Enfal suresi çevirisi Filipince

  1. Suresi mp3
  2. Başka bir sure
  3. Filipince
Kuranı Kerim türkçe meali | Kur'an çevirileri | Filipince dili | Enfal Suresi | الأنفال - Ayet sayısı 75 - Moshaf'taki surenin numarası: 8 - surenin ingilizce anlamı: The Spoils of War.

يَسْأَلُونَكَ عَنِ الْأَنفَالِ ۖ قُلِ الْأَنفَالُ لِلَّهِ وَالرَّسُولِ ۖ فَاتَّقُوا اللَّهَ وَأَصْلِحُوا ذَاتَ بَيْنِكُمْ ۖ وَأَطِيعُوا اللَّهَ وَرَسُولَهُ إِن كُنتُم مُّؤْمِنِينَ(1)

 Sila ay nagtatanong sa iyo (o Muhammad) hinggil sa mga napanalunansadigmaan. Ipagbadya: “Ang mganapanalunan sa digmaan ay para kay Allah at sa Tagapagbalita.” Kaya’t pangambahan ninyo si Allah at inyong ayusin ang lahat ng bagay ng pagkakahidwa sa inyong lipon, at inyong sundin si Allah at ang Kanyang Tagapagbalita (Muhammad), kung kayo ay sumasampalataya

إِنَّمَا الْمُؤْمِنُونَ الَّذِينَ إِذَا ذُكِرَ اللَّهُ وَجِلَتْ قُلُوبُهُمْ وَإِذَا تُلِيَتْ عَلَيْهِمْ آيَاتُهُ زَادَتْهُمْ إِيمَانًا وَعَلَىٰ رَبِّهِمْ يَتَوَكَّلُونَ(2)

 Ang mga sumasampalataya ay sila, na kung ang Pangalan ni Allah ay nababanggit, ay nagkakaroon ng pangamba sa kanilang puso at kung ang Kanyang mga Talata (Qu’ran) ay dinadalit sa kanila, (na katulad ng ganitong mga talata) ay nagpapaalab sa kanilang Pananalig; at sila ay naglalagay ng kanilang pagtitiwala sa kanilang Panginoon (lamang)

الَّذِينَ يُقِيمُونَ الصَّلَاةَ وَمِمَّا رَزَقْنَاهُمْ يُنفِقُونَ(3)

 Na nag-aalay ng pagdarasal nang mahinusay (Iqamat-as-Salat) at gumugugol mula sa (mga) bagay na Aming ipinagkaloob sa kanila

أُولَٰئِكَ هُمُ الْمُؤْمِنُونَ حَقًّا ۚ لَّهُمْ دَرَجَاتٌ عِندَ رَبِّهِمْ وَمَغْفِرَةٌ وَرِزْقٌ كَرِيمٌ(4)

 Sila ang mga sumasampalataya sa katotohanan. Sasakanila ang mga antas ng karangalan na nasa kanilang Panginoon, at Pagpapatawad at masaganang panustos (sa Paraiso)

كَمَا أَخْرَجَكَ رَبُّكَ مِن بَيْتِكَ بِالْحَقِّ وَإِنَّ فَرِيقًا مِّنَ الْمُؤْمِنِينَ لَكَارِهُونَ(5)

 Pinapangyari ng iyong Panginoon (o Muhammad) na ikaw ay lumabas mula sa iyong tahanan na may (dalang) katotohanan, at tunay ngang mayroong pangkat sa lipon ng mga sumasampalataya ang dito ay hindi nalulugod

يُجَادِلُونَكَ فِي الْحَقِّ بَعْدَمَا تَبَيَّنَ كَأَنَّمَا يُسَاقُونَ إِلَى الْمَوْتِ وَهُمْ يَنظُرُونَ(6)

 Na nakikipagtalo sa iyo hinggil sa katotohanan, matapos na ito ay maging maliwanag, na wari bang sila ay itinaboy sa kamatayan, habang sila (rito) ay nakamata

وَإِذْ يَعِدُكُمُ اللَّهُ إِحْدَى الطَّائِفَتَيْنِ أَنَّهَا لَكُمْ وَتَوَدُّونَ أَنَّ غَيْرَ ذَاتِ الشَّوْكَةِ تَكُونُ لَكُمْ وَيُرِيدُ اللَّهُ أَن يُحِقَّ الْحَقَّ بِكَلِمَاتِهِ وَيَقْطَعَ دَابِرَ الْكَافِرِينَ(7)

 At (gunitain) nang si Allah ay mangako sa inyo (o mga Muslim), ang isa sa dalawangpangkat(ngkaaway, maaaringangmgasandatahan o ang mga naglalakbay), ay marapat na mapasainyo, kayo ay nagnanais na ang mga hindi nasasandatahan (ang naglalakbay) ay maging inyo, datapuwa’t si Allah ay nagnais na bigyang katarungan ang Katotohanan sa pamamagitan ng Kanyang mga Salita at upang putulin ang mga ugat ng mga hindi sumasampalataya (alalaong baga, sa digmaan ng Badr)

لِيُحِقَّ الْحَقَّ وَيُبْطِلَ الْبَاطِلَ وَلَوْ كَرِهَ الْمُجْرِمُونَ(8)

 Upang Kanyang mapangyari na ang Katotohanan ay magwagi at palisin ang kabulaanan, kahit na ang Mujrimun (mga hindi sumasampalataya, mapagsamba sa diyus-diyosan, makasalanan, kriminal, atbp.) ay mamuhi rito

إِذْ تَسْتَغِيثُونَ رَبَّكُمْ فَاسْتَجَابَ لَكُمْ أَنِّي مُمِدُّكُم بِأَلْفٍ مِّنَ الْمَلَائِكَةِ مُرْدِفِينَ(9)

 (At gunitain) nang kayo ay humingi ng tulong ng inyong Panginoon at Kanyang tinugon kayo (na nagsasabi): “Kayo ay Aking tutulungan (sa pamamagitan) ng isang libong anghel na magkakasunod (sa bawat isa).”

