سورة غافر بالفلبينية

  1. استمع للسورة
  2. سور أخرى
  3. ترجمة السورة
القرآن الكريم | ترجمة معاني القرآن | اللغة الفلبينية | سورة غافر | Ghafir - عدد آياتها 85 - رقم السورة في المصحف: 40 - معنى السورة بالإنجليزية: The Forgiver (God).

حم(1)

Ha, Mim (mga titik Ha, Ma)

تَنزِيلُ الْكِتَابِ مِنَ اللَّهِ الْعَزِيزِ الْعَلِيمِ(2)

Ang kapahayagan ng Aklat na ito (Qur’an) ay mula kay Allah, ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Puspos ng Karunungan

غَافِرِ الذَّنبِ وَقَابِلِ التَّوْبِ شَدِيدِ الْعِقَابِ ذِي الطَّوْلِ ۖ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ۖ إِلَيْهِ الْمَصِيرُ(3)

Na nagpapatawad ng kasalanan, ang tumatanggap ng pagsisisi, ang mahigpit sa kaparusahan, ang ganap na mapagkaloob. La ilaha illa Huwa (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya), sa Kanya ang Huling Hantungan

مَا يُجَادِلُ فِي آيَاتِ اللَّهِ إِلَّا الَّذِينَ كَفَرُوا فَلَا يَغْرُرْكَ تَقَلُّبُهُمْ فِي الْبِلَادِ(4)

walang sinuman ang makakapagpasubali (sa pagtatalo) sa Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.) ni Allah maliban sa mga hindi sumasampalataya. Kaya’t huwag hayaan ang kanilang paglilibot sa kalupaan (sa kanilang mga minimithi) ay makadaya sa iyo (o Muhammad, ang kanilang pangwakas na hantungan ay Apoy ng Impiyerno)

كَذَّبَتْ قَبْلَهُمْ قَوْمُ نُوحٍ وَالْأَحْزَابُ مِن بَعْدِهِمْ ۖ وَهَمَّتْ كُلُّ أُمَّةٍ بِرَسُولِهِمْ لِيَأْخُذُوهُ ۖ وَجَادَلُوا بِالْبَاطِلِ لِيُدْحِضُوا بِهِ الْحَقَّ فَأَخَذْتُهُمْ ۖ فَكَيْفَ كَانَ عِقَابِ(5)

Datapuwa’t (may mga tao) bago pa sa kanila ang nagtatwa sa (mga Tanda). Ang mga tao ni Noe at ang magkakapangkat na sumunod sa kanila; at ang bawat pamayanan ay nagtangka ng masama sa kanilang propeta upang hulihin siya, ang makipagtalo sa kanya sa paraan ng mga kapalaluan upang kanilang mabaligtad ang katotohanan. Datapuwa’t Ako ang sumakmal sa kanila (sa kaparusahan)! At gaano katindi ang Aking pagpaparusa

وَكَذَٰلِكَ حَقَّتْ كَلِمَتُ رَبِّكَ عَلَى الَّذِينَ كَفَرُوا أَنَّهُمْ أَصْحَابُ النَّارِ(6)

Kaya’t sa ganito ang Salita ng inyong Panginoon ay naging makatuwiran laban sa mga walang pananampalataya at katotohanang sila ay magsisipanirahan sa Apoy

الَّذِينَ يَحْمِلُونَ الْعَرْشَ وَمَنْ حَوْلَهُ يُسَبِّحُونَ بِحَمْدِ رَبِّهِمْ وَيُؤْمِنُونَ بِهِ وَيَسْتَغْفِرُونَ لِلَّذِينَ آمَنُوا رَبَّنَا وَسِعْتَ كُلَّ شَيْءٍ رَّحْمَةً وَعِلْمًا فَاغْفِرْ لِلَّذِينَ تَابُوا وَاتَّبَعُوا سَبِيلَكَ وَقِهِمْ عَذَابَ الْجَحِيمِ(7)

Sila (na mga anghel) na nagtatangan ng Luklukan (ni Allah) at sila na nakapalibot dito ay humihimig nang pagluwalhati at pagpupuri sa kanilang Panginoon; at sumasampalataya sa Kanya; at naninilukhod ng pagpapatawad sa mga sumasampalataya (na sumasambit): “O aming Panginoon! Kayo ang nakakasakop sa lahat ng bagay, sa biyaya at karunungan; Inyong patawarin sila na nagbabalik loob sa pagsisisi at tumatahak sa Inyong Landas at sila ay iadya Ninyo sa kaparusahan ng Naglalagablab na Apoy!”

رَبَّنَا وَأَدْخِلْهُمْ جَنَّاتِ عَدْنٍ الَّتِي وَعَدتَّهُمْ وَمَن صَلَحَ مِنْ آبَائِهِمْ وَأَزْوَاجِهِمْ وَذُرِّيَّاتِهِمْ ۚ إِنَّكَ أَنتَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ(8)

“At ipagkaloob Ninyo, o aming Panginoon!, na sila ay magsipasok sa Halamanan ng Walang Hanggan (Paraiso) na Inyongipinangakosakanila, atsamgamatutuwidsalipon ng kanilang mga ama, ng kanilang mga asawa, at sa kanilang mga angkan! Sapagkat Kayo lamang ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan

وَقِهِمُ السَّيِّئَاتِ ۚ وَمَن تَقِ السَّيِّئَاتِ يَوْمَئِذٍ فَقَدْ رَحِمْتَهُ ۚ وَذَٰلِكَ هُوَ الْفَوْزُ الْعَظِيمُ(9)

At Inyong panatilihin sila na ligtas sa (lahat) ng mga karamdaman (at kaparusahan) dahilan sa kanilang mga kasalanan at sinuman ang Inyong iligtas (sa kaparusahan) sa Araw na yaon, katotohanan na siya ay Inyong kinupkop ng Inyong habag, at ito ang tunay na mataas na tagumpay.”

إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا يُنَادَوْنَ لَمَقْتُ اللَّهِ أَكْبَرُ مِن مَّقْتِكُمْ أَنفُسَكُمْ إِذْ تُدْعَوْنَ إِلَى الْإِيمَانِ فَتَكْفُرُونَ(10)

Ang mga hindi sumasampalataya ay pagsasabihan (sa sandali ng kanilang pagpasok sa Apoy): “Higit ang pagkaayaw ni Allah sa inyo (sa buhay sa mundong ito noong sila ay nagtakwil sa Pananampalataya) kaysa ang pag-ayaw ninyo sa inyong sarili sa isa’t isa (na ngayon ay nasa Apoy ng Impiyerno), dahilan sa kayo ay tinawagan sa pananampalataya at naging hirati na kayo sa pag-ayaw.”

