سورة القصص بالفلبينية

  1. استمع للسورة
  2. سور أخرى
  3. ترجمة السورة
القرآن الكريم | ترجمة معاني القرآن | اللغة الفلبينية | سورة القصص | Qasas - عدد آياتها 88 - رقم السورة في المصحف: 28 - معنى السورة بالإنجليزية: The Stories.

طسم(1)

Ta, Sin, Mim (mga titik Ta, Sa, Ma)

تِلْكَ آيَاتُ الْكِتَابِ الْمُبِينِ(2)

Ito ang mgaTalata ng maliwanag naAklat (na nagtatambad na maging malinaw ang katotohanan kaysa sa kabulaanan, ng mabuti kaysa sa masama, atbp)

نَتْلُو عَلَيْكَ مِن نَّبَإِ مُوسَىٰ وَفِرْعَوْنَ بِالْحَقِّ لِقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ(3)

Isinalaysay Namin sa iyo ang ilan sa kasaysayan ni Moises at Paraon ng may Katotohanan para sa mga tao na sumasampalataya (na nananalig sa Qur’an at sa Kaisahan ni Allah)

إِنَّ فِرْعَوْنَ عَلَا فِي الْأَرْضِ وَجَعَلَ أَهْلَهَا شِيَعًا يَسْتَضْعِفُ طَائِفَةً مِّنْهُمْ يُذَبِّحُ أَبْنَاءَهُمْ وَيَسْتَحْيِي نِسَاءَهُمْ ۚ إِنَّهُ كَانَ مِنَ الْمُفْسِدِينَ(4)

Katotohanang si Paraon ay nagmataas sa kanyang sarili sa kalupaan at pinagwatak-watak niya ang kanyang mga tao (sa mga sekta o pangkat), na nagpapahapis (at nagpapahina) sa ilang pangkat ng kanilang lipon (alalaong baga, ang Angkan ng Israel), ang kanilang mga anak na lalaki ay kanyang pinaslang datapuwa’t pinabayaan niyang mabuhay ang kababaihan, sapagkat tunay ngang siya ay isa sa Mufsidun (alalaong baga, ang mga mapaggawa ng malalaking kasalanan at krimen, kabuktutan, pang-aapi, kasamaan, atbp)

وَنُرِيدُ أَن نَّمُنَّ عَلَى الَّذِينَ اسْتُضْعِفُوا فِي الْأَرْضِ وَنَجْعَلَهُمْ أَئِمَّةً وَنَجْعَلَهُمُ الْوَارِثِينَ(5)

At ninais Namin na maging Mapagpala sa mga nahahapis sa kalupaan, upang sila ay maging mga pinuno (sa pananalig) at gawin sila na mga tagapagmana

وَنُمَكِّنَ لَهُمْ فِي الْأَرْضِ وَنُرِيَ فِرْعَوْنَ وَهَامَانَ وَجُنُودَهُمَا مِنْهُم مَّا كَانُوا يَحْذَرُونَ(6)

Upang itindig sila nang matibay sa kalupaan, at maipakita Namin kay Paraon at kay Hamam at sa kanilang mga tagatangkilik, kung ano ang kanilang kinatatakutan sa kanila

وَأَوْحَيْنَا إِلَىٰ أُمِّ مُوسَىٰ أَنْ أَرْضِعِيهِ ۖ فَإِذَا خِفْتِ عَلَيْهِ فَأَلْقِيهِ فِي الْيَمِّ وَلَا تَخَافِي وَلَا تَحْزَنِي ۖ إِنَّا رَادُّوهُ إِلَيْكِ وَجَاعِلُوهُ مِنَ الْمُرْسَلِينَ(7)

Kaya’t ipinadala Namin ang ganitong inspirasyon sa ina ni Moises: “Pasusuhin mo (ang iyong anak, si Moises), datapuwa’t kung ikaw ay may pangangamba para sa kanya, ay ipaanod mo siya sa ilog, subalit huwag kang matakot o magdalamhati, sapagkat muli Naming ibabalik siya sa iyo, at Aming hihirangin siya na maging isa sa Aming mga Tagapagbalita

فَالْتَقَطَهُ آلُ فِرْعَوْنَ لِيَكُونَ لَهُمْ عَدُوًّا وَحَزَنًا ۗ إِنَّ فِرْعَوْنَ وَهَامَانَ وَجُنُودَهُمَا كَانُوا خَاطِئِينَ(8)

Ang mga kasambahay ni Paraon ay nakasagip sa kanya (sa ilog). (Ito ay sinadya) upang (si Moises) ay magsilbing kaaway at magdulot sa kanila ng dalamhati. Katotohanang si Paraon at Haman at ang lahat nilang tagatangkilik ay mga tao na makasalanan

وَقَالَتِ امْرَأَتُ فِرْعَوْنَ قُرَّتُ عَيْنٍ لِّي وَلَكَ ۖ لَا تَقْتُلُوهُ عَسَىٰ أَن يَنفَعَنَا أَوْ نَتَّخِذَهُ وَلَدًا وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ(9)

At ang asawa ni Paraon ay nagsabi: “(Narito) ang isang kasiyahan ng mata, sa akin at para sa iyo: huwag mo siyang paslangin. Marahil, siya ay magiging kapakinabangan sa atin, o di kaya ay ampunin natin siya bilang anak. At hindi nila napagtatanto (kung ano ang magiging bunga ng kanilang gagawin)

وَأَصْبَحَ فُؤَادُ أُمِّ مُوسَىٰ فَارِغًا ۖ إِن كَادَتْ لَتُبْدِي بِهِ لَوْلَا أَن رَّبَطْنَا عَلَىٰ قَلْبِهَا لِتَكُونَ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ(10)

At ang puso ng ina ni Moises ay nawalan ng pandama (naging hungkag, maliban sa pag-aala-ala kay Moises). At nakahanda na sanang isiwalat niya ang lahat (na si Moises ay kanyang anak), kung hindi Namin pinatibay ang kanyang dibdib (sa Pananalig), upang siya ay manatili na isang matatag na nananampalataya

وَقَالَتْ لِأُخْتِهِ قُصِّيهِ ۖ فَبَصُرَتْ بِهِ عَن جُنُبٍ وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ(11)

At kanyang sinabi sa kapatid na babae (ni Moises), “Hanapin mo siya”. Kaya’t siya (Moises) ay binantayan niya sa malayo (o nang lihim), samantalang ito ay hindi nila napag-aakala

۞ وَحَرَّمْنَا عَلَيْهِ الْمَرَاضِعَ مِن قَبْلُ فَقَالَتْ هَلْ أَدُلُّكُمْ عَلَىٰ أَهْلِ بَيْتٍ يَكْفُلُونَهُ لَكُمْ وَهُمْ لَهُ نَاصِحُونَ(12)

At Aming itinakda na siya (Moises) ay tumangging sumuso (ng gatas sa ibang babae), hanggang (ang kanyang kapatid na babae ay naparoon sa kanila) at nagsabi: “Ituturo ko sa inyo ang mga tao ng isang sambahayan na makapagpapasuso at makapag-aalaga sa kanya, para sa inyo.”