وَمَا جَعَلَهُ اللَّهُ إِلَّا بُشْرَىٰ وَلِتَطْمَئِنَّ بِهِ قُلُوبُكُمْ ۚ وَمَا النَّصْرُ إِلَّا مِنْ عِندِ اللَّهِ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٌ(10)

 Ginawa lamang ito ni Allah bilang magandang balita, at upang ang inyong puso ay maging payapa. At walang anumang tagumpay maliban sa pamamagitan ng tulong ni Allah. Katotohanang si Allah ay Sukdol sa Kapangyarihan, ang Tigib ng Kaalaman

إِذْ يُغَشِّيكُمُ النُّعَاسَ أَمَنَةً مِّنْهُ وَيُنَزِّلُ عَلَيْكُم مِّنَ السَّمَاءِ مَاءً لِّيُطَهِّرَكُم بِهِ وَيُذْهِبَ عَنكُمْ رِجْزَ الشَّيْطَانِ وَلِيَرْبِطَ عَلَىٰ قُلُوبِكُمْ وَيُثَبِّتَ بِهِ الْأَقْدَامَ(11)

 (At gunitain) nang Kanyang balutan kayo ng pagkaidlip bilang isang kapanatagan mula sa Kanya, at pinapangyari Niya na ang ulan ay manaog sa inyo mula sa alapaap, upang kayo ay malinisan at upang alisin Niya mula sa inyo ang Rijz (mga bulong, masamang isipin, atbp.) ni Satanas, at upang palakasin ang inyong puso at maging matatag ang inyong mga paa

إِذْ يُوحِي رَبُّكَ إِلَى الْمَلَائِكَةِ أَنِّي مَعَكُمْ فَثَبِّتُوا الَّذِينَ آمَنُوا ۚ سَأُلْقِي فِي قُلُوبِ الَّذِينَ كَفَرُوا الرُّعْبَ فَاضْرِبُوا فَوْقَ الْأَعْنَاقِ وَاضْرِبُوا مِنْهُمْ كُلَّ بَنَانٍ(12)

 (At gunitain) nang ang inyong Panginoon ay magbigay ng inspirasyon sa mga anghel: “Katotohanang Ako ay nasa inyo, kaya’t inyong panatilihin na maging matatag ang mga nananampalataya. Ako (Allah) ay maglalagay ng lagim sa puso ng mga hindi nananampalataya, kaya’t sila ay inyong paluin sa kanilang leeg, at inyong hampasin ang lahat ng kanilang mga daliri sa kamay at paa.”

ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ شَاقُّوا اللَّهَ وَرَسُولَهُ ۚ وَمَن يُشَاقِقِ اللَّهَ وَرَسُولَهُ فَإِنَّ اللَّهَ شَدِيدُ الْعِقَابِ(13)

 Ito’y sa dahilang sila ay sumalungat at sumuway kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita. At sinuman ang sumalungat at sumuway kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita, kung gayon, katotohanang si Allah ay mahigpit sa kaparusahan

ذَٰلِكُمْ فَذُوقُوهُ وَأَنَّ لِلْكَافِرِينَ عَذَابَ النَّارِ(14)

 Ito ang kaparusahan, kaya’t (inyong) lasapin ito, at katiyakang sa mga hindi sumasampalataya ay may kaparusahan ng Apoy

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِذَا لَقِيتُمُ الَّذِينَ كَفَرُوا زَحْفًا فَلَا تُوَلُّوهُمُ الْأَدْبَارَ(15)

 O kayong nagsisisampalataya! Kung inyong makatagpo ang mga hindi sumasampalataya sa larangan ng digmaan, kailanman, sila ay huwag ninyong uurungan

وَمَن يُوَلِّهِمْ يَوْمَئِذٍ دُبُرَهُ إِلَّا مُتَحَرِّفًا لِّقِتَالٍ أَوْ مُتَحَيِّزًا إِلَىٰ فِئَةٍ فَقَدْ بَاءَ بِغَضَبٍ مِّنَ اللَّهِ وَمَأْوَاهُ جَهَنَّمُ ۖ وَبِئْسَ الْمَصِيرُ(16)

 At sinuman ang umurong sa kanila sa gayong (piling) araw, - maliban na lamang kung ito ay isang pamamaraan ng pakikidigma, o upang umurong patungo sa isang pangkat (na kabilang sa kanya), - katotohanang hinatak niya sa kanyang sarili ang poot ni Allah. At ang kanyang tirahan ay Impiyerno, at tunay na pagkasama-sama ng gayong hantungan

فَلَمْ تَقْتُلُوهُمْ وَلَٰكِنَّ اللَّهَ قَتَلَهُمْ ۚ وَمَا رَمَيْتَ إِذْ رَمَيْتَ وَلَٰكِنَّ اللَّهَ رَمَىٰ ۚ وَلِيُبْلِيَ الْمُؤْمِنِينَ مِنْهُ بَلَاءً حَسَنًا ۚ إِنَّ اللَّهَ سَمِيعٌ عَلِيمٌ(17)

 Sila ay hindi ninyo napatay, datapuwa’t si Allah ang pumatay sa kanila, at ikaw (alalaong baga, si Muhammad) ay hindi (siyang) naghagis nang ikaw ay maghagis (sa kanila), datapuwa’t si Allah ang naghagis upang Kanyang masubukan ang mga sumasampalataya sa pamamagitan ng makatarungang pagsubok mula sa Kanya. Katotohanang si Allah ay Ganap na Nakakarinig, ang Ganap na Nakakaalam

ذَٰلِكُمْ وَأَنَّ اللَّهَ مُوهِنُ كَيْدِ الْكَافِرِينَ(18)

 Ito (ang katotohanan) at katiyakang si Allah ang nagpahina sa mapanglinlang na mga pakana ng mga hindi sumasampalataya

إِن تَسْتَفْتِحُوا فَقَدْ جَاءَكُمُ الْفَتْحُ ۖ وَإِن تَنتَهُوا فَهُوَ خَيْرٌ لَّكُمْ ۖ وَإِن تَعُودُوا نَعُدْ وَلَن تُغْنِيَ عَنكُمْ فِئَتُكُمْ شَيْئًا وَلَوْ كَثُرَتْ وَأَنَّ اللَّهَ مَعَ الْمُؤْمِنِينَ(19)

 (o kayong hindi nagsisisampalataya), kung kayo ay humihingi ng kahatulan, ang hatol ay dumatal na ngayon sa inyo, at kung kayo ay titigil (sa paggawa ng kamalian), ito ay higit na mabuti sa inyo, at kung kayo ay magbalik (sa paglusob), Kami rin ay magbabalik, at ang inyong sandatahan ay walang magagawa para sa inyo, kahit na lubha silang marami, at katotohanang si Allah ay nasa panig ng mga sumasampalataya

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا أَطِيعُوا اللَّهَ وَرَسُولَهُ وَلَا تَوَلَّوْا عَنْهُ وَأَنتُمْ تَسْمَعُونَ(20)

 o kayong nagsisisampalataya! Sundin ninyo si Allah at ang Kanyang Tagapagbalita, at huwag kayong tumalikod sa kanya (alalaong baga, sa Tagapagbalitang si Muhammad) habang kayo ay nakakarinig

وَلَا تَكُونُوا كَالَّذِينَ قَالُوا سَمِعْنَا وَهُمْ لَا يَسْمَعُونَ(21)

 At huwag kayong maging katulad nila na nagsasabi (ng): “Kami ay nakakarinig,” datapuwa’t sila ay walang narinig

۞ إِنَّ شَرَّ الدَّوَابِّ عِندَ اللَّهِ الصُّمُّ الْبُكْمُ الَّذِينَ لَا يَعْقِلُونَ(22)

 Katotohanan! Ang pinakamasama (sa mga kumikilos) at nabubuhay na nilalang sa Paningin ni Allah ay sila na mga bingi at pipi, sila na hindi nakakaunawa (alalaong baga, ang mga hindi sumasampalataya)