قَالُوا رَبَّنَا أَمَتَّنَا اثْنَتَيْنِ وَأَحْيَيْتَنَا اثْنَتَيْنِ فَاعْتَرَفْنَا بِذُنُوبِنَا فَهَلْ إِلَىٰ خُرُوجٍ مِّن سَبِيلٍ(11)

Sila ay mangungusap: “Aming Panginoon! dalawang ulit na kami ay Inyong ginawa na mamatay (alalaong baga, kami ay patay mula sa laman ng aming ama at naging patay pagkatapos na pumanaw sa mundong ito) at kami ay dalawang ulit na ginawa Ninyo na mabuhay (alalaong baga, ang mabuhay ng kami ay ipinanganak at mabuhay muli sa araw ng pagbangon)! Ngayon ay aming nakilala ang aming mga kasalanan, mayroon baga kayang paraan na kami ay makawala rito?”

ذَٰلِكُم بِأَنَّهُ إِذَا دُعِيَ اللَّهُ وَحْدَهُ كَفَرْتُمْ ۖ وَإِن يُشْرَكْ بِهِ تُؤْمِنُوا ۚ فَالْحُكْمُ لِلَّهِ الْعَلِيِّ الْكَبِيرِ(12)

(At dito ay ipagbabadya): “Ito’y sa dahilan na noong si Allah lamang ang tinatawagan (upang sambahin), kayo ay nagtatakwil sa pananampalataya, datapuwa’t kung ang iba pang diyus-diyosan ay itambal sa Kanya, kayo ay nagsisisampalataya! Ang pag-uutos ay na kay Allah, ang Kataas-taasan, ang Pinakadakila!”

هُوَ الَّذِي يُرِيكُمْ آيَاتِهِ وَيُنَزِّلُ لَكُم مِّنَ السَّمَاءِ رِزْقًا ۚ وَمَا يَتَذَكَّرُ إِلَّا مَن يُنِيبُ(13)

Siya (Allah) ang nagpamalas sa inyo ng Kanyang Ayat (mga kapahayagan, katibayan, aral, tanda, atbp.) at nagparating sa inyo ng inyong ikabubuhay mula sa kalangitan; datapuwa’t sila lamang na tumatanggap ng paala-ala ang nagbabalik loob (kay Allah)

فَادْعُوا اللَّهَ مُخْلِصِينَ لَهُ الدِّينَ وَلَوْ كَرِهَ الْكَافِرُونَ(14)

Kaya’t tawagan mo (o Muhammad at kayo na mga sumasampalataya) si Allah ng may matimtimang debosyon sa Kanya kahit na ang mga hindi sumasampalataya ay mapoot dito

رَفِيعُ الدَّرَجَاتِ ذُو الْعَرْشِ يُلْقِي الرُّوحَ مِنْ أَمْرِهِ عَلَىٰ مَن يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ لِيُنذِرَ يَوْمَ التَّلَاقِ(15)

Siya ay Mataas sa Kanyang mga Katangian. Siya ang Panginoon ng Luklukan. Sa pamamagitan ng Kanyang pag-uutos ay Kanyang isinusugo ang Kanyang inspirasyon (patnubay) sa sinuman sa Kanyang mga alipin na Kanyang maibigan, upang (Kanyang) mabigyang babala (ang mga tao) sa araw ng pakikipagtipan (Araw ng Muling Pagkabuhay)

يَوْمَ هُم بَارِزُونَ ۖ لَا يَخْفَىٰ عَلَى اللَّهِ مِنْهُمْ شَيْءٌ ۚ لِّمَنِ الْمُلْكُ الْيَوْمَ ۖ لِلَّهِ الْوَاحِدِ الْقَهَّارِ(16)

Ang Araw na silang (lahat) ay magsisitambad. walang anumang bagay ang nakalingid kay Allah. Kanino pa kaya ang kaharian sa araw na yaon? Ito ay kay Allah, ang Nag- iisa, ang hindi mapapangibabawan

الْيَوْمَ تُجْزَىٰ كُلُّ نَفْسٍ بِمَا كَسَبَتْ ۚ لَا ظُلْمَ الْيَوْمَ ۚ إِنَّ اللَّهَ سَرِيعُ الْحِسَابِ(17)

Sa Araw na yaon ang bawat tao (kaluluwa) ay babayaran sa anumang kanyang kinita. walang anumang di katarungan ang mananaig sa Araw na yaon sapagkat si Allah ay Maagap sa pagsusulit

وَأَنذِرْهُمْ يَوْمَ الْآزِفَةِ إِذِ الْقُلُوبُ لَدَى الْحَنَاجِرِ كَاظِمِينَ ۚ مَا لِلظَّالِمِينَ مِنْ حَمِيمٍ وَلَا شَفِيعٍ يُطَاعُ(18)

Sila ay bigyan mo (o Muhammad) ng babala sa Araw na papalapit na (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay), kung ang mga puso ay mangyaring bumara sa kanilang lalamunan at hindi nila maibabalik ang kanilang (mga puso) sa kanilang dibdib at gayundin na ito ay kanilang iluwa. walang sinumang kaibigan o tagapamagitan ang makakamtan ng Zalimun (mga hindi sumasampalataya, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, mapaggawa ng kabuktutan, atbp.) upang makinig sa kanila

يَعْلَمُ خَائِنَةَ الْأَعْيُنِ وَمَا تُخْفِي الصُّدُورُ(19)

Si Allah ang nakakabatid sa lahat ng pagtataksil (kadayaan) ng mga mata, at ng lahat ng mga itinatago ng mga puso (ng mga tao)

وَاللَّهُ يَقْضِي بِالْحَقِّ ۖ وَالَّذِينَ يَدْعُونَ مِن دُونِهِ لَا يَقْضُونَ بِشَيْءٍ ۗ إِنَّ اللَّهَ هُوَ السَّمِيعُ الْبَصِيرُ(20)

At si Allah ay hahatol sa katotohanan (ng may katarungan) datapuwa’t ang kanilang mga tinatawagan maliban pa sa Kanya ay hindi makakahatol sa anumang bagay. Katotohanang si Allah ang Ganap na Nakakamasid, ang Lubos na Nakakarinig (ng lahat ng bagay)

۞ أَوَلَمْ يَسِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَيَنظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الَّذِينَ كَانُوا مِن قَبْلِهِمْ ۚ كَانُوا هُمْ أَشَدَّ مِنْهُمْ قُوَّةً وَآثَارًا فِي الْأَرْضِ فَأَخَذَهُمُ اللَّهُ بِذُنُوبِهِمْ وَمَا كَانَ لَهُم مِّنَ اللَّهِ مِن وَاقٍ(21)

