Al-Baqarah · 197/286
Salin Transliterasyon — Surah Al-Baqarah
الْحَجُّ أَشْهُرٌ مَّعْلُومَاتٌ ۚ فَمَن فَرَضَ فِيهِنَّ الْحَجَّ فَلَا رَفَثَ وَلَا فُسُوقَ وَلَا جِدَالَ فِي الْحَجِّ ۗ وَمَا تَفْعَلُوا مِنْ خَيْرٍ يَعْلَمْهُ اللَّهُ ۗ وَتَزَوَّدُوا فَإِنَّ خَيْرَ الزَّادِ التَّقْوَىٰ ۚ وَاتَّقُونِ يَا أُولِي الْأَلْبَابِ ۝١٩٧
Al-Hajju ashhurum ma`-loomaat; faman farada feeinnal hajja falaa rafasa wa laa fusooqa wa laa jidaala fil Hajj; wa maa taf`aloo min khairiny ya`lamhul laah; wa tazawwadoo fa inna khairaz zaadit taqwaa; wattaqooni yaaa ulil albaab
📖 Sa Filipino
Ang Hajj (Pilgrimahe) ay (nasa loob) ng mga bantog na buwan (alalaong baga, ang pansampu, panlabing-isa at unang sampung araw ng panlabingdalawang buwan ng kalendaryong Islamiko, alalaong baga, dalawang buwan at sampung araw). Kaya’t kung sinuman ang magpasyang magsagawa ng Hajj (Pilgrimahe), dito (na ang pasimula ay ang pagsusuot ng Ihram, alalaong baga, kasuutan na pang-Pilgrimahe), kung gayon, hindi marapat na siya ay makipag-ulayaw sa kanyang asawa, at huwag gumawa ng kasalanan at huwag ding makipagtalo ng walang katarungan sa panahon ng Hajj. At anumang mabuti ang inyong gawin, (huwag magkaroon ng alinlangan), si Allah ang nakakatalos ng mga ito. At kayo ay magbaon ng inyong ikabubuhay, datapuwa’t ang higit na mainam na baon ay Taqwa (kabutihan, kabanalan, pangangamba at pagkatakot kay Allah, atbp.). Kaya’t Ako ay pangambahan ninyo, o kayong mga tao na may pang- unawa

🎧 Pakinggan
📜

Salin — Tafsir

Kahulugan ng mga Salita:

  • الْحَجُّ أَشْهُرٌ مَّعْلُومَاتٌ: Ang Hajj ay may mga buwang itinakda at nalalaman.
  • فَرَضَ: nag-obligar o nagtalaga sa sarili.
  • الرَّفَثُ: pakikipagtalik sa asawa at mga bagay na nauuna rito (mga pagnanasa at usapan).
  • الْفُسُوقُ: lahat ng uri ng pagsuway at kasalanan.
  • الْجِدَالُ: pagtatalo, pakikipagtalo, o pag-aaway.
  • تَزَوَّدُوا: magdala ng panustos (pagkain at inumin) para sa paglalakbay.
  • التَّقْوَى: pagkatakot sa Allah sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga utos at pag-iwas sa Kanyang mga bawal.
  • أُولِي الْأَلْبَابِ: mga taong may matatalinong isipan at wastong pang-unawa.

Paliwanag sa Talata:

Ang panahon ng Hajj ay mga buwang nalalaman at itinakda, na nagsisimula sa buwan ng Shawwal, sinusundan ng Dhul-Qi'dah, at sampung araw ng buwan ng Dhul-Hijjah. Ang sinumang mag-obligar sa kanyang sarili na magsagawa ng Hajj sa mga buwang ito sa pamamagitan ng pagpasok sa estado ng Ihram (pagsisimula ng mga ritwal), ipinagbabawal na sa kanya ang pakikipagtalik sa asawa at ang mga bagay na nauuna rito, maging ito man ay sa salita o sa gawa. Gayundin, ipinagbabawal ang lahat ng uri ng pagsuway at kasalanan, at ang pagtatalo o pakikipagtalo na nagdudulot ng galit at hidwaan, lalo na sa mga banal na lugar at panahon na ito.

Ang anumang kabutihan na gagawin ninyo, maliit man o malaki, lantad man o lihim, ay nalalaman ng Allah, at Kanyang gagantihan kayo nang naaayon dito. Kaya't maghanda kayo para sa inyong paglalakbay sa pamamagitan ng pagdadala ng sapat na pagkain at inumin, at higit sa lahat, maghanda kayo para sa Kabilang Buhay sa pamamagitan ng mabubuting gawa. Ang pinakamabuting panustos na dadalhin ninyo ay ang pagkatakot sa Allah (Taqwa), sapagkat ito ang magsisilbing gabay at proteksyon ninyo sa lahat ng inyong mga gawain. Kaya't katakutan Ako, O mga taong may matatalinong isipan, sa pamamagitan ng pagsunod sa Aking mga utos at pag-iwas sa Aking mga bawal.

