Surah Al-Lail
PDF —
Built right in your browser — download starts automatically
Surah Al-Lail pdf — I-download (Filipino)
Surah Al-Lail pdf Filipino — I-download Surah Al-Lail Salin. Al-Lail (Meccan) 21 Talata.
Related
- Al-Lail SalinFilipino
- Al-Lail mp3Pakinggan
- Quran Index Filipino114
More Surah PDF
Surah Al-Lail

ﮡﮢﮣﮤ
Sa pamamagitan ng Gabi habang lumulukob (sa liwanag)
ﮥﮦﮧﮨ
At sa pamamagitan ng Araw habang ito ay namamanaag sa pagsikat
ﮩﮪﮫﮬﮭ
At sa pamamagitan Niya na lumikha ng lalaki at babae
ﮮﮯﮰﮱ
Katotohanan, ang inyong pinagsusumikapan at mga gawa ay magkakaiba (sa layunin)
ﯓﯔﯕﯖﯗ
At sa kanya na nagbibigay (sa kawanggawa) at nananampalataya at may pangangamba kay Allah
ﯘﯙﯚ
At (buong katapatan) na nananampalataya sa Al-Husna (ang Pinakamainam, alalaong baga, isang gantimpala mula kay Allah, na si Allah ang magbabayad sa anumang kanyang ginugol tungo sa Kapakanan ni Allah o maggagawad sa kanya ng Paraiso)
ﯛﯜﯝ
Katotohanang gagawin Naming magaan sa kanya ang Landas patungo sa Kaluwalhatian
ﯞﯟﯠﯡﯢ
Datapuwa’t siya na makasarili at mapag-imbot at nagpapalagay na may sarili siyang kasapatan (alalaong baga, na nasa kanya ang lahat ng bagay)
ﯣﯤﯥ
At hindi nananangan sa Al-Husna (ang Pinakamainam na gantimpalang manggagaling kay Allah, tingnan ang Talata bilang)
ﭑﭒﭓ
Katotohanang gagawin Naming magaan sa kanya ang Landas patungo sa Kapariwaraan
ﭔﭕﭖﭗﭘﭙﭚ
At anong kapakinabangan ang maidudulot sa kanya ng kanyang kayamanan sa sandaling siya ay ibulid sa Balon (ng Apoy ng Impiyerno)
ﭛﭜﭝﭞ
Katotohanan! Nasa sa Amin ang pagbibigay ng 962 Patnubay
ﭟﭠﭡﭢﭣ
At Katotohanang Kami ang nagtataglay (ng kapamahalaan) ng Katapusan (Kabilang Buhay) at ng Simula (ang Buhay sa mundong ito)
ﭤﭥﭦﭧ
Kaya’t kayo ay Aking binabalaan ng Naglalagablab at Umaalimpuyong Apoy (Impiyerno)
ﭨﭩﭪﭫﭬ
walang ibang papasok dito maliban sa mga tampalasan
ﭭﭮﭯﭰ
Na nagpapasinungaling sa Katotohanan at tumatalikod
ﭱﭲﭳ
Datapuwa’t sa Muttaqun (mga matimtiman at matutuwid na tao na lubos na sumasampalataya kay Allah), ay malayo rito (Impiyerno)
ﭴﭵﭶﭷﭸ
Sila na gumugugol ng kanilang kayamanan upang magkamit ng kadalisayan (sa kanilang sarili)
ﭹﭺﭻﭼﭽﭾﭿ
At wala siyang iniisip na pag-asam ng ganti sa sinuman (na kanyang dinamayan)
ﮀﮁﮂﮃﮄﮅ
Maliban lamang sa kanyang hangarin na mapaghanap ang Bukas na Mukha ng kanyang Panginoon, ang Kataas-taasan
ﮆﮇﮈ
Katiyakang Siya ay malulugod (kung siya ay papasok na sa Paraiso). BAgo tumAnghAli
Banal na Quran
Tuesday, August 18, 2026
Don't forget us in your sincere prayers