Hindi baga sila nagsisipaglakbay sa kalupaan at napagmamalas kung ano ang kinasapitan ng mga nangauna sa kanila? Sila ay higit na mainam sa kanila sa lakas at sa mga bakas (na kanilang naiwan) sa kalupaan. Datapuwa’t si Allah ay sumakmal sa kanila sa kaparusahan dahilan sa kanilang kasalanan. At walang sinuman ang makakapangalaga sa kanila laban kay Allah

ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ كَانَت تَّأْتِيهِمْ رُسُلُهُم بِالْبَيِّنَاتِ فَكَفَرُوا فَأَخَذَهُمُ اللَّهُ ۚ إِنَّهُ قَوِيٌّ شَدِيدُ الْعِقَابِ(22)

Sapagkat sa kanila ay dumatal ang mga Tagapagbalita na may maliwanag (na mga Tanda), datapuwa’t itinakwil nila ito, kaya’t sila ay sinakmal ni Allah ng kaparusahan. Katotohanang si Allah ay Ganap na Malakas, ang Mahigpit sa Kaparusahan

وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا مُوسَىٰ بِآيَاتِنَا وَسُلْطَانٍ مُّبِينٍ(23)

Noon pang una, katotohanang Aming isinugo si Moises na dala ang Aming Ayat (mga kapahayagan, katibayan, aral, tanda, atbp.) at nang nagliliwanag na kapamahalaan

إِلَىٰ فِرْعَوْنَ وَهَامَانَ وَقَارُونَ فَقَالُوا سَاحِرٌ كَذَّابٌ(24)

Kay Paraon, Haman at Korah; datapuwa’t kanilang tinawag (siya na): “Isang manggagaway na nagsasabi ng kasinungalingan!”

فَلَمَّا جَاءَهُم بِالْحَقِّ مِنْ عِندِنَا قَالُوا اقْتُلُوا أَبْنَاءَ الَّذِينَ آمَنُوا مَعَهُ وَاسْتَحْيُوا نِسَاءَهُمْ ۚ وَمَا كَيْدُ الْكَافِرِينَ إِلَّا فِي ضَلَالٍ(25)

At nang ibigay niya sa kanila ang Katotohanan mula sa Amin, sila ay nangusap: “Patayin ninyo ang mga anak na lalaki ng mga mananalig sa kanya, at hayaan ninyo ang kanilang kababaihan na mabuhay.” Datapuwa’t ang tangka ng mga hindi sumasampalataya (ay nagwakas) sa wala maliban sa kamalian (at maling haka-haka)

وَقَالَ فِرْعَوْنُ ذَرُونِي أَقْتُلْ مُوسَىٰ وَلْيَدْعُ رَبَّهُ ۖ إِنِّي أَخَافُ أَن يُبَدِّلَ دِينَكُمْ أَوْ أَن يُظْهِرَ فِي الْأَرْضِ الْفَسَادَ(26)

Sinabi ni Paraon: “Ako ay iwan ninyo upang (aking) patayin si Moises; at hayaan siyang tumawag sa kanyang Panginoon! Ang aking pinangangambahan ay baka baguhin niya ang inyong paniniwala, o baka siya ay maging sanhi ng mga kalokohan dito sa kalupaan!”

وَقَالَ مُوسَىٰ إِنِّي عُذْتُ بِرَبِّي وَرَبِّكُم مِّن كُلِّ مُتَكَبِّرٍ لَّا يُؤْمِنُ بِيَوْمِ الْحِسَابِ(27)

Si Moises ay nagsabi: “Katotohanang ako ay nanawagan sa aking Panginoon at inyong Panginoon (bilang pananggalang) sa bawat palalo na hindi sumasampalataya sa Araw ng Pagsusulit!”

وَقَالَ رَجُلٌ مُّؤْمِنٌ مِّنْ آلِ فِرْعَوْنَ يَكْتُمُ إِيمَانَهُ أَتَقْتُلُونَ رَجُلًا أَن يَقُولَ رَبِّيَ اللَّهُ وَقَدْ جَاءَكُم بِالْبَيِّنَاتِ مِن رَّبِّكُمْ ۖ وَإِن يَكُ كَاذِبًا فَعَلَيْهِ كَذِبُهُ ۖ وَإِن يَكُ صَادِقًا يُصِبْكُم بَعْضُ الَّذِي يَعِدُكُمْ ۖ إِنَّ اللَّهَ لَا يَهْدِي مَنْ هُوَ مُسْرِفٌ كَذَّابٌ(28)

Isang nananampalataya, isang tao mula sa pamayanan ni Paraon, na naglilingid ng kanyang pananampalataya ang nagsabi: “Iyo bang papatayin ang isang tao dahilan sa siya ay nagsasabi ng: “Ang aking Panginoon ay si Allah?”, kung siya ay katotohanang pumarito sa iyo na may maliwanag na mga Tanda (mga katibayan) mula sa iyong Panginoon? At kung siya man ay maging sinungaling, sasakanya (ang kasalanan) ng kanyang kasinungalingan; datapuwa’t kung siya ay nagsasabi ng katotohanan, kung gayon ay sasapit sa iyo ang mga bagay (ng kapinsalaan) na kung saan ikaw ay kanyang pinaaalalahanan. Katotohanang si Allah ay hindi namamatnubay sa Musrif (isang mapagsamba sa diyus-diyosan, isang mamatay tao na nagpapadanak ng dugo ng walang karapatan, sila na gumagawa ng malalaking kasalanan, mapang-api at lumalabag sa mga utos), na isang nagsisinungaling!”

يَا قَوْمِ لَكُمُ الْمُلْكُ الْيَوْمَ ظَاهِرِينَ فِي الْأَرْضِ فَمَن يَنصُرُنَا مِن بَأْسِ اللَّهِ إِن جَاءَنَا ۚ قَالَ فِرْعَوْنُ مَا أُرِيكُمْ إِلَّا مَا أَرَىٰ وَمَا أَهْدِيكُمْ إِلَّا سَبِيلَ الرَّشَادِ(29)

“o aking pamayanan!, nasa sa inyo ngayon ang kapamahalaan sa araw na ito. Nasa sa inyo ang mataas na kamay (kapangyarihan) sa kalupaan; datapuwa’t sino ang tutulong sa atin sa kaparusahan ni Allah kung ito ay dumatal sa atin?” Si Paraon ay nagsabi: “Itinuturo ko lamang sa iyo kung ano ang aking nakikita (sa aking sarili); at hindi rin kita pinapatnubayan maliban sa landas ng katuwiran!”