فَرَدَدْنَاهُ إِلَىٰ أُمِّهِ كَيْ تَقَرَّ عَيْنُهَا وَلَا تَحْزَنَ وَلِتَعْلَمَ أَنَّ وَعْدَ اللَّهِ حَقٌّ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ(13)

Kaya’t sa ganito Namin ibinalik siya (Moises) sa kanyang ina, upang ang kanyang paningin ay maginhawahan, at upang siya ay hindi malumbay, at upang kanyang maalaman na ang pangako ni Allah ay katotohanan; datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay hindi nakakabatid

وَلَمَّا بَلَغَ أَشُدَّهُ وَاسْتَوَىٰ آتَيْنَاهُ حُكْمًا وَعِلْمًا ۚ وَكَذَٰلِكَ نَجْزِي الْمُحْسِنِينَ(14)

At nang siya ay sumapit na sa hustong gulang at naging matatag (sa pagkalalaki) ay iginawad Namin sa kanya ang Hukman (karunungan at kaalaman, at ganap na pang-unawa sa relihiyon, sa kanyang relihiyon at sa relihiyon ng kanyang mga ninuno, alalaong baga, ang Islam at Kaisahan ni Allah). At sa gayon Namin ginagantimpalaan ang Muhsinun (mga gumagawa ng kabutihan)

وَدَخَلَ الْمَدِينَةَ عَلَىٰ حِينِ غَفْلَةٍ مِّنْ أَهْلِهَا فَوَجَدَ فِيهَا رَجُلَيْنِ يَقْتَتِلَانِ هَٰذَا مِن شِيعَتِهِ وَهَٰذَا مِنْ عَدُوِّهِ ۖ فَاسْتَغَاثَهُ الَّذِي مِن شِيعَتِهِ عَلَى الَّذِي مِنْ عَدُوِّهِ فَوَكَزَهُ مُوسَىٰ فَقَضَىٰ عَلَيْهِ ۖ قَالَ هَٰذَا مِنْ عَمَلِ الشَّيْطَانِ ۖ إِنَّهُ عَدُوٌّ مُّضِلٌّ مُّبِينٌ(15)

At pumasok siya sa lungsod sa oras na ang mga tao ay hindi abala sa pagmamasid; at nakita niya rito ang dalawang lalaki na nag-aaway,- ang isa ay mula sa kanyang pamayanan (kanyang karelihiyon mula sa Angkan ng Israel); at ang isa ay mula sa kanyang mga kaaway. Ngayon, ang lalaki na mula sa kanyang pamayanan ay nakiusap sa kanya na tulungan siya laban sa kanyang kalaban, at siya (kaaway) ay sinuntok ni Moises at kanyang napatay. Siya ay nagsabi: “Ito ay mula sa gawain ni Satanas, sapagkat siya ay isang lantad na kaaway na naglilihis sa tao sa tamang landas!”

قَالَ رَبِّ إِنِّي ظَلَمْتُ نَفْسِي فَاغْفِرْ لِي فَغَفَرَ لَهُ ۚ إِنَّهُ هُوَ الْغَفُورُ الرَّحِيمُ(16)

Siya ay nanalangin: “O aking Panginoon! Katotohanang ipinahamak ko ang aking kaluluwa (sa kamalian)! Inyong patawarin ako!” Kaya’t siya ay pinatawad ni Allah. Katotohanang Siya ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain

قَالَ رَبِّ بِمَا أَنْعَمْتَ عَلَيَّ فَلَنْ أَكُونَ ظَهِيرًا لِّلْمُجْرِمِينَ(17)

Siya ay nagsabi: “o aking Panginoon! Sapagkat ipinagkaloob Ninyo sa akin ang Inyong biyaya, kailanman ay hindi na ako tutulong sa Mujrimun (mga mapaggawa ng kasalanan, kriminal, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, palasuway kay Allah, atbp.)!”

فَأَصْبَحَ فِي الْمَدِينَةِ خَائِفًا يَتَرَقَّبُ فَإِذَا الَّذِي اسْتَنصَرَهُ بِالْأَمْسِ يَسْتَصْرِخُهُ ۚ قَالَ لَهُ مُوسَىٰ إِنَّكَ لَغَوِيٌّ مُّبِينٌ(18)

Sa kinaumagahan, nang siya ay lumilibot (na muli) sa Lungsod, na may pangangamba at nagmamasid (na naghihintay kung ano ang kinahinatnan ng kanyang krimen ng pagpatay), nang kanyang mamasdan, ang tao na kahapon lamang ay humingi sa kanya ng tulong ay muling tumawag sa kanya na humihinging (muli) ng tulong. Si Moises ay nagsabi sa kanya: “Katotohanang ikaw ay maliwanag na nagbubunsod sa pagkakamali!”

فَلَمَّا أَنْ أَرَادَ أَن يَبْطِشَ بِالَّذِي هُوَ عَدُوٌّ لَّهُمَا قَالَ يَا مُوسَىٰ أَتُرِيدُ أَن تَقْتُلَنِي كَمَا قَتَلْتَ نَفْسًا بِالْأَمْسِ ۖ إِن تُرِيدُ إِلَّا أَن تَكُونَ جَبَّارًا فِي الْأَرْضِ وَمَا تُرِيدُ أَن تَكُونَ مِنَ الْمُصْلِحِينَ(19)

At nang siya ay magpasya na harapin ang tao (lalaki) na kapwa nila kaaway, ang lalaki (kaaway) ay nagsabi: “o Moises! Iyo bang hangarin na patayin ako na kagaya nang pagpatay mo sa isang lalaki kahapon? Ikaw ay naghahangad lamang na maging manlulupig sa kalupaan at hindi upang ayusin ang mga bagay sa wastong kalagayan!”

وَجَاءَ رَجُلٌ مِّنْ أَقْصَى الْمَدِينَةِ يَسْعَىٰ قَالَ يَا مُوسَىٰ إِنَّ الْمَلَأَ يَأْتَمِرُونَ بِكَ لِيَقْتُلُوكَ فَاخْرُجْ إِنِّي لَكَ مِنَ النَّاصِحِينَ(20)

At hindi naglaon ay may isang lalaking dumating na humahangos mula pa sa dulong lugar ng lungsod. Siya ay nagsabi: “o Moises, ang mga pinuno ay nagkakaisang nag-uusapan laban sa iyo upang ikaw ay patayin, kaya’t lumayo ka na, sapagkat ako ay nagbibigay sa iyo ng matapat na pagpapayo.”

فَخَرَجَ مِنْهَا خَائِفًا يَتَرَقَّبُ ۖ قَالَ رَبِّ نَجِّنِي مِنَ الْقَوْمِ الظَّالِمِينَ(21)

Kaya’t karaka-rakang umalis siya roon na nagmamasid sa palibot- libot at may pangangamba. Siya ay nanalangin: “o aking Panginoon, ako ay iligtas Ninyo sa mga tao na Zalimun ( mga taong lulong na sa kamalian, tampalasan, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, atbp.)!”

وَلَمَّا تَوَجَّهَ تِلْقَاءَ مَدْيَنَ قَالَ عَسَىٰ رَبِّي أَن يَهْدِيَنِي سَوَاءَ السَّبِيلِ(22)

At nang kanyang ilingon ang kanyang mukha tungo (sa lupain) ng mga Midian (Madyan), siya ay nagsabi: “Labis akong umaasa na ang aking Panginoon ay magpapamalas sa akin ng makinis at Matuwid na Landas.”

وَلَمَّا وَرَدَ مَاءَ مَدْيَنَ وَجَدَ عَلَيْهِ أُمَّةً مِّنَ النَّاسِ يَسْقُونَ وَوَجَدَ مِن دُونِهِمُ امْرَأَتَيْنِ تَذُودَانِ ۖ قَالَ مَا خَطْبُكُمَا ۖ قَالَتَا لَا نَسْقِي حَتَّىٰ يُصْدِرَ الرِّعَاءُ ۖ وَأَبُونَا شَيْخٌ كَبِيرٌ(23)

At nang siya ay sumapit sa pook (na pinag-iigiban ng tubig) sa Midian (Madyan), ay nakatagpo siya rito ng pulutong ng mga lalaki na nagpapainom (sa kanilang mga alagang hayop), at bukod pa rito ay nakatagpo siya ng dalawang babae na nagbabantay (sa kanilang mga alagang hayop). Siya ay nagsabi: “Ano ang suliraninninyo? Sila(angdalawangbabae) aynagsabi:“Hindi namin mapainom ang aming mga hayop hangga’t ang mga tagapastol ay hindi nag-aalis sa kanilang mga hayop, at ang aming ama ay lubhang matanda na.”

فَسَقَىٰ لَهُمَا ثُمَّ تَوَلَّىٰ إِلَى الظِّلِّ فَقَالَ رَبِّ إِنِّي لِمَا أَنزَلْتَ إِلَيَّ مِنْ خَيْرٍ فَقِيرٌ(24)

Kaya’t pinainom niya ang kanilang mga alagang hayop, at pagkatapos ay muli siyang nagbalik sa lilim (ng punongkahoy) at nagsabi: “O aking panginoon! Katotohanang ako (ay lubhang) nangangailangan ng anumang mabuting bagay na ipagkakaloob Ninyo sa akin!”

