ اللَّهُ وَرَسُولُهُ ۚ وَمَا زَادَهُمْ إِلَّا إِيمَانًا وَتَسْلِيمًا(22)

 At nang makita ng mga nananampalataya ang Al-Ahzab (lipon ng mga magkakaanib, pederasyon) sila ay nagsabi: “Ito ang ipinangako sa atin ni Allah at ng Kanyang Tagapagbalita (Muhammad), at si Allah at ang Kanyang Tagapagbalita (Muhammad) ay nagsabi ng katotohanan.” At ito ay lalong nakadagdag sa kanilang pananampalataya at kasiglahan sa pagsunod (kay Allah)

مِّنَ الْمُؤْمِنِينَ رِجَالٌ صَدَقُوا مَا عَاهَدُوا اللَّهَ عَلَيْهِ ۖ فَمِنْهُم مَّن قَضَىٰ نَحْبَهُ وَمِنْهُم مَّن يَنتَظِرُ ۖ وَمَا بَدَّلُوا تَبْدِيلًا(23)

 Sa gitna ng mga nananampalataya ay mga tao na naging tapat sa kanilang kasunduan kay Allah (alalaong baga, sila ay pumalaot sa maka-diyos na digmaan [Jihad] at hindi sila tumalikod sa mga hindi nananampalataya); ang iba sa kanila ay nakatupad sa kanilang mga tungkulin (alalaong baga, namatay sa labanan at naging martir), at ang iba sa kanila ay naghihintay pa rin; datapuwa’t kailanman ay hindi nagbawa ang (kanilang pagpupunyagi) kahit na kaunti (alalaong baga, sila ay hindi naging taksil sa kasunduan na kanilang ginawa kay Allah)

لِّيَجْزِيَ اللَّهُ الصَّادِقِينَ بِصِدْقِهِمْ وَيُعَذِّبَ الْمُنَافِقِينَ إِن شَاءَ أَوْ يَتُوبَ عَلَيْهِمْ ۚ إِنَّ اللَّهَ كَانَ غَفُورًا رَّحِيمًا(24)

 Upang magantimpalaan ni Allah ang mga tao ng katotohanan sa kanilang pagiging makatotohanan (alalaong baga, ang kanilang pagsasakit na matupad ang kanilang ipinagkasundo kay Allah), at parusahan Niya ang mga mapagkunwari kung ito ay Kanyang naisin o tanggapin ang kanilang pagsisisi at bigyan sila ng Habag. Katotohanang si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain

وَرَدَّ اللَّهُ الَّذِينَ كَفَرُوا بِغَيْظِهِمْ لَمْ يَنَالُوا خَيْرًا ۚ وَكَفَى اللَّهُ الْمُؤْمِنِينَ الْقِتَالَ ۚ وَكَانَ اللَّهُ قَوِيًّا عَزِيزًا(25)

 At itinaboy ni Allah ang mga hindi sumasampalataya (sa lahat) ng kanilang pagkapoot; wala silang napalang kapakinabangan (sa mga labi ng digmaan, yaman, atbp.); at sapat na si Allah sa mga sumasampalataya upang makipaglaban (sa pamamagitan ng pagsusugo ng daluyong at pulutong ng anghel). At si Allah ay Tigib ng Lakas, ang Pinakamataas sa Kapangyarihan

وَأَنزَلَ الَّذِينَ ظَاهَرُوهُم مِّنْ أَهْلِ الْكِتَابِ مِن صَيَاصِيهِمْ وَقَذَفَ فِي قُلُوبِهِمُ الرُّعْبَ فَرِيقًا تَقْتُلُونَ وَتَأْسِرُونَ فَرِيقًا(26)

 At sila na mga Tao ng Kasulatan (Tribu ng Hudyo ng Banu Quraiza na hindi sumasampalataya) na tumulong sa kanila (na mga hindi sumasampalataya, ang mga kalaban), sila ay dinaklot ni Allah mula sa kanilang kanlungan at naghasik Siya ng lagim sa kanilang puso, (kaya’t) ang isang pangkat (nila) ay inyong napatay, at ang ibang pangkat (nila) ay inyong naging mga bihag

وَأَوْرَثَكُمْ أَرْضَهُمْ وَدِيَارَهُمْ وَأَمْوَالَهُمْ وَأَرْضًا لَّمْ تَطَئُوهَا ۚ وَكَانَ اللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرًا(27)

 At Kanyang ginawa kayo na maging tagapagmana ng kanilang lupain, ng kanilang mga tahanan at kanilang mga ari-arian, at maging ang lupa na hindi ninyo napapasyalan noon. At si Allah ang may kapangyarihan sa lahat ng bagay

يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ قُل لِّأَزْوَاجِكَ إِن كُنتُنَّ تُرِدْنَ الْحَيَاةَ الدُّنْيَا وَزِينَتَهَا فَتَعَالَيْنَ أُمَتِّعْكُنَّ وَأُسَرِّحْكُنَّ سَرَاحًا جَمِيلًا(28)

 o Propeta (Muhammad)! Sabihin mo sa iyong mga asawa: “Kung inyong ninanasa ang buhay sa mundong ito at ang kanyang kinang, kung gayon, - kayo ay pumarito! Aking bibigyan kayo ng inyong ikaliligaya (at ikabubuhay) at kayo ay palalayain ko sa magandang paraan (diborsyo)

وَإِن كُنتُنَّ تُرِدْنَ اللَّهَ وَرَسُولَهُ وَالدَّارَ الْآخِرَةَ فَإِنَّ اللَّهَ أَعَدَّ لِلْمُحْسِنَاتِ مِنكُنَّ أَجْرًا عَظِيمًا(29)