وَقَالَ الَّذِي آمَنَ يَا قَوْمِ إِنِّي أَخَافُ عَلَيْكُم مِّثْلَ يَوْمِ الْأَحْزَابِ(30)

At nangusap ang tao na sumasampalataya: “o aking pamayanan! Katotohanang ako ay nangangamba para sa inyo sa isang bagay na katulad ng araw (ng kapahamakan) ng mga magkakapangkat (ng panahong nauna)

مِثْلَ دَأْبِ قَوْمِ نُوحٍ وَعَادٍ وَثَمُودَ وَالَّذِينَ مِن بَعْدِهِمْ ۚ وَمَا اللَّهُ يُرِيدُ ظُلْمًا لِّلْعِبَادِ(31)

Na katulad nang kinasapitan ng mga angkan ni Noe, ni A’ad, at ni Thamud, at sa mga sumunod sa kanila. Datapuwa’t si Allah ay hindi kailanman naghahangad ng kawalang katarungan sa Kanyang mga lingkod

وَيَا قَوْمِ إِنِّي أَخَافُ عَلَيْكُمْ يَوْمَ التَّنَادِ(32)

“At, o aking pamayanan! Pinangangambahan ko sa inyo ang Araw na magkakaroon nang sabay na pagtatawagan (sa pagitan ng mga tao nang Impiyerno at Paraiso)

يَوْمَ تُوَلُّونَ مُدْبِرِينَ مَا لَكُم مِّنَ اللَّهِ مِنْ عَاصِمٍ ۗ وَمَن يُضْلِلِ اللَّهُ فَمَا لَهُ مِنْ هَادٍ(33)

Sa Araw na kayo ay tatalikod at tatalilis. walang sinumang tagapagtanggol ang maaasahan ninyo mula kay Allah. Sinumang naisin ni Allah na mapaligaw, walang sinuman ang sa kanya ay makakapamatnubay

وَلَقَدْ جَاءَكُمْ يُوسُفُ مِن قَبْلُ بِالْبَيِّنَاتِ فَمَا زِلْتُمْ فِي شَكٍّ مِّمَّا جَاءَكُم بِهِ ۖ حَتَّىٰ إِذَا هَلَكَ قُلْتُمْ لَن يَبْعَثَ اللَّهُ مِن بَعْدِهِ رَسُولًا ۚ كَذَٰلِكَ يُضِلُّ اللَّهُ مَنْ هُوَ مُسْرِفٌ مُّرْتَابٌ(34)

“At sa inyo ay dumatal si Hosep, sa mga panahong lumipas na may dalang maliwanag na mgaTanda, datapuwa’t hindi kayo tumigil sa pag-aalinlangan tungkol (sa misyon) kung bakit siya ay isinugo; at sa kalaunan nang siya ay mamatay, kayo ay nagsabi: wala ng iba pang Tagapagbalita ang ipapadala ni Allah pagkatapos niya”. At sa ganito ay hinahayaan ni Allah na maligaw ang isang tampalasan at isang lagi nang may pag-aalinlangan (sa mensahe at Kaisahan ni Allah)

الَّذِينَ يُجَادِلُونَ فِي آيَاتِ اللَّهِ بِغَيْرِ سُلْطَانٍ أَتَاهُمْ ۖ كَبُرَ مَقْتًا عِندَ اللَّهِ وَعِندَ الَّذِينَ آمَنُوا ۚ كَذَٰلِكَ يَطْبَعُ اللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ قَلْبِ مُتَكَبِّرٍ جَبَّارٍ(35)

Sila na nagsisipagtalo tungkol sa mga Tanda ni Allah na walang anumang kapamahalaan ang iginawad sa kanila, ito ay katotohanang nakakasuklam sa paningin ni Allah at ng mga sumasampalataya. Sa ganito ay ipinipinid ni Allah ang puso ng bawat mapagpaimbabaw at mapaniil (upang hindi nila mapatnubayan ang kanilang sarili sa tamang landas)

وَقَالَ فِرْعَوْنُ يَا هَامَانُ ابْنِ لِي صَرْحًا لَّعَلِّي أَبْلُغُ الْأَسْبَابَ(36)

Si Paraon ay nagsabi: “O Haman! Itindig mo sa akin ang isang matayog na palasyo, upang aking marating ang mga daan

أَسْبَابَ السَّمَاوَاتِ فَأَطَّلِعَ إِلَىٰ إِلَٰهِ مُوسَىٰ وَإِنِّي لَأَظُنُّهُ كَاذِبًا ۚ وَكَذَٰلِكَ زُيِّنَ لِفِرْعَوْنَ سُوءُ عَمَلِهِ وَصُدَّ عَنِ السَّبِيلِ ۚ وَمَا كَيْدُ فِرْعَوْنَ إِلَّا فِي تَبَابٍ(37)

Ang mga daan upang (maabot) ko ang kalangitan, at doon ay aking makita ang Diyos ni Moises; datapuwa’t katotohanan, inaakala ko na siya ay sinungaling!” Kaya’t ito ay ginawang kalugod-lugod sa paningin ni Paraon, ang kasamaan ng kanyang mga gawa, at siya ay hinadlangan sa tamang landas at ang tangka ni Paraon ay naghatid sa kanya sa wala maliban sa pagkapariwara at kapinsalaan (sa kanya)

وَقَالَ الَّذِي آمَنَ يَا قَوْمِ اتَّبِعُونِ أَهْدِكُمْ سَبِيلَ الرَّشَادِ(38)

Ang tao na sumasampalataya ay muling nagsalita: “o aking pamayanan! Inyong sundin ako, at aking papatnubayan kayo sa tumpak na landas (alalaong baga, aking papatnubayan kayo sa relihiyon ni Allah, ang Kaisahan ni Allah at sa Islam na rito ay isinugo si Moises).”

يَا قَوْمِ إِنَّمَا هَٰذِهِ الْحَيَاةُ الدُّنْيَا مَتَاعٌ وَإِنَّ الْآخِرَةَ هِيَ دَارُ الْقَرَارِ(39)

“o aking pamayanan! Ang pangkasalukuyang buhay na ito ay isa lamang (pansamantalang) kasiyahan. Ang Kabilang Buhay ang siyang tahanan na magtatagal.”

مَنْ عَمِلَ سَيِّئَةً فَلَا يُجْزَىٰ إِلَّا مِثْلَهَا ۖ وَمَنْ عَمِلَ صَالِحًا مِّن ذَكَرٍ أَوْ أُنثَىٰ وَهُوَ مُؤْمِنٌ فَأُولَٰئِكَ يَدْخُلُونَ الْجَنَّةَ يُرْزَقُونَ فِيهَا بِغَيْرِ حِسَابٍ(40)

“Siya na gumawa ng kasamaan ay hindi babayaran maliban sa katumbas nito; at siya na gumawa ng matutuwid na gawa, lalaki man o babae, at isang mananampalataya; sila ang magsisipasok sa Halamanan (ng kaligayahan). dito, sasakanila ang kasaganaan na walang hanggan.”

۞ وَيَا قَوْمِ مَا لِي أَدْعُوكُمْ إِلَى النَّجَاةِ وَتَدْعُونَنِي إِلَى النَّارِ(41)

“At, O aking pamayanan! (Lubhang pambihira) na kayo ay tinatawagan ko para sa inyong kaligtasan habang ako naman ay tinatawagan ninyo sa Apoy!”

