Taha suresi çevirisi Filipince

  1. Suresi mp3
  2. Başka bir sure
  3. Filipince
Kuranı Kerim türkçe meali | Kur'an çevirileri | Filipince dili | Taha Suresi | طه - Ayet sayısı 135 - Moshaf'taki surenin numarası: 20 - surenin ingilizce anlamı: Ta-Ha.

طه(1)

 Ta, Ha (mga titik Ta, Ha)

مَا أَنزَلْنَا عَلَيْكَ الْقُرْآنَ لِتَشْقَىٰ(2)

 Hindi Namin ipinanaog ang Qur’an sa iyo (O Muhammad) upang ikaw ay bigyan ng siphayo

إِلَّا تَذْكِرَةً لِّمَن يَخْشَىٰ(3)

 Maliban lamang na ito ay isang Paala-ala sa mga may pangangamba (kay Allah)

تَنزِيلًا مِّمَّنْ خَلَقَ الْأَرْضَ وَالسَّمَاوَاتِ الْعُلَى(4)

 Isang kapahayagan mula sa Kanya (Allah) na lumikha ng kalupaan at kalangitan sa kaitaasan

الرَّحْمَٰنُ عَلَى الْعَرْشِ اسْتَوَىٰ(5)

 Ang Pinakamapagbigay (Allah) ay matatag na naka-Istawa (nasa itaas) ng Kanyang (makapangyarihang) Luklukan (sa paraang naaangkop sa Kanyang Kamahalan)

لَهُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا وَمَا تَحْتَ الثَّرَىٰ(6)

 Sa Kanya ang pag-aangkin ng lahat ng nasa kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito at nasa kailaliman ng lupa

وَإِن تَجْهَرْ بِالْقَوْلِ فَإِنَّهُ يَعْلَمُ السِّرَّ وَأَخْفَى(7)

 At kung ikaw (o Muhammad) ay mangusap nang malakas (sa paninikluhod), kung gayon, katotohanang Siya ang nakakaalam ng mga lihim at kung anuman ang nalilingid

اللَّهُ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ۖ لَهُ الْأَسْمَاءُ الْحُسْنَىٰ(8)

 Allah! La ilaha illa Huwa! (Si Allah! Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya)! Sa Kanya ang pag-aangkin ng lahat ng Magagandang Pangalan

وَهَلْ أَتَاكَ حَدِيثُ مُوسَىٰ(9)

 Ang kasaysayan ba ni Moises ay nakarating na sa iyo

إِذْ رَأَىٰ نَارًا فَقَالَ لِأَهْلِهِ امْكُثُوا إِنِّي آنَسْتُ نَارًا لَّعَلِّي آتِيكُم مِّنْهَا بِقَبَسٍ أَوْ أَجِدُ عَلَى النَّارِ هُدًى(10)

 Pagmasdan! Siya ay nakamalas ng apoy, kaya’t sinabi niya sa kanyang pamilya: “Maghintay kayo rito! Katotohanang ako ay nakakita ng apoy. Marahil ay makakapagdala ako sa inyo mula roon ng isang nag-aapoy na bagay o dili kaya, (ako) ay makakatagpo ng ilang patnubay mula sa apoy.”

فَلَمَّا أَتَاهَا نُودِيَ يَا مُوسَىٰ(11)

 Datapuwa’t nang makalapit na siya sa apoy, siya ay tinawag sa pangalan: “o Moises!”

إِنِّي أَنَا رَبُّكَ فَاخْلَعْ نَعْلَيْكَ ۖ إِنَّكَ بِالْوَادِ الْمُقَدَّسِ طُوًى(12)

 Katotohanang Ako ang iyong Panginoon! Kaya’t hubarin mo ang iyong sapatos; ikaw ay nasa sagradong lambak ng Tuwa

وَأَنَا اخْتَرْتُكَ فَاسْتَمِعْ لِمَا يُوحَىٰ(13)

 At ikaw ay Aking hinirang, kaya’t makinig ka sa bagay na sa iyo ay ipapahayag

إِنَّنِي أَنَا اللَّهُ لَا إِلَٰهَ إِلَّا أَنَا فَاعْبُدْنِي وَأَقِمِ الصَّلَاةَ لِذِكْرِي(14)

 Katotohanan! Ako si Allah! La ilaha illa Ana (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Akin). Kaya’t paglingkuran mo (lamang) Ako at magsagawa ka ng palagiang panalangin (Iqamat-as-Salah) bilang pag-aala-ala sa Akin

إِنَّ السَّاعَةَ آتِيَةٌ أَكَادُ أُخْفِيهَا لِتُجْزَىٰ كُلُّ نَفْسٍ بِمَا تَسْعَىٰ(15)

 Katotohanang ang Takdang Sandali ay paparating na, at ito ay Aking sinadya na nalilingid upang ang bawat tao (kaluluwa) ay makatanggap ng kanyang gantimpala ayon sa sukat ng kanyang pinagsumikapan

فَلَا يَصُدَّنَّكَ عَنْهَا مَن لَّا يُؤْمِنُ بِهَا وَاتَّبَعَ هَوَاهُ فَتَرْدَىٰ(16)

 Kaya’t huwag hayaan ang isang tao na hindi nananampalataya (sa Araw ng Muling Pagkabuhay, sa Pagsusulit, sa Paraiso at Impiyerno, atbp.) at sumusunod lamang sa kanyang mga pagnanasa ay makapagligaw sa iyo (sa Tuwid na Landas); maaaring ikaw ay maglaho

وَمَا تِلْكَ بِيَمِينِكَ يَا مُوسَىٰ(17)

 “At ano yaong nasa iyong kanang kamay, o Moises!”

قَالَ هِيَ عَصَايَ أَتَوَكَّأُ عَلَيْهَا وَأَهُشُّ بِهَا عَلَىٰ غَنَمِي وَلِيَ فِيهَا مَآرِبُ أُخْرَىٰ(18)

 Siya ay nagsabi: “Ito ang aking tungkod. dito ako humihilig at sa pamamagitan nito ay aking hinahampas ang sanga (ng halaman) bilang pagkain ng aking mga tupa, at ito rin ay marami pang gamit sa akin.”

قَالَ أَلْقِهَا يَا مُوسَىٰ(19)

 (Si Allah) ay nagwika: “Ihagis mo iyan, o Moises!”

فَأَلْقَاهَا فَإِذَا هِيَ حَيَّةٌ تَسْعَىٰ(20)

 Inihagis niya ito, at pagmasdan! Ito ay naging ahas na gumagalaw nang mabilis

قَالَ خُذْهَا وَلَا تَخَفْ ۖ سَنُعِيدُهَا سِيرَتَهَا الْأُولَىٰ(21)

 (Si Allah) ay nagwika: “Sakmalin mo ito at huwag kang matakot. Ibabalik Naming muli ito sa kanyang dating anyo

وَاضْمُمْ يَدَكَ إِلَىٰ جَنَاحِكَ تَخْرُجْ بَيْضَاءَ مِنْ غَيْرِ سُوءٍ آيَةً أُخْرَىٰ(22)

 At idiin mo ang iyong (kanang) kamay sa (kaliwa) mong tagiliran; ito ay magiging puti (at magluluningning), na walang anumang karamdaman; bilang naiibang Tanda

لِنُرِيَكَ مِنْ آيَاتِنَا الْكُبْرَى(23)

 Upang maipamalas Namin sa iyo ang (ilan) sa Aming higit na mga dakilang Tanda.”

اذْهَبْ إِلَىٰ فِرْعَوْنَ إِنَّهُ طَغَىٰ(24)

 “Pumaroon ka kay Paraon! Katotohanang siya ay nagmalabis sa pagsuway (sa kawalan ng pananalig, pag-aasal ng kapalaluan at pagiging mapang- api).”

