An-Nur · 32/64
Salin Transliterasyon — Surah An-Nur
وَأَنكِحُوا الْأَيَامَىٰ مِنكُمْ وَالصَّالِحِينَ مِنْ عِبَادِكُمْ وَإِمَائِكُمْ ۚ إِن يَكُونُوا فُقَرَاءَ يُغْنِهِمُ اللَّهُ مِن فَضْلِهِ ۗ وَاللَّهُ وَاسِعٌ عَلِيمٌ ۝٣٢
Wa ankihul ayaamaa minkum was saaliheena min `ibaadikum wa imaa`kum; iny-yakoonoo fuqaraaa`a yughni himul laahu min fadlih; wal laahu Waasi`un `Aleem
📖 Sa Filipino
At inyong pangasawahin sa lipon ninyo ang mga wala pang pananagutan (isang lalaki na wala pang asawa at isang babae na wala pang asawa), gayundin ay inyong pangasawahin ang Salihun (matapat, matimtiman at may kakayahan) sa inyong mga aliping (lalaki) at mga katulong (na aliping babae). Kung sila ay maralita, si Allah ang magkakaloob sa kanila ng yaman mula sa Kanyang Kasaganaan. At si Allah ay Sapat nang Tagapanustos sa lahat ng pangangailangan ng Kanyang mga nilikha, ang Lubos na Maalam (hinggil sa katatayuan ng mga tao)

🎧 Pakinggan
📜

Salin — Tafsir

Mga Kahulugan ng mga Salita:

  • Al-Ayama (الأَيَامَى): Ang mga walang asawa, maging lalaki man o babae, balo man o binata/dalaga.
  • As-Salihin (الصَّالِحِينَ): Ang mga mabubuti at may takot sa Allah.
  • Imaikum (إِمَائِكُمْ): Ang inyong mga babaeng alipin (aliping babae).
  • Wasi'un (وَاسِعٌ): Ang Kanyang biyaya at kabutihan ay walang hanggan at hindi nauubos.
  • 'Alim (عَلِيمٌ): Ang Nakababatid sa lahat ng kalagayan ng Kanyang mga nilikha.

Interpretasyon ng Talata:

O mga mananampalataya, pangasawahin ninyo ang mga walang asawa sa inyo — maging sila man ay mga lalaking walang asawa o mga babaeng balo o dalaga — at pangasawahin din ninyo ang mga mabubuting lalaki at babaeng alipin na inyong pag-aari. Huwag hadlangan ng kahirapan o kawalan ng kayamanan ang pagpapakasal, sapagkat kung ang nagnanais na magpakasal ay dukha o mahirap, ang Allah ay magbibigay sa kanila ng kasaganaan mula sa Kanyang walang hanggang biyaya at kabutihang-loob. Ang Allah ay may malawak na kabutihan at hindi nauubos ang Kanyang mga biyaya, at Siya ay Ganap na Nakababatid sa mga kalagayan ng Kanyang mga lingkod — nalalaman Niya kung sino ang karapat-dapat sa kasaganaan at kung sino ang hindi. Kaya't huwag hayaang ang takot sa kahirapan ay pumigil sa inyo sa pagsasagawa ng kasal, sapagkat ang panustos ay nasa kamay ng Allah, at ang pagpapakasal ay isang paraan ng pagkamit ng Kanyang biyaya.

Mga Aral na Mapupulot:

  1. Ang pagpapakasal ay isang dakilang gawain na naglalapit sa tao sa Allah, at ito ay isang paraan ng pagpapanatili ng kalinisan ng pagkatao at pag-iwas sa kasalanan.
  2. Ang kahirapan ay hindi dapat maging hadlang sa pagpapakasal; ang tunay na nagkakaloob ng kabuhayan ay ang Allah, at Siya ay may kakayahang magbigay ng yaman sa sinumang Kanyang nais.
  3. Ang Islam ay nagtuturo ng pagkakapantay-pantay — ang pagpapakasal sa mga alipin na may mabuting pananampalataya ay itinaguyod, na nagpapakita na ang dangal ng isang tao ay nasa kanyang takot sa Allah, hindi sa kanyang katayuan sa lipunan.
  4. Ang pagtulong sa mga walang asawa upang makapag-asawa ay isang kawanggawa na may malaking gantimpala, at ito ay nagpapalaganap ng pagmamahalan at pagkakaisa sa lipunan.
  5. Ang talatang ito ay nagbibigay ng pag-asa sa mga mahihirap — na ang kahirapan ay hindi permanente, at ang Allah ay may nakalaang biyaya para sa mga nagtitiwala sa Kanya.