وَلَوْ عَلِمَ اللَّهُ فِيهِمْ خَيْرًا لَّأَسْمَعَهُمْ ۖ وَلَوْ أَسْمَعَهُمْ لَتَوَلَّوا وَّهُم مُّعْرِضُونَ(23)

 Kung si Allah ay nakaalam man lamang ng anumang mabuti sa kanila, tunay Niyang magagawa na sila ay makinig, at kahima’t sila ay gawin Niyang makinig, sila ay magsisitalikod din, na umaayaw (sa katotohanan)

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اسْتَجِيبُوا لِلَّهِ وَلِلرَّسُولِ إِذَا دَعَاكُمْ لِمَا يُحْيِيكُمْ ۖ وَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ يَحُولُ بَيْنَ الْمَرْءِ وَقَلْبِهِ وَأَنَّهُ إِلَيْهِ تُحْشَرُونَ(24)

 o kayong nagsisisampalataya! Tugunin ninyo si Allah (sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanya) at sa (Kanyang) Tagapagbalita kung kayo ay kanyang tawagin sa bagay na magbibigay sa inyo ng buhay (walang hanggang kaligtasan sa Paraiso), at inyong maalaman na si Allah ay dumarating sa pagitan ng tao at ng kanyang puso (alalaong baga, hinahadlangan Niya ang buktot na tao na magpasya sa anumang bagay). At katotohanang kayong (lahat) ay titipunin sa Kanya

وَاتَّقُوا فِتْنَةً لَّا تُصِيبَنَّ الَّذِينَ ظَلَمُوا مِنكُمْ خَاصَّةً ۖ وَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ شَدِيدُ الْعِقَابِ(25)

 At pangambahan ninyo ang Fitnah (kagipitan, pagsubok, atbp.) na hindi lamang nakakaligalig sa mga gumagawa ng kabuktutan (ngunit maaari rin itong makaligalig sa mga mabubuti at masasamang tao), at inyong maalaman na si Allah ay mahigpit sa kaparusahan

وَاذْكُرُوا إِذْ أَنتُمْ قَلِيلٌ مُّسْتَضْعَفُونَ فِي الْأَرْضِ تَخَافُونَ أَن يَتَخَطَّفَكُمُ النَّاسُ فَآوَاكُمْ وَأَيَّدَكُم بِنَصْرِهِ وَرَزَقَكُم مِّنَ الطَّيِّبَاتِ لَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ(26)

 At gunitain nang kayo ay iilan lamang at ipinapalagay na mahina sa kalupaan, at natatakot na ang mga tao ay maaaring dumukot sa inyo, subalit Siya ay nagkaloob ng ligtas na lugar sa inyo, Kanyang pinatatag kayo sa Kanyang tulong, at kayo ay ginawaran Niya ng mabuting bagay upang kayo ay magkaroon ng damdamin ng pasasalamat

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَخُونُوا اللَّهَ وَالرَّسُولَ وَتَخُونُوا أَمَانَاتِكُمْ وَأَنتُمْ تَعْلَمُونَ(27)

 Okayongnagsisisampalataya! Huwagninyongipagkaluno si Allah at ang Kanyang Tagapagbalita, gayundin, huwag ninyong sadyaing ipagkaluno ang inyong Amanah (mga bagay na ipinagkatiwala sa inyo, at lahat ng mga tungkulin na itinalaga sa inyo ni Allah)

وَاعْلَمُوا أَنَّمَا أَمْوَالُكُمْ وَأَوْلَادُكُمْ فِتْنَةٌ وَأَنَّ اللَّهَ عِندَهُ أَجْرٌ عَظِيمٌ(28)

 At inyong maalaman, na ang inyong ari-arian at mga anak ay isa lamang pagsubok at katiyakang na kay Allah ang malaking gantimpala

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِن تَتَّقُوا اللَّهَ يَجْعَل لَّكُمْ فُرْقَانًا وَيُكَفِّرْ عَنكُمْ سَيِّئَاتِكُمْ وَيَغْفِرْ لَكُمْ ۗ وَاللَّهُ ذُو الْفَضْلِ الْعَظِيمِ(29)

 O kayong nagsisisampalataya! Kung inyong susundin at pangangambahan si Allah, Kanyang pagkakalooban kayo ng Furqan, isang pamantayan (sa paghatol sa pagitan ng tama at mali) o Makhraj (alalaong baga, isang paraan sa inyo upang makatawid sa bawat kahirapan o kagipitan), at Kanyang babayaran para sa inyo ang inyong mga kasalanan, at Kanyang patatawarin kayo, at si Allah ang nagmamay- ari ng Malaking Kasaganaan

وَإِذْ يَمْكُرُ بِكَ الَّذِينَ كَفَرُوا لِيُثْبِتُوكَ أَوْ يَقْتُلُوكَ أَوْ يُخْرِجُوكَ ۚ وَيَمْكُرُونَ وَيَمْكُرُ اللَّهُ ۖ وَاللَّهُ خَيْرُ الْمَاكِرِينَ(30)

 At (gunitain) nang ang mga hindi sumasampalataya ay nagbalak laban sa iyo (o Muhammad) na ikaw ay ipiit, o ikaw ay patayin, o ikaw ay kanilang maitaboy (sa iyong tahanan, alalaong baga, sa Makkah); sila ay nagbabalak, at si Allah rin ay nagbabalak, at si Allah ang pinakamagaling sa lahat ng mga nagbabalak

وَإِذَا تُتْلَىٰ عَلَيْهِمْ آيَاتُنَا قَالُوا قَدْ سَمِعْنَا لَوْ نَشَاءُ لَقُلْنَا مِثْلَ هَٰذَا ۙ إِنْ هَٰذَا إِلَّا أَسَاطِيرُ الْأَوَّلِينَ(31)

 At kung ang Aming mga Talata (ang Qur’an) ay dinadalit sa kanila, sila ay nagsasabi: “Amin nang napakinggan ito (ang Qur’an); kung aming naisin, makakapangusap kami ng katulad nito. Ito ay wala ng iba maliban sa mga katha nang panahong sinauna.”

وَإِذْ قَالُوا اللَّهُمَّ إِن كَانَ هَٰذَا هُوَ الْحَقَّ مِنْ عِندِكَ فَأَمْطِرْ عَلَيْنَا حِجَارَةً مِّنَ السَّمَاءِ أَوِ ائْتِنَا بِعَذَابٍ أَلِيمٍ(32)

 At (gunitain) nang kanilang sinabi: “O Allah! Kung ito (ang Qur’an) ay tunay na Katotohanan (na nahayag) mula sa Inyo, kung gayon, Inyong paulanin ang mga bato sa amin mula sa alapaap at Inyong dalhin sa amin ang kasakit-sakit na kaparusahan.”