تَدْعُونَنِي لِأَكْفُرَ بِاللَّهِ وَأُشْرِكَ بِهِ مَا لَيْسَ لِي بِهِ عِلْمٌ وَأَنَا أَدْعُوكُمْ إِلَى الْعَزِيزِ الْغَفَّارِ(42)

“Ako ay tinatawagan ninyo upang manungayaw nang laban kay Allah at mag-akibat sa Kanya ng mga katambal na rito ay wala akong kaalaman. Aking tinatawagan kayo sa Kanya na Kataas-taasan sa Kapangyarihan at Lagi nang Nagpapatawad (ng mga kasalanan) nang Paulit-ulit!”

لَا جَرَمَ أَنَّمَا تَدْعُونَنِي إِلَيْهِ لَيْسَ لَهُ دَعْوَةٌ فِي الدُّنْيَا وَلَا فِي الْآخِرَةِ وَأَنَّ مَرَدَّنَا إِلَى اللَّهِ وَأَنَّ الْمُسْرِفِينَ هُمْ أَصْحَابُ النَّارِ(43)

“walang alinlangan na hinahangad ninyong manawagan ako sa kanya (diyus-diyosan) na walang kaangkinan upang tawagan maging sa mundong ito o sa Kabilang Buhay. Ang ating pagbabalik ay kay Allah at ang mga tampalasan sa paglabag ay maninirahan sa Apoy!”

فَسَتَذْكُرُونَ مَا أَقُولُ لَكُمْ ۚ وَأُفَوِّضُ أَمْرِي إِلَى اللَّهِ ۚ إِنَّ اللَّهَ بَصِيرٌ بِالْعِبَادِ(44)

“Hindi magtatagal ay inyong maaala-ala kung ano ang aking sinasabi sa inyo (ngayon). Ang aking (sariling) pangyayari (kahahantungan) ay inilalaan ko kay Allah; sapagkat si Allah ay lagi nang nagmamasid sa Kanyang mga lingkod.”

فَوَقَاهُ اللَّهُ سَيِّئَاتِ مَا مَكَرُوا ۖ وَحَاقَ بِآلِ فِرْعَوْنَ سُوءُ الْعَذَابِ(45)

Kaya’t iniligtas siya ni Allah sa lahat ng mga kasamaan na tinangka nila (laban sa kanya), habang ang masamang kaparusahan ay bumalot sa pamayanan ni Paraon

النَّارُ يُعْرَضُونَ عَلَيْهَا غُدُوًّا وَعَشِيًّا ۖ وَيَوْمَ تَقُومُ السَّاعَةُ أَدْخِلُوا آلَ فِرْعَوْنَ أَشَدَّ الْعَذَابِ(46)

Sa Apoy; sila ay nakatambad dito sa umaga at hapon at sa araw na ang Takdang Sandali ay ititindig (ang mga anghel ay pagsasabihan): “Hayaan ang pamayanan ni Paraon ay pumasok sa pinakamatinding kaparusahan!”

وَإِذْ يَتَحَاجُّونَ فِي النَّارِ فَيَقُولُ الضُّعَفَاءُ لِلَّذِينَ اسْتَكْبَرُوا إِنَّا كُنَّا لَكُمْ تَبَعًا فَهَلْ أَنتُم مُّغْنُونَ عَنَّا نَصِيبًا مِّنَ النَّارِ(47)

At pagmasdan! Sila ay magsisipagtalo-talo sa apoy! Ang mga mahihina (na sumunod) ay magsasabi sa mga palalo: “Aming sinunod lamang kayo, mangyaring kunin ninyo sa amin ang ilang bahagi ng Apoy?”

قَالَ الَّذِينَ اسْتَكْبَرُوا إِنَّا كُلٌّ فِيهَا إِنَّ اللَّهَ قَدْ حَكَمَ بَيْنَ الْعِبَادِ(48)

Sila na mga palalo ay magsasabi: “Tayong lahat (ay sama-sama) sa (Apoy) na ito. Katotohanang si Allah ay humatol sa pagitan ng Kanyang mga lingkod!”

وَقَالَ الَّذِينَ فِي النَّارِ لِخَزَنَةِ جَهَنَّمَ ادْعُوا رَبَّكُمْ يُخَفِّفْ عَنَّا يَوْمًا مِّنَ الْعَذَابِ(49)

Sila na nasa Apoy ay magsasabi sa mga tagapagbantay ng Impiyerno: “Manalangin kayo sa inyong Panginoon na pagaanin sa amin ang kaparusahan ng Apoy kahit na sa isang araw (lamang)!”

قَالُوا أَوَلَمْ تَكُ تَأْتِيكُمْ رُسُلُكُم بِالْبَيِّنَاتِ ۖ قَالُوا بَلَىٰ ۚ قَالُوا فَادْعُوا ۗ وَمَا دُعَاءُ الْكَافِرِينَ إِلَّا فِي ضَلَالٍ(50)

Sila ay mangungusap: “Hindi baga nakarating sa inyo ang mga Tagapagbalita na may dalang maliwanag na mga Tanda at Katibayan?” Sila ay magsasabi: “Tunay nga.” Sila ay papakli: “Kung gayon, manalangin kayo (sa nais ninyo)! Datapuwa’t ang panalangin ng mga walang pananampalataya ay walang saysay maliban sa kamalian!”

إِنَّا لَنَنصُرُ رُسُلَنَا وَالَّذِينَ آمَنُوا فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا وَيَوْمَ يَقُومُ الْأَشْهَادُ(51)

Katotohanan na walang pagsala na Aming gagawin na matagumpay ang Aming mga Tagapagbalita at ang mga sumasampalataya (sa Kaisahan niAllah, sa Islam) sa buhay sa mundong ito at sa Araw na ang mga saksi ay magsisitambad (sa Araw ng Muling Pagkabuhay)

يَوْمَ لَا يَنفَعُ الظَّالِمِينَ مَعْذِرَتُهُمْ ۖ وَلَهُمُ اللَّعْنَةُ وَلَهُمْ سُوءُ الدَّارِ(52)

Sa Araw na ang kanilang mga dahilan ay walang magiging kapakinabangan sa Zalimun (mga tampalasan, buktot, mapagsamba sa diyus-diyosan, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, atbp.). Sasakanila ang sumpa at ang tahanan ng kapighatian (kaparusahan sa Impiyerno)

وَلَقَدْ آتَيْنَا مُوسَى الْهُدَىٰ وَأَوْرَثْنَا بَنِي إِسْرَائِيلَ الْكِتَابَ(53)

Noong panahong nauna ay katotohanang Aming ibinigay kay Moises ang Patnubay at hinayaan Namin ang Angkan ng Israel ay magmana sa Kasulatan (alalaong baga, ang Torah [mga Batas)