📜 Talata 30-34 — Surah An-Nur

30قُل لِّلْمُؤْمِنِينَ يَغُضُّوا مِنْ أَبْصَارِهِمْ وَيَحْفَظُوا فُرُوجَهُمْ ۚ ذَٰلِكَ أَزْكَىٰ لَهُمْ ۗ إِنَّ اللَّهَ خَبِيرٌ بِمَا يَصْنَعُونَ
Ipahayagsamgasumasampalatayanglalakinaibabanila ang kanilang paningin (sa pagtingin sa mga ipinagbabawal na bagay), at pangalagaan ang kanilang pribadong bahagi (ng katawan, sa mga ipinagbabawal na relasyong seksuwal, atbp.). Ito ay higit na dalisay para sa kanila. Katotohanang si Allah ang Ganap na Nakakatalos ng kanilang ginagawa
31وَقُل لِّلْمُؤْمِنَاتِ يَغْضُضْنَ مِنْ أَبْصَارِهِنَّ وَيَحْفَظْنَ فُرُوجَهُنَّ وَلَا يُبْدِينَ زِينَتَهُنَّ إِلَّا مَا ظَهَرَ مِنْهَا ۖ وَلْيَضْرِبْنَ بِخُمُرِهِنَّ عَلَىٰ جُيُوبِهِنَّ ۖ وَلَا يُبْدِينَ زِينَتَهُنَّ إِلَّا لِبُعُولَتِهِنَّ أَوْ آبَائِهِنَّ أَوْ آبَاءِ بُعُولَتِهِنَّ أَوْ أَبْنَائِهِنَّ أَوْ أَبْنَاءِ بُعُولَتِهِنَّ أَوْ إِخْوَانِهِنَّ أَوْ بَنِي إِخْوَانِهِنَّ أَوْ بَنِي أَخَوَاتِهِنَّ أَوْ نِسَائِهِنَّ أَوْ مَا مَلَكَتْ أَيْمَانُهُنَّ أَوِ التَّابِعِينَ غَيْرِ أُولِي الْإِرْبَةِ مِنَ الرِّجَالِ أَوِ الطِّفْلِ الَّذِينَ لَمْ يَظْهَرُوا عَلَىٰ عَوْرَاتِ النِّسَاءِ ۖ وَلَا يَضْرِبْنَ بِأَرْجُلِهِنَّ لِيُعْلَمَ مَا يُخْفِينَ مِن زِينَتِهِنَّ ۚ وَتُوبُوا إِلَى اللَّهِ جَمِيعًا أَيُّهَ الْمُؤْمِنُونَ لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ
At ipahayag sa mga sumasampalatayang babae na ibaba nila ang kanilang paningin (sa pagtingin sa mga ipinagbabawal na bagay) at pangalagaan ang kanilang pribadong bahagi (ng katawan, sa mga ipinagbabawal na relasyong seksuwal, atbp.) at huwag ilantad ang kanilang mga palamuti maliban (lamang) kung ano ang sadyang nakalitaw (katulad ng palad, o mata o dalawang mata upang makita ang daan, o ang panglabas na kasuutan katulad ng belo o takip ng ulo, guwantes, atbp.) at iladlad ang kanilang belo sa buong Juyubihinna (alalaong baga, sa kanilang katawan, mukha, leeg, dibdib, atbp.) at huwag ilantad ang kanilang palamuti maliban lamang sa kanilang asawa, sa kanilang ama, sa ama ng kanilang asawa, sa kanilang anak na lalaki, sa anak na lalaki ng kanilang asawa, sa kanilang kapatid na lalaki at sa mga anak na lalaki ng kanilang kapatid, o sa mga anak na lalaki ng kanilang kapatid na babae, o sa mga kababaihang [Muslim], (alalaong baga, sa kanilang mga kapatid na babae sa Islam), o sa mga (babaeng) alipin na angkin ng kanilang kanang kamay, o mga katulong na matatandang lalaki na hindi na mapusok, o maliliit na batang (lalaki) na wala pang muwang sa kahihiyan sa bagay na seksuwal. At huwag hayaan na ipadyak nila ang kanilang paa upang malantad ang anumang natatago nilang palamuti. At manikluhod kay Allah na kayo ay patawarin (Niyang) lahat, o mga sumasampalataya!, upang kayo ay magsipagtagumpay
32وَأَنكِحُوا الْأَيَامَىٰ مِنكُمْ وَالصَّالِحِينَ مِنْ عِبَادِكُمْ وَإِمَائِكُمْ ۚ إِن يَكُونُوا فُقَرَاءَ يُغْنِهِمُ اللَّهُ مِن فَضْلِهِ ۗ وَاللَّهُ وَاسِعٌ عَلِيمٌ