فَجَاءَتْهُ إِحْدَاهُمَا تَمْشِي عَلَى اسْتِحْيَاءٍ قَالَتْ إِنَّ أَبِي يَدْعُوكَ لِيَجْزِيَكَ أَجْرَ مَا سَقَيْتَ لَنَا ۚ فَلَمَّا جَاءَهُ وَقَصَّ عَلَيْهِ الْقَصَصَ قَالَ لَا تَخَفْ ۖ نَجَوْتَ مِنَ الْقَوْمِ الظَّالِمِينَ(25)

Hindi nagtagal, ang isa sa (mga babae) na nakikimi sa paglalakad ay bumalik sa kanya at nagsabi: “Ang aking ama ay nag-aanyaya sa iyo upang ikaw ay kanyang mapasalamatan sa pagpapainom mo sa aming mga alagang hayop.” Kaya’t nang siya ay pumaroon sa kanya at isalaysay ang nangyari sa kanya, siya (ang matanda) ay nagsabi: “Huwag kang matakot, (mabuti ngang) ikaw ay nakatakas sa Zalimun (mga mapang-aping tao, walang pananalig, tampalasan, atbp.).”

قَالَتْ إِحْدَاهُمَا يَا أَبَتِ اسْتَأْجِرْهُ ۖ إِنَّ خَيْرَ مَنِ اسْتَأْجَرْتَ الْقَوِيُّ الْأَمِينُ(26)

At nagsabi ang isa (sa mga dalaga): “o aking (mahal) na ama! Siya ay kunin ninyo at bigyan ng pasahod, tunay ngang ang pinakamainam sa mga lalaki na magtatrabaho ay iyong (lalaki) na matipuno at mapagkakatiwalaan.”

قَالَ إِنِّي أُرِيدُ أَنْ أُنكِحَكَ إِحْدَى ابْنَتَيَّ هَاتَيْنِ عَلَىٰ أَن تَأْجُرَنِي ثَمَانِيَ حِجَجٍ ۖ فَإِنْ أَتْمَمْتَ عَشْرًا فَمِنْ عِندِكَ ۖ وَمَا أُرِيدُ أَنْ أَشُقَّ عَلَيْكَ ۚ سَتَجِدُنِي إِن شَاءَ اللَّهُ مِنَ الصَّالِحِينَ(27)

Ang ama ay nagsabi: “Nais kong ipakasal ang isa sa aking mga dalaga sa iyo, sa kondisyon na maglilingkod ka sa akin sa walong taon, ngunit kung huhustuhin mo sa sampung taon, ito ay (tulong na kaloob) mula sa iyo. Datapuwa’t ayaw kong ilagay ka sa anumang kahirapan; tunay ngang ako ay makikita mo, kung pahihintulutan ni Allah, na isa sa mga matutuwid.”

قَالَ ذَٰلِكَ بَيْنِي وَبَيْنَكَ ۖ أَيَّمَا الْأَجَلَيْنِ قَضَيْتُ فَلَا عُدْوَانَ عَلَيَّ ۖ وَاللَّهُ عَلَىٰ مَا نَقُولُ وَكِيلٌ(28)

Siya ay sumagot: “Hayaang ganito (ang kasunduan) sa pagitan natin, kahit na anuman sa ating kasunduan ang aking ganapin, walang mananaig na di katarungan sa akin. Si Allah ang Saksi sa anumang ating ipinahayag.”

۞ فَلَمَّا قَضَىٰ مُوسَى الْأَجَلَ وَسَارَ بِأَهْلِهِ آنَسَ مِن جَانِبِ الطُّورِ نَارًا قَالَ لِأَهْلِهِ امْكُثُوا إِنِّي آنَسْتُ نَارًا لَّعَلِّي آتِيكُم مِّنْهَا بِخَبَرٍ أَوْ جَذْوَةٍ مِّنَ النَّارِ لَعَلَّكُمْ تَصْطَلُونَ(29)

At nang matapos na ni Moises ang takdang panahon, at siya ay naglalakbay na kasama ang kanyang pamilya, ay natanaw niya ang isang apoy tungo sa landas ng Bundok ng Tur. Sinabi niya sa kanyang pamilya: “Magsipaghintay kayo rito; nakasumpong ako ng apoy; inaaasahan ko na makakapagbigay ako sa inyo mula roon ng ilang kaalaman, o ng anumang nagliliyab na makakapagpainit sa inyong katawan.”

فَلَمَّا أَتَاهَا نُودِيَ مِن شَاطِئِ الْوَادِ الْأَيْمَنِ فِي الْبُقْعَةِ الْمُبَارَكَةِ مِنَ الشَّجَرَةِ أَن يَا مُوسَىٰ إِنِّي أَنَا اللَّهُ رَبُّ الْعَالَمِينَ(30)

Datapuwa’t nang makalapit na siya (sa Apoy), siya ay tinawag mula sa kanang bahagi ng lambak, mula sa isang puno sa banal na lupa: “O Moises! Katotohanang ako si Allah, ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang

وَأَنْ أَلْقِ عَصَاكَ ۖ فَلَمَّا رَآهَا تَهْتَزُّ كَأَنَّهَا جَانٌّ وَلَّىٰ مُدْبِرًا وَلَمْ يُعَقِّبْ ۚ يَا مُوسَىٰ أَقْبِلْ وَلَا تَخَفْ ۖ إِنَّكَ مِنَ الْآمِنِينَ(31)

Ngayon, iyong ihagis ang iyong tungkod!” Datapuwa’t nang mamalas niya itong gumagalaw (sa kanyang sarili), na wari bang isang ahas, siya ay napaurong at tumalilis na tinatalunton ang kanyang pinagdaanan. (At sa kanya ay winika): “o Moises! Lumapit ka at huwag matakot. Katotohanang ikaw ay isa sa mga pinangangalagaan.”

اسْلُكْ يَدَكَ فِي جَيْبِكَ تَخْرُجْ بَيْضَاءَ مِنْ غَيْرِ سُوءٍ وَاضْمُمْ إِلَيْكَ جَنَاحَكَ مِنَ الرَّهْبِ ۖ فَذَانِكَ بُرْهَانَانِ مِن رَّبِّكَ إِلَىٰ فِرْعَوْنَ وَمَلَئِهِ ۚ إِنَّهُمْ كَانُوا قَوْمًا فَاسِقِينَ(32)

“Idantay mo ang iyong kamay sa iyong dibdib, at ito ay lalabas na walang anumang dumi (puti o walang karahasan), at ilagay mo ang iyong kamay na malapit sa iyong tagiliran (upang maging tagapagsanggalang) laban sa iyong pangangamba (na iyong naranasan mula sa ahas). Ito ang dalawang Burhan (mga Tanda, himala, katibayan na iyong mapapananganan) mula sa iyong Panginoon tungo kay Paraon at sa kanyang mga pinuno; sapagkat katotohanang sila ang mga tao na palasuway (kay Allah) at mga tampalasan.”

قَالَ رَبِّ إِنِّي قَتَلْتُ مِنْهُمْ نَفْسًا فَأَخَافُ أَن يَقْتُلُونِ(33)

Siya ay nagsabi: “o aking panginoon! Aking napatay ang isang lalaki sa lipon nila, at ako ay nangangamba na ako ay kanilaringpapatayin

وَأَخِي هَارُونُ هُوَ أَفْصَحُ مِنِّي لِسَانًا فَأَرْسِلْهُ مَعِيَ رِدْءًا يُصَدِّقُنِي ۖ إِنِّي أَخَافُ أَن يُكَذِّبُونِ(34)

AtangakingkapatidnasiAaron,siya ay higit na mahusay magsalita kaysa sa akin; kaya’t Inyong suguin siya sa akin bilang katuwang, upang patotohanan (at palakasin) ako, sapagka’t ako ay nangangamba na sila ay magpaparatang sa akin ng kasinungalingan.”