وَمَا كَانَ اللَّهُ لِيُعَذِّبَهُمْ وَأَنتَ فِيهِمْ ۚ وَمَا كَانَ اللَّهُ مُعَذِّبَهُمْ وَهُمْ يَسْتَغْفِرُونَ(33)

 Datapuwa’t si Allah ay hindi magpaparusa sa kanila samantalang ikaw (Muhammad) ay nasa lipon nila, at hindi rin Niya parurusahan sila habang sila ay naghahanap ng kapatawaran (ni Allah)

وَمَا لَهُمْ أَلَّا يُعَذِّبَهُمُ اللَّهُ وَهُمْ يَصُدُّونَ عَنِ الْمَسْجِدِ الْحَرَامِ وَمَا كَانُوا أَوْلِيَاءَهُ ۚ إِنْ أَوْلِيَاؤُهُ إِلَّا الْمُتَّقُونَ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ(34)

 At bakit kaya hindi sila marapat na parusahan ni Allah, samantalang sila ay humahadlang (sa mga tao) sa pagtungo sa Al Masjid-al-Haram (ang Banal na Bahay dalanginan sa Makkah), at sila ay hindi mga tagapangalaga rito? walang sinuman ang magiging tagapangalaga rito (Al-Masjid Al-Haram) maliban sa Al-Muttaqun (mga matimtiman, mabuti, matuwid na mga tao), datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay walang nalalaman

وَمَا كَانَ صَلَاتُهُمْ عِندَ الْبَيْتِ إِلَّا مُكَاءً وَتَصْدِيَةً ۚ فَذُوقُوا الْعَذَابَ بِمَا كُنتُمْ تَكْفُرُونَ(35)

 Ang kanilang pagdalangin sa Tahanan (ni Allah, alalaong baga, ang Ka’ba sa Makkah) ay wala ng iba maliban sa pagsutsot at pagpalakpak ng kanilang mga kamay. Kung gayon, inyong lasapin ang kaparusahan dahilan sa inyong kawalan ng pananampalataya

إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا يُنفِقُونَ أَمْوَالَهُمْ لِيَصُدُّوا عَن سَبِيلِ اللَّهِ ۚ فَسَيُنفِقُونَهَا ثُمَّ تَكُونُ عَلَيْهِمْ حَسْرَةً ثُمَّ يُغْلَبُونَ ۗ وَالَّذِينَ كَفَرُوا إِلَىٰ جَهَنَّمَ يُحْشَرُونَ(36)

 Katotohanan, ang mga hindi sumasampalataya ay gumugugol ng kanilang kayamanan upang hadlangan (ang mga tao) sa Landas ni Allah, kaya’t sila ay magpapatuloy sa paggugol nito; datapuwa’t sa hulihan, ito ang magdudulot ng dalamhati sa kanila. At hindi maglalaon, sila ay mapapangibabawan. At ang mga hindi sumasampalataya ay titipunin sa Impiyerno

لِيَمِيزَ اللَّهُ الْخَبِيثَ مِنَ الطَّيِّبِ وَيَجْعَلَ الْخَبِيثَ بَعْضَهُ عَلَىٰ بَعْضٍ فَيَرْكُمَهُ جَمِيعًا فَيَجْعَلَهُ فِي جَهَنَّمَ ۚ أُولَٰئِكَ هُمُ الْخَاسِرُونَ(37)

 Upang makita ni Allah ang kaibahan ng mga buktot (mga hindi sumasampalataya, mapagsamba sa diyus-diyosan at mga tampalasan) sa mga mabubuti (nananalig sa Kaisahan ni Allah at mapaggawa ng katuwiran), at (Kanyang) mailagay ang mga buktot na patong-patong sa bawat isa at (Kanyang) ihahagis sila nang sama-sama sa Impiyerno. Sila! Sila ang mga talunan

قُل لِّلَّذِينَ كَفَرُوا إِن يَنتَهُوا يُغْفَرْ لَهُم مَّا قَدْ سَلَفَ وَإِن يَعُودُوا فَقَدْ مَضَتْ سُنَّتُ الْأَوَّلِينَ(38)

 Ipagbadya sa mga hindi nananampalataya, na kung sila ay titigil (sa kawalan ng pananalig), ang kanilang nakaraan ay ipatatawad. Datapuwa’t kung sila ay magbalik (sa kawalan ng pananalig), kung gayon, ang mga halimbawa ng mga (naparusahan) na noon ay nauna na (bilang isang babala)

وَقَاتِلُوهُمْ حَتَّىٰ لَا تَكُونَ فِتْنَةٌ وَيَكُونَ الدِّينُ كُلُّهُ لِلَّهِ ۚ فَإِنِ انتَهَوْا فَإِنَّ اللَّهَ بِمَا يَعْمَلُونَ بَصِيرٌ(39)

 At inyong labanan sila hanggang sa mapawi ang Fitnah (kawalan ng pananalig, alalaong baga, ang pagsamba sa iba maliban pa kay Allah) at ang pananampalataya (pagsamba) ay maging tangi lamang kay Allah (sa buong santinakpan). Datapuwa’t kung sila ay titigil (sa pagsamba sa iba maliban pa kay Allah), kung gayon, katiyakang si Allah ang Ganap na Nakakaalam ng kanilang ginagawa

وَإِن تَوَلَّوْا فَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ مَوْلَاكُمْ ۚ نِعْمَ الْمَوْلَىٰ وَنِعْمَ النَّصِيرُ(40)

 At kung sila ay magsitalikod, inyong maalaman na si Allah ang inyong Maula (Patron, Panginoon, Tagapangalaga at Tagapagtaguyod, atbp.), (gaano Siya) Kagaling na Maula, at (gaano Siya) Kagaling na Kawaksi

۞ وَاعْلَمُوا أَنَّمَا غَنِمْتُم مِّن شَيْءٍ فَأَنَّ لِلَّهِ خُمُسَهُ وَلِلرَّسُولِ وَلِذِي الْقُرْبَىٰ وَالْيَتَامَىٰ وَالْمَسَاكِينِ وَابْنِ السَّبِيلِ إِن كُنتُمْ آمَنتُم بِاللَّهِ وَمَا أَنزَلْنَا عَلَىٰ عَبْدِنَا يَوْمَ الْفُرْقَانِ يَوْمَ الْتَقَى الْجَمْعَانِ ۗ وَاللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ(41)

 At inyong maalaman na ang anumang labing yaman ng digmaan na inyong napakinabang, katotohanan, ang isang lima (1/5) nito ay nakatalaga kay Allah at sa Tagapagbalita at sa mga malalapit na kamag-anak (ng Tagapagbalita, Muhammad), at (gayundin) sa mga ulila, sa mga naghihikahos na nagpapalimos at sa mga naglalakbay, kung kayo ay nagsisampalataya kay Allah at sa mga bagay na Aming ipinanaog sa Aming alipin (Muhammad) sa Araw ng pamantayan (sa pagitan ng tama at mali), sa Araw nang ang dalawang lakas ay magtagpo (sa digmaaan ng Badr) – at si Allah ay makakagawa ng lahat ng bagay