هُدًى وَذِكْرَىٰ لِأُولِي الْأَلْبَابِ(54)

Isang patnubay at paala-ala sa mga tao na may pang-unawa

فَاصْبِرْ إِنَّ وَعْدَ اللَّهِ حَقٌّ وَاسْتَغْفِرْ لِذَنبِكَ وَسَبِّحْ بِحَمْدِ رَبِّكَ بِالْعَشِيِّ وَالْإِبْكَارِ(55)

Kaya’t maging matimtiman (O Muhammad). Katotohanan, ang pangako ni Allah ay tunay, at humingi ng kapatawaran sa iyong pagkukulang at luwalhatiin sa pagpupuri ang iyong Panginoon sa dapithapon at sa umaga

إِنَّ الَّذِينَ يُجَادِلُونَ فِي آيَاتِ اللَّهِ بِغَيْرِ سُلْطَانٍ أَتَاهُمْ ۙ إِن فِي صُدُورِهِمْ إِلَّا كِبْرٌ مَّا هُم بِبَالِغِيهِ ۚ فَاسْتَعِذْ بِاللَّهِ ۖ إِنَّهُ هُوَ السَّمِيعُ الْبَصِيرُ(56)

Katotohanan, sila na nagsisipagtalo sa Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.) ni Allah, na sa kanila ay walang kapamahalaang iginawad, wala ng iba pa ang nasa kanilang dibdib maliban (sa paghanap) ng kapalaluan (ayaw tumanggap kay Propeta Muhammad bilang isang Tagapagbalita ni Allah at sundin siya). Hindi nila ito makakamit (ang pagiging propeta na ipinagkaloob ni Allah sa iyo). Kaya’t humanap ka (O Muhammad) ng kanlungan kay Allah (laban sa mga palalo); katotohanang Siya ang Lubos na Nakakarinig, ang Ganap na Nakakamasid (ng lahat ng bagay)

لَخَلْقُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ أَكْبَرُ مِنْ خَلْقِ النَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَعْلَمُونَ(57)

Katotohanan, ang pagkalikha sa mga kalangitan at kalupaan ay higit na mataas (na bagay) kaysa sa pagkalikha ng tao; datapuwa’t ang karamihan sa mga tao ay walang kaalaman

وَمَا يَسْتَوِي الْأَعْمَىٰ وَالْبَصِيرُ وَالَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ وَلَا الْمُسِيءُ ۚ قَلِيلًا مَّا تَتَذَكَّرُونَ(58)

Hindi magkatulad ang mga bulag at mga nakakakita (nang maigi); gayundin naman, hindi magkatulad ang mga gumagawa ng kabutihan at mga gumagawa ng kabuktutan. Kakarampot lamang ang natutuhan ninyo mula sa pagpapaala-ala

إِنَّ السَّاعَةَ لَآتِيَةٌ لَّا رَيْبَ فِيهَا وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يُؤْمِنُونَ(59)

Ang Sandali ay walang pagsalang daratal; dito ay walang alinlangan. Datapuwa’t ang karamihan ng mga tao ay hindi sumasampalataya

وَقَالَ رَبُّكُمُ ادْعُونِي أَسْتَجِبْ لَكُمْ ۚ إِنَّ الَّذِينَ يَسْتَكْبِرُونَ عَنْ عِبَادَتِي سَيَدْخُلُونَ جَهَنَّمَ دَاخِرِينَ(60)

At ang inyong Panginoon ay nagsabi: “Manawagan kayo sa Akin; diringgin Ko ang inyong panalangin, datapuwa’t sila na lubhang palalo na maglingkod sa Akin ay katotohanang papasok sa Impiyerno na hindi magbabawa (ang Apoy).”

اللَّهُ الَّذِي جَعَلَ لَكُمُ اللَّيْلَ لِتَسْكُنُوا فِيهِ وَالنَّهَارَ مُبْصِرًا ۚ إِنَّ اللَّهَ لَذُو فَضْلٍ عَلَى النَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَشْكُرُونَ(61)

Si Allah ang lumikha ng Gabi sa inyo upang kayo ay makapagpahingalay, at ng Araw, upang mabigyan kayo ng liwanag. Katotohanang si Allah ay Tigib ng Biyaya sa mga tao; datapuwa’t ang karamihan sa mga tao ay walang pasasalamat

ذَٰلِكُمُ اللَّهُ رَبُّكُمْ خَالِقُ كُلِّ شَيْءٍ لَّا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ۖ فَأَنَّىٰ تُؤْفَكُونَ(62)

Siya si Allah, ang inyong Panginoon, ang lumikha ng lahat ng bagay. La ilaha illa Huwa (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya); kung gayon, bakit kayo naligaw nang malayo sa katotohanan (sa pagsamba sa iba pa maliban pa kay Allah)

كَذَٰلِكَ يُؤْفَكُ الَّذِينَ كَانُوا بِآيَاتِ اللَّهِ يَجْحَدُونَ(63)

Sa ganito Namin itinataboy ang mga tao na nagtatakwil sa Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.) ni Allah

اللَّهُ الَّذِي جَعَلَ لَكُمُ الْأَرْضَ قَرَارًا وَالسَّمَاءَ بِنَاءً وَصَوَّرَكُمْ فَأَحْسَنَ صُوَرَكُمْ وَرَزَقَكُم مِّنَ الطَّيِّبَاتِ ۚ ذَٰلِكُمُ اللَّهُ رَبُّكُمْ ۖ فَتَبَارَكَ اللَّهُ رَبُّ الْعَالَمِينَ(64)

Si Allah ang lumikha para sa inyo ng kalupaan bilang inyong pahingahan, at ng alapaap bilang isang kulandong, at Kanyang binigyan kayo ng hubog at ginawa Niya ang inyong mga hugis na maganda, at naggawad Siya sa inyo ng ikabubuhay; ng mga bagay na dalisay at mabuti. Siya si Allah, ang inyong Panginoon. Kaya’t luwalhatiin si Allah, ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang

هُوَ الْحَيُّ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ فَادْعُوهُ مُخْلِصِينَ لَهُ الدِّينَ ۗ الْحَمْدُ لِلَّهِ رَبِّ الْعَالَمِينَ(65)

Siya ang walang Hanggang Buhay. La ilaha illa Huwa (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya); kaya’t manawagan kayo sa Kanya at ibigay ninyo sa Kanya ang inyong matapat na debosyon. Purihin si Allah, ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang

۞ قُلْ إِنِّي نُهِيتُ أَنْ أَعْبُدَ الَّذِينَ تَدْعُونَ مِن دُونِ اللَّهِ لَمَّا جَاءَنِيَ الْبَيِّنَاتُ مِن رَّبِّي وَأُمِرْتُ أَنْ أُسْلِمَ لِرَبِّ الْعَالَمِينَ(66)

Ipagbadya (o Muhammad): “Ako ay pinagbawalan na sambahin ang anumang inyong sinasamba tangi pa kay Allah; sapagkat aking namasdan ang mga maliwanag na Tanda na dumatal sa akin mula sa aking Panginoon at ako ay pinag-utusan na tumalima (sa Islam) at sa Panginoon ng lahat ng mga nilalang.”