At inyong pangasawahin sa lipon ninyo ang mga wala pang pananagutan (isang lalaki na wala pang asawa at isang babae na wala pang asawa), gayundin ay inyong pangasawahin ang Salihun (matapat, matimtiman at may kakayahan) sa inyong mga aliping (lalaki) at mga katulong (na aliping babae). Kung sila ay maralita, si Allah ang magkakaloob sa kanila ng yaman mula sa Kanyang Kasaganaan. At si Allah ay Sapat nang Tagapanustos sa lahat ng pangangailangan ng Kanyang mga nilikha, ang Lubos na Maalam (hinggil sa katatayuan ng mga tao)
33وَلْيَسْتَعْفِفِ الَّذِينَ لَا يَجِدُونَ نِكَاحًا حَتَّىٰ يُغْنِيَهُمُ اللَّهُ مِن فَضْلِهِ ۗ وَالَّذِينَ يَبْتَغُونَ الْكِتَابَ مِمَّا مَلَكَتْ أَيْمَانُكُمْ فَكَاتِبُوهُمْ إِنْ عَلِمْتُمْ فِيهِمْ خَيْرًا ۖ وَآتُوهُم مِّن مَّالِ اللَّهِ الَّذِي آتَاكُمْ ۚ وَلَا تُكْرِهُوا فَتَيَاتِكُمْ عَلَى الْبِغَاءِ إِنْ أَرَدْنَ تَحَصُّنًا لِّتَبْتَغُوا عَرَضَ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۚ وَمَن يُكْرِههُّنَّ فَإِنَّ اللَّهَ مِن بَعْدِ إِكْرَاهِهِنَّ غَفُورٌ رَّحِيمٌ
At hayaan sila, na wala pa sa kalagayan ng pangkabuhayang kakayahan upang mag-asawa, na panatilihin ang kanilang sarili na maging malinis, hanggang si Allah ay magkaloob sa kanila ng yaman mula sa Kanyang Kasaganaan. At sa inyong mga alipin na naghahanap ng kasulatan (ng pagpapalaya), ipagkaloob ninyo sa kanila ang gayong kasulatan, kung inyong batid na sila ay mabuti at mapapagkatiwalaan. At inyong pagkalooban sila ng bahagi ng inyong sariling (yaman) mula sa kayamanan na ipinagkaloob (ni Allah) sa inyo. At huwag ninyong ibulid ang inyong mga katulong na babaesaprostitusyon(pagbibilingpanandaliangaliw), kung sila ay naghahangad ng kalinisan, upang kayo ay magkamit (lamang) ng kapakinabangan (sa naglalahong) paninda ng makamundong buhay na ito. Datapuwa’t kung sinuman ang nag-udyok sa kanila (sa prostitusyon o pagbibili ng panandaliang aliw), at matapos ang gayong pamimilit, si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamahabagin (sa gayong mga babae, alalaong baga, Siya ay magpapatawad sa kanila sapagkat sila ay sapilitang pinagawa ng ganitong kasamaan nang laban sa kanilang kagustuhan)
34وَلَقَدْ أَنزَلْنَا إِلَيْكُمْ آيَاتٍ مُّبَيِّنَاتٍ وَمَثَلًا مِّنَ الَّذِينَ خَلَوْا مِن قَبْلِكُمْ وَمَوْعِظَةً لِّلْمُتَّقِينَ
At katotohanang ipinanaog Namin sa inyo ang Ayat (mga katibayan, tanda, aral, talata, atbp.) na nagsasaad upang maging malinaw ang lahat, at ang halimbawa ng (mga tao) na pumanaw nang una pa sa inyo, at bilang isang paala-ala sa Muttaqun (mga matatapat at matimtimang tao na lubos na nangangamba kay Allah, na umiiwas sa lahat ng uri ng kasalanan at kasamaan na Kanyang ipinagbawal at labis na nagmamahal kay Allah, at nagsasagawa ng lahat ng uri ng mabubuting gawa na Kanyang ipinag-utos)
An-NurTalaan ng Quran
64Talata
MedinanRevelation
32Talata

Salin — An-Nur 32

Surah An-Nur Talata 32 - Basahin, Pakinggan, Salin, Filipino : At inyong pangasawahin sa lipon ninyo ang mga wala pang…

Surah Talata 32/64 — Surah An-Nur النور (Medinan). Basahin Pakinggan Salin (Filipino). Pakinggan: Surah An-Nur Pakinggan, Surah An-Nur Salin, Surah An-Nur mp3, Surah An-Nur pdf. Talata 30–34. Sa Filipino: Melayu.




Banal na Quran


Tuesday, September 8, 2026

Don't forget us in your sincere prayers