Mga Aral na Makukuha:

  1. Ang Hajj ay may tiyak na panahon na itinakda ng Allah, at hindi maaaring gawin sa ibang buwan, na nagtuturo sa atin ng kahalagahan ng pagsunod sa mga itinakdang oras at panahon sa pagsamba.
  2. Ang pag-iingat sa dila at katawan mula sa mga kasalanan at pagtatalo sa panahon ng Hajj ay nagpapakita ng kadakilaan ng lugar at panahon, at nagtuturo sa atin na ang pagsamba ay hindi lamang mga ritwal kundi paglilinis ng kaluluwa at pagpapabuti ng ugali.
  3. Ang kaalaman ng Allah sa lahat ng ating ginagawa, mabuti man o masama, ay naghihikayat sa atin na gumawa ng kabutihan sa lahat ng pagkakataon, sapagkat walang anumang mawawala sa Kanya.
  4. Ang paghahanda at pagpaplano para sa anumang gawain, kabilang ang paglalakbay, ay isang sunnah (paraan) ng mga propeta, ngunit ang pinakamahalagang paghahanda ay ang pagdadala ng Taqwa, sapagkat ito ang magsisilbing sandata sa oras ng pangangailangan.
  5. Ang paanyaya sa mga may matatalinong isipan na matakot sa Allah ay nagpapakita na ang tunay na katalinuhan ay ang pagkaunawa sa layunin ng buhay at ang pagkilos ayon sa kalooban ng Allah, na siyang daan tungo sa tagumpay sa mundong ito at sa Kabilang Buhay.