إِذْ أَنتُم بِالْعُدْوَةِ الدُّنْيَا وَهُم بِالْعُدْوَةِ الْقُصْوَىٰ وَالرَّكْبُ أَسْفَلَ مِنكُمْ ۚ وَلَوْ تَوَاعَدتُّمْ لَاخْتَلَفْتُمْ فِي الْمِيعَادِ ۙ وَلَٰكِن لِّيَقْضِيَ اللَّهُ أَمْرًا كَانَ مَفْعُولًا لِّيَهْلِكَ مَنْ هَلَكَ عَن بَيِّنَةٍ وَيَحْيَىٰ مَنْ حَيَّ عَن بَيِّنَةٍ ۗ وَإِنَّ اللَّهَ لَسَمِيعٌ عَلِيمٌ(42)

 At (gunitain) nang kayo (mga sandatahang Muslim) ay nasa malapit na gilid ng lambak, at sila ay nasa kabilang ibayo, at ang mga pulutong ng naglalakbay ay nasa lugar na mababa sa inyo. Kahima’t kayo ay gumawa ng magkasanib na pagtatagpo upang magkita, katiyakang kayo ay mabibigo sa inyong pakikipagtagpo, datapuwa’t (kayo ay nagtagpo) upang maisakatuparan ni Allah ang bagay na naitalaga na (sa Kanyang karunungan); upang ang mga wawasakin (dahilan sa kanilang pagtatakwil sa pananampalataya) ay mawasak, matapos ang maliwanag na katibayan, at ang mga (nararapat) na mabuhay (alalaong baga, ang mga sumasampalataya) ay mamuhay matapos ang maliwanag na katibayan. At katiyakang si Allah ay Ganap na Nakakarinig, ang Ganap na Maalam

إِذْ يُرِيكَهُمُ اللَّهُ فِي مَنَامِكَ قَلِيلًا ۖ وَلَوْ أَرَاكَهُمْ كَثِيرًا لَّفَشِلْتُمْ وَلَتَنَازَعْتُمْ فِي الْأَمْرِ وَلَٰكِنَّ اللَّهَ سَلَّمَ ۗ إِنَّهُ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ(43)

 At (gunitain) nang sila (mga kaaway) ay ipinamalas ni Allah sa inyo na kakaunti lamang, sa iyong (Muhammad) panaginip, kung Kanyang ipinakita sila na marami, katiyakang kayo ay mawawalan ng lakas ng loob at katiyakang kayo ay magtatalo-talo sa paggawa ng pasya. Datapuwa’t iniligtas (kayo) ni Allah. Katiyakang Siya ang Ganap na Nakakaalam kung ano ang nasa mga dibdib (puso)

وَإِذْ يُرِيكُمُوهُمْ إِذِ الْتَقَيْتُمْ فِي أَعْيُنِكُمْ قَلِيلًا وَيُقَلِّلُكُمْ فِي أَعْيُنِهِمْ لِيَقْضِيَ اللَّهُ أَمْرًا كَانَ مَفْعُولًا ۗ وَإِلَى اللَّهِ تُرْجَعُ الْأُمُورُ(44)

 At (gunitain) nang inyong makatagpo (ang mga sandatahan ng mga hindi sumasampalataya sa Araw ng digmaan ng Badr), Kanyang ipinakita sila sa inyo na kakaunti lamang sa inyong paningin at ginawa (rin) Niya na kakaunti kayo sa kanilang paningin upang maisakatuparan ni Allah ang isang bagay na naitakda na (sa Kanyang Kaalaman), at kay Allah ang lahat ng mga bagay ay magbabalik (upang pagpasyahan)

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِذَا لَقِيتُمْ فِئَةً فَاثْبُتُوا وَاذْكُرُوا اللَّهَ كَثِيرًا لَّعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ(45)

 O kayong nagsisisampalataya! Kung inyong makatagpo ang puwersa (ng isang kaaway), magkaroon kayo ng matatag na paninindigan laban sa kanila at alalahanin ng higit ang Pangalan ni Allah (kapwa sa dila at isipan), upang kayo ay maging matagumpay

وَأَطِيعُوا اللَّهَ وَرَسُولَهُ وَلَا تَنَازَعُوا فَتَفْشَلُوا وَتَذْهَبَ رِيحُكُمْ ۖ وَاصْبِرُوا ۚ إِنَّ اللَّهَ مَعَ الصَّابِرِينَ(46)

 At sundin ninyo si Allah at ang Kanyang Tagapagbalita, at huwag kayong makipagtalo (sa isa’t isa), baka kayo ay mawalan ng tapang at ang inyong lakas ay mapalis, at maging matiyaga. Katotohanang si Allah ay nananatili sa mga matitiyaga

وَلَا تَكُونُوا كَالَّذِينَ خَرَجُوا مِن دِيَارِهِم بَطَرًا وَرِئَاءَ النَّاسِ وَيَصُدُّونَ عَن سَبِيلِ اللَّهِ ۚ وَاللَّهُ بِمَا يَعْمَلُونَ مُحِيطٌ(47)

 At huwag maging katulad ng mga tao na lumalabas sa kanilang tahanan ng may pagmamagaling at upang mamasdan lamang ng mga tao, at humahadlang (sa mga tao) tungo sa Landas ni Allah. At si Allah ay Muhitun (ganap na nakapalibot at nakakaalam) sa lahat ng kanilang ginagawa

وَإِذْ زَيَّنَ لَهُمُ الشَّيْطَانُ أَعْمَالَهُمْ وَقَالَ لَا غَالِبَ لَكُمُ الْيَوْمَ مِنَ النَّاسِ وَإِنِّي جَارٌ لَّكُمْ ۖ فَلَمَّا تَرَاءَتِ الْفِئَتَانِ نَكَصَ عَلَىٰ عَقِبَيْهِ وَقَالَ إِنِّي بَرِيءٌ مِّنكُمْ إِنِّي أَرَىٰ مَا لَا تَرَوْنَ إِنِّي أَخَافُ اللَّهَ ۚ وَاللَّهُ شَدِيدُ الْعِقَابِ(48)

 At (gunitain) nang si Satanas ay gumawa na ang kanilang (masasamang) gawa ay magiging kalugod-lugod sa kanila, at nagsabi, “walang sinuman sa sangkatauhan ang makakapanaig sa inyo sa Araw na ito (digmaan ng Badr) at katotohanang ako ang inyong kapitbahay (sa bawat lahat ng tulong). Datapuwa’t nang ang dalawang puwersa (sandatahan) ay makamalas sa isa’t isa, siya ay tumalilis at nagsabi, “Katotohanang ako ay walang kinalaman sa inyo. Katotohanan! Ang aking nakikita ay hindi ninyo nakikita. Katotohanan! Ako (Satanas) ay nangangamba kay Allah sapagkat si Allah ay mahigpit sa kaparusahan.”

