Wa mal lam yastati` minkum tawlan ai yankihal muhsanaatil mu`minaati famimmaa malakat aimaanukum min fatayaatikumul mu`minaat; wallaahu a`lamu bi eemaanikum; ba`dukum mim ba`d; fankihoohunna bi izni ahlihinna wa aatoohunna ujoorahunna bilma`roofi muhsanaatin ghaira musaa fihaatinw wa laa muttakhizaati akhdaan; fa izaaa uhsinna fa in ataina bifaahi shatin fa`alaihinnna nisfu maa `alal muhsanaati minal `azaab; zaalika liman khashiyal `anata minkum; wa an tasbiroo khairul lakum; wallaahu Ghafoorur Raheem
📖 Salin (Sa Filipino)
📖 Sa Filipino
At kung sinuman sa inyo ang walang kakayahan upang magpakasal sa isang malaya at sumasampalatayang babae, maaari silang magpakasal sa mga babae na angkin ng kanilang kanang kamay (bilang bihag mula sa Jihad [maka-Diyos na pakikidigma]); at si Allah ay may ganap na kaalaman tungkol sa inyong pananampalataya. Kayo ay isa mula sa iba; pakasalan sila sa pahintulot ng nangangalaga sa kanila at ibigay sa kanila ang kanilang Mahr (dote o handog) ng ayon sa kung ano ang katampatan; sila ay marapat na malinis at hindi mahalay (at hindi gumagawa ng bawal na pakikipagtalik) kung sila ay pinakasalan na. Kung sila ay magkasala ng kahalayan (bawal na pakikipagtalik), ang kanilang kaparusahan ay kalahati ng (kaparusahan) ng isang malayang babae (hindi alipin). Ito ay para sa kanya mula sa lipon ninyo na nangangamba sa kasalanan; datapuwa’t ito ay higit na mainam sa inyo kung kayo ay magtimpi, sapagkat si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
🌐 Additional reference in Melayu
🌐 Melayu
Dan sesiapa di antara kamu yang tidak mempunyai kemampuan yang cukup untuk berkahwin dengan perempuan-perempuan yang baik-baik (yang merdeka, yang terpelihara kehormatannya) lagi beriman, maka bolehlah kamu berkahwin dengan hamba-hamba perempuan yang beriman yang kamu miliki. Dan Allah lebih mengetahui akan iman kamu; kamu masing-masing (suami yang merdeka dan isteri dari hamba - abdi itu) adalah berasal sama (dari Adam, dan seugama pula). Oleh itu berkahwinlah dengan mereka dengan izin walinya serta berikanlah maskahwinnya menurut yang patut. Mereka (hamba-hamba perempuan yang akan dijadikan isteri, hendaklah) yang sopan bukan perempuan-perempuan lacur, dan bukan pula yang mengambil lelaki sebagai teman simpanan. Kemudian setelah mereka (hamba-hamba perempuan itu) berkahwin, lalu mereka melakukan perbuatan keji (zina), maka mereka dikenakan separuh dari (hukuman) seksa yang ditetapkan ke atas perempuan-perempuan yang merdeka. (Hukum perkahwinan) yang demikian (yang membolehkan seseorang berkahwin dengan hamba-hamba perempuan) itu ialah bagi orang-orang yang bimbang melakukan zina di antara kamu; dan sabarnya kamu (tidak berkahwin dengan hamba-hamba perempuan) itu adalah lebih baik bagi kamu. Dan (ingatlah), Allah Maha Pengampun, lagi Maha Mengasihani.
Muḥṣanāt – mga malayang babaeng may asawa o may nag-iingat sa kanilang kalinisan (mga babaeng malaya at kagalang-galang).
Fatayāt – mga babaeng alipin (aliping babae).
Ujūr – mga dote o handog na pangkasal.
Musāfiḥāt – mga babaeng nakikiapid nang lantaran.
Mutakhidhāt akhdān – mga babaeng may lihim na kasintahan para sa pakikiapid.
Iḥṣān – pag-aasawa o pagiging malinis at pinoprotektahan.
Fāḥishah – pakikiapid (zina).
ʿAdhāb – parusa o kaparusahan.
ʿAnat – takot na mahulog sa kasalanan ng pakikiapid dahil sa matinding pagnanasa.