قَالَ سَنَشُدُّ عَضُدَكَ بِأَخِيكَ وَنَجْعَلُ لَكُمَا سُلْطَانًا فَلَا يَصِلُونَ إِلَيْكُمَا ۚ بِآيَاتِنَا أَنتُمَا وَمَنِ اتَّبَعَكُمَا الْغَالِبُونَ(35)

Siya (Allah) ay nagwika: “Katotohanang palalakasin Namin ang iyong bisig sa pamamagitan ng iyong kapatid, at kayong dalawa ay Aming bibiyayaan ng kapamahalaan, upang sila ay hindi sumaling sa inyo, sa pamamagitan ng Aming Ayat (mga tanda, aral, katibayan, kapahayagan, atbp.), kayo ay magwawagi, kayong dalawa, gayundin ang mga susunod sa inyo.”

فَلَمَّا جَاءَهُم مُّوسَىٰ بِآيَاتِنَا بَيِّنَاتٍ قَالُوا مَا هَٰذَا إِلَّا سِحْرٌ مُّفْتَرًى وَمَا سَمِعْنَا بِهَٰذَا فِي آبَائِنَا الْأَوَّلِينَ(36)

At nang si Moises ay pumaroon sa kanila na may maliliwanag na Ayat (mga tanda, katibayan, aral, kapahayagan, atbp.) mula sa Amin, sila ay nagsabi: “Ito ay wala ng iba kundi isang panglalansi at kasinungalingan, kailanman ay hindi namin narinig ang katulad nito mula sa aming mga ninuno!”

وَقَالَ مُوسَىٰ رَبِّي أَعْلَمُ بِمَن جَاءَ بِالْهُدَىٰ مِنْ عِندِهِ وَمَن تَكُونُ لَهُ عَاقِبَةُ الدَّارِ ۖ إِنَّهُ لَا يُفْلِحُ الظَّالِمُونَ(37)

Si Moises ay nagsabi: “Ang aking Panginoon ang lubos na nakakabatid kung sino ang dumarating na may patnubay mula sa Kanya, at kung sino sila na ang kasasapitan ay ang pinakamainam sa Kabilang Buhay. Walang pagsala, ang mga mapaggawa ng katampalasanan ay hindi magtatagumpay.”

وَقَالَ فِرْعَوْنُ يَا أَيُّهَا الْمَلَأُ مَا عَلِمْتُ لَكُم مِّنْ إِلَٰهٍ غَيْرِي فَأَوْقِدْ لِي يَا هَامَانُ عَلَى الطِّينِ فَاجْعَل لِّي صَرْحًا لَّعَلِّي أَطَّلِعُ إِلَىٰ إِلَٰهِ مُوسَىٰ وَإِنِّي لَأَظُنُّهُ مِنَ الْكَاذِبِينَ(38)

Si Paraon ay nagsabi: “o mga pinuno! wala akong alam na ilah (diyos) para sa inyo maliban sa aking sarili. Kaya’t O Haman! Magparingas ka para sa akin (ng hulmahan), na gawaan ng pinatigas na putik (bricks), at igawa mo ako ng Sarhan (mataas na bantayog o palasyo) upang ako ay makaabot (o makamalas) sa Diyos ni Moises; datapuwa’t ayon sa aking sukatan, itinuturing ko na si Moises ay isa sa mga sinungaling!”

وَاسْتَكْبَرَ هُوَ وَجُنُودُهُ فِي الْأَرْضِ بِغَيْرِ الْحَقِّ وَظَنُّوا أَنَّهُمْ إِلَيْنَا لَا يُرْجَعُونَ(39)

At siya (Paraon) ay mapagpaimbabaw at walang paggalang sa kalupaan, na salat sa katuwiran,- siya at ang kanyang mga kabig, at sila ay nag-akala na sila ay hindi magbabalik sa Amin

فَأَخَذْنَاهُ وَجُنُودَهُ فَنَبَذْنَاهُمْ فِي الْيَمِّ ۖ فَانظُرْ كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الظَّالِمِينَ(40)

Kaya’t Aming sinakmal siya at ang kanyang mga kabig, at Aming inilubog sila sa dagat; ngayon, pagmasdan (o Muhammad) kung ano ang kinasapitan ng Zalimun(mgamapaggawangkamalian, mapagsambasamga diyus-diyosan, walang pananalig sa Kaisahan ng kanilang Panginoon [Allah], at nagtakwil sa payo ng Kanyang Tagapagbalita [Moises]

وَجَعَلْنَاهُمْ أَئِمَّةً يَدْعُونَ إِلَى النَّارِ ۖ وَيَوْمَ الْقِيَامَةِ لَا يُنصَرُونَ(41)

At Aming ginawa (lamang) sila na maging mga pinuno, na mag-aanyaya sa Apoy; at sa Araw ng Muling Pagkabuhay, wala silang masusumpungan na anumang tulong

وَأَتْبَعْنَاهُمْ فِي هَٰذِهِ الدُّنْيَا لَعْنَةً ۖ وَيَوْمَ الْقِيَامَةِ هُم مِّنَ الْمَقْبُوحِينَ(42)

Sa mundong ito ay iginawad Namin ang masamang sumpa, na mamalagi sa kanila, at sa Araw ng Muling Pagkabuhay, sila ay mapapabilang sa Al- Maqbuhun (mga hinadlangan na makatanggap ng habag ni Allah, mga kinasusuklaman at kinamumuhian, mga wawasakin, atbp)

وَلَقَدْ آتَيْنَا مُوسَى الْكِتَابَ مِن بَعْدِ مَا أَهْلَكْنَا الْقُرُونَ الْأُولَىٰ بَصَائِرَ لِلنَّاسِ وَهُدًى وَرَحْمَةً لَّعَلَّهُمْ يَتَذَكَّرُونَ(43)

At katiyakan, Aming ipinahayag kay Moises ang Kasulatan (ang Torah, [mga Batas]), matapos Naming wasakin ang mga nangaunang henerasyon, (upang magbigay) ng Maliwanag na Pananaw sa mga tao, at isang Patnubay at isang Habag, upang sila ay makatanggap ng paala-ala (o makaala-ala)

وَمَا كُنتَ بِجَانِبِ الْغَرْبِيِّ إِذْ قَضَيْنَا إِلَىٰ مُوسَى الْأَمْرَ وَمَا كُنتَ مِنَ الشَّاهِدِينَ(44)

At ikaw (o Muhammad) ay wala sa kanlurang bahagi (ng lambak) nang Aming itakda ang paghirang kay Moises at gawing maliwanag sa kanya ang Mga Utos, gayundin naman, ikaw ay hindi naging saksi sa gayong mga pangyayari

وَلَٰكِنَّا أَنشَأْنَا قُرُونًا فَتَطَاوَلَ عَلَيْهِمُ الْعُمُرُ ۚ وَمَا كُنتَ ثَاوِيًا فِي أَهْلِ مَدْيَنَ تَتْلُو عَلَيْهِمْ آيَاتِنَا وَلَٰكِنَّا كُنَّا مُرْسِلِينَ(45)

Nguni’t itinindig Namin ang (mga bagong) henerasyon (matapos ang henerasyon ni Moises), at lubhang marami ng mga taon ang lumipas sa kanila, datapuwa’t ikaw (O Muhammad) ay hindi kabilang sa mga nanirahan sa pamayanan ng Madyan (Midian), na nagpapahayag ng Aming mga Talata sa kanila, datapuwa’t Kami ang namamalaging nagsusugo ng mga Tagapagbalita (na may taglay na inspirasyon)

وَمَا كُنتَ بِجَانِبِ الطُّورِ إِذْ نَادَيْنَا وَلَٰكِن رَّحْمَةً مِّن رَّبِّكَ لِتُنذِرَ قَوْمًا مَّا أَتَاهُم مِّن نَّذِيرٍ مِّن قَبْلِكَ لَعَلَّهُمْ يَتَذَكَّرُونَ(46)

Ikaw din (o Muhammad) ay wala sa tabi ng Bundok ng Tur nang Aming tawagin si Moises. Magkagayunman, ikaw ay isinugo bilang isang Habag mula sa iyong Panginoon, upang magbigay babala sa mga tao na wala pang tagapagbabala ang dumatal sa kanila, na nauna pa sa iyo, upang sila ay makatanggap ng paala-ala (o makaala-ala)

وَلَوْلَا أَن تُصِيبَهُم مُّصِيبَةٌ بِمَا قَدَّمَتْ أَيْدِيهِمْ فَيَقُولُوا رَبَّنَا لَوْلَا أَرْسَلْتَ إِلَيْنَا رَسُولًا فَنَتَّبِعَ آيَاتِكَ وَنَكُونَ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ(47)

At kung ikaw ay hindi Namin (isinugo sa mga Quraish sa Makkah), at kung mangyaring isang kalamidad ang sumakmal sa kanila dahilan (sa mga gawa) na ginawa ng kanilang mga kamay, maaari nilang sabihin: “O aming Panginoon! Bakit hindi Kayo nagsugo sa amin ng isang Tagapagbalita? Disin sana’y susundin namin ang Inyong Ayat (mga Talata ng Qur’an) at mapapabilang kami sa mga sumasampalataya!”