إِذْ يَقُولُ الْمُنَافِقُونَ وَالَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٌ غَرَّ هَٰؤُلَاءِ دِينُهُمْ ۗ وَمَن يَتَوَكَّلْ عَلَى اللَّهِ فَإِنَّ اللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٌ(49)

 Nang ang mga mapagkunwari at sila na ang kanilang puso ay may karamdaman (ng kawalan ng pananalig) ay nagsabi: “Ang mga taong ito (Muslim) ay nadaya ng kanilang pananampalataya.” Datapuwa’t sinumang maglagay ng kanyang pagtitiwala kay Allah, katiyakang si Allah ay Sukdol sa Kapangyarihan, ang Ganap na Maalam

وَلَوْ تَرَىٰ إِذْ يَتَوَفَّى الَّذِينَ كَفَرُوا ۙ الْمَلَائِكَةُ يَضْرِبُونَ وُجُوهَهُمْ وَأَدْبَارَهُمْ وَذُوقُوا عَذَابَ الْحَرِيقِ(50)

 At kung inyo lamang mapagmamasdan, kung ang mga anghel ay kumukuha ng kaluluwa ng mga hindi sumasampalataya (sa kanilang kamatayan), sila ay humahampas sa kanilang mukha at likuran (na nagsasabi): “Lasapin ninyo ang kaparusahan ng naglalagablab na Apoy.”

ذَٰلِكَ بِمَا قَدَّمَتْ أَيْدِيكُمْ وَأَنَّ اللَّهَ لَيْسَ بِظَلَّامٍ لِّلْعَبِيدِ(51)

 Ito’y dahilan sa mga ginawa (inihantong) ng inyong kamay. At katotohanang si Allah ay makatarungan sa Kanyang mga alipin

كَدَأْبِ آلِ فِرْعَوْنَ ۙ وَالَّذِينَ مِن قَبْلِهِمْ ۚ كَفَرُوا بِآيَاتِ اللَّهِ فَأَخَذَهُمُ اللَّهُ بِذُنُوبِهِمْ ۗ إِنَّ اللَّهَ قَوِيٌّ شَدِيدُ الْعِقَابِ(52)

 (Ang kanilang pag-uugali) ay katulad ng mga pag-uugali ng mga Tao ni Paraon, at ng mga nauna sa kanila; kanilang itinakwil ang Ayat (mga katibayan, tanda, kapahayagan, aral, atbp.) ni Allah, kaya’t pinarusahan sila ni Allah dahilan sa kanilang kasalanan. Katotohanang si Allah ay Ganap na Malakas, ang mahigpit sa kaparusahan

ذَٰلِكَ بِأَنَّ اللَّهَ لَمْ يَكُ مُغَيِّرًا نِّعْمَةً أَنْعَمَهَا عَلَىٰ قَوْمٍ حَتَّىٰ يُغَيِّرُوا مَا بِأَنفُسِهِمْ ۙ وَأَنَّ اللَّهَ سَمِيعٌ عَلِيمٌ(53)

 Ito’y sa dahilang si Allah ay hindi kailanman magpapabago sa biyaya na Kanyang ipinagkakaloob sa mga tao hangga’t hindi nila binabago ang kalooban ng kanilang sarili. At katotohanang si Allah ay Ganap na Nakakarinig, ang Ganap na Nakakaalam

كَدَأْبِ آلِ فِرْعَوْنَ ۙ وَالَّذِينَ مِن قَبْلِهِمْ ۚ كَذَّبُوا بِآيَاتِ رَبِّهِمْ فَأَهْلَكْنَاهُم بِذُنُوبِهِمْ وَأَغْرَقْنَا آلَ فِرْعَوْنَ ۚ وَكُلٌّ كَانُوا ظَالِمِينَ(54)

 (Ang kanilang pag-uugali) ay katulad ng pag-uugali ng mga Tao ni Paraon, at ng mga nangauna sa kanila. Sila ay nagpabulaan sa Ayat (mga katibayan, talata, aral, tanda, kapahayagan, atbp.) ng kanilang Panginoon, kaya’t Aming winasak sila dahilan sa kanilang kasalanan, at Aming nilunod ang mga Tao ni Paraon sapagkat silang lahat ay Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng kamalian, buktot, atbp)

إِنَّ شَرَّ الدَّوَابِّ عِندَ اللَّهِ الَّذِينَ كَفَرُوا فَهُمْ لَا يُؤْمِنُونَ(55)

 Katotohanan, ang pinakamasama sa lahat ng kumikilos (nabubuhay) na nilalang sa Paningin ni Allah ay ang mga hindi sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah, na sumasamba sa iba maliban pa sa Kanya, nagtatakwil sa mga Tagapagbalita, at hindi naniniwala sa Kasulatan), kaya’t sila ay hindi (na) mananampalataya

الَّذِينَ عَاهَدتَّ مِنْهُمْ ثُمَّ يَنقُضُونَ عَهْدَهُمْ فِي كُلِّ مَرَّةٍ وَهُمْ لَا يَتَّقُونَ(56)

 Sila yaon, na inyong ginawan ng kasunduan, datapuwa’t sinisira nila ang kanilang kasunduan sa bawat panahon, at sila ay hindi nangangamba kay Allah

فَإِمَّا تَثْقَفَنَّهُمْ فِي الْحَرْبِ فَشَرِّدْ بِهِم مَّنْ خَلْفَهُمْ لَعَلَّهُمْ يَذَّكَّرُونَ(57)

 Kaya’t kung kayo ay naging bihasa na, ng higit sa kanila sa labanan, sila ay inyong parusahan nang matindi upang inyong mapalis ang mga (nagtataguyod) sa likuran nila, upang sila ay magkamit ng aral

وَإِمَّا تَخَافَنَّ مِن قَوْمٍ خِيَانَةً فَانبِذْ إِلَيْهِمْ عَلَىٰ سَوَاءٍ ۚ إِنَّ اللَّهَ لَا يُحِبُّ الْخَائِنِينَ(58)

 Kung ikaw (o Muhammad) ay nangangamba sa kataksilan mula sa sinumang pangkat, iyong ipukol (ang kanilang kasunduan) sa kanila (upang ito ay maging) patas (na wala ng kasunduan sa inyong pagitan [ikaw at sila]). Katotohanang si Allah ay hindi nalulugod sa mga taksil

وَلَا يَحْسَبَنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا سَبَقُوا ۚ إِنَّهُمْ لَا يُعْجِزُونَ(59)

 At huwag hayaang mag-akala ang mga hindi sumasampalataya na sila ay makakalampas (makakatakas sa kaparusahan). Katotohanang hindi nila magagawang iligtas ang kanilang sarili (sa kaparusahan ni Allah)

وَأَعِدُّوا لَهُم مَّا اسْتَطَعْتُم مِّن قُوَّةٍ وَمِن رِّبَاطِ الْخَيْلِ تُرْهِبُونَ بِهِ عَدُوَّ اللَّهِ وَعَدُوَّكُمْ وَآخَرِينَ مِن دُونِهِمْ لَا تَعْلَمُونَهُمُ اللَّهُ يَعْلَمُهُمْ ۚ وَمَا تُنفِقُوا مِن شَيْءٍ فِي سَبِيلِ اللَّهِ يُوَفَّ إِلَيْكُمْ وَأَنتُمْ لَا تُظْلَمُونَ(60)

