An-Nur · 34/64
Salin Transliterasyon — An-Nur
وَلَقَدْ أَنزَلْنَا إِلَيْكُمْ آيَاتٍ مُّبَيِّنَاتٍ وَمَثَلًا مِّنَ الَّذِينَ خَلَوْا مِن قَبْلِكُمْ وَمَوْعِظَةً لِّلْمُتَّقِينَ ٣٤
Transliteration
Wa laqad anzalnaaa ilaikum Aayaatim mubaiyinaatinw wa masalam minnal lazeena khalaw min qablikum wa maw`izatal lilmuttaqeen
Salin (Sa Filipino)
📖 Sa Filipino
At katotohanang ipinanaog Namin sa inyo ang Ayat (mga katibayan, tanda, aral, talata, atbp.) na nagsasaad upang maging malinaw ang lahat, at ang halimbawa ng (mga tao) na pumanaw nang una pa sa inyo, at bilang isang paala-ala sa Muttaqun (mga matatapat at matimtimang tao na lubos na nangangamba kay Allah, na umiiwas sa lahat ng uri ng kasalanan at kasamaan na Kanyang ipinagbawal at labis na nagmamahal kay Allah, at nagsasagawa ng lahat ng uri ng mabubuting gawa na Kanyang ipinag-utos)
Additional reference in Melayu
🎧 Pakinggan
📜 Talata 32-36 — An-Nur
32وَأَنكِحُوا الْأَيَامَىٰ مِنكُمْ وَالصَّالِحِينَ مِنْ عِبَادِكُمْ وَإِمَائِكُمْ ۚ إِن يَكُونُوا فُقَرَاءَ يُغْنِهِمُ اللَّهُ مِن فَضْلِهِ ۗ وَاللَّهُ وَاسِعٌ عَلِيمٌ
At inyong pangasawahin sa lipon ninyo ang mga wala pang pananagutan (isang lalaki na wala pang asawa at isang babae na wala pang asawa), gayundin ay inyong pangasawahin ang Salihun (matapat, matimtiman at may kakayahan) sa inyong mga aliping (lalaki) at mga katulong (na aliping babae). Kung sila ay maralita, si Allah ang magkakaloob sa kanila ng yaman mula sa Kanyang Kasaganaan. At si Allah ay Sapat nang Tagapanustos sa lahat ng pangangailangan ng Kanyang mga nilikha, ang Lubos na Maalam (hinggil sa katatayuan ng mga tao)
33وَلْيَسْتَعْفِفِ الَّذِينَ لَا يَجِدُونَ نِكَاحًا حَتَّىٰ يُغْنِيَهُمُ اللَّهُ مِن فَضْلِهِ ۗ وَالَّذِينَ يَبْتَغُونَ الْكِتَابَ مِمَّا مَلَكَتْ أَيْمَانُكُمْ فَكَاتِبُوهُمْ إِنْ عَلِمْتُمْ فِيهِمْ خَيْرًا ۖ وَآتُوهُم مِّن مَّالِ اللَّهِ الَّذِي آتَاكُمْ ۚ وَلَا تُكْرِهُوا فَتَيَاتِكُمْ عَلَى الْبِغَاءِ إِنْ أَرَدْنَ تَحَصُّنًا لِّتَبْتَغُوا عَرَضَ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۚ وَمَن يُكْرِههُّنَّ فَإِنَّ اللَّهَ مِن بَعْدِ إِكْرَاهِهِنَّ غَفُورٌ رَّحِيمٌ
At hayaan sila, na wala pa sa kalagayan ng pangkabuhayang kakayahan upang mag-asawa, na panatilihin ang kanilang sarili na maging malinis, hanggang si Allah ay magkaloob sa kanila ng yaman mula sa Kanyang Kasaganaan. At sa inyong mga alipin na naghahanap ng kasulatan (ng pagpapalaya), ipagkaloob ninyo sa kanila ang gayong kasulatan, kung inyong batid na sila ay mabuti at mapapagkatiwalaan. At inyong pagkalooban sila ng bahagi ng inyong sariling (yaman) mula sa kayamanan na ipinagkaloob (ni Allah) sa inyo. At huwag ninyong ibulid ang inyong mga katulong na babaesaprostitusyon(pagbibilingpanandaliangaliw), kung sila ay naghahangad ng kalinisan, upang kayo ay magkamit (lamang) ng kapakinabangan (sa naglalahong) paninda ng makamundong buhay na ito. Datapuwa’t kung sinuman ang nag-udyok sa kanila (sa prostitusyon o pagbibili ng panandaliang aliw), at matapos ang gayong pamimilit, si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamahabagin (sa gayong mga babae, alalaong baga, Siya ay magpapatawad sa kanila sapagkat sila ay sapilitang pinagawa ng ganitong kasamaan nang laban sa kanilang kagustuhan)
34وَلَقَدْ أَنزَلْنَا إِلَيْكُمْ آيَاتٍ مُّبَيِّنَاتٍ وَمَثَلًا مِّنَ الَّذِينَ خَلَوْا مِن قَبْلِكُمْ وَمَوْعِظَةً لِّلْمُتَّقِينَ
