Al-Baqarah · 178/286
Salin Transliterasyon — Al-Baqarah
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ كُتِبَ عَلَيۡكُمُ ٱلۡقِصَاصُ فِي ٱلۡقَتۡلَىۖ ٱلۡحُرُّ بِٱلۡحُرِّ وَٱلۡعَبۡدُ بِٱلۡعَبۡدِ وَٱلۡأُنثَىٰ بِٱلۡأُنثَىٰۚ فَمَنۡ عُفِيَ لَهُۥ مِنۡ أَخِيهِ شَيۡءٌ فَٱتِّبَاعُۢ بِٱلۡمَعۡرُوفِ وَأَدَآءٌ إِلَيۡهِ بِإِحۡسَٰنٍۗ ذَٰلِكَ تَخۡفِيفٌ مِّن رَّبِّكُمۡ وَرَحۡمَةٌۗ فَمَنِ ٱعۡتَدَىٰ بَعۡدَ ذَٰلِكَ فَلَهُۥ عَذَابٌ أَلِيمٌ  ۝١٧٨
Yaaa ayyuhal lazeena aamanoo kutiba alaikumul qisaasu fil qatlaa alhurru bilhurri wal`abdu bil`abdi wal unsaa bil unsaa; faman `ufiya lahoo min akheehi shai`un fattibaa`um bilma`roofi wa adaaa`un ilaihi bi ihsaan; zaalika takhfeefum mir rahbikum wa rahmah; famani` tadaa ba`da zaalika falahoo `azaabun aleem
📖 Sa Filipino
o kayong nagsisisampalataya! Ang Qisas (ang Batas ng Pagkakapantay-pantay sa kaparusahan) ay itinalaga sa inyo sa kaso ng pagpatay; ang kalayaan sa kalayaan, ang alipin sa alipin, ang babae sa babae. Datapuwa’t kung ang pagpapatawad ay iginawad ng mga kamag-anak (o isa sa kanila) ng napaslang sa kanilang kapatid (ang nakapatay o pumatay) [alalaong baga, huwag patayin ang pumatay o nakapatay, bagkus ay tumanggap ng kabayaran sa dugo sa kaso ng sinadyang pagpatay] kung gayon, ang mga kamag-anak (ng napatay na tao) ay marapat na humingi ng kabayaran sa dugo sa makatuwirang hiling (kabayaran) at ang nakapatay ay marapat na magbayad at magsukli ng magandang pagtingin ng pasasalamat. Ito ay isang kaginhawahan (pagpapalubag ng loob) at habag mula sa inyong Panginoon. At matapos ito, sinumang lumagpas sa hangganan (at nagmalabis, alalaong baga, ang pumatay sa nakapatay matapos na tanggapin ang kabayaran sa dugo), siya ay tatanggap ng kasakit-sakit na kaparusahan
🎧 Pakinggan

