Surah Al-Qalam
PDF —
52 Talata Meccan PDF
Built right in your browser — download starts automatically

Surah Al-Qalam pdf — I-download (Filipino)

Surah Al-Qalam pdf Filipino — I-download Surah Al-Qalam Salin. Al-Qalam (Meccan) 52 Talata.

Related



Surah Al-Qalam
52 Talata · Meccan · Filipino
bismillah
ﮉﮊﮋﮌﮍﮎ
Nun (titik Na). Sa pamamagitan ng Panulat at sa isinulat (ng mga anghel) sa (Talaan ng mga tao)
ﮏﮐﮑﮒﮓﮔ
Ikaw nga (o Muhammad), sa pamamagitan ng biyaya ng iyong Panginoon ay hindi isang baliw
ﮕﮖﮗﮘﮙﮚ
Katotohanan na sasaiyo (O Muhammad), ang gantimpala na walang maliw
ﮛﮜﮝﮞﮟ
At katotohanang ikaw (o Muhammad) aynag-aangkinngkapuri-puringasalatmataas na pamantayan ng pag-uugali
ﮠﮡﮢ
Hindi maglalaon na iyong mapagmamasdan at kanilang mapagmamasdan
ﮣﮤﮥ
Kung sino sa inyo ang inaalihan ng pagkabaliw
ﮦﮧﮨﮩﮪﮫﮬﮭﮮﮯﮰﮱ
Katotohanan, ang iyong Panginoon ang lubos na nakakaalam kung sino (sa karamihan ng mga tao) ang napaligaw sa Tamang Landas at lubos Niyang talastas kung sino sa inyo ang sumusunod sa Tamang Patnubay
ﯓﯔﯕﯖ
Kaya’t huwag mong sundin (O Muhammad) ang mga nagtatatwa (sa Kaisahan ni Allah at nagpapabulaan sa Kanyang mga Talata, sa Kanyang Tagapagbalitang si Muhammad, atbp)
ﯗﯘﯙﯚﯛ
Ang kanilang hangarin ay pumayag ka na makipagkasundo sa kanila (sa pananampalataya mula sa iyong kagandahang loob), kaya’t sila (rin) ay makikipagkasundo sa iyo
ﯜﯝﯞﯟﯠﯡ
At huwag mong dinggin ang mga tao na nanunumpa ng lubhang marami (sa kasinungalingan), at maipapalagay na walang halaga
ﯢﯣﯤﯥ
Na mapangwasak (sa katotohanan) at nagkakalat ng paninirang-puri
ﯦﯧﯨﯩﯪ
Na pumipigil sa mga kabutihan at lumalabag (sa utos) sa pagiging palalo, at nababalot ng mga kasalanan
ﯫﯬﯭﯮﯯ
Marahas (at malupit), at sa lahat ng mga ito, ay may alinlangan sa pagkapanganak (anak sa labas)
ﯰﯱﯲﯳﯴﯵ
(Gayon siya), sapagkat siya ay nagtataglay ng mga kayamanan at maraming anak
ﯶﯷﯸﯹﯺﯻﯼﯽ
Na kung ang Aming mga Talata (ng Qur’an) ay ipinaparinig sa kanya, siya ay nagsasabi : “Mga kathang kuwento lamang ng mga tao ng panahong sinauna (lumipas)!”
ﯾﯿﰀﰁ
Tatatakan Namin ang kanyang ilong
ﭑﭒﭓﭔﭕﭖﭗﭘﭙﭚﭛ
Katotohanang Aming sinubukan sila na katulad rin ng ginawa Naming pagsubok sa mga Tao ng Halamanan, nang sila ay magkaisa na kanilang pipitasin ang mga bunga (ng Halamanan) sa kinaumagahan
ﭜﭝﭞ
At sila ay hindi nag- aatubili (kung ito ang Kalooban ni Allah)
ﭟﭠﭡﭢﭣﭤﭥﭦ
At dumating (sa halamanan) ang isang pagdalaw ng inyong Panginoon (na may taglay na bagay, ang Apoy) nang kinagabihan at sumunog sa lahat ng palibot habang sila ay natutulog
ﭧﭨﭩ
