الْحَمْدُ لِلَّهِ الَّذِي لَهُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ وَلَهُ الْحَمْدُ فِي الْآخِرَةِ ۚ وَهُوَ الْحَكِيمُ الْخَبِيرُ(1) Ang lahat ng pagluwalhati at pasasalamat ay kay Allah, tanging Siya ang nag-aangkin ng lahat ng nasa kalangitan at lahat ng nasa kalupaan. Sa Kanya ang pagpaparangal at pasasalamat sa Kabilang Buhay; at Siya ay Puspos ng Karunungan, ang Tigib ng Kaalaman |
يَعْلَمُ مَا يَلِجُ فِي الْأَرْضِ وَمَا يَخْرُجُ مِنْهَا وَمَا يَنزِلُ مِنَ السَّمَاءِ وَمَا يَعْرُجُ فِيهَا ۚ وَهُوَ الرَّحِيمُ الْغَفُورُ(2) Talastas Niya kung ano ang pumapasok sa kalupaan at kung ano ang lumalabas mula rito; kung ano ang lahat nang mga nananaog sa alapaap (kalangitan) at kung ano ang lahat nang mga pumapanhik doon. At Siya ang Pinakamaawain, ang Malimit na Nagpapatawad |
وَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا لَا تَأْتِينَا السَّاعَةُ ۖ قُلْ بَلَىٰ وَرَبِّي لَتَأْتِيَنَّكُمْ عَالِمِ الْغَيْبِ ۖ لَا يَعْزُبُ عَنْهُ مِثْقَالُ ذَرَّةٍ فِي السَّمَاوَاتِ وَلَا فِي الْأَرْضِ وَلَا أَصْغَرُ مِن ذَٰلِكَ وَلَا أَكْبَرُ إِلَّا فِي كِتَابٍ مُّبِينٍ(3) Ang mga hindi sumasampalataya ay nagsasabi: “Hindi kailanman sasapit sa amin ang Oras”. Ipagbadya: “Hindi! walang pagsala, sa pamamagitan ng aking Panginoon, ito ay daratal sa inyo.” (Si Allah), Siya ang Ganap na Nakakaalam ng nalilingid; maging ang timbang ng isang atomo (o isang maliit na langgam) o anumang bagay na maliit pa rito o malaki, sa kalangitan at kalupaan, ay hindi makakahulagpos sa Kanyang Karunungan (ang lahat), bagkus ay nasa loob ng isang Maliwanag na Talaan (Al-Lauh-Al-Mahfuz) |
لِّيَجْزِيَ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ ۚ أُولَٰئِكَ لَهُم مَّغْفِرَةٌ وَرِزْقٌ كَرِيمٌ(4) Upang Kanyang magantimpalaan ang mga sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) at nagsisigawa ng katuwiran at kabutihan; sila, sasakanila ang pagpapatawad at Rizqun Karim (panustos na nag-uumapaw, alalaong baga, ang Paraiso) |
وَالَّذِينَ سَعَوْا فِي آيَاتِنَا مُعَاجِزِينَ أُولَٰئِكَ لَهُمْ عَذَابٌ مِّن رِّجْزٍ أَلِيمٌ(5) Datapuwa’t sila na nagsisikap na kalabanin ang Aming Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.) upang sila ay kanilang siphayuin, sila, sasakanila ang kasakit-sakit na kaparusahan |
وَيَرَى الَّذِينَ أُوتُوا الْعِلْمَ الَّذِي أُنزِلَ إِلَيْكَ مِن رَّبِّكَ هُوَ الْحَقَّ وَيَهْدِي إِلَىٰ صِرَاطِ الْعَزِيزِ الْحَمِيدِ(6) At sa mga pinagkalooban ng karunungan, nakikita nila na ang ipinahayag sa iyo (o Muhammad) mula sa iyong Panginoon ay siyang Katotohanan, at namamatnubay tungo sa Landas ng isang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Nagmamay-ari ng lahat ng pagpupuri |
وَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا هَلْ نَدُلُّكُمْ عَلَىٰ رَجُلٍ يُنَبِّئُكُمْ إِذَا مُزِّقْتُمْ كُلَّ مُمَزَّقٍ إِنَّكُمْ لَفِي خَلْقٍ جَدِيدٍ(7) Ang mga hindi sumasampalataya ay nagsasabi: “Amin ba kayong patutunguhin sa isang tao (Muhammad) na magsasabisainyonakung(anginyongmgabuto) aymalansag na at maging abo at magsikalat, sa kalaunan, kayo ay (muling ibabangon ) sa pagkalikha?” |