هُوَ الَّذِي خَلَقَكُم مِّن تُرَابٍ ثُمَّ مِن نُّطْفَةٍ ثُمَّ مِنْ عَلَقَةٍ ثُمَّ يُخْرِجُكُمْ طِفْلًا ثُمَّ لِتَبْلُغُوا أَشُدَّكُمْ ثُمَّ لِتَكُونُوا شُيُوخًا ۚ وَمِنكُم مَّن يُتَوَفَّىٰ مِن قَبْلُ ۖ وَلِتَبْلُغُوا أَجَلًا مُّسَمًّى وَلَعَلَّكُمْ تَعْقِلُونَ(67)

Siya (Allah) ang lumikha sa inyo mula sa alabok (Adan), at pagkatapos ay mula sa Nutfah (magkahalong patak ng semilya ng lalaki at babae, alalaong baga, mga supling ni Adan), at pagkatapos ay naging tila lintang kimpal ng laman, at pagkatapos ay inilabas kayo (sa liwanag) bilang isang sanggol; at Kanyang hinayaan kayo (na lumaki) sa hustong gulang na puno ng lakas; at pagkatapos ay Kanyang hinayaan kayo sa pagtanda, bagama’t ang iba sa inyo ay namatay nang maaga; at hinayaan Niya na marating ninyo ang natataningang panahon; upang kayo ay makaunawa

هُوَ الَّذِي يُحْيِي وَيُمِيتُ ۖ فَإِذَا قَضَىٰ أَمْرًا فَإِنَّمَا يَقُولُ لَهُ كُن فَيَكُونُ(68)

Siya (Allah) ang naggagawad ng Buhay at Kamatayan; at kung Siya ay magpasya sa isang pangyayari, Siya ay magwiwika lamang ng: “Mangyari nga!” at ito ay magaganap

أَلَمْ تَرَ إِلَى الَّذِينَ يُجَادِلُونَ فِي آيَاتِ اللَّهِ أَنَّىٰ يُصْرَفُونَ(69)

Hindi baga ninyo namamasdan sila na nagsisipagtalo tungkol sa Ayat (mga tanda, kapahayagan, katibayan, aral, atbp.) ni Allah? Tingnan kung paano sila lumalayo (sa Katotohanan, alalaong baga, ang Kaisahan ni Allah laban sa kabulaanan nang pagsamba sa mga diyus-diyosan)

الَّذِينَ كَذَّبُوا بِالْكِتَابِ وَبِمَا أَرْسَلْنَا بِهِ رُسُلَنَا ۖ فَسَوْفَ يَعْلَمُونَ(70)

Sila na nagtatakwil sa Aklat (ang Qur’an) at sa (kapahayagan) na Aming ipinadala sa Aming mga Tagapagbalita (alalaong baga, ang sumamba lamang kay Allah at magtakwil sa lahat ng mga huwad na diyus-diyosan at magpahayag ng muling pagkabuhay matapos ang kamatayan); hindi maglalaon ay kanilang mapag-aalaman (kung sila ay ihahagis na sa apoy ng Impiyerno)

إِذِ الْأَغْلَالُ فِي أَعْنَاقِهِمْ وَالسَّلَاسِلُ يُسْحَبُونَ(71)

Kung ang kuwelyong bakal ay ipupulupot na sa kanilang leeg, at ang kadena; sila ay hahataking kasama nito

فِي الْحَمِيمِ ثُمَّ فِي النَّارِ يُسْجَرُونَ(72)

Sa kumukulong tubig na maanta, at sa Apoy sila ay susunugin

ثُمَّ قِيلَ لَهُمْ أَيْنَ مَا كُنتُمْ تُشْرِكُونَ(73)

At sa kanila ay ipagsasaysay: “Nasaan ang (lahat) ng mga diyus-diyosan na inyong binibigyan ng inyong pagsamba (at iniaakibat bilang mga katambal)

مِن دُونِ اللَّهِ ۖ قَالُوا ضَلُّوا عَنَّا بَل لَّمْ نَكُن نَّدْعُو مِن قَبْلُ شَيْئًا ۚ كَذَٰلِكَ يُضِلُّ اللَّهُ الْكَافِرِينَ(74)

Maliban pa kay Allah?” Sila ay magsisisagot: “Sila ay nawalang bula sa amin. Hindi, kami ay hindi nanawagan (sa pagsamba) sa anupaman maging noong una.” Kaya’t sa ganito inaakay ni Allah ang mga hindi sumasampalataya sa pagkaligaw

ذَٰلِكُم بِمَا كُنتُمْ تَفْرَحُونَ فِي الْأَرْضِ بِغَيْرِ الْحَقِّ وَبِمَا كُنتُمْ تَمْرَحُونَ(75)

“Ito’y sa dahilan na kayo ay nangagagalak dito sa kalupaan sa mga bagay na iba sa katotohanan (sa pamamagitan nang pagsamba sa iba sa halip na si Allah at sa paggawa ng mga katampalasanan) at kayo ay lubhang nagsisipagsaya (sa kamalian)

ادْخُلُوا أَبْوَابَ جَهَنَّمَ خَالِدِينَ فِيهَا ۖ فَبِئْسَ مَثْوَى الْمُتَكَبِّرِينَ(76)

“Magsipasok kayo sa mga tarangkahan ng Impiyerno upang dito manahan; at kasamaan ang tirahan ng mga mapagpalalo!”