قَالَ رَبِّ اشْرَحْ لِي صَدْرِي(25)

 (Si Moises) ay nagsabi: “o aking Panginoon! Buksan Ninyo ang aking dibdib (Inyong bigyan ako ng tiwala sa aking sarili at katatagan)

وَيَسِّرْ لِي أَمْرِي(26)

 Padaliin Ninyo ang aking tungkulin sa akin

وَاحْلُلْ عُقْدَةً مِّن لِّسَانِي(27)

 At Inyong alisin ang aking kahinaan sa pagsasalita (alalaong baga, ang mapawi ang kanyang kaba at kamalian sa kanyang pangungusap)

يَفْقَهُوا قَوْلِي(28)

 Upang kanilang maunawaan ang aking sasabihin

وَاجْعَل لِّي وَزِيرًا مِّنْ أَهْلِي(29)

 At Inyong gawaran ako ng isang kawaksi mula sa aking pamilya

هَارُونَ أَخِي(30)

 Si Aaron, ang aking kapatid na lalaki

اشْدُدْ بِهِ أَزْرِي(31)

 dagdagan Ninyo ang aking tatag at lakas sa pamamagitan niya

وَأَشْرِكْهُ فِي أَمْرِي(32)

 At hayaan na siya ay makihati sa aking tungkulin

كَيْ نُسَبِّحَكَ كَثِيرًا(33)

 Upang aming maipagbunyi ang pagpupuri sa Inyo nang walang maliw

وَنَذْكُرَكَ كَثِيرًا(34)

 At higit namin Kayong alalahanin (nang walang pagsasawa)

إِنَّكَ كُنتَ بِنَا بَصِيرًا(35)

 Sapagkat katotohanang Kayo sa amin ay Laging Nagmamasid!”

قَالَ قَدْ أُوتِيتَ سُؤْلَكَ يَا مُوسَىٰ(36)

 (Si Allah) ay nagwika: “o Moises, ang iyong panalangin ay Aking dininig!”

وَلَقَدْ مَنَنَّا عَلَيْكَ مَرَّةً أُخْرَىٰ(37)

 At katotohanang Kami ay naggawad (noon) ng ibang biyaya sa iyo

إِذْ أَوْحَيْنَا إِلَىٰ أُمِّكَ مَا يُوحَىٰ(38)

 Pagmasdan! Kami ay nagsugo sa iyong ina sa pamamagitan ng isang inspirasyon ng Aming kapahayagan

أَنِ اقْذِفِيهِ فِي التَّابُوتِ فَاقْذِفِيهِ فِي الْيَمِّ فَلْيُلْقِهِ الْيَمُّ بِالسَّاحِلِ يَأْخُذْهُ عَدُوٌّ لِّي وَعَدُوٌّ لَّهُ ۚ وَأَلْقَيْتُ عَلَيْكَ مَحَبَّةً مِّنِّي وَلِتُصْنَعَ عَلَىٰ عَيْنِي(39)

 Na nagsasabi: “Ilagay mo siya (ang sanggol) sa isang Tabut (kuna o kahon o tampipi), at iyong ipaanod ito sa ilog (ng Nile). Ang ilog ay magsasadsad sa kanya sa pampang at siya ay kukunin ng isang tao na Aking kaaway at kaaway din niya, datapuwa’t binahaginan kita ng pagmamahal mula sa Akin, upang ikaw ay lumaki (sa pagkakandili) ng Aking Paningin

إِذْ تَمْشِي أُخْتُكَ فَتَقُولُ هَلْ أَدُلُّكُمْ عَلَىٰ مَن يَكْفُلُهُ ۖ فَرَجَعْنَاكَ إِلَىٰ أُمِّكَ كَيْ تَقَرَّ عَيْنُهَا وَلَا تَحْزَنَ ۚ وَقَتَلْتَ نَفْسًا فَنَجَّيْنَاكَ مِنَ الْغَمِّ وَفَتَنَّاكَ فُتُونًا ۚ فَلَبِثْتَ سِنِينَ فِي أَهْلِ مَدْيَنَ ثُمَّ جِئْتَ عَلَىٰ قَدَرٍ يَا مُوسَىٰ(40)

 Nang ang iyong kapatid na babae ay dumating at nagsabi: “Ipapakita ko ba sa iyo ang tao na mag-aalaga sa kanya?” Kaya’t ikaw ay ibinalik Namin sa iyong ina, upang ang kanyang paningin ay maging malamig at huwag mamighati. At ikaw ay nakapatay ng isang tao, datapuwa’t iniligtas ka Namin sa kaguluhan at ikaw ay Aming sinubukan sa maraming paraan. At ikaw ay namalagi sa maraming taon sa pamayanan ng Madyan. At ngayon, ikaw ay naparito ayon sa natataningan na panahon na Aming itinakda (sa iyo), o Moises

وَاصْطَنَعْتُكَ لِنَفْسِي(41)

 At ikaw ay Aking pinili at inihanda (tinuruan ng mga bagay-bagay) sa paglilingkod sa Akin

اذْهَبْ أَنتَ وَأَخُوكَ بِآيَاتِي وَلَا تَنِيَا فِي ذِكْرِي(42)

 Pumaroon ka at ang iyong kapatid na dala ang Aking Ayat (mga tanda, kapahayagan, katibayan, aral, atbp.) at huwag kayong magbawa (sa sigasig) at panghinaan sa pag-aala-ala sa Akin

اذْهَبَا إِلَىٰ فِرْعَوْنَ إِنَّهُ طَغَىٰ(43)

 “Magsiparoon kayo kay Paraon, sapagkat katotohanang siya ay nagmalabis sa lahat ng hangganan ng pagsuway (sa kawalan ng pananalig, kapalaluan at pang-aapi).”

فَقُولَا لَهُ قَوْلًا لَّيِّنًا لَّعَلَّهُ يَتَذَكَّرُ أَوْ يَخْشَىٰ(44)

 Datapuwa’t mangusap ka sa kanya nang mahinahon, maaaring siya ay tumanggap ng paala-ala o mangamba (kay Allah)

قَالَا رَبَّنَا إِنَّنَا نَخَافُ أَن يَفْرُطَ عَلَيْنَا أَوْ أَن يَطْغَىٰ(45)

 Sila (Moises at Aaron) ay nagsabi: “o aming Panginoon! Katotohanang kami ay nangangamba na madaliin niya ang pagpaparusa sa amin, o di kaya ay magmalabis siya sa pagsuway (laban sa amin)

قَالَ لَا تَخَافَا ۖ إِنَّنِي مَعَكُمَا أَسْمَعُ وَأَرَىٰ(46)

 Siya (Allah) ay nagwika: “Huwag kayong matakot! Katotohanang Ako ay nasa sa inyo, na Nakakarinig at Nakakamasid.”

فَأْتِيَاهُ فَقُولَا إِنَّا رَسُولَا رَبِّكَ فَأَرْسِلْ مَعَنَا بَنِي إِسْرَائِيلَ وَلَا تُعَذِّبْهُمْ ۖ قَدْ جِئْنَاكَ بِآيَةٍ مِّن رَّبِّكَ ۖ وَالسَّلَامُ عَلَىٰ مَنِ اتَّبَعَ الْهُدَىٰ(47)

 Kaya’t kapwa kayo magsiparoon sa kanya at magpahayag: “Katotohanang kami ay mga Tagapagbalita mula sa iyong Panginoon, kaya’t hayaan ang lahat ng Angkan ng Israel ay sumama sa amin at huwag mo silang pahirapan. Katotohanang kami ay dumatal na may dalang Tanda mula sa iyong Panginoon! At ang Kapayapaan ay mapapasakanya, siya na susunod sa patnubay!”

إِنَّا قَدْ أُوحِيَ إِلَيْنَا أَنَّ الْعَذَابَ عَلَىٰ مَن كَذَّبَ وَتَوَلَّىٰ(48)

 “Katotohanang sa amin ay ipinahayag na ang kaparusahan ay naghihintay sa mga nagtatakwil (sa Kaisahan ni Allah, sa Kanyang mga Tagapagbalita, atbp.) at nagsisitalikod (sa katotohanan at pagsunod kay Allah).”