أَفْتَرَىٰ عَلَى اللَّهِ كَذِبًا أَم بِهِ جِنَّةٌ ۗ بَلِ الَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِالْآخِرَةِ فِي الْعَذَابِ وَالضَّلَالِ الْبَعِيدِ(8) Siya ba (Muhammad) ay kumatha (naggawa-gawa) ng kasinungalingan laban kay Allah, o mayroon bang pagkabaliw sa kanya? Hindi, datapuwa’t sila na hindi sumasampalataya sa Kabilang Buhay ay tahasang (ang kanilang sarili) ay nasa tunay na kaparusahan, at nasa kamalian na lubhang malayo |
أَفَلَمْ يَرَوْا إِلَىٰ مَا بَيْنَ أَيْدِيهِمْ وَمَا خَلْفَهُم مِّنَ السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ ۚ إِن نَّشَأْ نَخْسِفْ بِهِمُ الْأَرْضَ أَوْ نُسْقِطْ عَلَيْهِمْ كِسَفًا مِّنَ السَّمَاءِ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً لِّكُلِّ عَبْدٍ مُّنِيبٍ(9) Hindi baga nila napagmamasdan kung ano ang nasa harapan nila at kung ano ang nasa likuran nila, ng alapaap (kalangitan) at kalupaan? Kung Aming naisin, magagawa Naming lagumin sila ng kalupaan o hayaang ang bahagi ng alapaap (kalangitan) ay bumagsak sa kanila. Katotohanang naririto ang isang Tanda sa bawat matapat na nananampalataya (nananalig sa Kaisahan ni Allah) at bumabaling kay Allah (sa lahat ng mga pangyayari ng may kapakumbabaan at sa pagsisisi) |
۞ وَلَقَدْ آتَيْنَا دَاوُودَ مِنَّا فَضْلًا ۖ يَا جِبَالُ أَوِّبِي مَعَهُ وَالطَّيْرَ ۖ وَأَلَنَّا لَهُ الْحَدِيدَ(10) At katiyakang Aming iginawad noon pang una ang Biyaya kay david mula sa Amin (na nagsasabi): “o kayong kabundukan! Luwalhatiin ninyo (si Allah) na kasama siya! Gayundin kayong mga Ibon! At ginawa Namin ang bakal na malambot sa kanya,” |
أَنِ اعْمَلْ سَابِغَاتٍ وَقَدِّرْ فِي السَّرْدِ ۖ وَاعْمَلُوا صَالِحًا ۖ إِنِّي بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ(11) Na nag-uutos: “Gumawa ka ng pulidong baluti (kutamaya) na ganap na pantay ang mga sinsing ng kadenang baluti, at magsigawa kayo (mga tao) ng kabutihan. Katotohanang Ako ang Ganap na Nakakamasid ng lahat ninyong ginagawa.” |
وَلِسُلَيْمَانَ الرِّيحَ غُدُوُّهَا شَهْرٌ وَرَوَاحُهَا شَهْرٌ ۖ وَأَسَلْنَا لَهُ عَيْنَ الْقِطْرِ ۖ وَمِنَ الْجِنِّ مَن يَعْمَلُ بَيْنَ يَدَيْهِ بِإِذْنِ رَبِّهِ ۖ وَمَن يَزِغْ مِنْهُمْ عَنْ أَمْرِنَا نُذِقْهُ مِنْ عَذَابِ السَّعِيرِ(12) At kay Solomon, (Aming ipinailalim) ang hangin na maging masunurin sa kanya; ang kanyang umaga (na ang malalaking hakbang mula sa pagsikat ng araw hanggang sa tanghali) ay katumbas ng isang buwan (na paglalakbay); at ang kanyang gabi (na ang malalaking hakbang mula sa tanghali hanggang sa pagkiling ng araw sa takipsilim) ay katumbas ng isang buwan (na paglalakbay, alalaong baga, sa isang araw, siya ay makakapaglakbay ng katumbas ng dalawang buwang paglalakbay). At hinayaan Namin na ang Bukal ng (tunaw) na tanso ay umagos sa kanya, at mayroong mga Jinn na nagtatrabaho sa harapan niya, mula sa pahintulot ng kanyang Panginoon, at sinuman sa kanila ang sumuway sa Aming Pag-uutos, Aming hahayaan na malasap niya ang kaparusahan ng naglalagablab na Apoy |