📜 Talata 176-180 — Al-Baqarah

176ذَٰلِكَ بِأَنَّ ٱللَّهَ نَزَّلَ ٱلۡكِتَٰبَ بِٱلۡحَقِّۗ وَإِنَّ ٱلَّذِينَ ٱخۡتَلَفُواْ فِي ٱلۡكِتَٰبِ لَفِي شِقَاقِۭ بَعِيدٍ 
Ito’y sa dahilang ipinadala niAllah angAklat (ang Qur’an) sa katotohanan. At katotohanan, ang mga nagsisipagtalo- talo tungkol sa Aklat ay malayong-malayo na sa pagtutol
177۞ لَّيۡسَ ٱلۡبِرَّ أَن تُوَلُّواْ وُجُوهَكُمۡ قِبَلَ ٱلۡمَشۡرِقِ وَٱلۡمَغۡرِبِ وَلَٰكِنَّ ٱلۡبِرَّ مَنۡ ءَامَنَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ وَٱلۡكِتَٰبِ وَٱلنَّبِيِّـۧنَ وَءَاتَى ٱلۡمَالَ عَلَىٰ حُبِّهِۦ ذَوِي ٱلۡقُرۡبَىٰ وَٱلۡيَتَٰمَىٰ وَٱلۡمَسَٰكِينَ وَٱبۡنَ ٱلسَّبِيلِ وَٱلسَّآئِلِينَ وَفِي ٱلرِّقَابِ وَأَقَامَ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتَى ٱلزَّكَوٰةَ وَٱلۡمُوفُونَ بِعَهۡدِهِمۡ إِذَا عَٰهَدُواْۖ وَٱلصَّٰبِرِينَ فِي ٱلۡبَأۡسَآءِ وَٱلضَّرَّآءِ وَحِينَ ٱلۡبَأۡسِۗ أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ صَدَقُواْۖ وَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُتَّقُونَ 
Hindi isang Al-Birr (kabutihan, kabanalan, katuwiran, at lahat ng gawa ng pagsunod kay Allah, atbp.) na ilingon ninyo ang inyong mukha sa Silangan o Kanluran (sa pananalangin), datapuwa’t Al-Birr (ang katangian) ng sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw, at sa mga Anghel, at sa Aklat, at sa mga Tagapagbalita; at gumugugol ng kanyang yaman dahil sa pagmamahal sa Kanya, sa mga kamag-anak, sa mga ulila, sa mga nangangailangan, sa mga naglalakbay (na walang matuluyan), sa mga humihingi, at sa pagpapalaya ng mga alipin; ang maging matimtiman sa pananalangin nang mahinusay (Iqamat-as-Salah), at nagkakaloob ng Zakah (katungkulang kawanggawa), at tumutupad sa kasunduan na kanilang ginawa; at matatag at matiyagasamatindingkahirapanatkaramdaman, atsalahat ng panahon ng kagipitan (sa pakikibaka o pakikipaglaban sa digmaan). Sila ang mga tao ng katotohanan, at sila ang Al- Muttaqun (mga may pagkatakot kay Allah, matimtiman, matuwid, banal, mabuti, atbp)
178يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ كُتِبَ عَلَيۡكُمُ ٱلۡقِصَاصُ فِي ٱلۡقَتۡلَىۖ ٱلۡحُرُّ بِٱلۡحُرِّ وَٱلۡعَبۡدُ بِٱلۡعَبۡدِ وَٱلۡأُنثَىٰ بِٱلۡأُنثَىٰۚ فَمَنۡ عُفِيَ لَهُۥ مِنۡ أَخِيهِ شَيۡءٌ فَٱتِّبَاعُۢ بِٱلۡمَعۡرُوفِ وَأَدَآءٌ إِلَيۡهِ بِإِحۡسَٰنٍۗ ذَٰلِكَ تَخۡفِيفٌ مِّن رَّبِّكُمۡ وَرَحۡمَةٌۗ فَمَنِ ٱعۡتَدَىٰ بَعۡدَ ذَٰلِكَ فَلَهُۥ عَذَابٌ أَلِيمٌ 
o kayong nagsisisampalataya! Ang Qisas (ang Batas ng Pagkakapantay-pantay sa kaparusahan) ay itinalaga sa inyo sa kaso ng pagpatay; ang kalayaan sa kalayaan, ang alipin sa alipin, ang babae sa babae. Datapuwa’t kung ang pagpapatawad ay iginawad ng mga kamag-anak (o isa sa kanila) ng napaslang sa kanilang kapatid (ang nakapatay o pumatay) [alalaong baga, huwag patayin ang pumatay o nakapatay, bagkus ay tumanggap ng kabayaran sa dugo sa kaso ng sinadyang pagpatay] kung gayon, ang mga kamag-anak (ng napatay na tao) ay marapat na humingi ng kabayaran sa dugo sa makatuwirang hiling (kabayaran) at ang nakapatay ay marapat na magbayad at magsukli ng magandang pagtingin ng pasasalamat. Ito ay isang kaginhawahan (pagpapalubag ng loob) at habag mula sa inyong Panginoon. At matapos ito, sinumang lumagpas sa hangganan (at nagmalabis, alalaong baga, ang pumatay sa nakapatay matapos na tanggapin ang kabayaran sa dugo), siya ay tatanggap ng kasakit-sakit na kaparusahan
179وَلَكُمۡ فِي ٱلۡقِصَاصِ حَيَوٰةٌ يَٰٓأُوْلِي ٱلۡأَلۡبَٰبِ لَعَلَّكُمۡ تَتَّقُونَ 
At sa Al-Qisas (Batas ng Pagkakapantay-pantay sa kaparusahan) ay mayroong (pagliligtas) ng buhay sa inyo, o kayong mga tao na may pang-unawa, upang kayo ay maging Al-Mutaqqun (magkaroon ng kabanalan, kabutihan, katuwiran, atbp)
180كُتِبَ عَلَيۡكُمۡ إِذَا حَضَرَ أَحَدَكُمُ ٱلۡمَوۡتُ إِن تَرَكَ خَيۡرًا ٱلۡوَصِيَّةُ لِلۡوَٰلِدَيۡنِ وَٱلۡأَقۡرَبِينَ بِٱلۡمَعۡرُوفِۖ حَقًّا عَلَى ٱلۡمُتَّقِينَ 
Ito ay itinatalaga sa inyo: kung ang kamatayan ay sumapit sa isa sa inyo, at kung siya ay nakaiwan ng kayamanan; na siya ay magpamana sa (kanyang) magulang at malalapit na kamag-anak ng ayon sa katamtamang paraan (o paggamit). Ito ay isang tungkulin ng Al-Muttaqun (mga may damdamin ng kabanalan at katuwiran)
Al-BaqarahTalaan ng Quran
286Talata
MedinanRevelation
178Talata

Salin — Al-Baqarah 178

Surah Talata 178/286 — Al-Baqarah البقرة (Medinan). Basahin Pakinggan Salin (Filipino). Pakinggan: Al-Baqarah Pakinggan, Al-Baqarah Salin, Al-Baqarah mp3, Al-Baqarah pdf. Talata 176–180. Sa Filipino: Melayu.




Banal na Quran


Tuesday, August 18, 2026

Don't forget us in your sincere prayers