فَاصْبِرْ إِنَّ وَعْدَ اللَّهِ حَقٌّ ۚ فَإِمَّا نُرِيَنَّكَ بَعْضَ الَّذِي نَعِدُهُمْ أَوْ نَتَوَفَّيَنَّكَ فَإِلَيْنَا يُرْجَعُونَ(77)

Kaya’t maging matiyaga ka (O Muhammad). Tunay ngang ang pangako ni Allah ay Katotohanan; at kahit na Aking ipamalas sa iyo (sa buhay na ito) ang ilang bahagi ng Aming ipinangako sa kanila, o pahintulutan Namin na ikaw ay mamatay (sa Aming Habag), magkagayunman, sa Amin pa rin ang kanilang pagbabalik

وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا رُسُلًا مِّن قَبْلِكَ مِنْهُم مَّن قَصَصْنَا عَلَيْكَ وَمِنْهُم مَّن لَّمْ نَقْصُصْ عَلَيْكَ ۗ وَمَا كَانَ لِرَسُولٍ أَن يَأْتِيَ بِآيَةٍ إِلَّا بِإِذْنِ اللَّهِ ۚ فَإِذَا جَاءَ أَمْرُ اللَّهِ قُضِيَ بِالْحَقِّ وَخَسِرَ هُنَالِكَ الْمُبْطِلُونَ(78)

At katotohanang Kami ay nagpadala ng mga Tagapagbalita nang una pa sa iyo (o Muhammad); ang iba ay Aming inilahad sa iyo ang kanilang kasaysayan at ang iba ay hindi Namin inilahad sa iyo, at hindi (Namin) binigyan ng kapamahalaan ang sinumang Tagapagbalita na magdala siya ng Tanda maliban na pahintulutan ni Allah. Datapuwa’t kung ang pag-uutos ni Allah ay naipalabas na, at ang bagay- bagay ay napagpasiyahan na sa katotohanan at katarungan, ang mga tagasunod ng kasinungalingan ay maglalaho (sa kapariwaraan)

اللَّهُ الَّذِي جَعَلَ لَكُمُ الْأَنْعَامَ لِتَرْكَبُوا مِنْهَا وَمِنْهَا تَأْكُلُونَ(79)

Si Allah ang lumikha ng hayop (bakahan at kauri nito) para sa inyo upang kayo ay makasakay sa ilan sa kanila, at ang iba ay bilang inyong pagkain

وَلَكُمْ فِيهَا مَنَافِعُ وَلِتَبْلُغُوا عَلَيْهَا حَاجَةً فِي صُدُورِكُمْ وَعَلَيْهَا وَعَلَى الْفُلْكِ تُحْمَلُونَ(80)

At kayo ay marami pang ibang kapakinabangan sa kanila, gayundin sa pamamagitan nila ay inyong maaabot ang inyong naisin na nasa inyong dibdib (magdala ng mga paninda, dalahin, atbp.) at sa pamamagitan nila, at sa mga barko kayo ay dinadala (isinasakay)

وَيُرِيكُمْ آيَاتِهِ فَأَيَّ آيَاتِ اللَّهِ تُنكِرُونَ(81)

At ipinamamalas Niya sa inyo (nang palagian) ang Kanyang mga Tanda at Katibayan (ng Kanyang Kaisahan sa lahat ng mga binanggit sa itaas); kung gayon, alin sa mga Tanda at Katibayan ni Allah ang inyong itinatatwa

أَفَلَمْ يَسِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَيَنظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الَّذِينَ مِن قَبْلِهِمْ ۚ كَانُوا أَكْثَرَ مِنْهُمْ وَأَشَدَّ قُوَّةً وَآثَارًا فِي الْأَرْضِ فَمَا أَغْنَىٰ عَنْهُم مَّا كَانُوا يَكْسِبُونَ(82)

Hindi baga sila nagsisipaglakbay sa kalupaan at napagmamalas kung ano ang kinasapitan noong mga nangauna sa kanila? Sila ay higit na marami kaysa sa kanila at higit na malakas, at sa mga bakas (na kanilang naiwan) sa kalupaan; gayunman ang lahat ng kanilang nakamtan ay walang kapakinabangan sa kanila

فَلَمَّا جَاءَتْهُمْ رُسُلُهُم بِالْبَيِّنَاتِ فَرِحُوا بِمَا عِندَهُم مِّنَ الْعِلْمِ وَحَاقَ بِهِم مَّا كَانُوا بِهِ يَسْتَهْزِئُونَ(83)

At kung ang kanilang mga Tagapagbalita ay dumatal sa kanila na may maliwanag na katibayan, sila ay masaya (at nagmamalaki) sa mga bagay na sila ay may kaalaman (sa makamundong bagay), at ang bagaynalaginangtinutuyanilanoonaynakapaligidsakanila (alalaong baga, ang kaparusahan)

فَلَمَّا رَأَوْا بَأْسَنَا قَالُوا آمَنَّا بِاللَّهِ وَحْدَهُ وَكَفَرْنَا بِمَا كُنَّا بِهِ مُشْرِكِينَ(84)

Kaya’t nang kanilang mapagmalas ang Aming kaparusahan, sila ay nagsabi: “Kami ay sumasampalataya lamang kay Allah at kami ay nagtatakwil (sa lahat) ng anupaman na aming iniaakibat sa Kanya bilang (Kanyang) katambal

فَلَمْ يَكُ يَنفَعُهُمْ إِيمَانُهُمْ لَمَّا رَأَوْا بَأْسَنَا ۖ سُنَّتَ اللَّهِ الَّتِي قَدْ خَلَتْ فِي عِبَادِهِ ۖ وَخَسِرَ هُنَالِكَ الْكَافِرُونَ(85)

Datapuwa’t ang pagsasabi nila ng kanilang pananampalataya (sa Islam at sa Kaisahan ni Allah) sa sandaling makita nila ang Aming kaparusahan ay hindi makakapagbigay ng kapakinabangan sa kanila. Ito, noon pa, ang paraan nang pakikitungo ni Allah sa Kanyang mga alipin. At dito ang mga hindi sumasampalataya ay lubusang napariwara (nang ang Aming kaparusahan ay lumagom sa kanila). 748 mgA titik hA At mA


المزيد من السور باللغة الفلبينية:

سورة البقرة آل عمران سورة النساء
سورة المائدة سورة يوسف سورة ابراهيم
سورة الحجر سورة الكهف سورة مريم
سورة السجدة سورة يس سورة الدخان
سورة النجم سورة الرحمن سورة الواقعة
سورة الحشر سورة الملك سورة الحاقة

تحميل سورة غافر بصوت أشهر القراء :

قم باختيار القارئ للاستماع و تحميل سورة غافر كاملة بجودة عالية
سورة غافر أحمد العجمي
أحمد العجمي
سورة غافر خالد الجليل
خالد الجليل
سورة غافر سعد الغامدي
سعد الغامدي
سورة غافر سعود الشريم
سعود الشريم
سورة غافر عبد الباسط عبد الصمد
عبد الباسط
سورة غافر عبد الله عواد الجهني
عبد الله الجهني
سورة غافر علي الحذيفي
علي الحذيفي
سورة غافر فارس عباد
فارس عباد
سورة غافر ماهر المعيقلي
ماهر المعيقلي
سورة غافر محمد جبريل
محمد جبريل
سورة غافر محمد صديق المنشاوي
المنشاوي
سورة غافر الحصري
الحصري
سورة غافر العفاسي
مشاري العفاسي
سورة غافر ناصر القطامي
ناصر القطامي
سورة غافر ياسر الدوسري
ياسر الدوسري



Saturday, January 18, 2025

لا تنسنا من دعوة صالحة بظهر الغيب