Interpretasyon ng Talata:
Sinumang lalaki sa inyo na walang sapat na kayamanan upang mapangasawa ang mga malayang babaeng mananampalataya, pinahihintulutan sa kanya na mag-asawa ng mga babaeng alipin na mananampalataya na pag-aari ng iba. Ang Allah ang lubos na nakaaalam sa tunay na kalagayan ng inyong pananampalataya; kayo at sila ay magkapantay sa relihiyon at pagkatao, sapagkat lahat kayo ay mga anak ni Adan. Kaya huwag kayong mahiya o mag-atubiling mag-asawa ng mga babaeng alipin, ngunit kailangan ito sa pahintulot ng kanilang mga panginoon. Nararapat na ibigay ninyo sa kanila ang kanilang mga dote nang buong-katapatan at walang pagbabawas, bilang mga babaeng malinis at nag-iingat ng kanilang puri—hindi yaong mga nakikiapid nang lantaran o may lihim na mga kasintahan para sa imoral na layunin.
Kapag ang mga babaeng alipin na ito ay nakapag-asawa na at pagkatapos ay nakagawa ng pakikiapid, ang kanilang parusa ay kalahati lamang ng parusa ng mga malayang babaeng may asawa: limampung palo, at hindi sila babatuhin. Ang pahintulot na ito na mag-asawa ng mga babaeng alipin ay para lamang sa mga taong natatakot na mahulog sa kasalanan ng pakikiapid dahil sa matinding pagnanasa at hindi makapag-asawa ng malayang babae. Gayunpaman, ang pagtitiis at pag-iwas sa pag-aasawa ng mga babaeng alipin ay higit na mabuti para sa inyo, upang hindi mapasailalim sa pagkaalipin ang inyong mga magiging anak. Ang Allah ay Mapagpatawad at Mahabagin sa Kanyang mga lingkod, sapagkat pinahintulutan Niya ang madaling paraan sa panahon ng pangangailangan.
Mga Aral at Benepisyo:
Ang Islam ay isang relihiyon ng kadalian at awa; hindi nito binibigyang-pahirap ang tao sa mga sitwasyong mahirap, bagkus ay nagbibigay ng mga solusyon upang mapanatili ang kalinisan at maiwasan ang kasalanan.
Ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao sa harap ng Allah—maging malaya man o alipin—ay nagpapakita na ang tunay na karangalan ay nasa pananampalataya at kabanalan, hindi sa lahi o katayuan sa lipunan.
Ang pag-aasawa ay isang sagradong ugnayan na dapat isagawa nang may pahintulot, katarungan, at pagbibigay ng nararapat na karapatan sa babae, na nagpapakita ng mataas na pagpapahalaga ng Islam sa kababaihan.
Ang pagkontrol sa sariling pagnanasa at pagtitiis sa kabila ng kahirapan ay isang dakilang birtud na nagdudulot ng malaking gantimpala mula sa Allah, at ito ay mas mabuti kaysa sa pagpili ng madaling paraan na maaaring magdulot ng komplikasyon sa hinaharap.
Ang parusa sa mga nagkakasala ay proporsyonal sa kanilang kalagayan, na nagpapakita ng katarungan ng Islam sa pagpapatupad ng mga batas nito, habang binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagprotekta sa lipunan mula sa imoralidad.