📜 Talata 195-199 — Surah Al-Baqarah

195وَأَنفِقُوا فِي سَبِيلِ اللَّهِ وَلَا تُلْقُوا بِأَيْدِيكُمْ إِلَى التَّهْلُكَةِ ۛ وَأَحْسِنُوا ۛ إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ الْمُحْسِنِينَ
At gumugol kayo sa Kapakanan ni Allah at huwag ninyong hayaan na ang inyong sariling mga kamay ang maghantong sa (inyong) pagkawasak, datapuwa’t magsigawa kayo ng kabutihan; sapagkat si Allah ay nagmamahal sa mga gumagawa ng kabutihan
196وَأَتِمُّوا الْحَجَّ وَالْعُمْرَةَ لِلَّهِ ۚ فَإِنْ أُحْصِرْتُمْ فَمَا اسْتَيْسَرَ مِنَ الْهَدْيِ ۖ وَلَا تَحْلِقُوا رُءُوسَكُمْ حَتَّىٰ يَبْلُغَ الْهَدْيُ مَحِلَّهُ ۚ فَمَن كَانَ مِنكُم مَّرِيضًا أَوْ بِهِ أَذًى مِّن رَّأْسِهِ فَفِدْيَةٌ مِّن صِيَامٍ أَوْ صَدَقَةٍ أَوْ نُسُكٍ ۚ فَإِذَا أَمِنتُمْ فَمَن تَمَتَّعَ بِالْعُمْرَةِ إِلَى الْحَجِّ فَمَا اسْتَيْسَرَ مِنَ الْهَدْيِ ۚ فَمَن لَّمْ يَجِدْ فَصِيَامُ ثَلَاثَةِ أَيَّامٍ فِي الْحَجِّ وَسَبْعَةٍ إِذَا رَجَعْتُمْ ۗ تِلْكَ عَشَرَةٌ كَامِلَةٌ ۗ ذَٰلِكَ لِمَن لَّمْ يَكُنْ أَهْلُهُ حَاضِرِي الْمَسْجِدِ الْحَرَامِ ۚ وَاتَّقُوا اللَّهَ وَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ شَدِيدُ الْعِقَابِ
At inyong isagawa nang maayos ang Hajj (Pilgrimahe) at Umrah (Maigsing Pilgrimahe) sa paglilingkod kay Allah. Datapuwa’t kung kayo ay nagkaroon ng sagabal (upang magampanan ang lahat ng ito), kayo ay mag-alay ng Hady (ang hayop, tulad ng tupa, baka, atbp.) ayon sa inyong kakayahan at huwag ninyong ahitin ang inyong ulo hanggang ang inyong Hady ay hindi pa nakakarating sa pook ng pag-aalay. At kung sinuman sa inyo ang may sakit, o may karamdaman sa kanyang anit (na kailangang ahitin), siya ay nararapat na magbayad ng Fidya (pantubos o panghalili); maaaring siya ay mag-ayuno (ng tatlong araw), o magpakain ng mahirap (anim na katao) o mag-alay (ng isang tupa). At kung ikaw ay nasa (katayuang muli) ng kaligtasan, sinuman ang magsagawa (o magpatuloy) ng Umrah hanggang Hajj sa buwan ng Hajj, siya ay nararapat na maghandog ng alay ayon sa kanyang kakayahan, datapuwa’t kung wala siyang kakayahan ay nararapat na siya ay mag- ayuno ng tatlong araw sa panahon ng Hajj at pitong araw pagkauwi niya, ganap na sampung araw sa lahat-lahat. Ito ay para (sa kanila) na ang mga pamilya ay (hindi nakatira sa loob ng hangganan) ng Banal na Bahay dalanginan. At inyong pangambahan si Allah at inyong maalaman na si Allah ay mahigpit sa kaparusahan
197الْحَجُّ أَشْهُرٌ مَّعْلُومَاتٌ ۚ فَمَن فَرَضَ فِيهِنَّ الْحَجَّ فَلَا رَفَثَ وَلَا فُسُوقَ وَلَا جِدَالَ فِي الْحَجِّ ۗ وَمَا تَفْعَلُوا مِنْ خَيْرٍ يَعْلَمْهُ اللَّهُ ۗ وَتَزَوَّدُوا فَإِنَّ خَيْرَ الزَّادِ التَّقْوَىٰ ۚ وَاتَّقُونِ يَا أُولِي الْأَلْبَابِ
Ang Hajj (Pilgrimahe) ay (nasa loob) ng mga bantog na buwan (alalaong baga, ang pansampu, panlabing-isa at unang sampung araw ng panlabingdalawang buwan ng kalendaryong Islamiko, alalaong baga, dalawang buwan at sampung araw). Kaya’t kung sinuman ang magpasyang magsagawa ng Hajj (Pilgrimahe), dito (na ang pasimula ay ang pagsusuot ng Ihram, alalaong baga, kasuutan na pang-Pilgrimahe), kung gayon, hindi marapat na siya ay makipag-ulayaw sa kanyang asawa, at huwag gumawa ng kasalanan at huwag ding makipagtalo ng walang katarungan sa panahon ng Hajj. At anumang mabuti ang inyong gawin, (huwag magkaroon ng alinlangan), si Allah ang nakakatalos ng mga ito. At kayo ay magbaon ng inyong ikabubuhay, datapuwa’t ang higit na mainam na baon ay Taqwa (kabutihan, kabanalan, pangangamba at pagkatakot kay Allah, atbp.). Kaya’t Ako ay pangambahan ninyo, o kayong mga tao na may pang- unawa
198لَيْسَ عَلَيْكُمْ جُنَاحٌ أَن تَبْتَغُوا فَضْلًا مِّن رَّبِّكُمْ ۚ فَإِذَا أَفَضْتُم مِّنْ عَرَفَاتٍ فَاذْكُرُوا اللَّهَ عِندَ الْمَشْعَرِ الْحَرَامِ ۖ وَاذْكُرُوهُ كَمَا هَدَاكُمْ وَإِن كُنتُم مِّن قَبْلِهِ لَمِنَ الضَّالِّينَ
Hindiisangkasalanansainyokungkayoaymagsihanap ng Biyaya ng inyong Panginoon (sa panahon ng Pilgrimahe). At kung kayo ay paalis na sa (Bundok ng) Arafat, inyong ipagdiwang ang pagluwalhati sa (inyong) Panginoon sa Banal na dambana (Muzdalifa) at ipagbunyi ang Kanyang papuri sapagkat kayo ay Kanyang pinatnubayan, bagama’t sa simula nito, kayo ay napaligaw
199ثُمَّ أَفِيضُوا مِنْ حَيْثُ أَفَاضَ النَّاسُ وَاسْتَغْفِرُوا اللَّهَ ۚ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَّحِيمٌ
At kayo ay magbalik mula sa pook kung saan ang karamihan ng lahat ay maaaring magsama-sama at kayo ay manawagan kay Allah sa Kanyang kapatawaran. Katotohanang si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
Al-BaqarahTalaan ng Quran
286Talata
MedinanRevelation
197Talata

Salin — Al-Baqarah 197

Surah Al-Baqarah Talata 197 - Basahin, Pakinggan, Salin, Filipino : Ang Hajj (Pilgrimahe) ay (nasa loob) ng mga bantog na…

Surah Talata 197/286 — Surah Al-Baqarah البقرة (Medinan). Basahin Pakinggan Salin (Filipino). Pakinggan: Surah Al-Baqarah Pakinggan, Surah Al-Baqarah Salin, Surah Al-Baqarah mp3, Surah Al-Baqarah pdf. Talata 195–199. Sa Filipino: Melayu.




Banal na Quran


Monday, September 7, 2026

Don't forget us in your sincere prayers