 Datapuwa’t kung hinahanap ninyo si Allah at ang Kanyang Tagapagbalita at ang Tahanan ng Kabilang Buhay, kung gayon, katotohanang si Allah ay naghanda sa Al- Muhsinah (mga mapaggawa ng kabutihan) sa karamihan ninyo ng isang malaking gantimpala

يَا نِسَاءَ النَّبِيِّ مَن يَأْتِ مِنكُنَّ بِفَاحِشَةٍ مُّبَيِّنَةٍ يُضَاعَفْ لَهَا الْعَذَابُ ضِعْفَيْنِ ۚ وَكَانَ ذَٰلِكَ عَلَى اللَّهِ يَسِيرًا(30)

 o kayong mga asawa ng Propeta! Kung sinuman sa inyo ang gumawa nang lantad at labag na pakikipagtalik (sa iba), ang kaparusahan ay magiging dalawang ulit sa kanya at ito ay lubhang magaan kay Allah

۞ وَمَن يَقْنُتْ مِنكُنَّ لِلَّهِ وَرَسُولِهِ وَتَعْمَلْ صَالِحًا نُّؤْتِهَا أَجْرَهَا مَرَّتَيْنِ وَأَعْتَدْنَا لَهَا رِزْقًا كَرِيمًا(31)

 Datapuwa’t kung sinuman sa inyo ang maging matimtiman sa paglilingkod kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita at nagsisigawa ng katuwiran at kabutihan, sa kanya ay Aming ipagkakaloob ang gantimpala ng dalawang ulit, at Aming inihanda sa kanya ang Rizqan Kariman (nag- uumapaw na panustos, kasaganaan, - ang Paraiso)

يَا نِسَاءَ النَّبِيِّ لَسْتُنَّ كَأَحَدٍ مِّنَ النِّسَاءِ ۚ إِنِ اتَّقَيْتُنَّ فَلَا تَخْضَعْنَ بِالْقَوْلِ فَيَطْمَعَ الَّذِي فِي قَلْبِهِ مَرَضٌ وَقُلْنَ قَوْلًا مَّعْرُوفًا(32)

 o kayong mga asawa ng Propeta! Kayo ay hindi katulad (ng ibang) mga babae; kung kayo ay nangangamba (kay Allah), huwag kayong maging malambing sa inyong pagsasalita, baka kaya siya (ibang lalaki) na may kabulukan sa kanyang puso (may hangarin ng kalaswaan, pagkukunwari, pakikiapid, atbp.) ay matinag sa pagnanasa; datapuwa’t mangusap kayo sa kanila ng salitang makatwiran

وَقَرْنَ فِي بُيُوتِكُنَّ وَلَا تَبَرَّجْنَ تَبَرُّجَ الْجَاهِلِيَّةِ الْأُولَىٰ ۖ وَأَقِمْنَ الصَّلَاةَ وَآتِينَ الزَّكَاةَ وَأَطِعْنَ اللَّهَ وَرَسُولَهُ ۚ إِنَّمَا يُرِيدُ اللَّهُ لِيُذْهِبَ عَنكُمُ الرِّجْسَ أَهْلَ الْبَيْتِ وَيُطَهِّرَكُمْ تَطْهِيرًا(33)

 At manatiling tahimik sa inyong mga tahanan, at huwag kayong gumawa ng nakakaakit na paglalantad ng inyong sarili na kagaya noong panahon ng kamangmangan at magsipag-alay kayo ng palagiang pagdarasal (Iqamat-us- Salah), magbigay ng Zakah (katungkulang kawanggawa) at sundin ninyo si Allah at ang Kanyang Tagapagbalita. Hinahangad lamang ni Allah na mawala ang lahat ng Ar- Rijs (mga masasamang gawa, kasalanan, atbp.) sa inyo, o kayong mga kasapi ng Pamilya (ng Propeta), at gawin kayong dalisay at walang bahid dungis

وَاذْكُرْنَ مَا يُتْلَىٰ فِي بُيُوتِكُنَّ مِنْ آيَاتِ اللَّهِ وَالْحِكْمَةِ ۚ إِنَّ اللَّهَ كَانَ لَطِيفًا خَبِيرًا(34)

 At alalahanin (o kayong mga kasapi ng pamilya ng Propeta, ang mga biyaya ng inyong Panginoon), ang mga dinadalit at ipinaparinig sa inyo sa inyong mga tahanan na mga Tanda (mga Talata ng Qur’an at Sawikain ng Propeta) ni Allah at Kanyang Karunungan; katotohanang si Allah ay Ganap na Mapitagan at Lubos na Nakakaalam ng lahat ng bagay

إِنَّ الْمُسْلِمِينَ وَالْمُسْلِمَاتِ وَالْمُؤْمِنِينَ وَالْمُؤْمِنَاتِ وَالْقَانِتِينَ وَالْقَانِتَاتِ وَالصَّادِقِينَ وَالصَّادِقَاتِ وَالصَّابِرِينَ وَالصَّابِرَاتِ وَالْخَاشِعِينَ وَالْخَاشِعَاتِ وَالْمُتَصَدِّقِينَ وَالْمُتَصَدِّقَاتِ وَالصَّائِمِينَ وَالصَّائِمَاتِ وَالْحَافِظِينَ فُرُوجَهُمْ وَالْحَافِظَاتِ وَالذَّاكِرِينَ اللَّهَ كَثِيرًا وَالذَّاكِرَاتِ أَعَدَّ اللَّهُ لَهُم مَّغْفِرَةً وَأَجْرًا عَظِيمًا(35)