قَالَ فَمَن رَّبُّكُمَا يَا مُوسَىٰ(49)

 Si Paraon ay nagsabi: “Sino baga, o Moises ang Panginoon ninyong dalawa?”

قَالَ رَبُّنَا الَّذِي أَعْطَىٰ كُلَّ شَيْءٍ خَلْقَهُ ثُمَّ هَدَىٰ(50)

 (Si Moises) ay nagsabi: “Ang aming Panginoon ay Siya, na nagbigay sa bawat bagay ng kanyang hugis at kalikasan at sa kanila ay namatnubay.”

قَالَ فَمَا بَالُ الْقُرُونِ الْأُولَىٰ(51)

 (Si Paraon) ay nagturing: “At ano naman ang tungkol (sa kalagayan) ng mga sali’t saling lahi (ninuno) noong pang una?”

قَالَ عِلْمُهَا عِندَ رَبِّي فِي كِتَابٍ ۖ لَّا يَضِلُّ رَبِّي وَلَا يَنسَى(52)

 (Si Moises) ay nagsabi: “Ang kaalaman diyan ay nasa aking Panginoon, sa isang Talaan. Ang aking Panginoon ay hindi kailanman nagkakamali at nakakalimot

الَّذِي جَعَلَ لَكُمُ الْأَرْضَ مَهْدًا وَسَلَكَ لَكُمْ فِيهَا سُبُلًا وَأَنزَلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَأَخْرَجْنَا بِهِ أَزْوَاجًا مِّن نَّبَاتٍ شَتَّىٰ(53)

 Siya na lumikha sa inyo ng kalupaan na tulad ng isang higaan (karpeta) na nakalatag; upang kayo ay matagumpay na makapaglakbay sa kanyang mga daan; at nagpamalisbis ng tubig (ulan) mula sa alapaap.” At dito ay nagpatubo Kami ng iba’t ibang uri ng halaman at pananim (sa pares)

كُلُوا وَارْعَوْا أَنْعَامَكُمْ ۗ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِّأُولِي النُّهَىٰ(54)

 Magsikain kayo (para sa inyong sarili) at inyong pastulan ang inyong hayupan (bakahan) dito; katotohanang naririto ang mga Tanda sa mga tao na may pang-unawa

۞ مِنْهَا خَلَقْنَاكُمْ وَفِيهَا نُعِيدُكُمْ وَمِنْهَا نُخْرِجُكُمْ تَارَةً أُخْرَىٰ(55)

 Mula (sa lupa) ay Aming nilikha kayo, at dito kayo ay Aming ibabalik, at dito kayo ay muli rin Naming bubuhayin

وَلَقَدْ أَرَيْنَاهُ آيَاتِنَا كُلَّهَا فَكَذَّبَ وَأَبَىٰ(56)

 At katotohanang ipinamalas Namin sa kanya (Paraon) ang Aming mga Tanda at Katibayan, datapuwa’t siya ay nagtatwa at hindi kumilala

قَالَ أَجِئْتَنَا لِتُخْرِجَنَا مِنْ أَرْضِنَا بِسِحْرِكَ يَا مُوسَىٰ(57)

 (Si Paraon) ay nagsabi: “Pumarito ka ba upang kami ay itaboy sa kalupaan sa pamamagitan ng iyong salamangka, o Moises?”

فَلَنَأْتِيَنَّكَ بِسِحْرٍ مِّثْلِهِ فَاجْعَلْ بَيْنَنَا وَبَيْنَكَ مَوْعِدًا لَّا نُخْلِفُهُ نَحْنُ وَلَا أَنتَ مَكَانًا سُوًى(58)

 At katotohanang kami ay makapagsasagawa rin ng salamangka na katulad nito; kaya’t magtakda ka ng pakikipagtipan sa gitna natin, na sinuman sa atin ay hindi makakalimot, sa isang lantad at malawak na pook na ang bawat isa ay may magkatulad na pagkakataon (na matutunghayan ng mga manonood)

قَالَ مَوْعِدُكُمْ يَوْمُ الزِّينَةِ وَأَن يُحْشَرَ النَّاسُ ضُحًى(59)

 (Si Moises) ay nagsabi: “Ang iyong takdang araw ay ang Araw ng Pagdiriwang, at hayaan ang mga tao ay magsitambad kung mataas na ang araw (tanghali na)

فَتَوَلَّىٰ فِرْعَوْنُ فَجَمَعَ كَيْدَهُ ثُمَّ أَتَىٰ(60)

 Kaya’t si Paraon ay lumayo at nanahimik; siya ay nagtuon ng panahon sa kanyang balak at muling bumalik

قَالَ لَهُم مُّوسَىٰ وَيْلَكُمْ لَا تَفْتَرُوا عَلَى اللَّهِ كَذِبًا فَيُسْحِتَكُم بِعَذَابٍ ۖ وَقَدْ خَابَ مَنِ افْتَرَىٰ(61)

 Si Moises ay nagsabi sa kanila: “Ang kasawian ay sa inyo! Huwag kayong gumawa ng kasinungalingan kay Allah, baka kayo ay Kanyang ganap na pinsalain sa kaparusahan. At katotohanang siya na nagsasagawa ng kasinungalingan (laban kay Allah), ay kaaba-aba na mabibigo.”

فَتَنَازَعُوا أَمْرَهُم بَيْنَهُمْ وَأَسَرُّوا النَّجْوَىٰ(62)

 At sila ay nagsipagtalo-talo sa bawat isa kung ano ang kanilang gagawin, at inilihim nila ang kanilang pag-uusap

قَالُوا إِنْ هَٰذَانِ لَسَاحِرَانِ يُرِيدَانِ أَن يُخْرِجَاكُم مِّنْ أَرْضِكُم بِسِحْرِهِمَا وَيَذْهَبَا بِطَرِيقَتِكُمُ الْمُثْلَىٰ(63)

 Sila ay nagsabi: “Ang dalawang ito ay walang alinlangan na mga bihasang salamangkero. Ang kanilang hangarin ay upang itaboy kayo sa inyong lupain sa pamamagitan ng kanilang salamangka at kanilang gahisin ang inyong pinuno at mga mahal na tao

فَأَجْمِعُوا كَيْدَكُمْ ثُمَّ ائْتُوا صَفًّا ۚ وَقَدْ أَفْلَحَ الْيَوْمَ مَنِ اسْتَعْلَىٰ(64)

 Kaya’t pagbutihin ang inyong balak, at magtipon-tipon kayo sa iba’t ibang hanay. At sinumang magwagi sa araw na ito ay katotohanang matagumpay!”

قَالُوا يَا مُوسَىٰ إِمَّا أَن تُلْقِيَ وَإِمَّا أَن نَّكُونَ أَوَّلَ مَنْ أَلْقَىٰ(65)

 Sila ay nagsabi: “o Moises! Maaaring ikaw ang maunang maghagis o kami ang mauunang maghagis?”

قَالَ بَلْ أَلْقُوا ۖ فَإِذَا حِبَالُهُمْ وَعِصِيُّهُمْ يُخَيَّلُ إِلَيْهِ مِن سِحْرِهِمْ أَنَّهَا تَسْعَىٰ(66)

 (Si Moises) ay nagsabi: “Hindi, mauna kayong maghagis!” At pagmasdan! Ang kanilang mga lubid at tungkod, sa pamamagitan ng kanilang salamangka, ay nahantad sa kanila na wari bang gumagalaw nang mabilis

فَأَوْجَسَ فِي نَفْسِهِ خِيفَةً مُّوسَىٰ(67)

 Kaya’t si Moises ay nagkaroon ng takot sa kanyang sarili

قُلْنَا لَا تَخَفْ إِنَّكَ أَنتَ الْأَعْلَىٰ(68)

 Kami (Allah) ay nagwika: “Huwag kang matakot! Katotohanang ikaw ang mangunguna

وَأَلْقِ مَا فِي يَمِينِكَ تَلْقَفْ مَا صَنَعُوا ۖ إِنَّمَا صَنَعُوا كَيْدُ سَاحِرٍ ۖ وَلَا يُفْلِحُ السَّاحِرُ حَيْثُ أَتَىٰ(69)

 At iyong ihagis ang nasa kanan mong kamay! Lulunukin nitong lahat ang kanilang ginawa. Ang kanilang ginawa ay panlilinlang lamang ng isang salamangkero, at ang isang salamangkero ay hindi kailanman magtatagumpay, kahit na gaano pang kaalaman ang kanilang naabot.”

