سورة الرحمن بالفلبينية

  1. استمع للسورة
  2. سور أخرى
  3. ترجمة السورة
القرآن الكريم | ترجمة معاني القرآن | اللغة الفلبينية | سورة الرحمن | Rahman - عدد آياتها 78 - رقم السورة في المصحف: 55 - معنى السورة بالإنجليزية: The Most Merciful.

الرَّحْمَٰنُ(1)

(Si Allah) ang Pinakamahabagin

عَلَّمَ الْقُرْآنَ(2)

Siya na nagturo (sa inyo O Sangkatauhan) ng Qur’an (sa pamamagitan ng Kanyang Habag)

خَلَقَ الْإِنسَانَ(3)

Siya na lumikha sa tao

عَلَّمَهُ الْبَيَانَ(4)

Siya na nagturo sa kanya ng maindayog na pananalita

الشَّمْسُ وَالْقَمَرُ بِحُسْبَانٍ(5)

Ang araw at buwan ay tumatakbo (sumusunod) sa kanilang takdang landas (ng buong katumpakan sa oras at sukat)

وَالنَّجْمُ وَالشَّجَرُ يَسْجُدَانِ(6)

Ang mga bituin at mga punongkahoy ay kapwa nagpapatirapa sa pagpupuri

وَالسَّمَاءَ رَفَعَهَا وَوَضَعَ الْمِيزَانَ(7)

At ang kalangitan ay Kanyang itinaas nang matayog, at Kanyang itinakda ang Timbangan (ng katarungan)

أَلَّا تَطْغَوْا فِي الْمِيزَانِ(8)

Upang kayo ay hindi magmalabis sa hangganan (at sukat)

وَأَقِيمُوا الْوَزْنَ بِالْقِسْطِ وَلَا تُخْسِرُوا الْمِيزَانَ(9)

Kaya’t panatilihin ninyo ang bigat ng may katarungan at huwag ninyong bayaan ang timbangan na magkulang

وَالْأَرْضَ وَضَعَهَا لِلْأَنَامِ(10)

At Siya ang naglatag ng kalupaan para sa kanyang mga nilikha

فِيهَا فَاكِهَةٌ وَالنَّخْلُ ذَاتُ الْأَكْمَامِ(11)

Na naririto ang mga bungangkahoy at mga palmera (datiles) na namumunga sa maraming buwig

وَالْحَبُّ ذُو الْعَصْفِ وَالرَّيْحَانُ(12)

At gayundin ang mais, ang (kanyang) dahon at tangkay ay bilang pagkain ng mga hayop, at mababangong halaman (herba)

فَبِأَيِّ آلَاءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ(13)

Kaya’t alin sa mga kaloob ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

خَلَقَ الْإِنسَانَ مِن صَلْصَالٍ كَالْفَخَّارِ(14)

Nilikha Niya ang tao (Adan) mula sa malambot na putik na tulad (ng gamit) sa palayukan

وَخَلَقَ الْجَانَّ مِن مَّارِجٍ مِّن نَّارٍ(15)

At nilikha Niya ang mga Jinn mula sa apoy na walang usok

فَبِأَيِّ آلَاءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ(16)

Kaya’t alin sa mga kaloob ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

رَبُّ الْمَشْرِقَيْنِ وَرَبُّ الْمَغْرِبَيْنِ(17)

(Siya ang) Panginoon ng dalawang Silangan (ang lugar ng pagsikat ng araw sa panahon ng Tag-init at Taglamig), at Panginoon ng dalawang Kanluran (ang lugar ng paglubog ng araw sa panahon ng Tag-init at Taglamig)

فَبِأَيِّ آلَاءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ(18)

Kaya’t alin sa mga kaloob ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

مَرَجَ الْبَحْرَيْنِ يَلْتَقِيَانِ(19)

Hinayaan Niya na maging malaya ang dalawang bahagi ng dagat (ang maalat at matabang na tubig); na huwag magkatagpo

بَيْنَهُمَا بَرْزَخٌ لَّا يَبْغِيَانِ(20)