 Katotohanan, ang mga Muslim (sila na sumusuko kay Allah sa Islam), lalaki at babae, ang mga sumasampalatayang lalaki at babae (na nananalig sa Kaisahan ni Allah), ang mga matimtiman at masunuring lalaki at babae (kay Allah), ang mgalalakiatbabaenanagsasabingkatotohanan(sakanilang pananalita at gawa), ang mga lalaki at babae na matiyaga (sa pagsasagawa ng lahat ng mga tungkulin na iniatas ni Allah at pag-iwas sa lahat ng Kanyang ipinagbabawal), ang mga lalaki at babae na nagpapakumbaba (sa harapan ng kanilang Panginoon, - Allah), ang mga lalaki at babae na nagbibigay ng kawanggawa (ang katungkulang kawanggawa, ang Zakah, [gayundin] ang boluntaryong kawanggawa tulad ng limos, tulong, atbp.), ang mga lalaki at babae na nag-aayuno (ang katungkulang pag-aayuno sa buwan ng ramadhan at mga boluntaryong pag-aayuno o Nawafil), ang mga lalaki at babae na nagpapanatili sa kanilang kalinisan (sa mga bawal na pakikipagtalik), ang mga lalaki at babae na labis na nag-aala-ala kay Allah sa pamamagitan ng kanilang mga dila at puso (habang nakaupo, nakatayo at nakahimlay at dumadalit ng mga pagpupuri at pagluwalhati sa Kanya), sa kanila ay inihanda ni Allah ang pagpapatawad at malaking gantimpala (alalaong baga, ang Paraiso)

وَمَا كَانَ لِمُؤْمِنٍ وَلَا مُؤْمِنَةٍ إِذَا قَضَى اللَّهُ وَرَسُولُهُ أَمْرًا أَن يَكُونَ لَهُمُ الْخِيَرَةُ مِنْ أَمْرِهِمْ ۗ وَمَن يَعْصِ اللَّهَ وَرَسُولَهُ فَقَدْ ضَلَّ ضَلَالًا مُّبِينًا(36)

 Hindi marapat sa isang nananampalataya, lalaki man o babae, na kung ang isang bagay ay napagpasyahan na ni Allah at ng Kanyang Tagapagbalita, na magkaroon pa kayo ng pamimilian sa kanilang pasya; at kung sinuman ang sumuway kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita, katotohanang siya ay napaligaw sa maling landas

وَإِذْ تَقُولُ لِلَّذِي أَنْعَمَ اللَّهُ عَلَيْهِ وَأَنْعَمْتَ عَلَيْهِ أَمْسِكْ عَلَيْكَ زَوْجَكَ وَاتَّقِ اللَّهَ وَتُخْفِي فِي نَفْسِكَ مَا اللَّهُ مُبْدِيهِ وَتَخْشَى النَّاسَ وَاللَّهُ أَحَقُّ أَن تَخْشَاهُ ۖ فَلَمَّا قَضَىٰ زَيْدٌ مِّنْهَا وَطَرًا زَوَّجْنَاكَهَا لِكَيْ لَا يَكُونَ عَلَى الْمُؤْمِنِينَ حَرَجٌ فِي أَزْوَاجِ أَدْعِيَائِهِمْ إِذَا قَضَوْا مِنْهُنَّ وَطَرًا ۚ وَكَانَ أَمْرُ اللَّهِ مَفْعُولًا(37)

 At alalahanin! Nang iyong sabihin sa kanya (Zaid ibn Harithah, ang pinalayang alipin ng Propeta) na nakatanggap ng biyaya (liwanag) mula kay Allah (sa pamamagitan nang pagbibigay ng patnubay sa kanya sa Islam) at ng iyong paglingap (o Muhammad, sa kanya): “Panatilihin mo sa iyo (sa pagkakaroon ng kasal) ang iyong asawa (Zainab), at pangambahan mo si Allah.” Datapuwa’t ikinubli mo (Muhammad) sa iyong puso (alalaong baga, ang bagay na ipinaalam na ni Allah sa iyo na siya [Zainab] ay Kanyang ibibigay sa iyo sa pag-aasawa), ang bagay na nais na maging lantad ni Allah; pinangambahan mo (Muhammad) ang mga tao (alalaong baga, na si Muhammad ay ikinasal sa diborsyadang asawa ng kanyang alipin), datapuwa’t higit na katumpakan na ikaw (Muhammad) ay mangamba kay Allah. At nang pawalang bisa ni Zaid (ang kanyang kasal sa pamamagitan ng diborsyo) sa kanya [Zainab], ay Aming pinagsama kayo ([Muhammad at Zainab] sa kasal) upang sa gayon, (sa darating na panahon), ay wala ng maging sagabal sa mga sumasampalataya (tungkol sa bagay) ng kanilang pag-aasawa sa (naging) mga asawa ng kanilang mga ampong lalaki, kung ang huli (mga ampong lalaki) ay magpawalang bisa (ng kanilang kasal o magdiborsyo) sa kanila. At ang pag-uutos ni Allah ay marapat na maganap

مَّا كَانَ عَلَى النَّبِيِّ مِنْ حَرَجٍ فِيمَا فَرَضَ اللَّهُ لَهُ ۖ سُنَّةَ اللَّهِ فِي الَّذِينَ خَلَوْا مِن قَبْلُ ۚ وَكَانَ أَمْرُ اللَّهِ قَدَرًا مَّقْدُورًا(38)