At kung sinuman sa inyo ang walang kakayahan upang magpakasal sa isang malaya at sumasampalatayang babae, maaari silang magpakasal sa mga babae na angkin ng kanilang kanang kamay (bilang bihag mula sa Jihad [maka-Diyos na pakikidigma]); at si Allah ay may ganap na kaalaman tungkol sa inyong pananampalataya. Kayo ay isa mula sa iba; pakasalan sila sa pahintulot ng nangangalaga sa kanila at ibigay sa kanila ang kanilang Mahr (dote o handog) ng ayon sa kung ano ang katampatan; sila ay marapat na malinis at hindi mahalay (at hindi gumagawa ng bawal na pakikipagtalik) kung sila ay pinakasalan na. Kung sila ay magkasala ng kahalayan (bawal na pakikipagtalik), ang kanilang kaparusahan ay kalahati ng (kaparusahan) ng isang malayang babae (hindi alipin). Ito ay para sa kanya mula sa lipon ninyo na nangangamba sa kasalanan; datapuwa’t ito ay higit na mainam sa inyo kung kayo ay magtimpi, sapagkat si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
Ipinagbabawalsainyo(okalalakihan, namapangasawa) ang (mga sumusunod): ang inyong ina, anak na babae, kapatid na babae, kapatid na babae ng inyong ama, kapatid na babae ng inyong ina, anak na babae ng inyong kapatid na lalaki, anak na babae ng inyong kapatid na babae, ang babae na umampon sa inyo na nagpasuso sa inyo, ang inyong kinakapatid na babae (kapatid sa ina), ang ina ng inyong kabiyak, ang inyong anak-anakang babae na nasa ilalim ng inyong pangangalaga, na naging anak (sa una o ibang asawa) ng inyong kabiyak na inyong sinipingan, - datapuwa’t ito ay hindi kasalanan sa inyo kung kayo ay hindi sumiping sa kanya (sa inyong kabiyak na siyang ina ng inyong anak- anakang babae), ang naging asawa ng inyong anak na lalaki na nanggaling sa himaymay ng inyong laman, at dalawang magkapatid na babae na inyong pinangasawa nang sabay, maliban na lamang sa nangyari noong una; sapagkat si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
Gayundin (ay ipinagbabawal) ang mga babaeng may asawa na, maliban sa angkin ng inyong kanang kamay (bilang bihag). Sa ganito ipinag-utos ni Allah (ang bawal) sa inyo. Ang lahat ng iba pa ay pinapayagan sa inyo, ngunit marapat na hinanap ninyo (bilang asawa na pakakasalan) na may kaloob na Mahr (dote o handog na ibinibigay ng lalaki sa kanyang mapapangasawa sa panahon ng kasal) mula sa inyong ari-arian, na naghahangad ng kalinisan at hindi kahalayan (bawal na pakikipagtalik). Kaya’t sila na inyong nakapiling sa pagtatamasa ng kaligayahan sa pakikipagtalik, sila ay inyong gawaran ng takdang Mahr (dote o handog), datapuwa’t kung ang Mahr (dote o handog) ay naitalaga na at inyong napagkasunduan (na magbigay pa ng higit), ito ay hindi kasalanan sa inyo. Katotohanang si Allah ay Lalagi nang Ganap na Nakakaalam, ang Tigib ng Karunungan
At kung sinuman sa inyo ang walang kakayahan upang magpakasal sa isang malaya at sumasampalatayang babae, maaari silang magpakasal sa mga babae na angkin ng kanilang kanang kamay (bilang bihag mula sa Jihad [maka-Diyos na pakikidigma]); at si Allah ay may ganap na kaalaman tungkol sa inyong pananampalataya. Kayo ay isa mula sa iba; pakasalan sila sa pahintulot ng nangangalaga sa kanila at ibigay sa kanila ang kanilang Mahr (dote o handog) ng ayon sa kung ano ang katampatan; sila ay marapat na malinis at hindi mahalay (at hindi gumagawa ng bawal na pakikipagtalik) kung sila ay pinakasalan na. Kung sila ay magkasala ng kahalayan (bawal na pakikipagtalik), ang kanilang kaparusahan ay kalahati ng (kaparusahan) ng isang malayang babae (hindi alipin). Ito ay para sa kanya mula sa lipon ninyo na nangangamba sa kasalanan; datapuwa’t ito ay higit na mainam sa inyo kung kayo ay magtimpi, sapagkat si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
Ninanais lamang ni Allah na maging maliwanag sa inyo (kung ano ang pinahihintulutan at kung ano ang hindi pinahihintulutan) at upang maipakita sa inyo ang mga paraan ng mga nangauna sa inyo at tanggapin ang inyong pagsisisi, at si Allah ang Ganap na Nakakaalam, ang Puspos ng Kaalaman
Ninanais ni Allah na tanggapin ang inyong pagsisisi, datapuwa’t ang mga sumusunod sa kanilang mga pagnanasa ay naghahangad sa inyo (na mga sumasampalataya) na kayo ay lubhang malihis nang malayo sa tamang landas
SurahQuran.com was founded as a humble effort to serve the Noble Book and the pure Sunnah, to invite people to Allah, and to make the religious sciences accessible according to the methodology of the Quran and Sunnah. We praise and thank Allah for His grace, and we ask Him to accept our work and make it sincere for His noble Face.