يَعْمَلُونَ لَهُ مَا يَشَاءُ مِن مَّحَارِيبَ وَتَمَاثِيلَ وَجِفَانٍ كَالْجَوَابِ وَقُدُورٍ رَّاسِيَاتٍ ۚ اعْمَلُوا آلَ دَاوُودَ شُكْرًا ۚ وَقَلِيلٌ مِّنْ عِبَادِيَ الشَّكُورُ(13) Sila ay nagtrabaho sa kanya kung ano ang kanyang ninais (na gumagawa ng mga arko o matataas na silid, mga imahen, mga palanggana na kasinlaki ng imbakang balon, at mga [lutuang] kaldero na nakapirmi sa kanilang kinalalagyan). “Magsipagtrabaho kayo, o angkan ni david, ng may pasasalamat!” Datapuwa’t kakaunti sa kanila ang may pasasalamat |
فَلَمَّا قَضَيْنَا عَلَيْهِ الْمَوْتَ مَا دَلَّهُمْ عَلَىٰ مَوْتِهِ إِلَّا دَابَّةُ الْأَرْضِ تَأْكُلُ مِنسَأَتَهُ ۖ فَلَمَّا خَرَّ تَبَيَّنَتِ الْجِنُّ أَن لَّوْ كَانُوا يَعْلَمُونَ الْغَيْبَ مَا لَبِثُوا فِي الْعَذَابِ الْمُهِينِ(14) At nang igawad Namin (kay Solomon) ang kanyang kamatayan, walang sinuman ang nagbalita sa kanila (mga Jinn) ng kanyang kamatayan, maliban sa isang maliit na uod sa lupa na patuloy na (marahang) ngumangatngat ng kanyang tungkod; kaya’t nang siya ay mapaupo, ang mga Jinn ay maliwanag na nakakita, na kung nalalaman lamang nila ang mga nakalingid na bagay, sila (sana) ay hindi nanatili sa kahiya-hiyang kaparusahan |
لَقَدْ كَانَ لِسَبَإٍ فِي مَسْكَنِهِمْ آيَةٌ ۖ جَنَّتَانِ عَن يَمِينٍ وَشِمَالٍ ۖ كُلُوا مِن رِّزْقِ رَبِّكُمْ وَاشْكُرُوا لَهُ ۚ بَلْدَةٌ طَيِّبَةٌ وَرَبٌّ غَفُورٌ(15) Katotohanang mayroon kay Saba (Sheba) ng isang Tanda sa kanilang tirahan, - dalawang halamanan sa kanan at sa kaliwa (at sa kanila ay ipinagbadya): “Inyong kainin ang panustos ng inyong Panginoon at tumanaw ng utang na loob sa Kanya; isang lugar na mabuti at masaya; at ang inyong Panginoon ay Lagi nang Nagpapatawad |
فَأَعْرَضُوا فَأَرْسَلْنَا عَلَيْهِمْ سَيْلَ الْعَرِمِ وَبَدَّلْنَاهُم بِجَنَّتَيْهِمْ جَنَّتَيْنِ ذَوَاتَيْ أُكُلٍ خَمْطٍ وَأَثْلٍ وَشَيْءٍ مِّن سِدْرٍ قَلِيلٍ(16) Datapuwa’t nagsitalikod sila (sa pagsunod kay Allah), kaya’t ipinadala Namin laban sa kanila ang Sail Al-Arim (baha [tubig] na [pinawalan] mula sa mga prinsa o dam), at Aming ginawa ang kanilang dalawang halamanan na mamunga ng mapapait na bungangkahoy, at ng tamarisko, at ilang punong lote |
ذَٰلِكَ جَزَيْنَاهُم بِمَا كَفَرُوا ۖ وَهَلْ نُجَازِي إِلَّا الْكَفُورَ(17) Ito ang ganti na Aming ibinigay sa kanila sapagkat sila ay walang utang na loob at nagtatakwil ng pananampalataya. At hindi kailanman Kami naniningil sa gayong paraan maliban sa mga walang pasasalamat at walang pananalig |
وَجَعَلْنَا بَيْنَهُمْ وَبَيْنَ الْقُرَى الَّتِي بَارَكْنَا فِيهَا قُرًى ظَاهِرَةً وَقَدَّرْنَا فِيهَا السَّيْرَ ۖ سِيرُوا فِيهَا لَيَالِيَ وَأَيَّامًا آمِنِينَ(18) At inilagay Namin sa pagitan nila at sa mga bayan na Aming biniyayaan, ang mga bayan na madaling matagpuan, at ginawa Namin ang mga antas ng (paglalakbay) sa kanilang pagitan na maginhawa (na nagsasabi:) “Magsipaglakbay kayo rito ng ligtas sa gabi at araw.” |
فَقَالُوا رَبَّنَا بَاعِدْ بَيْنَ أَسْفَارِنَا وَظَلَمُوا أَنفُسَهُمْ فَجَعَلْنَاهُمْ أَحَادِيثَ وَمَزَّقْنَاهُمْ كُلَّ مُمَزَّقٍ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِّكُلِّ صَبَّارٍ شَكُورٍ(19) Datapuwa’t sila ay nagsabi: “Aming Panginoon! Gawin Ninyong ang mga antas sa pagitan ng aming paglalakbay ay mahahaba,” at ipinahamak nila ang kanilang sarili sa pagkakamali, kaya’t Aming ginawa silang mga kuwento (sa kalupaan), at Aming itinaboy silang lahat na ganap na nakakalat. Katotohanang naririto ang tunay na mga Tanda sa mga matitiyaga at may pasasalamat (na tao) |