 Hindi isang kasalanan sa Propeta ang anumang bagay na ginawang legal (pinahihintulutan) ni Allah sa kanya. Ito ang Pamamaraan ni Allah sa mga tao (mga Propeta) ng panahong lumipas. At ang Pag-uutos ni Allah ay isang Utos na naitakda na

الَّذِينَ يُبَلِّغُونَ رِسَالَاتِ اللَّهِ وَيَخْشَوْنَهُ وَلَا يَخْشَوْنَ أَحَدًا إِلَّا اللَّهَ ۗ وَكَفَىٰ بِاللَّهِ حَسِيبًا(39)

 (Ito ang kinagisnan) ng mga nangangaral ng Mensahe ni Allah at nangangamba sa Kanya, at walang kinatatakutan maliban kay Allah. At Sapat na si Allah upang tawagin (ang mga tao) upang magsulit

مَّا كَانَ مُحَمَّدٌ أَبَا أَحَدٍ مِّن رِّجَالِكُمْ وَلَٰكِن رَّسُولَ اللَّهِ وَخَاتَمَ النَّبِيِّينَ ۗ وَكَانَ اللَّهُ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمًا(40)

 Si Muhammad ay hindi ama ng sinuman sa inyo, datapuwa’t siya ang Tagapagbalita ni Allah at Sagka (Panghuli) sa lahat ng mga Propeta; at si Allah ang may Ganap na Kabatiran sa lahat ng bagay

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اذْكُرُوا اللَّهَ ذِكْرًا كَثِيرًا(41)

 o kayong nagsisisampalataya! Alalahanin ninyo si Allah ng may ganap na pag-aala-ala

وَسَبِّحُوهُ بُكْرَةً وَأَصِيلًا(42)

 At luwalhatiin ang Kanyang mga papuri sa umaga at hapon (ang pang-umagang [Fajr] panalangin at panghapong [Asr] panalangin

هُوَ الَّذِي يُصَلِّي عَلَيْكُمْ وَمَلَائِكَتُهُ لِيُخْرِجَكُم مِّنَ الظُّلُمَاتِ إِلَى النُّورِ ۚ وَكَانَ بِالْمُؤْمِنِينَ رَحِيمًا(43)

 Siya ang Tanging Isa na nagpapadala sa inyo ng Salat (Kanyang mga biyaya), gayundin ang ginagawa ng Kanyang mga anghel sa inyo (na nananawagan kay Allah na patawarin at basbasan kayo), upang kayo ay Kanyang maiahon mula sa kailaliman ng kadiliman (kawalan ng pananalig at pagsamba sa mga diyus-diyosan) tungo sa kaliwanagan (Tamang Pananampalataya at Kaisahan ni Allah sa Islam); at Siya ay Lagi nang Puspos ng Habag sa mga sumasampalataya

تَحِيَّتُهُمْ يَوْمَ يَلْقَوْنَهُ سَلَامٌ ۚ وَأَعَدَّ لَهُمْ أَجْرًا كَرِيمًا(44)

 Ang pagbati nila sa Araw ng kanilang pakikipagtipan sa Kanya ay “Salam: Kapayapaan!” [ang mga anghel ay babati sa kanila ng: “Salam-u-alaikum”] at inihanda na Niya sa kanila ang isang nag-uumapaw na Gantimpala (Paraiso)

يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ إِنَّا أَرْسَلْنَاكَ شَاهِدًا وَمُبَشِّرًا وَنَذِيرًا(45)

 O Propeta (Muhammad)! Katotohanang ikaw ay isinugo Namin bilang isang Saksi, isang tagapagtangan ng Masayang Balita at bilang isang Tagapagbabala

وَدَاعِيًا إِلَى اللَّهِ بِإِذْنِهِ وَسِرَاجًا مُّنِيرًا(46)

 At bilang isa na nag-aanyaya sa Habag ni Allah, sa Kanyang Kapahintulutan, at bilang isang Tanglaw na nagsasabog ng liwanag (sa pamamagitan ng iyong pagtuturo ng Qur’an, Sunna at mga paraan ng Propeta)

وَبَشِّرِ الْمُؤْمِنِينَ بِأَنَّ لَهُم مِّنَ اللَّهِ فَضْلًا كَبِيرًا(47)

 Kaya’t ipagbadya ang magandang balita sa mga sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Kanyang Tagapagbalitang si Muhammad), na sasakanila mula kay Allah ang nag-uumapaw na Biyaya

وَلَا تُطِعِ الْكَافِرِينَ وَالْمُنَافِقِينَ وَدَعْ أَذَاهُمْ وَتَوَكَّلْ عَلَى اللَّهِ ۚ وَكَفَىٰ بِاللَّهِ وَكِيلًا(48)

 At huwag mong sundin ang mga hindi sumasampalataya at mga mapagkunwari at huwag mong pansinin ang kanilang panlilibak, datapuwa’t magtiwala ka kay Allah sapagkat Sapat na si Allah bilang isang wakil (Mapagkakatiwalaan at Tagapagpaganap ng lahat ng mga pangyayari)

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِذَا نَكَحْتُمُ الْمُؤْمِنَاتِ ثُمَّ طَلَّقْتُمُوهُنَّ مِن قَبْلِ أَن تَمَسُّوهُنَّ فَمَا لَكُمْ عَلَيْهِنَّ مِنْ عِدَّةٍ تَعْتَدُّونَهَا ۖ فَمَتِّعُوهُنَّ وَسَرِّحُوهُنَّ سَرَاحًا جَمِيلًا(49)