 At gawin ninyong handa laban sa kanila ang lahat ninyong magagawa ng inyong lakas, kasama ang mga kabayo ng digmaan (kasama ang iba pang mapamuksang sandata), upang takutin ang kaaway ni Allah at inyong kaaway, at mga iba pa na hindi ninyo nalalaman, subalit nababatid ni Allah. At ang anumang inyong gugulin sa Kapakanan ni Allah ay babayaran sa inyo, at kayo ay hindi pakikitunguhan ng walang katarungan

۞ وَإِن جَنَحُوا لِلسَّلْمِ فَاجْنَحْ لَهَا وَتَوَكَّلْ عَلَى اللَّهِ ۚ إِنَّهُ هُوَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ(61)

 Datapuwa’t kung sila ay humilig sa kapayapaan, humilig din kayo rito, at (inyong ilagay) ang pagtitiwala kay Allah. Katotohanang Siya ang Ganap na Nakakarinig, ang Ganap na Maalam

وَإِن يُرِيدُوا أَن يَخْدَعُوكَ فَإِنَّ حَسْبَكَ اللَّهُ ۚ هُوَ الَّذِي أَيَّدَكَ بِنَصْرِهِ وَبِالْمُؤْمِنِينَ(62)

 At kung sila ay magnais na kayo ay dayain, kung gayon, katotohanang si Allah ay Lubos na Sapat para sa inyo. Siya ang nagtataguyod sa inyo sa pamamagitan ng Kanyang tulong, at sa mga sumasampalataya

وَأَلَّفَ بَيْنَ قُلُوبِهِمْ ۚ لَوْ أَنفَقْتَ مَا فِي الْأَرْضِ جَمِيعًا مَّا أَلَّفْتَ بَيْنَ قُلُوبِهِمْ وَلَٰكِنَّ اللَّهَ أَلَّفَ بَيْنَهُمْ ۚ إِنَّهُ عَزِيزٌ حَكِيمٌ(63)

 At Kanyang pinag-isa ang kanilang (mga nananampalataya) puso. At kung iyo mang gugulin ang lahat ng nasa kalupaan, hindi mo magagawa na pag- isahin ang kanilang puso, datapuwa’t si Allah ang nagbigay ng pagkakaisa sa kanila. Katiyakang Siya ay Ganap na Makapangyarihan, ang Puspos ng Kaalaman

يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ حَسْبُكَ اللَّهُ وَمَنِ اتَّبَعَكَ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ(64)

 o Propeta (Muhammad)! Sapat na sa iyo si Allah, gayundin sa kanila na sumusunod sa iyo, na mga sumasampalataya

يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ حَرِّضِ الْمُؤْمِنِينَ عَلَى الْقِتَالِ ۚ إِن يَكُن مِّنكُمْ عِشْرُونَ صَابِرُونَ يَغْلِبُوا مِائَتَيْنِ ۚ وَإِن يَكُن مِّنكُم مِّائَةٌ يَغْلِبُوا أَلْفًا مِّنَ الَّذِينَ كَفَرُوا بِأَنَّهُمْ قَوْمٌ لَّا يَفْقَهُونَ(65)

 o Propeta (Muhammad)! Papag- alabin mo ang mga sumasampalataya na makipaglaban. Kung mayroong dalawampung matimtiman sa lipon ninyo, kanilang magagapi ang dalawang daan, at kung mayroong isang daang matimtiman, kanilang madadaig ang isang libong hindi sumasampalataya, sapagkat sila (na hindi sumasampalataya) ay mga tao na hindi nakakaunawa

الْآنَ خَفَّفَ اللَّهُ عَنكُمْ وَعَلِمَ أَنَّ فِيكُمْ ضَعْفًا ۚ فَإِن يَكُن مِّنكُم مِّائَةٌ صَابِرَةٌ يَغْلِبُوا مِائَتَيْنِ ۚ وَإِن يَكُن مِّنكُمْ أَلْفٌ يَغْلِبُوا أَلْفَيْنِ بِإِذْنِ اللَّهِ ۗ وَاللَّهُ مَعَ الصَّابِرِينَ(66)

 Sa ngayon ay pinagaan ni Allah ang inyong (tungkulin), sapagkat batid Niya na may kahinaan sa inyo. Kaya’t kung mayroon sa inyo na isang daang matimtiman, kanilang madadaig ang dalawang daan, at kung mayroong isang libo sa inyo, kanilang madadaig ang dalawang libo sa kapahintulutan ni Allah. At si Allah ay nananatili sa mga matimtiman

مَا كَانَ لِنَبِيٍّ أَن يَكُونَ لَهُ أَسْرَىٰ حَتَّىٰ يُثْخِنَ فِي الْأَرْضِ ۚ تُرِيدُونَ عَرَضَ الدُّنْيَا وَاللَّهُ يُرِيدُ الْآخِرَةَ ۗ وَاللَّهُ عَزِيزٌ حَكِيمٌ(67)

 Hindi isang katampatan sa isang propeta na siya ay magkaroon ng mga bihag ng digmaan (at pakawalan dahil may pantubos) hangga’t siya ay hindi nakakagawa ng malaking pagpatay (sa lipon ng kanyang mga kaaway) sa kalupaan. Ikaw ay naghahangad ng kabutihan ng mundo (alalaong baga, ang salapi bilang pantubos sa pagpapalaya ng mga bihag), datapuwa’t si Allah ay naghahangad (sa inyo) ng Kabilang Buhay. At si Allah ang Pinakamakapangyarihan, ang Tigib ng Kaalaman

لَّوْلَا كِتَابٌ مِّنَ اللَّهِ سَبَقَ لَمَسَّكُمْ فِيمَا أَخَذْتُمْ عَذَابٌ عَظِيمٌ(68)

 Kung ito ay hindi lamang dati ng kautusan mula kay Allah, isang matinding kaparusahan na sana ang daratal sa inyo dahilan sa inyong ginawa

فَكُلُوا مِمَّا غَنِمْتُمْ حَلَالًا طَيِّبًا ۚ وَاتَّقُوا اللَّهَ ۚ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَّحِيمٌ(69)

 Kaya’t kayo ay magsaya sa anumang inyong nakuhang labing yaman ng digmaan, na mabuti at pinahihintulutan, at mangamba kay Allah. Katiyakang si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain

يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ قُل لِّمَن فِي أَيْدِيكُم مِّنَ الْأَسْرَىٰ إِن يَعْلَمِ اللَّهُ فِي قُلُوبِكُمْ خَيْرًا يُؤْتِكُمْ خَيْرًا مِّمَّا أُخِذَ مِنكُمْ وَيَغْفِرْ لَكُمْ ۗ وَاللَّهُ غَفُورٌ رَّحِيمٌ(70)

 o Propeta! Sabihin mo sa (iyong) mga bihag na sila ay nasa mabubuting kamay: “Kung mababatid ni Allah ang anumang mabuti sa inyong puso, Siya ay magkakaloob sa inyo ng bagay na higit na mabuti kaysa sa mga nakuha sa inyo, at Kanyang papatawarin kayo, at si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain.”