وَلَقَدْ صَدَّقَ عَلَيْهِمْ إِبْلِيسُ ظَنَّهُ فَاتَّبَعُوهُ إِلَّا فَرِيقًا مِّنَ الْمُؤْمِنِينَ(20) At katotohanang si Iblis (Satanas) ang nagpatunay kung ano ang kanyang akala sa kanila, at sila ay sumunod sa kanya (Satanas), lahat sila, maliban sa isang lipon ng mga sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah) |
وَمَا كَانَ لَهُ عَلَيْهِم مِّن سُلْطَانٍ إِلَّا لِنَعْلَمَ مَن يُؤْمِنُ بِالْآخِرَةِ مِمَّنْ هُوَ مِنْهَا فِي شَكٍّ ۗ وَرَبُّكَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ حَفِيظٌ(21) At siya (si Iblis o si Satanas) ay walang kapamahalaan sa kanila, - maliban na Aming masubukan ang tao, na sumasampalataya sa Kabilang Buhay mula sa kanya na may pag-aalinlangan tungkol dito. At ang iyong Panginoon ay isang Hafiz sa lahat ng bagay (ang Ganap na Nakakaalam ng lahat ng bagay, alalaong baga, Siya ang nagtatangan ng Talaan ng bawat isang tao hinggil sa kanyang mga gawa at Siya ang magbibigay ng gantimpala sa kanila ayon sa kanilang ginawa) |
قُلِ ادْعُوا الَّذِينَ زَعَمْتُم مِّن دُونِ اللَّهِ ۖ لَا يَمْلِكُونَ مِثْقَالَ ذَرَّةٍ فِي السَّمَاوَاتِ وَلَا فِي الْأَرْضِ وَمَا لَهُمْ فِيهِمَا مِن شِرْكٍ وَمَا لَهُ مِنْهُم مِّن ظَهِيرٍ(22) Ipagbadya (o Muhammad, sa kanila na mga pagano at mapagsamba sa mga diyus-diyosan, atbp.): “Inyong tawagan sila na inyong mga (diyus-diyosan) na inyong pinapangarap (at iniaakibat) maliban pa kay Allah; sila ay walang kapangyarihan, sila ay hindi nag-aangkin kahit na isang timbang ng atomo (o isang maliit na langgam), - maging sa kalangitan at kalupaan, at wala rin silang kahati sa alinman, at wala rin Siyang anumang kawaksi mula sa kanila |
وَلَا تَنفَعُ الشَّفَاعَةُ عِندَهُ إِلَّا لِمَنْ أَذِنَ لَهُ ۚ حَتَّىٰ إِذَا فُزِّعَ عَن قُلُوبِهِمْ قَالُوا مَاذَا قَالَ رَبُّكُمْ ۖ قَالُوا الْحَقَّ ۖ وَهُوَ الْعَلِيُّ الْكَبِيرُ(23) At ang anumang pamamagitan sa Kanya ay hindi magbibigay ng kapakinabangan, maliban sa kanila na binigyan Niya ng pahintulot. Hanggang kung ang pangamba ay mawaksi sa kanilang (mga anghel) puso, sila (mga anghel) ay nagsasabi: “Ano nga ang sinabi ng inyong Panginoon?” Sila ay magsasabi: “Ang Katotohanan”. At Siya ang Kataas-taasan, ang Pinakadakila |
۞ قُلْ مَن يَرْزُقُكُم مِّنَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ قُلِ اللَّهُ ۖ وَإِنَّا أَوْ إِيَّاكُمْ لَعَلَىٰ هُدًى أَوْ فِي ضَلَالٍ مُّبِينٍ(24) Ipagbadya (o Muhammad, sa kanila na mga pagano at mapagsamba sa mga diyus-diyosan, atbp.): “Sino ang nagbigay sa inyo ng pagkain (at panustos) mula sa kalangitan at kalupaan?” Ipagbadya: “Si Allah; at katiyakan na maaaring kami o kayo ang nasa tamang patnubay o sa maliwanag na kamalian!” |
قُل لَّا تُسْأَلُونَ عَمَّا أَجْرَمْنَا وَلَا نُسْأَلُ عَمَّا تَعْمَلُونَ(25) Ipagbadya (o Muhammad, sa kanila na mga pagano at mapagsamba sa mga diyus-diyosan, atbp.): “Ikaw ay hindi tatanungin hinggil sa aming mga kasalanan, at gayundin, kami ay hindi tatanungin tungkol sa inyong ginawa.” |