فَأُلْقِيَ السَّحَرَةُ سُجَّدًا قَالُوا آمَنَّا بِرَبِّ هَارُونَ وَمُوسَىٰ(70)

 Kaya’t ang mga salamangkero ay nangayupapa na nangagpatirapa. Sila ay nagsabi: “Kami ay sumasampalataya sa Panginoon ni Aaron at Moises.”

قَالَ آمَنتُمْ لَهُ قَبْلَ أَنْ آذَنَ لَكُمْ ۖ إِنَّهُ لَكَبِيرُكُمُ الَّذِي عَلَّمَكُمُ السِّحْرَ ۖ فَلَأُقَطِّعَنَّ أَيْدِيَكُمْ وَأَرْجُلَكُم مِّنْ خِلَافٍ وَلَأُصَلِّبَنَّكُمْ فِي جُذُوعِ النَّخْلِ وَلَتَعْلَمُنَّ أَيُّنَا أَشَدُّ عَذَابًا وَأَبْقَىٰ(71)

 (Si Paraon) ay nagsabi: “Naniniwala ba kayo sa kanya (Moises), bago ko pa kayo bigyan ng pahintulot? Katotohanan! Siya (Moises) ang inyong pinuno na nagturo sa inyo ng salamangka. Kaya’t walang pagsala na aking puputulin ang inyong mga kamay at paa sa magkabilang panig at katotohanang aking ibabayubay kayo sa puno ng mga palmera (datiles), at katiyakang inyong mapag- aalaman kung sino sa amin (ako, si Paraon o ang Panginoon ni Moises [Allah]), ang makakapaggawad ng matindi at higit na nagtatagal na kaparusahan.”

قَالُوا لَن نُّؤْثِرَكَ عَلَىٰ مَا جَاءَنَا مِنَ الْبَيِّنَاتِ وَالَّذِي فَطَرَنَا ۖ فَاقْضِ مَا أَنتَ قَاضٍ ۖ إِنَّمَا تَقْضِي هَٰذِهِ الْحَيَاةَ الدُّنْيَا(72)

 Sila ay nagsabi: “Hindi ka namin bibigyan ng higit na pansin kaysa sa Maliliwanag na Tanda na dumatal sa amin. Kaya’t iyong itakda kung anuman ang nais mong ipatupad sa amin, sapagkat ikaw ay makakapagtakda lamang (sa mga bagay) ng buhay sa mundong ito

إِنَّا آمَنَّا بِرَبِّنَا لِيَغْفِرَ لَنَا خَطَايَانَا وَمَا أَكْرَهْتَنَا عَلَيْهِ مِنَ السِّحْرِ ۗ وَاللَّهُ خَيْرٌ وَأَبْقَىٰ(73)

 Katotohanang kami ay sumampalataya sa aming Panginoon, upang kami ay Kanyang mapatawad sa aming mga pagkukulang, at sa salamangka na iyong ipinag-utos sa amin. At si Allah ay higit na may mabuting gantimpala kung ihahambing sa iyong (Paraon) gantimpala, at higit na nagtatagal (kung tungkol sa kaparusahan kung ihahambing laban sa iyong pagpaparusa).”

إِنَّهُ مَن يَأْتِ رَبَّهُ مُجْرِمًا فَإِنَّ لَهُ جَهَنَّمَ لَا يَمُوتُ فِيهَا وَلَا يَحْيَىٰ(74)

 Katotohanan! Sinuman ang lumapit sa kanyang Panginoon na isang Mujrimun (tampalasan, kriminal, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, makasalanan, buktot, atbp.), walang pagsala, sasakanya ang Impiyerno at dito siya ay hindi mamamatay o mabubuhay

وَمَن يَأْتِهِ مُؤْمِنًا قَدْ عَمِلَ الصَّالِحَاتِ فَأُولَٰئِكَ لَهُمُ الدَّرَجَاتُ الْعُلَىٰ(75)

 Datapuwa’t sinumang lumapit sa Kanya (Allah) na isang nananampalataya, at nagsigawa ng mga kabutihan, sasakanila ang matataas na Antas (ng Kabilang Buhay)

جَنَّاتُ عَدْنٍ تَجْرِي مِن تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا ۚ وَذَٰلِكَ جَزَاءُ مَن تَزَكَّىٰ(76)

 Walang Hanggang Halamanan (Paraiso) na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy; mananahan sila rito magpakailanman. Ito ang gantimpala sa mga nagpapadalisay sa kanilang sarili (sa pamamagitan nang pag-iwas sa lahat ng mga kasalanan at mga kasamaan na ipinagbabawal ni Allah at sa paggawa ng lahat Niyang ipinag-uutos)

وَلَقَدْ أَوْحَيْنَا إِلَىٰ مُوسَىٰ أَنْ أَسْرِ بِعِبَادِي فَاضْرِبْ لَهُمْ طَرِيقًا فِي الْبَحْرِ يَبَسًا لَّا تَخَافُ دَرَكًا وَلَا تَخْشَىٰ(77)

 At katotohanang Kami ay nagbigay ng inspirasyon kay Moises: “Maglakbay ka sa gabi na kasama ang Ibadi (Aking mga lingkod), at iyong hampasin ang tuyong landas hanggang sa dagat, na walang pagkatakot na kayo ay mapanaigan (ni Paraon) at walang iba pang pangangamba (na kayo ay malunod sa dagat).”

فَأَتْبَعَهُمْ فِرْعَوْنُ بِجُنُودِهِ فَغَشِيَهُم مِّنَ الْيَمِّ مَا غَشِيَهُمْ(78)

 At sila ay tinugis ni Paraon na kasama ang kanyang mga kabig, datapuwa’t ang tubig ay ganap na tumabon at lumukob sa kanila

وَأَضَلَّ فِرْعَوْنُ قَوْمَهُ وَمَا هَدَىٰ(79)

 Si Paraon ang nagtulak sa kanyang mga tao na maligaw kaysa ang mapatnubayan sila sa tuwid na landas

يَا بَنِي إِسْرَائِيلَ قَدْ أَنجَيْنَاكُم مِّنْ عَدُوِّكُمْ وَوَاعَدْنَاكُمْ جَانِبَ الطُّورِ الْأَيْمَنَ وَنَزَّلْنَا عَلَيْكُمُ الْمَنَّ وَالسَّلْوَىٰ(80)

 o Angkan ng Israel! Aming iniligtas kayo sa inyong kaaway at Kami ay gumawa ng Kasunduan sa inyo sa kanang bahagi ng bundok ng Sinai; at ipinanaog Namin sa inyo ang Manna at mga pugo

كُلُوا مِن طَيِّبَاتِ مَا رَزَقْنَاكُمْ وَلَا تَطْغَوْا فِيهِ فَيَحِلَّ عَلَيْكُمْ غَضَبِي ۖ وَمَن يَحْلِلْ عَلَيْهِ غَضَبِي فَقَدْ هَوَىٰ(81)

 (Na nagsasabi): “Magsikain kayo ng Tayyibat (mabubuti at mga pinahihintulutang bagay) na Aming iginawad sa inyo bilang inyong ikabubuhay, datapuwa’t huwag kayong magmalabis dito, (marahil) ay mangyayaring ang Aking poot ay bumaba sa inyo. At sa sinuman na mababaan ng Aking poot ay katotohanang maglalaho!”