Na sa pagitan nila ay may isang sagka at sila ay hindi magsasanib (sa isa’t isa)

فَبِأَيِّ آلَاءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ(21)

Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

يَخْرُجُ مِنْهُمَا اللُّؤْلُؤُ وَالْمَرْجَانُ(22)

Na rito (sa dagat) ay nagmumula ang mga perlas at batong bulaklak

فَبِأَيِّ آلَاءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ(23)

Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

وَلَهُ الْجَوَارِ الْمُنشَآتُ فِي الْبَحْرِ كَالْأَعْلَامِ(24)

At nasa Kanyang (pag-aaruga) ang mga barko na naglalayag nang mabilis sa karagatan, na matayog na tulad ng mga bundok

فَبِأَيِّ آلَاءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ(25)

Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

كُلُّ مَنْ عَلَيْهَا فَانٍ(26)

Ang lahat ng anupamang nasa kalupaan ay maglalaho

وَيَبْقَىٰ وَجْهُ رَبِّكَ ذُو الْجَلَالِ وَالْإِكْرَامِ(27)

Datapuwa’t mananatili (magpakailanman) ang Mukha ng iyong Panginoon na Tigib ng Kaluwalhatian, Kasaganaan at Karangalan

فَبِأَيِّ آلَاءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ(28)

Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

يَسْأَلُهُ مَن فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ كُلَّ يَوْمٍ هُوَ فِي شَأْنٍ(29)

Ang bawat nilalang dito sa kalangitan at kalupaan ay sa Kanya humahanap ng kanilang pangangailangan. At sa araw-araw, Siya ang nagpapatupad (ng pansantinakpang) kapangyarihan (katulad ng pagbibigay ng karangalan sa ilan, kahihiyan sa iba, buhay sa ilan, kamatayan sa iba, atbp)

فَبِأَيِّ آلَاءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ(30)

Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

سَنَفْرُغُ لَكُمْ أَيُّهَ الثَّقَلَانِ(31)

Hindi maglalaon ay Aming igagawad (ang inyong kahihinatnan), o kayong dalawang uri ng nilalang (mga Jinn at Tao)

فَبِأَيِّ آلَاءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ(32)

Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

يَا مَعْشَرَ الْجِنِّ وَالْإِنسِ إِنِ اسْتَطَعْتُمْ أَن تَنفُذُوا مِنْ أَقْطَارِ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ فَانفُذُوا ۚ لَا تَنفُذُونَ إِلَّا بِسُلْطَانٍ(33)

O kayong kalipunan ng mga Jinn at Tao! Kung kayo ay may kapangyarihan upang sulasugin ang mga hangganan (at lahat ng sulok) ng kalangitan at kalupaan, kung gayon ay inyong sulasugin! Datapuwa’t hindi kayo makakatawid doon malibang Aming (Allah) pahintulutan

فَبِأَيِّ آلَاءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ(34)

Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

يُرْسَلُ عَلَيْكُمَا شُوَاظٌ مِّن نَّارٍ وَنُحَاسٌ فَلَا تَنتَصِرَانِ(35)

At sa inyong dalawa (mga Jinn at Tao) ay ipapadala (sa inyong masasama) ang walang usok na lagablab ng apoy (upang tumupok) at ng (lusaw) na tanso, at kayo ay hindi makakapananggalang sa inyong sarili

فَبِأَيِّ آلَاءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ(36)

Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

فَإِذَا انشَقَّتِ السَّمَاءُ فَكَانَتْ وَرْدَةً كَالدِّهَانِ(37)

At kung ang kalangitan ay mahati sa pagkapunit, at yaon ay maging pula na tila pamahid (na tunaw)

فَبِأَيِّ آلَاءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ(38)

Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ang inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

فَيَوْمَئِذٍ لَّا يُسْأَلُ عَن ذَنبِهِ إِنسٌ وَلَا جَانٌّ(39)

Sa Araw na yaon, ang Tao maging ang Jinn ay hindi tatanungin sa kanyang kasalanan (sapagkat ito ay natukoy na sa kulay ng kanilang mukha, kung ito ay itim o puti)