At katotohanang ipinanaog Namin sa inyo ang Ayat (mga katibayan, tanda, aral, talata, atbp.) na nagsasaad upang maging malinaw ang lahat, at ang halimbawa ng (mga tao) na pumanaw nang una pa sa inyo, at bilang isang paala-ala sa Muttaqun (mga matatapat at matimtimang tao na lubos na nangangamba kay Allah, na umiiwas sa lahat ng uri ng kasalanan at kasamaan na Kanyang ipinagbawal at labis na nagmamahal kay Allah, at nagsasagawa ng lahat ng uri ng mabubuting gawa na Kanyang ipinag-utos)
35۞ اللَّهُ نُورُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ مَثَلُ نُورِهِ كَمِشْكَاةٍ فِيهَا مِصْبَاحٌ ۖ الْمِصْبَاحُ فِي زُجَاجَةٍ ۖ الزُّجَاجَةُ كَأَنَّهَا كَوْكَبٌ دُرِّيٌّ يُوقَدُ مِن شَجَرَةٍ مُّبَارَكَةٍ زَيْتُونَةٍ لَّا شَرْقِيَّةٍ وَلَا غَرْبِيَّةٍ يَكَادُ زَيْتُهَا يُضِيءُ وَلَوْ لَمْ تَمْسَسْهُ نَارٌ ۚ نُّورٌ عَلَىٰ نُورٍ ۗ يَهْدِي اللَّهُ لِنُورِهِ مَن يَشَاءُ ۚ وَيَضْرِبُ اللَّهُ الْأَمْثَالَ لِلنَّاسِ ۗ وَاللَّهُ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ
Si Allah ang Liwanag ng kalangitan at kalupaan. Ang kahambing ng Kanyang Liwanag ay katulad (ng wari ba ay) mayroong isang lumbo at sa loob nito ay mayroong ilawan, ang ilawan ay nasa loob ng isang salamin, ang salamin ay tila ba isang maningning na bituin, na sinindihan mula sa pinagpalang puno, isang oliba, hindi mula sa silangan (alalaong baga, hindi ito kumukuha ng liwanag ng araw lamang sa umaga), gayundin, hindi mula sa kanluran (alalaong baga, hindi ito kumukuha ng liwanag ng araw lamang sa hapon, bagkus ito ay nakalantad sa araw sa buong maghapon), na ang (kanyang) langis ay mangyayaring magpatuloy na mag-apoy (magningning) [mula sa kanyang sarili], bagama’t walang apoy ang nagsisindi rito. Liwanag mula sa Liwanag! Si Allah ang namamatnubay sa Kanyang Liwanag sa sinumang Kanyang maibigan. At si Allah ay nagpapamalas ng mga paghahambing sa sangkatauhan, at si Allah ang Lubos na Nakakaalam ng lahat ng bagay
36فِي بُيُوتٍ أَذِنَ اللَّهُ أَن تُرْفَعَ وَيُذْكَرَ فِيهَا اسْمُهُ يُسَبِّحُ لَهُ فِيهَا بِالْغُدُوِّ وَالْآصَالِ
Sa mga tahanan (moske) na ipinag-utos ni Allah na itindig, na linisin at parangalan, sa mga ito, ang Kanyang Pangalan ay niluluwalhati sa maraming umaga, sa maraming hapon, at sa maraming gabi
An-NurTalaan ng Quran
64Talata
MedinanRevelation
34Talata
Salin — An-Nur 34
Surah An-Nur Talata 34 - Basahin, Pakinggan, Salin, Filipino : At katotohanang ipinanaog Namin sa inyo ang Ayat (mga katibayan,…Surah Talata 34/64 — An-Nur النور (Medinan). Basahin Pakinggan Salin (Filipino). Pakinggan: An-Nur Pakinggan, An-Nur Salin, An-Nur mp3, An-Nur pdf. Talata 32–36. Sa Filipino: Melayu.
العربية
English
Bahasa Indonesia
Türkçe
Русский
فارسی
Français
اردو
বাংলা
Deutsch
Español
中文
हिन्दी
Português
Italiano
ภาษาไทย
Polski
Nederlands
Shqip
Kiswahili
O'zbek
தமிழ்
Melayu
Bosanski
Soomaali
Azərbaycan
کوردی
한국어
日本語
Svenska
Dansk
Norsk
پښتو
മലയാളം
සිංහල
Tamazight
Hausa
አማርኛ
Български
Тоҷикӣ
Қазақша
Filipino
سنڌي
Yorùbá
Fulfulde
Татарча
ئۇيغۇرچە
Кыргызча
ਪੰਜਾਬੀ
Jawa
తెలుగు
မြန်မာ
ગુજરાતી
Oromo
मराठी
Tiếng Việt
Malagasy
Нохчийн
Wolof
ދިވެހި
ಕನ್ನಡ
Українська
Ελληνικά
ქართული
ខ្មែរ
دری
Qafar af
Maranao
नेपाली
Banal na Quran
Tuesday, August 18, 2026
Don't forget us in your sincere prayers