وَإِنِّي لَغَفَّارٌ لِّمَن تَابَ وَآمَنَ وَعَمِلَ صَالِحًا ثُمَّ اهْتَدَىٰ(82)

 Datapuwa’t katotohanan na walang alinlangan,Ako ay Lagi nang Nagpapatawad ng Paulit-ulit sa kanya na nagtitika, na sumasampalataya (sa Aking Kaisahan at hindi nag-aakibat ng mga katambal sa pagsamba sa Akin) at gumagawa ng mga kabutihan at namamalagi sa paggawa nito (hanggang sa kanyang kamatayan)

۞ وَمَا أَعْجَلَكَ عَن قَوْمِكَ يَا مُوسَىٰ(83)

 (Nang si Moises ay nasa bundok na, si Allah ay nagwika): “Ano ang nagtulak sa iyo upang magmadali ka na mauna sa iyong pamayanan, o Moises?”

قَالَ هُمْ أُولَاءِ عَلَىٰ أَثَرِي وَعَجِلْتُ إِلَيْكَ رَبِّ لِتَرْضَىٰ(84)

 Siya ay nagsabi: “Pagmasdan, sila ay malapit na sa aking mga yapak, at ako ay nagmadali (sa pagtungo) sa Inyo, o aking Panginoon, upang Kayo ay mabigyan ng kasiyahan.”

قَالَ فَإِنَّا قَدْ فَتَنَّا قَوْمَكَ مِن بَعْدِكَ وَأَضَلَّهُمُ السَّامِرِيُّ(85)

 (Si Allah) ay nagwika: “Katotohanang Aming sinubukan ang iyong pamayanan nang ikaw ay wala sa kanila, at si As-Samiri ang nagtulak sa kanilang pagkaligaw.”

فَرَجَعَ مُوسَىٰ إِلَىٰ قَوْمِهِ غَضْبَانَ أَسِفًا ۚ قَالَ يَا قَوْمِ أَلَمْ يَعِدْكُمْ رَبُّكُمْ وَعْدًا حَسَنًا ۚ أَفَطَالَ عَلَيْكُمُ الْعَهْدُ أَمْ أَرَدتُّمْ أَن يَحِلَّ عَلَيْكُمْ غَضَبٌ مِّن رَّبِّكُمْ فَأَخْلَفْتُم مَّوْعِدِي(86)

 At si Moises ay bumalik sa kaniyang mga tao na tigib ng galit at pighati. Siya ay nagsabi: “o aking pamayanan! Hindi baga ang inyong Panginoon ay nangako sa inyo ng isang makatuwirang pangako? Ang pangako baga ay inakala ninyo na malayo pa (sa pagdatal)? o inyo bang ninanais na ang Poot ng inyong Panginoon ay manaog sa inyo, kaya’t inyong sinira ang inyong pangako sa akin (ang hindi pananampalataya kay Alah at pagsamba sa baka)?”

قَالُوا مَا أَخْلَفْنَا مَوْعِدَكَ بِمَلْكِنَا وَلَٰكِنَّا حُمِّلْنَا أَوْزَارًا مِّن زِينَةِ الْقَوْمِ فَقَذَفْنَاهَا فَكَذَٰلِكَ أَلْقَى السَّامِرِيُّ(87)

 Sila ay nagsabi: “Hindi namin sinira ang pangako namin sa iyo ng ayon sa aming kagustuhan, datapuwa’t kami ay pinag-utusan na magdala ng bigat ng mga hiyas ng tao (ni Paraon), kaya’t aming inihagis ito (sa apoy), ayon sa mungkahi ni As-Samiri.”

فَأَخْرَجَ لَهُمْ عِجْلًا جَسَدًا لَّهُ خُوَارٌ فَقَالُوا هَٰذَا إِلَٰهُكُمْ وَإِلَٰهُ مُوسَىٰ فَنَسِيَ(88)

 At kanyang nilikha mula sa hiyas (na natunaw ng apoy) ang isang bulo (batang baka) at itinambad sa kanyang pamayanan na wari bang umuunga. Siya (As-Samiri) ay nagsabi: “Ito ang inyong diyos, at ang diyos ni Moises, datapuwa’t siya (Moises) ay nakalimot (sa kanyang diyos)!”

أَفَلَا يَرَوْنَ أَلَّا يَرْجِعُ إِلَيْهِمْ قَوْلًا وَلَا يَمْلِكُ لَهُمْ ضَرًّا وَلَا نَفْعًا(89)

 Hindi baga nila napagmamalas na ito ay hindi makapagsasabi sa kanila ng isang salita (bilang tugon), at ito ay walang kapangyarihan na bigyan sila ng kapinsalaan o kabutihan

وَلَقَدْ قَالَ لَهُمْ هَارُونُ مِن قَبْلُ يَا قَوْمِ إِنَّمَا فُتِنتُم بِهِ ۖ وَإِنَّ رَبَّكُمُ الرَّحْمَٰنُ فَاتَّبِعُونِي وَأَطِيعُوا أَمْرِي(90)

 At katotohanang si Aaron ay nagsabi noon pa sa kanila: “O aking pamayanan! Kayo ay sinusubukan dito, at katotohanan, ang inyong Panginoon (ay si Allah), ang Pinakamapagbigay, kaya’t sundin ninyo ako at tuparin ang aking pag-uutos.”

قَالُوا لَن نَّبْرَحَ عَلَيْهِ عَاكِفِينَ حَتَّىٰ يَرْجِعَ إِلَيْنَا مُوسَىٰ(91)

 Sila ay nagsabi: “Kami ay hindi titigil nang pagsamba rito (ang baka) hanggang si Moises ay hindi bumabalik sa amin.”

قَالَ يَا هَارُونُ مَا مَنَعَكَ إِذْ رَأَيْتَهُمْ ضَلُّوا(92)

 (Si Moises) ay nagsabi: “o Aaron! Ano ang pumigil sa iyo nang iyong mamalas na sila ay napapaligaw

أَلَّا تَتَّبِعَنِ ۖ أَفَعَصَيْتَ أَمْرِي(93)

 Na ako ay hindi mo sinunod (sa aking mga payo sa iyo)? Iyo bang sinuway ang aking pag-uutos?”

قَالَ يَا ابْنَ أُمَّ لَا تَأْخُذْ بِلِحْيَتِي وَلَا بِرَأْسِي ۖ إِنِّي خَشِيتُ أَن تَقُولَ فَرَّقْتَ بَيْنَ بَنِي إِسْرَائِيلَ وَلَمْ تَرْقُبْ قَوْلِي(94)

 Siya (Aaron) ay nagsabi: “O anak (na lalaki) ng aking ina! Huwag mo akong sakmalin sa aking balbas, gayundin (sa buhok) ng aking ulo! Katotohanang ako ay nangangamba na marahil ay iyong sabihin: “Ikaw ang nagturo ng pagkakahidwa-hidwa sa Angkan ng Israel, at ikaw ay hindi naghintay sa aking salita!”

قَالَ فَمَا خَطْبُكَ يَا سَامِرِيُّ(95)

 (Si Moises) ay nagsabi: “At ano ang nangyayari sa iyo, o Samiri? (bakit mo ito ginawa)

قَالَ بَصُرْتُ بِمَا لَمْ يَبْصُرُوا بِهِ فَقَبَضْتُ قَبْضَةً مِّنْ أَثَرِ الرَّسُولِ فَنَبَذْتُهَا وَكَذَٰلِكَ سَوَّلَتْ لِي نَفْسِي(96)

 (Si Samiri) ay nagsabi: “Nakita ko ang hindi nila nakikita, kaya’t kumuha ako ng isang dakot (ng alikabok) mula sa bakas ng Tagapagbalita (sa kabayo ni Gabriel) at inihagis ko ito (sa apoy na pinagtunawan ng mga hiyas, o sa nililok na baka). Ito ang ibinubulong sa akin ng aking kaluluwa.”