قُلْ يَجْمَعُ بَيْنَنَا رَبُّنَا ثُمَّ يَفْتَحُ بَيْنَنَا بِالْحَقِّ وَهُوَ الْفَتَّاحُ الْعَلِيمُ(26) Ipagbadya: “Ang ating Panginoon ang magtitipon sa atin nang sama-sama (sa Araw ng Muling Pagkabuhay), at sa katapusan, Siya ang magpapasya sa mga bagay sa pagitan natin, sa katotohanan at katarungan; at Siya ang Tanging Magpapasya, ang Tanging Hukom na Tigib ng Kaalaman.” |
قُلْ أَرُونِيَ الَّذِينَ أَلْحَقْتُم بِهِ شُرَكَاءَ ۖ كَلَّا ۚ بَلْ هُوَ اللَّهُ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ(27) Ipagbadya (o Muhammad, sa kanila na mga pagano at mapagsamba sa mga diyus-diyosan): “Ipakita ninyo sa akin, sila na inyong iniaakibat bilang mga katambal sa Kanya. Hindi, (walang anumang katambal Siya sa anumang kaparaanan)! Datapuwa’t (tanging) Siya si Allah, ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Sukdol sa Karunungan.” |
وَمَا أَرْسَلْنَاكَ إِلَّا كَافَّةً لِّلنَّاسِ بَشِيرًا وَنَذِيرًا وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَعْلَمُونَ(28) At ikaw (o Muhammad) ay hindi Namin isinugo maliban na isang Tagapagbalita sa buong sangkatauhan, na magbibigay sa kanila ng masayang balita, at isang Tagapagbabala sa kanila (sa kasalanan), datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay walang kaalaman |
وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا الْوَعْدُ إِن كُنتُمْ صَادِقِينَ(29) At sila ay nagsasabi: “Kailan ba (matutupad) yaong ipinangako mo sa amin (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay), kung ikaw ay nagsasabi ng katotohanan?” |
قُل لَّكُم مِّيعَادُ يَوْمٍ لَّا تَسْتَأْخِرُونَ عَنْهُ سَاعَةً وَلَا تَسْتَقْدِمُونَ(30) Ipagbadya (o Muhammad): “Ang pakikipagtiyap sa inyo ay sa takdang Araw, na hindi ninyo maaaring iurong kahit na sa isang oras (o isang sandali lamang) at hindi rin ninyo maaaring gawin na maaga.” |
وَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا لَن نُّؤْمِنَ بِهَٰذَا الْقُرْآنِ وَلَا بِالَّذِي بَيْنَ يَدَيْهِ ۗ وَلَوْ تَرَىٰ إِذِ الظَّالِمُونَ مَوْقُوفُونَ عِندَ رَبِّهِمْ يَرْجِعُ بَعْضُهُمْ إِلَىٰ بَعْضٍ الْقَوْلَ يَقُولُ الَّذِينَ اسْتُضْعِفُوا لِلَّذِينَ اسْتَكْبَرُوا لَوْلَا أَنتُمْ لَكُنَّا مُؤْمِنِينَ(31) At sila na hindi sumasampalataya ay nagsasabi: “Kami ay hindi naniniwala sa Qur’an o sa anumang kasulatan na una pa rito.” Datapuwa’t kung inyong mapagmamasdan ang Zalimun (mga tampalasan, mapagsamba sa mga diyus- diyosan, mapaggawa ng kamalian, buktot, atbp.), kung sila ay haharap na sa kanilang Panginoon, kung paano sila magpapalitan ng salita (na nagsisisihan) sa isa’t isa! Sila na itinuturing na mahihina ay magsasabi sa kanila na mga palalo: “Kung hindi dahil sa inyo, sana ay naging mananampalataya kami!” |
قَالَ الَّذِينَ اسْتَكْبَرُوا لِلَّذِينَ اسْتُضْعِفُوا أَنَحْنُ صَدَدْنَاكُمْ عَنِ الْهُدَىٰ بَعْدَ إِذْ جَاءَكُم ۖ بَلْ كُنتُم مُّجْرِمِينَ(32) At sila na mga palalo ay magsasabi sa mga itinuturing na mahihina: “Pinigilan ba namin kayo na matanggap ang patnubay matapos na ito ay dumatal sa inyo? Hindi, datapuwa’t kayo ang Mujrimun (mapagsamba sa mga diyus-diyosan, makasalanan, kriminal, palasuway kay Allah, mapaglabag sa kautusan, atbp.).” |