فَلَمَّا جَاءَهُمُ الْحَقُّ مِنْ عِندِنَا قَالُوا لَوْلَا أُوتِيَ مِثْلَ مَا أُوتِيَ مُوسَىٰ ۚ أَوَلَمْ يَكْفُرُوا بِمَا أُوتِيَ مُوسَىٰ مِن قَبْلُ ۖ قَالُوا سِحْرَانِ تَظَاهَرَا وَقَالُوا إِنَّا بِكُلٍّ كَافِرُونَ(48)

Datapuwa’t (ngayon), nang ang katotohanan ay dumatal sa kanila (alalaong baga, si Muhammad at ang kanyang Mensahe), mula sa Amin, sila ay nagsasabi: “Bakit ang (mga Tanda) na ipinadala sa kanya (Muhammad), ay hindi kagaya niyaong mga ipinadala kay Moises? Hindi baga nila itinakwil noon (ang mga Tanda) na dati nang ipinadala kay Moises noon pa mang una? Sila ay nagsasabi: “dalawang uri ng panglalansi (o salamangka, ang Torah [mga Batas] at Qur’an), ang bawat isa sa kanila ay nagtutulungan!” At sila ay nagsasabi: “Katotohanan! Kami ay nagtatakwil sa lahat (ng gayong mga bagay)!”

قُلْ فَأْتُوا بِكِتَابٍ مِّنْ عِندِ اللَّهِ هُوَ أَهْدَىٰ مِنْهُمَا أَتَّبِعْهُ إِن كُنتُمْ صَادِقِينَ(49)

Ipagbadya (sa kanila, O Muhammad): “Kung gayon, kayo ay magdala ng isang Aklat mula kay Allah, na higit na mabuti sa patnubay kaysa sa dalawang ito (ang Torah [mga Batas] at Qur’an), upang ito ay aking sundin! (Inyo itong gawin), kung kayo ay nagsasabi ng katotohanan!”

فَإِن لَّمْ يَسْتَجِيبُوا لَكَ فَاعْلَمْ أَنَّمَا يَتَّبِعُونَ أَهْوَاءَهُمْ ۚ وَمَنْ أَضَلُّ مِمَّنِ اتَّبَعَ هَوَاهُ بِغَيْرِ هُدًى مِّنَ اللَّهِ ۚ إِنَّ اللَّهَ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الظَّالِمِينَ(50)

Datapuwa’t kung sila ay hindi makinig sa iyo (alalaong baga, ang hindi maniwala sa iyong doktrina ng Islam at Kaisahan ni Allah), kung gayon, kanilang mapag-aalaman na sinusunod lamang nila ang kanilang mga sariling pagnanasa. At sino pa kaya ang higit na napapaligaw, maliban sa kanya na sumusunod sa kanyang sariling pagnanasa, na walang anumang patnubay mula kay Allah? Katotohanan! Si Allah ay hindi namamatnubay sa mga tao na Zalimun (mga lulong sa kamalian, palasuway kay Allah at mapagsamba sa mga diyus-diyosan)

۞ وَلَقَدْ وَصَّلْنَا لَهُمُ الْقَوْلَ لَعَلَّهُمْ يَتَذَكَّرُونَ(51)

At katiyakan, ngayon ay naiparating na Namin sa kanila ang Salita (ang Qur’an, na naririto ang mga balita para sa kanila), upang sila ay makatanggap ng paala- ala (o makaala-ala)

الَّذِينَ آتَيْنَاهُمُ الْكِتَابَ مِن قَبْلِهِ هُم بِهِ يُؤْمِنُونَ(52)

Ang mga tao na pinadalhan Namin ng Kasulatan (alalaong baga, ang Torah [mga Batas] at Ebanghelyo, atbp.), bago pa rito, sila ay tunay namang naniniwala sa ganitong (kapahayagan, ang Qur’an)

وَإِذَا يُتْلَىٰ عَلَيْهِمْ قَالُوا آمَنَّا بِهِ إِنَّهُ الْحَقُّ مِن رَّبِّنَا إِنَّا كُنَّا مِن قَبْلِهِ مُسْلِمِينَ(53)

At kung ito ay dinadalit sa kanila, sila ay nagsasabi: “Kami ay naniniwala rito, katiyakang ito ay Katotohanan mula sa aming Panginoon. Tunay ngang kami, noon pa mang una pa rito, ay mga Muslim (na sumusuko sa Islam at sa kautusan ni Allah).”

أُولَٰئِكَ يُؤْتَوْنَ أَجْرَهُم مَّرَّتَيْنِ بِمَا صَبَرُوا وَيَدْرَءُونَ بِالْحَسَنَةِ السَّيِّئَةَ وَمِمَّا رَزَقْنَاهُمْ يُنفِقُونَ(54)

Sa kanila, dalawang ulit ang ipagkakaloob na gantimpala, sapagkat sila ay nagsipagtiyaga, at nilabanan nila ang kasamaan sa pamamagitan ng kabutihan, at sila ay gumugol (sa pagkakawanggawa) mula sa mga biyayang ipinagkaloob Namin sa kanila

وَإِذَا سَمِعُوا اللَّغْوَ أَعْرَضُوا عَنْهُ وَقَالُوا لَنَا أَعْمَالُنَا وَلَكُمْ أَعْمَالُكُمْ سَلَامٌ عَلَيْكُمْ لَا نَبْتَغِي الْجَاهِلِينَ(55)

At kung sila ay nakakarinig ng mga walang katuwirang pagsasang-usapan (mga kabulaanan), sila ay tumatalikod dito at nagsasabi: “Sa amin ang aming mga gawa, at sa inyo ang inyong mga gawa. Ang kapayapaan ay sumainyo. Kami ay hindi naghahanap sa mga tao na walang kaalaman.”

إِنَّكَ لَا تَهْدِي مَنْ أَحْبَبْتَ وَلَٰكِنَّ اللَّهَ يَهْدِي مَن يَشَاءُ ۚ وَهُوَ أَعْلَمُ بِالْمُهْتَدِينَ(56)

Katotohanan ngang hindi ninyo mapapatnubayan ang bawat isa sa inyong minamahal; datapuwa’t si Allah ang namamatnubay sa sinumang Kanyang maibigan at batid Niyang lubos ang mga tao na tumatanggap ng patnubay

وَقَالُوا إِن نَّتَّبِعِ الْهُدَىٰ مَعَكَ نُتَخَطَّفْ مِنْ أَرْضِنَا ۚ أَوَلَمْ نُمَكِّن لَّهُمْ حَرَمًا آمِنًا يُجْبَىٰ إِلَيْهِ ثَمَرَاتُ كُلِّ شَيْءٍ رِّزْقًا مِّن لَّدُنَّا وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ(57)

At sila ay nagsasabi: “Kung kami ay susunod sa patnubay na nasa iyo, kung gayon, kami ay mawawalan ng karapatan sa aming lupain” Hindi baga Namin itinindig para sa kanila ang isang ligtas na Santuwaryo (Makkah), ang lahat ng uri ng prutas ay dinadala rito, isang pagtutustos mula sa Amin, datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay hindi nakakaunawa

وَكَمْ أَهْلَكْنَا مِن قَرْيَةٍ بَطِرَتْ مَعِيشَتَهَا ۖ فَتِلْكَ مَسَاكِنُهُمْ لَمْ تُسْكَن مِّن بَعْدِهِمْ إِلَّا قَلِيلًا ۖ وَكُنَّا نَحْنُ الْوَارِثِينَ(58)

At ilan na bang mga bayan (pamayanan) ang Aming winasak, kung saan sila nagpakasaya sa kanilang buhay (sa kaginhawahanatkasaganaan, datapuwa’twalangdamdamin ng pasasalamat at sumuway kay Allah at sa Kanyang mga Tagapagbalita sa pamamagitan ng paggawa ng kasamaan at krimen)! Ngayon, ang kanilang pinananahanan, pagkaraan nila, ay hindi na pinananahanan, maliban na lamang (sa nagdarahop) na ilan! At katotohanan, Kami ang kanilang tagapagmana!”