قَالَ فَاذْهَبْ فَإِنَّ لَكَ فِي الْحَيَاةِ أَن تَقُولَ لَا مِسَاسَ ۖ وَإِنَّ لَكَ مَوْعِدًا لَّن تُخْلَفَهُ ۖ وَانظُرْ إِلَىٰ إِلَٰهِكَ الَّذِي ظَلْتَ عَلَيْهِ عَاكِفًا ۖ لَّنُحَرِّقَنَّهُ ثُمَّ لَنَنسِفَنَّهُ فِي الْيَمِّ نَسْفًا(97)

 Si Moises ay nagsabi: “Kung gayon, ikaw ay humayo!At katotohanan, ang iyong (kaparusahan) sa buhay na ito, ay ikaw ay magsasabi: “Ako ay huwag ninyong salingin (alalaong baga, ikaw ay mamumuhay na mag-isa at malayo sa sangkatauhan); at katotohanang higit pa rito (ang darating na kaparusahan), ikaw ay mayroong pangako na hindi mabibigo. Ngayon, iyong malasin ang iyong diyos, na sa kanya ikaw ay naging matimtimang tagasamba; katiyakan na Aming sisilaban ito sa naglalagablab na apoy at ikakalat ang mga bahagi nito sa dagat.”

إِنَّمَا إِلَٰهُكُمُ اللَّهُ الَّذِي لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ۚ وَسِعَ كُلَّ شَيْءٍ عِلْمًا(98)

 Ang Ilah (diyos) ninyong lahat ay si Allah, ang Tanging Isa; La ilaha illa Huwa (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya). Siya ang may ganap na kaalaman sa lahat ng bagay

كَذَٰلِكَ نَقُصُّ عَلَيْكَ مِنْ أَنبَاءِ مَا قَدْ سَبَقَ ۚ وَقَدْ آتَيْنَاكَ مِن لَّدُنَّا ذِكْرًا(99)

 Kaya’t Aming inilahad sa iyo (O Muhammad) ang ilang kasaysayan na nangyari noon. At katotohanang ikaw ay pinagkalooban Namin ng isang Paala-ala (ang Qur’an) mula sa Amin

مَّنْ أَعْرَضَ عَنْهُ فَإِنَّهُ يَحْمِلُ يَوْمَ الْقِيَامَةِ وِزْرًا(100)

 At sinumang tumalikod dito (sa Qur’an, alalaong baga, ang hindi maniwala rito at gumawa ayon sa pag-uutos nito), katotohanang sila ay magbabata ng bigat (ng mga kasalanan) sa Araw ng Muling Pagkabuhay

خَالِدِينَ فِيهِ ۖ وَسَاءَ لَهُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ حِمْلًا(101)

 Mananahan sila roon sa ganoong (kalagayan, sa Apoy ng Impiyerno), at katotohanang kasamaan ang kanilang magiging dalahin sa Araw ng Muling Pagkabuhay

يَوْمَ يُنفَخُ فِي الصُّورِ ۚ وَنَحْشُرُ الْمُجْرِمِينَ يَوْمَئِذٍ زُرْقًا(102)

 Sa Araw na ang Tambuli ay patutunugin (sa pangalawang pag- ihip); sa Araw na yaon ay Aming titipunin ang Mujrimun (mga tampalasan, kriminal, mapagsamba sa mga diyus- diyosan, makasalanan, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, atbp.) na mga Zurqa (na nanlalabo ang mga mata o tila bughaw at nangingitim ang mukha sa sindak)

يَتَخَافَتُونَ بَيْنَهُمْ إِن لَّبِثْتُمْ إِلَّا عَشْرًا(103)

 Sa mga bulong ay magsasalita sila sa isa’t isa (na nagsasabi): “Kayo ay namalagi lamang nang hindi hihigit sa sampung (araw).”

نَّحْنُ أَعْلَمُ بِمَا يَقُولُونَ إِذْ يَقُولُ أَمْثَلُهُمْ طَرِيقَةً إِن لَّبِثْتُمْ إِلَّا يَوْمًا(104)

 Higit Naming batid kung ano ang kanilang sasabihin, kung ang pinakamagaling sa kanila sa pangangatwiran ay magsasabi: “Kayo ay namalagi lamang nang hindi hihigit sa isang araw!”

وَيَسْأَلُونَكَ عَنِ الْجِبَالِ فَقُلْ يَنسِفُهَا رَبِّي نَسْفًا(105)

 At sila ay nagtatanong sa iyo tungkol sa kabundukan; iyong ipagbadya: “Ang aking Panginoon ay magpapasabog sa kanila at Kanyang ikakalat ang mga ito bilang mga bahagi ng alikabok.”

فَيَذَرُهَا قَاعًا صَفْصَفًا(106)

 At pagkatapos ay iiwanan Niya (ang kalupaan) na patag at makinis

لَّا تَرَىٰ فِيهَا عِوَجًا وَلَا أَمْتًا(107)

 walang anumang baluktot o kurba ang makikita ninyo rito

يَوْمَئِذٍ يَتَّبِعُونَ الدَّاعِيَ لَا عِوَجَ لَهُ ۖ وَخَشَعَتِ الْأَصْوَاتُ لِلرَّحْمَٰنِ فَلَا تَسْمَعُ إِلَّا هَمْسًا(108)

 Sa Araw na yaon, sila ay matiim na susunod (sa tinig) ng tagatawag ni Allah; at walang anumang pagkabaluktot (sa kanyang tinig). At ang lahat ng mga tinig ay mangangayupapa sa Pinakamapagbigay (Allah) at wala kayong maririnig maliban sa mahinang yabag ng kanilang mga paa

يَوْمَئِذٍ لَّا تَنفَعُ الشَّفَاعَةُ إِلَّا مَنْ أَذِنَ لَهُ الرَّحْمَٰنُ وَرَضِيَ لَهُ قَوْلًا(109)

 Sa Araw na yaon ay walang pamamagitan ang mananaig, maliban sa kanya na binigyan ng kapahintulutan ng Pinakamapagbigay (Allah), na ang kanyang salita ay katanggap-tanggap sa Kanya

يَعْلَمُ مَا بَيْنَ أَيْدِيهِمْ وَمَا خَلْفَهُمْ وَلَا يُحِيطُونَ بِهِ عِلْمًا(110)

 Batid Niya (Allah) kung ano ang nangyayari sa (Kanyang mga nilikha) sa mundong ito, at kung ano ang mangyayari sa kanila (sa Kabilang Buhay), at sila ay hindi makapagkakamit ng anuman ng Kanyang karunungan

۞ وَعَنَتِ الْوُجُوهُ لِلْحَيِّ الْقَيُّومِ ۖ وَقَدْ خَابَ مَنْ حَمَلَ ظُلْمًا(111)

 At ang lahat ng mukha ay mangangayupapa sa harapan (ni Allah), ang Namamalaging Buhay, ang Tagapanustos at Tagapangalaga ng lahat. At siya na nagdadala (ng pasanin) ng maling gawa (alalaong baga, siya na hindi sumasampalataya kay Allah, nag-aakibat ng mga katambal sa Kanya, at sumusuway sa Kanya), katotohanang walang pag-asa at bigo siya (sa Araw na yaon)

وَمَن يَعْمَلْ مِنَ الصَّالِحَاتِ وَهُوَ مُؤْمِنٌ فَلَا يَخَافُ ظُلْمًا وَلَا هَضْمًا(112)

 Datapuwa’t siya na gumagawa ng kabutihan at may pananampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam), ay walang anumang pangamba ng kapinsalaan at kawalang katarungan, gayundin naman, hindi mababawasan (ang kanyang gantimpala)