فَبِأَيِّ آلَاءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ(40)

Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (o mga Jinn at Tao)

يُعْرَفُ الْمُجْرِمُونَ بِسِيمَاهُمْ فَيُؤْخَذُ بِالنَّوَاصِي وَالْأَقْدَامِ(41)

Ang Mujrimun (mga makasalanan, walang pananalig, mapagsamba sa diyus-diyosan, kriminal, tampalasan, buktot, atbp.) ay makikilala sa kanilang mga tanda (maiitim na mukha), at sila ay sasakmalin sa kanilang nakalawit at natataliang buhok (sa noo) at sa kanilang mga paa

فَبِأَيِّ آلَاءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ(42)

Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

هَٰذِهِ جَهَنَّمُ الَّتِي يُكَذِّبُ بِهَا الْمُجْرِمُونَ(43)

Ito ang Impiyerno na itinanggi ng Mujrimun (mga makasalanan, walang pananalig, mapagsamba sa diyus-diyosan, kriminal, tampalasan, buktot, atbp)

يَطُوفُونَ بَيْنَهَا وَبَيْنَ حَمِيمٍ آنٍ(44)

Sila ay magsisiikot sa pagitan (ng Impiyerno), sa gitna ng mainit at kumukulong tubig

فَبِأَيِّ آلَاءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ(45)

Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

وَلِمَنْ خَافَ مَقَامَ رَبِّهِ جَنَّتَانِ(46)

Datapuwa’tsiya(natunaynasumasampalatayakayAllah at sa Kanyang Kaisahan at sa Islam, na gumagawa ng lahat ng mga ipinag-uutos ni Allah at ng Kanyang Tagapagbalita at umiiwas sa lahat ng masama at mga ipinagbabawal sa Islam), na may pagkatakot (at pangangamba) sa pagtindig sa harapan (ng Luklukan ng Paghuhukom) ng kanyang Panginoon, doon ay magkakaroon ng dalawang Halamanan (Paraiso)

فَبِأَيِّ آلَاءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ(47)

Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

ذَوَاتَا أَفْنَانٍ(48)

Na may malalabay na mga sanga (ng lahat ng uri ng mga punongkahoy)

فَبِأَيِّ آلَاءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ(49)

Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

فِيهِمَا عَيْنَانِ تَجْرِيَانِ(50)

At sa pagitan nito (Halamanan) ay mayroong dalawang Batis na malayang dumadaloy

فَبِأَيِّ آلَاءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ(51)

Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

فِيهِمَا مِن كُلِّ فَاكِهَةٍ زَوْجَانِ(52)

At naroroon ang lahat ng uri ng bungangkahoy sa bawat pares

فَبِأَيِّ آلَاءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ(53)

Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

مُتَّكِئِينَ عَلَىٰ فُرُشٍ بَطَائِنُهَا مِنْ إِسْتَبْرَقٍ ۚ وَجَنَى الْجَنَّتَيْنِ دَانٍ(54)

Sila ay magsisihilig sa mga diban na nababalutan ng binurdahang sutla, at ang mga bungangkahoy ng dalawang Halamanan ay mababa at naaabot ng kamay

فَبِأَيِّ آلَاءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ(55)

Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

فِيهِنَّ قَاصِرَاتُ الطَّرْفِ لَمْ يَطْمِثْهُنَّ إِنسٌ قَبْلَهُمْ وَلَا جَانٌّ(56)

At sasakanila ang (mga dalaga) na walang bahid dungis, na nagpipigil sa kanilang pagsulyap sa kanilang mga asawa, na wala pang sinumang tao o Jinn ang sa kanila ay nakasaling

فَبِأَيِّ آلَاءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ(57)

Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

كَأَنَّهُنَّ الْيَاقُوتُ وَالْمَرْجَانُ(58)

(Na ang kagandahan) ay nawawangis sa mga batong rubi at batong bulaklak

فَبِأَيِّ آلَاءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ(59)

Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

هَلْ جَزَاءُ الْإِحْسَانِ إِلَّا الْإِحْسَانُ(60)