Kaya’t sa kinaumagahan, ang halamanan ay natulad sa nasalantang lugar at maitim, (na ang kanyang bunga ay natipon na)
ﭪﭫﭬ
At nang lumiwanag na (ang umaga), sila ay nagtawagan sa isa’t isa
ﭭﭮﭯﭰﭱﭲﭳﭴ
Na nagsasabi: “Kayo ay magsiparoon sa inyong bukirin kung nais ninyong anihin ang mga bunga.”
ﭵﭶﭷﭸ
Kaya’t sila ay nagsilakad na nagsasalitaan ng lihim sa isa’t-isa sa mahinang tinig (na nagsasabi)
ﭹﭺﭻﭼﭽﭾﭿ
Huwag hayaan ang sinumang mahirap na tao na makapasok sa (halamanan) sa araw na ito
ﮀﮁﮂﮃﮄ
At sinimulan nila ang umaga na may matibay na hangarin, na nag-aakala na sila ay may kapangyarihan (na hadlangan ang mahirap sa pagkuha ng anuman sa mga bunga nito)
ﮅﮆﮇﮈﮉﮊ
Ngunit nang kanilang mamasdan (ang halamanan), sila ay nagsipagsabi: “Katotohanang tayo ay napaligaw sa ating patutunguhan!”
ﮋﮌﮍﮎ
(At sila ay nagsabi): “Tunay ngang tayo ay pinagkaitan sa mga bunga (ng ating paghihirap)!”
ﮏﮐﮑﮒﮓﮔﮕﮖ
Ang pinakamagaling (makatarungan) sa kanila ay nagsabi: “Hindi ba aking tinuran sa inyo: Bakit hindi ninyo luwalhatiin si Allah?”
ﮗﮘﮙﮚﮛﮜﮝ
At sila ay nagbadya: “Luwalhatiin ang ating Panginoon! Katotohanang kami ay naging Zalimun (mga mapaggawa ng kamalian, buktot, tampalasan)!”
ﮞﮟﮠﮡﮢﮣ
At sila ay bumaling sa isa’t-isa na nagsasalita ng panunumbat
ﮤﮥﮦﮧﮨﮩ
Na nagsasabi: “Kasawian sa atin! Tunay ngang tayo ay mga Taghub (mapaglabag sa kautusan at palasuway, atbp)
ﮪﮫﮬﮭﮮﮯﮰﮱﯓﯔﯕ
Tayo ay umasam na mangyaring pahintulutan ng ating Panginoon na tayo ay pagkalooban Niya ng higit na mainam (na halamanan) kaysa rito. Katotohanang kami ay nagbalik- loob sa aming Panginoon (na naghahangad ng mabuti na Siya ay magpapatawad sa aming kasalanan at magbibigay ng gantimpala sa Kabilang Buhay).”
ﯖﯗﯘﯙﯚﯛﯜﯝﯞﯟﯠ
At ito ang kaparusahan (sa buhay na ito), datapuwa’t katotohanang higit na matindi ang kaparusahan sa Kabilang Buhay, kung kanila lamang nababatid
ﯡﯢﯣﯤﯥﯦﯧ
Katotohanang sa Muttaqun (mga matutuwid at matimtimang tao na may pagkatakot kay Allah at umiiwas sa lahat ng masama at kasalanan na Kanyang ipinagbawal, at nagmamahal sa Kanya ng labis), ay sasakanila ang Hardin ng Kaligayahan (Paraiso) sa harapan ng kanilang Panginoon
ﯨﯩﯪﯫ
Ituturing ba Namin na magkatulad ang mga sumasampalataya (mga Muslim) sa mga makasalanan (mapagsamba sa diyus-diyosan, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, atbp)
ﯬﯭﯮﯯﯰ
Ano ang nagpapagulo (suliranin) sa inyo? Paano kayo humahatol
ﯱﯲﯳﯴﯵﯶ
At mayroon baga kayong Kasulatan na sa pamamagitan nito, kayo ay may mapag-aaralan
ﯷﯸﯹﯺﯻﯼ
Na sa pamamagitan nito ay mapapasainyo ang anumang inyong piliin