وَإِن يُرِيدُوا خِيَانَتَكَ فَقَدْ خَانُوا اللَّهَ مِن قَبْلُ فَأَمْكَنَ مِنْهُمْ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ(71)

 Datapuwa’t kung sila ay nagnanais na ikaw (o Muhammad) ay ipagkaluno, noon pa mang una ay ipinagkaluno na nila si Allah. Kaya’t ikaw ay binigyan Niya ng kapangyarihan ng higit sa kanila. At si Allah ay Ganap na Maalam, ang Puspos ng Karunungan

إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَهَاجَرُوا وَجَاهَدُوا بِأَمْوَالِهِمْ وَأَنفُسِهِمْ فِي سَبِيلِ اللَّهِ وَالَّذِينَ آوَوا وَّنَصَرُوا أُولَٰئِكَ بَعْضُهُمْ أَوْلِيَاءُ بَعْضٍ ۚ وَالَّذِينَ آمَنُوا وَلَمْ يُهَاجِرُوا مَا لَكُم مِّن وَلَايَتِهِم مِّن شَيْءٍ حَتَّىٰ يُهَاجِرُوا ۚ وَإِنِ اسْتَنصَرُوكُمْ فِي الدِّينِ فَعَلَيْكُمُ النَّصْرُ إِلَّا عَلَىٰ قَوْمٍ بَيْنَكُمْ وَبَيْنَهُم مِّيثَاقٌ ۗ وَاللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ(72)

 Katotohanan, ang mga nanampalataya, at lumikas, at nagsikap na mainam at nakipaglaban na kasama ang kanilang ari-arian at kanilang buhay sa Kapakanan ni Allah, gayundin ang mga nagbigay (sa kanila) ng silungan at tulong, - sila ang magkakapanalig sa isa’t isa. At sa mga nanampalataya datapuwa’t hindi nagsilikas (na kasama ka, o Muhammad), ikaw ay walang pananagutan sa kanila na pangalagaan sila hangga’t sila ay hindi nagsisilikas, datapuwa’t kung sila ay maghanap ng iyong tulong sa pananampalataya, ito ay iyong katungkulan na tulungan sila, maliban na (ito) ay laban sa mga tao na mayroon kayong pinagkasunduan ng pakikianib, at si Allah ang Ganap na Nakakamasid ng inyong ginagawa

وَالَّذِينَ كَفَرُوا بَعْضُهُمْ أَوْلِيَاءُ بَعْضٍ ۚ إِلَّا تَفْعَلُوهُ تَكُن فِتْنَةٌ فِي الْأَرْضِ وَفَسَادٌ كَبِيرٌ(73)

 At ang mga hindi sumasampalataya ay magkakatuwang sa isa’t isa, (at) kung kayo (o mga Muslim na sama-sama sa buong daigdig) ay hindi gumawa nito (alalaong baga, hindi naging magkakaanib bilang nagkakaisang lipon na may isang Khalifa, isang pinunong Muslim, sa buong mundo ng mga Muslim, na gagawing magtagumpay ang pananampalataya ni Allah at ipagbubunyi ang Kanyang Kaisahan), sa inyo ay sasapit ang Fitnah (digmaan, labanan, pagsamba sa diyus- diyosan, pagsubok, atbp.) at pang-aapi sa kalupaan, at isang malaking kabuktutan at kasamaan (ang paglitaw ng pagsamba sa mga diyus-diyosan)

وَالَّذِينَ آمَنُوا وَهَاجَرُوا وَجَاهَدُوا فِي سَبِيلِ اللَّهِ وَالَّذِينَ آوَوا وَّنَصَرُوا أُولَٰئِكَ هُمُ الْمُؤْمِنُونَ حَقًّا ۚ لَّهُم مَّغْفِرَةٌ وَرِزْقٌ كَرِيمٌ(74)

 At sila na nagsisampalataya, at lumikas, at nagsikap na mainam sa Kapakanan ni Allah (Al-Jihad, ang maka-Diyos na pakikipaglaban), gayundin ang mga nagbigay (sa kanila) ng masisilungan at tulong; - sila nga ang nananampalataya sa sukdol na katotohanan, sasakanila ang pagpapatawad at Rizqun Karim (isang mabiyayang kasaganaan at panustos, alalaong baga, ang Paraiso)

وَالَّذِينَ آمَنُوا مِن بَعْدُ وَهَاجَرُوا وَجَاهَدُوا مَعَكُمْ فَأُولَٰئِكَ مِنكُمْ ۚ وَأُولُو الْأَرْحَامِ بَعْضُهُمْ أَوْلَىٰ بِبَعْضٍ فِي كِتَابِ اللَّهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ(75)

 At sila na nagsisampalataya pagkaraan nito, at lumikas, at nagsikap na mainam na kasama ka (O Muhammad sa Landas ni Allah), sila ay nasa iyong panig. Datapuwa’t ang pagkakamag-anak sa dugo ay higit na malapit sa isa’t isa kung hinggil sa pamana, ayon sa kautusan na itinalaga ni Allah. Katotohanang si Allah ang Ganap na Nakakaalam ng lahat ng bagay


Filipince diğer sureler:

Bakara suresi Âl-i İmrân Nisâ suresi
Mâide suresi Yûsuf suresi İbrâhîm suresi
Hicr suresi Kehf suresi Meryem suresi
Hac suresi Kasas suresi Ankebût suresi
As-Sajdah Yâsîn suresi Duhân suresi
fetih suresi Hucurât suresi Kâf suresi
Necm suresi Rahmân suresi vakıa suresi
Haşr suresi Mülk suresi Hâkka suresi
İnşikâk suresi Alâ suresi Gâşiye suresi

En ünlü okuyucuların sesiyle Enfal Suresi indirin:

Surah Al-Anfal mp3: yüksek kalitede dinlemek ve indirmek için okuyucuyu seçerek
Enfal Suresi Ahmed El Agamy
Ahmed El Agamy
Enfal Suresi Saad Al Ghamdi
Saad Al Ghamdi
Enfal Suresi Saud Al Shuraim
Saud Al Shuraim
Enfal Suresi Abdul Basit Abdul Samad
Abdul Basit
Enfal Suresi Abdullah Basfar
Abdullah Basfar
Enfal Suresi Abdullah Awwad Al Juhani
Abdullah Al Juhani
Enfal Suresi Ali Al Hudhaifi
Ali Al Hudhaifi
Enfal Suresi Fares Abbad
Fares Abbad
Enfal Suresi Maher Al Muaiqly
Maher Al Muaiqly
Enfal Suresi Muhammad Jibril
Muhammad Jibril
Enfal Suresi Muhammad Siddiq Al Minshawi
Al Minshawi
Enfal Suresi Al Hosary
Al Hosary
Enfal Suresi Al-afasi
Mishari Al-afasi
Enfal Suresi Nasser Al Qatami
Nasser Al Qatami
Enfal Suresi Yasser Al Dosari
Yasser Al Dosari


Saturday, January 18, 2025

Bizim için dua et, teşekkürler