 O kayong nagsisisampalataya! Kung inyong pinakasalan ang mga sumasampalatayang babae at sila ay inyong diniborsyo, bago ninyo sila sipingan, hindi kinakailangan na kayo ay magpalipas ng Iddat (paghihintay ng apat na buwanang regla) para sa kanila. Sila ay gawaran ninyo ng regalo, at inyong palayain (diborsyohin) sila sa magandang paraan

يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ إِنَّا أَحْلَلْنَا لَكَ أَزْوَاجَكَ اللَّاتِي آتَيْتَ أُجُورَهُنَّ وَمَا مَلَكَتْ يَمِينُكَ مِمَّا أَفَاءَ اللَّهُ عَلَيْكَ وَبَنَاتِ عَمِّكَ وَبَنَاتِ عَمَّاتِكَ وَبَنَاتِ خَالِكَ وَبَنَاتِ خَالَاتِكَ اللَّاتِي هَاجَرْنَ مَعَكَ وَامْرَأَةً مُّؤْمِنَةً إِن وَهَبَتْ نَفْسَهَا لِلنَّبِيِّ إِنْ أَرَادَ النَّبِيُّ أَن يَسْتَنكِحَهَا خَالِصَةً لَّكَ مِن دُونِ الْمُؤْمِنِينَ ۗ قَدْ عَلِمْنَا مَا فَرَضْنَا عَلَيْهِمْ فِي أَزْوَاجِهِمْ وَمَا مَلَكَتْ أَيْمَانُهُمْ لِكَيْلَا يَكُونَ عَلَيْكَ حَرَجٌ ۗ وَكَانَ اللَّهُ غَفُورًا رَّحِيمًا(50)

 o Propeta (Muhammad)! Ginawa Naming legal (nararapat ayon sa batas) sa iyo ang iyong mga asawa matapos na sila ay iyong gawaran ng Mahr (dote o alay na salapi na ibinibigay ng lalaki sa kanyang mapapangasawa sa sandali ng kasal), at gayundin sa mga angkin ng iyong kanang kamay (mula sa mga bihag ng digmaan, atbp.) na itinalaga ni Allah sa iyo; at mga anak na babae ng iyong Amm (mga amain sa ama), at mga anak na babae ng iyong Ammah (mga tiyahin sa ama), at mga anak na babae ng iyong Khal (mga amain sa ina), at mga anak na babae ng iyong Khalah (mga tiyahin sa ina) na nagsilikas (mula sa Makkah) na kasama ka; at sinuman sa mga sumasampalatayang babae na nag-aalay ng kanyang sarili sa Propeta, at kung ang Propeta ay nais na pakasalan siya; ito ay isang karapatan para sa iyo lamang, at hindi sa lahat (at karamihan) ng mga sumasampalataya. Katotohanang Aming nababatid ang Aming itinalaga sa kanila na kanilang mga asawa at ang mga angkin ng kanilang kanang kamay, upang sa gayon ay hindi magkaroon ng sagabal sa iyo. At si Allah ay Lalagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain

۞ تُرْجِي مَن تَشَاءُ مِنْهُنَّ وَتُؤْوِي إِلَيْكَ مَن تَشَاءُ ۖ وَمَنِ ابْتَغَيْتَ مِمَّنْ عَزَلْتَ فَلَا جُنَاحَ عَلَيْكَ ۚ ذَٰلِكَ أَدْنَىٰ أَن تَقَرَّ أَعْيُنُهُنَّ وَلَا يَحْزَنَّ وَيَرْضَيْنَ بِمَا آتَيْتَهُنَّ كُلُّهُنَّ ۚ وَاللَّهُ يَعْلَمُ مَا فِي قُلُوبِكُمْ ۚ وَكَانَ اللَّهُ عَلِيمًا حَلِيمًا(51)

 At ikaw (o Muhammad) ay maaaring magpaliban (sa nakatakdang sunuran) kung sino sa kanila (sa iyong mga asawa) ang iyong nais, at maaari mong tanggapin kung sino sa kanila ang iyong maibigan. At kung sinuman ang iyong maibigan sa kanila (na ang takdang sunuran) ay iyong ibinukod muna, hindi isang kasalanan sa iyo (kung iyong tanggapin siyang muli), ito ay higit na mabuti, upang sila ay makadama ng kaginhawahan at huwag manimdim, at silang lahat ay masiyahan sa anumang ibigay mo sa kanila. Nababatid ni Allah (ang lahat) ng nasa iyong puso; at si Allah ang Ganap na Nakakaalam, ang Lubos na Mapagpaumanhin

لَّا يَحِلُّ لَكَ النِّسَاءُ مِن بَعْدُ وَلَا أَن تَبَدَّلَ بِهِنَّ مِنْ أَزْوَاجٍ وَلَوْ أَعْجَبَكَ حُسْنُهُنَّ إِلَّا مَا مَلَكَتْ يَمِينُكَ ۗ وَكَانَ اللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ رَّقِيبًا(52)

 Hindi nararapat sa iyo (ayon sa batas) ang mag-asawa pa (ng ibang babae) matapos ito, o palitan sila (ng ibang) asawa, kahit na ang kanilang kagandahan ay nakakaakit sa iyo, maliban na lamang sa kanila na angkin ng iyong kanang kamay. At si Allah ang Lagi nang Nagmamasid sa lahat ng bagay