وَكَذَٰلِكَ أَنزَلْنَاهُ قُرْآنًا عَرَبِيًّا وَصَرَّفْنَا فِيهِ مِنَ الْوَعِيدِ لَعَلَّهُمْ يَتَّقُونَ أَوْ يُحْدِثُ لَهُمْ ذِكْرًا(113)

 Kaya’tAmingipinanaogang Qur’ansa(wikang)Arabik, at Aming ipinaliwanag dito nang puspusan ang mga babala at paala-ala upang sila ay magkaroon ng pangangamba kay Allah, o di kaya ay magbigay silbi ito bilang aral sa kanila (sa pag-aala-ala sa Kanya)

فَتَعَالَى اللَّهُ الْمَلِكُ الْحَقُّ ۗ وَلَا تَعْجَلْ بِالْقُرْآنِ مِن قَبْلِ أَن يُقْضَىٰ إِلَيْكَ وَحْيُهُ ۖ وَقُل رَّبِّ زِدْنِي عِلْمًا(114)

 Kataas-taasan si Allah sa lahat! Ang Tunay na Hari! Huwag kang magmadali (O Muhammad) sa Qur’an bago pa ang pahayag ay maganap na lahat, at ikaw ay magsabi: “Aking Panginoon! Inyong dagdagan ang aking kaalaman!”

وَلَقَدْ عَهِدْنَا إِلَىٰ آدَمَ مِن قَبْلُ فَنَسِيَ وَلَمْ نَجِدْ لَهُ عَزْمًا(115)

 At katotohanang Kami ay gumawa noon ng kasunduan kay Adan, datapuwa’t siya ay nakalimot, at Aming nakita sa kanya ang kawalan ng katatagan

وَإِذْ قُلْنَا لِلْمَلَائِكَةِ اسْجُدُوا لِآدَمَ فَسَجَدُوا إِلَّا إِبْلِيسَ أَبَىٰ(116)

 At alalahanin nang Aming sabihin sa mga anghel: “Magpatirapa kayo kay Adan.” Nagpatirapa silang lahat maliban kay Iblis, siya ay tumanggi

فَقُلْنَا يَا آدَمُ إِنَّ هَٰذَا عَدُوٌّ لَّكَ وَلِزَوْجِكَ فَلَا يُخْرِجَنَّكُمَا مِنَ الْجَنَّةِ فَتَشْقَىٰ(117)

 At Kami ay nagsabi: “O Adan! Katotohanang siya ay isang kaaway sa iyo at sa iyong asawa. Kaya’t huwag ninyong hayaan na kanyang maitaboy kayo mula sa Halamanan upang kayo ay magkaroon ng lumbay sa kapighatian

إِنَّ لَكَ أَلَّا تَجُوعَ فِيهَا وَلَا تَعْرَىٰ(118)

 Katotohanang kayo ay mayroong (pangako mula sa Amin) na kailanman ay hindi kayo magugutom dito (Paraiso) o magiging hubad

وَأَنَّكَ لَا تَظْمَأُ فِيهَا وَلَا تَضْحَىٰ(119)

 At kayo ay hindi makakaranas dito ng pagkauhaw, gayundin ng init ng sikat ng araw.”

فَوَسْوَسَ إِلَيْهِ الشَّيْطَانُ قَالَ يَا آدَمُ هَلْ أَدُلُّكَ عَلَىٰ شَجَرَةِ الْخُلْدِ وَمُلْكٍ لَّا يَبْلَىٰ(120)

 Datapuwa’t si Satanas ay bumulong sa kanya na nagsasabi: “o Adan! Ihahantong ba kita sa Puno ng Walang Hanggang Buhay at sa kaharian na hindi masisira?”

فَأَكَلَا مِنْهَا فَبَدَتْ لَهُمَا سَوْآتُهُمَا وَطَفِقَا يَخْصِفَانِ عَلَيْهِمَا مِن وَرَقِ الْجَنَّةِ ۚ وَعَصَىٰ آدَمُ رَبَّهُ فَغَوَىٰ(121)

 Sa kalaunan, sila ay kapwa kumain (ng bunga) ng puno; at sa gayon, ang kanilang maselang bahagi (ng katawan) ay nalantad sa kanila; at sila ay nagsimulang magtagni-tagni ng mga dahon sa Halamanan bilang kanilang pantakip. Sa ganito sinuway ni Adan ang kanyang Panginoon, kaya’t siya ay napaligaw sa kamalian

ثُمَّ اجْتَبَاهُ رَبُّهُ فَتَابَ عَلَيْهِ وَهَدَىٰ(122)

 Datapuwa’t ang kanyang Panginoon ay humirang sa kanya. Siya ay bumaling sa kanya sa pagpapatawad at pinagkalooban siya ng patnubay

قَالَ اهْبِطَا مِنْهَا جَمِيعًا ۖ بَعْضُكُمْ لِبَعْضٍ عَدُوٌّ ۖ فَإِمَّا يَأْتِيَنَّكُم مِّنِّي هُدًى فَمَنِ اتَّبَعَ هُدَايَ فَلَا يَضِلُّ وَلَا يَشْقَىٰ(123)

 Siya (Allah) ay nagwika: “Magsibaba kayo kapwa (sa lupa) mula sa Halamanan nang magkasama, ang ilan sa inyo ay kaaway ng iba. At kung mayroong patnubay na manggagaling sa Akin, kung gayon, sinuman ang sumunod sa Aking patnubay ay hindi mapapaligaw, at gayundin naman, sila ay hindi mahuhulog sa kalumbayan at kapighatian

وَمَنْ أَعْرَضَ عَن ذِكْرِي فَإِنَّ لَهُ مَعِيشَةً ضَنكًا وَنَحْشُرُهُ يَوْمَ الْقِيَامَةِ أَعْمَىٰ(124)

 Datapuwa’t sinumang sumuway sa Aking Paala-ala (alalaong baga, hindi naniniwala sa Qur’an at hindi sumusunod sa mga pag-uutos nito), katotohanang sasakanya ang buhay ng kahirapan at siya ay bubuhayin Naming muli na bulag sa Araw ng Muling Pagkabuhay

قَالَ رَبِّ لِمَ حَشَرْتَنِي أَعْمَىٰ وَقَدْ كُنتُ بَصِيرًا(125)

 Siya ay magsasabi: “o aking Panginoon! Bakit ako ay Inyong binuhay na bulag, noon ay mayroon akong paningin?”

قَالَ كَذَٰلِكَ أَتَتْكَ آيَاتُنَا فَنَسِيتَهَا ۖ وَكَذَٰلِكَ الْيَوْمَ تُنسَىٰ(126)

 (Si Allah) ay magwiwika: “Noon, nang ang Aming Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.) ay dumatal sa inyo, ito ay ipinagwalang bahala ninyo, kaya’t sa Araw na ito, kayo ay kalilimutan (sa Apoy ng Impiyerno na malayo sa Habag ni Allah).”