ﯽﯾﯿﰀﰁﰂﰃﰄﰅﰆﰇﰈﰉ
o mayroon ba kayong Kasunduan sa Amin na (inyong) sinumpaan, na makakaabot sa Araw ng Paghuhukom (at magkakaloob) na inyong matatamasa ang anumang inyong hilingin
ﰊﰋﰌﰍﰎ
Iyong tanungin sila (o Muhammad) kung alin sa kanila ang makakapanagot dito
ﰏﰐﰑﰒﰓﰔﰕﰖﰗ
o mayroon ba silang mga katambal (sa Diyos)? Hayaang dalhin nila ang kanilang mga katambal (sa diyos), kung sila ay nagsasabi ng katotohanan
ﰘﰙﰚﰛﰜﰝﰞﰟﰠﰡ
(Alalahanin) ang Araw na ang lulod (alalaong baga, ang pagiging huwad) ay matatambad, at sila ay pag-uutusan na magpatirapa (kay Allah), datapuwa’t (sila na mapagkunwari) ay hindi makakagawa nito
ﭑﭒﭓﭔﭕﭖﭗﭘﭙﭚﭛﭜﭝ
Ang kanilang mga mata ay nakatuon sa lupa, at ang pagkaaba ay bumabalot sa kanila, sapagkat napagtanto nila (na sa buhay sa mundong ito), sila ay pinag-utusan na magpatirapa (sa pag-aalay ng panalangin), habang sila ay buo pa (malusog at mainam) at hindi nasasaktan (subalit sila ay hindi sumunod)
ﭞﭟﭠﭡﭢﭣﭤﭥﭦﭧﭨﭩ
Kaya’t Ako ay hayaan ninyo na humarap sa kanila na nagpasinungaling sa Kapahayagang ito (ang Qur’an). Sila ay Aming parurusahan ng dahan-dahan sa lahat ng paraan na hindi nila napag-uunawa
ﭪﭫﭬﭭﭮﭯﭰ
Ang mahabang pagkakataon (at palugit) ay Aking ipagkakaloob sa kanila. Katotohanan, ang Aking balak ay makapangyarihan
ﭱﭲﭳﭴﭵﭶﭷﭸ
o ikaw ba (o Muhammad) ay humingi ng ganting biyaya sa kanila, kaya’t sila ay nasadlak sa mabigat na pagkakautang
ﭹﭺﭻﭼﭽﭾ
o nasa kanila bang mga kamay ang susi ng Al-Ghaib (mga nalilingid na bagay), upang ito ay kanilang maisulat
ﭿﮀﮁﮂﮃﮄﮅﮆﮇﮈﮉﮊ
Kaya’t maghintay ng may pagtitiyaga sa Pasya ng iyong Panginoon, at huwag matulad sa Kasamahan ng Isda, nang siya ay manikluhod (sa Amin) samantalang siya ay nasa matinding kapighatian. (Tunghayan ang Qur’an)
ﮋﮌﮍﮎﮏﮐﮑﮒﮓﮔﮕ
Kung nangyaring ang Biyaya ng kanyang Panginoon ay hindi sumapit sa kanya, katotohanang siya (ay naiwan sa tiyan ng Isda, datapuwa’t Aming pinatawad siya), kaya’t siya ay itinapon sa hantad na dalampasigan habang siya ang dapat sisihin
ﮖﮗﮘﮙﮚﮛ
Datapuwa’t pinili siya ng kanyang Panginoon at inihanay siya sa lipon ng mga matutuwid
ﮜﮝﮞﮟﮠﮡﮢﮣﮤﮥﮦﮧﮨ
At katotohanan, ang mga hindi sumasampalataya ay halos palagpasin ka ( o mabilis na makaraan) sa pamamagitan ng kanilang namumuhing mga mata kung kanilang napapakinggan ang Paala-ala (ang Babala, ang Qur’an) at sila ay nagsasabi: “Katotohanang siya (Muhammad) ay isang baliw!”
ﮩﮪﮫﮬﮭﮮ
Datapuwa’t ito ay wala ng iba, maliban na isang Paala-ala sa lahat ng mga nilalang

Banal na Quran


Tuesday, August 18, 2026

Don't forget us in your sincere prayers