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَدْخُلُوا بُيُوتَ النَّبِيِّ إِلَّا أَن يُؤْذَنَ لَكُمْ إِلَىٰ طَعَامٍ غَيْرَ نَاظِرِينَ إِنَاهُ وَلَٰكِنْ إِذَا دُعِيتُمْ فَادْخُلُوا فَإِذَا طَعِمْتُمْ فَانتَشِرُوا وَلَا مُسْتَأْنِسِينَ لِحَدِيثٍ ۚ إِنَّ ذَٰلِكُمْ كَانَ يُؤْذِي النَّبِيَّ فَيَسْتَحْيِي مِنكُمْ ۖ وَاللَّهُ لَا يَسْتَحْيِي مِنَ الْحَقِّ ۚ وَإِذَا سَأَلْتُمُوهُنَّ مَتَاعًا فَاسْأَلُوهُنَّ مِن وَرَاءِ حِجَابٍ ۚ ذَٰلِكُمْ أَطْهَرُ لِقُلُوبِكُمْ وَقُلُوبِهِنَّ ۚ وَمَا كَانَ لَكُمْ أَن تُؤْذُوا رَسُولَ اللَّهِ وَلَا أَن تَنكِحُوا أَزْوَاجَهُ مِن بَعْدِهِ أَبَدًا ۚ إِنَّ ذَٰلِكُمْ كَانَ عِندَ اللَّهِ عَظِيمًا(53)

 O kayong nagsisisampalataya! Huwag kayong pumasok sa mga bahay ng Propeta, maliban na lamang kung ang pahintulot ay ibinigay sa inyo sa pagkain (upang kumain), gayundin (ay huwag na lubhang maaga), na kayo ay naghihintay sa paghahanda (ng pagkain). Datapuwa’t kung kayo ay inaanyayahan, kayo ay tumuloy, at kung matapos na kayong kumain, kayo ay lumisan, at huwag nang umupo tungo sa pag-uusap. Katotohanan, ang gayong (pag-uugali) ay nakakasuya sa Propeta, at siya ay nahihiya (na magsabi) na umalis na kayo, datapuwa’t si Allah ay hindi nakikimi (na sabihin) sa inyo ang katotohanan. At kung nais ninyong magtanong (sa kanyang mga asawa) nang anumang inyong naisin, mangusap kayo sa kanila sa likod ng lambong (may takip sa inyong pagitan); ito ay higit na nagpapadalisay sa inyong puso, gayundin sa kanilang puso. At hindi isang katumpakan sa inyo na inyong suyain ang Tagapagbalita ni Allah, o inyong pangasawahin ang kanyang mga asawa kung mawala na siya (matapos ang kanyang kamatayan). Katotohanan! Ang ganitong bagay sa Paningin ni Allah ay isang kakila-kilabot na kasamaan

إِن تُبْدُوا شَيْئًا أَوْ تُخْفُوهُ فَإِنَّ اللَّهَ كَانَ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمًا(54)

 Kahit na inyong ilantad ang anumang bagay o ito ay inyong ilingid, katotohanang si Allah ang Lalagi nang Ganap na may Kaalaman sa lahat ng bagay

لَّا جُنَاحَ عَلَيْهِنَّ فِي آبَائِهِنَّ وَلَا أَبْنَائِهِنَّ وَلَا إِخْوَانِهِنَّ وَلَا أَبْنَاءِ إِخْوَانِهِنَّ وَلَا أَبْنَاءِ أَخَوَاتِهِنَّ وَلَا نِسَائِهِنَّ وَلَا مَا مَلَكَتْ أَيْمَانُهُنَّ ۗ وَاتَّقِينَ اللَّهَ ۚ إِنَّ اللَّهَ كَانَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ شَهِيدًا(55)

 Hindi isang kasalanan sa kanila (sa mga asawa ng Propeta, kung sila ay magpakita na hindi nalalambungan) sa harap ng kanilang ama, o ng kanilang mga anak na lalaki, o ng kanilang mga kapatid na lalaki, o sa mga anak na lalaki ng kanilang mga kapatid na lalaki, o sa mga anak na lalaki ng kanilang mga kapatid na babae, o ng kanilang (sumasampalatayang) kababaihan, o mga (babaeng) alipin na angkin ng kanilang kanang kamay, at panatilihin ninyo ang inyong tungkulin kay Allah. Katotohanang si Allah ang Lagi nang Lubos na Saksi sa lahat ng bagay

إِنَّ اللَّهَ وَمَلَائِكَتَهُ يُصَلُّونَ عَلَى النَّبِيِّ ۚ يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا صَلُّوا عَلَيْهِ وَسَلِّمُوا تَسْلِيمًا(56)

 Si Allah ang nagpapadala ng Kanyang Salat (mga Biyaya, Karangalan, Habag, Basbas, atbp.) sa Propeta (Muhammad), gayundin ang Kanyang mga anghel (na nananawagan kay Allah na basbasan at patawarin siya). o kayong nagsisisampalataya! Iparating ninyo sa kanya (Muhammad) ang inyong Salat (ang Bendisyon na hiniling ninyo kay Allah), at inyong batiin siya ng may ganap na paggalang (alalaong baga, ang pagbati sa Islam: As-Salam-u-Alaikum- Ang kapayapaan ay sumainyo)

إِنَّ الَّذِينَ يُؤْذُونَ اللَّهَ وَرَسُولَهُ لَعَنَهُمُ اللَّهُ فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ وَأَعَدَّ لَهُمْ عَذَابًا مُّهِينًا(57)