وَقَالَ الَّذِينَ اسْتُضْعِفُوا لِلَّذِينَ اسْتَكْبَرُوا بَلْ مَكْرُ اللَّيْلِ وَالنَّهَارِ إِذْ تَأْمُرُونَنَا أَن نَّكْفُرَ بِاللَّهِ وَنَجْعَلَ لَهُ أَندَادًا ۚ وَأَسَرُّوا النَّدَامَةَ لَمَّا رَأَوُا الْعَذَابَ وَجَعَلْنَا الْأَغْلَالَ فِي أَعْنَاقِ الَّذِينَ كَفَرُوا ۚ هَلْ يُجْزَوْنَ إِلَّا مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ(33) Sila na inaakalang mahihina ay magsasabi sa kanila na mga palalo: “Hindi! Datapuwa’t ito ang inyong pakana sa gabi at araw. Pagmasdan! Kayo (ang patuloy) na nag-uudyok sa amin na mawalan ng pananalig at utang na loob ng pasasalamat kay Allah at magtambal ng iba pa sa Kanya!” At ang bawat isa (sa kanilang pangkat) ay mapupuspos ng pagsisisi (sa kanilang pagsuway kay Allah sa buhay sa mundong ito), kung kanilang mamalas ang kaparusahan. Magpupulupot Kami ng kadenang bakal sa leeg ng mga hindi sumasampalataya. Ito ay kabayaran lamang sa kanilang (masasamang) gawa |
وَمَا أَرْسَلْنَا فِي قَرْيَةٍ مِّن نَّذِيرٍ إِلَّا قَالَ مُتْرَفُوهَا إِنَّا بِمَا أُرْسِلْتُم بِهِ كَافِرُونَ(34) At hindi Kami nagsugo ng isang Tagapagbabala sa isang bayan, na hindi nagsabi yaong mga ginawaran ng makamundong kayamanan at karangyaan (sa buhay na ito) ng: “Hindi kami naniniwala sa (Mensahe) na ipinadala sa iyo.” |
وَقَالُوا نَحْنُ أَكْثَرُ أَمْوَالًا وَأَوْلَادًا وَمَا نَحْنُ بِمُعَذَّبِينَ(35) At sila ay nagsasabi: “Kami ay higit na nag- aangkin ng mga kayamanan at mga anak na lalaki, at kami ay hindi mapaparusahan.” |
قُلْ إِنَّ رَبِّي يَبْسُطُ الرِّزْقَ لِمَن يَشَاءُ وَيَقْدِرُ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَعْلَمُونَ(36) Ipagbadya (o Muhammad): “Katotohanan, ang aking Panginoon ang nagpaparami o naghihigpit ng biyayang panustos sa sinumang Kanyang maibigan, datapuwa’t ang karamihan ng mga tao ay walang kaalaman.” |
وَمَا أَمْوَالُكُمْ وَلَا أَوْلَادُكُم بِالَّتِي تُقَرِّبُكُمْ عِندَنَا زُلْفَىٰ إِلَّا مَنْ آمَنَ وَعَمِلَ صَالِحًا فَأُولَٰئِكَ لَهُمْ جَزَاءُ الضِّعْفِ بِمَا عَمِلُوا وَهُمْ فِي الْغُرُفَاتِ آمِنُونَ(37) At hindi ang inyong mga kayamanan o mga anak na lalaki ang magdadala sa inyo upang mapalapit kayo ng antas sa Amin (alalaong baga, ang nakakalugod kay Allah); nguni’t sila lamang na sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) at nagsisigawa ng kabutihan; sila ang gagantimpalaan ng maraming biyaya dahilan sa kanilang pag-uugali, at sila ay ligtas na mananahan sa matatayog na tirahan (Paraiso) sa katahimikan at kapanatagan |
وَالَّذِينَ يَسْعَوْنَ فِي آيَاتِنَا مُعَاجِزِينَ أُولَٰئِكَ فِي الْعَذَابِ مُحْضَرُونَ(38) At sila na nagsisikap laban sa Aming Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.) upang sila ay siphayuin, sila ay ibibigay sa kaparusahan |
قُلْ إِنَّ رَبِّي يَبْسُطُ الرِّزْقَ لِمَن يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ وَيَقْدِرُ لَهُ ۚ وَمَا أَنفَقْتُم مِّن شَيْءٍ فَهُوَ يُخْلِفُهُ ۖ وَهُوَ خَيْرُ الرَّازِقِينَ(39) Ipagbadya: “Katotohanan, ang aking Panginoon ang nagpapasagana at nagpapadahop ng panustos na kabuhayan sa Kanyang mga alipin na Kanyang maibigan, at anumang bagay na gugulin ninyo (tungo sa Kapakanan ni Allah), katiyakang ito ay Kanyang pinapalitan, sapagkat Siya ang Pinakamainam sa lahat ng mga nagbibigay ng panustos |