Mayroon pa bang ibang ganti ang kabutihan maliban sa kabutihan

فَبِأَيِّ آلَاءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ(61)

Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

وَمِن دُونِهِمَا جَنَّتَانِ(62)

At bukod pa sa dalawang (Halamanang ito) ay mayroon pang dalawang Halamanan (alalaong baga, ang Paraiso)

فَبِأَيِّ آلَاءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ(63)

Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

مُدْهَامَّتَانِ(64)

Na luntiang- luntian ang kanyang kulay (dahilan sa saganang tubig)

فَبِأَيِّ آلَاءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ(65)

Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

فِيهِمَا عَيْنَانِ نَضَّاخَتَانِ(66)

At sa bawat (Halamanan) ay may dalawang batis na sagana at patuloy na umaagos na tubig

فَبِأَيِّ آلَاءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ(67)

Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (o mga Jinn at Tao)

فِيهِمَا فَاكِهَةٌ وَنَخْلٌ وَرُمَّانٌ(68)

Na naroroon ang mga bungangkahoy, at mga bungang palmera (datiles) at bungang granada (pomegrenates)

فَبِأَيِّ آلَاءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ(69)

Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

فِيهِنَّ خَيْرَاتٌ حِسَانٌ(70)

At (sa Halamanan) ay sasakanila ang (mga asawa) na mainam at maganda

فَبِأَيِّ آلَاءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ(71)

Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

حُورٌ مَّقْصُورَاتٌ فِي الْخِيَامِ(72)

Mga Houris (magaganda at mapuputing babae na nagpipigil sa kanilang pagsulyap) na nakatahan sa mga bulwagan

فَبِأَيِّ آلَاءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ(73)

Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

لَمْ يَطْمِثْهُنَّ إِنسٌ قَبْلَهُمْ وَلَا جَانٌّ(74)

Na wala pang sinumang tao o Jinn ang sa kanila ay nakasaling

فَبِأَيِّ آلَاءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ(75)

Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

مُتَّكِئِينَ عَلَىٰ رَفْرَفٍ خُضْرٍ وَعَبْقَرِيٍّ حِسَانٍ(76)

Na nakahilig sa mga luntiang diban at mga karpetang tigib sa kagandahan

فَبِأَيِّ آلَاءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ(77)

Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

تَبَارَكَ اسْمُ رَبِّكَ ذِي الْجَلَالِ وَالْإِكْرَامِ(78)

Maluwalhati ang Pangalan ng inyong Panginoon (Allah), na Lubos ang Kataasan at Tigib ng Karangalan


المزيد من السور باللغة الفلبينية:

سورة البقرة آل عمران سورة النساء
سورة المائدة سورة يوسف سورة ابراهيم
سورة الحجر سورة الكهف سورة مريم
سورة السجدة سورة يس سورة الدخان
سورة النجم سورة الرحمن سورة الواقعة
سورة الحشر سورة الملك سورة الحاقة

تحميل سورة الرحمن بصوت أشهر القراء :

قم باختيار القارئ للاستماع و تحميل سورة الرحمن كاملة بجودة عالية
سورة الرحمن أحمد العجمي
أحمد العجمي
سورة الرحمن خالد الجليل
خالد الجليل
سورة الرحمن سعد الغامدي
سعد الغامدي
سورة الرحمن سعود الشريم
سعود الشريم
سورة الرحمن عبد الباسط عبد الصمد
عبد الباسط
سورة الرحمن عبد الله عواد الجهني
عبد الله الجهني
سورة الرحمن علي الحذيفي
علي الحذيفي
سورة الرحمن فارس عباد
فارس عباد
سورة الرحمن ماهر المعيقلي
ماهر المعيقلي
سورة الرحمن محمد جبريل
محمد جبريل
سورة الرحمن محمد صديق المنشاوي
المنشاوي
سورة الرحمن الحصري
الحصري
سورة الرحمن العفاسي
مشاري العفاسي
سورة الرحمن ناصر القطامي
ناصر القطامي
سورة الرحمن ياسر الدوسري
ياسر الدوسري



Wednesday, January 22, 2025

لا تنسنا من دعوة صالحة بظهر الغيب