 Katotohanan, ang mga nangyayamot kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita; si Allah ay sumusumpa sa kanila sa mundong ito at sa Kabilang Buhay, at Kanyang inihanda sa kanila ang isang kahiya-hiyang kaparusahan

وَالَّذِينَ يُؤْذُونَ الْمُؤْمِنِينَ وَالْمُؤْمِنَاتِ بِغَيْرِ مَا اكْتَسَبُوا فَقَدِ احْتَمَلُوا بُهْتَانًا وَإِثْمًا مُّبِينًا(58)

 At sa mga nangyayamot sa mga sumasampalatayang lalaki at babae, at ito ay hindi nararapat, ay binibigyan nila ng pabigat ang kanilang sarili sa kasamaan ng paninirang puri at lantad na kasalanan

يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ قُل لِّأَزْوَاجِكَ وَبَنَاتِكَ وَنِسَاءِ الْمُؤْمِنِينَ يُدْنِينَ عَلَيْهِنَّ مِن جَلَابِيبِهِنَّ ۚ ذَٰلِكَ أَدْنَىٰ أَن يُعْرَفْنَ فَلَا يُؤْذَيْنَ ۗ وَكَانَ اللَّهُ غَفُورًا رَّحِيمًا(59)

 o Propeta! Sabihin mo sa iyong mga asawa at mga anak na babae at sa mga sumasampalatayang babae na hindi nila dapat hubarin ang kanilang panglabas na kasuutan sa kanilang katawan (alalaong baga, ganap nilang balutin ang kanilang sarili ng kulambong at balabal maliban lamang sa mga mata upang kanilang makita ang daan, kung sila ay lumalabas ng bahay). Ito ay higit na mainam at magaan na sila ay maalaman (bilang mga malaya at kagalang-galang na kababaihan), upang sila ay hindi yamutin. At si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain

۞ لَّئِن لَّمْ يَنتَهِ الْمُنَافِقُونَ وَالَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٌ وَالْمُرْجِفُونَ فِي الْمَدِينَةِ لَنُغْرِيَنَّكَ بِهِمْ ثُمَّ لَا يُجَاوِرُونَكَ فِيهَا إِلَّا قَلِيلًا(60)

 Kung ang mga mapagkunwari, at sila na ang kanilang puso ay may karamdaman (ng masamang pagnanasa sa laman, pangangalunya, atbp.), at sila na mapagkalat ng kasinungalingan sa karamihan ng mga tao sa Al-Madina, kung sila ay hindi magsisitigil, katotohanang Aming hahayaan na inyong madaig sila, at sila ay hindi makakapanatili rito bilang inyong kapitbahay kundi sa maigsing panahon lamang

مَّلْعُونِينَ ۖ أَيْنَمَا ثُقِفُوا أُخِذُوا وَقُتِّلُوا تَقْتِيلًا(61)

 Na sinusumpa, saan man sila matagpuan; sila ay sasakmalin at papatayin ng isang (kakila- kilabot) na pagpatay

سُنَّةَ اللَّهِ فِي الَّذِينَ خَلَوْا مِن قَبْلُ ۖ وَلَن تَجِدَ لِسُنَّةِ اللَّهِ تَبْدِيلًا(62)

 Ito ang pamamaraan ni Allah sa kaso ng mga pumanaw na noon pang una, at kayo ay hindi makakatagpo ng pagbabago sa pamamaraan ni Allah

يَسْأَلُكَ النَّاسُ عَنِ السَّاعَةِ ۖ قُلْ إِنَّمَا عِلْمُهَا عِندَ اللَّهِ ۚ وَمَا يُدْرِيكَ لَعَلَّ السَّاعَةَ تَكُونُ قَرِيبًا(63)

 Ang mga tao ay nagtatanong sa iyo kung kailan ang oras. Iyong ipagbadya: “Ang kaalaman dito ay kay Allah lamang. Ano ang inyong nalalaman? Maaaring ang oras ay malapit na!”

إِنَّ اللَّهَ لَعَنَ الْكَافِرِينَ وَأَعَدَّ لَهُمْ سَعِيرًا(64)

 Katotohanang si Allah ay sumumpa sa mga hindi sumasampalataya, at Kanyang inihanda sa kanila ang Naglalagablab na Apoy (Impiyerno)

خَالِدِينَ فِيهَا أَبَدًا ۖ لَّا يَجِدُونَ وَلِيًّا وَلَا نَصِيرًا(65)

 Upang dito manahan magpakailanman; sila ay hindi makakahanap (dito) ng isang wali (tagapagtanggol, tagapangalaga) o isa mang kawaksi

يَوْمَ تُقَلَّبُ وُجُوهُهُمْ فِي النَّارِ يَقُولُونَ يَا لَيْتَنَا أَطَعْنَا اللَّهَ وَأَطَعْنَا الرَّسُولَا(66)

 Sa Araw na ang kanilang mukha ay ihaharap at igugulong sa lahat ng panig ng Apoy, sila ay magsasabi: “Kasawian sa amin! Dapat sana ay sumunod kami kay Allah at tumalima sa Kanyang Tagapagbalita (Muhammad)!”

وَقَالُوا رَبَّنَا إِنَّا أَطَعْنَا سَادَتَنَا وَكُبَرَاءَنَا فَأَضَلُّونَا السَّبِيلَا(67)

 At sila ay magsasabi: “Aming Panginoon! Katotohanang kami ay sumunod sa aming mga pinuno at aming mga dakilang (tao), at sila ang nagligaw sa amin sa (tamang) Landas

رَبَّنَا آتِهِمْ ضِعْفَيْنِ مِنَ الْعَذَابِ وَالْعَنْهُمْ لَعْنًا كَبِيرًا(68)

 “Aming Panginoon! Inyong gawaran sila ng magkatambal na kaparusahan at Inyong sumpain sila ng matinding Panunumpa!”