وَيَوْمَ يَحْشُرُهُمْ جَمِيعًا ثُمَّ يَقُولُ لِلْمَلَائِكَةِ أَهَٰؤُلَاءِ إِيَّاكُمْ كَانُوا يَعْبُدُونَ(40) At (alalahanin) ang Araw na Kanyang titipunin silang lahat, at sasabihin sa mga anghel: “Kayo ba ang mga sinasamba ng mga taong ito?” |
قَالُوا سُبْحَانَكَ أَنتَ وَلِيُّنَا مِن دُونِهِم ۖ بَلْ كَانُوا يَعْبُدُونَ الْجِنَّ ۖ أَكْثَرُهُم بِهِم مُّؤْمِنُونَ(41) Sila (mga anghel) ay magsasabi: “Ang Kaluwalhatian ay sa Inyo! Kayo ang tunay naming wali (Panginoon, Tagapangalaga, Tagapagtanggol) at hindi sila. Hindi, sila ay sumamba sa mga Jinn; ang karamihan (sa mga tao) ay naniniwala sa kanila (mga Jinn).” |
فَالْيَوْمَ لَا يَمْلِكُ بَعْضُكُمْ لِبَعْضٍ نَّفْعًا وَلَا ضَرًّا وَنَقُولُ لِلَّذِينَ ظَلَمُوا ذُوقُوا عَذَابَ النَّارِ الَّتِي كُنتُم بِهَا تُكَذِّبُونَ(42) Kaya’t sa Araw na yaon (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay), walang sinuman sa inyo ang may kapangyarihan na magbigay ng kapakinabangan o kapinsalaan sa bawat isa; at Aming ipagbabadya sa mga tampalasan (alalaong baga, sila na sumamba sa iba pa tulad ng mga anghel, Jinn, propeta, banal na tao, santo, espiritu, krus, imahen, atbp. maliban pa kay Allah): “Lasapin ninyo ang kaparusahan ng Apoy na inyong itinatakwil!” |
وَإِذَا تُتْلَىٰ عَلَيْهِمْ آيَاتُنَا بَيِّنَاتٍ قَالُوا مَا هَٰذَا إِلَّا رَجُلٌ يُرِيدُ أَن يَصُدَّكُمْ عَمَّا كَانَ يَعْبُدُ آبَاؤُكُمْ وَقَالُوا مَا هَٰذَا إِلَّا إِفْكٌ مُّفْتَرًى ۚ وَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا لِلْحَقِّ لَمَّا جَاءَهُمْ إِنْ هَٰذَا إِلَّا سِحْرٌ مُّبِينٌ(43) At kung ang Aming Maliliwanag na mga Talata ay dinadalit sa kanila, sila ay nagsasabi: “Siya (Muhammad) ay isa lamang tao na nagnanais na hadlangan kayo (sa pagsamba) sa kinagisnan ng inyong mga ninuno.” At sila ay nagsasabi: “Ito ay isa lamang kasinungalingan na kinatha!” At ang mga hindi sumasampalataya ay nagsasabi (laban) sa Katotohanan nang ito ay dumatal sa kanila (alalaong baga, si Propeta Muhammad na isinugo ni Allah sa kanila na may dalang mga katibayan, kapahayagan, tanda, aral, atbp.): “Ito ay wala ng iba maliban sa maliwanag na panlilinlang (o mahika)!” |
وَمَا آتَيْنَاهُم مِّن كُتُبٍ يَدْرُسُونَهَا ۖ وَمَا أَرْسَلْنَا إِلَيْهِمْ قَبْلَكَ مِن نَّذِيرٍ(44) Datapuwa’t sila ay hindi Namin pinadalhan ng mga Kasulatan na kanilang mapag- aaralan, gayundin (Kami) ay hindi nagsugo sa kanila ng tagapagbabala, bago pa sa iyo (o Muhammad) |
وَكَذَّبَ الَّذِينَ مِن قَبْلِهِمْ وَمَا بَلَغُوا مِعْشَارَ مَا آتَيْنَاهُمْ فَكَذَّبُوا رُسُلِي ۖ فَكَيْفَ كَانَ نَكِيرِ(45) At sila na nauna sa kanila ay nagpasinungaling (sa katotohanan), sila ay hindi nagsitanggap maging ng ikasampung bahagi (1/10) ng mga iginawad Namin sa kanila (noong una); datapuwa’t sila ay nagpabulaan sa Aking mga Tagapagbalita, kaya’t (pagmasdan) kung gaano katindi ang Aking kaparusahan |
۞ قُلْ إِنَّمَا أَعِظُكُم بِوَاحِدَةٍ ۖ أَن تَقُومُوا لِلَّهِ مَثْنَىٰ وَفُرَادَىٰ ثُمَّ تَتَفَكَّرُوا ۚ مَا بِصَاحِبِكُم مِّن جِنَّةٍ ۚ إِنْ هُوَ إِلَّا نَذِيرٌ لَّكُم بَيْنَ يَدَيْ عَذَابٍ شَدِيدٍ(46) Ipagbadya sa kanila (O Muhammad): “Kayo ay aking pinaaalalahanan sa isang (bagay) lamang; na kayo ay magsitindig sa harapan ni Allah maging (kayo) ay dalawa o nag-iisa; at magsipagmuni-muni (kayo sa inyong sarili, sa nagingbuhayng Propeta), anginyong Kasama(Muhammad) ay hindi inaalihan (ng demonyo); siya ay hindi hihigit pa sa isang tagapagbabala, (upang paalalahanan kayo) sa harapan ng kasakit-sakit na kaparusahan.” |