وَكَذَٰلِكَ نَجْزِي مَنْ أَسْرَفَ وَلَمْ يُؤْمِن بِآيَاتِ رَبِّهِ ۚ وَلَعَذَابُ الْآخِرَةِ أَشَدُّ وَأَبْقَىٰ(127)

 At sa ganito Namin binabayaran siya na nagmamalabis sa lahat ng hangganan ng pagsuway (alalaong baga, walang panananampalataya kay Allah at nagtatakwil sa mga Tagapagbalita at sa mga Kasulatan katulad ng Qur’an) at hindi sumasampalataya sa Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.) ng kanyang Panginoon; at ang kaparusahan ng Kabilang Buhay ay higit na kasakit-sakit at nagtatagal

أَفَلَمْ يَهْدِ لَهُمْ كَمْ أَهْلَكْنَا قَبْلَهُم مِّنَ الْقُرُونِ يَمْشُونَ فِي مَسَاكِنِهِمْ ۗ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِّأُولِي النُّهَىٰ(128)

 Hindi baga isang patnubay sa kanila (na mapag- alaman) kung ilan ng sali’t saling lahi ang Aming winasak nang una pa sa kanila, na sa kanilang (naging) tirahan sila ay lumalakad? Katotohanan! Naririto ang mga Tanda sa mga tao na may pang-unawa

وَلَوْلَا كَلِمَةٌ سَبَقَتْ مِن رَّبِّكَ لَكَانَ لِزَامًا وَأَجَلٌ مُّسَمًّى(129)

 At kung hindi lamang sa Salita na sumakanila noon mula sa inyong Panginoon, at sa natataningang araw, (ang kanilang kaparusahan) ay kinakailangan nang tupdin (sa mundong ito)

فَاصْبِرْ عَلَىٰ مَا يَقُولُونَ وَسَبِّحْ بِحَمْدِ رَبِّكَ قَبْلَ طُلُوعِ الشَّمْسِ وَقَبْلَ غُرُوبِهَا ۖ وَمِنْ آنَاءِ اللَّيْلِ فَسَبِّحْ وَأَطْرَافَ النَّهَارِ لَعَلَّكَ تَرْضَىٰ(130)

 Kaya’t maging mapagbata ka (o Muhammad) sa kanilang sinasabi, at iyong luwalhatiin ang mga papuri sa iyong Panginoon bago ang pagsikat ng araw at bago ang paglubog ng araw, at gayundin sa ilang panahon ng gabi, at sa mga bahagi ng maghapon (ito ay patungkol sa limang ulit na takdang panalangin sa bawat araw), upang ikaw ay magkaroon ng kasiyahan sa gantimpala na ipagkakaloob sa iyo ni Allah

وَلَا تَمُدَّنَّ عَيْنَيْكَ إِلَىٰ مَا مَتَّعْنَا بِهِ أَزْوَاجًا مِّنْهُمْ زَهْرَةَ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا لِنَفْتِنَهُمْ فِيهِ ۚ وَرِزْقُ رَبِّكَ خَيْرٌ وَأَبْقَىٰ(131)

 At huwag mong pagurin ang iyong mga mata sa pagnanasa sa mga bagay na Aming ipinagkaloob bilang paglilibang sa maraming pangkat (sila na mga hindi sumasampalataya sa Kaisahan ni Allah at mapagsamba sa mga diyus-diyosan), at sa karilagan ng buhay na ito, (ito) ay upang Aming masubukan sila. Datapuwa’t ang biyayang nakalaan (gantimpala sa Kabilang Buhay) mula sa iyong Panginoon ay higit na mainam at nagtatagal

وَأْمُرْ أَهْلَكَ بِالصَّلَاةِ وَاصْطَبِرْ عَلَيْهَا ۖ لَا نَسْأَلُكَ رِزْقًا ۖ نَّحْنُ نَرْزُقُكَ ۗ وَالْعَاقِبَةُ لِلتَّقْوَىٰ(132)

 At iyong itagubilin ang pagdarasal sa iyong pamilya (at pamayanan), at maging matimtiman (sa pag-aalay ng mga panalangin). walang anuman na laang panustos (alalaong baga, ang bigyan mo Kami ng kahit ano) ang Aming hinihingi mula sa iyo. Kami ang magkakaloob nito sa iyo. At ang mabuting hantungan (alalaong baga, ang Paraiso) ay para sa Muttaqun (matimtiman at matutuwid na tao na labis na nangangamba kay Allah at umiiwas sa lahat ng mga kasalanan at kasamaan na Kanyang ipinagbabawal at nagmamamahal kay Allah nang higit at nagsasagawa ng mga kabutihan na Kanyang ipinag-uutos)

وَقَالُوا لَوْلَا يَأْتِينَا بِآيَةٍ مِّن رَّبِّهِ ۚ أَوَلَمْ تَأْتِهِم بَيِّنَةُ مَا فِي الصُّحُفِ الْأُولَىٰ(133)

 Sila ay nagsasabi: “Bakit hindi siya nagdala sa amin ng isang Tanda (Katibayan) mula sa kanyang Panginoon?” Hindi baga dumatal na sa kanilang lahat ang maliwanag na Katibayan (na nasusulat) sa mga naunang Aklat ng Kapahayagan (mga Kasulatan, alalaong baga, ang Torah [mga Batas], ang Ebanghelyo hinggil sa pagdatal ni Propeta Muhammad

وَلَوْ أَنَّا أَهْلَكْنَاهُم بِعَذَابٍ مِّن قَبْلِهِ لَقَالُوا رَبَّنَا لَوْلَا أَرْسَلْتَ إِلَيْنَا رَسُولًا فَنَتَّبِعَ آيَاتِكَ مِن قَبْلِ أَن نَّذِلَّ وَنَخْزَىٰ(134)

 At kung sila ay winasak Namin sa kaparusahan bago pa rito (alalaong baga, kay Propeta Muhammad at sa Qur’an), katiyakan na kanilang sasabihin: “O aming Panginoon! Kung Kayo ay nagsugo lamang sa amin ng isang Tagapagbalita, walang pagsala na kami ay nagsisunod sa Inyong Ayat (mga tanda, kapahayagan, katibayan, aral, atbp.) bago pa kami abahin at ilagay sa kahihiyan.”

قُلْ كُلٌّ مُّتَرَبِّصٌ فَتَرَبَّصُوا ۖ فَسَتَعْلَمُونَ مَنْ أَصْحَابُ الصِّرَاطِ السَّوِيِّ وَمَنِ اهْتَدَىٰ(135)

 Ipagbadya (o Muhammad): “Ang bawat isa (sa atin, mga sumasampalataya at hindi sumasampalataya) ay naghihintay, kaya’t magsipaghintay din kayo. Hindi magtatagal at inyong mapag-aalaman kung sino ang nasa matuwid at patag na landas (alalaong baga, ang nasa Islam – ang Pananampalataya ni Allah) at kung sino sila na tumanggap sa kanilang sarili ng patnubay (sa tamang landas).”


Filipince diğer sureler:

Bakara suresi Âl-i İmrân Nisâ suresi
Mâide suresi Yûsuf suresi İbrâhîm suresi
Hicr suresi Kehf suresi Meryem suresi
Hac suresi Kasas suresi Ankebût suresi
As-Sajdah Yâsîn suresi Duhân suresi
fetih suresi Hucurât suresi Kâf suresi
Necm suresi Rahmân suresi vakıa suresi
Haşr suresi Mülk suresi Hâkka suresi
İnşikâk suresi Alâ suresi Gâşiye suresi

En ünlü okuyucuların sesiyle Taha Suresi indirin:

Surah Ta-Ha mp3: yüksek kalitede dinlemek ve indirmek için okuyucuyu seçerek
Taha Suresi Ahmed El Agamy
Ahmed El Agamy
Taha Suresi Saad Al Ghamdi
Saad Al Ghamdi
Taha Suresi Saud Al Shuraim
Saud Al Shuraim
Taha Suresi Abdul Basit Abdul Samad
Abdul Basit
Taha Suresi Abdullah Basfar
Abdullah Basfar
Taha Suresi Abdullah Awwad Al Juhani
Abdullah Al Juhani
Taha Suresi Ali Al Hudhaifi
Ali Al Hudhaifi
Taha Suresi Fares Abbad
Fares Abbad
Taha Suresi Maher Al Muaiqly
Maher Al Muaiqly
Taha Suresi Muhammad Jibril
Muhammad Jibril
Taha Suresi Muhammad Siddiq Al Minshawi
Al Minshawi
Taha Suresi Al Hosary
Al Hosary
Taha Suresi Al-afasi
Mishari Al-afasi
Taha Suresi Nasser Al Qatami
Nasser Al Qatami
Taha Suresi Yasser Al Dosari
Yasser Al Dosari


Friday, November 22, 2024

Bizim için dua et, teşekkürler