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَكُونُوا كَالَّذِينَ آذَوْا مُوسَىٰ فَبَرَّأَهُ اللَّهُ مِمَّا قَالُوا ۚ وَكَانَ عِندَ اللَّهِ وَجِيهًا(69)

 O kayong nagsisisampalataya! Huwag kayong tumulad sa mga nananakit (ng kalooban) ni Moises, datapuwa’t si Allahangnagpatunayngkanyangkawalangkasalanansamga ibinibintang sa kanya, at siya ay karangal-rangal sa Paningin ni Allah

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اتَّقُوا اللَّهَ وَقُولُوا قَوْلًا سَدِيدًا(70)

 o kayong nagsisisampalataya! Panatilihin ninyo ang inyong tungkulin kay Allah at pangambahan Siya, at kayo ay laging magsabi ng katotohanan

يُصْلِحْ لَكُمْ أَعْمَالَكُمْ وَيَغْفِرْ لَكُمْ ذُنُوبَكُمْ ۗ وَمَن يُطِعِ اللَّهَ وَرَسُولَهُ فَقَدْ فَازَ فَوْزًا عَظِيمًا(71)

 Ituturo Niya sa inyo ang paggawa ng katuwiran at mabubuting bagay at magpapatawad ng inyong mga kasalanan. At sinumang sumunod kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita, ngayon pa man, katiyakang siya ay nakapagtamo ng malaking tagumpay (alalaong baga, siya ay maliligtas sa Apoy ng Impiyerno at tatanggapin sa Paraiso)

إِنَّا عَرَضْنَا الْأَمَانَةَ عَلَى السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَالْجِبَالِ فَأَبَيْنَ أَن يَحْمِلْنَهَا وَأَشْفَقْنَ مِنْهَا وَحَمَلَهَا الْإِنسَانُ ۖ إِنَّهُ كَانَ ظَلُومًا جَهُولًا(72)

 Katotohanang Aming ibinigay ang Al-Amanah (ang Tiwalang Lagak o moral na pananagutan o katapatan sa lahat ng mga tungkulin na ipinag-utos niAllah) sa kalangitan at kalupaan, at sa kabundukan, datapuwa’t tumanggi sila na dalhin ito at sila ay nangangamba rito (alalaong baga, sila ay natatakot sa parusa ni Alalh), datapuwa’t ang tao ay nagpasan nito. Katotohanang siya ay hindi makatarungan (sa kanyang sarili) at walang muwang (sa magiging bunga)

لِّيُعَذِّبَ اللَّهُ الْمُنَافِقِينَ وَالْمُنَافِقَاتِ وَالْمُشْرِكِينَ وَالْمُشْرِكَاتِ وَيَتُوبَ اللَّهُ عَلَى الْمُؤْمِنِينَ وَالْمُؤْمِنَاتِ ۗ وَكَانَ اللَّهُ غَفُورًا رَّحِيمًا(73)

 Kaya’t si Allah ang magpaparusa sa mga mapagkunwari, mga lalaki at babae, at sa mga lalaki at babae na nag-aakibat ng mga katambal sa pagsamba sa Kanya (Allah). At si Allah ang tatanggap ng pagsisisi (magpapatawad) ng mga sumasampalataya, mga lalaki at babae. At si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain. sheBA


Filipince diğer sureler:

Bakara suresi Âl-i İmrân Nisâ suresi
Mâide suresi Yûsuf suresi İbrâhîm suresi
Hicr suresi Kehf suresi Meryem suresi
Hac suresi Kasas suresi Ankebût suresi
As-Sajdah Yâsîn suresi Duhân suresi
fetih suresi Hucurât suresi Kâf suresi
Necm suresi Rahmân suresi vakıa suresi
Haşr suresi Mülk suresi Hâkka suresi
İnşikâk suresi Alâ suresi Gâşiye suresi

En ünlü okuyucuların sesiyle Ahzab Suresi indirin:

Surah Al-Ahzab mp3: yüksek kalitede dinlemek ve indirmek için okuyucuyu seçerek
Ahzab Suresi Ahmed El Agamy
Ahmed El Agamy
Ahzab Suresi Saad Al Ghamdi
Saad Al Ghamdi
Ahzab Suresi Saud Al Shuraim
Saud Al Shuraim
Ahzab Suresi Abdul Basit Abdul Samad
Abdul Basit
Ahzab Suresi Abdullah Basfar
Abdullah Basfar
Ahzab Suresi Abdullah Awwad Al Juhani
Abdullah Al Juhani
Ahzab Suresi Ali Al Hudhaifi
Ali Al Hudhaifi
Ahzab Suresi Fares Abbad
Fares Abbad
Ahzab Suresi Maher Al Muaiqly
Maher Al Muaiqly
Ahzab Suresi Muhammad Jibril
Muhammad Jibril
Ahzab Suresi Muhammad Siddiq Al Minshawi
Al Minshawi
Ahzab Suresi Al Hosary
Al Hosary
Ahzab Suresi Al-afasi
Mishari Al-afasi
Ahzab Suresi Nasser Al Qatami
Nasser Al Qatami
Ahzab Suresi Yasser Al Dosari
Yasser Al Dosari


Wednesday, January 22, 2025

Bizim için dua et, teşekkürler