قُلْ مَا سَأَلْتُكُم مِّنْ أَجْرٍ فَهُوَ لَكُمْ ۖ إِنْ أَجْرِيَ إِلَّا عَلَى اللَّهِ ۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ شَهِيدٌ(47) Ipagbadya (o Muhammad): “Ang anumang kabayaran (o gantimpala) na aking hiniling sa inyo ay sa inyo; ang aking gantimpala ay mula kay Allah lamang; at Siya ang Saksi sa lahat ng bagay.” |
قُلْ إِنَّ رَبِّي يَقْذِفُ بِالْحَقِّ عَلَّامُ الْغُيُوبِ(48) Ipagbadya (O Muhammad): “Katotohanan! Ang aking Panginoon ay nagpapanaog ng inspirasyon upang maging maliwanag ang Katotohanan (alalaong baga, ang Kapahayagan na dumatal sa akin); Siya ang Lubos na Nakakaalam ng lahat ng nalilingid.” |
قُلْ جَاءَ الْحَقُّ وَمَا يُبْدِئُ الْبَاطِلُ وَمَا يُعِيدُ(49) Ipagbadya (O Muhammad): “Ang Katotohanan (ang Qur’an at inspirasyon mula kay Allah) ay dumatal na at ang Al- Batil (kasinungalingan, kabulaanan, Satanas o Iblis) ay hindi makakagawa ng anuman o makapagbabalik ng buhay (ng anuman).” |
قُلْ إِن ضَلَلْتُ فَإِنَّمَا أَضِلُّ عَلَىٰ نَفْسِي ۖ وَإِنِ اهْتَدَيْتُ فَبِمَا يُوحِي إِلَيَّ رَبِّي ۚ إِنَّهُ سَمِيعٌ قَرِيبٌ(50) Ipagbadya: “Kung ako (man) ay naliligaw, ako ay maliligaw lamang sa kapariwaraan ng aking sariling kaluluwa; datapuwa’t kung ako ay patuloy na napapatnubayan; ito ay dahilan sa inspirasyon na ipinagkaloob sa akin ng aking Panginoon; katotohanang Siya ang Ganap na Nakakarinig at Laging Malapit (sa lahat ng bagay).” |
وَلَوْ تَرَىٰ إِذْ فَزِعُوا فَلَا فَوْتَ وَأُخِذُوا مِن مَّكَانٍ قَرِيبٍ(51) Kung inyo lamang mapagmamasdan sa sandaling sila ay magimbal sa pagkatakot, datapuwa’t (sila) ay walang matatakasan, at sila ay sasakmalin mula sa malapit na lugar |
وَقَالُوا آمَنَّا بِهِ وَأَنَّىٰ لَهُمُ التَّنَاوُشُ مِن مَّكَانٍ بَعِيدٍ(52) At sila ay magsasabi (sa Kabilang Buhay): “Kami ay sumasampalataya (na ngayon) sa (katotohanan); datapuwa’t paano nila matatanggap (ang Pananampalataya at ang pagdinig ni Allah sa kanilang pagtitika), sa pook ng katayuan na lubhang malayo (alalaong baga, ang muling makabalik sa dating buhay sa mundo) |
وَقَدْ كَفَرُوا بِهِ مِن قَبْلُ ۖ وَيَقْذِفُونَ بِالْغَيْبِ مِن مَّكَانٍ بَعِيدٍ(53) Katotohanang sila ay nagtakwil sa pananampalataya (sa Kaisahan ni Allah, sa Islam, sa Qur’an at kay Muhammad nang lubusan), noon (sa mundong ito), at sila ay nag-alinlangan (tungkol) sa bagay na nakalingid (alalaong baga, ang Kabilang Buhay, Impiyerno, Paraiso, Muling Pagkabuhay, sa Pangako ni Allah, atbp., sa pagsasabi na ang lahat ng mga ito ay kabulaanan) sa malayong lugar |
وَحِيلَ بَيْنَهُمْ وَبَيْنَ مَا يَشْتَهُونَ كَمَا فُعِلَ بِأَشْيَاعِهِم مِّن قَبْلُ ۚ إِنَّهُمْ كَانُوا فِي شَكٍّ مُّرِيبٍ(54) At sa pagitan nila at ng kanilang pagnanasa (alalaong baga, ang hangaring tumanggap sa Pananampalataya) ay ititindig ang isang sagka, na tulad din nang ginawa sa mga unang tao na kanilang kauri. Katotohanang sila ay nasa malaking pag-aalinlangan |