وَمَا كَانَ رَبُّكَ مُهْلِكَ الْقُرَىٰ حَتَّىٰ يَبْعَثَ فِي أُمِّهَا رَسُولًا يَتْلُو عَلَيْهِمْ آيَاتِنَا ۚ وَمَا كُنَّا مُهْلِكِي الْقُرَىٰ إِلَّا وَأَهْلُهَا ظَالِمُونَ(59)

Atkailanman, angiyong Panginonayhindi magwawasak sa isang bayan (pamayanan) hangga’t hindi Siya nagsusugo sa kanilang bayan ng isang Tagapagbalita, na nagpapahayag sa kanila ng Aming mga Tanda (Talata), gayundin naman, kailanman ay hindi Kami magwawasak ng isang pamayanan, maliban kung ang kanilang mga tao ay Zalimun (pulutong ng mapaggawa ng kabuktutan, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, mapang-api, atbp)

وَمَا أُوتِيتُم مِّن شَيْءٍ فَمَتَاعُ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا وَزِينَتُهَا ۚ وَمَا عِندَ اللَّهِ خَيْرٌ وَأَبْقَىٰ ۚ أَفَلَا تَعْقِلُونَ(60)

Ang (mga makamundong) bagay na ipinagkaloob sa inyo ay isang kaginhawahan sa buhay na ito at mga palamuti lamang, datapuwa’t kung ano (ang nakalaan na Kabilang Buhay) na taglay ni Allah ay higit na mainam at magtatagal. Hindi baga kayo magiging matalino

أَفَمَن وَعَدْنَاهُ وَعْدًا حَسَنًا فَهُوَ لَاقِيهِ كَمَن مَّتَّعْنَاهُ مَتَاعَ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ثُمَّ هُوَ يَوْمَ الْقِيَامَةِ مِنَ الْمُحْضَرِينَ(61)

Ang (dalawang tao) bang ito ay magkatulad? Ang isa ay yaong binigyan Namin ng mabuting pangako (Paraiso), at nasa katayuan na maaabot na niya (ang kaganapan) na ito ay tunay; at ang isa ay yaong binigyan Namin ng magagandang bagay sa buhay na ito, datapuwa’t siya, sa Araw ng Muling Pagkabuhay ay mapapabilang sa mga ihaharap (sa kaparusahan ng Apoy ng Impiye no)

وَيَوْمَ يُنَادِيهِمْ فَيَقُولُ أَيْنَ شُرَكَائِيَ الَّذِينَ كُنتُمْ تَزْعُمُونَ(62)

At(alalahanin) angArawnayaon, na(siAllah) aytatawag sa kanila, at magwiwika: “Nasaan ang (tinatawag ninyo) na Aking mga katambal na inyong iniaakibat (sa pagsamba sa Akin)?”

قَالَ الَّذِينَ حَقَّ عَلَيْهِمُ الْقَوْلُ رَبَّنَا هَٰؤُلَاءِ الَّذِينَ أَغْوَيْنَا أَغْوَيْنَاهُمْ كَمَا غَوَيْنَا ۖ تَبَرَّأْنَا إِلَيْكَ ۖ مَا كَانُوا إِيَّانَا يَعْبُدُونَ(63)

At sa kanila na ang paratang ay mapapatunayan, ay magsasabi: “o aming Panginoon! Sila ang iniligaw namin ng landas. Hinayaan namin silang maligaw sapagkat kami rin sa aming sarili ay nalilihis; aming ipinahahayag ang aming kawalan ng kinalaman (sa kanila) sa Inyong harapan. Hindi kami ang kanilang sinamba.”

وَقِيلَ ادْعُوا شُرَكَاءَكُمْ فَدَعَوْهُمْ فَلَمْ يَسْتَجِيبُوا لَهُمْ وَرَأَوُا الْعَذَابَ ۚ لَوْ أَنَّهُمْ كَانُوا يَهْتَدُونَ(64)

At sa kanila ay ipagsasaysay: “Tawagin ninyo ang (sinasabi ninyong) mga katambal (ni Allah, upang kayo ay matulungan).” Sila ay mananawagan sa kanila, datapuwa’t sila ay hindi makakapagbigay sa kanila ng kasagutan; at mamamasdan nila sa kanilang harapan ang Kaparusahan. (At gaano ang kanilang paghahangad na maging matuwid), kung ang (kanilang isipan) ay naging bukas lamang sa pagtanggap ng patnubay

وَيَوْمَ يُنَادِيهِمْ فَيَقُولُ مَاذَا أَجَبْتُمُ الْمُرْسَلِينَ(65)

At (alalahanin) ang Araw (na si Allah) ay tatawag sa kanila at magwiwika: “Ano ang kasagutan na ibinigay ninyo sa mga Tagapagbalita?”

فَعَمِيَتْ عَلَيْهِمُ الْأَنبَاءُ يَوْمَئِذٍ فَهُمْ لَا يَتَسَاءَلُونَ(66)

Kaya’t ang mga pagtatalo sa araw na yaon ay magiging malabo sa kanila, at hindi rin sila makapagtatanungan sa isa’t isa

فَأَمَّا مَن تَابَ وَآمَنَ وَعَمِلَ صَالِحًا فَعَسَىٰ أَن يَكُونَ مِنَ الْمُفْلِحِينَ(67)

Nguni’t kung sinuman (sa buhay na ito) ang nagsisi (sa pagsamba sa mga diyus-diyosan at mga kasalanan, atbp.), sumampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Kanyang Tagapagbalita na si Muhammad) at gumawa ng kabutihan, kung gayon, siya ay mapapabilang sa mga matatagumpay

وَرَبُّكَ يَخْلُقُ مَا يَشَاءُ وَيَخْتَارُ ۗ مَا كَانَ لَهُمُ الْخِيَرَةُ ۚ سُبْحَانَ اللَّهِ وَتَعَالَىٰ عَمَّا يُشْرِكُونَ(68)

At ang iyong Panginoon ay lumilikha at pumipili ng anumang Kanyang maibigan, wala silang kakayahan na pumili (sa anumang bagay). Luwalhatiin si Allah! Higit Siyang mataas sa lahat ng mga itinatambal nila (sa Kanya)

وَرَبُّكَ يَعْلَمُ مَا تُكِنُّ صُدُورُهُمْ وَمَا يُعْلِنُونَ(69)

At ang iyong Panginoon ang nakakabatid ng lahat ng mga itinatago ng kanilang dibdib (kaluluwa) at ang lahat ng kanilang inilalantad

وَهُوَ اللَّهُ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ۖ لَهُ الْحَمْدُ فِي الْأُولَىٰ وَالْآخِرَةِ ۖ وَلَهُ الْحُكْمُ وَإِلَيْهِ تُرْجَعُونَ(70)

At Siya si Allah; La ilaha illa Huwa (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag- ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya). Sa Kanya ang lahat ng Pagpupuri, sa simula (alalaong baga, sa mundong ito) at sa huli (alalaong baga, sa Kabilang Buhay). At sa Kanya ang lahat nang Pagpapasya, at kayong lahat sa Kanya ay magbabalik

قُلْ أَرَأَيْتُمْ إِن جَعَلَ اللَّهُ عَلَيْكُمُ اللَّيْلَ سَرْمَدًا إِلَىٰ يَوْمِ الْقِيَامَةِ مَنْ إِلَٰهٌ غَيْرُ اللَّهِ يَأْتِيكُم بِضِيَاءٍ ۖ أَفَلَا تَسْمَعُونَ(71)

Ipagbadya (O Muhammad): “Tingnan ninyo? Kung nilikha ni Allah na ang gabi ay walang katapusan sa inyo hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay, sino pa ba kayang diyos maliban kay Allah ang makakapagbigay sa inyo ng liwanag? Hindi ba kayo magsisipakinig?”

قُلْ أَرَأَيْتُمْ إِن جَعَلَ اللَّهُ عَلَيْكُمُ النَّهَارَ سَرْمَدًا إِلَىٰ يَوْمِ الْقِيَامَةِ مَنْ إِلَٰهٌ غَيْرُ اللَّهِ يَأْتِيكُم بِلَيْلٍ تَسْكُنُونَ فِيهِ ۖ أَفَلَا تُبْصِرُونَ(72)

Ipagbadya (O Muhammad): “Tingnan ninyo? Kung nilikha ni Allah na ang maghapon (buong araw) ay walang katapusan sa inyo hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay, sino ang makakapagbigay sa inyo ng gabi upang kayo ay makapagpahinga? Hindi ba kayo makakakita?”

وَمِن رَّحْمَتِهِ جَعَلَ لَكُمُ اللَّيْلَ وَالنَّهَارَ لِتَسْكُنُوا فِيهِ وَلِتَبْتَغُوا مِن فَضْلِهِ وَلَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ(73)

Ito ay dahilan sa Kanyang Habag na nilikha Niya para sa inyo ang gabi at araw, upang kayo ay makapagpahingalay (alalaong baga, sa gabi) at upang kayo ay makasumpong ng Kanyang mga Biyaya (alalaong baga, sa maghapon), ng sa gayon, kayo ay magkaroon ng utang na loob ng pasasalamat

وَيَوْمَ يُنَادِيهِمْ فَيَقُولُ أَيْنَ شُرَكَائِيَ الَّذِينَ كُنتُمْ تَزْعُمُونَ(74)

At (alalahanin) ang Araw na Siya (si Allah, ang inyong Panginoon) ay tatawag sa kanila (sila na sumasamba sa mga diyus-diyosan), at magwiwika: “Nasaan ang (sinasabi ninyo) na Aking mga katambal na inyong ipinangangalandakan (sa pagsamba, maliban pa sa Akin)

وَنَزَعْنَا مِن كُلِّ أُمَّةٍ شَهِيدًا فَقُلْنَا هَاتُوا بُرْهَانَكُمْ فَعَلِمُوا أَنَّ الْحَقَّ لِلَّهِ وَضَلَّ عَنْهُم مَّا كَانُوا يَفْتَرُونَ(75)

At sa bawat bansa (pamayanan) ay magtitindig Kami ng isang saksi, at Aming ipagsasaysay: “Ipakita ninyo ang inyong katibayan.” Sa gayon, kanilang mapag-aalaman na ang Katotohanan ay na kay Allah (lamang), at ang mga kasinungalingan (huwad na diyos) na kanilang kinatha ay maglalaho sa kanila

۞ إِنَّ قَارُونَ كَانَ مِن قَوْمِ مُوسَىٰ فَبَغَىٰ عَلَيْهِمْ ۖ وَآتَيْنَاهُ مِنَ الْكُنُوزِ مَا إِنَّ مَفَاتِحَهُ لَتَنُوءُ بِالْعُصْبَةِ أُولِي الْقُوَّةِ إِذْ قَالَ لَهُ قَوْمُهُ لَا تَفْرَحْ ۖ إِنَّ اللَّهَ لَا يُحِبُّ الْفَرِحِينَ(76)

Katotohanang si Korah ay mula sa angkan ni Moises, datapuwa’t siya ay naging palalo sa kanila. Aming ginawaran siya ng mga kayamanan, na ang mga susi nito ay magiging pabigat sa katawan ng malalakas na tao. Nang ang kanyang pamayanan ay magsabi sa kanya: “Huwag kang magpakaligaya (sa kawalan nang pagtanaw ng pasasalamat sa mga kaloob ni Allah). Katotohanang si Allah ay hindi nagmamahal sa mga nagpapakaligaya (sa kayamanan at kawalan ng pasasalamat)

وَابْتَغِ فِيمَا آتَاكَ اللَّهُ الدَّارَ الْآخِرَةَ ۖ وَلَا تَنسَ نَصِيبَكَ مِنَ الدُّنْيَا ۖ وَأَحْسِن كَمَا أَحْسَنَ اللَّهُ إِلَيْكَ ۖ وَلَا تَبْغِ الْفَسَادَ فِي الْأَرْضِ ۖ إِنَّ اللَّهَ لَا يُحِبُّ الْمُفْسِدِينَ(77)

Datapuwa’t inyong paghanapin (sa pamamagitan ng gayong kayamanan) na ipinagkaloob sa inyo ni Allah, ang Tahanan ng Kabilang Buhay, at gayundin naman, ay huwag ninyong kaligtaan ang inyong bahagi ng pinahihintulutang kasiyahan sa mundong ito, nguni’t magsigawa kayo ng kabutihan, kung paano rin naman naging mabuti si Allah sa inyo, at huwag kayong maghanap (ng pagkakataon) na makapagkalat ng kasamaan sa kalupaan. Katotohanang si Allah ay hindi nagmamahal sa Mufsidun (mga mapaggawa ng kabuktutan, mapang-api, tampalasan, buhong, atbp)

قَالَ إِنَّمَا أُوتِيتُهُ عَلَىٰ عِلْمٍ عِندِي ۚ أَوَلَمْ يَعْلَمْ أَنَّ اللَّهَ قَدْ أَهْلَكَ مِن قَبْلِهِ مِنَ الْقُرُونِ مَنْ هُوَ أَشَدُّ مِنْهُ قُوَّةً وَأَكْثَرُ جَمْعًا ۚ وَلَا يُسْأَلُ عَن ذُنُوبِهِمُ الْمُجْرِمُونَ(78)

Siya (Korah) ay nagsabi: “Ito ay ipinagkaloob sa akin dahilan sa natatanging karunungan na aking angkin.” Hindi baga niya batid na winasak ni Allah bago pa sa kanya (ang lahat) ng mga henerasyon, mga tao na higit na mahusay sa kanya sa lakas at higit na marami (ang mga kayamanan) na kanilang nalikom? Datapuwa’t ang Mujrimun (mga buktot, kriminal, walang pananalig, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, atbp.) ay hindi inuusisa o (karaka-rakang) tinatawag upang magsulit ng kanilang mga kasalanan (sapagkat si Allah ang ganap na nakakaalam dito at sila ay mapaparusahan ng hindi kinakailangan ang pagsusulit)

فَخَرَجَ عَلَىٰ قَوْمِهِ فِي زِينَتِهِ ۖ قَالَ الَّذِينَ يُرِيدُونَ الْحَيَاةَ الدُّنْيَا يَا لَيْتَ لَنَا مِثْلَ مَا أُوتِيَ قَارُونُ إِنَّهُ لَذُو حَظٍّ عَظِيمٍ(79)

Kaya’t siya ay pumaroon sa kanyang pamayanan (na palalo sa kanyang makamundong) kinang. Ang mga tao na ang layunin lamang ay Buhay sa Mundong ito ay nagsasabi: “Oh! Sana’y nagkaroon din kami ng katulad ng mga nakamtan ni Korah! Katotohanang siya ang panginoon (may angkin) ng malaking kayamanan!”

وَقَالَ الَّذِينَ أُوتُوا الْعِلْمَ وَيْلَكُمْ ثَوَابُ اللَّهِ خَيْرٌ لِّمَنْ آمَنَ وَعَمِلَ صَالِحًا وَلَا يُلَقَّاهَا إِلَّا الصَّابِرُونَ(80)

Datapuwa’t ang mga tao na nabigyan ng tunay na karunungan (sa pananampalataya) ay nagsabi: “Kasawian sa iyo! Ang gantimpala ni Allah (sa Kabilang Buhay) ay higit na mainam sa mga nananampalataya at nagsisigawa ng kabutihan, at walang makapag-aangkin nito maliban sa mga tao na matimtiman at matitiyaga (sa pagsunod sa katotohanan).”

فَخَسَفْنَا بِهِ وَبِدَارِهِ الْأَرْضَ فَمَا كَانَ لَهُ مِن فِئَةٍ يَنصُرُونَهُ مِن دُونِ اللَّهِ وَمَا كَانَ مِنَ الْمُنتَصِرِينَ(81)

Kaya’t inutusan Namin ang lupa na lagumin siya at ang kanyang tahanan, at siya ay wala ni isa mang pangkat o kapanalig (kahit na maliit) upang tulungan siya laban kay Allah, gayundin, siya ay hindi kabilang sa kanila na maipagtatanggol ang kanilang sarili

وَأَصْبَحَ الَّذِينَ تَمَنَّوْا مَكَانَهُ بِالْأَمْسِ يَقُولُونَ وَيْكَأَنَّ اللَّهَ يَبْسُطُ الرِّزْقَ لِمَن يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ وَيَقْدِرُ ۖ لَوْلَا أَن مَّنَّ اللَّهُ عَلَيْنَا لَخَسَفَ بِنَا ۖ وَيْكَأَنَّهُ لَا يُفْلِحُ الْكَافِرُونَ(82)

At ang mga naiinggit sa kanyang katatayuan, kakahapon lamang, ay nagsimula nang mangusap sa kinabukasan: “Hindi baga ninyo nababatid na tunay ngang si Allah ang nagkakaloob ng anumang biyaya o nagkakait nito sa sinuman na Kanyang tagapaglingkod na Kanyang maibigan! At kung si Allah ay hindi naging mapagpala sa atin, maaari rin Niyang papangyarihin na lulunin din tayo ng lupa! Inyong mapag- alaman na ang mga walang pananampalataya ay hindi magsisipagtagumpay.”

تِلْكَ الدَّارُ الْآخِرَةُ نَجْعَلُهَا لِلَّذِينَ لَا يُرِيدُونَ عُلُوًّا فِي الْأَرْضِ وَلَا فَسَادًا ۚ وَالْعَاقِبَةُ لِلْمُتَّقِينَ(83)

Ang Tahanang yaon ng Kabilang Buhay (alalaong baga, ang Paraiso) ay Aming ipagkakaloob sa mga tao na hindi naghihimagsik laban sa katotohanan ng may kapalaluan at pang-aapi at hindi nagkakalat ng kabuktutan sa kalupaan, at ang Hantungan ay (higit na mainam) sa Muttaqun (mga matutuwidatmatimtimangtaonalabisnanangangambakay Allah sa pamamagitan nang pag-iwas sa lahat ng uri ng mga kasalanan at masasamang gawa na Kanyang ipinagbabawal at nagmamahal kay Allah ng labis sa pamamagitan nang pagsasagawa ng lahat ng uri ng kabutihan na Kanyang ipinag-uutos)

مَن جَاءَ بِالْحَسَنَةِ فَلَهُ خَيْرٌ مِّنْهَا ۖ وَمَن جَاءَ بِالسَّيِّئَةِ فَلَا يُجْزَى الَّذِينَ عَمِلُوا السَّيِّئَاتِ إِلَّا مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ(84)

Kung sinuman ang gumawa ng kabutihan (paniniwala sa Kaisahan ni Allah na kalakip ang mabubuting gawa), ang gantimpala para sa kanya ay higit na mainam (at marami) sa kanyang mga gawa; nguni’t kung sinuman ang magdala ng kasamaan (paniniwala sa mga diyus-diyosan kasama ng masasamang gawa), kung gayon, ang gumawa ng kasamaan ay parurusahan lamang (nang katapat) sa kanyang mga gawa

إِنَّ الَّذِي فَرَضَ عَلَيْكَ الْقُرْآنَ لَرَادُّكَ إِلَىٰ مَعَادٍ ۚ قُل رَّبِّي أَعْلَمُ مَن جَاءَ بِالْهُدَىٰ وَمَنْ هُوَ فِي ضَلَالٍ مُّبِينٍ(85)

Katotohanang Siya na nagbigay sa iyo (O Muhammad) ng Qur’an (alalaong baga, nag-utos sa iyo na sumunod sa mga batas nito at mangaral sa iba) ay walang pagsala na magdadala sa iyo pabalik sa Lugar ng Ma’ad (lugar ng pagbabalik, maaaring sa Makkah o Paraiso matapos ang iyong kamatayan, atbp.). Ipagbadya (o Muhammad): “Ang aking Panginoon ang Lubos na Nakakatalos kung sino ang nagdadala ng tumpak na patnubay at kung sino ang nasa lantad na kamalian.”

وَمَا كُنتَ تَرْجُو أَن يُلْقَىٰ إِلَيْكَ الْكِتَابُ إِلَّا رَحْمَةً مِّن رَّبِّكَ ۖ فَلَا تَكُونَنَّ ظَهِيرًا لِّلْكَافِرِينَ(86)

At hindi mo inaasahan na ang Aklat (ang Qur’an) ay ipapanaog sa iyo, datapuwa’t ito ay isang Habag mula sa iyong Panginoon, kaya’t huwag mong tangkilikin ang mga hindi sumasampalataya (na nagtatakwil sa kapahayagan ni Allah)

وَلَا يَصُدُّنَّكَ عَنْ آيَاتِ اللَّهِ بَعْدَ إِذْ أُنزِلَتْ إِلَيْكَ ۖ وَادْعُ إِلَىٰ رَبِّكَ ۖ وَلَا تَكُونَنَّ مِنَ الْمُشْرِكِينَ(87)

At huwag mong hayaan (o Muhammad) na ilayo ka nila (sa pangangaral) ng Ayat (mga kapahayagan at mga talata) ni Allah, matapos na ito ay maipahayag sa iyo, at iyong anyayahan (ang sangkatauhan) sa iyong Panginon (alalaong baga, sa Kaisahan [Tauhid] ni Allah: 1. Kaisahan sa Pamamanginoon ni Allah; 2. Kaisahan sa pagsamba lamang kay Allah; 3. Kaisahan sa Pangalan at Katangian ni Allah), at huwag kang maging isa sa Al-Mushrikun (mga tao na nagtatambal ng iba pang diyos maliban kay Allah, pagano, sumasamba sa mga imahen, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah at nagtatatwa sa pagka-Propeta ng Kanyang Tagapagbalita 617 na si Muhammad)

وَلَا تَدْعُ مَعَ اللَّهِ إِلَٰهًا آخَرَ ۘ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ۚ كُلُّ شَيْءٍ هَالِكٌ إِلَّا وَجْهَهُ ۚ لَهُ الْحُكْمُ وَإِلَيْهِ تُرْجَعُونَ(88)

At huwag kang manikluhod sa anupamang diyos maliban lamang kay Allah. La ilaha illa Huwa (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag- ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya). Ang lahat ng mga (naghaharing bagay) ay maglalaho maliban sa Kanyang Mukha. Sa Kanya ang lahat nang Pagtatakda, at kayong (lahat) sa Kanya ay magbabalik


المزيد من السور باللغة الفلبينية:

سورة البقرة آل عمران سورة النساء
سورة المائدة سورة يوسف سورة ابراهيم
سورة الحجر سورة الكهف سورة مريم
سورة السجدة سورة يس سورة الدخان
سورة النجم سورة الرحمن سورة الواقعة
سورة الحشر سورة الملك سورة الحاقة

تحميل سورة القصص بصوت أشهر القراء :

قم باختيار القارئ للاستماع و تحميل سورة القصص كاملة بجودة عالية
سورة القصص أحمد العجمي
أحمد العجمي
سورة القصص خالد الجليل
خالد الجليل
سورة القصص سعد الغامدي
سعد الغامدي
سورة القصص سعود الشريم
سعود الشريم
سورة القصص عبد الباسط عبد الصمد
عبد الباسط
سورة القصص عبد الله عواد الجهني
عبد الله الجهني
سورة القصص علي الحذيفي
علي الحذيفي
سورة القصص فارس عباد
فارس عباد
سورة القصص ماهر المعيقلي
ماهر المعيقلي
سورة القصص محمد جبريل
محمد جبريل
سورة القصص محمد صديق المنشاوي
المنشاوي
سورة القصص الحصري
الحصري
سورة القصص العفاسي
مشاري العفاسي
سورة القصص ناصر القطامي
ناصر القطامي
سورة القصص ياسر الدوسري
ياسر الدوسري



Tuesday, November 5, 2024

لا تنسنا من دعوة صالحة بظهر الغيب